SlideShare a Scribd company logo
1 of 36
Download to read offline
BABASAHING PINOY
Sandayong Sur National High School
2017
Konsultant:
Mark Sierras, LPT / Punong Tagapangasiwa
Mga editor:
Merra Mae Ramos LPT, MAEd
Leodelyn Gonzales, LPT
Jennibeth Bontia, LPT
Veliza Paring, LPT
Mga manunulat/kontributor:
Marielle Matugas
Therese Anne Olivar
Yvonne Grace Papaya
Cristylle Tampus
Cathlyn Ann Perez
Abbeguel Morata
Debrah Liz Momo
Mary Grace Batican
Quenie Marie Camaongay
Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mga alamat sa
kultura ng mga Pilipino. Ipinapaalam nito kung paano nagsimula ang
mga bagay-bagay. Hanggang sa kasalukuyan ay ibinibida pa rin ng
mga nakakatanda ang mga alamat sa mga kabataan ngunit may mga
pagkakataon ding nakakalimutan na ang ilan sa mga ito dahil sa tingin
ng iba ito ay kuwento-kwento lamang at hindi kayang patunayan .
Ilan sa mga alamat na nagpasalin-salin na mula noon hanggang
sa ngayon ay ang alamat ng barangay Sandayong Sur. Paano nga ba
ito nagsimula? Bakit kaya ito tinawag na Sandayong Sur? Halina at
sabay-sabay natin itong tuklasin.
Nag-aawayan, nagsisigawan, nag-uunahan – ito ang dahilan
kung bakit napagplanuhan ni Urlato, pinuno ng barangay Tuburan na
buwagin ang kaniyang mga tauhan. Lumalaki na kasi ang populasyon
ng kanilang lugar. Hindi na kasya ang mga pinagkukunang likas na
yaman, lalo na ang yamang tubig. Ito ang naging dahilan kung bakit
kahit alas-dos pa lamang ng madaling araw ay wala ng tubig ang
balon. Isa pang malaking problema ang kinaharap ni Urlato sapagkat
walang siyang nakitang ligtas na lugar na pwede niyang lipatan ng
iilan sa kanyang mga sinasakupan.
Isang araw sa gubat, habang nangangaso ang mag-amang
Yongi at Sandoy, nakita nila malapit sa isang malaking puno ang
umaagos na tubig. Ibinalita nila agad ito kay Urlato. Masaya siyang
malamang may lugar na malilipatan ang kanyang mga tauhan.
Nagpatawag agad ng malaking salu-salo si Urlato bilang
pasasalamat sa kanilang Bathala. Ito rin ang araw ng paglipat ng ilang
pamilya. Bilang pasasalamat ni Urlato sa mag-ama ay ginawa niyang
pinuno sa barangay si Sandoy. Mula noon, ang barangay na iyon ay
tinawag nilang Sandayong Sur, hango sa pangalan ng mag-amang
Sandoy at Yongi at Sur mula sa salitang Espanyol na “sur” na ang ibig
sabihin ay timog.
Bawat pook sa ating bansa ay may kanya-kanyang hiwagang
maaring ibahagi sa atin. Ang iba rito ay tungkol sa mga diwata o
diyosa. Ayon sa mga sabi-sabi, sila raw ay magaganda at tila mahaba
ang kanilang buhok. Mayroon ding silang hindi pangkaraniwang
kapangyarihan.
Hindi naiiba ang isa sa mga pook ng Sandayong Sur kung ang
pag-uusapan ay tungkol sa mga diwata. Halina’t alamin natin ang
hiwagang bumabalot sa pook na ito.
Noong unang panahon sa baryo ng San Lorenzo na
matatagpuan sa barangay ng Sandayong Sur, ang mga tao dito ay
naniniwala na may kababalaghang nangyayari sa kanilang batis.
Napapansin ng mga mamamayan dito na sa tuwing may malakas na
ulan ay may naririnig silang tinig ng isang bangka na nagmumula sa
batis.
Sa kalagitnaan ng batis na ito ay may isang tila malahiganting
bato na makikita. Ito ay pinaniniwalaang pinto ng bahay ng isang
napakagandang diwata na nagngangalang, Maria Ave.
Siya ay maganda, maawain at mapagmahal. Ang kanyang
buhok ay mahaba at makintab na kulay itim. Kadalasan siyang
nagsusuot ng itim na perlas at gintong mga palamuti sa katawan.
Siya ay nagmamay-ari ng mga kagamitang pang kusina na yari
sa ginto at pilak.
Kahit minsan hindi niya nagawang magpakita sa mga
mamamayan dito bilang isang tao. Maraming pagkakataon na ang
mga tao ay pumupunta sa batis upang humiling sa higanting bato, at
laking gulat na lamang nila na ang bawat hiling nila ay natutupad.
Kapag may okasyong gaganapin sa kanila, pupunta lamang sila
sa batis upang manghiram ng mga kagamitang pang-kusina na
pagmamay-ari ni Maria Ave, pasubali ay kailangang maibalik nila ang
bawat hiniram na kumpleto at nasa maayos na itsura, dahil si Maria
Ave ay mabusisi sa kanyang mga gamit. Laking pasasalamat ng mga
tao kay Maria Ave dahil sa kabutihang ipinagkaloob niya sa mga
mamamayan.
Sa hindi inaasaang pagkakataon, ang ibang mga kagamitan ni
Maria Ave ay ibinalik na hindi kumpleto. Ang iba naming kagamitan
ay nakalimutan nang isauli at sa pagkakataong iyon, may isang tao na
sumubok magnakaw sa mga gamit na pagmamay-ari ni Maria Ave.
Pagkatapos ng mga kaganapang iyon, ay nagalit ng husto si
Maria Ave. Kinagabihan, nagsimulang umulan ng malakas na
sinabayan ng matinding kidlat at ang boses niya ay narinig sa buong
pook ng San Lorenzo na nagsasabing, “Ipinagkaloob ko sa inyo ang
lahat, tirahan at mga ari-arian, subalit kulang parin ito para sa inyo!
Lahat ng pangangailangan ninyo ay ibinigay ko, ngunit hindi parin
sapat para sa inyo! Minahal ko kayo higit pa sa sarili ko, ngunit naging
sakim kayo.
Ngayon, damhin ninyo ang bangis ko! Paghandaan ninyo ang
aking ganti! Magmula ngayon, matuto kayong tumayo sa inyong
sariling mga paa at hindi na ninyo ako mararamdaman pa kahit
kailan. Ipinapangako ko!” Tumawa ng malakas si Maria Ave na siyang
naging dahilan ng matinding kulog.
Matapos marinig ang napalakas na boses,hindi na muling
nagparamdam pa si Maria Ave sa lahat ng tao na umaabuso sa
kanyang kabutihan. Ngayon, pinaniniwalaan parin na si Maria Ave ay
dito pa rin naninirahan.
A. Tukuyin ang mga larawan na nasa ibaba at alamin kung anong uri
ito ng pananalita.
1. I _ _ _
2. M _ _ _ _ A _ _
SUBUKAN ANG PANG-UNAWA
A. Hanapin sa loob ng “puzzle” ang mga kasagutan sa
katanungan sa ibaba. Ikahon ito at isulat sa patlang.
M M A P U T K A L M B S
A M A R I A A V E K A A
G E G N L I D V B U T N
A L E I B A N K A L I L
N W P S N D H B T O S O
K I D L A T L N O G V R
S A N D A Y O N G S U R
M A B A I T M A R I A Z
1. Saan yari ang mga kagamitang pang-kusina na pagmamay-ari
ng diwata? __________
2. Anong katangian mayroon ang diwatang binanggit sa alamat?
__________
3. Sinong magandang babae ang nag-alay ng kanyang
kagandahang loob sa mga tao? __________
4. Saan galing ang tinig ng bangka na naririnig ng mga taga-San
Lorenzo? __________
5. Saang lugar naging tanyag at kilala ang diwatang
nagpapahiram ng kanyang mga kagamitan? __________
Ano nga ba ang “tradisyon o kaugalian” ng mga taga
Sandayong Sur?
Ang mga nakatira sa Sandayong Sur ay sadyang mahilig
sumunod sa mga nakagawian na at sa mga tradisyon. Isang
halimbawa nito ay ang pagdiriwang ng pista.
Ika-25 ng Agosto
bawat taon ipinagdiriwang
ang pista ng Sandayong
Sur. Ito ay isa sa mga
malalaking pagdiriwang na
ginugunita nila taun-taon.
Tampok dito ang mga
makukulay na bandiritas,
mga katutubong
seremonya, sayawan,
paligsahan, at
masasaganang handaan.
Para sa kanila, ito ay
panahon ng kasiyahan at
galak bilang pag-alaala at
pagpapasalamat sa
kanilang patron o santo, si
Sr. San Roque dahil sa mabuting ani o mabuting nangyari sa kanilang
barangay. Bago pa man sumapit ang mismong araw ng kapistahan ay
itinatakda na ng punong-barangay kung sino ang magiging punong-
abala sa pagpaplano ng lahat ng magaganap. Bago pa ang pista,
maraming paligsahan o programa ang magaganap katulad ng liga o
paglalaro ng basketball. Ito ay inaabangan ng lahat lalung-lalo na sa
mga kabataan. Mayroon ding sayawan o disco na isinasagawa tuwing
Sabado na tiyak marami ring nag-aabang. Higit sa lahat, ang
pagkakaroon ng novena o ang pagdarasal sa kapilya tuwing gabi na
gagawin sampung araw bago sumapit ang mismong araw ng
kapistahan. Subalit, bago magaganap ang lahat ng ‘yan, ang mga
taga-Sandayong Sur ay magkakaroon muna ng “torch parade” bilang
pagbubukas ng pagdiriwang ng kanilang kapistahan.
Isa sa
pinakatampok tuwing
pista ang mga salu-salo o
handaan. Pinakatanyag na
pagkaing inihahanda rito
ang lechon. Karaniwan din
ang laman ng hapag-
kainan ang iba’t ibang
putahe tulad ng
hamonada, kaldereta,
adobo, menudo, pansit at
iba pa. Maliban dito,
mayroon ding ilang
masasarap na
panghimagas tulad ng
leche flan, buko pandan,
at fruit salad.
Bukod sa pagiging
likas na masayahin, likas
din sa mga taga-
Sandayong Sur ang
pagiging mapagbigay. Sa
katunayan, tuwing pista
ay binubuksan ng bawat
tahanan ang kanilang mga
pintuan sa sinumang
bisita, kakilala man nila ito
o hindi. Kadalasan, bago
pa man tuluyang makauwi
ang bisita ay binibigyan pa siya ng maybahay ng pabaong pagkain.
SUBAKIN ANG PANG-UNAWA
A. Bumuo ng mga bagong salitang Ingles. Gamitin ang mga letra na
nasa ibaba.
Hal. lugar ( rag ; gal ; lag)
1. Sandayong
2. hapag-kainan
3. pista
4. pagdarasal
5. tradisyon
B. Tukuyin kung anong salita ang mabubuo sa jumbled letters sa
ibaba.
1. ngsanyoda ________________________
2. natpro ________________________
3. cnelho ________________________
4. qnasorue ________________________
5. sogato ________________________
C. Tukuyin ang mga larawan na nasa ibaba at alamin kung anong uri
ito ng pananalita.
1. p _ _ _ _ _ y _ n
2. _ _ _ c_ _ a _ a _ e
3. b _ _ d _ _ _ _ _ s
(Mitolohiya mula sa Sandayong Sur)
Nanatiling palaisipan ng mga taga-baryo ang mga
kababalaghan na naganap sa kanilang lugar. Sa baryo ng Sandayong
Sur ay matatagpuan dito ang Sitio Taboc, kung saan may mga
nakapanindig balahibo na mga nangyari. Sinasabing meron daw
nanirahan dito na aswang, na nanghasik ng lagim tuwing kabilugan
ng buwan. Pumaslang daw ng mga hayop at nag-aabang ng mga
buntis. Kung minsan daw ay sa gilid ng kalsada nakatuwad ito at
nanlilisik ang mga mata, o di kaya’y nag-ibang anyo at naging hayop
na tinawag nilang “sigbin” o “singawo”. Kaya naman noon ay nabalot
ng takot ang mga taga-rito, wala na masyadong nagpagabi kung
umuwi.
Lahat ng mga naganap ay pinaniwalaang totoo ng mga tagarito
dahil sila mismo ang nakaranas nito. Ngunit sa iba ay nanatiling
palaisipan pa rin ito kung dapat paniwalaan o hindi.
andas - sasakyan/patungan ng kabaong (dahil noong araw
malayo ang kalsada sa Taboc kaya bayanihan ang pagkarga ng
kabaong na ipinatong sa andas.
Panuto: Piliin ang tamang kasagutan sa mga bugtong sa
pamamagitan ng mga larawan na nasa loob ng dalandan na kahon.
1. Binili ko nang di
kagustuhan,
Ginamit ko nang di
nalalaman.
6. Akoy ma’y kasama sa pahingi ng
awa;
Ako’y di umiyak,
siya ay lumuha.
2.
3.
Isang pinggan, laganap
Sa buong bayan.
Sa gabi lalabas,
Lilipad itaas.
7.
8.
Mga pulang sundalo
Kailangan ang katawan mo.
Isang hardin ng kalungkutan;
Mayroong piyesta bago sumapit
ang kapaskuhan.
4. Sa pagmaneho mo,
Sasabay sa iyo.
9. Kung wala ang kaliwanagan,
Ito ang matitira lamang.
5. Dumaan ang hari,
Nagkagatan ang mga pari.
10. Gubat ang tahanan,
Kaya h’wag dadaan.
Bawat paaralan ay may mga nakaraang dapat malaman.
Halina’t alamin ang kasaysayan ng ating paaralan.
Ang Barangay Sandayong Sur ay may layong halos apat na
kilometro mula sa sentro ng lungsod ng Danao. Ang mga kabataan sa
barangay na ito ay patuloy na nag-aaral sa sekondarya at kolehiyo
hanggang sila ay makapag-tapos ng pag-aaral. Sa kabilang banda,
may ibang mga kabataan namang hindi magawang makapag-aral
dahil sa pinansiyal na pangangailangan. Ito ang isa sa pinakamalaking
problemang kinakaharap ng mga opisyales ng barangay na
pinamumunuan ni Kapitan Domingo Avila.
Sa panahon ng panunungkulan ni Kapitan Avila, ang
pagbubukas ng paaralang sekondarya ay sinimulan sa pamamagitan
ng “survey” o pagkalap ng mga mahahalagang datos tungkol sa mga
naninirahan sa naturang lugar at sa mga karatig nitong barangay.
Pansamantalang naudlot ang mga planong ito nang natalo si Kapitan
Avila ni Hon. Jesusa A Jopia sa eleksyon. Nang malaman ng bagong
kapitana ang naudlot na magandang plano ng dating Kapitan,
napagtanto niya na ipagpatuloy ang planong nasimulan na.
Sa mga unang taon ng pagbubukas, animnapung (60) mga
mag-aaral ang nagpaenrol. Ang mga naging unang guro ng nasabing
paaralan ay sina G. Joseph L. Alerta, na sinusuportahan ng “Student
Education Fund” at G. Gene L. Sotto, na sinusuportahan naman ng
“Barangay Funds.”
Ang mga klase ay pansamantalang isinasagawa sa silid-aralan
ng elementarya habang ang iba naman ay sa entablado ng paaralan
muna. Dahil sa patuloy at walang sawang pagsuporta ng mga
opisyales ng PTCA at barangay, naipatayo rin nila ang dalawang silid-
aralan para sa sekondarya at nang sumunod na taon ng pasukan S.Y.
2000-2001, tatlong guro ang naidagdag sa ilalim ng pamumuno ni
Gng. Roberta B. Sotto.
Sa patuloy na pagdaaan ng mga taon, ang paaralang
sekondarya ay unti-unting nagbago. Si G. Manjoe L. Toledo ang
pumalit kay Gng. Roberta B. Sotto. Sa kanyang matatag na prinsipyo
at mabuting pamumuno ang paaralan ay nakakatanggap ng mga
parangal. Ang mga parangal na ito ang nagsisilbing patunay na ang
paaralang sekondarya ng Sandayong Sur ay patuloy na
nakipagpatagisan sa pagkamit ng mga hiyas na kaalaman tungo sa
pag-unlad ng bawat mag-aaral.
Sa taong 2008, si Gng. Roberta B. Sotto ay muling naatasan na
pamunuan ang paaralang sekondarya ng Sandayong Sur. Sa kanyang
pagbabalik, ipinagpatuloy niya ang dating nasimulan at isinulong niya
ang magandang pananaw para sa ikabubuti at ika-uunlad ng
paaralan.
Taong 2011, si G. Antonio P. Serognas ang sumunod na
naatasang pangunahan ang nasabing paaralan. Ang kanyang
pananaw naman ay ang maiangat ang bawat mag-aaral sa
pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang mga kakayahan at
kahusayan hindi lamang sa paggawa ng mga bagay-bagay na
maaaring maging sandata nila sa pang-araw-araw na pamumuhay
kundi makayanan rin nilang lumaban na may dignidad at sapat na
kaalaman. Ang hangad lamang niya ay matulungang sumibol ang
Sandayong Sur National High School sa aspetong akademika at para
mapanatili ang magandang nasimulan nito.
Taong 2015, ang paaralan ay pinamunuan ng isang makisig,
palaban, at aktibong Head Teacher III, na si G. Jaymar B. Lavador, ang
kanyang matinding kagustuhan ay mabigyan ng malaking pagbabago
ang paaralan sa larangan ng akademika. Ito ay sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng sapat na kagamitan at mga guro na tapat sa kanilang
mga tungkulin.
Sa kasalukuyan, ang paaralang sekondarya ng Sandayong Sur
ay pinamumunuan ng isang nakakaaliw, madiskarte, masipag at
matalinong punong-tagapangasiwa na si G. Mark H. Sierras. Sa
kanyang unang buwan sa paaralan ay mas naging maaliwalas,
makulay at nagkakaisa ang mga opisyales ng barangay at PTA sa pag-
organisa ng mga bagay-bagay. Wala siyang ibang nais kundi ang
kumislap at makilala ang paaralan sa bawat tagumpay na makamtan
ng mga kasapi nito at sa buong tiwala ng mga taong may malaking
naiambag sa pagbabago ng naturang paaralan. Ang kanyang
natatanging diskarte at intensyon ang tumulong sa paaralan upang
ang bawat bahagi nito ay patuloy sa paglawak kasabay ng
pagpapatalas ng mga kaalaman ng bawat mag-aaral.
SUBUKAN ANG PANG-UNAWA
A. Hanapin sa loob ng “puzzle” ang mga kasagutan sa
katanungan sa ibaba. Ikahon ito at isulat sa patlang.
K A P I T A N A V I L A
B A A K E N D O I M K A
A M A G A A R A L I N G
G U R O N A G T U T U R
A P A K A A L A M A N I
H A L A M A N N A N G K
A P A G B A B A G O N U
N G N A N G I L A B I L
Halimbawa:
KAPITAN AVILA A.) Sa ilalim ng kanyang pamunuan,
sinimulan ang pagbubukas ng paaralang sekondarya.
___________1. Ang institusyong lunas sa kamangmangan.
___________2. Itinuturing na mga brilyante ng paaralan.
___________3. Walang permanente sa mundo, maliban sa
___________4. Ang nakukuha ng mga mag-aaral sa paaralan.
___________5. Sila ang nagsisilbing instrumento sa kaalaman
ng mga mag-aaral.
B. Tukuyin kung ang sumusunod na mga salita ay
magkasalungat o magkasingkahulugan.
Magkasalungat Magkasingkahulugan
1. pamumuno – panunungkulan
2. sumibol - kumislap
3. kaalaman - kamangmangan
4. institusyon - paaralan
5. mag-aaral - magtuturo
C. Pagmasdan at tukuyin ang ipinahihiwatig ng bawat larawan
sa ibaba.
1. 2.
2.
3. 4.
Y E U N D S E TT A T ILIROBO
UOGEROT L M A O T A N T I B
Babasahing Pinoy featuring Alamat ng Sandayong Sur, Ang Alamat ng Malahiganting Bato (Maria Ave), Pista: Ang Karaniwang Tradisyon ng Sandayong Sur, Kababalaghan at Ang Kasaysayan ng Mahabang Paaralan ng Sandayong Sur

More Related Content

What's hot (9)

Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
 
Noli me tangere kabanata 27
Noli me tangere kabanata 27Noli me tangere kabanata 27
Noli me tangere kabanata 27
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Kabanata 29
Kabanata 29Kabanata 29
Kabanata 29
 
Mga akademikong sulatin (ajv's)
Mga akademikong sulatin (ajv's)Mga akademikong sulatin (ajv's)
Mga akademikong sulatin (ajv's)
 
Noli me tangere kabanata 28
Noli me tangere kabanata 28Noli me tangere kabanata 28
Noli me tangere kabanata 28
 
Noli me tangere kabanata 27-28-29
Noli me tangere kabanata 27-28-29Noli me tangere kabanata 27-28-29
Noli me tangere kabanata 27-28-29
 
Shin Jin
Shin JinShin Jin
Shin Jin
 
Noli me tangere kabanata 25 26
Noli me tangere kabanata 25 26Noli me tangere kabanata 25 26
Noli me tangere kabanata 25 26
 

Similar to Babasahing Pinoy featuring Alamat ng Sandayong Sur, Ang Alamat ng Malahiganting Bato (Maria Ave), Pista: Ang Karaniwang Tradisyon ng Sandayong Sur, Kababalaghan at Ang Kasaysayan ng Mahabang Paaralan ng Sandayong Sur

Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng AlamatElemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
CherJovv
 
Q2_ARPAN_MOD 1_#Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad.pptx
Q2_ARPAN_MOD 1_#Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad.pptxQ2_ARPAN_MOD 1_#Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad.pptx
Q2_ARPAN_MOD 1_#Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad.pptx
comiajessa25
 
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptxResearch Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
TracyAncero
 

Similar to Babasahing Pinoy featuring Alamat ng Sandayong Sur, Ang Alamat ng Malahiganting Bato (Maria Ave), Pista: Ang Karaniwang Tradisyon ng Sandayong Sur, Kababalaghan at Ang Kasaysayan ng Mahabang Paaralan ng Sandayong Sur (20)

kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
 
Kabanata 3 Dulaang Pilipino.pptx
Kabanata 3 Dulaang Pilipino.pptxKabanata 3 Dulaang Pilipino.pptx
Kabanata 3 Dulaang Pilipino.pptx
 
ang pang-uri classroom observation 2.pptx
ang pang-uri classroom observation 2.pptxang pang-uri classroom observation 2.pptx
ang pang-uri classroom observation 2.pptx
 
q1_Ang Munting Ibon jpg.pptx
q1_Ang Munting Ibon jpg.pptxq1_Ang Munting Ibon jpg.pptx
q1_Ang Munting Ibon jpg.pptx
 
alamat ng pinya.pptx
alamat ng pinya.pptxalamat ng pinya.pptx
alamat ng pinya.pptx
 
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng AlamatElemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
 
NOV-16.pptx
NOV-16.pptxNOV-16.pptx
NOV-16.pptx
 
Alamat ng bohol
Alamat ng boholAlamat ng bohol
Alamat ng bohol
 
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Kina...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Kina...Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Kina...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Kina...
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
 
APPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdf
APPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdfAPPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdf
APPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdf
 
Q2_ARPAN_MOD 1_#Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad.pptx
Q2_ARPAN_MOD 1_#Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad.pptxQ2_ARPAN_MOD 1_#Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad.pptx
Q2_ARPAN_MOD 1_#Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad.pptx
 
Mt lm q3 tagalog
Mt   lm q3 tagalogMt   lm q3 tagalog
Mt lm q3 tagalog
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptxAwiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
 
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptxResearch Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
 
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 1 Ang Kultura ng mga Lalawigan sa Kinab...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 1 Ang Kultura ng mga Lalawigan sa Kinab...Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 1 Ang Kultura ng mga Lalawigan sa Kinab...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 1 Ang Kultura ng mga Lalawigan sa Kinab...
 
GRADE 3 SECOND PERIODIC FILIPINO
GRADE 3 SECOND PERIODIC FILIPINOGRADE 3 SECOND PERIODIC FILIPINO
GRADE 3 SECOND PERIODIC FILIPINO
 
Bato bato sa langit, ang tamaan h’wag
Bato bato sa langit, ang tamaan h’wagBato bato sa langit, ang tamaan h’wag
Bato bato sa langit, ang tamaan h’wag
 
AWITING BAYAN.pptx
AWITING BAYAN.pptxAWITING BAYAN.pptx
AWITING BAYAN.pptx
 
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptx
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptxUri ng Akdemikong Sulatin.pptx
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptx
 

More from Merra Mae Ramos

More from Merra Mae Ramos (20)

Grade 8 St. Monica Group 2 Glamorous Magazine
Grade 8 St. Monica Group 2 Glamorous MagazineGrade 8 St. Monica Group 2 Glamorous Magazine
Grade 8 St. Monica Group 2 Glamorous Magazine
 
Grade 8 St. Anne Group 7 Blooming Magazine
Grade 8 St. Anne Group 7 Blooming MagazineGrade 8 St. Anne Group 7 Blooming Magazine
Grade 8 St. Anne Group 7 Blooming Magazine
 
Grade 8 St. Anne Group 6 Angels Magazine
Grade 8 St. Anne Group 6 Angels MagazineGrade 8 St. Anne Group 6 Angels Magazine
Grade 8 St. Anne Group 6 Angels Magazine
 
Grade 8 St. Monica Group 1 Danaoanons' Magazine
Grade 8 St. Monica Group 1 Danaoanons' MagazineGrade 8 St. Monica Group 1 Danaoanons' Magazine
Grade 8 St. Monica Group 1 Danaoanons' Magazine
 
Grade 8 St. Monica Group 5 Kuru Magazine
Grade 8 St. Monica Group 5 Kuru MagazineGrade 8 St. Monica Group 5 Kuru Magazine
Grade 8 St. Monica Group 5 Kuru Magazine
 
Grade 8 St. Anne Group 3 Simplicity Magazine
Grade 8 St. Anne Group 3 Simplicity MagazineGrade 8 St. Anne Group 3 Simplicity Magazine
Grade 8 St. Anne Group 3 Simplicity Magazine
 
Grade 8 St. Anne Group 5 Natural Magazine
Grade 8 St. Anne Group 5 Natural MagazineGrade 8 St. Anne Group 5 Natural Magazine
Grade 8 St. Anne Group 5 Natural Magazine
 
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang PinoyGrade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
 
Grade 8 St. Anne Group 4 Royals Magazine
Grade 8 St. Anne Group 4 Royals MagazineGrade 8 St. Anne Group 4 Royals Magazine
Grade 8 St. Anne Group 4 Royals Magazine
 
Grade 8 St. Veronica Group 2 Kyut Magasin
Grade 8 St. Veronica Group 2 Kyut MagasinGrade 8 St. Veronica Group 2 Kyut Magasin
Grade 8 St. Veronica Group 2 Kyut Magasin
 
Grade 8 St. Veronica Group 4 Bituin Magasin
Grade 8 St. Veronica Group 4 Bituin MagasinGrade 8 St. Veronica Group 4 Bituin Magasin
Grade 8 St. Veronica Group 4 Bituin Magasin
 
Grade 8 St. Veronica Group 1 4Ever Magasin
Grade 8 St. Veronica Group 1 4Ever MagasinGrade 8 St. Veronica Group 1 4Ever Magasin
Grade 8 St. Veronica Group 1 4Ever Magasin
 
The Innovation - School Paper S.Y. 2016-2017
The Innovation - School Paper S.Y. 2016-2017The Innovation - School Paper S.Y. 2016-2017
The Innovation - School Paper S.Y. 2016-2017
 
Nutrition Jingle 2016 Grade 7 Silver
Nutrition Jingle 2016 Grade 7 SilverNutrition Jingle 2016 Grade 7 Silver
Nutrition Jingle 2016 Grade 7 Silver
 
Science 7-4th Quarter The Philippine Environment
Science 7-4th Quarter The Philippine EnvironmentScience 7-4th Quarter The Philippine Environment
Science 7-4th Quarter The Philippine Environment
 
Science 7 -3rd Quarter Pretest
Science 7 -3rd Quarter PretestScience 7 -3rd Quarter Pretest
Science 7 -3rd Quarter Pretest
 
Science 7 - Describing Motion
Science 7 - Describing MotionScience 7 - Describing Motion
Science 7 - Describing Motion
 
PE 7-4th Quarter-Visual Arts of Festivals
PE 7-4th Quarter-Visual Arts of FestivalsPE 7-4th Quarter-Visual Arts of Festivals
PE 7-4th Quarter-Visual Arts of Festivals
 
PE 7-4th Quarter Sinulog Festival
PE 7-4th Quarter Sinulog FestivalPE 7-4th Quarter Sinulog Festival
PE 7-4th Quarter Sinulog Festival
 
PE 7-4th Quarter Pretest
PE 7-4th Quarter PretestPE 7-4th Quarter Pretest
PE 7-4th Quarter Pretest
 

Recently uploaded

DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
niquomacarampat2
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
JoseIsip3
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
jaysonvillano
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 

Recently uploaded (20)

DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 

Babasahing Pinoy featuring Alamat ng Sandayong Sur, Ang Alamat ng Malahiganting Bato (Maria Ave), Pista: Ang Karaniwang Tradisyon ng Sandayong Sur, Kababalaghan at Ang Kasaysayan ng Mahabang Paaralan ng Sandayong Sur

  • 1.
  • 2. BABASAHING PINOY Sandayong Sur National High School 2017 Konsultant: Mark Sierras, LPT / Punong Tagapangasiwa Mga editor: Merra Mae Ramos LPT, MAEd Leodelyn Gonzales, LPT Jennibeth Bontia, LPT Veliza Paring, LPT Mga manunulat/kontributor: Marielle Matugas Therese Anne Olivar Yvonne Grace Papaya Cristylle Tampus Cathlyn Ann Perez Abbeguel Morata Debrah Liz Momo Mary Grace Batican Quenie Marie Camaongay
  • 3. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mga alamat sa kultura ng mga Pilipino. Ipinapaalam nito kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Hanggang sa kasalukuyan ay ibinibida pa rin ng mga nakakatanda ang mga alamat sa mga kabataan ngunit may mga pagkakataon ding nakakalimutan na ang ilan sa mga ito dahil sa tingin ng iba ito ay kuwento-kwento lamang at hindi kayang patunayan .
  • 4. Ilan sa mga alamat na nagpasalin-salin na mula noon hanggang sa ngayon ay ang alamat ng barangay Sandayong Sur. Paano nga ba ito nagsimula? Bakit kaya ito tinawag na Sandayong Sur? Halina at sabay-sabay natin itong tuklasin.
  • 5. Nag-aawayan, nagsisigawan, nag-uunahan – ito ang dahilan kung bakit napagplanuhan ni Urlato, pinuno ng barangay Tuburan na buwagin ang kaniyang mga tauhan. Lumalaki na kasi ang populasyon ng kanilang lugar. Hindi na kasya ang mga pinagkukunang likas na yaman, lalo na ang yamang tubig. Ito ang naging dahilan kung bakit kahit alas-dos pa lamang ng madaling araw ay wala ng tubig ang balon. Isa pang malaking problema ang kinaharap ni Urlato sapagkat walang siyang nakitang ligtas na lugar na pwede niyang lipatan ng iilan sa kanyang mga sinasakupan. Isang araw sa gubat, habang nangangaso ang mag-amang Yongi at Sandoy, nakita nila malapit sa isang malaking puno ang umaagos na tubig. Ibinalita nila agad ito kay Urlato. Masaya siyang malamang may lugar na malilipatan ang kanyang mga tauhan.
  • 6. Nagpatawag agad ng malaking salu-salo si Urlato bilang pasasalamat sa kanilang Bathala. Ito rin ang araw ng paglipat ng ilang pamilya. Bilang pasasalamat ni Urlato sa mag-ama ay ginawa niyang pinuno sa barangay si Sandoy. Mula noon, ang barangay na iyon ay tinawag nilang Sandayong Sur, hango sa pangalan ng mag-amang Sandoy at Yongi at Sur mula sa salitang Espanyol na “sur” na ang ibig sabihin ay timog.
  • 7. Bawat pook sa ating bansa ay may kanya-kanyang hiwagang maaring ibahagi sa atin. Ang iba rito ay tungkol sa mga diwata o diyosa. Ayon sa mga sabi-sabi, sila raw ay magaganda at tila mahaba ang kanilang buhok. Mayroon ding silang hindi pangkaraniwang kapangyarihan. Hindi naiiba ang isa sa mga pook ng Sandayong Sur kung ang pag-uusapan ay tungkol sa mga diwata. Halina’t alamin natin ang hiwagang bumabalot sa pook na ito.
  • 8. Noong unang panahon sa baryo ng San Lorenzo na matatagpuan sa barangay ng Sandayong Sur, ang mga tao dito ay naniniwala na may kababalaghang nangyayari sa kanilang batis. Napapansin ng mga mamamayan dito na sa tuwing may malakas na ulan ay may naririnig silang tinig ng isang bangka na nagmumula sa batis.
  • 9. Sa kalagitnaan ng batis na ito ay may isang tila malahiganting bato na makikita. Ito ay pinaniniwalaang pinto ng bahay ng isang napakagandang diwata na nagngangalang, Maria Ave.
  • 10. Siya ay maganda, maawain at mapagmahal. Ang kanyang buhok ay mahaba at makintab na kulay itim. Kadalasan siyang nagsusuot ng itim na perlas at gintong mga palamuti sa katawan.
  • 11. Siya ay nagmamay-ari ng mga kagamitang pang kusina na yari sa ginto at pilak.
  • 12. Kahit minsan hindi niya nagawang magpakita sa mga mamamayan dito bilang isang tao. Maraming pagkakataon na ang mga tao ay pumupunta sa batis upang humiling sa higanting bato, at laking gulat na lamang nila na ang bawat hiling nila ay natutupad.
  • 13. Kapag may okasyong gaganapin sa kanila, pupunta lamang sila sa batis upang manghiram ng mga kagamitang pang-kusina na pagmamay-ari ni Maria Ave, pasubali ay kailangang maibalik nila ang bawat hiniram na kumpleto at nasa maayos na itsura, dahil si Maria Ave ay mabusisi sa kanyang mga gamit. Laking pasasalamat ng mga tao kay Maria Ave dahil sa kabutihang ipinagkaloob niya sa mga mamamayan.
  • 14. Sa hindi inaasaang pagkakataon, ang ibang mga kagamitan ni Maria Ave ay ibinalik na hindi kumpleto. Ang iba naming kagamitan ay nakalimutan nang isauli at sa pagkakataong iyon, may isang tao na sumubok magnakaw sa mga gamit na pagmamay-ari ni Maria Ave.
  • 15. Pagkatapos ng mga kaganapang iyon, ay nagalit ng husto si Maria Ave. Kinagabihan, nagsimulang umulan ng malakas na sinabayan ng matinding kidlat at ang boses niya ay narinig sa buong pook ng San Lorenzo na nagsasabing, “Ipinagkaloob ko sa inyo ang lahat, tirahan at mga ari-arian, subalit kulang parin ito para sa inyo! Lahat ng pangangailangan ninyo ay ibinigay ko, ngunit hindi parin sapat para sa inyo! Minahal ko kayo higit pa sa sarili ko, ngunit naging sakim kayo.
  • 16. Ngayon, damhin ninyo ang bangis ko! Paghandaan ninyo ang aking ganti! Magmula ngayon, matuto kayong tumayo sa inyong sariling mga paa at hindi na ninyo ako mararamdaman pa kahit kailan. Ipinapangako ko!” Tumawa ng malakas si Maria Ave na siyang naging dahilan ng matinding kulog.
  • 17. Matapos marinig ang napalakas na boses,hindi na muling nagparamdam pa si Maria Ave sa lahat ng tao na umaabuso sa kanyang kabutihan. Ngayon, pinaniniwalaan parin na si Maria Ave ay dito pa rin naninirahan.
  • 18. A. Tukuyin ang mga larawan na nasa ibaba at alamin kung anong uri ito ng pananalita. 1. I _ _ _ 2. M _ _ _ _ A _ _
  • 19. SUBUKAN ANG PANG-UNAWA A. Hanapin sa loob ng “puzzle” ang mga kasagutan sa katanungan sa ibaba. Ikahon ito at isulat sa patlang. M M A P U T K A L M B S A M A R I A A V E K A A G E G N L I D V B U T N A L E I B A N K A L I L N W P S N D H B T O S O K I D L A T L N O G V R S A N D A Y O N G S U R M A B A I T M A R I A Z 1. Saan yari ang mga kagamitang pang-kusina na pagmamay-ari ng diwata? __________ 2. Anong katangian mayroon ang diwatang binanggit sa alamat? __________ 3. Sinong magandang babae ang nag-alay ng kanyang kagandahang loob sa mga tao? __________ 4. Saan galing ang tinig ng bangka na naririnig ng mga taga-San Lorenzo? __________ 5. Saang lugar naging tanyag at kilala ang diwatang nagpapahiram ng kanyang mga kagamitan? __________
  • 20. Ano nga ba ang “tradisyon o kaugalian” ng mga taga Sandayong Sur? Ang mga nakatira sa Sandayong Sur ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at sa mga tradisyon. Isang halimbawa nito ay ang pagdiriwang ng pista.
  • 21. Ika-25 ng Agosto bawat taon ipinagdiriwang ang pista ng Sandayong Sur. Ito ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita nila taun-taon. Tampok dito ang mga makukulay na bandiritas, mga katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan. Para sa kanila, ito ay panahon ng kasiyahan at galak bilang pag-alaala at pagpapasalamat sa kanilang patron o santo, si Sr. San Roque dahil sa mabuting ani o mabuting nangyari sa kanilang barangay. Bago pa man sumapit ang mismong araw ng kapistahan ay itinatakda na ng punong-barangay kung sino ang magiging punong- abala sa pagpaplano ng lahat ng magaganap. Bago pa ang pista, maraming paligsahan o programa ang magaganap katulad ng liga o paglalaro ng basketball. Ito ay inaabangan ng lahat lalung-lalo na sa mga kabataan. Mayroon ding sayawan o disco na isinasagawa tuwing Sabado na tiyak marami ring nag-aabang. Higit sa lahat, ang pagkakaroon ng novena o ang pagdarasal sa kapilya tuwing gabi na gagawin sampung araw bago sumapit ang mismong araw ng kapistahan. Subalit, bago magaganap ang lahat ng ‘yan, ang mga taga-Sandayong Sur ay magkakaroon muna ng “torch parade” bilang pagbubukas ng pagdiriwang ng kanilang kapistahan.
  • 22. Isa sa pinakatampok tuwing pista ang mga salu-salo o handaan. Pinakatanyag na pagkaing inihahanda rito ang lechon. Karaniwan din ang laman ng hapag- kainan ang iba’t ibang putahe tulad ng hamonada, kaldereta, adobo, menudo, pansit at iba pa. Maliban dito, mayroon ding ilang masasarap na panghimagas tulad ng leche flan, buko pandan, at fruit salad. Bukod sa pagiging likas na masayahin, likas din sa mga taga- Sandayong Sur ang pagiging mapagbigay. Sa katunayan, tuwing pista ay binubuksan ng bawat tahanan ang kanilang mga pintuan sa sinumang bisita, kakilala man nila ito o hindi. Kadalasan, bago pa man tuluyang makauwi ang bisita ay binibigyan pa siya ng maybahay ng pabaong pagkain.
  • 23. SUBAKIN ANG PANG-UNAWA A. Bumuo ng mga bagong salitang Ingles. Gamitin ang mga letra na nasa ibaba. Hal. lugar ( rag ; gal ; lag) 1. Sandayong 2. hapag-kainan 3. pista 4. pagdarasal 5. tradisyon B. Tukuyin kung anong salita ang mabubuo sa jumbled letters sa ibaba. 1. ngsanyoda ________________________ 2. natpro ________________________ 3. cnelho ________________________ 4. qnasorue ________________________ 5. sogato ________________________ C. Tukuyin ang mga larawan na nasa ibaba at alamin kung anong uri ito ng pananalita. 1. p _ _ _ _ _ y _ n
  • 24. 2. _ _ _ c_ _ a _ a _ e 3. b _ _ d _ _ _ _ _ s
  • 25. (Mitolohiya mula sa Sandayong Sur) Nanatiling palaisipan ng mga taga-baryo ang mga kababalaghan na naganap sa kanilang lugar. Sa baryo ng Sandayong Sur ay matatagpuan dito ang Sitio Taboc, kung saan may mga nakapanindig balahibo na mga nangyari. Sinasabing meron daw nanirahan dito na aswang, na nanghasik ng lagim tuwing kabilugan ng buwan. Pumaslang daw ng mga hayop at nag-aabang ng mga buntis. Kung minsan daw ay sa gilid ng kalsada nakatuwad ito at nanlilisik ang mga mata, o di kaya’y nag-ibang anyo at naging hayop na tinawag nilang “sigbin” o “singawo”. Kaya naman noon ay nabalot
  • 26. ng takot ang mga taga-rito, wala na masyadong nagpagabi kung umuwi. Lahat ng mga naganap ay pinaniwalaang totoo ng mga tagarito dahil sila mismo ang nakaranas nito. Ngunit sa iba ay nanatiling palaisipan pa rin ito kung dapat paniwalaan o hindi. andas - sasakyan/patungan ng kabaong (dahil noong araw malayo ang kalsada sa Taboc kaya bayanihan ang pagkarga ng kabaong na ipinatong sa andas.
  • 27. Panuto: Piliin ang tamang kasagutan sa mga bugtong sa pamamagitan ng mga larawan na nasa loob ng dalandan na kahon. 1. Binili ko nang di kagustuhan, Ginamit ko nang di nalalaman. 6. Akoy ma’y kasama sa pahingi ng awa; Ako’y di umiyak, siya ay lumuha. 2. 3. Isang pinggan, laganap Sa buong bayan. Sa gabi lalabas, Lilipad itaas. 7. 8. Mga pulang sundalo Kailangan ang katawan mo. Isang hardin ng kalungkutan; Mayroong piyesta bago sumapit ang kapaskuhan. 4. Sa pagmaneho mo, Sasabay sa iyo. 9. Kung wala ang kaliwanagan, Ito ang matitira lamang. 5. Dumaan ang hari, Nagkagatan ang mga pari. 10. Gubat ang tahanan, Kaya h’wag dadaan.
  • 28. Bawat paaralan ay may mga nakaraang dapat malaman. Halina’t alamin ang kasaysayan ng ating paaralan.
  • 29. Ang Barangay Sandayong Sur ay may layong halos apat na kilometro mula sa sentro ng lungsod ng Danao. Ang mga kabataan sa barangay na ito ay patuloy na nag-aaral sa sekondarya at kolehiyo hanggang sila ay makapag-tapos ng pag-aaral. Sa kabilang banda, may ibang mga kabataan namang hindi magawang makapag-aral dahil sa pinansiyal na pangangailangan. Ito ang isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng mga opisyales ng barangay na pinamumunuan ni Kapitan Domingo Avila. Sa panahon ng panunungkulan ni Kapitan Avila, ang pagbubukas ng paaralang sekondarya ay sinimulan sa pamamagitan ng “survey” o pagkalap ng mga mahahalagang datos tungkol sa mga naninirahan sa naturang lugar at sa mga karatig nitong barangay. Pansamantalang naudlot ang mga planong ito nang natalo si Kapitan Avila ni Hon. Jesusa A Jopia sa eleksyon. Nang malaman ng bagong kapitana ang naudlot na magandang plano ng dating Kapitan, napagtanto niya na ipagpatuloy ang planong nasimulan na. Sa mga unang taon ng pagbubukas, animnapung (60) mga mag-aaral ang nagpaenrol. Ang mga naging unang guro ng nasabing paaralan ay sina G. Joseph L. Alerta, na sinusuportahan ng “Student Education Fund” at G. Gene L. Sotto, na sinusuportahan naman ng “Barangay Funds.” Ang mga klase ay pansamantalang isinasagawa sa silid-aralan ng elementarya habang ang iba naman ay sa entablado ng paaralan muna. Dahil sa patuloy at walang sawang pagsuporta ng mga opisyales ng PTCA at barangay, naipatayo rin nila ang dalawang silid- aralan para sa sekondarya at nang sumunod na taon ng pasukan S.Y. 2000-2001, tatlong guro ang naidagdag sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Roberta B. Sotto. Sa patuloy na pagdaaan ng mga taon, ang paaralang sekondarya ay unti-unting nagbago. Si G. Manjoe L. Toledo ang pumalit kay Gng. Roberta B. Sotto. Sa kanyang matatag na prinsipyo
  • 30. at mabuting pamumuno ang paaralan ay nakakatanggap ng mga parangal. Ang mga parangal na ito ang nagsisilbing patunay na ang paaralang sekondarya ng Sandayong Sur ay patuloy na nakipagpatagisan sa pagkamit ng mga hiyas na kaalaman tungo sa pag-unlad ng bawat mag-aaral. Sa taong 2008, si Gng. Roberta B. Sotto ay muling naatasan na pamunuan ang paaralang sekondarya ng Sandayong Sur. Sa kanyang pagbabalik, ipinagpatuloy niya ang dating nasimulan at isinulong niya ang magandang pananaw para sa ikabubuti at ika-uunlad ng paaralan.
  • 31. Taong 2011, si G. Antonio P. Serognas ang sumunod na naatasang pangunahan ang nasabing paaralan. Ang kanyang pananaw naman ay ang maiangat ang bawat mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang mga kakayahan at kahusayan hindi lamang sa paggawa ng mga bagay-bagay na maaaring maging sandata nila sa pang-araw-araw na pamumuhay kundi makayanan rin nilang lumaban na may dignidad at sapat na kaalaman. Ang hangad lamang niya ay matulungang sumibol ang Sandayong Sur National High School sa aspetong akademika at para mapanatili ang magandang nasimulan nito.
  • 32. Taong 2015, ang paaralan ay pinamunuan ng isang makisig, palaban, at aktibong Head Teacher III, na si G. Jaymar B. Lavador, ang kanyang matinding kagustuhan ay mabigyan ng malaking pagbabago ang paaralan sa larangan ng akademika. Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na kagamitan at mga guro na tapat sa kanilang mga tungkulin.
  • 33. Sa kasalukuyan, ang paaralang sekondarya ng Sandayong Sur ay pinamumunuan ng isang nakakaaliw, madiskarte, masipag at matalinong punong-tagapangasiwa na si G. Mark H. Sierras. Sa kanyang unang buwan sa paaralan ay mas naging maaliwalas, makulay at nagkakaisa ang mga opisyales ng barangay at PTA sa pag- organisa ng mga bagay-bagay. Wala siyang ibang nais kundi ang kumislap at makilala ang paaralan sa bawat tagumpay na makamtan ng mga kasapi nito at sa buong tiwala ng mga taong may malaking naiambag sa pagbabago ng naturang paaralan. Ang kanyang natatanging diskarte at intensyon ang tumulong sa paaralan upang ang bawat bahagi nito ay patuloy sa paglawak kasabay ng pagpapatalas ng mga kaalaman ng bawat mag-aaral.
  • 34. SUBUKAN ANG PANG-UNAWA A. Hanapin sa loob ng “puzzle” ang mga kasagutan sa katanungan sa ibaba. Ikahon ito at isulat sa patlang. K A P I T A N A V I L A B A A K E N D O I M K A A M A G A A R A L I N G G U R O N A G T U T U R A P A K A A L A M A N I H A L A M A N N A N G K A P A G B A B A G O N U N G N A N G I L A B I L Halimbawa: KAPITAN AVILA A.) Sa ilalim ng kanyang pamunuan, sinimulan ang pagbubukas ng paaralang sekondarya. ___________1. Ang institusyong lunas sa kamangmangan. ___________2. Itinuturing na mga brilyante ng paaralan. ___________3. Walang permanente sa mundo, maliban sa ___________4. Ang nakukuha ng mga mag-aaral sa paaralan. ___________5. Sila ang nagsisilbing instrumento sa kaalaman ng mga mag-aaral. B. Tukuyin kung ang sumusunod na mga salita ay magkasalungat o magkasingkahulugan. Magkasalungat Magkasingkahulugan 1. pamumuno – panunungkulan 2. sumibol - kumislap 3. kaalaman - kamangmangan 4. institusyon - paaralan 5. mag-aaral - magtuturo
  • 35. C. Pagmasdan at tukuyin ang ipinahihiwatig ng bawat larawan sa ibaba. 1. 2. 2. 3. 4. Y E U N D S E TT A T ILIROBO UOGEROT L M A O T A N T I B