2. Ayon kina Clarke at Clarke (2005), ang pananaliksik ay
isang maingat, sistematiko at obhetibong
imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga
balidong katotohanan, makabuo ng konklusyon, at
makalikha ng mga simulaing kaugnay ng tinukoy na
suliranin sa ilang larangan ng karunungan.
3. Ayon kay Best (2002) ang pananaliksik ay isang
sistematiko at obhetibong pag-aanalisa at
pagtatala ng mga kontroladong obserbasyon na
maaaring tumungo sa paglalahat, simulain,
teorya, at mga konsepto na nagbubunga ng
predisksiyon sa pagkilala at posibleng kontrol sa
mga pangyayari
4. Ayon kay Mouly (1964) ang pananaliksik ay
proseso ng pagkakaroon ng
mapanghahawakang solusyon sa problema
sa pamamagitan ng planado at sistematikong
pangangalap, pag-aanalisa, at interpretasyon
ng datos.
5. Ayon kay Nuncio (2013) ang pananaliksik bilang
lohikal na proseso ng paghahanap ng sagot sa
mga tanong ng mananaliksik na nakabatay sa
problema at metodo ng pag-aaral tungo sa
produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan
upang makatugon sa pangangailangan ng tao at
lipunan.
6. Ayon kay Best (2002) ang pananaliksik ay
nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
•Maingat na pagtitipon at pagpili ng mga datos na
kinikilala sa pinagkunan.
•Matiyaga, maingat, at di nagmamadaling
pagsasakatuparan.
7. •Nangangailangan ng kaalaman higit sa
karaniwan.
•Nangangailangan ng tamang obserbasyon at
interpretasyon.
•Maingat na pagtatala at pagsulat ng ulat.
8. Ayon Calderon at Gonzales (1992) may iba’t ibang
layunin ang pananaliksik
• Makasumpong ng sagot sa mga suliraning hindi pa
nagbibigay-lunas
• Makabuo ng batayang pagpapasiya sa kalakasan,
industriya, edukasyon, pamahalaan, at iba pa.
9. • Makapagbigay-kasiyahan sa kuryosidad o pagiging
mausisa.
• Makatuklas ng bagong kaalaman
• Mapatunayan ang mga umiiral na kaalaman
10. Kalusugan Politika Ekonomiya Edukasyon
Tukuyin ang ilang pangunahing suliraning napapansin
mo sa kasalukuyan kaugnay ng sumusunod:
Sanggunian
11. Nag-uumpisa sa pagbuo ng mga tanong sa
pananaliksik ang tutugunang suliranin.
Tumutukoy ito sa isang paksa, usapin, o
pangyayari na nais siyasatin, at kailangang
alamin. Ang pagsagot sa suliraning tutugunan
ay sinusundan ng matalinong haka o
(hypothesis)
12. Pagbuo ng mga tanong sa Pananaliksik
Kawiwilihan
Magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral
Isaalang-alang ang mambabasa (target, bumuo ng
mga tanong na sino ano, paano, saan,bakit at kailan
Sikaping bumuo ng posibleng sagot sa mga tanong
13. Mga Katangian ng Magandang Tanong
sa Pananaliksik
Tiyak, espisipiko, at maliwanag ang paggamit ng mga
termino,
Tumatalakay sa mahalaga at makabuluhang isyu
Hindi pa naisasagawa ngunit posibleng
maisakatuparan.
Nagtataglay ng malinaw na layunin at kahalagan
14. Katangian ng Mabuting Pananaliksik
Ang mga ebidensiya ay hango at nakabatay sa mga datos
mula sa mga obserbasyon at mga aktwal na karanasan sa
halip na teorya at kaisipan.
Maging sistematiko at may sinusunod na proseso at
pamamaraan.
Kailangang maging kontrolado ang pananaliksik maaaring
magbago at maiba ang baryabol mahalagang magpokus
lamang sa direksiyon ng isinasagawang pag-aaral.
15. Gumamit ng matalinong haka upang maging gabay sa buong
proseso ng pananaliksik.
Halimbawa:
Pamagat:Komparatibong pag-aaral sa epekto ng musika sa
pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikalawang antas ng Manuel
Roxas High School
Hypothesis: Nakakaimpluwensiya ang musika sa pagkatuto ng
isang tao. Maaaring baguhin kapag malinaw na ang tunguhin
ng pananaliksik.
16. Ang pananaliksik ay masususing nagsusuri at
gumagamit ng angkop na proseso
Maging makatwiran at walang kinikilingan.
Gumagamit ng mga dulog estatistika sa lahat ng mga
datos na nakolekto.
Ang pananaliksik ay bago at orihinal
Maingat na gumagamit ng mga pamamaraan sa
pangangalap ng mapagkakatiwalaang datos.
Hindi minadali.
18. a. Paggamit ng teksto ng ibang manunulat o
mananaliksik (plagiarism)
• Pag-angkin nang buong-buo sa hinangong teksto nang
hindi binabanggit ang orihinal na pinagkunan. Upang
maiwasan ito ay banggitin ang librong pinagkunan at
ang pangalan ng may akda.
19. Ayon sa www.plagiarism.org (nasa
Atanacio,et.al.,2013) may iba’t ibang paraan
ang plagiarism:
1. Pag-angkin sa gawa ng iba
2. Pangongopya ng mga salita o ideya nang hindi
kinikilala ang orihinal na sumulat
20. 3. Hindi paglalagay ng panipi sa mga siniping pahayag
4. Pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa
pinagmulan ng siniping pahayag
5. Pagpapalit ng mga salita ngunit pareho lamang ang
estruktura ng pahayag
21. b. Pagreresiklo ng mga materyal (Recycling)
•Ito ang muling paggamit ng mga nailathalang
materyal o mga papel na naipasana sa ibang
kurso.