1. Araling Panlipunan 6 – 3rd Quarter | Topic 3 Part 1
Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa
2. Ang soberanya ay kapangyarihan ng estado na mapangalagaan
at maipatupad ang layunin nito para sa mga mamamayan.
Tayong lahat at may pananagutan na pangalagaan ang
soberanya at kalayaan ng ating bansa.
3.
4. 1. Malaya sa pakikialam ng ibang mga bansa,
makapangyarihan man o hindi;
2. Pantay – pantay na pribelehiyo sa ilalim ng batas
pandaigdig;
3. Pagkakaroon ng ari-arian sa Pilipinas;
5. 4. Pagpapasunod sa mga tao sa kaniyang teritoryo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng batas;
5. Pagkakaroon ng ugnayan sa ibang bansa;
6. Makapagpapadala ng kinatawan o ambassador sa ibang
bansa at tumanggap ng ambassador mula sa ibang
bansa;
6. 7. Itatwa ang digmaan bilang pambansang polisiya; at
8. Sumang – ayon sa patakarang pangkapayapaan,
pagkakapantay – pantay, katarungan, kalayaan,
pagtutulungan, at pakikipagkaibigan sa iabng bansa at
mga pandaigdigang organisasyon.
7. Batay sa pagpapakahulugan sa konsepto ng
soberanya na kapangyarihan ng estado na pamunuan ang
kaniyang nasasakupan ng walang impluwensiya ng mas
makapangyarihang puwersa, masasabing hindi Malaya ang
isang bansa na hindi ganap ang soberanya dahil maaari pa
rin itong ipasailalim sa mas makapangyarihang bansa.
8. Maaaring magkaroon ng sariling kasarinlan ang
isang bansa ngunit patuloy pa rin ang pasalalay nito sa
tulong at suporta sa kolonyalista.