2. Hindi ko akalain na darating ang araw
Mga pagbabago sa ating Lipunan
Unti-unting nangyayari at
nasasakatuparan
Hindi ba ang gusto lang naman natin ay
kaunlaran?
3. Kaya hindi na ko magtataka pa
Kung madami akong makitang kakaiba
na sa paglipas ng panahon sino mag
aakala
Pagbabago sa ating komunidad
nagyayari na
4. Nuon, patintero, sipa at luksong tinik ang
libangan
Ngayon at puro na cellphone at computer
ang laging hanap ng mga Kabataan
Hindi na naghihiyawan sa kalye
Habang naglalaro ng tagu-taguan.
Hindi mo ba namimiss ang mga ganyang
mga tawanan?
5. Noon, bus at dyip lamang ang sinasakyan
Ngayon, ay mayroon ng kotse na para sa
kanila
Kumportable kung sakyan
Sapagkat mayroon ng iskuter na ginagamit
Upang makarating sa pupuntahan.
6. Madami man ang mga pagbabago
Ang mahalaga ay natututo tayo
Tinatanggap, tumatayo ng buong-buo
Hindi nag-iisip ng mga negatibo
Kung ang hangarin na magandang dulot
nito.
7. 1. Anong mga pagbabago sa komunidad ang nabanggit
sa tula?
2. Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng may-akda
habang sinusulat ang tula?
3. May mga pagbabago din ba kayong nakikita sa inyong
komunidad? Ano ito?
4. Bakit kaya ang pamagat ng tula ay “Noon at
Ngayon?”
5. Kung ikaw ay papipiliin ano ang gusto mo ang Noon ?
O ang Ngayon? Bakit?