5. Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang
mabigyan ng wastong interpretasyon ang
napakinggang pangungusap/pahayag upang makabuo
ng isang makabuluhang kahulugan .Ang tagumpay ng
pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa kaalamang
taglay ng kapwa nag-uusap, “ world knowledge” ng
mga nag-uusap ,at maging ng kaalamang lingguwistiko ;
estruktura, at diskurso , at kaalaman sa social setting.
6. Sa pagdidiskurso , mahalaga na:
1. maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa
kulturang nakapaloob dito;
2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon gaya ng
integrasyon ng kilos sa salita
3. Magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-
unawa ng mga mensahe
4. Maisasaalang-alang ang sumusunod na mga dimensyon
7. a. KOTEKSTO – Gaya ng inilahad ni Hymes sa kanyang
SPEAKING theory , tungo sa ikatatagumpay ng isang
pakikipagtalastasan , mainam na makita ang kabuuang
konteksto ( setting, participants, ends, acts, keys,
instrumentalities, norms ,at genre). Sa pamamgitan nito
maaring mapaangat ang sensibilidad ng dalawang nag-
uusap.
8. b. KOGNISYON- Tumutukoy sa wasto at angkop
na pag-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap .
Bahagi ng kognisyon ang oryentasyon at
kulturang kanilang kinabibilangan.
9. c. KOMUNIKASYON- Ang dimension ito ay
tumutukoy sa verbal at di verbal na
paghihinuha ng mga impormasyon
10. d. KAKAYAHAN- Likas sa mga tao ang
pagkakaroon ng kakayahan sa pakikinig,
pagsasalita , pagbasa, at pagsulat .Ang mga ito
ang siyang pangunahing kailangan sa mahusay
na pagdidiskurso
11. Ang diskorsal ay bahagi ng komunikasyon. Kung ang
komunikasyon ay pagpapahayag ang diskorsal ang
itinuturing na pagpapalitan ng pagpapahayag. Ito ay
dalawang paraan pasalitang diskurso at pasulat na
diskurso.
12. May ibat ibang teorya ng diskurso na naipanukala
ng mga iskolar sa komunikasyon. Nariyan ang
Speech Act Theory.