1. KOLONYALISMO - Ang kolonyalismo ay ang direkta o tuwiran na pananakop ng isang bansa
sa iba pang bansa upang makamit ang mga layunin o mga interes nito kagaya ng pagkuha ng
mga kayamanan. Mga makakapangyarihang bansa ang nanakop, samantalang mga
mahihinang bansa naman ang mga sinasakop.
IMPERYALISMO - Ang Imperyalismo ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at
pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang
kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking imperyo.
Pilipinas
Espanya
Ang mga Espanyol ay sumakop sa Pilipinas sa taong 1564. Ito ay umabot ng hanggang 333
taon. Gamit ang caravel nakarating ang mga espanyol sa Pilipinas, nabighani sila sa mga
yaman ng bansa kaya’t nilayon nila na makabalik. Sa tulong ng compass madali silang
nagpabalik-balik sa bansang Pilipinas upang gawin ang kanilang layunin na ito ay sakupin. Sa
tulong ng Ebanghelisasyon o kristiyanismo madaling nakuha ng mga espanyol ang damdamin
ng mga Pilipino; sa bawat lugar na tinutungo ng mga ito ay nireregaluhan nila ng poon o krus
bilang tanda ng pagmamahal sa lumikha. At dahil walang pormal na pagsamba ang mga
Pilipino noong panahong iyon ay tuluyang nilang niyakap ang dalang kultura ng mga
espanyol.Malakas na bansa ang Espanya kaya’t nagawa nilang kontrolin ang bansang Pilipinas
at tuluya nilang naging kolonya. Isa ang kolonisasyon sa nagpatibay at nagpatagal ng 333 taon
na pagkakabilanggo ng Pilipinas sa bansang Espanya.
Estados Unidos
Ang mga Amerikano nama'y sumakop sa taong 1899-1902.Sinakop nila ang Pilipinas sa
pamamagitan ng pagtulong nila sa rebolusyonaryong Pilipino laban sa Espanya at nanalo ang
mga Pilipino. Pero ang Espanya at Amerika ay nagkaroon ng kasunduan na susuko ang
Espanya sa Estado Unidos at sa kanila na ang Pilipinas
Japan
Ang mga Hapon ay sumakop noong simula ng digmaan (1941). Habang nagaganap ang
ikalawang digmaang pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong hapones ang pilipinas
noong disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga hapones ang
pearl harbor, hawaii, at estados unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina heneral
douglas mcarthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan
bilang pangulo ng pilipinas. pinasok ng militar ng hapon ang maynila noong enero 2 1942. Sumuko
2. ang bataan sa puwersa ng mga hapones noong abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay
pinaglakad ng mga hapones (ang tinatawag na martsa ng kamatayan) papunta sa isang kampo ng
konsentrasyon sa capas sa lalawigan ng Tarlac.
CHINA
Portugal
Sinakop nila ang bansang China sa pamamagitan ng paggamit ng Dahas at pagpalaganap ng
Kristiyanismo
England
Gusto ng bansang England na palawakin at palaganapin ang kanilang kapangyarihan kaya sinakop nila
ang bansang China. Mayaman din sa likas na yaman ang bansang China kaya nagkaroon ng malaking
interes ang bansang England na sakupin ito. Nagkaroon rin sila ng interes sa mga daungan at sa
kalakalan na meron ang China kaya sinakop nila ang bansang China.
France
Dahil ang lahat ng mga bansang mananakop kabilang na ang France ay nag-aasam na makakuha ng
mga ginto at pilak mula sa kanilang nasasakupan at upang makuha ng France ang mga pampalasa at
hilaw na mga sakap na sadyang mahalaga para sa kanilang bansa. Kung kaya, sinakop ng France ang
China dahil sa likas na yaman nito.
INDONESIA
Portugal
Sinakop ng Portugal ang Indonesia noong 1534-1600. Dahil sa paghahangad ng pampalasa, narating ng
portugal ang Ternate sa Moluccas.
Netherlands
Pina-alis ng mga dutch ang mga portuges noong 1655 at sinakop ng mga isla ng amboina at tidore sa
moluccas gamit ang wersang pandigma.
England
Gumamit sila ng Divide and rule policy.