3. Naghintay si Don Juan sa
pagdating ng Ibong Adarna.
Nang ito ay dumating at
nagsimulang kumanta, sinugatan
niya ang kanyang palad gamit
ang labaha. Sa bawat kanta ay
piniga nita ang dayap sa kanyang
sugat.
4. Di na inantok si Don Juan dahil
sa hapdi ng sugat niya.
Pagkatapos ng pagkakanta ng
Ibong Ibong Adarna, natulog ang
Ibong Ibong Adarna. Kinuha ni
Don Juan ang Ibong Adarna,
itinali sa gintong sintas at
ipinasok sa hawla.
5. Bumalik si Don Juan sa
ermitanyo upang ipagamot ang
mga sugat nito. Inutos ng
ermitanyo kay Don Juan na
kumuha ng tubig at ibuhos sa
dalawang bato.
6. Pagkatapos naging tao ulit ang
dalawang nakatatandang
kapatid niya. Nagdiwang sila sa
bahay ng ermitanyo at
nagpaalam sila at umalis.
8. Pauwi ng Berbanya, nagplano si
Don Pedro na patayin si Don
Juan dahil sa inggit. Sinabi niya
ang planong ito kay Don Diego
pero ayaw niyang patayin si Don
Juan.
9. Binugbog nalang nila si Don
Juan. Kinuha na nina Don Pedro
at Don Diego ang Ibong Adarna
at nagpatuloy na sila pauwi sa
Berbanya.
10. Pagkauwi ng dalawang
magkakapatid, pinakita na nila
ang Ibong Adarna pero
pumangit na ito at ayaw din
nitong kumanta. Mas-lalong
nalungkot si Haring Fernando.
12. Habang nasa palasyo na sina
Don Pedro at Diego, si Don Juan
naman ay nagdasal nalang sa
Diyos. Nagdasal siya na maligtas
ang kanyang ama kahit siya’y
mamatay na.
13. Sinagot naman ito ng Diyos,
dumating ang isang matanda na
nanggamot kay Don Juan.
Pinasalamatan naman ni Don
Juan ang matandang ito at
mabilis na siyang bumalik sa
Berbanya.
15. Nang makabalik ng Berbanya si
Don Juan at nakita ng Ibong
Adarna ay gumanda ulit ito.
Nagsimula na rin itong kumanta
tungkol sa paglalakbay ng
tatlong magkakapatid at
pagtataksil ng dalawang
nakatatandang prinsipe.
16. Dahil dito’y muntik nang
ipatapon o palayasin sina Don
Pedro at Don Diego. Buti nalang
ay nakipagusap si Don Juan kay
Haring Fernando na patawarin
na sila, at sinunod ito ng Hari.
Pinabantay niya sa kanyang mga
anak ang Adarna.