5. Habang kausap ni Mang Tino ang
guwardya ay nakita niya ang
fountain ng paaralan. Lubhang
humanga siya kaya‟t patakbo siyang
pumunta doon. Hindi niya napansin
ang isang batang naglalakad at ito ay
nabunggo niya. Agad niyang
tinulungan ito at sinabing sorry,
hindi ko sinasadya”. “Walang
anuman” ang tugon naman ng bata.
6.
7. “Ako naman po si Dino, bagong magaaral sa paaralang ito”, ang sabi
naman niya. Lumapit si Mang Tino sa
anak “Mawalang galang na po
Ma’am” sabi ng ama sa guro.
“Kailangan lang po namin ng anak ko
na pumunta na sa Tanggapan ng
Punongguro pahabol pa niya.
“Maraming salamat po”, ang sabi
naman ni Dino sa guro.
8. • 1. Saan pumunta ang mag-amang Tino at Dino?
Bakit sila naroroon?
• 2. Ano ang nakatawag pansin kay Dino sa
pagpasok nila sa loob ng paaralan?
• 3. Ano-anong magagalang na salita ang nabanggit
sa kuwento?
• 4. Sa inyong palagay, dapat bang ipakita ang
paggalang sa kapwa bata at pamunuan ng
paaralan?
9.
10. PAG-USAPAN NATIN
• 1. Sino-sino ang bumubuo ng pamunuan ng paaralan?
• 2. Paano ipinakikita ng mga bata ang paggalang sa
pamunuan ng paaralan?
• 3. Bilang isang mag-aaral, bakit kinakailangan mong
ipakita ang paggalang sa pamunuan ng paaralan?
• 4. Magbigay ng ilan pang mga halimbawa ng
magagalang na pananalita na maaari nating gamitin sa
pakikipag-usap sa pamunuan ng iyong paaralan.
11. • Ating Tandaan
• Ang paggamit ng magagalang na katawagan,
at mga salita ay tanda ng pagiging magalang.
Dapat natin itong gamitin sa paikipag-usap sa
mga namamahala ng ating paaralan.
12. • Gawain 2
• Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon.
Isulat ang dapat mong sabihin upang
maipakita ang paggalang sa kapwa. Gawin ito
sa inyong kuwaderno.
13. • 1. Dadaan ka sa gitna ng dalawang tao na
• nag-uusap.
• 2. Bumisita ang punong-guro ng paaralan sa
•
•
•
•
inyong silid aralan.
3. Magpapaalam ka sa iyong guro upang
pumunta ka sa palikuran.
4. Humihiram sa iyo ng aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao
ang iyong kaklase ngunit hindi mo pala dala ito.
• 5. Isinasauli mo sa kaklase mo ang hiniram mong krayola
pagkatapos mong gamitin.
14. • Basahin ang sumusunod na pag-uugali na
isinasaad ng bawat pangungusap.
• Isulat sa papel ang tsek ( kung ito ay
)
nagpapakita ng paggalang at ekis ( naman
)
kung hindi.
15. • 1. Inaaway ko ang aking katabi sa upuan kapag
hindi nakatingin ang aming guro.
• 2. Binabati ko ng “Magandang Umaga” ang
punong-guro ng aming paaralan sa tuwing siya ay
makakasalubong ko.
• 3. Tinatawag ko sa palayaw ang guro namin kapag
nasa labas siya ng paaralan.
• 4. Humihingi ako ng paumahin sa guwardya ng
aming paaralan kapag ako ay nagkamali.
• 5. Inihahagis ko sa tindera ang aking bayad sa
biniling pagkain sa kantina.