1. MGA KALYE SA SAMPALOC NA MAY
KAUGNAYAN KAY RIZAL
By: CACHO, SHENNA MAE
1ChE-B
2. Noong panahon ng pananakop ng mga
Amerikano sa Pilipinas, pinili nila si Rizal bilang
Pambansang Bayani upang magkaroon ng
magandang imahe sa mata ng mga Pilipino.
Mula noon ay hindi na nila itinigil ang
pagpapalaganap ng pagmamahal/pagdakila kay
Rizal. Ang pagbabago ng Sampaloc noong 1910-
1930 ay isa sa mga paraan upang ipakita ang
Rizalismo (pagdakila kay Rizal) sa isang lungsod
katulad ng Maynila. Sa huli, pinangalanan ng
pamahalaan ang mga kalye sa Sampaloc na may
kaugnayan kay Dr. Jose Rizal.
3. ITO ANG MGA KALYE SA SAMPALOC NA MAY KINALAMAN
KAY DR. JOSE P. RIZAL:
Ibarra
Maria Clara
Simoun
San Diego
Elias
Macaraig
Instruccion
Leonor Rivera
Quiroga
Basilio
Josefina
Pi Y Margal
Musa
Kundiman
Metrica
Laong Laan
Dimasalang
Casanas
Blumentritt
Andrade
4. ANG MGA PANGALAN NG MGA KALYENG SUMUSUNOD AY
GALING SA MGA TAUHAN AT LUGAR SA DALAWANG LIBRO NI
RIZAL NA NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO.
Ibarra – Isa sa mga pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere. Sa totoong buhay ay
inirerepresinta niya si Rizal.
Simoun – Siya ang bida sa El Filibusterismo at siya rin si Crisostomo Ibarra. Isa
siyang mayamang mag-aalahas na bumalik makalipas ang labintatlong taon para
makuha si Maria Clara at mapabagsak ang pahalaang kastila.
Maria Clara – Isa rin sa mga pangunahing tauhan sa Noli na syang kasintahan ni
Rizal. Siya ay si Leonor Rivera sa totoong buhay.
Elias – Ang matalik na kaibigan ni Crisostomo
Basilio – Isa sa mga anak ni Sisa. Siya ang batang sakristan sa Noli at siya ay
makakapagtapos na ng pagdodoktor sa Fili. Siya unang nakaalam sa sikreto ni
Simoun.
San Diego – ang pangunahing lugar sa Noli Me Tangere
Macaraig – ang mayamang kaklase ni Isagani.
Quiroga – Ang tsinong negosyante at tagapagtago ng mga sandata ni Simoun
5. ANG MGA SUMUSUNOD NAMAN NA KALYE AY
IPINANGALAN SA MGA NAKILALA NI RIZAL AT
NAGING MALAPIT SA KANYA.
Leonor Rivera – Isa sa mga babaeng minahal ni Rizal. Siya ay si
maria Clara sa Noli Me Tangere at Paulita Gomez sa El
Filibusterismo.Siya rin ang naging inspirasyon kay Rizal.
Napangasawa niya si Henry Kipping.
Blumentritt – Si Propesor Ferdinand Blumetritt, ang Austrisiyano,
ang direktor ng Ateneo ng Leitmeritz, Austria. Siya ang matalik na
kaibigan ni Rizal. Ang turing niya kay Rizal ay tunay na anak
niya.
Casanas – Si Padre Pedro Casanas ay ang ninong ni Rizal.
Pi Y Margal – Si Francisco Y Margal ay ang kaibigan ni Rizal sa
Masoneriya. Siya ang dating Pangulo ng Unang Republikang
Espanyol.
Andrade – Si Jose Taviel de Andrade ang naging tagapagbantay
kay Rizal sa mga paglalakbay niya.
Josefina – Si Josephine Bracken, ang asawa ni Rizal.
6. ANG MGA KALYE TULAD NG MUSA, INSTRUCCION,
KUNDIMAN, AT METRICA AY NANGGALING NAMAN SA MGA
SULAT NI RIZAL.
Musa – Ito ay ang “A Mi Musa” isa siyang tula na isinulat ni Rizal sa
La Solidaridad. Ipinahayag nito ang problema ng Calamba. Maari
ring ito ay ipinangalan sa isang grupo na sinalihan ni Rizal noong
nag-aaral siya sa Ateneo (Society of Muses).
Instruccion – nakuha ito sa isa sa mga sulatin ni Rizal, ang “La
Instruccion”. Ipinahayag nito ang edukasyon at ang mga kabataan ay
ang nagbibigay ng pag-asa sa bayan.
Kundiman – ito ay nakuha sa isa sa mga tula ni Rizal, ang
“Kundiman”. Ipinapahayag nito ang kalayaan ng Pilipinas sa mga
Kastila.
Metrica – nakuha ito sa isa sa mga sulatin ni Rizal, ang “Arte
Metrica Del Tagalog” (Metrical Art of the Tagalog)
7. ANG KALYE NAMAN NA DIMASALANG AT LAONG LAAN
AY MGA PANGALAN NA GINAMIT NIYA SA IBA NIYANG MGA
SULATIN.
Dimasalang – ang ibig sabihin ay “Hindi Masalang”
(untouchable). Ito ang ginamit niyang alyas sa
pagsulat ng mga artikulo sa La Solidaridad.
Laong Laan – ang ibig sabihin ay “Matagal Ng
Handa”. Ito ang alyas na ginamit ni Rizal sa
pagsulat ng Noli Me Tangere.