Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
Gaya ng isang indibidwal, ang isang bansa ay 
kinakailangang makipag-ugnayan at 
makipag-kaibigan sa iba pang mga bansa sa...
Bago pa dumating ang mga mananakop 
sa Pilipinas, ang mga Pilipino ay 
malayang nakikipagkakalakalan sa mga 
karatig bansa...
Nagkaroon tayo ng malayang 
pakikipagkalakalan sa Estados Unidos. 
May mga batas na nagpapatibay at 
nagtadhana ng sistema...
1. Manuel L. Roxas – Nagkaroon 
ng malapit na pakikipag-ugnayan 
ang Pilipinas sa 
Estados Unidos kasunod ang 
mga kasundu...
Ferdinand Marcos – sa panahon ni 
Marcos nagkaroon ang Pilipinas ng 
sariling patakarang panlabas – ito ay 
ang pagpapahay...
Joseph Ejercito Estrada – dumalo rin sa mga 
Summit Meeting ang pangulo sa ibang bansa. 
Napagtibay din ang ugnayang diplo...
Matapos ipagkaloob ng Estados 
Unidos ang kasarinlan ng 
Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay 
patuloy pa rin ang pakikipag-ug...
Pagdedeklara ng batas-militar 
nong 1972 sa panahon ng 
pamumuno ni Pangulong 
Marcos, nagsimula tayong 
makitungo sa mga ...
Ang ugnayang Pilipino at Arabe ay 
nagsimula pa noong ika-9 na dantaon. 
Ang paraan ng kanilang 
pakikipagkalakalan, ang p...
Bagamat isang masaklap na karanasan ang 
iniwan sa ating kasaysayan ng mga Hapon 
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay 
...
Maraming mamamayang Pilipino 
ang naninirahan at nagtrabaho sa 
bansang Australia. Ang 
pamahalaan ay nagtayo ng 
konsulad...
Umabot sa 7,042 ang bilang 
ng mga manggagawang 
Pilipino na nagtatrabaho sa 
bansang Aprika noong 
1989 at tumaas pa ito ...
Pakikipag ugnayan ng pilipinas sa ibang bansa
Pakikipag ugnayan ng pilipinas sa ibang bansa
You’ve finished this document.
Download and read it offline.
Upcoming SlideShare
Soberanya ng Pilipinas
Next
Upcoming SlideShare
Soberanya ng Pilipinas
Next
Download to read offline and view in fullscreen.

Share

Pakikipag ugnayan ng pilipinas sa ibang bansa

Download to read offline

Kailangan nating makipag-ugnayan sa iba't ibang bansa ito ang daan ng pakikipagkasundo at pag-unlad ng ekonomiya.

Related Books

Free with a 30 day trial from Scribd

See all

Related Audiobooks

Free with a 30 day trial from Scribd

See all

Pakikipag ugnayan ng pilipinas sa ibang bansa

  1. 1. Gaya ng isang indibidwal, ang isang bansa ay kinakailangang makipag-ugnayan at makipag-kaibigan sa iba pang mga bansa sa daigdig upang makamit nito ang minimithing kalayaan, kapayapaan, katarungan at higit sa lahat, kaunlaran. Upang mabigyang katuturan ang ating pakikipag-ugnayan, ang ating bansa ay aktibong lumalahok sa pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa kabuhayan, kultura at pulitika. Isinasaalang-alang din natin ang ating mga karapatan, karangalan at pambansang interes kaya tayo bilang bansa ay may mga sinusunod na patakarang panlabas sa pakikipag-ugnayan.
  2. 2. Bago pa dumating ang mga mananakop sa Pilipinas, ang mga Pilipino ay malayang nakikipagkakalakalan sa mga karatig bansa dito sa Asya. Ang mga Tsino, Indyano, Arabe at Hapones ay nakatulong sa pagpapayaman ng ating mga katutubong kaugalian bukod pa sa pakikipagpalitan ng kalakal.Ipinakita ng mga Asyano ang kanilang katapatan sa larangan ng kalakalan at magandang pakikitungo sa panauhin. Dahil sa matagal na panahong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang pangkat na ito ang may pinakamalaking impluwensya sa ating pamumuhay mula sa relihiyon, pananalita, pagkain, pananamit, kaugalian at mga pagdiriwang. Mga dinalang pananim ng mga Espanyol: -Mais -Mani -Kape -Papaya -Kakaw -Atswete -Trigo at iba pa.
  3. 3. Nagkaroon tayo ng malayang pakikipagkalakalan sa Estados Unidos. May mga batas na nagpapatibay at nagtadhana ng sistema ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ito ay angBATAS Payne-Aldrich noong 1909 at angBatas Underwood- Simmons noong 1913. Mga Karanasan: -Pag-iisip at istilo sa pamumuhay -Paraan ng pamumuhay -Wikang Ingles -Makabagong sistema ng transportasyon at komunikasyon -uri ng edukasyon ng pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano. Ito ay mga impluwensya sa atin ng mga Amerikano. Noong una ay ating ipinagdiriwang ang Hulyo 4 bilang Araw ng Kalayaan natin na ipinagkaloob ng mga Amerikano. Ngayon, ito ay Araw ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos (fil-American Friendship Day) na. May kanya-kanyang programa at paraan ng paglutas sa mga suliranin tungkol sa pakikipag-ugnayan natin sa mga kapwa nating bansa ang mga naging pangulo sa Ikatlong Republika. Lumalahok ang ating bansa sa pagtulong at paglutas ng mga suliraning pandaigdig sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa lahat ng mga bansa. Nakikipagtulungan din tayo sa pangangalaga sa kapaligiran at sa pagkakaroon ng kasunduang pangkalakalan tungo sa ikauunlad ng ekonomiya.
  4. 4. 1. Manuel L. Roxas – Nagkaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa Estados Unidos kasunod ang mga kasunduang pangkabuhayan at pangkaligtasan matapos ang paggawa nito ng ating kalayaan. 2. Elpidio Quirino – kauna-unahang pangulo na humihikayat sa mga lider ng mga bansa sa Asya na magtatag ng isang samahan para sa kabutihang panlahat.. 3. Ramon Magsaysay – sa kanyang panahon ng panunungkulan naitatag ang Samahan ng Pakikipagkasundo sa Timog Silangang Asya ( South Asia Treaty Oragnization o SEATO). 4. Carlos P. Gracia – sa panahong ito naitatag ang ASA (Association of Southeast Asia). Binubuo ito ng Pilipinas, Thailand at Malaysia. Binigyan niya ng pagpapahalaga ang pagkakaisa ng mga magkakalapit na bansa para sa kultura at kabuhayang pag-unlad. 5. Diosdado Macapagal – ang MAPHILINDO o Samahan ng Malaysia, Pilipinas at Indonesica ay naitatag sa panahon ng kanyang pamamahal sa bansa upang patatagin ang ugnayan ng samahang pangrehiyon noong 1962. 6. Ferdinand Marcos – Ipinagpatuloy niya ang ASA at nabuo mula rito ang ASEAN ( Association Of Southeast Asia Nations). Ang mga bansang magkakatulong sa samahang ito ay ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand bulang mga orihinal na kasapi. Ang layunin sa mga kasaping bansa ay mapaunlad ang kabuhayan, kultura, edukasyon, agham at teknolohiya.
  5. 5. Ferdinand Marcos – sa panahon ni Marcos nagkaroon ang Pilipinas ng sariling patakarang panlabas – ito ay ang pagpapahayag na wala itong k0inikilingan o tataggihang bansa sa pakikipag-ugnayan. Corazon Aquino – ipinagpatuloy niya ang pakikipagkaibigan at mabuting relasyon sa ibang bansa. Higit na pinaghusay ang pakikipagpalitan ng mga modernong kaalaman sa larangan ng teknolohiya para sa ikabubuti ng lahat. Fidel Ramos – higit pang tumibay ang pakikipag-ugnayang panlabas ng Pilipinas dahil sa pagdalaw niya sa mas maraming bansa daigdig upang humikayat ng mga namumuhunan sa bansa upang maging NIC o newly industraized country ito. Naganap sa kauna-unahang pagkakataon sa bansa ang APEC Summit Meeting sa kanyang panunukulan.
  6. 6. Joseph Ejercito Estrada – dumalo rin sa mga Summit Meeting ang pangulo sa ibang bansa. Napagtibay din ang ugnayang diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa sa pangangasiwa ni Kalihim Domingo Siazon ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas. Gloria Macapagal Arroyo – higit pang tumatag ang ugnayang panlabas ng Pilipinas. Nadadagdagan ang mga namumuhunan dahil sa katatagan ng namumuno. Hinahawakan ng Pangalawang Pangulo Teofisto Guingona at Blas Ople ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas upang paunlarin ang ugnayan sa ibang bansa.
  7. 7. Matapos ipagkaloob ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa. Maraming kasunduan ang napagtibay ng dalawang bansa sa larangan ng ekonomiya, kalakalan, edukasyon at kultura. Ang pag-aalis ng mga base-militar ng Estados Unidos sa Pilipinas ay hindi naging hadlang sa ugnayan ng dalawang bansa. Tumugon ang Pilipinas sa Pagsuporta sa bansang Amerikano na labanan ang terorismo dahil sa naganap na pagpapasabog saWorld Trade Center noong Setyembre 11, 2001
  8. 8. Pagdedeklara ng batas-militar nong 1972 sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Marcos, nagsimula tayong makitungo sa mga bansang sosyalista. Nakipagkaibigan ang Pilipinas sa Tsina, dating Unyong Sobyet, at mga bansa sa Silangang bahagi ng Europa gaya ng Hungarya, Poland, Bulgaria, Yugoslavia, Romania, at iba pa. Nagkaroon tayo ng mga kasunduang pangkalakalan, pangkultura, at panteknolohiya. Nagbukas din ng mga embahada ang Pilipinas sa mga naturang bansa at napatatag ang relasyon sa pamamagitan ng pag-angkat ng mga ito ng mga produkto ng ating bansa gaya ng abaka, asukal, niyog at yantok.
  9. 9. Ang ugnayang Pilipino at Arabe ay nagsimula pa noong ika-9 na dantaon. Ang paraan ng kanilang pakikipagkalakalan, ang pamahalaang Sultanato at ang relihiyong Islam ay bahagi pa rin ng pamumuhay ng mga Pilipinong Muslim sa kanilang pamumuhay. Pakikipag-ugnayang pandiplomatiko noong dekada ‘80. Ang bansang ito ay ang Algeria, Iran, Jordan, Libya, Morocco at Ehipto. Isa ang Pilipinas sa mga umaangkat ng produktong langis sa Suadi Arabia at iba pang bansa na kasapi sa OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries). Ang mga bansang Arabe din ang nakapagbigay ng maraming pagkakataon sa mga manggagawang Pilipino maging propesyunal, tekniko at may kasanyang manggagawa na makagphanapbuhay.
  10. 10. Bagamat isang masaklap na karanasan ang iniwan sa ating kasaysayan ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay patuloy pa rin ang ating pakikipag-ugnyana sa kanila. Noong Mayo 9, 1956, ay nagkaroon ng kasunduan tungkol sa pagbabayad ng mga Hapones sa mga pinsalang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong Disyembre 21, 1973 sa panahon ng pamamahala ni Pangulang Marcos ay nagkaraoon ng kasunduan sa pantay na ugnayan ng dalawang bansa, sa pagtutulungan sa mga suliraning pangkalakalan, pampulitika at pangkultura. Ang mga Pilipinong “entertainer” sa Hapon gayundin ang pagdinig sa kaso ng mga “comfort women”, mga Pilipinang pinagsamntalahan ng mga kawal Hapones noong panahon ng digmaan.
  11. 11. Maraming mamamayang Pilipino ang naninirahan at nagtrabaho sa bansang Australia. Ang pamahalaan ay nagtayo ng konsulado na pinamumunuan ng konsul. Tungkulin ng konsul na pangalagaan ang kapakanan ng ating mga kababayan sa bansang nabanggit. Ang Pilipinas ay may kasunduan ekstadisyon sa Australia. Kung ang isang kriminal ay tumakas papuntang Australia, ang kanilang pamahalaan ay may karapatan at tungkuling dakpin at isuko ito sa pamahalaan ng Pilipinas. Gayundin ang mangyayari sa Pilipinas. Nagkasundo rin ang mga bansang ito sa ilalim ng APEC (Asia-Pacific Economic Cooperation) bilang mga kasapi ng pairalin ang malayang kalakalan ng mga produkto at paglilingkod gayundin ang pagpapalita ng teknolohiya at kaalaman. Marami ding mga kompanyang Australyano ang namumuhunan sa bansa, isa na rito ang P and O Australia Ltd. Na nagdadagdag ng puhunang 300 milyong dolyar para sa mga proyekto noong 1997.
  12. 12. Umabot sa 7,042 ang bilang ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa bansang Aprika noong 1989 at tumaas pa ito ng 20 bahagdan noong 1991 at nadagdagan pa ito taun-taun hanggang sa kasalukuyan. Ang pamahalaan ay nagpapadala ng mga Pilipinong dalubhasa sa iba’t ibang larangan upang magsilbing kasangguni ng bansang Aprika. Maraming Aprikano ang dumarating sa bansa upang magsanay at magpakadalubhasa sa iba’t ibang larangan lalo na sa pagsasaka. Ang ilan dito ay angInternational Rice Research Institute o IRRI sa Los Baños, Laguna at sa U.P Diliman. Nakakapagsanay na rin sila saInternational Institute for Rural Reconstruction or IIRR sa Silang, Cavite .
  • ClarkIanMacarayo

    Sep. 8, 2021
  • NeesahBaclig

    Feb. 18, 2021
  • Jadennebless

    Aug. 15, 2019
  • AuneyMurillo

    Sep. 16, 2018
  • KristelRobles1

    Apr. 1, 2018
  • marcloraine

    May. 23, 2017
  • BeverlyBongat

    Feb. 27, 2017
  • SophiaCassandraAquino

    Feb. 8, 2017
  • jesusbardaje

    Jan. 22, 2017
  • YoshiokaFutaba4

    Jan. 15, 2017
  • gallajohnny

    Dec. 2, 2016
  • wena18

    Nov. 29, 2016
  • KyraTwalangSalonga

    Sep. 21, 2016
  • ZhelleOcol

    Feb. 23, 2016
  • mlumame

    Jan. 26, 2016
  • jackelyntaguinodlacambra

    Jan. 14, 2016
  • AkeenahZednanreh

    Nov. 29, 2015
  • cristypascual

    Sep. 5, 2015
  • hanzgar

    Jan. 19, 2015
  • 109310

    Nov. 8, 2014

Kailangan nating makipag-ugnayan sa iba't ibang bansa ito ang daan ng pakikipagkasundo at pag-unlad ng ekonomiya.

Views

Total views

148,253

On Slideshare

0

From embeds

0

Number of embeds

104

Actions

Downloads

1,102

Shares

0

Comments

0

Likes

20

×