7. Narito ang maraming pabrika at pagawaan ng
iba’t ibang podukto. Sa pook na industriyal
ginagawa ang mga papel, lapis, pagkaing de- lata,
inumin sa bote, tela, damit, sapatos, at marami
pang iba.
8. Ang komunidad na rural
ay nasa mga lalawigan. Mas
kaunti ang mga tao at
sasakyan dito. Simple ang
pamumuhay ng mga tao sa
komunidad na rural.
9. Ang sakahan ay
kabilang sa komunidad na
rural. Matatagpuan ang
mga sakahan sa lambak o
kapatagan.
10. Ang pangisdaan ay
isa ring komunidad na rural.
Matatagpuan ang mga
pangisdaan sa tabi ng ilog,
lawa, at dagat.
11. Kabilang din ang
minahan sa komunidad na
rural. Karaniwang makikita
ang mga minahan sa mga
bundok.