This includes the definition of chick literature, the background of chick literature in the Philippines, why is it popular and some examples of this literature.
This includes the definition of chick literature, the background of chick literature in the Philippines, why is it popular and some examples of this literature.
para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
This presentation contains different kinds of Philippine legends: Legend of Sampaguita, Legend of Hundred Islands, Legend of Rain, Legend of Shark and Legend of Earthquake.
(Ang presentation na ito ay naglalaman ng iba't ibang uri ng alamat tulad ng Alamat ng SAmpaguita, Sandaang Pulo, Ulan, Pating at Lindol. )
1. Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut
na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong
nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang
kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at
halaman.
Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga
Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa
awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng
mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni
Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya.
Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang
kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.
“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit
at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.”
Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.
“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”
“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit
ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa
kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi
nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo
ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas
na ito.”
Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang
nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na
kulungan ang Buto.”
Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan,
at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.
Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay
sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito
2. sa pag-indak. Napapasabay din sa pagimbay ang mahagway na Kawayan
kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang
na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap
ang parol nila.
Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at
lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang
mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang
mga ugat sa ilalim ng lupa.
Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at
kinakaliglig sa lamig ang Buto.
“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi
ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa
labas.”
Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang
panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng
Kasoy ang abuhing Buto nito.
Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.
[tabby title=”Pangalawang Bersyon”]
3. ANG ALAMAT NG KASOY
Noon unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito.
Lungkot nap lungkot ang buto sapagkat madilim Na madilim SA loob ng
kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan
ang Ada ng kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat
ng hayop at halaman.
Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng
mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay
sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang
mga Usa ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zebra ang Tsonggo.
Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni
Saging ang Papaya.
Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya sa
kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkot na lungkot.
“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng
awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.”
Naulinigan ng makapangyarihang Ada ang himutok ng Buto.
“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”
“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit
ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa
kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi
nakikita pa ang katuwaan ng lahat.
Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana
ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito.”
Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang
nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na
kulungan ang Buto.
4. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan
at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.
Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay
sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepante ay kumembut-kembot ito
sa pag-indak. Napapasabay din sa pag-imbay ang mahagway na kawayan
kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ang bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang
makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga
alitaptap ang parol nila.
Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid.
Nahalinhan ng takot ang lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng
Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kweba.
Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.
Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at
kinakaligkig sa lamig ang Buto.
“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw.
Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat.
A…Ayoko na sa labas.”
Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang
panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng
Kasoy ang abuhing Buto nito.
Iyan ang alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.
[Ikatlong Bersyon”]
Hinding hindi ko malilimot ang munting bayang iyon na nasa tabi ng dagat.
Ito’y mistulang kabibing itinapon sa gitna ng tubig. Parang biyaya ng
kalikasan, kapirasong matabang lupang kapatagan na ang mga paa ay
nabababad sa alat – iyan ang NASUGBU.
5. Minahal ko ang kanyang maliliit na burol at mga talampas at lumalagaslas
na batis. Walang maipaglihim na kagandahan ang bayang yaon pagka’t ang
lahat na’y aking sinaliksik. Ako ngayon ay nasapusod ng Mindanao subali’t
ang apat na taong aking ipinamalagi roon ay laging nagsasayaw sa aking
balintataw. Ako’y palaaral ng buhay ng tao at sapagka’t ako’y isang guro kaya
natutuhan ko ang mga ugali, pamahiin at tradisyon ng mga mamamayan
doon.
Samantalang sinusulat ko ito ay nagbabalik mandin ang aking gunita sa
bayang iyong pinatamis ng asukal at pulot-pukyutan. Ang sumusunod ay
isang alamat na napulot ko roon.
Sakaling may isang manlalakbay na magawi sa bandahing iyon, walang
salang maririnig niya ang alamat na ito na ginagawang panghele ng mga ina
sa duyan ng mga bunso, ikinukuwento ng mga lolo sa kanilang mga apo at
pinapaksa ng mga binata’t dalaga sa kanilang usapan samantalang
nagpapainit sa kalan lalo’t malamig ang Pasko.
Noo’y Himagsikan ng 1896. Ang pag-ibig ay laging bahagi ng digma.
Si Milda ay dalaga ng nayon at libu-libo ang kanyang tagahanga. Si Nardo
nama’y isang binatang mangingibig na nagkapalad sa lalong mapalad
sapagka’t ang kanyang pag-ibig ay tinugon ni Milda ng kapwa pag-ibig. Si
Nardo ay napabilang sa mga unang kawal na pumalarangan sa digma upang
ipagtanggol ang karangalan ng bayang api. Kanyang ikinalulungkot na lisanin
si Milda nguni’t kailangan nang masugpo ang pagmamalabis ng mga Kastila.
“Milda, ipangako mo sa akin na ikaw ay si Milda rin sa aking pagbabalik.”
“Ako’y nangangako!
“Anaki’y di mo ikinababalisa ang aking pag-alis!”
“Ikinatutuwa ko ang iyong paglisan hindi dahil hindi kita minamahal kundi
sapagka’t nag-uumapaw ang pag-ibig ko sa Inang bayan. Ang iyong pag-alis
ay nangangahulugan ng kanyang katubusan. Tinatawag ka ng tungkulin.
Hindi maaaring ikaw ay laging nasa aking piling. Alam mo ba kung ilang mga
tahanan ang nawasak dahil sa panggagahis ng ating mga kaaway?”
6. “Subali’t Milda, kita’y iniibig!”
“Mahalin mo ang bayan nang higit kaysa akin!”
“Kasama mo ako hanggang libingan!”
At sila’y naghiwalay.
Nagtumulin ang paglipas ng mga araw. Walang balita galing kay Nardo.
Tapos na ang Himagsikan at nag-uwian na ang mga kawal nguni’t walang
Nardong nagbalik! Siya kaya’y isa sa mga sinawing-palad?
Si Milda, sa paglipas ng mga araw ay sumailalim sa mga pagsubok! Kanya
kaya itong mapaglalabanan? Siya ay maganda. Ayaw niyang sayangin ang
kagandahang iyon upang malaing sa init ng tag-araw. Siya’y bata pa. Nasa
kanyang dugo ang pusok ng paghihimagsik.
Nasa kabataan ang paglimot. Ang kabataan ay nakadarama; ang
katandaa’y tagagunita lamang! Siya ba’y inilaang maghintay na walang
katapusan? Maraming mga binatang nagpapaligsahan sa paghingi ng
kanyang kamay!
“Talaga bang hindi mo malilimot si Nardo?” anang isang mangingibig.
“Ang panahon lang ang nakababatid. Ang panahon lang ang makahihilom sa
matanda nang sugat!”
“Anong kahulugan ng iyong pagpapakasakit gayong alam ng madla na si
Nardo ay nasawi sa labanan? Nasaksihan ng aking mga mata ang kanyang
dakilang pagkamatay sa labanan sa Kakarong!”
Ang panunuyo ay natapos sa altar. Sina Milda at Nilo ay nagtaling-puso.
Ipinailanglang ng dupiki ng batingaw ang kasayahan subali’t ang buhay ay di
laging ngiti at awit; manapa’y ito’y isang mahabang rosaryo ng pagtitiis.
Minsan, si Nilo ay wala sa tahanan. Siya’y may pinuntahan kaya si Milda
ay napag-isa. Noo’y hatinggabi. Siya’y balisa at hindi mapalagay. May narinig
siyang halinghing ng kabayo. Kinamaya-maya’y isang lalaking nakarayadilyo
ang kumatok sa pinto. Siya ay nakapasok at si Milda’y nagitlahanan at di
makapagsalita.
7. “Milda, kay aga mong nakalimot!”
“Nardo, Saan ka nagsuot sa marami nang mga taon? Maaari… bang…
Maaari ka bang magpatawad? Bigyan mo ako ng pagkakataong
magpaliwanag.”
“Nababatid ko na ang lahat. Hindi na kailangan ang paliwanag. Ang Diyos ang
magpapatawad.
Hindi ako. Ang aki’y paghihiganti! Milda, ikaw ay may utang na dapat
pagbayaran. Ako’y naparito upang maningil. Kung batid mo lamang ang mga
hirap na aking tiniis! Hindi ka sana naging malabiga!”
Napahandusay si Milda sa sahig at nawalan ng ulirat.
Isinakamay ni Nardo ang batas. Di ba’t siya ang batas? Di ba’t ang lakas
ang siyang batas? Itinaas ni Nardo ang kampilan, at itinuon ang mga mata sa
langit saka nagdasal: “Patawarin mo ako, O Diyos. Ito na po lamang ang
tanging landas!”
Kanyang biniyak ang dibdib ni Milda at kinuha ang puso. “Sa kanya,
sinuman siya, ang laman, subali’t sa akin… ang para sa akin ay ang puso
pagka’t ako’y tapat hanggang wakas!”
Ibinaon ni Nardo sa looban ang puso ni Milda. Ito’y lagi niyang dinidilig
tuwing umaga. Inalagaan niya nang buong ingat at anong pagtataka niya
nang mamalas ang maliit na halamang tumubo sa kanyang pinagbaunan. Ang
halaman ay parang hinuhugot sa paglaki dahil sa tulong ng araw at ulan,
hanggang sa ito’y mamulaklak. At di kasi, ang mga bulaklak ay naging mga
bunga.
Isang hapon nang si Nardo ay nagpapahinga sa lilim ng halaman, siya’y
nalaglagan ng isang bungang hinog. Hindi napagwari ni
Nardo kung anong uri ng bunga ang kanyang pinagmasdan. Tinanong niya
ang sarili kung bakit ang buto ay nasa labas! Ito ay hugis puso na pabiyak.
Iyan kaya ang puso ni Milda?
Noo’y lumulubog na ang araw sa abuhing Bundok ng Tagaytay. Sa duklay
ng sanga ng halaman ay may kulasising umawit. Si Nardo’y tila nangangarap.
Lumuhod at nanalangin: “Diyos ko, si Milda ba’y Inyong pinatatawad?”
8. Mandi’y parang baliw si Nardo. Kinain niya ang buto sa halip na bunga. Noon
di’y siya’y namatay subali’t ang kasoy hanggang sa mga sandaling ito’y
naroroo’t buhay, namumunga at sumasagisag sa pagtataksil ng apo ni Eva.