SlideShare a Scribd company logo
1 of 11
Download to read offline
ISONZA 2018
1 | P a h i n a
SURING PELIKULA
100 TULA PARA KAY STELLA: ISANG SURING PELIKULA
PAMAGAT
Sa unang tingin, kataka-taka kung bakit nga ba pinamagatang “100 Tula Para Kay Stella “ ang
pelikula na ito? Para bang kung iisipin, masyado itong pormal na puro pag lalahad lamang
ng tula sa isang babae hanggang sa matapos. Ngunit, hindi. May isang lalaking nabihag sa
babaeng kanyang kaparehas ng pinapasukang kolehiyo na talaga namang siya ay nabighani
at minahal ito ng husto. Sa kadahilanan na ito, siya ay gumawa ng mga tula na tungkol sa
kanyang babaeng minamahal at sa mga panahong kanilang pinagsamahan ng sila ay
nagsisimulang maging matalik na magkaibigan at lumalim ang relasyon sa isa‟t isa. At, ang
mga tula na ito ay umabaot sa isang daan; isang daang tula bago nya ito maibigay sa
kanyang minamahal, na pinangalanang Stella.
MGA GUMANAP NA MGA ARTISTA AT ANG KANILANG HUSAY SA O HINA SA PAG GANAP
Ang pelikulang ito na pinamagatang “100 Tula Para Kay Stella” ay pinangunahan nina JC
Santos bilang si Fidel (bida sa pelikula), Bela Padilla gumanap na Stella (rakista at lubos na
minahal ni Fidel), Prince Stefan bilang Chuck (isang roommate ni Fidel at isa sa matalik na
kaibigan sa nilipatang kolehiyo), Mayton Eugenio bilang si Danica (may lihim na pagtingin
kay Fidel at kamag-aral nina Fidel at Stella), Caleb Santos bilang si Von (pinsan ni Danica na
isang photocopier sa kanilang library at may alam sa nakaraan ni Stella), Arvic James Tan
gumanap na si Barrie (ang kasintahan noon ni Stella sa kanilang banda) Dennis Padilla bilang
ama ni Fidel, Ana Abad Santos bilang Mrs. Barloza (guro sa Ingles ng kanilang kolehiyo,
paboritong guro ni Fidel at nagmungkahi na maari siyang mag pasa ng mga tula niya sa
dyornalist sa paaralan ngunit ibigay na lamang ito mismo kung siyang may pinaglalaanan ng
mga tula kaysa isama pa sa diyaryo ng paaralan), Arvic James Tan... Barrie (Stella's boyfriend
in PAC), Al Khatibi bilang Mr. Manalili (ang guro na pinahinto si Fidel sa pagbabasa ng cue
cards) at J.C. Parker bilang si Ate Shirley (ate ni Stella na gustong gustong pumunta na sa
Canada kasama si Ulysses).
Ang mga artistang ito ay may sari-sariling gampanin sa pelikula at bawat isa ay may sari-
sariling estilo ng pag arte na nagtataglay na kalakasan, maging kahinaan sa pag ganap.
Simulan natin ito kay JC Santos. Siya ay gumanap bilang si Fidel, isang pangunahing karakter
sa pelikula kung saan siya ay nag tataglay ng Speech defect kung saan ang bilang ng salitang
kaniyang bibigkasin ay dapat limitado lamang sa tatlo dahil pag siya ay sumobra dito
magsisimula na siyang mautal. Bukod dito, siya ay napakatalino ngunit mahiyain na
estudyante sa kanilang kolehiyo – Pampanga Agricultural College, mahilig din siyang
ISONZA 2018
2 | P a h i n a
magsulat ng mga tula bagama‟t ito‟y simple. Sa tana ng kaniyang buhay hindi pa siya
nagkakaroon kahit isa ng girlfriend o kaya naman hinahangaan. Tanging si Stella lamang ang
nagpabihag sa kaniyang damdamin at nanakit nito. At ito ang isang dahilan na nagtulak sa
kaniya upang lumipat ng kolehiyo, at sa paglipat niyang ito siya ay tuluyang nagbago. Sa
karakter na ito ni Fidel ay nagampanan ni JC Santos ng may kagalingan dahil nagmukhang
totoo na siya ay may Speech defect at hindi halata sa hilatsya ng kaniyang mukha ang ka-
ilangan sa pag arte. Karadagan ay kaniyang nagawang maging At para sa akin, kaniyang
napukaw ang aking emosyon dahil talagang nakita ko ang sarili ko sa personalidad ni Fidel
na kaniyang ginampanan.
Si Mayton Eugenio naman ay gumanap bilang si Danica, isang kaibigan, masipag na kaklase
at may lihim na pagtingin kay Fidel. Ang kaniyang pag ganap sa pelikula ay hindi gaanong
pansin dahil sa hindi halata na may malaki siyang gampanin sa una ngunit sa umpisa ay di
mo mapapansin na ang kaniyang gampanin ay may gusto kay Fidel. May potensiyal din siya
dahil madadala ka sa mga eksena kung saan may tunggalian sila ni Stella sa isang party.
Ngunit, ang pagganap ng isang lalaki bilang isang homoseksuwal sa pelikula ay may
kahirapan dahil maaari itong madala sa labas ng eksena. Ngunit nagampanan ito ng mabuti
ni Prince Stefan na isa talagang tunay na lalake at gumanap bilang si Chuck. Isa siyang
homoseksuwal ngunit edukado. Siya ay roommate ni Fidel sa kaniyang nilipatang kolehiyo na
kalaunan ay naging kaniyang matalik na kaibigan na tumulong kay Fidel upang makasali sa
kanilang singing group sa kolehiyo at mas palakasin ang loob nito sa bawat pagsubok ng
kaniyang buhay.
Karagdagan, sa pelikula ay mayroong magulang si Fidel, ito ay ang kanyang ama na
ginampanan ni Dennis Padilla, isang kilalang artista. Ang kaniyang pagdadala ng gampaning
ito ay bagay na bagay dahil sa kaniyang emosyon at pisikal na katangian. At mahahalata mo
talagang tatay siya sa pelikula at hindi kapatid o kung ano pa man. Siya ay ama ni Fidel kung
saan masiglahin at mapagpatawang ama nag nagpapalaki kay Fidel ng magisa. Para bang
kaniyang ipanapakita dito kung paano ba ituring ng mga ama ang mga millenials ngayon.
Sumunod naman ay si Bela Padilla. Siya ang gumanap bilang si Stella, isa rin sa pangunahing
karakter sa pelikula na itinatambal kay Fidel kung saan sa ay mahilig kumanta, may sariling
banda at talaga namang isang rakista dahil sa kaniyang astig na pananamit at kilos. Kilala siya
sa paaralan at ng kanilang mga guro bilang babae na itim ang labi dahil sa lipstick na
kaniyang ginagamit. Siya ay kabaliktaran ni Fidel kung saan hindi niya hilig ang pag aaral
dahil ang pagkanta at sumikat ang kaniyang pangarap. Marami na rin siyang naging
kasintahan na madalas ay may maling nangyayari. Ipinakita sa pelikula na ginagamit at
ginagawa niya lamang ito para sa kaniyang ikakabuti, at ito ang kaniyang lihim na hindi alam
ng nakararami sa kaniya. May aking tapang din siya sa kanilang paaralan, na hindi siya
ISONZA 2018
3 | P a h i n a
magpapatalo sa mga nagmamalabis kay Fidel at hindi naman maayos ang samahan nila sa
kanilang pamilya – Ate Shirley, kung saan may sama ng loob siyang kinikimkim. Ang
gampaning ito ay may kabigatan ngunit lubos na naitawid ng may kahusayan ni Bela Padilla
dahil naarte niya ito ng may kaangkopan at damang dama ito lalo na‟t pagdating sa
pakikipagtalo at makabagbag damdaming linya at eksena. Ilan dito ang pakikipagtalo ni
Stella sa kaniyang ate at mga dating kasintahan at kaniyang ginawa ng siya ay maglayas sa
kanilang tahanan. Karagdagan, napukaw din nito ang aking damdamin dahil nakita ko ang
ilang sitwasyon ko sa buhay at ibang karanasan sa buhay ni Stella.
Isa sa mga nakaraang kasintahan ni Stella sa pelikula ay si Barrie na ginampanan ni Arvic
James Tan, isang di kilalang artista ngunit ipinamalas din ang kaniyang galing sa pag arte
bilang isang gitarista sa banda kasama si Stella, na may pagka “bad boy” at mayabang. Isang
patunay na ganap na ganap niya ang papel na ito ay ang pagkainis sa kaniya sa bawat
eksena. At makikita mo agad na may maitim siyang balak kay Stella dahil sa mga kilos nito.
Si Danica ay may pinsan at ito ay si Von na ginampanan ni Caleb Santos. Hindi kilala ang
artista na gumanap na ito ngunit sa kaniyang panahon upang ipakita ang sarili sa eksena ay
manaipamalas niya na siya ay may potensiyal. Dahil, kitang kita sa kaniyang pag arte ang
katangian ni Von na misteryoso, kung saan gaya ni Danica ay „di mo rin aakalain na may
gusto siya sa kay Stella. At, sa kaniya pala ito maipapakasal sa bandang huli.
Sa pelikula, si Stella ay may nag iisang kapamilya na kasama sa kaniyang buhay. Ito ay si
Shirley na ginampanan ni J.C. Parker, isa ring di kilalang artista ngunit naipamalas ng maayos
ang kaniyang papel sa pelikula bilang isang ate ni Stella na walang ginawa kundi paalalahan
ito at pagalitan. Kaniyang itinaglay ang bawat katotohanang emosyon na dapat makita kapag
ang magkapatid ay nagtatalo ng husto at kung paano nananatili ang pagmamahal nito sa
kaniyang kapatid sa kabila ng lahat.
Dumako naman tayo sa mga guro sa kolehiyo na ginampanan nila Ana Abad Santos bilang
Mrs. Barloza, isang professor sa PAC nila Danica at Fidel sa Ingles; Al Khatibi bilang Mr.
Manalili, guro ni Fidel sa PAC kung saan siya ay pinatigil nito sa kaniyang pagbabasa dahil
ang asignatura ay patungkol sa komunikasyon ngunit si Fidel ay gumagamit naman ng cue
cards; at si Mr. Rasul na ginampanan ni Christopher Rojas, isang P.E. professor sa PAC ni Fidel
at Stella na isang beses lamang lumabas asa pelikula gaya ni Al Khatibi. Wala sa kanila ang
may kahinaan sa pagganap. Ngunit ang bawat isa lamang ay may naiibang layunin at haba
ng eksena, maging personalidad na ginagampanan bilang isang guro. Si Mrs. Barloza ay
tunay na nagampanang mabuti ni Ana Abad Santos dahil maayos niyang naipamalas ang
karakter sa pamamagitan ng kaangkupan ng kaniyang pisikal na katangian at pag arte bilang
si Mrs. Barloza mula sa pagiging mabait na professor, mapagmalasakit sa kaniyang mga
estudyante lalo na kay Fidel na nangangailangan ng mas malaking atensyon. Habang si Al
ISONZA 2018
4 | P a h i n a
Khatibi naman na isang di kilalang artista na labis na ipinamalas ang kaniyang gampanin
bilang isang gurong strikto at mabagsik kahit na isang eksena lamang ang inilaan sa kaniya,
nakapagbigay pa rin ito ng tatak. At si Christopher Rojas naman ay ginampanan ang isang
guro sa Physical Education na para bang napadaan lang ngunit mahahalata pa rin na siya ay
guro dahil sa kanyang tikas at diyalogong sinambit.
NAGDIREHE -DIREKTOR
Jason Paul Laxamana ay 30 taong gulang, nagtapos ng kursong BA Broadcast
Communication sa University of the Philippines, Diliman. Nagmula sa Porac, Pampanga.
Marami na siyang pelikulang nagawa gaya nalamang ng 100 Tula Para Kay Stella, Instalado,
2Cool 2Be 4gotten, The Third Party, Mercury is Mine, Love is Blind, The Coffin Maker at
Babagwa. Cinefilipino Film Festival 2016, Nominado siya sa Jury Prize bilang Best Picture ang
pelikulang Ang taba ko kasi (2016), nominado sa Cinema One Originals Digital Film Festival,
Festival Prize-Best Screenplay ang 2 Cool 2 Be 4gotten (2016), nanalo naman bilang Special
Mention at Audience Award ang Astro Mayabang (2010) at nominado bilang best picture, sa
Cinemalaya Independent Film Festival nanalo ito ng Balanghai Trophy sa parangal na Best
Screenplay ang pelikulang Mercury Is Mine (2016), Special Jury Prize naman sa Main
Competition ang Mercury Is Mine (2016) at nominado sa Balanghai Trophy-Best Film,
nominado naman sa Balanghai Trophy sa parangal na Best Film - New Breed ang pelikulang
Babagwa (2013) at sa FAMAS Awards 2015 ay nominado siya bilang best director, best
editing, best story at best screen play sa pelikulang Magkakabaung (2014), sa Gawad Urian
Awards 2015 nominado bilangBest Direction at Best Screenplay ang Magkakabaung (2014)
habang nominado naman sa Gawad Urian Award-Best Screenplay ang Babagwa (2013), sa
Hawaii International Film Festival 2013 nominado ito sa Halekulani Golden Orchid Award-
Narrative Feature ang Babagwa (2013), sa Metro Manila Film Festival 2014 nanalo naman ng
Festival Prize-New Wave Best Director sa pelikulang Magkakabaung (2014), sa Warsaw
International Film Festival 2013 nominado naman sa Competition 1-2 Award ang
Babagwa (2013), sa Young Critics Circle, Philippines 2014 nominado sa YCC Award-Best Film
at Best Screenplay ang Babagwa (2013).
BANGHAY NG MGA PANGYAYARI
Ang istorya ng pelikulang 100 Tula para kay Stella ay nagsimula sa ganitong pangyayari.
Noong 2004, sa unang taon sa kolehiyo – Pampanga Agricultural College sa kursong
Sikolohiya, isang 17 taong gulang na nagngangalang Fidel ang nagpakilala sa kaniyang mga
kaklase at mula dito siya ay nakilala bilang isang taong uutal utal kapag kinausap, duwag at
may mababang loob. Sa mismong araw din na iyon, nakilala niya si Mrs. Barloza na isa sa
ISONZA 2018
5 | P a h i n a
nagmungkahi upang siya ay magpatuloy sa pagsulat ng mga tula at inanyayahan ito na
magpasa sa diyaryo ng paaralan, ang Seedling. Dahil siya ay isa pa lamang freshmen,
naglakas loob siyang pumunta sa event ng kanilang paaralan “Freshies night” kung saan niya
unang nakita si Stella. Si Stella ang tumulong sa kaniya at nagpagaang nang kaniyang loob
dahil sa ang pantalon nito ay may mantsa sa nakakahiyang parte. At sa mismong gabing
iyon, unang tumibok ang puso ni Fidel kay Stella ng nakita niya na ang babaeng tumulong sa
kaniya ay ang babaeng kumakanta sa harapan kasama ang banda. Sa pangyayaring iyon,
nagkaroon na siya ng inspirasyon, inspirasyon na nagdulot sa kaniya upang magsulat ng
mga tula na may pinaglalaanan. Naging mas madalas magkasama si Fidel at Stella dahil
magkaklase sila sa mga asignatura gaya ng P.E. at nag patuloy ang pagkikilala sa bawat isa
pati ang damdamin ni Fidel sa kaniya ay tuluyan ngang lumalago. Ngunit dumating ang
panahon na hindi tinanggap ag mga tula ni Fidel para ipublish sa diyaryo, ito sana ang
magsisilbing paraan upang masabi niya ang kaniyang nararamdaman para kay Stella. Sa
parehong panahon na iyon, unang naranasan ni Fidel ang “heartbreak” dahil nakita niyang
may kasamang lalaki si Stella na kasintahan pala niya, noong ibibigay na sana ni Fidel ang
mga tula dito. Kaya naman mas pinagbuti at tinutukan niya muna ang kaniyang pag aaral at
samahan sa kaniyang mga kamag-aral. Ngunit si Stella ay muli bagsak nanamang muli at
nakita siya ni Fidel at dito niya nabuhos ang concern kay Stella. Nagbigay daan din ito para
tulungan niya si Stella na turuan ito sa kaniyang pag-aaral sa susunod na taon.
At sa panibagong yugto ng kanilang pag-aaral nag bukas din ito ng panibagong pinto para
kay Stella, kung saan ang kaniyang pananamit at mga bagay na nakakasira sa kaniyang pag-
aaral ay kaniya nang inalis kaya naman lalong nabighani si Fidel. Natuto naring mag ayos si
Fidel. Bukod pa rito, nagbigay din ito ng panibagong samahan sapagitan ni Stella at Fidel
dahil magkaklase sila sa dalawang asignatura.
Isang araw si humingi ng tulong si Stella kay Fidel na kung pwede turuan siya nito sa kanilang
subject dahil malapit na ang mid-terms, nagtakda sila ng araw kung saan pwede siyang
turuan nito sa kanilang bahay. Labis na pinaghandaan ni Fidel ang araw ng Linggo at umaga
palang naglilinis na siya ng bahay, „di mapakali sa pagdating ni Stella pagsapit ng gabi. Dahil
sa mismong araw na iyon sasabihin niya na din ang kaniyang lihim na pag tingin kay Stella.
Ngunit sa kasamaang palad, hindi nakarating si Stella dahil sa ang kasama nito ay si Barrie
dahil sa oportunidad na kaniyang nakita para matupad ang kaniyang pangarap na sumikat
bilang isang mang-aawit. Doon siya aksidenteng nagpalipas ng gabi dahil hindi siya nito
pinaalis at may nangyaring lagi na nilang ginagawa noon.
Kinabukasan, dito na nangyari ang pagkakasira ng pagkakaibigan nila. Nagtalo si Fidel at
Stella, inilabas ni Fidel ang sama ng loob niya dito, na mas inuna niya pa si Barrie. Pinapili
ISONZA 2018
6 | P a h i n a
niya si Stella kung pag-aaral ba o pag babanda, kanyang nalaman na hindi talaga pagaaral
ang gusto nito.
Ang pangyayaring ito ang nagbuhat kay Fidel upang maging sigurado na sa kaniyang
sitwasyon, ito ang mag patuloy ng pag-aaral sa Maynila, kung saan dito maiiwasan niya na si
Stella at makakapag pokus siyang mag-aral. Ito ay sa Philippine Republic University. At sa
Manila na siya mag-aaral. Sa kolehiyong ito, nakilala niya si Chuck na isang homosekswal na
nagbebeatbox at ito ang isa sa naging matalik niyang kaibigan. Sa una nilang pagkikita,
kaniyang narinig na may angking boses si Fidel. Kaya naisip niyang isali ito sa kanilang grupo.
Sa kabila ng di pagtanggap dahil sa kababaan ng loob nito, siya ay lumago at nakilala ang
kanilang grupo sa kanilang paaralan lalong lalo na siya. Ang dating „di makabasag pinggan
ay ngayong nakakaharap na sa ibang tao ng may kompiyansa sa sarili at ang kaniyang
pananamit ang kilos ay gumanda.
Si Fidel ay inimbitahan ni Danica, na nagpakita nang selos ng biglaang dumating si Stella.
Nag kita sila muli ni Stella noong nagkaroon ng reunion ang kanilang block sa dati nitong
paaralan at kita sa mga mata ni Fidel na ma mahal pa rin niya ito. Sa pagkakataon na iyon,
muli nilang binalikang pag usapan ang mga pinagsamahan nila noong sila‟y magkaibigan pa
at nag karoon ng pagkaklaro bukod sa pagmamahal ni Fidel sa kaniya. Hanggang sa
dumating ang oras kung saan naglaro sila ng spin the bottle at si Stella na ang tinanong.
Hindi niya sinagot ang tanong na kung sino nga ba ang papasa sa kaniya para maging
boyfriend niya dahil may kasintahan na daw siya. Ngunit si Danica na nagseselos at naiirita na
sa tabi at nag aabang sa sagot niya ay muli siyang tinanong. Ngunit naputol ito ng may
sumuka sa kanilang grupo.
Samantala, nagkita ang dating magkakilala noon na si Stella at si Von na alam ang bawat
sikreto nito, ang bilang kung ilan na ang kanyang naging kasintahan at kung ano ang mga
pinaggagawa niya noon.
Noong aalis na si Fidel upang bumalik sa Manila, tinangka nanaman niyang ipaalam kay
Stella ang nararamdaman niya. Iniwan niya ang lahat ng bagay na magpapaaalala sa kaniya
tungkol kay Stella para tuluyan na siyang makalimot ngunit kinuha niya ito muli.
At ito na nga, sinundo na si Stella ng kaniyang panibagong boyfriend upang dumiretso sa
isang record bar upang ipasa ang kaniyang kanta ngunit hindi ito tinggap dahil hindi na ito
bago sa pandinig. Iminungkahi nila na sumali nalang muna si Stella sa isang grupo na walang
ginawa kundi ang gumiling. Sa mismong araw na iyon, buhat sa kanilang pagtatalo nalaman
ng kanyang kasintahan na ginagamit lang talaga siya ni Stella kaya naghiwalay na sila.
At muli nanaman siyang napariwara lalo sa buhay dahil „di niya naabot ang pangarap niya.
Nagtalo sila ng kaniyang kapatid at ito ang nagbuhat sa kaniya upang maglayas at humingi
ng tulong kay Fidel.
ISONZA 2018
7 | P a h i n a
Nagkita sila muli,nag usap at labis na umiyak si Stella kay Fidel. „Di ito matiis ni Fidel lalo na
nang sinabi nito na wala siyang matutuluyan at kinuhanan pa niya ng sariling apartment si
Stella. Sa apartment na iyon, ay pinatuloy saglit ni Stella si Fidel at hinalikan siya ni Stella.
Nagulat siya sa padalos dalos nitong ginawa at sinabing hindi niya magagwang samantalahin
ang kahinaan nito. Sa gabing iyon, sinamahan siya ni Fidel.
Kinabukasan inimbita ni Fidel si Stella upang manood ng kaniyang pagkanta kasama ang
kaniyang grupo sa paaralan. Labis itong ikinagalak ng isang manonood at binigyan siya ng
oportunidad na kumanta sa kaininan nito. Ngunit si Stella ay nakaramdam ng sakit.
Bumalik na si Stella sa kanilang tahanan, sinalubong siya ng kaniyang kapatid ngmay pag
aalala ngunit mas pinili niyang umalis at piliin pa rin ang kaniyang pangarap. Naglayas siya
muli, at sa pag layas niyang yon wala na siyang matuluyan, sinubukang mag nakaw ng
pagkain at nagpabasa sa ulan. Ngunit nakita siya ni Von sa oras na siyangbasang basa na sa
ulan, kinupkop siya nito pansamantala sa kaniyang bahay.
Habang si Fidel ay patuloy pa ring nagsusulat ng mga tula para kay Stella at umabot na ito
ng 90. Pansin din ang pag galing nito sa pagsulat habang tumatagal. Kung noon tagalog
lamang ang kaniyang gamit, ngayon Ingles na at palalim ng palalim.
Sa pagtagal ng pamamalagi ni Stella sa bahay nila Von, dumating ito sa punto na gusto niya
ng magpakamatay at ginupit gupit niya ang kaniyang buhok dahil sa matinding emosyon, sa
depresyon na idunulot ng halo halong problema na kaniyang pinagdadaanan. Inaawat siya ni
Von at mukhang may nangyari sa pagitan nila pagkatapos.
Kinabukasan, ninais ni Stella na umalis na sa bahay ni Von ng walang kasiguruduhan kung
saan siya makikituloy. Ngunit hindi siya hinayaan nito at pinilit na manatili sa bahay niya.
Samantala, si Fidel naman ay puno ng galak dahil natapos na niya ang 100 tula na kaniyang
ibibigay sa mismong araw na iyon para kay Stella. Dumayo pa siya sa kaniyang dating
kolehiyo noon para magtanong tanong tungkol kay Stella ngunit wala na silang balita dito.
Hanggang sa nakita siya ni Danica. Labis itong natuwa kasi akala niya siya ang pinunta ni
Fidel ngunit ito ay dahil may ibibigay at aamin na siya kay Stella dahil tanggap nito na si Stella
ang gusto niya. At dito inamin din ni Danica na may pagtingin siya noon kay Fidel ngunit
tapos na ito pag kasabi niya ng masamang balita. Ikinasal na ito kay Von nakaraang linggo.
Kaya labis itong ikinagulat ni Fidel. Pinunit punit niyang ang mga tulang para dapat kay Stella.
Kita sa kaniya ang kaniyang galit dahil paano ito nangyari iyon at bakit si Von ang pinili nito.
Iminungkahi ni Danica na dahil si Von ang kasama nito noong mga panahong kailangan siya
ni Stella.
Kaya sa pagbalik ni Fidel, labis niya itong dinamdam. Pati ang pag-aaral niya maging ang
grupo niya ay naapektuhan dahil sa kaniyang pag alis dito. Ngunit muling pinalakas ni Chuck
ISONZA 2018
8 | P a h i n a
ang loob ni Fidel na hindi dapat niyang gawing miserable ang kaniyang buhay ng dahil kay
Stella.
At dahil dito nag patuloy ang kaniyang buhay, siya ay nakapagtapos ng pag-aaral. Sa
kasamaang palad, limang buwan na hindi pa din siya nakakakuha ng trabaho at dahil pa rink
ay Stella. Muli siyang tinawagan ni Stella sa kasagsagan ng paghahanap niya ng trabaho
dahil na kuha na pala niya ang mga tula na ginawa ni Fidel para sa kaniya. Ibinigay ito ni
Danica.
Nag kita sila ni Fidel sa Pampanga at sinumulan ni Stella ang pagsasalita patungkol sa mga
tula na halatang halata ang pag galing nito sa pagsusulat habang tumatagal, na ang totoong
buhay ni Stella ang sinasalamin ng mga tula pero sa kalahating dulo , hindi na.
Habang pinagmamasdan nila ang bundok Arayat, tinanong ni Fidel kung nabasa niya na ang
pang 100 na tula, ngunit ito ay burado ika ni Stella kaya hindi pa niya ito nababasa.
Tinatanong niya si Fidel kung anong pamagat o nakasulat dito hindi na niya maalala. At
nagpasya nalang siya na umuwi.
Ngunit habang sila‟y naglalakad pauwi, tinawag niya si Stella at sinabi niya na ang nilalaman
ng huling tula ay “Gusto kita. Mahal kita” at simula freshmen palang sila niya ito
naramdaman. Sa parteng ito, mararamdaman ang makabagbag damdaming eksena nila.
Nagtaka si Stella kung bakit ngayon niya lang sinabi, kung bakit ngayon kung huli na. Sa
seryosong pagsasalita niya itinanong ni Fidel kung parehas sila ng nararamdaman. At sagot
ni Stella ay oo simula third year noong nakita niya na handing mag sakripisyo si Fidel para sa
kaniya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng oportunidad na siya na ang kumanta sa
bar. Mahal niya si Fidel kaya lang hindi niya ito napaglaban dahil sa ayaw niyang gamitin niya
lang ito para sa pangarap niya. Mahal niya si Fidel ngunit hindi na maari. Dahil nagdadalang
tao na siya at kasal na siya kay Von na tinuruan siyang magmahal ng hindi nanggagamit,
kaya hiniling niya na kalimutan nalang nila ang isa‟t isa.
At bilang pagtatapos, natanggap ni Fidel ang katotohanang hindi na si Stella ang para sa
kaniya. Masaya siya at nagpapatuloy ng buhay ng normal. Hanggang nagkita sila sa di
inaasahan ng kaniyang guro noon na si Mrs. Barloza kasama ang kaniyang anak na si Sol. Sa
pagtatapos, mahihinuha na si Fidel ay mapapaibig kay Sol at ganoon din si Sol sa kaniya.
“Behold this is a new chapter. For someone wiser and stronger. Than a pebble now bolder.
This world he… WE conquer.”
PAGLALAPAT NG TUNOG
Sa pag lalapat ng tunog, masasabi kong angkop ang mga ginamit na tunog sa bawat eksena.
Simula sa pangpaantig ng damdamin, masaya o malungkot, pagtatalo o pagkakaayos at
maging sa mga kantang ginamit gaya ng Balisong, Kaya Natin Yan, I need You More Today
at 241. Bukod dito lubos na nakakagalak ang ginawang “effort” ng mga gumanap sa
ISONZA 2018
9 | P a h i n a
pangunahing karakter na si JC Santos at Bela Padilla dahil orihinal na boses nila ang ginamit
sa bawat pag kanta nila sa pelikula. Ang mga ginamit na tunog bawat eksena ay
nagdadagdag ng aliw at emosyon sa kung ano ang nangyayari dito.
TEMA NG PELIKULA
Ang pelikulang 100 tula para kay Stella ay may tema na may pagkakataon sa buhay natin na
sigurado na tayo sa desisyon natin pero hindi pa rin natin alam kung anong ibibigay at
mangyayari sa atin sa kinbukasan. Kaya mas mahalaga kung ano yung mga bagay na
ginagawa mo ngayon ay itama na at pagbutihin. Karagdagan ay kahit anong pagsubok sa
buhay ang dumating, gaya na lamang ng nangyaring mga kabiguan ni Fidel kay Stella,
minabuti niyang ipagpatuloy pa din ang buhay kahit na mahirap sa tulong ng kaniyang sarili
at mga taong nakapaligid sa kaniya. At ang problema ay hindi tinatambayan, bagkus
dinadaanan lang. Hindi gaya ni Stella na imbis na iahon ang sarili ay nagpalugmok sa
pangarap niya, nagpakadesperado dahil sa pangarap niya ito. Bukod dito, ibig ding
ipinaparating ng pelikula na hindi dapat manggamit ng tao upang umangat sa buhay dahil
kailanman hindi ka aasenso lalo na pagdating sa pagmamahal. Hindi mo tunay na mahal ang
isang tao kapag nakakayanan mong gamitin siya para sa personal mong pangangailangan at
ikabubuti. Karagdagan, nakakaimpluwensiya din ang mga taong ating sinasamahan sa kung
ano ang nagiging ugali natin. Ika nga nila, “Sabihin mo sa akin kung sino ang mga kaibigan
mo at sasabihin ko kung sino ka”. Malaki rin ang epekto ng mga magulang sa kung paano
lumaki ang isang tao dahil kung puno sila ng atensyon, maayos ang pamilya at walang
tension, lalaki sila ng maayos at may tamang prinsipiyo. Ipinakita din dito na mas mabuti na
pag aaral ang unahin, at may pagkakataon din sa buhay natin na pagtayo‟y nasaktan sa mga
bagay bagay ay mas lalo tayo nitong pinagtitibay at pinapalakas upang maipakita ang
totoong tayo. At kayang magbago ng isang tao kung kaniyang gugustuhin at tutulungan ang
kaniyang sarili.
MGA MAKATOTOHANANG DIYALOGO
ISONZA 2018
10 | P a h i n a
“Behold this is a new chapter.
For someone wiser and stronger.
Than a pebble now bolder.
This world he… WE conquer.” – Fidel Lansangan
“Ikaw „yung naging mundo ko… ang corny ko… Pa‟no na „yan? Wala na, nagunaw na. Paano
pa ako makakausad nito?” – Fidel
“Ikaw pa? Kayang kaya mo „yan. Makakausad ka. „Di ko naman deserve maging mundo mo. “
–Stella
“May speech defect ako. Hindi ako nauutal pag nagbabasa pero nauutal ako kapag mahaba
ang sinasabi ko. Kaya nililimit ko lang sa tatlong words ang sentence na ginagamit ko.” –Fidel
“Bakit kailangan mong ilimit sa tatlo?” – Stella
“Para di mautal.” - Fidel
“Eh ano ngayon kung mautal ka?“ – Stella
“Baka pagtawanan ako.” – Fidel
“Tapos? Anong mangyayari pag natawa sila?” – Stella
“College na tayo. College ang panahon para makilala mo ang sarili mo. Naaalala mo? Ipag
malaki mo.” – Fidel
“wag kanang pumasok bukas… mag jamming nalang tayo.” – Barrie
“eh baka bumagsak ako, papagalitan nanaman ako ni ate” –Stella
“bakit? Unang absent mo palang naman ah?”- Barrie
“sabagay. Saka bukas…dalawang subject lang naman ako… pwede naman”- Stella
“patay nanaman ako sa ate ko… ang baba ng grades ko oh… bagsak lahat.” – Stella
“pati psych 101?” – Fidel
“lalo na psych 101” –Stella
“andali nalang no‟n ah? Pasaway. Pasaway ka kasi. Kung ano ano kasing inaatupag mo. Pag
di ka nalang mag aral ng mabuti? Lagi kang late, lagi kang absent. Para kang bangag pagka
pumapasok ka… isipin mo naman yung future mo. Hindi naman parating living in the
moment. Sorry …” –Fidel
“Hi my name is Fidel Lansangan. I am 18 years old…” –Fidel
“What are you reading? This is communication 3 and you are suppose to learn how to speak
spontaneously. Put it down” – Mr. Manalili
“Kumusta naman „yung pag aaral mo?” – tatay
“okay lang.” – Fidel
“alam mo anak, dapat pag butihin mo yang pag aaral mo na yan… dahil pag graduate mo
sigurado akong mag aagawan ang mga kumpanya para kunin ka.” - tatay
HALAGA SA TOTOONG BUHAY
ISONZA 2018
11 | P a h i n a
Ang pelikulang ito na 100 Tula Para Kay Stella ay tunay na mahalaga sa totoong buhay dahil
ipinapakita nito sa mga manonood kung anong ba ang katotohanan na nangyayari sa buhay
ng mga mag-aaral, mga taong may kahinaan na humarap sa tao at mahina ang loob ngunit
may angking galing at talino na itinatago kung sila lamang ay bibigyan ng pagkakataon
upang ipakita ito at kung sila din ay tutulungan upang makapagbago,maibigay ang
pinakamahusay nila.
Karagdagan, para sa mga kabataan. Maliliwanagan sila kung bakit nga ba importante ang
mag aral, kung bakit nga ba mahirap para sa iba na umalis sa nakasanayan, kung bakit iba
ang kinikilos ng iba sa kung ano ang tanggap ng lipunan. Bakit nga ba natin kinakahiya kung
ano tayo, kung ano ang tunay na tayo at bakit nga ba natin pinipilit na maabot ang
pangarap natin hanggang sa hindi natin alam ay ginagamit na pala natin ang ibang tao para
lamang sa ating ikabubuti?
Sa mga magulang o guro, dito ay mas maiintindihan nila ang pinagdadaanan ng kanilang
estudyante o anak na dumadaan din sa ganoong sitwasyon nila Stella at Fidel. Na mas
lalawak ang kanilang isipan na mas makabubuti sa isang bata ang intindihin sila, iparamdam
ang pagmamahal at paligiran ng mabubuting bagay para maging matagumpay sa buhay.
At higit sa lahat sa mga taong dumadaan sa mga problema, mahalaga itong mapanood nila
upang kanilang mapagtanto na ang problema ay hindi dapat tambayan bagkus ito‟y
daaanan lamang sapagkat hindi ka aasenso, hindi ka makakausad kung patuloy kang
tumitingin sa nakaraan, patuloy kang nagpapaapekto sa problema.
Sa mga pinanghihinaan ng loob at di kayang lumabas sa kanilang nakasanayan, ito‟y
makakatulong din. Sapagkat gaya na lamang ng ginawani Fidel. Na sa kabila ng kaniyang
pagiging mahiyain at kahinaan nang loob ay kaniya itong napagtagumpayan dahil sa
kaniyang pagharap sa kinakatakutan at pag alis sa mga bagay na nakasanayan.
Ika nga niya sa huling parte ng pelikula,
“Behold this is a new chapter.
For someone wiser and stronger.
Than a pebble now bolder.
This world he… WE conquer.” – Fidel Lansangan

More Related Content

What's hot

Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santosclairearce
 
Malayang Taludturan
Malayang TaludturanMalayang Taludturan
Malayang Taludturanrosemelyn
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogEumar Jane Yapac
 
Isang Suring Pelikula sa Pelikulang
Isang Suring Pelikula sa PelikulangIsang Suring Pelikula sa Pelikulang
Isang Suring Pelikula sa PelikulangYokimura Dimaunahan
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanDiane Abellana
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanJenita Guinoo
 
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)Claire Serac
 
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismoKaligirang kasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismoroxie05
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanJohn Anthony Teodosio
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang TalesEL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang TalesRyan Emman Marzan
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10Sophia Marie Verdeflor
 
Roles in a stage production arts
Roles in a stage production  artsRoles in a stage production  arts
Roles in a stage production artsAlex Acayen
 

What's hot (20)

Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santos
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
 
Malayang Taludturan
Malayang TaludturanMalayang Taludturan
Malayang Taludturan
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalog
 
Isang Suring Pelikula sa Pelikulang
Isang Suring Pelikula sa PelikulangIsang Suring Pelikula sa Pelikulang
Isang Suring Pelikula sa Pelikulang
 
Karagatan at duplo
Karagatan at duploKaragatan at duplo
Karagatan at duplo
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - Tauhan
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalan
 
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
 
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
 
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismoKaligirang kasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismo
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
 
El fili 1 & 2
El fili 1 & 2El fili 1 & 2
El fili 1 & 2
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang TalesEL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Roles in a stage production arts
Roles in a stage production  artsRoles in a stage production  arts
Roles in a stage production arts
 
jose rizal at mga kapatid.pptx
jose rizal at mga kapatid.pptxjose rizal at mga kapatid.pptx
jose rizal at mga kapatid.pptx
 

Recently uploaded

Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxPaulineMae5
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolPerpetzJurial1
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoMichelleAlonso14
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTrojelbartolome23
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.RoseRhoms1
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptxLEVIEJANESENO1
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 

Recently uploaded (7)

Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 

Suring pelikula 101- 100 tula para kay stella

  • 1. ISONZA 2018 1 | P a h i n a SURING PELIKULA 100 TULA PARA KAY STELLA: ISANG SURING PELIKULA PAMAGAT Sa unang tingin, kataka-taka kung bakit nga ba pinamagatang “100 Tula Para Kay Stella “ ang pelikula na ito? Para bang kung iisipin, masyado itong pormal na puro pag lalahad lamang ng tula sa isang babae hanggang sa matapos. Ngunit, hindi. May isang lalaking nabihag sa babaeng kanyang kaparehas ng pinapasukang kolehiyo na talaga namang siya ay nabighani at minahal ito ng husto. Sa kadahilanan na ito, siya ay gumawa ng mga tula na tungkol sa kanyang babaeng minamahal at sa mga panahong kanilang pinagsamahan ng sila ay nagsisimulang maging matalik na magkaibigan at lumalim ang relasyon sa isa‟t isa. At, ang mga tula na ito ay umabaot sa isang daan; isang daang tula bago nya ito maibigay sa kanyang minamahal, na pinangalanang Stella. MGA GUMANAP NA MGA ARTISTA AT ANG KANILANG HUSAY SA O HINA SA PAG GANAP Ang pelikulang ito na pinamagatang “100 Tula Para Kay Stella” ay pinangunahan nina JC Santos bilang si Fidel (bida sa pelikula), Bela Padilla gumanap na Stella (rakista at lubos na minahal ni Fidel), Prince Stefan bilang Chuck (isang roommate ni Fidel at isa sa matalik na kaibigan sa nilipatang kolehiyo), Mayton Eugenio bilang si Danica (may lihim na pagtingin kay Fidel at kamag-aral nina Fidel at Stella), Caleb Santos bilang si Von (pinsan ni Danica na isang photocopier sa kanilang library at may alam sa nakaraan ni Stella), Arvic James Tan gumanap na si Barrie (ang kasintahan noon ni Stella sa kanilang banda) Dennis Padilla bilang ama ni Fidel, Ana Abad Santos bilang Mrs. Barloza (guro sa Ingles ng kanilang kolehiyo, paboritong guro ni Fidel at nagmungkahi na maari siyang mag pasa ng mga tula niya sa dyornalist sa paaralan ngunit ibigay na lamang ito mismo kung siyang may pinaglalaanan ng mga tula kaysa isama pa sa diyaryo ng paaralan), Arvic James Tan... Barrie (Stella's boyfriend in PAC), Al Khatibi bilang Mr. Manalili (ang guro na pinahinto si Fidel sa pagbabasa ng cue cards) at J.C. Parker bilang si Ate Shirley (ate ni Stella na gustong gustong pumunta na sa Canada kasama si Ulysses). Ang mga artistang ito ay may sari-sariling gampanin sa pelikula at bawat isa ay may sari- sariling estilo ng pag arte na nagtataglay na kalakasan, maging kahinaan sa pag ganap. Simulan natin ito kay JC Santos. Siya ay gumanap bilang si Fidel, isang pangunahing karakter sa pelikula kung saan siya ay nag tataglay ng Speech defect kung saan ang bilang ng salitang kaniyang bibigkasin ay dapat limitado lamang sa tatlo dahil pag siya ay sumobra dito magsisimula na siyang mautal. Bukod dito, siya ay napakatalino ngunit mahiyain na estudyante sa kanilang kolehiyo – Pampanga Agricultural College, mahilig din siyang
  • 2. ISONZA 2018 2 | P a h i n a magsulat ng mga tula bagama‟t ito‟y simple. Sa tana ng kaniyang buhay hindi pa siya nagkakaroon kahit isa ng girlfriend o kaya naman hinahangaan. Tanging si Stella lamang ang nagpabihag sa kaniyang damdamin at nanakit nito. At ito ang isang dahilan na nagtulak sa kaniya upang lumipat ng kolehiyo, at sa paglipat niyang ito siya ay tuluyang nagbago. Sa karakter na ito ni Fidel ay nagampanan ni JC Santos ng may kagalingan dahil nagmukhang totoo na siya ay may Speech defect at hindi halata sa hilatsya ng kaniyang mukha ang ka- ilangan sa pag arte. Karadagan ay kaniyang nagawang maging At para sa akin, kaniyang napukaw ang aking emosyon dahil talagang nakita ko ang sarili ko sa personalidad ni Fidel na kaniyang ginampanan. Si Mayton Eugenio naman ay gumanap bilang si Danica, isang kaibigan, masipag na kaklase at may lihim na pagtingin kay Fidel. Ang kaniyang pag ganap sa pelikula ay hindi gaanong pansin dahil sa hindi halata na may malaki siyang gampanin sa una ngunit sa umpisa ay di mo mapapansin na ang kaniyang gampanin ay may gusto kay Fidel. May potensiyal din siya dahil madadala ka sa mga eksena kung saan may tunggalian sila ni Stella sa isang party. Ngunit, ang pagganap ng isang lalaki bilang isang homoseksuwal sa pelikula ay may kahirapan dahil maaari itong madala sa labas ng eksena. Ngunit nagampanan ito ng mabuti ni Prince Stefan na isa talagang tunay na lalake at gumanap bilang si Chuck. Isa siyang homoseksuwal ngunit edukado. Siya ay roommate ni Fidel sa kaniyang nilipatang kolehiyo na kalaunan ay naging kaniyang matalik na kaibigan na tumulong kay Fidel upang makasali sa kanilang singing group sa kolehiyo at mas palakasin ang loob nito sa bawat pagsubok ng kaniyang buhay. Karagdagan, sa pelikula ay mayroong magulang si Fidel, ito ay ang kanyang ama na ginampanan ni Dennis Padilla, isang kilalang artista. Ang kaniyang pagdadala ng gampaning ito ay bagay na bagay dahil sa kaniyang emosyon at pisikal na katangian. At mahahalata mo talagang tatay siya sa pelikula at hindi kapatid o kung ano pa man. Siya ay ama ni Fidel kung saan masiglahin at mapagpatawang ama nag nagpapalaki kay Fidel ng magisa. Para bang kaniyang ipanapakita dito kung paano ba ituring ng mga ama ang mga millenials ngayon. Sumunod naman ay si Bela Padilla. Siya ang gumanap bilang si Stella, isa rin sa pangunahing karakter sa pelikula na itinatambal kay Fidel kung saan sa ay mahilig kumanta, may sariling banda at talaga namang isang rakista dahil sa kaniyang astig na pananamit at kilos. Kilala siya sa paaralan at ng kanilang mga guro bilang babae na itim ang labi dahil sa lipstick na kaniyang ginagamit. Siya ay kabaliktaran ni Fidel kung saan hindi niya hilig ang pag aaral dahil ang pagkanta at sumikat ang kaniyang pangarap. Marami na rin siyang naging kasintahan na madalas ay may maling nangyayari. Ipinakita sa pelikula na ginagamit at ginagawa niya lamang ito para sa kaniyang ikakabuti, at ito ang kaniyang lihim na hindi alam ng nakararami sa kaniya. May aking tapang din siya sa kanilang paaralan, na hindi siya
  • 3. ISONZA 2018 3 | P a h i n a magpapatalo sa mga nagmamalabis kay Fidel at hindi naman maayos ang samahan nila sa kanilang pamilya – Ate Shirley, kung saan may sama ng loob siyang kinikimkim. Ang gampaning ito ay may kabigatan ngunit lubos na naitawid ng may kahusayan ni Bela Padilla dahil naarte niya ito ng may kaangkopan at damang dama ito lalo na‟t pagdating sa pakikipagtalo at makabagbag damdaming linya at eksena. Ilan dito ang pakikipagtalo ni Stella sa kaniyang ate at mga dating kasintahan at kaniyang ginawa ng siya ay maglayas sa kanilang tahanan. Karagdagan, napukaw din nito ang aking damdamin dahil nakita ko ang ilang sitwasyon ko sa buhay at ibang karanasan sa buhay ni Stella. Isa sa mga nakaraang kasintahan ni Stella sa pelikula ay si Barrie na ginampanan ni Arvic James Tan, isang di kilalang artista ngunit ipinamalas din ang kaniyang galing sa pag arte bilang isang gitarista sa banda kasama si Stella, na may pagka “bad boy” at mayabang. Isang patunay na ganap na ganap niya ang papel na ito ay ang pagkainis sa kaniya sa bawat eksena. At makikita mo agad na may maitim siyang balak kay Stella dahil sa mga kilos nito. Si Danica ay may pinsan at ito ay si Von na ginampanan ni Caleb Santos. Hindi kilala ang artista na gumanap na ito ngunit sa kaniyang panahon upang ipakita ang sarili sa eksena ay manaipamalas niya na siya ay may potensiyal. Dahil, kitang kita sa kaniyang pag arte ang katangian ni Von na misteryoso, kung saan gaya ni Danica ay „di mo rin aakalain na may gusto siya sa kay Stella. At, sa kaniya pala ito maipapakasal sa bandang huli. Sa pelikula, si Stella ay may nag iisang kapamilya na kasama sa kaniyang buhay. Ito ay si Shirley na ginampanan ni J.C. Parker, isa ring di kilalang artista ngunit naipamalas ng maayos ang kaniyang papel sa pelikula bilang isang ate ni Stella na walang ginawa kundi paalalahan ito at pagalitan. Kaniyang itinaglay ang bawat katotohanang emosyon na dapat makita kapag ang magkapatid ay nagtatalo ng husto at kung paano nananatili ang pagmamahal nito sa kaniyang kapatid sa kabila ng lahat. Dumako naman tayo sa mga guro sa kolehiyo na ginampanan nila Ana Abad Santos bilang Mrs. Barloza, isang professor sa PAC nila Danica at Fidel sa Ingles; Al Khatibi bilang Mr. Manalili, guro ni Fidel sa PAC kung saan siya ay pinatigil nito sa kaniyang pagbabasa dahil ang asignatura ay patungkol sa komunikasyon ngunit si Fidel ay gumagamit naman ng cue cards; at si Mr. Rasul na ginampanan ni Christopher Rojas, isang P.E. professor sa PAC ni Fidel at Stella na isang beses lamang lumabas asa pelikula gaya ni Al Khatibi. Wala sa kanila ang may kahinaan sa pagganap. Ngunit ang bawat isa lamang ay may naiibang layunin at haba ng eksena, maging personalidad na ginagampanan bilang isang guro. Si Mrs. Barloza ay tunay na nagampanang mabuti ni Ana Abad Santos dahil maayos niyang naipamalas ang karakter sa pamamagitan ng kaangkupan ng kaniyang pisikal na katangian at pag arte bilang si Mrs. Barloza mula sa pagiging mabait na professor, mapagmalasakit sa kaniyang mga estudyante lalo na kay Fidel na nangangailangan ng mas malaking atensyon. Habang si Al
  • 4. ISONZA 2018 4 | P a h i n a Khatibi naman na isang di kilalang artista na labis na ipinamalas ang kaniyang gampanin bilang isang gurong strikto at mabagsik kahit na isang eksena lamang ang inilaan sa kaniya, nakapagbigay pa rin ito ng tatak. At si Christopher Rojas naman ay ginampanan ang isang guro sa Physical Education na para bang napadaan lang ngunit mahahalata pa rin na siya ay guro dahil sa kanyang tikas at diyalogong sinambit. NAGDIREHE -DIREKTOR Jason Paul Laxamana ay 30 taong gulang, nagtapos ng kursong BA Broadcast Communication sa University of the Philippines, Diliman. Nagmula sa Porac, Pampanga. Marami na siyang pelikulang nagawa gaya nalamang ng 100 Tula Para Kay Stella, Instalado, 2Cool 2Be 4gotten, The Third Party, Mercury is Mine, Love is Blind, The Coffin Maker at Babagwa. Cinefilipino Film Festival 2016, Nominado siya sa Jury Prize bilang Best Picture ang pelikulang Ang taba ko kasi (2016), nominado sa Cinema One Originals Digital Film Festival, Festival Prize-Best Screenplay ang 2 Cool 2 Be 4gotten (2016), nanalo naman bilang Special Mention at Audience Award ang Astro Mayabang (2010) at nominado bilang best picture, sa Cinemalaya Independent Film Festival nanalo ito ng Balanghai Trophy sa parangal na Best Screenplay ang pelikulang Mercury Is Mine (2016), Special Jury Prize naman sa Main Competition ang Mercury Is Mine (2016) at nominado sa Balanghai Trophy-Best Film, nominado naman sa Balanghai Trophy sa parangal na Best Film - New Breed ang pelikulang Babagwa (2013) at sa FAMAS Awards 2015 ay nominado siya bilang best director, best editing, best story at best screen play sa pelikulang Magkakabaung (2014), sa Gawad Urian Awards 2015 nominado bilangBest Direction at Best Screenplay ang Magkakabaung (2014) habang nominado naman sa Gawad Urian Award-Best Screenplay ang Babagwa (2013), sa Hawaii International Film Festival 2013 nominado ito sa Halekulani Golden Orchid Award- Narrative Feature ang Babagwa (2013), sa Metro Manila Film Festival 2014 nanalo naman ng Festival Prize-New Wave Best Director sa pelikulang Magkakabaung (2014), sa Warsaw International Film Festival 2013 nominado naman sa Competition 1-2 Award ang Babagwa (2013), sa Young Critics Circle, Philippines 2014 nominado sa YCC Award-Best Film at Best Screenplay ang Babagwa (2013). BANGHAY NG MGA PANGYAYARI Ang istorya ng pelikulang 100 Tula para kay Stella ay nagsimula sa ganitong pangyayari. Noong 2004, sa unang taon sa kolehiyo – Pampanga Agricultural College sa kursong Sikolohiya, isang 17 taong gulang na nagngangalang Fidel ang nagpakilala sa kaniyang mga kaklase at mula dito siya ay nakilala bilang isang taong uutal utal kapag kinausap, duwag at may mababang loob. Sa mismong araw din na iyon, nakilala niya si Mrs. Barloza na isa sa
  • 5. ISONZA 2018 5 | P a h i n a nagmungkahi upang siya ay magpatuloy sa pagsulat ng mga tula at inanyayahan ito na magpasa sa diyaryo ng paaralan, ang Seedling. Dahil siya ay isa pa lamang freshmen, naglakas loob siyang pumunta sa event ng kanilang paaralan “Freshies night” kung saan niya unang nakita si Stella. Si Stella ang tumulong sa kaniya at nagpagaang nang kaniyang loob dahil sa ang pantalon nito ay may mantsa sa nakakahiyang parte. At sa mismong gabing iyon, unang tumibok ang puso ni Fidel kay Stella ng nakita niya na ang babaeng tumulong sa kaniya ay ang babaeng kumakanta sa harapan kasama ang banda. Sa pangyayaring iyon, nagkaroon na siya ng inspirasyon, inspirasyon na nagdulot sa kaniya upang magsulat ng mga tula na may pinaglalaanan. Naging mas madalas magkasama si Fidel at Stella dahil magkaklase sila sa mga asignatura gaya ng P.E. at nag patuloy ang pagkikilala sa bawat isa pati ang damdamin ni Fidel sa kaniya ay tuluyan ngang lumalago. Ngunit dumating ang panahon na hindi tinanggap ag mga tula ni Fidel para ipublish sa diyaryo, ito sana ang magsisilbing paraan upang masabi niya ang kaniyang nararamdaman para kay Stella. Sa parehong panahon na iyon, unang naranasan ni Fidel ang “heartbreak” dahil nakita niyang may kasamang lalaki si Stella na kasintahan pala niya, noong ibibigay na sana ni Fidel ang mga tula dito. Kaya naman mas pinagbuti at tinutukan niya muna ang kaniyang pag aaral at samahan sa kaniyang mga kamag-aral. Ngunit si Stella ay muli bagsak nanamang muli at nakita siya ni Fidel at dito niya nabuhos ang concern kay Stella. Nagbigay daan din ito para tulungan niya si Stella na turuan ito sa kaniyang pag-aaral sa susunod na taon. At sa panibagong yugto ng kanilang pag-aaral nag bukas din ito ng panibagong pinto para kay Stella, kung saan ang kaniyang pananamit at mga bagay na nakakasira sa kaniyang pag- aaral ay kaniya nang inalis kaya naman lalong nabighani si Fidel. Natuto naring mag ayos si Fidel. Bukod pa rito, nagbigay din ito ng panibagong samahan sapagitan ni Stella at Fidel dahil magkaklase sila sa dalawang asignatura. Isang araw si humingi ng tulong si Stella kay Fidel na kung pwede turuan siya nito sa kanilang subject dahil malapit na ang mid-terms, nagtakda sila ng araw kung saan pwede siyang turuan nito sa kanilang bahay. Labis na pinaghandaan ni Fidel ang araw ng Linggo at umaga palang naglilinis na siya ng bahay, „di mapakali sa pagdating ni Stella pagsapit ng gabi. Dahil sa mismong araw na iyon sasabihin niya na din ang kaniyang lihim na pag tingin kay Stella. Ngunit sa kasamaang palad, hindi nakarating si Stella dahil sa ang kasama nito ay si Barrie dahil sa oportunidad na kaniyang nakita para matupad ang kaniyang pangarap na sumikat bilang isang mang-aawit. Doon siya aksidenteng nagpalipas ng gabi dahil hindi siya nito pinaalis at may nangyaring lagi na nilang ginagawa noon. Kinabukasan, dito na nangyari ang pagkakasira ng pagkakaibigan nila. Nagtalo si Fidel at Stella, inilabas ni Fidel ang sama ng loob niya dito, na mas inuna niya pa si Barrie. Pinapili
  • 6. ISONZA 2018 6 | P a h i n a niya si Stella kung pag-aaral ba o pag babanda, kanyang nalaman na hindi talaga pagaaral ang gusto nito. Ang pangyayaring ito ang nagbuhat kay Fidel upang maging sigurado na sa kaniyang sitwasyon, ito ang mag patuloy ng pag-aaral sa Maynila, kung saan dito maiiwasan niya na si Stella at makakapag pokus siyang mag-aral. Ito ay sa Philippine Republic University. At sa Manila na siya mag-aaral. Sa kolehiyong ito, nakilala niya si Chuck na isang homosekswal na nagbebeatbox at ito ang isa sa naging matalik niyang kaibigan. Sa una nilang pagkikita, kaniyang narinig na may angking boses si Fidel. Kaya naisip niyang isali ito sa kanilang grupo. Sa kabila ng di pagtanggap dahil sa kababaan ng loob nito, siya ay lumago at nakilala ang kanilang grupo sa kanilang paaralan lalong lalo na siya. Ang dating „di makabasag pinggan ay ngayong nakakaharap na sa ibang tao ng may kompiyansa sa sarili at ang kaniyang pananamit ang kilos ay gumanda. Si Fidel ay inimbitahan ni Danica, na nagpakita nang selos ng biglaang dumating si Stella. Nag kita sila muli ni Stella noong nagkaroon ng reunion ang kanilang block sa dati nitong paaralan at kita sa mga mata ni Fidel na ma mahal pa rin niya ito. Sa pagkakataon na iyon, muli nilang binalikang pag usapan ang mga pinagsamahan nila noong sila‟y magkaibigan pa at nag karoon ng pagkaklaro bukod sa pagmamahal ni Fidel sa kaniya. Hanggang sa dumating ang oras kung saan naglaro sila ng spin the bottle at si Stella na ang tinanong. Hindi niya sinagot ang tanong na kung sino nga ba ang papasa sa kaniya para maging boyfriend niya dahil may kasintahan na daw siya. Ngunit si Danica na nagseselos at naiirita na sa tabi at nag aabang sa sagot niya ay muli siyang tinanong. Ngunit naputol ito ng may sumuka sa kanilang grupo. Samantala, nagkita ang dating magkakilala noon na si Stella at si Von na alam ang bawat sikreto nito, ang bilang kung ilan na ang kanyang naging kasintahan at kung ano ang mga pinaggagawa niya noon. Noong aalis na si Fidel upang bumalik sa Manila, tinangka nanaman niyang ipaalam kay Stella ang nararamdaman niya. Iniwan niya ang lahat ng bagay na magpapaaalala sa kaniya tungkol kay Stella para tuluyan na siyang makalimot ngunit kinuha niya ito muli. At ito na nga, sinundo na si Stella ng kaniyang panibagong boyfriend upang dumiretso sa isang record bar upang ipasa ang kaniyang kanta ngunit hindi ito tinggap dahil hindi na ito bago sa pandinig. Iminungkahi nila na sumali nalang muna si Stella sa isang grupo na walang ginawa kundi ang gumiling. Sa mismong araw na iyon, buhat sa kanilang pagtatalo nalaman ng kanyang kasintahan na ginagamit lang talaga siya ni Stella kaya naghiwalay na sila. At muli nanaman siyang napariwara lalo sa buhay dahil „di niya naabot ang pangarap niya. Nagtalo sila ng kaniyang kapatid at ito ang nagbuhat sa kaniya upang maglayas at humingi ng tulong kay Fidel.
  • 7. ISONZA 2018 7 | P a h i n a Nagkita sila muli,nag usap at labis na umiyak si Stella kay Fidel. „Di ito matiis ni Fidel lalo na nang sinabi nito na wala siyang matutuluyan at kinuhanan pa niya ng sariling apartment si Stella. Sa apartment na iyon, ay pinatuloy saglit ni Stella si Fidel at hinalikan siya ni Stella. Nagulat siya sa padalos dalos nitong ginawa at sinabing hindi niya magagwang samantalahin ang kahinaan nito. Sa gabing iyon, sinamahan siya ni Fidel. Kinabukasan inimbita ni Fidel si Stella upang manood ng kaniyang pagkanta kasama ang kaniyang grupo sa paaralan. Labis itong ikinagalak ng isang manonood at binigyan siya ng oportunidad na kumanta sa kaininan nito. Ngunit si Stella ay nakaramdam ng sakit. Bumalik na si Stella sa kanilang tahanan, sinalubong siya ng kaniyang kapatid ngmay pag aalala ngunit mas pinili niyang umalis at piliin pa rin ang kaniyang pangarap. Naglayas siya muli, at sa pag layas niyang yon wala na siyang matuluyan, sinubukang mag nakaw ng pagkain at nagpabasa sa ulan. Ngunit nakita siya ni Von sa oras na siyangbasang basa na sa ulan, kinupkop siya nito pansamantala sa kaniyang bahay. Habang si Fidel ay patuloy pa ring nagsusulat ng mga tula para kay Stella at umabot na ito ng 90. Pansin din ang pag galing nito sa pagsulat habang tumatagal. Kung noon tagalog lamang ang kaniyang gamit, ngayon Ingles na at palalim ng palalim. Sa pagtagal ng pamamalagi ni Stella sa bahay nila Von, dumating ito sa punto na gusto niya ng magpakamatay at ginupit gupit niya ang kaniyang buhok dahil sa matinding emosyon, sa depresyon na idunulot ng halo halong problema na kaniyang pinagdadaanan. Inaawat siya ni Von at mukhang may nangyari sa pagitan nila pagkatapos. Kinabukasan, ninais ni Stella na umalis na sa bahay ni Von ng walang kasiguruduhan kung saan siya makikituloy. Ngunit hindi siya hinayaan nito at pinilit na manatili sa bahay niya. Samantala, si Fidel naman ay puno ng galak dahil natapos na niya ang 100 tula na kaniyang ibibigay sa mismong araw na iyon para kay Stella. Dumayo pa siya sa kaniyang dating kolehiyo noon para magtanong tanong tungkol kay Stella ngunit wala na silang balita dito. Hanggang sa nakita siya ni Danica. Labis itong natuwa kasi akala niya siya ang pinunta ni Fidel ngunit ito ay dahil may ibibigay at aamin na siya kay Stella dahil tanggap nito na si Stella ang gusto niya. At dito inamin din ni Danica na may pagtingin siya noon kay Fidel ngunit tapos na ito pag kasabi niya ng masamang balita. Ikinasal na ito kay Von nakaraang linggo. Kaya labis itong ikinagulat ni Fidel. Pinunit punit niyang ang mga tulang para dapat kay Stella. Kita sa kaniya ang kaniyang galit dahil paano ito nangyari iyon at bakit si Von ang pinili nito. Iminungkahi ni Danica na dahil si Von ang kasama nito noong mga panahong kailangan siya ni Stella. Kaya sa pagbalik ni Fidel, labis niya itong dinamdam. Pati ang pag-aaral niya maging ang grupo niya ay naapektuhan dahil sa kaniyang pag alis dito. Ngunit muling pinalakas ni Chuck
  • 8. ISONZA 2018 8 | P a h i n a ang loob ni Fidel na hindi dapat niyang gawing miserable ang kaniyang buhay ng dahil kay Stella. At dahil dito nag patuloy ang kaniyang buhay, siya ay nakapagtapos ng pag-aaral. Sa kasamaang palad, limang buwan na hindi pa din siya nakakakuha ng trabaho at dahil pa rink ay Stella. Muli siyang tinawagan ni Stella sa kasagsagan ng paghahanap niya ng trabaho dahil na kuha na pala niya ang mga tula na ginawa ni Fidel para sa kaniya. Ibinigay ito ni Danica. Nag kita sila ni Fidel sa Pampanga at sinumulan ni Stella ang pagsasalita patungkol sa mga tula na halatang halata ang pag galing nito sa pagsusulat habang tumatagal, na ang totoong buhay ni Stella ang sinasalamin ng mga tula pero sa kalahating dulo , hindi na. Habang pinagmamasdan nila ang bundok Arayat, tinanong ni Fidel kung nabasa niya na ang pang 100 na tula, ngunit ito ay burado ika ni Stella kaya hindi pa niya ito nababasa. Tinatanong niya si Fidel kung anong pamagat o nakasulat dito hindi na niya maalala. At nagpasya nalang siya na umuwi. Ngunit habang sila‟y naglalakad pauwi, tinawag niya si Stella at sinabi niya na ang nilalaman ng huling tula ay “Gusto kita. Mahal kita” at simula freshmen palang sila niya ito naramdaman. Sa parteng ito, mararamdaman ang makabagbag damdaming eksena nila. Nagtaka si Stella kung bakit ngayon niya lang sinabi, kung bakit ngayon kung huli na. Sa seryosong pagsasalita niya itinanong ni Fidel kung parehas sila ng nararamdaman. At sagot ni Stella ay oo simula third year noong nakita niya na handing mag sakripisyo si Fidel para sa kaniya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng oportunidad na siya na ang kumanta sa bar. Mahal niya si Fidel kaya lang hindi niya ito napaglaban dahil sa ayaw niyang gamitin niya lang ito para sa pangarap niya. Mahal niya si Fidel ngunit hindi na maari. Dahil nagdadalang tao na siya at kasal na siya kay Von na tinuruan siyang magmahal ng hindi nanggagamit, kaya hiniling niya na kalimutan nalang nila ang isa‟t isa. At bilang pagtatapos, natanggap ni Fidel ang katotohanang hindi na si Stella ang para sa kaniya. Masaya siya at nagpapatuloy ng buhay ng normal. Hanggang nagkita sila sa di inaasahan ng kaniyang guro noon na si Mrs. Barloza kasama ang kaniyang anak na si Sol. Sa pagtatapos, mahihinuha na si Fidel ay mapapaibig kay Sol at ganoon din si Sol sa kaniya. “Behold this is a new chapter. For someone wiser and stronger. Than a pebble now bolder. This world he… WE conquer.” PAGLALAPAT NG TUNOG Sa pag lalapat ng tunog, masasabi kong angkop ang mga ginamit na tunog sa bawat eksena. Simula sa pangpaantig ng damdamin, masaya o malungkot, pagtatalo o pagkakaayos at maging sa mga kantang ginamit gaya ng Balisong, Kaya Natin Yan, I need You More Today at 241. Bukod dito lubos na nakakagalak ang ginawang “effort” ng mga gumanap sa
  • 9. ISONZA 2018 9 | P a h i n a pangunahing karakter na si JC Santos at Bela Padilla dahil orihinal na boses nila ang ginamit sa bawat pag kanta nila sa pelikula. Ang mga ginamit na tunog bawat eksena ay nagdadagdag ng aliw at emosyon sa kung ano ang nangyayari dito. TEMA NG PELIKULA Ang pelikulang 100 tula para kay Stella ay may tema na may pagkakataon sa buhay natin na sigurado na tayo sa desisyon natin pero hindi pa rin natin alam kung anong ibibigay at mangyayari sa atin sa kinbukasan. Kaya mas mahalaga kung ano yung mga bagay na ginagawa mo ngayon ay itama na at pagbutihin. Karagdagan ay kahit anong pagsubok sa buhay ang dumating, gaya na lamang ng nangyaring mga kabiguan ni Fidel kay Stella, minabuti niyang ipagpatuloy pa din ang buhay kahit na mahirap sa tulong ng kaniyang sarili at mga taong nakapaligid sa kaniya. At ang problema ay hindi tinatambayan, bagkus dinadaanan lang. Hindi gaya ni Stella na imbis na iahon ang sarili ay nagpalugmok sa pangarap niya, nagpakadesperado dahil sa pangarap niya ito. Bukod dito, ibig ding ipinaparating ng pelikula na hindi dapat manggamit ng tao upang umangat sa buhay dahil kailanman hindi ka aasenso lalo na pagdating sa pagmamahal. Hindi mo tunay na mahal ang isang tao kapag nakakayanan mong gamitin siya para sa personal mong pangangailangan at ikabubuti. Karagdagan, nakakaimpluwensiya din ang mga taong ating sinasamahan sa kung ano ang nagiging ugali natin. Ika nga nila, “Sabihin mo sa akin kung sino ang mga kaibigan mo at sasabihin ko kung sino ka”. Malaki rin ang epekto ng mga magulang sa kung paano lumaki ang isang tao dahil kung puno sila ng atensyon, maayos ang pamilya at walang tension, lalaki sila ng maayos at may tamang prinsipiyo. Ipinakita din dito na mas mabuti na pag aaral ang unahin, at may pagkakataon din sa buhay natin na pagtayo‟y nasaktan sa mga bagay bagay ay mas lalo tayo nitong pinagtitibay at pinapalakas upang maipakita ang totoong tayo. At kayang magbago ng isang tao kung kaniyang gugustuhin at tutulungan ang kaniyang sarili. MGA MAKATOTOHANANG DIYALOGO
  • 10. ISONZA 2018 10 | P a h i n a “Behold this is a new chapter. For someone wiser and stronger. Than a pebble now bolder. This world he… WE conquer.” – Fidel Lansangan “Ikaw „yung naging mundo ko… ang corny ko… Pa‟no na „yan? Wala na, nagunaw na. Paano pa ako makakausad nito?” – Fidel “Ikaw pa? Kayang kaya mo „yan. Makakausad ka. „Di ko naman deserve maging mundo mo. “ –Stella “May speech defect ako. Hindi ako nauutal pag nagbabasa pero nauutal ako kapag mahaba ang sinasabi ko. Kaya nililimit ko lang sa tatlong words ang sentence na ginagamit ko.” –Fidel “Bakit kailangan mong ilimit sa tatlo?” – Stella “Para di mautal.” - Fidel “Eh ano ngayon kung mautal ka?“ – Stella “Baka pagtawanan ako.” – Fidel “Tapos? Anong mangyayari pag natawa sila?” – Stella “College na tayo. College ang panahon para makilala mo ang sarili mo. Naaalala mo? Ipag malaki mo.” – Fidel “wag kanang pumasok bukas… mag jamming nalang tayo.” – Barrie “eh baka bumagsak ako, papagalitan nanaman ako ni ate” –Stella “bakit? Unang absent mo palang naman ah?”- Barrie “sabagay. Saka bukas…dalawang subject lang naman ako… pwede naman”- Stella “patay nanaman ako sa ate ko… ang baba ng grades ko oh… bagsak lahat.” – Stella “pati psych 101?” – Fidel “lalo na psych 101” –Stella “andali nalang no‟n ah? Pasaway. Pasaway ka kasi. Kung ano ano kasing inaatupag mo. Pag di ka nalang mag aral ng mabuti? Lagi kang late, lagi kang absent. Para kang bangag pagka pumapasok ka… isipin mo naman yung future mo. Hindi naman parating living in the moment. Sorry …” –Fidel “Hi my name is Fidel Lansangan. I am 18 years old…” –Fidel “What are you reading? This is communication 3 and you are suppose to learn how to speak spontaneously. Put it down” – Mr. Manalili “Kumusta naman „yung pag aaral mo?” – tatay “okay lang.” – Fidel “alam mo anak, dapat pag butihin mo yang pag aaral mo na yan… dahil pag graduate mo sigurado akong mag aagawan ang mga kumpanya para kunin ka.” - tatay HALAGA SA TOTOONG BUHAY
  • 11. ISONZA 2018 11 | P a h i n a Ang pelikulang ito na 100 Tula Para Kay Stella ay tunay na mahalaga sa totoong buhay dahil ipinapakita nito sa mga manonood kung anong ba ang katotohanan na nangyayari sa buhay ng mga mag-aaral, mga taong may kahinaan na humarap sa tao at mahina ang loob ngunit may angking galing at talino na itinatago kung sila lamang ay bibigyan ng pagkakataon upang ipakita ito at kung sila din ay tutulungan upang makapagbago,maibigay ang pinakamahusay nila. Karagdagan, para sa mga kabataan. Maliliwanagan sila kung bakit nga ba importante ang mag aral, kung bakit nga ba mahirap para sa iba na umalis sa nakasanayan, kung bakit iba ang kinikilos ng iba sa kung ano ang tanggap ng lipunan. Bakit nga ba natin kinakahiya kung ano tayo, kung ano ang tunay na tayo at bakit nga ba natin pinipilit na maabot ang pangarap natin hanggang sa hindi natin alam ay ginagamit na pala natin ang ibang tao para lamang sa ating ikabubuti? Sa mga magulang o guro, dito ay mas maiintindihan nila ang pinagdadaanan ng kanilang estudyante o anak na dumadaan din sa ganoong sitwasyon nila Stella at Fidel. Na mas lalawak ang kanilang isipan na mas makabubuti sa isang bata ang intindihin sila, iparamdam ang pagmamahal at paligiran ng mabubuting bagay para maging matagumpay sa buhay. At higit sa lahat sa mga taong dumadaan sa mga problema, mahalaga itong mapanood nila upang kanilang mapagtanto na ang problema ay hindi dapat tambayan bagkus ito‟y daaanan lamang sapagkat hindi ka aasenso, hindi ka makakausad kung patuloy kang tumitingin sa nakaraan, patuloy kang nagpapaapekto sa problema. Sa mga pinanghihinaan ng loob at di kayang lumabas sa kanilang nakasanayan, ito‟y makakatulong din. Sapagkat gaya na lamang ng ginawani Fidel. Na sa kabila ng kaniyang pagiging mahiyain at kahinaan nang loob ay kaniya itong napagtagumpayan dahil sa kaniyang pagharap sa kinakatakutan at pag alis sa mga bagay na nakasanayan. Ika nga niya sa huling parte ng pelikula, “Behold this is a new chapter. For someone wiser and stronger. Than a pebble now bolder. This world he… WE conquer.” – Fidel Lansangan