1. COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal
Detailed Lesson Plan In Teaching Arts In Elementary Grade 4
Name of Teacher Lea Joy C. Pillos Section: BEED GEN. 3E
Learning Areas ARTS Time: 7:00 – 8:30 PM
Grade Level 4 Date: February 5, 2022
I. Objective
At the end of the lesson, 80% of the pupils should be able to:
A. Content Standard.
Demonstrates understanding of lines, color, shapes, space and proportion through drawing.
Performance Standard.
Sketches and paints a landscape or mural using shapes and colors.
B. Learning Competency.
LO-1. Discusses pictures of localities where different cultural communities live where each group
has distinct houses and practices. A4EL-ILA
II. Subject Matter
A. Topic: Pagpipinta ng Tanawin sa Kumunidad o Landscape Painting
B. References: K to 12 Curriculum Guide in Art.
1. Teacher’s Guide Pages: Teacher’s Guide pp. 179 -181
2. Learner’s Material: Pivot Leaners Material MAPEH ARTS 4 SECOND QUARTER.
C. Materials: Lapis, Bondpaper, Watercolor, Basahan, at Water Container.
D. Values Integration: Appreciation & Creativity
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Maaring magsitayo ang lahat para sa
panalangin.
Ama namin…
2. COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal
2. Pagbati
Magandang umaga.
3. Pagsasaayos ng silid.
Bago magsiupo ang lahat, paki-ayos
muna ang inyong mga upuan.
4. Pagtala ng lumiban.
Mayroon bang lumiban sa klase ngayon?
Magaling.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
(Pagpapakita ng mga larawan na halimbawa
ng landscape painting.)
Ngayon ay magpapakita ako ng mga larawan.
Suriin itong mabuti dahil meron
akong nakahandang katanungan. Maliwanag
ba?
Magandang umaga rin po.
(Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang upuan)
Wala po.
Opo
3. COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal
2. Paglalahad
Anong uri ng biswal na sining ang nasa
larawan?
Tama.
At ano naman ang nakikita nyo dito?
Mahusay.
Alam nyo ba ang tawag sa ganitong uri ng
pagpinta?
Ito ay tinatawag na Landscape Painting.
May ideya ba kayo kung bakit ito tinawag na
landscape painting base sa nakikita nyo sa
larawan?
Mahusay.
Landscape painting ang tawag natin sa
pagpipinta kung saan ang paksa ay patungkol
sa kabukiran, kabundukan, at tanawin sa
kapatagan.
3. Pagtatalakay
Ngayon ay dadako na tayo sa ating
panibagong aralin. Yunit II, pagpipinta ng
tanawin sa komunidad o landscape painting.
Batay sa pinakita kong larawan kanina, ano-
ano ang mga elemento ng sining ang inyong
nakikita?
Pagpipinta po.
Kabukiran, kagubatan at kapatagan.
Hindi po.
Siguro po tinawag itong landscape painting dahil
ito ay patungkol sa kabukiran, kagubatan, at
tanawin sa kapatagan.
Linya, hugis, at kulay po.
4. COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal
Tama.
Alam nyo ban a maliban sa linya, hugis at
kulay, ay may isa pang elemento ng sining na
nakakatulong upang mas maging
makabuluhan at kaaya-aya an gating
landscape painting? Alam nyo ba kung ano
ito?
Ibigay ang letrang E!
Ibigay ang letrang S!
Ibigay ang letrang P!
Ibigay ang letrang A!
Ibigay ang letrang S!
Ibigay ang letrang Y!
Ibigay ang letrang O!
Ano nga ulit yun?
Magaling.
Maaring pakibasa ang ibig sabihin ng
espasyo?
Sa isang likhang sining, mayroong
foreground, middleground, at background.
Kung may tamang espasyo, naipapakita ng
mabuti ang mga nabanggit na bahagi.
Ano nga ulit ang tatlong bahagi ng espasyo na
nabanggit?
Tama.
Unahin muna natin ang Foreground.
Hindi po.
E!
S!
P!
A!
S!
Y!
O!
ESPASYO!
Ang espasyo ay ang distansya o agwat sa pagitan
ng bawat bagay sa isang likhang sining. Mahalaga
ito para sa pagpipinta.
Foreground, Middleground, at background po.
5. COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal
Ang foreground ay ang pinakamalapit sa
tumitingin.
Sa unang larawan na meron tayo, ano sa
tingin nyo ang pinakamalapit sa tumitingin?
Tama. Ito ay ang mga bulaklak.
Sa ikalawang larawan naman, ano ang
pinakamalapit sa tumitingin?
Tama. Ito ay ang mga bangka.
At ang mga bangka at mga bulaklak ay ang
tinatawag nating foreground dahil ito ay
pinakamalapit sa tumitingin malawanag ba?
Mahusay.
Sumunod ay ang middleground.
Ang middleground ay ang kasunod ng
foreground. Mas maliit ito kaysa sa object ng
foreground.
Ang mga bulaklak po.
Mga bangka po.
Opo.
6. COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal
Tignan ang mga larawan.
Sa unang larawan, ano sa tingin nyo ang
middleground?
Tama.
Sa pangalawang larawan naman, ano sa
tingin nyo ang middleground?
Mahusay!
Ang mga puno sa parehong larawan ay ang
tinatawag nating middleground dahil mas
maliit ito kaysa sa object ng foreground.
At ang panghuling bahagi naman ay ang
background.
Ang background ay ang likurang bahagi ng
larawan at ito ang pinakamalayo sa
tumitingin.
Ang mga puno po.
Ang puno padin po.
7. COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal
Sa dalawang larawan na meron tayo, ano sa
tingin nyo ang background?
Bakit?
Mahusay!
Narito ang isang larawan na binubuo ng
foreground, middleground, at background.
Naunawaan naba ang ating tinalakay?
Magaling mga bata.
Ang mga kalangitan po.
Dahil ito po ang mas malayo sa tumitingin.
Opo.
8. COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal
4. Paglalapat
Ngayon ay nais kong subukan ninyo ito. Kayo
ngayon ay magpipinta.
Kagamitan: lapis, bondpaper, watercolor,
basahan, at water container.
Mga hakbang sa paggawa:
1. Umisip ng tanawin na iguguhit.
2. Unahing iguhit ang mga bagay na
pinakamalaki o nasa harapan (Foreground).
3. Isunod naman ang mga bahaging gitna
(Middleground).
4. Huling iguhit ang tanawing likod
(Background).
5. Gamit ang watercolor, kulayan ito at
patuyuin.
Bibigyan ko lamang kayo ng dalawampung
minuto para tapusin ang gawain maliwanag
ba?
Simulan na ang gawain.
5. Paglalahat
Ano nga ulit ang tinalakay natin ngayong
araw ?
Mahusay.
Bukod sa linya, hugis at kulay, ano ang isa
pang elemento na makakatulong upang
maging mas makabuluhan ang ating
ginawang pagpipinta?
Mahusay.
Opo.
Tinalakay po natin ang tungkol sa landscape
painting.
Espasyo po.
9. COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal
May makapagsasabi ba sa inyo kung ano ang
ibig sabihin ng espasyo kung inyong
natatandaan?
Magaling.
Ang espasyo ay may tatlong bahagi, ano nga
ulit ang mga yun?
Tama.
Pagwawakas:
Mga bata, sa tingin nyo mahalaga ba ang
pagpipinta?
Bakit?
Bilang isang mag-aaral, paano nakakatulong
sainyo ang pagpipinta?
Mahusay mga bata.
Mayroon paba kayong mga katanungan?
Ang espasyo ay ang distansya o agwat sa pagitan
ng bawat bagay sa isang likhang sining. Mahalaga
ito para sa pagpipinta.
Foreground, Middleground at Background.
Opo.
(Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring
magkaiba).
(Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring
magkaiba).
Wala po.
T6
IV. Pagtataya.
Rubrik sa pagmamarka:
Paglalagay ng tsek sa kahon batay sa antas na naisagawa ng mga mag-aaral sa kanilang likhang-sining.
Mga pamantayan Napakahusay!
(10)
Mahusay!
(6)
Paghusayin pa!
(2)
10. COLLEGIO DE MONTALBAN
Institute of Education
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez Rizal
1. Kalinisan at
Kaayusan.
Lubusang napakalinis
at maayos ang likhang
sining.
Naging malinis at
maayos ang likhang
sining.
Hindi naging malinis at
maayos ang likhang
sining.
2. Kaangkupan sa
paksa.
Lubusang
napakaangkop ang
likhang sining.
Angkop ang ilang
bahagi ng likhang
sining.
Hindi angkop ang
likhang sining.
3. Pagkamalikhain Lubhang nagpamalas
ng pagiging malikhain
sa paggawa ng sining.
Naging malikhain sa
paggawa ng sining.
Hindi nagging
malikhain sa paggawa
ng sining.
V. Takdang Gawain
Gumupit ng tatlong larawan na nagpapakita ng foreground, middleground, at background at idikit ang
mga ito sa inyong kwaderno. (20 puntos)