1. ~ 1 ~
Obra Maestra sa Panahon Bago dumating
ang mga Kastila
BUGTONG
Bulaklak muna ang dapat gawin,
Bago mo ito kainin.
SAGOT: SAGING
SALAWIKAIN
Ang hindi napagod magtipon,
Walang hinayang magtapon.
________________________________________________
Obra Maestra sa Panahon ng mga Kastila
TULANG PANALANGIN
AMA KO SA LANGIT
I
Dakilang Ama sa ikapitong langit,
Salamat sa buong isang taong marikit,
Puno man ng pagsubok, unos na malupit,
Matibay pa rin an gaming pagkapit.
II
Ikaw Ama naming, ang aming sandalan,
Alam kong hindi kami pababayaan,
Kami ma’y laging ballot ng kasalanan,
Ibigay mo pa rin ang kapatawaran.
III
Ang aming kapwa na nagkasala,
Sa amin ng lubos ay pinatawad na,
Nagsusumamong ganun din naman sana,
Ang sa amin ay iginawad, parang awa mo na.
IV
Kung naging suwail kaming mga anak,
Nakahandang ilhad itong mga palad,
Paluin mo kami ng pamalong hawak,
Upang magtanda nga at kami’y tumatag.
V
Tiklop-tuhod, Ama, kaming nanliliit,
Sinasamba ka naming walang pagsusulit,
Wala nga kaming itulak-ikabig,
Sa banal mong pangalan kami’y nakasalig
2. ~ 2 ~
VI
At sa oras na ito Diyos naming banal,
Inilapit din naming itong mga hangal,
Natutulog na puso, diwa na mabagal,
Sakupin mo sana ng kayong balabal.
VII
Hanggang dito Ama an gaming patangis,
Ika’y aming iniibig ng labis,
Ilayo sa disgrasya, kabutuhan ang ibihis,
Gabayan mo kami sa mundong mabilis.
VIII
Idinadalangin naming ang lahat ng ito,
Sa pangalan ng ‘yong anak na si Kristo,
Tagapagligtas naming sa daigdig na ito,
Upang ipag-adya sa lupit ng impyerno.
TULA SA DIYOS
Pag-ibig na ating Diyos
Sa pag-ibig ng ating Diyos,
Maraming biyaya ang bumuhos,
Kasama na rito ang pagdurusa,
At pigahati pagkatapos ng ligaya.
Sa pagmamahal mo sa sansinukob,
Binigyan mo kami ng lakas ng loob,
Na harapin ang darating na bukas,
Ng may tapang at lakas.
Walang maliw ka naming mamahalin,
Hinding-hindi ito kayang bilhin,
Habang buhay ko itong ipagmamalaki
Sa mga Kristiyano man o hindi.
3. ~ 3 ~
Kami ay laging nandirito,
Patuloy na magbubunyi sa panagalan mo,
Nawa’y lagi kaming bigyan na pag-asa
Sa gitna ng hirap at pagdurusa.
Lagi kang nandiyan,
Tuwing ika’y aming kailangan,
O Mahal na Ama,
Ikaw an gaming pag-asa
________________________________________________
Obra Maestra sa Panahon ng Propaganda at
Himagsikan
Tula sa pakikidigma
Rosas ng Digma
Sumibol sa isang panahong marahas,
Bawat pagsubok kayong hinarap,
At hangga’t laya’y di pa nakakamtan,
Buhay mo’y laging laan.
Namumukadkad at puno ng sigla,
Tulad mo’y rosas sa hardin ng digma,
At di maiwasang sayo ay humanga,
Ang tulad kong mandirigma.
Ako’y nangangarap na ika’y makasama,
Taglay ang pangakong iingatan kita,
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa,
Hinding-hindi kukupas at di malalanta.
Tula para sa bayan
Lalaban ka ba para sa bayan?
Itong kalayaan na
Ating nais matamasa
Ito’y sinimulan na
Ng dugo at ng buhay
Ng mga bayaning nauna.
4. ~ 4 ~
Ito’y di maikukubli
Laban nilang may saysay
At ating ipagpatuloy
Nang siyang umani
Dulot bayang Malaya.
At sana di magwakas
Maging totoo at wagas
Ating lahing Pilipino
Sa kapwa at sa mundo
Taas noo kahit kanino.
Di ibaling wala lang
Itong kalayaang ninanais
Tayo ngayo’y
Tinatawag na ng panahon
Lalaban ka ba para sa bayan?
Obra Maestra sa Panahon ng Amerikano
Maikling kuwento
ININGATANG YAMAN
Sa isang iskinita na ang paligid ay puno ng basura,
masangsang na amoy at puno ng putik ang paligid. Kasabay
ng mga ingay ng sasakyan at sigawan ng mga tao ang
pagkurap ng ilaw ng poste, at matatanaw ang mga batang
nag-uumpukan sa isang sulok at nagsasalo-salo sa iisang
plastic na naging hingahan ng kanilang sama ng loob,
sumbungan ng kanilang problema at naghahatid sa kanila
sa mundong iba sa karaniwan. Isa dito si Joseph. Marungis,
gula-gulanit ang damit at bakas mo sa kanyang mukha ang
hapis ng problemang kanyang tinitiis. Tandang-tanda pa ni
Joseph noon ng ipaubaya siya ng kanyang ina sa isang
kaibigan sa Ermita. Umalis ito at hinagkan siya ng may ngiti
sa mga labi, di niya alintana na iyon nap ala ang huling ngiti
ng kanyang ina na masisilayan. Lumipas ang dalawang araw
naganap ang pangyayaring nagpabago sa buhay ng batang
si Joseph. Nasunog ang tahanan ng kumupkop sa kanya at
ito ay namatay. Ang batang si Joseph ay naging palaboy at
kadalasa’y gulpi ang inaabot sa ibang mga bata sa
lansangan. Hanggang sa makita at kupkupin nina Claring at
Poldo na tumayong kanyang ama’t ina.
“Hayop ka Poldo”
“hayop”
“Ano gusto mong gawin ko?”
“Magtrabaho ka naman” sigaw ni Claring
5. ~ 5 ~
Sanay na si Joseph sa umagang ganito pagkat ito na
ang araw-araw na naririnig sa pagtatalo nina Claring at
Poldo.
“Lumayas ka na dito” pasigaw na sinabi ni Poldo
“Hayop ka talaga , batugan ka”
“Ako pa palalayasin mo samantalang puro bisyo lang
alam mong hayop ka”
“Alak, sigarilyo at pambababae ang alam mo”
“Magtrabaho ka naman” tugon ni Claring kay Poldo
“Eh galit na naman ang Walang hiya ah..”
“Natalo ka kasi sa pusoy dun sa patay eh”
pambabara ni Poldo kay Claring
Araw-araw ay lumalakad si Joseph para maglinis ng
mga kotse mamalimos sa daan at mangalakal ng basura
upang may maibigay sa kanyang ama at ina.
Mula noo’y , laging timba, sako at pala ang hawak ng
kangyang kamay at ‘ni minsa’y di niya nakilala ang lapis at
papel.
Isa rin sa mga batang naroroon ay si Ozman, bata
pa lamang ay nasawi na ang kanyang mga magulang sa
aksidente ng mahulog ang bus na sinasakyan nito sa
bundok. Naulila siya at naging haligi sa kanyang dalawa
pang kapatid. Tumira sila sa isang barung-barong na itinayo
sa ilalim ng tulay ng Delpan. Araw-araw siyang
nagtatrabaho upang mairaos ang kanilang pagkalam ng
sikmura. Madalas ding masangkot sa gulo at palaging
bugbog ang katawan na dahilan ng pagkabali ng kanang
braso nito.
“Takbo, Takbo”
“May parak, may parak takbo”
“Karpyo”
Nagtakbuhan ang lahat sa narinig na sigaw na bumalot sa
madilim na iskinita
“Bilisan n’yo, Tumakbo na kayo”
Sigaw ng batang nagkukumahog na ipabatid pa sa ibang
naroon.
Hindi agad naunawaan ni Ozman ang sigaw ng
tumatakbo, subalit laking gulat na lamang nito ng makita
ang mga lalaking naka-asul at pawang ang pangangatawan
ay matipuno.
“Anak ng tokwa oh”
“Lagot na. . . May pulis”
Sa paghakbang ng mga paa nito ay dali-dali itong
papalayo sa lugar niyang kinatatayuan subalit isang
mahigpit na kapit sa kanyang braso ang nadama at halos
mapasigaw sa pagkakabigla.
“San ka pupunta?” tanong ng pulis
“Sir, dito lang po, inutusan po kasi ako sir eh”
paliwanag ni Ozman sa pulis
“Anung inutusan? Sino lolokohin mu?”
“Hala sige, dun ka”
“Pumunta ka dun”
“Sir, huwag naman po sir”
“Ano matigas ba ulo mo?”
“Sinabi ng dun ka eh”
Walang nagawa si Ozman at sumunod sa utos ng pulis sa
kanya.
Habang papalapit sa sulok ay nakita niya ang iba
pang mga bata at pinaupo sila. Mga ilang sandal ay isinakay
na sila sa isang jeep.
6. ~ 6 ~
“Sir, nautusan lang po ako sir” sigaw paring pilit ni
Ozman sa mga nag-uusap na pulis, subalit di nila ito
pinansin.
“Idederetso na po ba eto sir?”
“Ah sige, Sa RAC nyo na dalhin yang mga yan”
“Ok na naman sa Soc ial Worker ang mga yan eh”
Dinala sila sa RAC at duo’y nakita nila ang iba pang
mga batang nahuli na gumagala sa lansangan. Pamilyar na
mukha ang nakaagaw ng pansin ni Ozman, nakita niya si
Joseph na isa din sa nahuli sa karpyo.
“ Hoy! Nahuli ka din?” tanong ni Ozman kay Joseph
“Hahaha, Ou eh, nadulas kasi ako eh”
“Eh sakto namang andun yung mga Damulag, kaya
ayun eto kasama mo dito”
“Eh, ikaw?”
“di ko agad narinig na may pulis na eh”
“Hahahaha, kaya ayun andito kasama mo din”
Nagkausap at nagkasama ang dalawa sa loob ng
RAC, panay tawanan ang maririnig sa kanila na tila akala
mo’y malayo sa problemang araw-araw nilang
pinagdadaanan. Nagkapalagayan ng loob at nanging matalik
na magkaibigan. Sa gitna ng kanilang pag-uusap iniabot ni
Ozman kay Joseph ang isang kuwintas na gawa sa sinulid at
walang halaga kung iyong susuriin subalit ito’y naging tanda
ng kanilang pagkakaibigan. Biglang naalala ni Ozman ang
mga kapatid na kanyang naiwan. At si Joseph naman ay
nag-aalala sa sasapitin pagbalik niya sa bahay. Tuwing siya
ay umuuwi, ibinibigay niya kaagad kay Poldo na iniuubos
lamang sa pag-inom ng alak at pagsusugal ni Claring. Isang
gabi, dala ng malakas na ulan ay walang sasakyan na nilinis
at halos walang kalakal na nakuha kaya’t walang perang
naiabot si Joseph. Dahil dito, ang naging hapunan nito ay
pawang suntok at tadyak sa maliit nitong katawan. Kaya’t
pilit niyang ginagawa ang lahat upang may maiabot lamang
at di na danasin ang lupit ng kapalaran.
Lumipas ang ilang araw, at muli na nilang
masisilayan ang ngiti ng lansangan. Sila’y madalas ng
magkasama at umiikot sa mga daan upang makakuha ng
mga bagay na maaaring ibenta. Naging masaya ang dalawa
at naging mas malapit ang loob sa isa’t isa.
Madaling –araw noon at halos ang tandang ay tulog
pa at di pa handa sa pagtilaok. Humahangos sa pagtakbo si
Ozman, pasan-pasan ang isa sa kanyang kapatid. Walang
malay, maraming pantal at tuloy-tuloy ang pagdurugo ng
ilong nito. At ang katawa’y tila gulay nang nalanta.
Pagkarating sa ospital ay kinausap agad si Ozman ng
babaeng nakaputi.
“Iho, nasan ang mga magulang nyo?”
“Wala nap o maam”
“Kamag-anak?”
“Bakit po ba?”
“kasi kailangan ng pera , Iho”
“Mukhang dengue ang sakit ng kapatid mo”
“Kinakailangan ng ipalaboratory yan ng mabigyan na
ng gamut”
Nagulat si Ozman at nasabi na lamang sa kausap na:
“Sige po, pupuntahan ko po”
Naalala niya ang tiyahin niya sa Bangkusay at dati
nilang pinupuntahan noong buhay pa ang kanyang ama.
Nang makita pa lamang siya nito ay kaagad siyang pinaalis
at itinaboy. Gayumpaman, kinulit pa rin ito ni Ozman dahil
kinakailangan niya ng pera , pantustos sa kapatid na walang
malay. Subalit imbis na tulungan ay pawang mga mura
lamang at panunumbat ang ibinigay sa kanya.
7. ~ 7 ~
Pawis na pawis at tila umiikot ang paligid, di
mapalagay sa nangyayari at inaalala ang kapatid na
nakaratay. Tulala ng makita nito ang kaibigang si Ozman ni
Joseph.
“Hoy! Ano problema? Tulala ka ah?”
“kailangang-kailangan ko ng pera, ang kapatid ko ay
nasa ospital ngayon”
“Oh bakit? Anong nangyari?
“Sabi sa akin nung nakaputi, ay dengue daw at
kailangan ng malaking pera para pambiling gamut”
“Paano yan? San tayo iikot niyan?”
Biglang natahimik si Ozman at muling natulala. Nag-isip
si Joseph na maari niyang gawin para makatulong sa
kaibigan. Nang biglang sumagi sa isip niya ng bagay na ni
minsan ay di niya ginawa sa kanyang buhay.
Tanghali noon, katirikan ng sikat ng araw ngunit
halos mapuno ang palengke sa dami ng tao na namimili.
Maingay, magulo at dikit-dikit ang mga tao dahil siksikan at
nagmamadaling makabili ng kanilang mga kakailanganin sa
lulutuing tanghalian. Noong araw ding iyon ay naglalakad
sina Joseph at Ozman. Kasabay ng mainit na paligid ay ang
mainit din na kanilang mga mata sa mga namimiling
nakakasalubong.
Napatigil ang ilan sa mga nagtitinda at mga
nagtatawaran sa isang sigawbna bumalot sa buong
palengke.
“Magnanakaw, habulin ninyo yung bata”
“Magnanakaw” sigaw isang babaeng halos paiyak na.
Nagkagulo ang mga tao sa paligid at hinabol ng iilan
ang bata. Umabot sila sa kalye sa paghabol sa bata at
natigilan na lamang ng makita nilang huminto ang isang
bus.
Dala –dala ni Ozman ang pitaka at patungo na siya
sa ospital. Habang siya’y tumatakbo sa ibabaw ng tulay,
sumabit ang kuwintas at ito’y napatid ng di niya
namamawalayan. Nakita niya na nagkakagulo ang mga tao
sa ibaba at nakapalibot na tila may tinitignan sa gitna nito.
Biglang naalala niya ang sinabi ni Joseph sa kanya
“Bilisan mo at mag-ingat ka ah”
“Pumunta ka agad sa ospital ng maabutan mo pa
ang iyong kapatid na buhay”
Pagkarating niya sa ospital ay dumeretso agad ito sa
hinihigaang kama ng kanyang kapatid. Nagulat siya nang
makita niya na iba na ang pasyenteng nakahiga sa kama.
Agad niyang tinanong ang mga tao sa paligid subalit walang
sumasagot sa kanya. Nang biglang may lumapit sa kanya
na Aling nakaputi, iba sa naunang Aleng kanyang nakita.
Tinanong niya ito
“Nasan na po ba yung kapatid ko?” tanong ni Ozman
at halos mahina na ang tinig.
Itinuro sa kanya ng Ale ang silid sa bandang ibaba ng
ospital.
Malakas na busina na bus ang umalingawngaw,
habang ang isang bata ay patuloy pa din sa pagtakbo
kasunod ng mga lalaking humahabol sa kanya. Nagulungan
ang maliit nitong katawan at halos lumabas ang buto sa
laman nito. Umagos ang dugo sa daan habang hawak nito
sa kanyang kamay ang munting bagay na kanyang
iniingatang yaman.
8. ~ 8 ~
Tulang papuri sa dakilang bayani
Jose Rizal; Ama ng bayan
Namulat ako sa isang pambihirang tao,
Bata pa ako sya’y naging idolo ko,
Marahil kaya siya’y may angking talino,
O puso na marangal at di manloloko.
Sa kanyang iniwang bakas tayo’y lumakas,
Baying ilipinas may malayang bukas,
Minulat ang bayan sa maling sistema,
Pinukaw hinangad kalayaan ng bansa.
Sa pagpanaw niya’y lumiyab mga damdamin,
Inspirasyon sa rebolusyong bumago sa atin,
Si Jose Rizal di lang bayani ng bayan,
Sya ang pambihirang ama ng ating bayan.
Obra Maestra sa Panahon ng mga Hapon
Haiku para sa kaibigan
Kung maghahanap,
Kaibigang kausap,
Dapat ay tapat.
Tanaga para sa tunay na kaibigan
Kaibigan kong tunay,
Laging umaagapay,
Sa ‘kin nagbibigay kulay,
Sa tuwing nalulumbay.
9. ~ 9 ~
Obra Maestra sa Panahon ng Isinauling
kalayaan
Tulang may sukat
LIGAYA
Noon labis sa’yo akong nakatitig,
Mayumi mong mukha’y sa ‘kin nagpaantig,
Walang masasabi saan ‘mang pagtingin,
Namumukod tangi at walang pintasin.
Ang mga mata’y sa iyo itinuon,
Pagngiti ang sa ‘ki’y iyong itinugon,
Wari bangkay nang di magawang bumangon,
Alinlangan kung ‘to ba’y isang ilusyon.
Sa ‘kin lumapit nang di ko akalain,
Biglang napatigil ng ka’y nakatingin,
Iyong iniabot mumunting sulatin,
Na ibig mong ako’y iyong kaibiganin.
Pilit mang itago ang sayang nadama,
Pagkat nakilala ikaw na dakila,
Ang bait mong taglay tunay na ka’iba,
Pangarap kong labis ka pang makilala.
Nanahan ka dito sa aking isipan,
Di na mawawaglit kahit na kailanman,
Tatak sa ‘king puso ang iyong pangalan,
Aking iingatan at aalagaan.
Malayang taludturang tula
Isang Gilid na Pag-ibig
Bakit ka nakalimot?
Ako na iyong masugid na tagahanga,
Ako na naging tunay sa’yo at tapat,
Ako na naghintay at patuloy na umaasa,
Ako na sa’yo’y tumitingla,
naghahangad na ika’y yumuko,
upang ako’y iyong makita.
Bakit mo ako nilimot?
Sa hindi paghingi ng anumang atensyon
Na iyong sa aki’y pinagkait,
Kaya’t laging nadarama ng puso’y sakit
At pagsusumamo ko’y abot hanggang langit,
Ngunit pag-ibig ko sa’yo kailanma’y di ko pinilit.
Bakit di kita malimot?
Ang iyong tinig na patuloy umaawit,
sa ‘king pandinig,
Ang iyong halimuyak na nanunuot
Sa aking kaloobang humihikbi,
Ngunit, Tama pa ba na ito’y madama?
Kung ako na lamang ba
Ang mag-isang nagmamahal?
10. Obra Maestra sa Panahon ng Batas Militar at
~ 10 ~
Kasalukuyan
Tawag ng Bayan
Lalabas at lalabas bayaning
Dakila sa ating puso’y liliyab
Una kina Lapu-lapu at Soliman
Para sa bayan laban sa dayuhan.
Sa kapanahunan ng kastila
Hangad pagbabago at kalayaan
Pinukaw ni Rizal at Bonifacio
Damdaming bayaning Pilipino.
Pagdating ng mga Amerikano
Eduaksyon, industriya, natamo
Sila Quezon, Roxas at Osmena
Nagbigay lay independensya
Nung digmaan laban sa Hapon
Hindi tayo umurong tumipon
Lumalaban nagkaisa ang lakas
Nakita baying malayang bukas.
At dumating ang Martial Law
Protesta sa kalsada ang sigaw
Mapang-api’t binging gobyerno
Si Ninoy Aquino ang katapat nito.
Buhay inalay para sa Pilipino
At People Power kasunod nito
Rebolusyong di lang nagbago
Sa atin, sama pa buong mundo.
Pilipino may galing at talino
Makadiyos at may prinsipyo
Makabayan totoong makatao
Ngayon tayo’y tinatawag nito
11. ~ 11 ~
Labanan katiwalian at abuso
Baguhin ang sistema isapuso
Kung lahat magtulong-tulong
Tiyak pang-angat at pag-asenso.
Awit
Tayo’y Magkaisa
Katulad ng apoy ang pag-ibig natin,
Katulad din ng patak ng ulan,
Di ba’t pag-ibig ang nagbuklod sa atin upang magkaisa?
Sa ligaya’t mga kabiguang tayo’y nagkasama.
Sa init at lamig ng lansangan, isabuhay ang ating awit
Tulad ng isang bagong umaga, liwanag ang hatid niya
Malayo pa an gating lalakbayin, maraming awit pang
lilikhain
Hangga’t isa ang puso at damdamin, laya ay darating din
Ang ating ay awit ng kalayaan
Ang ating himig ay pag-ibig
Hanggang kayo ay kasama ko lilikha tayo ng awit
Apoy itong magliliyab sa magdamag.