Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga Uri ng Pamahalaan sa Singapore. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang anyo ng pamahalaan na umusbong sa Singapore.
AP 7 Lesson no. 34-D: Uri ng Pamahalaan sa Singapore
1. Lesson 34-D: Uri ng Pamahalaan sa Singapore
Ang uri ng pamahalaan na mayroon ang Cambodia ay Parliamentary Representative Democratic Republic.
Executive Branch:
Ang Presidente ng Singapore ay ang head of State ng Singapore. Ang opisina ng Presidente ay nabuo
noong taong 1965 pagkatapos maging isang Republika ang Singapore. Pinalitan ng Opisina ng Presidente
ang Yang di-Pertuan Negara na ginamit ng Singapore pagkatapos matamo ang pagsasarili noong 1959.
Mga Kapangyarihan ng Presidente ng Singapore:
• Pagtatalaga ng Punong Ministro
• Pagtatalaga ng Chairman at Advisory board members
• Pagtangi sa isang appointment mula isa sa mga susing miyembro ng pamahalaan (katulad ng chief
police, attorney-general, atbp.)
• Pagpapatuloy ng imbestigasyon sa tulong ng Corrupt Practices Investigation Bureau Kahit
Tinanggihan ng punong ministro
• Pagbigay ng pardon at reprieves para sa mga opensang or executions
• Pag-isyu at pagpapatupad ng Emergency Power
• Pagkontrol at Pagbabantay ng Patakarang Pananalapi ng Singapore
Mga Kwalipikasyon para maging isang Pangulo sa Singapore:
• Isang citizen ng Singapore
• Hindi dapat bababa sa apatnaput-limang (45) taon ang edad
• Ang pangalan ng kandidato ay dapat lumabas sa current register of electors
• Residente ng Singapore ng hindi bababa sa 10 na taon mula sa araw ng eleksyon
• Hindi miyembro ng isang political party sa araw mismo ng nominasyon
Yusof bin Ishak (Agosto 12, 1910 – Nobyembre 23, 1970) – Isa siyang pulitikong Singaporean. Noong 1929,
siya ay nagsimula sa kanyang karera bilang isang journalist. Siya rin ang nagtatag ng pahayagang Utusan
Melayu noong Mayo 1939. Noong 1959, siya ay nanalo sa eleksyon at nahirang bilang Yang di-Pertuan
Negara, na kalaunan ay nagwakas at siya ay napalitan bilang kauna-unahang Pangulo ng Singapore.
2. Ang Punong Ministro ng Singapore ay ang pinuno ng pamahalaan ng Singapore. Siya ay hinihirang ng
Pangulo ng Singapore.
Lee Kuan Yew – Siya ay ang kauna-unahang Punong Ministro ng Singapore. Siya ay kinikilala bilang Ama
ng Nasyon ng Singapore. Siya ay ang nagtatag ng People Action Party (PAP), na kasama ang ilang
mayayamang Singaporean at Tsino, na ang layunin ay makalaya sa kamay ng mga Briton. Siya rin ang
nagsali sa bansang Singapore sa United Nations noong Setyembre 21, 1965.
Noong naging punong ministro siya, ipinatupad niya ang sterilization process sa mga mag-asawang gusto
pang mag-anak pagkatapos ng kanilang ikalawang anak.
Legislative Branch:
Parliament of Singapore – Ito ay ang legislative branch ng Singapore.
Speaker of the Parliament – Siya ay ang overall-in-charge sa mga meetings ng Parliamento ng Singapore.
Siya rin ang gumagawa ng tamang desisyon base sa Standing Orders of Parliament. Siya rin ang
nagrerepresenta sa Parliamento sa eksternal nitong relasyon. Kailangan maihalal ang speaker sa una nitong
pagkikita o meeting.
Mga Gawain ng Legislative Branch:
1. Pagkagawa ng mga batas
Lahat ng mga bills ay dapat makalusot o makapasa sa tatlong pagpupulong ng Parliamento
Bago maging batas ang isang bill, kailangan tignan, suriin at aprubahan ito ng Pangulo ng Singapore
2. Financial Control
Constitution of Singapore – Ito ay ang supreme law ng Singapore. Ito ay hinango ng Republic of Singapore
sa Federal Constitution of Malaysia noong mga panahon bago maghiwalay ang Singapore at Malaysia.
Article 12 of the Constitution of Singapore – Ang Artikulo 12 ng Konstitusyon ng Singapore ay pumapaksa
sa pantay-pantay na pagtingin sa lahat ng tao, anumang lahi o relihiyon, sa ilalim ng batas ng Singapore.
Judiciary Branch:
Supreme Court of Singapore – Ito ay isa sa dalawang bahagi ng sistemang hukuman ng Singapore. Ang
Korte Suprema ng Singapore ay binubuo ng Court of Appeal at High Court. Noong panahon ng Hapones,
nagtatag ang mga Hapones ng panibagong uri ng Supreme Court at tinatawag ito na Syonan Koto-Hoin.
Ang Korte Suprema ng Singapore ay may jurisdiction na dinggin ang mga kasong sibil at criminal. Mayroon
din silang kapangyarihan sa paglipat ng mga kaso sa isang korte sa isa pang korte.
Chief Justice of Singapore – Siya ay ang pinuno ng Sangay ng Hudikatura ng Singapore. Siya ay inilalagay
sa puwesto ng Pangulo, mula sa rekomendasyon ng Punong Ministro.
Wee Chong Jin – Siya ay ang unang Chief Justice ng Supreme Court ng Singapore. Siya ay ang unang
Asyanong abogado na nalagak sa posisyon bilang Huwes sa Supreme Court ng Singapore. Siya ay naging
Chief Justice mula Enero 5, 1963 hanggang Setyembre 27, 1990.
3. Court of Appeal of Singapore – Ito ay ang pinakamataas na sistemang hukuman ng Singapore. Ito ay ang
pantaas na dibisyon ng Supreme Court ng Singapore.
Tuwing may pagdinig sa isang kaso, kadalasang may tatlong huwes (judge), minsan ay kasama ang Chief
Justice.