Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Ebolusyong Kultural ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang yugto ng Ebolusyong Kultural ng Asya.
1. Lesson 5: Ebolusyong Kultural ng Asya
Panahong Paleolitiko
Tinatawag din na Panahon ng lumang bato
2.5 Million B.C – 10,000 B.C.E.
Ang paglitaw ng mga kagamitan na ginawa mula sa magagaspang attinapyas na bato
Nabuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pulu-pulutong na pangangalap ng mga ligaw na pagkain
Pangangaso at pamimitas ng mga prutas at gulay – pangunahing hanapbuhay ng mga tao noong
Panahong Paleolitiko
Mga lalaki ang kadalasang nanghuhuli ng mga hayop, samantala ang mga babae ang pumipitas ng mga
prutas at kumukuha ng mga halamang makakain.
Wala silang permanenteng Tirahan
Ginagamit ng mga tao bilang panakip ng katawan ang mga balat ng hayop at malalapad na dahon
Apoy – pinakamahalagang imbensyon noong Panahong Paleolitiko
Hunter-Gatherers System – sistemang Panlipunan noong Panahong Paleolitiko
Nagsasagawa din sila ng mga kulto o cult
Panahong Neolitiko
Tinatawag din na Panahon ng bagong bato
10,000 B.C.E. – 4,500 B.C.E.
Maituturing na pinakamahalagang pangyayari sa panahong ito ang pagsisimula ng pagsasaka
Noong 10,000 B.C.E., nagsimula ang mga taong magtanim ng mga halaman at mag-alaga ng mga hayop
Nagsimula na ring komunsumo ang mga tao ng mga itinanim na butil at mga produktong gatas
Nagpapastol din sila ng mga hayop
Neolithic Revolution – pagsulong o pag-unlad ng sistemang pagsasaka noong Panahong Neolitiko
Nakapatatag sila ng permanenteng Tirahan
Kinailangan ng mga tao na bantayan ang kanilang mga pananim laban sa ibang pangkatng tao at
mababangis na hayop
Nagsimula ng lumaki ang populasyon sa bawatlugar
Gumawa sila ng mga bagong teknolohiya para panghasa, pamputol atpanghiwa
Ang bawat pamayanan ay pinamumunuan ng isang matalino at malakas na lalaki
Animism – opisyal na relihiyon noong Panahong Neolitiko
Gumawa sila ng mga palayok mula sa luwad na ginamit bilang lutuan ng pagkain at imbakan ng mga
labis na ani
Panahon ng Metal
Nahahati sa Tatlong yugto na ang batayan ay ang uri ng metal:
Copper Age – 5000 B.C.E.
Bronze Age – 4000 B.C.E.
Iron Age – 1200 B.C.E.
Pagtatanim, Pangingisda atPangangalakal – pangunahing hanapbuhay ng mga tao noong Panahon ng
Metal
Ito ay ang panahon kung saan nagsimula na ang pagtatag ng mga imperyo atpagsisimula ng mga
digmaan sa mga pangkatng tao
Polyteismo – opisyal na relihiyon noong Panahon ng Metal