Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa paghuhula sa mga Kaisipang Nakapaloob sa mga Karunungan-Bayan. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga Paghuhula sa mga Kaisipang Nakapaloob sa mga Karunungan-Bayan.
3. GAWAING-UPUAN:
Basahin at unawain mabuti ang
mga karunungan-bayan. Bilugan
ang mga titik ng tamang
kahulugan o kaisipan ng bawat
karunungan-bayan
4. 1. Pag may isinuksok, may
madudukot
A. Umuunlad ang mga bangko dahil
sa mga perang iniipon ng mga tao
B. Tiyak na may magagamit o
magagastos ang taong marunong
mag-impok
5. 2. Pagsasama ng tapat, pagsasama
ng maluwat
A. Mas masaya kapag tapat ang
pagsasama
B. Ang pagiging tapat sa kasama ay
magbubunga ng mabuting
pagsasama
6. 3. Ang binait ng bata, sa matanda
nagmula
A. Kung anong ugali ng bata, tiyak sa
matanda nagmula
B. Ang pagiging mabait ng bata ay
nanggagaling sa kanilang mga
magulang
7. 4. Kapag maaga ang lusong ay
maaga ang ahon
A. Lumusong nang maaga upang
makaahon sa buhay upang
makamtan ang tagumpay
B. Kapag maagang nagsimula tiyak na
maaga ring matatapos
8. 5. Nasa Diyos ang awa, Nasa Tao ang
gawa
A. Ang kapalaran ng tao ay nasa tao
pa rin, at wala sa Diyos
B. Ginagabayan ng Diyos ang mga
tao upang marating ang kanilang
minimithi