2. • Nang matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang mga layuning sinimulan ng mga
kilusang Asyanotungo sa pagkakamit ng
kasarinlan ay natupad din. Ngunit hindi naging
madali para sa mga bansa ang pagsasakatuparan
nito. Marami sa kanila ang kinailangang
duamnas ng pagdanak ng dugo bunga ng hindi
pagkakaunawaan sa kung anong uri ng
pamahalaan ang itataguyod at kalituhan sa
isinagawang pagtatag at pagtatalaga ng
hangganan ng iba’t ibang bansa ng mga
kanluranin.
• Ang mga asyano ay hindi talga inihanda ang
mga kolonyalistang bansa para sa pagsasarili,
kung kaya’t hindi kataka-takang sila ay talagang
mahina pa pagdating sa mga kalakarang
pampolitika, pang-ekonomiya, at pangmilitar.
4. • Ang pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ang nagpasiya sa kasarinlan ng
mga bansa sa Timog Asya.
• Ang India ay isa sa mga bansang
kinailangang dumaan sa isang mabigat na
suliranin upang makamit ang pinapangarap
na kasarinlan
6. • Ang saligang batas ng India ang tinuturing
na pinakamahabang saligang batas sa
daigdig. Ito ay napapalooban ng 395
artikulo.
• Itinalaga ng saligang batas ang Federal
Republic bilang uri ng pamahalaan. Sa ilalim
ng sistemang ito, ang India a may dalawang
pamahalaan: Ang Sentrong Pamahalaan na
matatagpuan sa New Delhi at ang mga
pamahalaang lokal na nasa bawat estado o
distrito ng bansa.
• Ang Korte Suprema ang pinakamataas na
hukuman ng bansa.
7. • Ang Parlamento ng India ay may dalawang
sangay: ang Mataas na Kapulungan o Rajava
Sadha, na binubuo ng mga kinatawang halal
ng mga kasapi ng lehislatura ng estado, at
ang Mahahabang Kapulungan o Lok Sabha,
na binubuo naman ng mga kinatawang halal
ng mga mamamayan sa bawat distrito ng
bansa.
• Si Jawaharlal Nehru(arkitekto ng kilusang
nonalignment) ang naging unang punong
ministro ng India.
8. Konsepto ng prinsipyong
nonalignment:
• Ang pagrespeto sa saklaw na teritoryo ng
bawat bansa.
• Pangakong hindi pagsalakaysa isa’t isa.
• Hindi pakikialam sa mga lokal na kaganapan
ng kapwa bansa
• Pagkakapantay-pantay.
• Pagpapanatili ng kapayapaan sa higit na
malaking bahagi ng daigdig.
9. • Noong 1966, si Indira Gandhi, anak ni Nehru,
ang humalili bilang punong ministro ng India.
• Tinulungan ni Indira ang East Pakistan hanggang
sa makamit nito ang kalayaan at naging bansang
Bangladesh.
• Matapos ang ilang taon, si Indira Gandhi ay
napatunayang nagkasala ng katiwalian. Noong
1984, siya ay pinatay ng sarili niyang tanod na
isang Sikh. Siya ay pinalitan ng kanyang anak na
si Rajiv na natalo naman sa halalan noong 1989
at pinatay rin tulad ng kanyang ina noong 1991
habang nangangampanya para sa muling
pagbabalik sa pamahalaan.
• Kocheril Raman(kaunaunahang untouchable na
naging punong ministro ng India
11. • Si Muhammad Ali Jinnah, lider ng All Indian
Muslim League, ang sapilitang humiling ng
malayang estado para sa mga Muslim ng Indian.
• Si Alih Jinnah ang nagtatag ng Pakistan at
naging unang gobernadorheneral ng bansa nang
makamit nito ang kasarinlan.
• Ang Pakistan ay naging iasng Federal
Parliamentary Republic noong 1956. Noong
1958, ang bansa ay napasailalim sa iasng militar
diktador sa katauhan ni Heneral Ayub Khan.
• Ang pamumuno ni Khan ay ginambala ng mga
suliraningpang-ekonomiya at pampolitika.
12. • Siya ay napilitang magbitaw sa kanyang
tungkulin nung hindi nakayanan ang
matingding suliranin idinulot ng dating
bahagi nitong East Pakistan. Inilipat ni Ayub
Khan ang kanyang awtoridad bilang puno ng
Pakistan kay Yahya Khan noong 1971 nang
ang East Pakistan ay tuluyan nang naging
hiwalaya na bansa na Bangladesh.
• Matapos ang pamumuno ni Yahya Khan, ang
kapangyarihan ng pamamahala sa Pakistan
ay nalipat kay Zulfi qar Ali Bhutto.
• Hindi naglaon ay inagawan si Zulfi qar Ali
Bhutto ng kapangyarihan ni Heneral zia UI
Haq na nagdeklara ng batas militar sa bansa.
13. • Noong 1988 ay napatay si Zia. Matapos ng
pangyayaring ito, si Ali Bhutto, anak ni Zulfi qar Ali
Bhutto, ay humiling ng pagkakaroon ng isang halalan.
• Si Benazir Bhutto, anak ni Zulfi qar Ali Bhutto, ay
nanalo at kinilala bilang kaunaunahang babaeng
punong ministro ng isang estadong Islamiko. Sa
panahon ng kanyang panunungkulan, ang Shari’a o
kodigong legal ng Islam ay ipinakilala sa bansa. Noong
1990, siya ay napaalis sa kanyang katungkulan bunga
diumano ng kakulangan sa kaalaman sa pamamahala
at katiwalian.
• Ang pangulo ang puno ng pamahalaan na inihahalal
ng mga mamamayan at nanunungkulan sa loob ng
limang taon.
• Ayon sa saligang batas ng bansa, dahil Isalam ang
namamayaning relihiyon ng bansa, ang pangulo nito
ay kinakailangang isang Muslim din.
14. • Ang punong ministro ay hinihirang ng
pangulo, mula sa mga kasaping senado,
National Assembly, at Provincial Assembly.
Ang punong ministro ay pinipili mula sa
Gabineteng Pederal at Konseho ng mga
Ministro.
• Ang lehislatura ng bansa ay tinatawag na
Majlis-e-Shoola at binubuo ng Senado o
Mataas na Kapulungan at National Assembly.
• Ang bansa ay may apat na lalawigang
nagsasarili na may kani-kanyang
gobernador, konsehong ministro, at mga
ministrong panlalawigan na inihahalal ng
mga mamamayang nasa hustong gulang na.
16. • Ang Bangladesh ang kilalang lupain ng mga taong
nagsasalita ng Bangla.
• Ang Bangladesh ay naging isang malayang bansa
noong 1971 sa pamumuno n Sheikh Mujibur
Rahman.
• Ang bansa ay isang parlamentaryong demokrasya.
Binubuo ito ng 14 na distrito sa loob ng apat na
dibisyon.
• Ang pamahalaan ay nasasaklaw ng sistemang
multiparty parliamentay.
• Kakaiba ang pamahalaan ng bansa pagdating sa
pagpapalit nito nag pamunuan at administrasyon. Sa
pagtatapos ng panahon ng panunungkulan ng isang
administrasyon, ang pangangasiwa ng pamamahala
ay isinasalin ng papaalis na administrasyon sa iasng
pamahalaang interim, na kinakailangang mag-
organisa ng isang halalan sa loob ng 90 araw.
18. • Ang pamahalaan ng Nepal ay
parlamentaryong demokrasya. Ang pinuno
ng estado at tagapangasiwa ng pamahalaan .
Siya rin ang nagtatalaga ng konseho ng mga
ministro ng bansa.
• Ang lehislatura ng bansa ay
pinamamahalaan ng parlamento na binubuo
ng dalawang kapulungan: ang pratindhi
Sabhao Kapulungan ng mga Kinatawan at
ang Rashtriya Sabha o Kapulungan ng
Estado.
20. • Ang Bhutan ay pinamamahalaan ng Isang
hereditary monarchy.
• Si Haring Jigme Singhe Wangchuk, ang
kasalukuyang hari ng bansa, ay sinusuportahan
ng Pambansang Asamblea ng bansa, mga
Ministro ng Konseho, at Konsehong Tagapayo ng
Hari.
• Tsogdu ang tawag sa National Assemly ng
Bhutan. Ito ay binubuo ng 150 kasapi kung saan
ang 100 kasapi ay direktang inihahalal ng
parlamento at nanunungkulan lamang sa loob ng
tatlong taon.
• Ang bansa ay mayroong 20 distrito na
pinamamahalaan ng gma dzongda o district
magistrate.
21. • Ang Royal Court of Justice ang itinuturing
na kataas-taasang hukuman ng bansa at ang
hari ang itinuturng na pinakamataas na
hukom. Ito ay matatagpuan sa Thimpu.
• Ang bansa ay walang nakasulat na saligang
batas. Ipinagbabawal din dito ang pagtatatag
ng anumang politikal na partido.
• Bagama’t malaya ang bansa, ang relasyong
panlabas nito ay nasa ilallim ng
pamamatnubay ng pamahalaang India.
Katungkulan din ng India na pangalagaan
ang seguridad at kapayapaan ng bansa na
itinakda sa Kasunduang Indo-Bhutan .
23. • Nang lumaya ang Sri Lanka mula sa
pamamahala ng mga Briton noong 1948,
isang pamahalaang representative
democratic ang ipinairal sa bansa.
• Ang sangay ng ehekutibo ng pamahalaan ay
pinamumunuan ng pangulo ng bansa, na siya
ring kataas-taasang pinuno ng hukbong
pambansa.
• Ang sangay ng lehislabtibo naman ay
pinamamahalaan ng mga kasapi ng
parlamento,na direktang inihahalal ng mga
mamamayan sa pamamagitan ng isang
regular na halalan.
25. • Ang Afghanistan ay isang Islamic Republic.
Ito a pinamamahalaan ng tatlong sangay ng
ehekutibo, lehislatura, at hudikatura.
• Ang sangay ng ehekutibo ng bansa ay
pinamumunuan ng pangulo na siya ring
kataas-taasang pinuno ng hukbong
pambansa.
• Ang sangay lehislatura ng bansa ay binubuo
ng mga katawang inihahalal ng mga
mamayan mula sa iba’t ibang lalawigan.
Samantala, ang Korte Suprema ang
kinikilalang kataas-taasang hukuman ng
bansa.
27. • Ang Maldives ay isang Presidential
Representative Democratic Republic. Ito ay
pinangungunhan ng pangulo bilang pubo ng
sangay ehekutibo na siya ring nagtatalaga sa
miyembro ng kanyang gabinete.
• Ang pangulo at pangalawang pangulo ay
inihahalal ng mga mamamayan upang
manungkulan ng limang taon.
• Ang Majlis, ang lehislatura ng bansa, ay
binubuo ng 77 miyembro na naglilingkod sa
pamahalaan ng liamng taon.
29. • Malaki ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan sa pangangasiwa ng gawi ng
mga mamamayan. Naitatag din ang
kaayusan at kapanatagan ng isang estado sa
pamamagitan ng pamahalaan.
• Mapapansing magkakaiba ang uri ng
pamahalaang naitatag ng mga Asyano sa
kani-kanilang bansa. Ito ay bunga ng
magkakaibang ideolohiyang pinaniniwalaan o
maaaring bunga ng mga nakagisnang
tradisyon.
30. Ang pamahalaan ng ilang
bansa sa rehiyon
• Ang pamahalaan ng Saudi Arabia
• Ang pamahalaan ng Iran
• Ang pamahalaan ng Iraq
• Ang pamahalaan ng United Arab Emirates
• Ang pamahalaan ng Kuwait
• Ang pamahalaan ng Bahrain
• Ang pamahalaan ng Israel
• Ang pamahalaan ng Lebanon
• Ang pamahalaan ng Jordan
• Ang pamahalaan ng Oman
32. • Mula nang mapagbuklod ang mga kaharian ng
Saudi Arabia noong taong 1932 ni Haring Abdul
Aziz Al Saud, ang bansa ay pinamahalaan na ng
pamilyang Saud.
• Pinamunuan ng monarkiyang dinastiya ang
bansa ang naayon sa konserbatibong paaralang
Sunni Islam.
• Nang namatay si Haring Fahd bin Abdul al-Aziz
Al Saud noong 2005, siya ay pinalitan ng
kanyang anak na si Haring Abdullah.
• Ang pamahalaan ng Saudi Arabia ay isang
absolute monarchy. Ideneklara ng Basic Law ng
bansa noong 1992 na ang Koran at Sunni o ang
“way of the Prophet Muhammad” ang magiging
saligang batas ng bansa.
33. • Sa ilalim ng pamahalaang ito, nagtalaga ang
monarkiya ng 120 kasapi ng Majlis al-Shura
o Consultative Council na nanunungkulan sa
loob ng apat na taon.
• Ang hukuman ay nasa ilalim din ng
kapangyarihan ng monarkiya. Ang hari ang
nagtatalga ng mga hukom sa
rekomendasyon ng Supreme Judicial Council.
Ito rin ang nagsisilbing pinakamataas na
hukuman ng bansa.
35. • Ang pamahalaan ng Iran ay isang Islamic
Theocratic Republic. Ideneklara ng saligang batas
ng Iran ang Shi’a Islam of the Jaafari bilang
opisyal na relihiyon ng bansa .
• Ang supreme leader, ang tanging may
kapangyarihang mangasiwa at maglahad ng
pangkahalatang alituntunin ng pamahlaan ng
bansa.
• Ayon sa saligang batas ng bansa, ang pangulo
ang pinakamataas na awtoridad na sinusundan
din ng supreme leader. Ang pangulo ay inihahalal
ng mga mamamayang may edad na 18 pataas
upang manungkulan sa loob ng apat na taon.
• Unicameral ang kasalukuyang sangay ng
lehislatura ng bansa. Ang Majlis, ang
parlamentaryo ng bansa, ay binubuo ng 290
kasapi na inihahalal upang manungkulan sa loob
ng apat na taon.
36. • Ang Majlis ang may kapangyarihan sa
pagsusog ng mga batas, sa pagpapatibay ng
pagdaigdigang kasunduan at sa pagpapasiya
ng pambansang badyet.
• Ang Konseho na mga Katiwala ay binubuo ng
12 hukom kasama na ang anim na clerics na
itinatalga ng supreme leader at anim na
hukom na inihahalal ng mga Majlis mula sa
mga Muslim na hukom na iminumungkol
naman ng punong mahistrado.
• Ang Konsehong Pangkapakinabangan
(ExpediencyCouncil) ay may
kapangyarihanng pumagitna sa Majlis at
magsilbing tagapayo ng supreme leader.
38. • Ang pamahalaan ng Iraq ay isang Federal
Parliamentary Representative Democratic
Republic, na pinamumunuan ng punong ministro
at sistemang multiparty.
• Ang kapangyarihang ehekotibo ay ginagampanan
ng pamahalaan at Kapulungan ng mga
Kinatawan.
• Ang sangay ng hudikatura ay pinamumunuan ng
Kataas-taasang Korteng Supremang Pederal.
• Ang bagong pamahalaan ng bansa ay
nagsimulang manungkulan noong Mayo 20,
2006 matapos itong sang-ayunan ng mga
kasapi ng Iraqi National Assembly. Ito ay
sinundan ng isang pambansang halalan noong
Disyembre 2005.
40. • Ang United Arab Emirates ay isang pederasyon
binubuo ng pitong emirates. Ang posisyon ng
punong ministro ng bansa ay minamana mula sa
pangkat ng tribo ng Bin-yas. Ang kataas-
taasang Konseho (Sepreme Council) ng
pamahalaan ang naghahalal sa Konseho ng mga
Ministro.
• Ang bawat emirate, maliban sa Ras al-Khaiman,
ay may kani-kanyang sistemang Korteng Pederal
. Ang mga ito ay sumusunod sa batas Islamiko at
sekular.
• Si Sheikh Zayed bin Sultan Al Nahyan ang
pangulo ng United Arab Emirates mula pa nang
ito ay itinatag hanggang sa kanyang kamatayan
noong Nobyembre 2, 2004. Pagkalipas ng ilang
araw, inihalal ng kataas-taasang Korteng
Pederal ang kanyang anak na si Khalifa bin
Zayed Al Nahyan bilang pangulo.
42. • Ang saligang batas ng Kuwait ay nagtatalaga ng
pamahalaang pinaghalong presidensiyal at
parlamentaryo. Ang saligang batas ng bansa na
napapalooban ng 183 artikulo at limang
seksiyon ay pinagtibay noong Nobyembre 11,
1962.
• Ang kapangyarihan ng pangangasiwa sa
pamahalaan ay pinamumunuan ng Amir sa
tulong ng 15 hanggang 16 na kasapi ng Konseho
ng mga Ministro, na itinalaga rin ng Amir sa
rekomendasyon ng punong ministro.
• Ang kapangyarihang lehislatibo ng pamahalaan
ay ginampanan naman ng Amir at ng
Pambansang Asamblea.
• Ang Pambansang Asamblea ay binubuo ng 50
kasaping nanunungkulan sa loob ng apat na
taon.
44. • Ang pamahalaan ng Bahrain ay Constitutional
Hereditary Monarchy.
• Ito ay pinamumunuan ni Haring Shaykh Hamad
bin Isa Al Khalifa mula pa noong 1999.
• Ang parlamento ng bansa ay binubuo ng 40
kasapi na inihahalal upang mamuno sa loob na
apat na taon.
• Nang naging Amir si Haring Shaykh noong
1999, siya ay nagtalaga ng mga repormang
pampolitika na sang-ayon sa amnestiyang
pandaigdigan.
• Tinapos ni Haring Shaykh ang mapaniil na
pamahalaan at pinagkalooban ng karapatang
makiisa sa halalan ang kababaihan. Ipinangako
rin niya ang pagbabalik sa pamamahalang
konstitusyonal na nakabatay sa Saligang Batas
ng 2002.
46. • Ang pamahalaan ng Israel ay Parliamentary
democracy na binubuo ng mga sangay na
lehislatibo, ehekutibo, at hudikatura.
• Ang mga institusyon nto ay ang pangulo, ang
Knesset o ang parlamento ng bansa, at ang
pamahalaang binubuo ng Konseho ng mga
Ministro at Judiciary.
• Ang pangulo ng bansa ay ay inihahalal nang
lihim ng Knesset. Siya rin ang nagtatalaga as
mga kasapi ng Knesset at punong ministro ng
bansa,lumalagda sa mga batas na may
kinalaman sa mga kasunduang panlabas,
nagtatalaga ng mga hukom at iba pang opisyal
ng pamahalaan, at nagtatalaga ng
pagpapatawad o pagbaba ng sentensiya ng mga
bilanggo.
48. • Ang estrukturang pampolitika ng Lebanon ay
nababatay sa Sasligang Batas ng 1926 at sa
unwritten National Pact of 1943 ng bansa.
• Ang pamahalaan ng bansa ay nahahati sa mga
sangay na ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura.
• Ang sangay ng ehekutibo ng bansa ay
pinamumunuan ng pangulo, punong ministro, at
gabinete ng pamahalaan.
• Ang sangay ng lehislatibo ng bansa ay binubuo ng
Pambansang Asamblea sa katauhan ng mga
kasapi nito.
• Ang sangay ng hudikatura ay binubuo ng apat
na Courts of Cassation.
50. • Ang Hashemite Kingdom of Jordan ay isang
constitutional monarchy.
• Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng punong
ministro. Ang hari ang gumaganap sa
kapangyarihang ehekutibo sa tulong ng ng
punong ministro at Konseho ng mga Ministro o
gabinete.
• Ang sangay naman ng lehislatibo ng bansa ay
kinakatawan ng Pambansang Asamblea na
binubuo ng Kapulungan ng mga kinatawan at
Kapulungan ng mga kilalang Katauhan (House of
Notables).
• Ang sangay ng hudikatura sa bansa ay binubuo
ng mga korteng sibil, korteng panrelihiyon, at
espesyal na korte.
52. • Ang pamahalaan ng Oman ay isang absolute
monarchy.
• Ang sultan ng Oman na si Qabos bin said As-
Said ang tanging pinuno ng estado. Siya rin ang
nagtalaga na kanyang gabinete na tumutulong sa
pamamahala.
• Noong Oktubre 4, 2003, ang mga
mamamayang ma edad 21 pataas ay
pinagkalooban ng karapatang maghalal ng 83
posisyon sa konsehong tagapatnubay.
• Dalawang kababaihan ang naihalal sa posisyong
ito.
• Ang sistema ng hukuman sa bansa ay nababatay
sa Sharia at binubuo ng mga husgadong
mahistrado.
54. • Ang sistemang pampolitika ng Yemen ay
nababatay sa Saligang Batas ng 1991 ng bansa.
• Ang mga pangulo na inihahalal ng mga
mamamayan ang tumatayong pinuno ng estado
sa loob ng pitong taon.
• Ang lehislatura ng pamahalaan na binubuo ng
Konseho ng Shura na may 111 miyembro at
itinalaga rin ng pangulo at ang Konseho ng mga
Kinatawan na may miyembrong 301 ay
inihahalal ng mga mamamayan upang
manungkulan ng anim na taon.
• Ang hudikatura ng pamahalaang Yemen ay
binubuo ng Commercial Courts at Supreme Court
na nakabatay sa Sharia o Batas Islamiko
56. • Ang mga pamahalaan ng Turkey ay Secular
Parliamentary Representative Democratic
republic.
• Ang sistemang politikal sa Turkey ay nakabatay
sa magkakahiwalay na kapangyarihang
ehekutibo, lehislatura, at hudikatura.
• Ang kapangyarihang ehekutibo ng pamahalaan
ay ginagampanan ng Konseho ng mga Ministro.
• Ang sangay lehislatura naman ay ginagampanan
ng grand National Assembly of Turkey.
• Ang sangay ng hudikatura ay pinamamahalaan
ng Supreme Board of Judges and
Prosecutors(HSYK).
58. • Ang Syria ay isang Semi-presidential
republic.
• Ang sangay ehekutibo ng bansa ay binubuo
ng pangulo , dalawang pangalawang
pangulo, punong ministro, at mga ministro
ng konseho o gabinete.
• Ang kapangyarihang lehislatura ng bansa ay
ginagampanan ng People’s Council.
• Ang hudikatura ng pamahalaan ay binubuo
ng Supreme Constitutional Court, High
Judicial Council, Court of Cassation, at State
Security Courts.
• Ang Batas Islamiko ang batayan ng
lehislasyon at hudiaktura ng bansa.
60. • Ang Qataray isang emirate. Ang emirate ay
lupaing pinamumunuan ng isang emir o amir
(prinsipe) na karaniwang ibinibigay na titulo sa
mga bansang Muslim.
• Ang emirate ay namamana kung kaya’t walang
nagaganap na halalan para sa posisyon nito.
• Ang lehislatura ng pamahalaan ay binubuo ng
Advisory Council na siyang nagpapanukala at
sumasang-ayon sa anumang batas na
nakasalalay rin sa emir ang huling
pagdedesisyon.
• Ang sangay hudikatura ng pamahalaan ay
binubuo ng Administrative Court, Constitutional
Court, at Courts of First Instance, Appeal, at
Cassation.
62. • Ang mabilis na pang-
ekonomiya, panlipunan, at
pampolitikang pag-unlad sa
Asya ay nagbunsod ng
malaking pagbabago sa
kalagayan ng kababaihang
asyano. Ito ay naging daan
upang magbago ang
kalagayan ng kababaihan sa
lipunan.
63. Timog Asya
• Ang kaugaliang suttee o satin ay ipinagbawal ng
Batas 1829 sa India ay nagbigay ng karapatan
sa mga babaeng Indian na mapanumbalik ang
kanayang maayos na pamumuhay sa
pagkamatay ng kanayang asawa.
• Sa pamamagitan ng Widow Remarriage Act ng
1856, napagkalooban ng karapatang mag-
asawa muli ang kababaihang Indian na namatay
nang asawa.
• Ang kababaihan sa rehiyon ay binibigyan na rin
ng pagkakataong mangasiwa ng mga paupahan.
• Maliban sa tradisyonal na paghahanapbuhay sa
sektor ng agrikultura, sinasabing hindi maaaring
maganap ang industriyalisasyon kung walang
partisipasyon ang kababaihan sa rehiyon.
64. • Itinalaga ng saligang batas ng bansa ang
pantay na pagkakataon sa kababaihan tulad
ng pantay na pasahod at hanapbuhay.
• Si Rajmata o Queen Mother Tehri Garhusal
ay nahalal bilang isa sa mga opisyal ng
pamahalaang Indian at naging kauna-
unahang babaeng Indian na naging
kinatawan sa ibang bansa.
• Inilalaan din sa India ang 33 bahagdan sa
posisyong pangmunisipal para sa
kababaihan, 25 bahagdan naman ang sa Sri
Lanka at inihahanda naman sa Bangladesh
at Nepal ang 33 bahagdan ding posisyon sa
pamahalaang munisipal.
65. Kanlurang Asya
• Ang rehiyon ng Kanlurang Asya ay lupaing
patriarchal ang namamayaning kaisipan,
kung saan binibigyang-halaga ang purdah,
paghihiwalay ng kababaihan at kalalakihan
sa lipunan, at karangalan.
• Bagama’t pinapayagang maghanapbuhay,
ang isang babae ay kinakailangang munang
humingi ng permiso sa kanilang
tagapagtanggol.
• Sa Turkey, naging bahagi na ng
modernisasyong Kemalist ang mga kilusang
pangkababaihan.
66. Nakuhang Maipaglaban ng mga
kilusang ito ang sumusunod:
• Pagbabawal sa gawing polygamy
• Pantay na karapatan sa usaping
diborsiyo at karapatan sa pagaari.
• Pagbibigay ng pampolitikang
karapatan sa kababaihan, kasama na
ang karapatang makaboto at maihalal
sa posisyon sa pamahalaan.
67. • Noong 1985, ang turkey ay naging bahagi
ng Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women.
• Nagbago naman ang katayuan ng
kababaihan sa United Arab Emirates nang
simulang matuklasan ang langis sa bansa.
• Ang Israel ang kinikilalang ikatlong bansa sa
daigdig na pinamunuan ng babaeng punong
ministro na si Golda Meir.
• Ang Israel ang ang natatanging bansa sa
daigdig na nagtalaga ng sapilitang
paglilingkod sa militar ng kababaihan.
69. Palatuntunang Nagtataguyod
sa mga Dalit
• Reservation System
Upang mapaunlad ang kalagayan ng mga Dalit, ipinanukala
ng pamahalaang India sa Gujarat ang reservation system.
• National Commission for Scheduled Castes and Scheduled
Tribes
Ito ay itinatag upang siyasatin, payuhan, at sundan ang
paglilinang ng pangkat ng Dalit at iba pang pangkatetniko
ng rehiyon.
• Untouchability Offenses Act of 1955 o Protection of Civil
Rights Act in 1976
Ang batas na ito ang nagpapatupad ng Article 17 ng
Saligang Batas ng bansa na nagbabawal sa untouchability
70. • Scheduled Castes and Scheduled Tribes
Prevention of Atrocities Act of 1989
Itinalaga ng batas na ito ang higit na
kaparusahan sa labing-walong krimen na
posibleng isagawa ninuman laban sa mga Dalit,
kasama na rito ang puwersahang pagpapakain
sa mga ito ng hindi masisikmurang mga
sangkap, pang-aalipin, at seksuwal na
pagsasamantala.
• National Campaign on Dalit Human Rights
Ito ay kilusang pinamumunuan ng Dalit human
rights activists.
72. Edukasyon sa Timog Asya
• Sa pagsisimula ng ika-21 siglo, ang mga
bansa sa Timog Asya ay naharap sa
matinding hamong pang-edukasyon.
• Bilang pagtugon sa mga hamong ito,
inilunsad ng bawat pamahalaan sa rehiyon
ang paglilinang ng edukasyon at
pinagsikapang maganyak ang higit na
nakararaming kabataan na magpatala sa
mga paaralan.
• Upang maresolba ang mababa paring bilang
ng nagpatala sa mga paaralang sekundarya,
inilunsad ng India, Pakistan, at Sri Lanka
ang vocational training plan.
73. • Ang edukasyon teritiary sa rehiyon ay
mabilis na lumawak. Dahil dito, naharap ang
mga bansa sa matinding suliraning
unemployment rate sanhi upang
mandayuhan ang mga mamamayan sa mga
bansang Kanluranin.
• Ang Sri Lanka at Maldives ang kinikilalang
nangunguna sa rehiyon batay sa antas ng
literasiya at basic education.
• Ang basic education ay unibersal at ang
bahagdan ng tala sa sekundaryang
edukasyon ay mataas sa kabila ng
kakulangan ng mga institusyong
pangkolehiyo sa bansa.
74. Edukasyon sa Kanlurang Asya
• Limitado lamang ang edukasyon sa mga piling
Islamic Madrassas nang magsimulang maging
isang nasyon ang Saudi Arabia noong 1932.
• Ang edukasyon mula primarya hanggang
sekundarya ay bukas at libre para sa lahat ng
mga mamamayan ng Saudi Arabia.
• Ang edukasyon ng bansa ay nakabatay sa Btas
Islamikong Sharia at Koran.
• Patuloy na lumalaki ag badyet ng pamahalaang
Saudi para sa edukasyon. Sa katunayan ito ay
tumaas ng 28 bahagdan noong 2004, higit na
lumaki kumpara sa mga nakaraang badyet nito
75. • Ang kauna-unahang paaralang
pampublikong Western-style sa bansa ay
itinatag ni Haj-Mirza Hassan Roshdieh
• Libre naman ang pag-aaral sa mga pribado
at publikong paaralan sa lahat ng antas sa
Iran.
• Ipinagpatuloy ng rebulosyong 1979 ni
Khomeini ng Iran ang pagbibigay-halaga sa
edukasyong nakatuon sa Islamisasyon ng
sistema ng edukasyon.
• Tinatayang ang kasalukuyang bilang na
500,000 ng mga mag-aaral sa bansang
Kuwait ang pinakamalaki sa Kanlurang Asya.
76. • Bunga ng magkakaibang uri ng populasyon
sa bansa, ang mga paaralan ay nauuri sa pat
na pangkat: ang paaralang pambansa na
pinapasukan ng nakararaming bilang ng mga
mag-aaral; ang relihiyosong paarlang
pambansa na pinapasukan ng mga mag-
aaral na Orthdox, Jew, at nagbibigay-diin sa
mga aralin at tradisyong Jew; ang Arab at
Druze schools na nagtuturo ng wikang Arabic
at kasaysayan, relihiyon, at kulturang Arabic
at Druze; at ang sektor ng pribadong
paaralan na pinamumunuan ng iba’t-ibang
organisasyong tumutugon sa iba’t iabng
aspekto ng edukasyon.
77. • Ang paaralang sekundarya ng Israel ay
napaplooban ng paghahanda para sa Israeli
matriculation exams na kung tawagin ay
Bhinot Bagrut.
• Kumpara sa nakaraang talumpung taon,
malaking pagbabago na ang naganap sa
larangan ng edukasyon sa Kanlurang Asya.
79. • Malaking bahagi ri ang ginampanan ng relihiyon
sa labanang Arab-Israeli.
• Sa paglapad ng agwat sa pagitan ng mga
bansang Arab at Kanluranin bunsod ng
makabagong teknolohiy, binansagan ng mga
radikal na Muslim ang kulturang Kanluranin
bilang kalaban at naglinang ng panibagong
pananaw na kung tawagin ay Islamism.
• Ang brutal na pagpatay sa mga sibilyan ng mga
Islamic suicide bombers at terorista sa rehiyon ay
isinasagawa sa ngalan ni Allah at pinaniniwalaan
ng mga radikal na Muslim na may bendisyon ni
Allah.
• Nilalaman naman ng bibliya ng mga jew ang
pagbabawal sa pagpatay at pagtanggi sa
pagpapakamatay, sa kabila na kautusang “If one
comes to slay you, slay him first”
81. • Ang India ang bumubuo sa 82 porsiyentong
ekonomiya sa rehiyon, ang pinakamalaki sa
mga bansang kabilang dito.
• Ang ekonomiya ng Bhutan ay binubuhay ng
agrikultura at produktong mula sa
kagubatan.
• Ang ekonomiya naman ng Sri Lanka ay
tinutustusan ng turismo, pagluluwas ng tsaa,
kasuotan, tela, produksiyon ng bigas.
82. Ekonomiya sa Kanlurang Asya
• Ang produksiyon at pagrerepina ng petrolyo
ang bumubuo sa 70 porsiyento ng kita ng
bansang Bahrain at 11 porsiyento naman ng
GDP nito.
• Ipinamalaki naman ng Iraq ang pagluluwas
ng gmat 2.6 na milyong barrel ng langis
kada araw.
• Ang Jordan naman ang kinikilalang may
pinakamaliit na ekonomiya sa mundo.
• Ang Kuwait na isang open economy ay
nagtataglay ng 7 porsiyento ng reserbang
langis ng bansa.
83. • Turismo at panaalipin naman ang
pangunahing kabuhyan ng Lebanon
• Ang Oman na nagtatamasa ng ekonomiyang
middle income at nakadepende rin sa langis
ay kasalukuyang hinahamon ng bumababang
bahagdan ng reserbang langis nito.
• Ang ekonomiya naman ng Qatar ay patuloy
na umuunlad mula pa noong 2010 bunsod
ng tumaas na presyo ng langis.
85. Neokolonyalismo
• Sa kabila ng pagkakaroon ng kasarinlan mula sa
mga kolonyalismong Kanluranin, sinasabing ang
gma bansang Asyano ay hindi pa rin ligtas sa
totoong kahulugan ng salitang imperyalismo.
• Ang neokolonyalismo ay tumutukoy sa paggamit
ng isang maunlad o malakas na bansa ng
kanyang makapangyarihnag paraang
pampolitika, pangmilitar, at pangekonomiya
upang maipalaganap ang impluwensiya at
patuloy na magdomina sa mga bansang hindi
gaanong maunlad.
86. Pagpasok ng mga Asyano sa
Nekolonyalismo
• Ang salitang neokolonyalismo ay sinimulang
siambitin sa pagtatapos ng kolonyalisasyon
ng mga bansa sa Asia at Africa, matpaos
ang pakikopagsanggunian ng mga
pambansan gpinuno sa ilan kumperensiyang
pandaigdigan.
• Ito ay inihahayag ng mga konsepto ng
dependency theory at cultural theory.
87. Dependency Theory
• Inihahayg ng Dependency Theory ang
paglagay na ang daigdig ay umiikot sa
maunlad na bansa, umuunlad na bansa, at
hindi maunlad na bansa, na ang mga likas
na yaman ay kinukuha mula sa mga hindi
maunlad at umuunlad pa lamang na mga
bansa patungo sa maunlad pa lamang na
mga bansa patungo sa maunlad na bansa
upang mapagpatuloy ang pagpapanatili sa
kanilang ekonomiya.
88. Cultural Theory
• Sa paglaganap ng neokolonyalismo, namalas
din ang pagnanasa ng malalakas na bansang
mapanghimasukan ang kaisipan at
pangunawa ng mga tao sa pamamagitan ng
media, wika, edukasyon, at relihiyon.