2. MEMBERS
Jonn Nathaniel F. Logronio(Leader)
Anthony Robert Rebater
Ralph Gabriel G. Villa
Saimon John E. Orapa
John Bautro
Neil Frian O. Malapit
Isaac Aguja
3.
4. TALUMPATI
Isang sining at makaagham na pagpapahayag ng
mahahalaga at makakabuluhang kaisipan na
binibigkas sa harapan ng madlang tagapakinig
7. Biglang Talumpati - ito ay biglaang talumpati na binibigkas
pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa pagbigkas ng
biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na
mismo ng pagsasalita.
Maluwag (Extemporaneous) - May inihandang balangkas
ng talakay at may panahong magtipon ng datos ang
mananalumpati bago ang pagsasalita.
Manuskripto - Ito ay isang isinulat na impormasyon na
manuwal na nilikha ng isa o maraming mga tao gaya ng
isang sulat na isinulat ng kamay na salungat sa pagiging
inilimbag o nilikha sa ibang paraan.
Isinaulong Talumpati - Ito ang uri ng talumpati na
isinusulat muna pagkatapos ay isinasaulo ng
mananalumpati. Masusukat dito ang husay ng
pagbabalangkas ng manunulat, kaniyang pagpapaliwanag
at tibay ng kaniyang mga argumento bukod pa sa husay
niyang bumigkas.
8. Mga Dapat Isaalang – alang sa Pagsulat ng
Talumpati
A. Uri ng mga Tagapakinig
Ayon kay Lorenzo, et al. sa kanilang aklat na Sining ng
Pakikipagtalastasang Panlipunan (2002), ang ilan sa dapat mabatid
ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang mga
sumusunod:
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig – Mahalagang alamim ang
edad o gulang ng nakararami sa mga tagapakinig. Iakma ang
nilalaman ng paksa at maging ang wikang gagamitin sa edad ng
makikinig. Halimbawa, ang mga bata ay tiyak na hindi lubos na
magiging interesado sa mga paksang pangmatanda, gayundin
naman, magiging kabagot – bagot para sa mga matatanda ang mga
paksang pambata.
9. 2. Ang bilang ng mga makikinig – Mahalagang malaman kung
ilan ang mga taong makikinig sa talumpati. Kung maraming
makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na
isaalang -alang ng mananalumpati. Mapaghahandaan nang husto
ang talumpati kung batid ang dami ng makikinig.
3. Kasarian – Madalas magkaiba ang interes, kawilihan,
karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan.
Nagkaroon din ng magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa
isang partikular na paksa. Mahalagang malaman kung ang
pagtitipong pupuntahan ay binubuo ng kalalakihan, kababaihan, o
ng magkahalong kasarian.
10. 4. Edukasyon o antas sa lipunan – Mahalaga ring malaman ang
antas ng edukasyon ng nakararaming dadalo sa pagtitipon at maging
ang antas ng kanilang buhay sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng
edukasyon saa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa.
Kung ang mga makikinig ay kabilang sa masang pankat, mahalagang
gumamit ng mga salita o halimbawa na akma para sa kanila. Kung ang
karamihan naman sa mga makikinig ay mga edukado at kabilang sa
mataas na antas ng lipunan, iba ring pamamaraan ng pagtatalakay
ang dapat gamitin sa kanila.
5. Mga saloobin o dati nang alam ng mga nakikinig – Dapat mabatid din
kung gaano na kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga nakikinig
tungkol sa paksa. Kung may alam na ang mga tagapakinig tungkol sa
paksa, sikaping gawing kasangkapan ito ng mga bago at karagdagang
impormasyon upang hindi sila mabagot o mawalan ng interes.
12. 1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin – Ito ay
naisasagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng
impormasyon sa ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin at
dyornal. Mula rito ay maaaring kumuha ng mahahalagang datos o
kinakailangang impormasyon tungkol sa paksa kasama ang
sanggunian. Maaari ding magsagawa ng interbyu sa isang taong
eksperto sa paksang tatalakayin upang higit na maging makatotohanan
ang niloalaman ng susulating talumpati sa pamamgitan ng pagbanggit
ng mga nagging karanasan at nalalaman ng taong kinapanayam.
Magiging mahina ang talumpati kung ito ay salat sa mga datos, walang
laman, at may mga maling impormasyon. Mahalagang isiping higit na
mahalaga ang nilalaman ng talumpati kaysa sa ganda ng boses, husay
sa pagbigkas, at mga biswal na tulong sa presentasyon.
Sa kasalukuyan, ang internet ang isa sa pangunahing ginagamit ng
marami sa
pangangalap ng mga datos mula sa mapagkakatiwalaang mga
sanggunian, artikulo, aklat, at iba pang babasahin.
13. 2. Pagbuo ng Tesis – Matapos makapangalap ng sapat na datos o
impormasyon ang susunod na hakbang na gagawin ay ang pagbuo
ng tesis o pangunahing kaisipan ng paksang tatalakayin.
Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang
pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig. Ang
tesis ang magsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin ng
talumpati ay magbigay ng kabatiran, ito naman ay magsisilbing
pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati
ay manghikayat, at nagsisilbi naman itong pokus ng pagpapahayag
ng damdamin kung ang layunin ng talumpati ay magtaguyod ng
pagkakaisa ng damdamin ng mga makikinig.
14. 3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto – Kapag
may tiyak nang thesis para sa talumpati, maaari nang alamin ng
mananalumpati ang mga pangunahing punto na magsisilbing
batayan ng talumpati. Mahalagang mahimay o matukoy ang
mahahalagang detalyeng bibigyang pansin upang maging
komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati.
16. 1. Kronolohikal na Hulwaran – Gamit ang hulwarang ito, ang mga
detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkasunod – sunod
ng pangyayari opanahon. Maaaring isagawa ang paghahanay ng
detalye mula sa unang pangyayari, sumunod na
mga pangyayari,at panghuling pangyayari. Ang paksa
ay maaari ding talakayin sa pamamagitan ng mga hakbang na
dapat mabatid at sundin ayon sa tiyak na pagsunod – sunod ng mga ito.
2. Topikal na Hulwaran - Ang paghahanay ng mga materyales ng
talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay
kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainam na gamitin ang
hulwarang ito. Halimbawa, kung tatalakayin ang kultura maaaring
hatiin ito sa espesipikong paksa tulad ng sosyolohiya,
antropolohiya, at maging ang uri ng heograpiyang kinalalagyan ng
mga tao. Mainam na gamitin ito upang buo at malinaw na
nauunawaan ng mga nakikinig ang tinatalakay ng paksa.
17. 3. Hulwarang Problema - Solusyon - Kalimitang
nahahatisa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati
gamit ang hulwarang ito ang paglalahad ng suliranin at ang
pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa. Kalimitang
ginagamit ang hulwarang ito sa mga uri ng talumpating
nanghihikayat o nagpapakilos.
18. Kasanayan sa Paghahabi ng mga Bahagi ng
Talumpati
• Introduksyon
• Diskusyon o katawan
• Katapusan o kongklusyon
• Haba ng talumpati
19. Halimbawa ng Talumpati
Andres Bonifacio’s “To The Brave Sons Of The People”
Speech (1897).
“The bravery you have manifested since the start of this
Revolution in fighting against the Spanish enemy is the
clearest proof that you are not terrified by the noise of the
preparations for the invasion here of the army of Polavieja.
That army, in a short span of time, has demonstrated
marked cowardice and base conduct by torturing and killing
multitudes of our non-combatant people. Their burning of
the towns here, their desecration of the purity of our women
without regard to their weakness, the murder of the old and
of helpless infants – these acts are not those of any man of
honor and courage. They cry out for vengeance and
justice.”
20. Katipunan Supremo Andres Bonifacio published his
exhortation “Mararahas Na Manga Anak Nang Bayan” to
his men during a lull in the fighting between November
1896 and March 1897. Sa kanyang talumpati, pinuri niya
ang mga kalalakihan sa kanilang katapangan sa larangan
laban sa mga Kastila na naging duwag sa pamamagitan ng
pagmasaker sa mga sibilyan at pandarambong sa mga
nayon. Sinabi rin niya na habang ang pagkawala ng buhay
ng isang tao ay inaasahan sa larangan ng digmaan, ito ay
para sa mas mataas na layunin. Kaya naman, hinimok niya
sila na ipagpatuloy ang pakikipaglaban hanggang sa
tuluyang masiguro nila ang kalayaan ng kanilang bansa
mula sa mga mapang-aping Espanyol.
21. Katanungan:
1. Sino ang kinakausap ni Ka. Andres Bonifacio?
2. Paano Sinimulan ang talumpating iyong binasa?
3. Ano ang ibig sabihin ng inyong binasang talumpati?