3. Ibat-ibang depinisyon ng Pananaliksik
• San Miguel at Villanueva, (1986:138)
• Aquino (1992)
• Dictionary 0f Education ni Carter V. Good
//Gabriel, Artikulo sa Kawika (Hunyo
1983)
• Atienza, et al. (1996)
• Calmorin (1995)
• Aban (1996)
4. Constantino at Zafra (1997:7)
Ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsussuri ng ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig
bigyang linaw, patunayan o pasubalian. Sa
depinisyon ito ay “mararamdaman” ang
umiiral na suliranin o isang isyung
nangangailangan ng masusing pagsisiyasat,
maging ito ay sumasakop sa tao, bagay,
konsepto o ideyang umuukilkil sa sentido
ng gagawa ng pag aaral.
6. 1. Intelektuwal na kuryosidad
Ang isang mananaliksik ay dapat na
marunong magmuni-muni at mag-usisa ng mga
bagay, sitwasyon at mga suliraning nasa kanyang
paligid. Sabik siyang makakuha ng impormasyon
tungkol dito dala ng pagiging bago at hindi
pagkapangkaraniwan nito. Nagtatanong siya
upang makahanap ng mga sagot, patuloy na
nagbabasa ng mga kaugnay na literatura,
humhugot sa kanyang mga karanasan, at
patuloy na lumilikha at kumakatha.
7. 2. Maingat
“Ang intelektwal na kuryosidad ay
nagtatapos kung saan nagsisimula ang
pagiging maingat ng isang tao”.
Nagiging maingat ang mananaliksik
kung gagawin nya ang kanyang pananaliksik
sa tamang panahon at tamang lugar nang
matalino, maayos at matipid na paraan
Gamit ang 4M nang epektibo at matipid.
4M- Man, Money, Materials, Machinery
8. 3. Pamunuang Mapagbuo
Palaging nag aalinlangan ang mananaliksik
sa katotohanan ng kanyang mga natitipong
impormasyon. Upang matiyak na tama ang
kanyang mga impormasyon ay hindi sya nag
aatubiling tingnan ang katotohanan nito mula sa
ibang perspektibo.
9. 4. Katapatang Intelektwal
Ang marunong na mananaliksik at matapat
sa koleksyon o pagtitippon ng kanyang mga
datos o impormasyon upang makabuo sya ng
tunay at matapat na resulta ng pag-aaral.