14. 1. Upang makilala natin
ang sariling kalinangan,
ang minanang yaman ng
isip, at ang henyo ng
ating lahi na iba kaysa
ibang lahi.
Ayon kay Jose Villa Panganiban …
15. 2. Upang matalos na katulad ng
ibang lahi, tayo ay mayroon ding
dakila at marangal na tradisyong
ginagamit na puhunang-salalayan sa
panghihiram ng mga bagong
kalinangan at kabihasnan.
Ayon kay Jose Villa Panganiban …
16. 3. Upang matanto ang mga
kapintasan sa ating panitikan
at makapagsanay upang
maiwasan at mapawi ang mga
ito.
Ayon kay Jose Villa Panganiban …
17. 4. Upang makilala ang ating mga
kagalingang pampanitikan at
lalong mapadalisay, mapayabong
at mapaningning ang mga
kagalingang ito.
Ayon kay Jose Villa Panganiban …
18. 5. At higit sa lahat, dahil tayo’y
mga Pilipino dapat na maging
katutubo sa atin ang magkaroon
ng pagmamalasakit sa ating
sariling panitikang Pilipino.
Ayon kay Jose Villa Panganiban …
19.
20. Mabuti man o masama ang
ginagawa ng isang tao sa
kaniyang kapwa, mas higit pa
Kapag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin
21. Ang Diyos ay maawain ngunit
kinakailagan pa rin na
magsumikap ang tao.
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa
22. Kung ang isang bagay ay hindi
talaga nakalaan para sa isang
tao, kahit ano pa ang gawin nito
Kung hindi ukol
Hindi bubukol
23. Nakabubuti ang pagiging masipag
kung saan ay lahat ng nakaatang
na trabaho o responsibilidad ay
nagagampanan ngunit mas
Daig ng maagap ang
masipag
24. Ang ina na hindi
pinangangaralan o dinidisiplina
ang anak habang ito ay bata pa
Anak na ‘di paluhain
Ina ang patatangisin
32. 1. Karunungang Bayan
Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na
binubuo ng mga salawikain, sawikain,
bugtong, palaisipan, kasabihan at marami
pang iba.
33. A. Salawikain
Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin
bilang tuntunin ng kagandahang asal ng
ating mga ninuno na naglalayong
mangaral at akayin ang kabataan tungo
sa kabutihang-asal.
34. Halimbawa:
Aanhin pa ang damo,
Kung patay na ang kabayo.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan
35.
36.
37. B. Sawikain o Idyoma
Ang mga salita o pahayag na nagtataglay
ng talinghaga. Hindi tiyak ang kahulugang
ibinibigay nito sapagkat may natatago pa
itong kahulugan patungkol sa iba’-ibang
bagay.
39. C. KASABIHAN
Mga tugmang sinasambit ng mga bata at
matatanda na katumbas ng mga
tinatawag na Mother Goose Rhymes. Ito
ay karaniwang ginagamit sa panunukso o
pagpuna sa kilos ng isang tao.
44. Halimbawa:
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad
Tulak ng bibig,
Kabig ng dibdib.
Tiririt ng ibon,
Tiririt ng maya
Kaya lingon nang lingon
Hanap ay asawa
Ubos-ubos biyaya,
Bukas nakatunganga.
46. 1. Pag may isinuksok, may madudukot
a.Tiyak na may magagastos ang taong marunong
mag-impok
b.Madalas ang inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa
alkansiya para pag dumating ang oras ng
pangangailangan ay may magagasta.
c.Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang
iniipon ng mga tao.
47. 2. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng
pagbagsak.
a. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong
sobrang taas ang pangarap.
b. Ang taong mapagmataas ay kadalasang siyang
nakararanas ng matinding pagbagsak.
c. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag
lamang sa paraang pag-isipan ng masama ang
kapwa
48. 3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
a. Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay
ay doon lamang kikilos upang makamit ito.
b. Kailangang magtrabaho upang may makain.
c. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso
49. 4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.
a.Mas masarap lasapin at makamtan ang
isang bagay na pinaghirapan.
b.Masarap kumain ng isang pagkaing
mamahalin at mahirap kunin.
c. Ang masarap na kanin ay mahirap kunin.
50. 5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.
a.Lumusong nang maaga upang makaahon sa
buhay at matamo ang tagumpay
b.Matutong umahon sa anumang pagsubok na
inyong nilusong
c. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga
ring matatapos.