SlideShare a Scribd company logo
1 of 7
Caregiver-Caregiver may be prefixed with "family", "spousal", "child", "parent", "young" or "adult" to
distinguish between different care situations, and also to distinguish them definitively from the paid version of a caregiver,
a Personal Care Assistant or Personal Care Attendant (PCA). Around half of all carers are effectively excluded from other
paid employment through the heavy demands and responsibilities of caring for a vulnerable relative or friend. The term
"carer" may also be used to refer to a paid, employed, contracted PCA.The general term dependent care (i.e., care of a
dependent) is also used for the provided help.[2] Terms such as "voluntary caregiver" and "informal carer" are also used
occasionally, but these terms have been criticized by carers as misnomers because they are perceived as belittling the
huge impact that caring may have on an individual's life, the lack of realistic alternatives, and the degree of perceived duty
of care felt by many relatives.More recently, Carers UK has defined carers as people who "provide unpaid care by looking
after an ill, frail or disabled family member, friend or partner". Adults who act as carers for both their children and their
parents are frequently called the Sandwich Generation.The sandwich generation is the generation of people who care for
their aging parents while supporting their own children.A caregiver is someone who is responsible for the care of someone
who has poor mental health, physically disabled or whose health is impaired by sickness or old age. To help caregivers
understand the role they have taken on, "Next Step in Care". The importance of a caregiver for the patient,is complex to the
well being of the patient, no matter what kind of patient is,the most important is to give a good and quality caring,when we
say quality caring,it doesn't mean, a high standard of qualification,it means,the quality care that a caregiver give to the
patient that comes from the heart, and fully aware of what is the dipper personality of the patient,being a caregiver,whether
a family caregiver ora hired caregiver,its always a tough and challenging job as a whole. The patient needed the good care,
and someone that the patient can count on at all times,and the person that will help lift and cheer them up to continue to
enjoy life,even a single little thing that you do good for the patient,its very important for them,specially if the patient feels that
you do all the best you can, and working with heart,and that's how important a caregiver in patient life. that someone will be
there always for them and that encouraged them to be strong to face any obstacle that on their way, a person that the
patient can truly trust in terms of treatment's and as a whole, to go on with life.
disease prevention-
maintaining health- The body requires carbohydrates, fats, proteins, vitamins, and minerals to maintain healthy organs,
bones, muscles, nerves, and to produce hormones and chemicals that are necessary for the proper function of organs.Vitamins and
minerals are naturally occurring substances that are essential for the growth and function of the body. Vitamins and minerals are both
necessary (in small amounts) for normal chemical reactions (metabolism) in the body.
Preventing and controlling diseases-Obesity and heart attacks are major public-health problems in the United States
and other countries. Therefore, most dietary recommendations are aimed at preventing these two diseases. Obesity comes
over time by eating more calories than the body burns. Obesity, in turn, can be a cause of many diseases such as heart
disease, diabetes, sleep apnea, liver disease, arthritis, high blood pressure, gout, gallstones, and certain cancers.To lose
weight or maintain a healthy weight, it helps to eat more low-energy-dense foods. Low-energy-dense foods (such as
vegetables and fruits) contain few calories per unit volume of food so that one can eat a large volume of it (for example,
lettuce) without taking in many calories. One should also eat less of the high-energy-dense foods such as fats, egg yolks,
fried foods, sweets, and high-fat salad dressings. Foods with a high energy density also often have high cholesterol and
saturated fat content. One should also eat less of those foods that provide calories but little other nutrients, such as alcohol
and many packaged snack foods.
Responsibilities of a caregiver- Tasks of a caregiver:
 Take care of someone who has a chronic illness or disease.
 Manage medications or talk to doctors and nurses on someone’s behalf.
 Help bathe or dress someone who is frail or disabled.
 Take care of household chores, meals, or bills for someone who cannot do these things alone.[4]
With an increasingly aging population in all developed societies, the role of carer has been increasingly recognized as an
important one, both functionally and economically. Many organizations which provide support for persons with disabilities
have developed various forms of support for carers as well.
ANG AMA- Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng
isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang
totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos
ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-
kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang
mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang
lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng
bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na
babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-
aagawan. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi
ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin.
Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi
nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi
ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan
nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na
walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking
kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng
mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong
lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa
kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama
at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay
madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-
iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang
halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay,
namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya angpinakamatandang
lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,
napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang
halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon
huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata
na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla
dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di
mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay
bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na
naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na
tubig.Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang
ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata
ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam
nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa,
puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa
kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang
asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti
nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi
bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.Ngayo'y naging
napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng
kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati
siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at
napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot
tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo
nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo.
Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa
asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya
gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo
pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang
mga bote ng beer. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob.
Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin
silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng
pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na
pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon.
Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang
kwarto. Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa
mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi
matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila
maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-
layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay
lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna. Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na
kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,
"Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong
nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na
ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang
kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi
niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.
Anim na Sabado ng Beyblade- Beyblade, maraming-maraming beyblade. Isa, dalawa hanggang
lima. Makukulay na Beyblade. Pula, itim, asul, berde, pilak, ginto, dilaw – basta sari-saring kulay. Gawa man sa plastik
o bakal, basta may beyblade na mabibili ‘pag sabado. Inaasahan ko na ito tuwing sabadong magkikita kami ng aking
bunsong si Rebo. Tiyak na magpapabili siya ng paboritong laruang Beyblade. Kaya naman inihahanda ko na ang aking
bulsa. May halagang 30 hanggang 50, o higit pa. Depende sa ganda ng disenyo at yari. Inihahanda ko na rin ang
katawan ko dahil tiyak, mas karga ang gusto niya papunta sa paboritong tindahan sa talipapa ng aming baranggay.
Mga 500 metro rin ang layo mula sa bahay ng aking ina kung saan kami nagkikita tuwing sabado. Magpapababa lang
siya kapag mismong nasa harap na kami ng tindahan at kaya na niyang ituro at hawakan ang paboritong laruan.
Palapit pa lang kami ay sasalubong ng nakangiti ang tindero. Kilala na kaming mag-ama. Alam na ang iskedyul ng
aming pagpunta. Handa ng magturo ng mga bagong labas na disenyo na maaaring magustuhan ni Rebo. Mas una
kasing tinitingnan ni Rebo ang kulay at disenyo. Pangalawa na lang kung plastik o bakal ang yari. Pero batay sa
karanasan, mas makiling si Rebo sa plastik.Kung ihahambing sa pagkahilig niya sa iba pang laruang umaandar, (trak-
trakan man o kotse-kotsehan), mas madalas niyang laruin ang Beyblade. Siguro’y dahil mas maliit itong di hamak sa
trak-trakan o kotse-kotsehan. At di tulad ng dalawa, maaari itong dalhin kahit saan. Huhugutin lang sa bulsa. Kay
Rebo, tiyak na may huhugutin kahit saang bulsa. Sa bulsa ko, kapag may hawak na siyang Beyblade na “panlaban,”
tiyak ding kamay na lang ang laman.Patagalan ng pag-ikot sa loob ng platapormang bilog ang labanan ng Beyblade.
Ang tumalsik palabas, talo. Ang unang huminto kahit nasa loob pa ng plataporma, talo. Si Rebo, batay pa rin sa
karanasan, madalas talsikan ng Beyblade. Subalit di tulad ng ibang batang madalas mawalan ng gana dulot ng
pagkatalo, patuloy ang paglaban ni Rebo. Lalo niyang hihigpitan ang hawak sa matigas na pising may mala-lagareng
mga ngipin. Tatatagan ang kapit sa mala-baril na patungan ng Beyblade. At mabilis na hahatakin ang pisi palabas mula
sa makipot na butas ng patungan na magtatanggal at mabilis na magpapaikot sa mala-flying saucer na Beyblade
pabagsak sa plataporma upang muling makipaglaban.Apat na sabadong nakipaglaban ang aking bunso ng Beyblade sa
plataporma ng laro. Labing-isang buwan siyang nakipaglaban sa kanser sa kanyang dugo sa ospital ng karamdaman. Sa
katulad kong guro, bakasyon ang Abril. Sa katulad ng bunso kong mag-aapat na taon, panahon ito ng mas maraming
nakakatandang pinsang makakalaro. Huling linggo ng Marso taong 2003, nang lagnatin siya ng isang linggo. Matapos
ang lagnat, ilang araw na di nagkakain at tuluyang namutla, pagsapit ng unang sabado ng Abril ng aming pagkikita,
halos ayaw na niyang magpababa mula sa pagkakakarga dulot ng madaling pagkapagod. Hanggang unti-unting
lumitaw ang mga pasa. Una’y sa binti, tapos sa braso, hanggang matagpuan na rin ito sa kanyang paa, dibdib at hita.
Ang kanyang labi’y parang ibinabad na sa suka. Klinika, ‘yung pinakamalapit na klinika ang agad na tinakbo ng isip ko.
“Meron akong limang daan, hahanap pa ako ng pandagdag kung kinakailangan, pangalanan niyo lang ang mga
sintomas na nararamdaman ng anak ko!” Ito ang mga eksaktong salitang gustong-gusto kong sabihin sa unang doktor
na titingin sa aking anak. Subalit umabot na sa tatlong libo, pakikiusap at pangungutang, tatlong doktor at dalawang
klinika, pagpapamanhid sa sarili upang di matinag sa palahaw ng tinutusok na anak ay di pa rin namin nalaman ang
pangalan ng kanyang karamdaman.Mabilis na tibok ng puso na di normal sa kanyang edad. Kulang sa dugo. Mga
tanging interpretasyon ng mga doktor. Mga interpretasyong di tapos. Kailangan pa ng ibayong pagsusuri ng mas
dalubhasa. Marami pang pagtusok at palahaw. Kirot at nginig ng kalamnan. Dagdag na pagpapamanhid sa katauhan
ng mga magulang at iba pang nagmamahal.Mabigat, subalit pinatatag ko di lamang ang aking tuhod kundi pati dibdib
sa pagkakatayo sa loob ng ospital. Anuman ang maging resulta, kailangangg nakahanda ako. Palibhasa’y
pinakamalaking pampublikong ospital ng bansa, tila mahabang ahas ang pila ng mga taong kinabibilangan ng kanyang
ina. Mahabang pila ng “Hospital Card” na magsisilbing pasaporte upang makausap ang doktor na mas dalubhasa sa
nararamdaman ng aking anak. Nung araw na iyon, ayaw bumaba ni Rebo mula sa aking bisig. Kahit na maaari din
naman siyang kargahin ng kanyang ina. Ang gusto niya, si Taytay lang ang kakarga. Si Naynay ang pipila at hawakan ko
ang kanyang Ate Kala gamit ang libreng kamay. “Kasi sabado, di dapat agad matapos ang sabado. Di dapat mawala
agad si Taytay dahil maghihintay na naman ng panibagong sabado o araw na tatapatan ng kanyang suweldo bago siya
muling makita. Di bale nang mawalay kay Naynay ng ilang oras, kasama naman siya araw-araw. Basta si Taytay lang
muna ang kakarga, hahawak, kukuwentuhan, kakalaruin, pabibilhin ng “Ays Wis” (ice cream) at “Babuygyam” (bubble
gum) at hihigaan sa dibdib kasi sabado pa!” Alam ko, ito ang mga eksaktong salitang nais niyang sabihin kung kaya
lang idetalye ng kanyang murang isip at bigkasin ng kanyang bulol na dila nung araw na iyon.Mag-iisa’t kalahating
taon na kaming hiwalay ni Joida bilang mag-asawa nang magkasakit si Rebo. Maraming di mapagkasunduan.
Magkaiba ang direksiyong tinitingnan. Idagdag pa ang madalas na kawalan ng pera. Resulta ng maaga at di handang
pag-aasawa. Ayaw ko nang idetalye pa kung paano kami naghiwalay. Basta magulo. Isa sa mga nakalipas na inilibing
ko na sa lupalop ng mga kinalimutang gunita. Gayunpaman, dumating ang puntong kailangan naming kalimutan ang
di pagkakasundo at maging sibilisado para sa mga bata. Ito na ‘yung panahon na mag-isa na akong namumuhay sa
ayaw-ipaalam-kahit-kanino na lugar. Ang mga anak ko ay itinira naman ni Joida sa bahay ng kanyang Ina’t kapatid.
Pinalad na akong makapagturo sa isang prestihiyoso at malaking pribadong paaralan ng mayayaman at makaranas na
ng paghugot ng sapat ng sahod sa ATM. At di tulad ng ibang amang nag-iwan-ng-tae ang konsepto ng
pakikipaghiwalay, siniguro kong mas malaking bahagi ng aking “dalawang lingguhang yaman” ay mapupunta sa
pagpapalaki ng aking dalawang anak at magtira na lamang sa sarili ng sapat para mabuhay ng may konting inom ng
alak. Mahal na mahal ko ang aking mga anak. Kaya masakit ang malamang di pala sapat ang pagmamahal para
ipananggalang sa pag-atake ng malubhang sakit.“Acute Lymphocytic Leukemia”. Mas kilala sa tawag na “ALL”. Tipikal
na uri ng Leukemia sa mga edad na tulad ng kay Rebo. Chemo Theraphy ang tanging paraan ng panggagamot.
Mahabang panahon ng gamutan. Induction, Consolidation, Maintenance stage. Tatlong estado ng panggagamot.
Anim, apat, pababa sa isa na matatapang na droga ang dapat pumasok sa murang katawan ng aking anak. Mga
drogang papatay sa mga “Cancer Blast” na namumuo sa loob ng kanyang katawan. Mga drogang walang mata at
maaaring sirain maging ang mga walang sakit niyang laman-loob na pagmumulan ng komplikasyon.Dalawang linggong
singkad na kaming nasa ospital bago nagkaroon ng pangalan ang kanyang karamdaman. Hindi na kami nakaalis mula
sa unang araw na kami’y nagbalak lang magpatingin at umasang sabihan na ang kailangan lang niya ay mga gamot na
magdadagdag ng kanyang dugo. O kaya’y magpapatibok ng normal sa kanyang puso.Nakakabingi ang pagragasa ng
mga eksakto ng detalye at interpretasyon. Subalit pinilit kong ipasok lahat sa aking utak na unti-unti na ring
namamanhid ng mga oras na iyon. Mabilis na humilera sa isip ko ang larawan ng mukha ni Rebo na punompuno ng
kirot mula sa araw-araw na pagtusok ng karayom tuwing kukuhanan at sasalinan ng dugo. Tutusukin sa braso, paa,
balakang, kamay, at kahit saan pang parte na mayroong ugat na di pa namamaga at maaari pang daluyan ng dugo.
Larawan ng puro pasang si Rebo. Maliit at malaking pasa, mapupula at maiitim na pasa. Larawan ng nakakalbong si
Rebo. Nang nalalagasan ng buhok na si Rebo. Larawan ng mga lagas na buhok na nililipad ng hangin at di mo alam
kung saan papadparin. (Sa kalaunan, nangyari ang lahat ng ito.)Teorya ng radyasyon o kaya’y namanang sakit?
Parehong di tiyak. Pinakasimpleng paliwanag, di tumanda ang butong dapat lumikha ng sapat na dugo upang
mabuhay ng malusog ang aking anak. Hindi sumabay sa kanyang pagtanda. Buto, dugo, pesteng buto! Pesteng dugo!
Walang magulang ang nagnanais marinig ang lahat ng paliwanag na ito. Isa lang ang malinaw: hindi pagtatae o lagnat
ang nararamdaman ng aking anak, unti-unti na palang siyang namamatay.Naaalala ko pa, di ko mapigilang maluha sa
loob ng taxi habang ingat na ingat na hawak ko ang lalagyan ng dugong ipasusuri sa isang malayo at malaking
laboratoryo. Lubha akong nagmadali nung araw na iyon. Kailangang di mapanis ang dugo. Kakaiba ang dugo dahil
kinuha pa sa likuran ni Rebo. “Cultured Blood” ang tawag nila. Isipin ko pa lang ay parang baretang sumaksak sa
dibdib ko ang sakit na tiniis ng aking anak makuha lang ang pesteng dugo na tanging magpapakilala ng kanyang
karamdaman. Apat na kaming pumigil sa kanya maiporma lang ang katawan niya na tila hipon upang matusok at
daluyan ng dugo ang ugat niyang malapit sa buto ng kanyang likuran. Ako, ang kanyang ina, ang doktor at ang nars,
kung tutuusin ay kulang pa kami sa lakas ng kanyang piglas, animo’y kakataying baboy ang kanyang palahaw. “Wa
n’yo ko ‘awak! Wa n’yo ko ‘awak! Taytay! Naynay! Wa n’yo ko awak tabi!” ( ‘Wag n’yo ko hawak! “Wag n’yo ko
hawak! Tatay! Naynay! ‘Wag n’yo ko hawak sabi!) Wala na yatang pinakamasakit pang pakiramdam ang maaaring
maranasan ng mga nagmamahal sa tanawing pisikal na nasasaktan ang iyong minamahal. Idagdag pa dito ang tila
pagtulong mo upang lalo siyang masaktan. Subalit walang ibang paraan. “Putang-inang sakit ‘yan! Putang-inang dugo
‘yan! Putang-ina n’yong lahat!” Gustong-gusto kong isigaw ang mga ito subalit pinili ko na lang na itago sa aking utak
at dibdib. Ayaw ko nang magdagdag ng hirap. Ayaw ko nang magdagdag ng sakit. Dahil alam kong simula sa araw na
iyon, di ko na kailangang imbitahin pa ang hirap at sakit. Kusa na silang darating.Tatagal kami sa ospital. Isang buwan,
dalawa, apat, di ko alam kung gaano karami basta sigurado ko, tatagal kami. Paulit-ulit kong isinaksak ang isiping ito
sa aking utak. Nais kong makapaghanda, “gagaling si Rebo, lalakas si Rebo, di mamamatay ang aking anak!”
Kailangang maging handa. Kailangang laging handa. Kailangan dapat handa!“Tapos po ako ng pagtuturo kaso wala pa
ring mapasukan.” “Sabagay, kahit magtuturo ka ngayon, di mo kakayanin.” “Oo nga po e.” “Di mo ba kaya kahit ‘yung
tig-tatatlong daan lang na kuwarto isang araw?” “Hindi po talaga kaya e.” “Sige, ipakita mo na itong papel sa opisina
ng Social Services. Doon sa bandang kanan.” “Salamat po! Maraming salamat!”Kailangang magpanggap,
magsinungaling, mapunta lang si Rebo sa Charity Ward ng ospital. Dito, kahit paano, kutson ang mahihigaan ni Rebo,
di hamak na mas mainam kesa higaang bakal na de gulong ng Emergency Room. May telebisyon pa. Suwertehan nga
lang kung ‘yung gusto niya ang palabas. Marami kasing nanonood. Mga maysakit (malubha hanggang sa pinaka-
malubha), taga-pagbantay ng may sakit (mula sa nagtatawanan, umiiyak o simpleng tulog), mga dumadalaw sa
maysakit (mula sa nagmamadali hanggang sa nagtatagal). Lugar ng mga sakit na kitang-kita sa lahat ng aspekto ng
pagkatao ng mga naroroon. Mga taong galing sa maralitang bahagi ng lungsod. Sa pinakamalapit hanggang
pinakamalayong probinsiya ng bansa. Lahat umaasang dito gagaling. Lahat naghihintay ng tulong sa mga kilala at
ayaw magpakilalang pilantropo na paminsan-minsang dumadalaw. Lahat kapos sa pera kahit simpleng pambili man
lang ng pinakamurang ineksiyon. Sa lugar na ito, libre man ang higaan at pagkain, kailangang mong bilhin ang lahat ng
gamot at kagamitang kakailanganin sa gamutan. Ako, totoong may trabaho, subalit kailangang nandito kami upang
makatipid. Walo, pito, anim na libo ang halaga ng gamot ni Rebo lingo-linggo. Di pa kasama ang halaga ng mga
ineksiyon, dextrose, mga tubo, espesyal na pagkaing malimit niyang hilingin, bayad sa laboratoryong wala sa loob ng
ospital na nagsusuri sa kanyang dugo hanggang sa pamasahe. Mapurol ka man sa matematikal na kaalaman, dito,
tiyak na tatalas ka, lalo na sa pagkukuwenta ng pera at malalim na buntong-hininga. Matututo ka ring mang-uri ng
tao. Tahimik at maiingay na katabi, palabigay at palahingi. Masusungit at masayahing nars. Suplado at madaling
lapitang doktor. Matalino at tangang intern ( na nakawalong tusok na sa anak ko ay di pa rin makagpalabas ng dugo.
Madalas kong mamura ang ganito ) Mga walang pusong Laboratory Technician na ayaw tumanggap ng konting dugo
kahit na aprubado ng doktor ang dami, ( “Anong akala n’yo sa dugo ng anak ko? Tinatabo sa balde?! Tang-ina n’yong
lahat!” ) at kalma at halos masisiraan ng ulong kapamilya dulot ng depresyon. Ang mga maysakit, konsistent sa pag-
iingay. Pagsigaw man o palahaw, halong bata at matanda, kung meron mang tahimik sa kanila. ‘yun ‘yong mga may
pasak ng tubo sa bibig. Si Rebo, basta’t nakalagpas na ang ritwal ng pagtusok at pagkuha ng dugo, ang pinakamalikot
at makulit. “Alisin na ang dextrose sa pagkakasabit! Mamamasyal na ako sa mga kutsong kalapit!” Kaya’t madalas,
binibiro siya ng mga naroroon, “’wag ka na dito, wala ka naming sakit, e!” Madalas din niyang gantihan ang birong ito
ng pag-irap, pagdila at ibayo pang pangungulit. Kaya’t wala pang isang buwan, wala ng di nakakakilala sa Charity Ward
kay Rebo bulol at kulit.Tulong. Laksa-laksang tulong. Kahit anong uri ng tulong ang kinailangan ko para mabuhay ang
aking anak. “Ma, nagpadala na ba ang Tita Naida? E, ang Lola Conching?” “Kap, salamat sa pera ha!” “Kagawad, paano
nga uli pumunta ng Sweepstakes office? Salamat nga pala uli dun sa mga koleksiyon sa mga zone leader. Napaiyak pa
pala si mama sa harap.” “Tita Marylyn, bayaran ko na lang ‘pag nakaraos” “Ano?! Galing ‘to sa koleksiyon ni Tita Jean
sa mga estudyante?” “Tita Vic, dito muna si Kala ha! Di puwedeng umalis si Joida sa ospital, e” “Kala, ‘wag malikot ha!
Behave ka dito!”“Tol, nasabihan mo na ba ang tropa? Konting dugo lang naman ang kukunin para pamalit.” “Mga P’re,
salamat ha! Inom na lang tayo next time. Kain na muna kayo ng ampalaya.” “Mam, sir, absent po ulit ako ngayon,
kailangan po kasi ako sa ospital. Salamat po pala sa tulong ng Faculty Club at iba pang department.” “Sige po. Okay
lang I-pray over si Rebo sa ospital. Hintayin namin kayo.”Di kami nabigo, maraming nagmamahal at dumamay. Di man
ako magtanong, laging maraming tugon ng pagtulong. Paraiso sa gitna ng ilang, tubigan sa gitna ng disyerto.Umabot
pa kami ng limang buwan sa loob ng ospital bago narating ni Rebo ang pinakahuling estado ng gamutan, ang
“Maintenance stage.” Setyembre na noon. Ibig sabihin, minsan isang buwan na lang siya babalik sa ospital para
magpa-chemo. Tatlong taon ang itatagal ng estadong ito. Sa panahong ito, nakapagdiwang na ang aking anak ng
kanyang ikaapat na taon at unti-unti nang tumutubong muli ang buhok sa kalbo niyang ulo. Lubusang gagaling ang
anak ko pagsapit niya ng ika-pitong taong gulang. Tamang-tamang edad sa pag-aaral. Tiyak kong hindi na siya bulol sa
panahong ito.Sa labas ng ospital nagmistulang batang walang sakit ang aking si Rebo. Laro dito, laro doon. Kain dito,
kain doon. Maliban na lamang sa pagkakataong kailangan naming bumalik sa ospital para sa sesyon ng Chemo
Therapy. Tuwing matatapos ang sesyon, tatlong araw na lantang-gulay ang anak ko. Walang gustong lunukin kundi
malamig na tubig. Walang gustong kagatin kundi yelo. “An ini ‘tay nan aawan o!” (ang init ‘tay ng katawan ko!) Suka
ng suka at todong bugnutin. Ayaw ng maingay. Ayaw ng magulo. Iritado. Pero pagdating ng ikaapat na araw. Balik na
sa normal ang lahat. Gigising ng maaga, sasamang maghatid at susundo sa kanyang Ate Kala sa eskuwelahan.
Makikipaglaro sa kanyang Ate Kala pagkauwi nito galing sa pag-eeskuwela. Subalit ang pinakagusto niyang gawin, ang
humiga lamang sa sofa at manood ng manood ng pambatang palabas sa telebisyon.Bukod sa pagkikita tuwing sabado
at sa mga araw ng suweldo, pagtawag araw-araw, umaga at hapon ang komunikasyon ko sa aking mga anak. At
madalas na hintayin ito ni Rebo. Maliban na lang sa tuwing dumarating ang “tatlong araw na pasakit” ng Chemo
Therapy. Tsamba na lang kung nais niya akong kausapin. Madalas kong itanong sa kanya kung magaling na siya at
sasagutin niya ito ng malakas na “Magaying na!” (magaling na!) Pinapangako ko rin siya na ‘wag kaming iiwan ng
kanyang Ate Kala na sinasagot niyang madalas ng “ayoo na!” (ayoko nga!) Subalit minsan, pabiro siyang sisigaw sa
kabilang linya ng “ Us-o o na! “ ( gusto ko nga! ) Sabay kakanta ng anumang kanta na natutuhan niya sa telebisyon,
kung alam lang niya ang tindi ng panghihina ko sa “us-o o na!” Kung gaano ako nililiyo ng kaba.Tulad ng ibang bata,
sabik na hinintay ni Rebo ang pasko. Kapapasok pa lang ng Disyembre’y madami na siyang pinabibiling damit at
laruang bago. Subalit bago pa man dumating ang mga bago. Kalagitnaan pa lang ng buwan ng pasko. Tumambad na sa
amin ang resulta ng huling pagsusuri sa kanyang dugo. “Cancer Relapse”. Muling paglitaw ng mga “Cancer Blast.” Sa
madaling salita, malubha uli ang Leukemia ng aking anak. Kailangan muling ulitin ang proseso ng gamutan. Basura na
ang dati. Bagong pag-aalala, hirap, pagod, paghingi ng tulong at gastos. Ang pinakamasakit, bagong kirot ng katawan
at pangwawasak ng kaluluwa ang paulit-ulit na mararanasan ng aking anak. Subalit di na siya pumayag.Tatlong araw
bago matapos ang Enero nang sundin ko ang kahilingan ng aking anak. “ Uwi na ‘ayo ‘tay! Ayaw o na a uspi-al. Di o na
aya.” ( Uwi na tayo Tay. Ayaw ko na sa ospital. Di ko na kaya.) Mabigat sa dibdib. Ang totoo, ang kanyang ina, pati na
ang ilang kapamilya ay nagsabi na sa akin na ipaubaya na lang sa Panginoon ang kapalaran ng aking anak. Disyembre
pa lang nang malamang malubha uli ang kanyang karamdaman. Natatandaan kong nagwala ako sa ganito kababaw na
argumento. Pinakatanga at palasukong argumento ang tingin ko sa ganito. Sinigawan ko sila. Inaway. Subalit sumunod
ako nang si Rebo na ang nagsalita. Gusto ko mang ituloy pa ang laban, kahit marami pang damdaming masagasaan,
pinatigil ko na ang gamutan dahil hindi na niya kaya. Pinatunayan na ito nang paglitaw ng pantal sa buo niyang
katawan di pa man tapos ang muling kauumpisang sesyon ng Chemo Therapy. Labing-apat na sesyon at Labing-isang
buwan ng gamutan ang pinilit na nilabanan bago sumuko ang aking mandirigma.May pag-asa pa. Dasal, milagro,
alternatibong medesina, kahit anong di makakasakit at makapanghihina, gagawin ko. Bibilhin ko. Mabuhay lang ang
aking anak. Ang aking si Rebo. Ang pinakamamahal kong bunso. “Anong gusto mo anak? Bertdey mo na bukas?
Limang buwan pa a! Pero sige, gusto mo e! Yellow Balloons ? Lahat Yellow? Sige, magpapagawa ako. Maghahanda
tayo dahil bertdey mo na bukas! Yipee!”Unang sabado ng paglabas niya ng hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan
kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng
“Happy Birthday Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang sabadong ito sa
lahat ng sabado. Maraming –maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote
Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade.
Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kanyang kaarawan. Sa kanyang pagtuntong sa limang taon.
Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng
Beyblade kasama ang mga pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-
unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang Beyblade bagamat ayaw niya
itong bitawan sa loob ng kanyang kamay o di kaya’y bulsa. Ang nakapangagalit, unti-unti na namang nalalagas ang
kanyang buhok. ( “ Putang-inang Chemo Therapy, di na nga tinapos, nakuha pang kalbuhin uli ang anak ko!” ) Subalit
pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kanyang paang tumayo ng kahit ilang sandali
man lang. Nakakadukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kanyang gilagid. Sa labas ng bahay na
kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat ng tanungin niya ako ng; “ Tay, may peya a?” ( Tay, may pera ka ? ) Dali-dali
kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang meron itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang
nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng
mga kending kanyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming
kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nagpabili siya kasi nais maglambing ng aking anak. Nang kami’y pumasok
na sa loob ng bahay, naiwang nilalangam na ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming
kinaupuan.Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa
kanyang muling pagka-irita, sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang
araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang Mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si
Rebo ng walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa
kanyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.Di na maikakaila ang mabilis na
pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng Beyblade
upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kanyang pagsasalita. Kaya’t kahit nang dalhin ko siya sa isang
karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na Helicopter na tumataas at bumababa ang tila
oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian.
Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga ng humiga at paulit-ulit na tumingin sa
kawalan.Huling sabado ng Pebrero ang ikalimang sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay
pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kanyang mga mata at pagtirik ng
mata, ibinuga niya ang kanyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya
ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang
sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa’t kalahating oras siyang naghirap.
Nabulag, nanigas, nilabasan ng maraming dugo sa bibig, at naghabol nang naghabol ng hininga. “ Hindi nangyayari ito!
Walang nagyayaring ganito.Mabubuhay ang anak ko! Sabi niya hindi niya kami iiwan ng Ate Kala niya! Nasaan ang
mapayapang paraan ng pagkamatay na sinasabi n’yo!” Nais kong isigaw ito sa lahat ng kapamilyang nakapaligid sa
amin subalit walang lumabas sa aking bibig. Pinipi ako ng malakas nilang pag-iyak. At bilang isang nagnanais maging
mabuting ama, nang alam kong di na kaya pang lumaban ng aking anak, pinabaunan ko siya ng halik at hinayaan ko na
siyang lumisan. “ Sige na ‘Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” At saka ako umiyak nang
umiyak.Hindi ko man lang naranasang ihatid siya sa eskuwelahan. Di na namin nagawang makapag-usap nang
masinsinan bilang mag-ama. Magkuwentuhan tungkol sa panliligaw habang nagtatagayan.Magtalo, magdebate,
magsama sa lakaran. Nakuha kaya niyang mangarap kahit apat na taon lang ang kanyang naging buhay? Paano na si
Kala? Sila lamang ang magkakampi mula nang maghiwalay kami ng kanilang ina. Paano ko sasabihin sa aking
panganay na kailanma’y di na niya makikita ang kanyang kapatid? Na ang pagkawala ni Rebo ay ang pagkawala din ng
taong naghahatid at naghihintay sa kanyang pag-eeskuwela. Mangungulila ang kanyang mga damit, sapatos, libro at
laruan, kapatid at kaming mga magulang. Subalit di ko pinayagang mangulila ang Beyblade.Nakapaloob sa puting
supot na binuhol nang maayos. Ang maraming-maraming Beyblade ay ipinatong ko sa malamig at matigas ng kamay
ng may-ari bago tuluyang ibaba at tabunan ng lupa ang kabaong. Ikaanim na sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital.
Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang Beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang
nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap.
Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-
aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

More Related Content

Similar to Caregiver

Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang EkonomiyaPag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiyazynica mhorien marcoso
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikanModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikandionesioable
 
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptxLesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptxAprilKyla
 
Kahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptxKahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptxjose isip
 
PAGMAMALASAKIT SA KAPWA
PAGMAMALASAKIT SA KAPWAPAGMAMALASAKIT SA KAPWA
PAGMAMALASAKIT SA KAPWAShelloRollon1
 
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin
Kompilasyon ng mga akademikong sulatinKompilasyon ng mga akademikong sulatin
Kompilasyon ng mga akademikong sulatinStemGeneroso
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinStemGeneroso
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2JonilynUbaldo1
 
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONESECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONELadylynBuellaBragais
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxCleoAlagos
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxMichaelDaveMacaraeg
 
ESP-3-Q2-WK-3-DAY-1-3-2022-2023.pptx
ESP-3-Q2-WK-3-DAY-1-3-2022-2023.pptxESP-3-Q2-WK-3-DAY-1-3-2022-2023.pptx
ESP-3-Q2-WK-3-DAY-1-3-2022-2023.pptxMilain1
 
Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021AnneDelaTorre1
 

Similar to Caregiver (20)

Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang EkonomiyaPag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
 
Q4 W4 filipino grade 6
Q4 W4 filipino grade 6 Q4 W4 filipino grade 6
Q4 W4 filipino grade 6
 
Presentation.pptx
Presentation.pptxPresentation.pptx
Presentation.pptx
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikanModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
 
pakikipagkapuwa.pptx
pakikipagkapuwa.pptxpakikipagkapuwa.pptx
pakikipagkapuwa.pptx
 
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptxLesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
 
ARAL PAN 1ULAS -Q2-WEEK 3.docx
ARAL PAN 1ULAS -Q2-WEEK 3.docxARAL PAN 1ULAS -Q2-WEEK 3.docx
ARAL PAN 1ULAS -Q2-WEEK 3.docx
 
Kahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptxKahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptx
 
PAGMAMALASAKIT SA KAPWA
PAGMAMALASAKIT SA KAPWAPAGMAMALASAKIT SA KAPWA
PAGMAMALASAKIT SA KAPWA
 
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin
Kompilasyon ng mga akademikong sulatinKompilasyon ng mga akademikong sulatin
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2
 
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONESECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
ESP-3-Q2-WK-3-DAY-1-3-2022-2023.pptx
ESP-3-Q2-WK-3-DAY-1-3-2022-2023.pptxESP-3-Q2-WK-3-DAY-1-3-2022-2023.pptx
ESP-3-Q2-WK-3-DAY-1-3-2022-2023.pptx
 
science module
science modulescience module
science module
 
Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021
 

Recently uploaded

Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)AngelicaSantiago45
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGeizukiTaro
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxLornaBajarOliva
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 

Recently uploaded (20)

Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 

Caregiver

  • 1.
  • 2. Caregiver-Caregiver may be prefixed with "family", "spousal", "child", "parent", "young" or "adult" to distinguish between different care situations, and also to distinguish them definitively from the paid version of a caregiver, a Personal Care Assistant or Personal Care Attendant (PCA). Around half of all carers are effectively excluded from other paid employment through the heavy demands and responsibilities of caring for a vulnerable relative or friend. The term "carer" may also be used to refer to a paid, employed, contracted PCA.The general term dependent care (i.e., care of a dependent) is also used for the provided help.[2] Terms such as "voluntary caregiver" and "informal carer" are also used occasionally, but these terms have been criticized by carers as misnomers because they are perceived as belittling the huge impact that caring may have on an individual's life, the lack of realistic alternatives, and the degree of perceived duty of care felt by many relatives.More recently, Carers UK has defined carers as people who "provide unpaid care by looking after an ill, frail or disabled family member, friend or partner". Adults who act as carers for both their children and their parents are frequently called the Sandwich Generation.The sandwich generation is the generation of people who care for their aging parents while supporting their own children.A caregiver is someone who is responsible for the care of someone who has poor mental health, physically disabled or whose health is impaired by sickness or old age. To help caregivers understand the role they have taken on, "Next Step in Care". The importance of a caregiver for the patient,is complex to the well being of the patient, no matter what kind of patient is,the most important is to give a good and quality caring,when we say quality caring,it doesn't mean, a high standard of qualification,it means,the quality care that a caregiver give to the patient that comes from the heart, and fully aware of what is the dipper personality of the patient,being a caregiver,whether a family caregiver ora hired caregiver,its always a tough and challenging job as a whole. The patient needed the good care, and someone that the patient can count on at all times,and the person that will help lift and cheer them up to continue to enjoy life,even a single little thing that you do good for the patient,its very important for them,specially if the patient feels that you do all the best you can, and working with heart,and that's how important a caregiver in patient life. that someone will be there always for them and that encouraged them to be strong to face any obstacle that on their way, a person that the patient can truly trust in terms of treatment's and as a whole, to go on with life. disease prevention- maintaining health- The body requires carbohydrates, fats, proteins, vitamins, and minerals to maintain healthy organs, bones, muscles, nerves, and to produce hormones and chemicals that are necessary for the proper function of organs.Vitamins and minerals are naturally occurring substances that are essential for the growth and function of the body. Vitamins and minerals are both necessary (in small amounts) for normal chemical reactions (metabolism) in the body. Preventing and controlling diseases-Obesity and heart attacks are major public-health problems in the United States and other countries. Therefore, most dietary recommendations are aimed at preventing these two diseases. Obesity comes over time by eating more calories than the body burns. Obesity, in turn, can be a cause of many diseases such as heart disease, diabetes, sleep apnea, liver disease, arthritis, high blood pressure, gout, gallstones, and certain cancers.To lose weight or maintain a healthy weight, it helps to eat more low-energy-dense foods. Low-energy-dense foods (such as vegetables and fruits) contain few calories per unit volume of food so that one can eat a large volume of it (for example, lettuce) without taking in many calories. One should also eat less of the high-energy-dense foods such as fats, egg yolks, fried foods, sweets, and high-fat salad dressings. Foods with a high energy density also often have high cholesterol and saturated fat content. One should also eat less of those foods that provide calories but little other nutrients, such as alcohol and many packaged snack foods. Responsibilities of a caregiver- Tasks of a caregiver:  Take care of someone who has a chronic illness or disease.  Manage medications or talk to doctors and nurses on someone’s behalf.  Help bathe or dress someone who is frail or disabled.  Take care of household chores, meals, or bills for someone who cannot do these things alone.[4] With an increasingly aging population in all developed societies, the role of carer has been increasingly recognized as an important one, both functionally and economically. Many organizations which provide support for persons with disabilities have developed various forms of support for carers as well.
  • 3. ANG AMA- Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya- kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag- aagawan. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag- iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya angpinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto. Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu- layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna. Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.
  • 4. Anim na Sabado ng Beyblade- Beyblade, maraming-maraming beyblade. Isa, dalawa hanggang lima. Makukulay na Beyblade. Pula, itim, asul, berde, pilak, ginto, dilaw – basta sari-saring kulay. Gawa man sa plastik o bakal, basta may beyblade na mabibili ‘pag sabado. Inaasahan ko na ito tuwing sabadong magkikita kami ng aking bunsong si Rebo. Tiyak na magpapabili siya ng paboritong laruang Beyblade. Kaya naman inihahanda ko na ang aking bulsa. May halagang 30 hanggang 50, o higit pa. Depende sa ganda ng disenyo at yari. Inihahanda ko na rin ang katawan ko dahil tiyak, mas karga ang gusto niya papunta sa paboritong tindahan sa talipapa ng aming baranggay. Mga 500 metro rin ang layo mula sa bahay ng aking ina kung saan kami nagkikita tuwing sabado. Magpapababa lang siya kapag mismong nasa harap na kami ng tindahan at kaya na niyang ituro at hawakan ang paboritong laruan. Palapit pa lang kami ay sasalubong ng nakangiti ang tindero. Kilala na kaming mag-ama. Alam na ang iskedyul ng aming pagpunta. Handa ng magturo ng mga bagong labas na disenyo na maaaring magustuhan ni Rebo. Mas una kasing tinitingnan ni Rebo ang kulay at disenyo. Pangalawa na lang kung plastik o bakal ang yari. Pero batay sa karanasan, mas makiling si Rebo sa plastik.Kung ihahambing sa pagkahilig niya sa iba pang laruang umaandar, (trak- trakan man o kotse-kotsehan), mas madalas niyang laruin ang Beyblade. Siguro’y dahil mas maliit itong di hamak sa trak-trakan o kotse-kotsehan. At di tulad ng dalawa, maaari itong dalhin kahit saan. Huhugutin lang sa bulsa. Kay Rebo, tiyak na may huhugutin kahit saang bulsa. Sa bulsa ko, kapag may hawak na siyang Beyblade na “panlaban,” tiyak ding kamay na lang ang laman.Patagalan ng pag-ikot sa loob ng platapormang bilog ang labanan ng Beyblade. Ang tumalsik palabas, talo. Ang unang huminto kahit nasa loob pa ng plataporma, talo. Si Rebo, batay pa rin sa karanasan, madalas talsikan ng Beyblade. Subalit di tulad ng ibang batang madalas mawalan ng gana dulot ng pagkatalo, patuloy ang paglaban ni Rebo. Lalo niyang hihigpitan ang hawak sa matigas na pising may mala-lagareng mga ngipin. Tatatagan ang kapit sa mala-baril na patungan ng Beyblade. At mabilis na hahatakin ang pisi palabas mula sa makipot na butas ng patungan na magtatanggal at mabilis na magpapaikot sa mala-flying saucer na Beyblade pabagsak sa plataporma upang muling makipaglaban.Apat na sabadong nakipaglaban ang aking bunso ng Beyblade sa plataporma ng laro. Labing-isang buwan siyang nakipaglaban sa kanser sa kanyang dugo sa ospital ng karamdaman. Sa katulad kong guro, bakasyon ang Abril. Sa katulad ng bunso kong mag-aapat na taon, panahon ito ng mas maraming nakakatandang pinsang makakalaro. Huling linggo ng Marso taong 2003, nang lagnatin siya ng isang linggo. Matapos ang lagnat, ilang araw na di nagkakain at tuluyang namutla, pagsapit ng unang sabado ng Abril ng aming pagkikita, halos ayaw na niyang magpababa mula sa pagkakakarga dulot ng madaling pagkapagod. Hanggang unti-unting lumitaw ang mga pasa. Una’y sa binti, tapos sa braso, hanggang matagpuan na rin ito sa kanyang paa, dibdib at hita. Ang kanyang labi’y parang ibinabad na sa suka. Klinika, ‘yung pinakamalapit na klinika ang agad na tinakbo ng isip ko. “Meron akong limang daan, hahanap pa ako ng pandagdag kung kinakailangan, pangalanan niyo lang ang mga sintomas na nararamdaman ng anak ko!” Ito ang mga eksaktong salitang gustong-gusto kong sabihin sa unang doktor na titingin sa aking anak. Subalit umabot na sa tatlong libo, pakikiusap at pangungutang, tatlong doktor at dalawang klinika, pagpapamanhid sa sarili upang di matinag sa palahaw ng tinutusok na anak ay di pa rin namin nalaman ang pangalan ng kanyang karamdaman.Mabilis na tibok ng puso na di normal sa kanyang edad. Kulang sa dugo. Mga tanging interpretasyon ng mga doktor. Mga interpretasyong di tapos. Kailangan pa ng ibayong pagsusuri ng mas dalubhasa. Marami pang pagtusok at palahaw. Kirot at nginig ng kalamnan. Dagdag na pagpapamanhid sa katauhan ng mga magulang at iba pang nagmamahal.Mabigat, subalit pinatatag ko di lamang ang aking tuhod kundi pati dibdib sa pagkakatayo sa loob ng ospital. Anuman ang maging resulta, kailangangg nakahanda ako. Palibhasa’y pinakamalaking pampublikong ospital ng bansa, tila mahabang ahas ang pila ng mga taong kinabibilangan ng kanyang ina. Mahabang pila ng “Hospital Card” na magsisilbing pasaporte upang makausap ang doktor na mas dalubhasa sa nararamdaman ng aking anak. Nung araw na iyon, ayaw bumaba ni Rebo mula sa aking bisig. Kahit na maaari din naman siyang kargahin ng kanyang ina. Ang gusto niya, si Taytay lang ang kakarga. Si Naynay ang pipila at hawakan ko ang kanyang Ate Kala gamit ang libreng kamay. “Kasi sabado, di dapat agad matapos ang sabado. Di dapat mawala agad si Taytay dahil maghihintay na naman ng panibagong sabado o araw na tatapatan ng kanyang suweldo bago siya muling makita. Di bale nang mawalay kay Naynay ng ilang oras, kasama naman siya araw-araw. Basta si Taytay lang muna ang kakarga, hahawak, kukuwentuhan, kakalaruin, pabibilhin ng “Ays Wis” (ice cream) at “Babuygyam” (bubble gum) at hihigaan sa dibdib kasi sabado pa!” Alam ko, ito ang mga eksaktong salitang nais niyang sabihin kung kaya lang idetalye ng kanyang murang isip at bigkasin ng kanyang bulol na dila nung araw na iyon.Mag-iisa’t kalahating taon na kaming hiwalay ni Joida bilang mag-asawa nang magkasakit si Rebo. Maraming di mapagkasunduan. Magkaiba ang direksiyong tinitingnan. Idagdag pa ang madalas na kawalan ng pera. Resulta ng maaga at di handang pag-aasawa. Ayaw ko nang idetalye pa kung paano kami naghiwalay. Basta magulo. Isa sa mga nakalipas na inilibing ko na sa lupalop ng mga kinalimutang gunita. Gayunpaman, dumating ang puntong kailangan naming kalimutan ang di pagkakasundo at maging sibilisado para sa mga bata. Ito na ‘yung panahon na mag-isa na akong namumuhay sa ayaw-ipaalam-kahit-kanino na lugar. Ang mga anak ko ay itinira naman ni Joida sa bahay ng kanyang Ina’t kapatid. Pinalad na akong makapagturo sa isang prestihiyoso at malaking pribadong paaralan ng mayayaman at makaranas na ng paghugot ng sapat ng sahod sa ATM. At di tulad ng ibang amang nag-iwan-ng-tae ang konsepto ng pakikipaghiwalay, siniguro kong mas malaking bahagi ng aking “dalawang lingguhang yaman” ay mapupunta sa pagpapalaki ng aking dalawang anak at magtira na lamang sa sarili ng sapat para mabuhay ng may konting inom ng
  • 5. alak. Mahal na mahal ko ang aking mga anak. Kaya masakit ang malamang di pala sapat ang pagmamahal para ipananggalang sa pag-atake ng malubhang sakit.“Acute Lymphocytic Leukemia”. Mas kilala sa tawag na “ALL”. Tipikal na uri ng Leukemia sa mga edad na tulad ng kay Rebo. Chemo Theraphy ang tanging paraan ng panggagamot. Mahabang panahon ng gamutan. Induction, Consolidation, Maintenance stage. Tatlong estado ng panggagamot. Anim, apat, pababa sa isa na matatapang na droga ang dapat pumasok sa murang katawan ng aking anak. Mga drogang papatay sa mga “Cancer Blast” na namumuo sa loob ng kanyang katawan. Mga drogang walang mata at maaaring sirain maging ang mga walang sakit niyang laman-loob na pagmumulan ng komplikasyon.Dalawang linggong singkad na kaming nasa ospital bago nagkaroon ng pangalan ang kanyang karamdaman. Hindi na kami nakaalis mula sa unang araw na kami’y nagbalak lang magpatingin at umasang sabihan na ang kailangan lang niya ay mga gamot na magdadagdag ng kanyang dugo. O kaya’y magpapatibok ng normal sa kanyang puso.Nakakabingi ang pagragasa ng mga eksakto ng detalye at interpretasyon. Subalit pinilit kong ipasok lahat sa aking utak na unti-unti na ring namamanhid ng mga oras na iyon. Mabilis na humilera sa isip ko ang larawan ng mukha ni Rebo na punompuno ng kirot mula sa araw-araw na pagtusok ng karayom tuwing kukuhanan at sasalinan ng dugo. Tutusukin sa braso, paa, balakang, kamay, at kahit saan pang parte na mayroong ugat na di pa namamaga at maaari pang daluyan ng dugo. Larawan ng puro pasang si Rebo. Maliit at malaking pasa, mapupula at maiitim na pasa. Larawan ng nakakalbong si Rebo. Nang nalalagasan ng buhok na si Rebo. Larawan ng mga lagas na buhok na nililipad ng hangin at di mo alam kung saan papadparin. (Sa kalaunan, nangyari ang lahat ng ito.)Teorya ng radyasyon o kaya’y namanang sakit? Parehong di tiyak. Pinakasimpleng paliwanag, di tumanda ang butong dapat lumikha ng sapat na dugo upang mabuhay ng malusog ang aking anak. Hindi sumabay sa kanyang pagtanda. Buto, dugo, pesteng buto! Pesteng dugo! Walang magulang ang nagnanais marinig ang lahat ng paliwanag na ito. Isa lang ang malinaw: hindi pagtatae o lagnat ang nararamdaman ng aking anak, unti-unti na palang siyang namamatay.Naaalala ko pa, di ko mapigilang maluha sa loob ng taxi habang ingat na ingat na hawak ko ang lalagyan ng dugong ipasusuri sa isang malayo at malaking laboratoryo. Lubha akong nagmadali nung araw na iyon. Kailangang di mapanis ang dugo. Kakaiba ang dugo dahil kinuha pa sa likuran ni Rebo. “Cultured Blood” ang tawag nila. Isipin ko pa lang ay parang baretang sumaksak sa dibdib ko ang sakit na tiniis ng aking anak makuha lang ang pesteng dugo na tanging magpapakilala ng kanyang karamdaman. Apat na kaming pumigil sa kanya maiporma lang ang katawan niya na tila hipon upang matusok at daluyan ng dugo ang ugat niyang malapit sa buto ng kanyang likuran. Ako, ang kanyang ina, ang doktor at ang nars, kung tutuusin ay kulang pa kami sa lakas ng kanyang piglas, animo’y kakataying baboy ang kanyang palahaw. “Wa n’yo ko ‘awak! Wa n’yo ko ‘awak! Taytay! Naynay! Wa n’yo ko awak tabi!” ( ‘Wag n’yo ko hawak! “Wag n’yo ko hawak! Tatay! Naynay! ‘Wag n’yo ko hawak sabi!) Wala na yatang pinakamasakit pang pakiramdam ang maaaring maranasan ng mga nagmamahal sa tanawing pisikal na nasasaktan ang iyong minamahal. Idagdag pa dito ang tila pagtulong mo upang lalo siyang masaktan. Subalit walang ibang paraan. “Putang-inang sakit ‘yan! Putang-inang dugo ‘yan! Putang-ina n’yong lahat!” Gustong-gusto kong isigaw ang mga ito subalit pinili ko na lang na itago sa aking utak at dibdib. Ayaw ko nang magdagdag ng hirap. Ayaw ko nang magdagdag ng sakit. Dahil alam kong simula sa araw na iyon, di ko na kailangang imbitahin pa ang hirap at sakit. Kusa na silang darating.Tatagal kami sa ospital. Isang buwan, dalawa, apat, di ko alam kung gaano karami basta sigurado ko, tatagal kami. Paulit-ulit kong isinaksak ang isiping ito sa aking utak. Nais kong makapaghanda, “gagaling si Rebo, lalakas si Rebo, di mamamatay ang aking anak!” Kailangang maging handa. Kailangang laging handa. Kailangan dapat handa!“Tapos po ako ng pagtuturo kaso wala pa ring mapasukan.” “Sabagay, kahit magtuturo ka ngayon, di mo kakayanin.” “Oo nga po e.” “Di mo ba kaya kahit ‘yung tig-tatatlong daan lang na kuwarto isang araw?” “Hindi po talaga kaya e.” “Sige, ipakita mo na itong papel sa opisina ng Social Services. Doon sa bandang kanan.” “Salamat po! Maraming salamat!”Kailangang magpanggap, magsinungaling, mapunta lang si Rebo sa Charity Ward ng ospital. Dito, kahit paano, kutson ang mahihigaan ni Rebo, di hamak na mas mainam kesa higaang bakal na de gulong ng Emergency Room. May telebisyon pa. Suwertehan nga lang kung ‘yung gusto niya ang palabas. Marami kasing nanonood. Mga maysakit (malubha hanggang sa pinaka- malubha), taga-pagbantay ng may sakit (mula sa nagtatawanan, umiiyak o simpleng tulog), mga dumadalaw sa maysakit (mula sa nagmamadali hanggang sa nagtatagal). Lugar ng mga sakit na kitang-kita sa lahat ng aspekto ng pagkatao ng mga naroroon. Mga taong galing sa maralitang bahagi ng lungsod. Sa pinakamalapit hanggang pinakamalayong probinsiya ng bansa. Lahat umaasang dito gagaling. Lahat naghihintay ng tulong sa mga kilala at ayaw magpakilalang pilantropo na paminsan-minsang dumadalaw. Lahat kapos sa pera kahit simpleng pambili man lang ng pinakamurang ineksiyon. Sa lugar na ito, libre man ang higaan at pagkain, kailangang mong bilhin ang lahat ng gamot at kagamitang kakailanganin sa gamutan. Ako, totoong may trabaho, subalit kailangang nandito kami upang makatipid. Walo, pito, anim na libo ang halaga ng gamot ni Rebo lingo-linggo. Di pa kasama ang halaga ng mga ineksiyon, dextrose, mga tubo, espesyal na pagkaing malimit niyang hilingin, bayad sa laboratoryong wala sa loob ng ospital na nagsusuri sa kanyang dugo hanggang sa pamasahe. Mapurol ka man sa matematikal na kaalaman, dito, tiyak na tatalas ka, lalo na sa pagkukuwenta ng pera at malalim na buntong-hininga. Matututo ka ring mang-uri ng tao. Tahimik at maiingay na katabi, palabigay at palahingi. Masusungit at masayahing nars. Suplado at madaling lapitang doktor. Matalino at tangang intern ( na nakawalong tusok na sa anak ko ay di pa rin makagpalabas ng dugo. Madalas kong mamura ang ganito ) Mga walang pusong Laboratory Technician na ayaw tumanggap ng konting dugo
  • 6. kahit na aprubado ng doktor ang dami, ( “Anong akala n’yo sa dugo ng anak ko? Tinatabo sa balde?! Tang-ina n’yong lahat!” ) at kalma at halos masisiraan ng ulong kapamilya dulot ng depresyon. Ang mga maysakit, konsistent sa pag- iingay. Pagsigaw man o palahaw, halong bata at matanda, kung meron mang tahimik sa kanila. ‘yun ‘yong mga may pasak ng tubo sa bibig. Si Rebo, basta’t nakalagpas na ang ritwal ng pagtusok at pagkuha ng dugo, ang pinakamalikot at makulit. “Alisin na ang dextrose sa pagkakasabit! Mamamasyal na ako sa mga kutsong kalapit!” Kaya’t madalas, binibiro siya ng mga naroroon, “’wag ka na dito, wala ka naming sakit, e!” Madalas din niyang gantihan ang birong ito ng pag-irap, pagdila at ibayo pang pangungulit. Kaya’t wala pang isang buwan, wala ng di nakakakilala sa Charity Ward kay Rebo bulol at kulit.Tulong. Laksa-laksang tulong. Kahit anong uri ng tulong ang kinailangan ko para mabuhay ang aking anak. “Ma, nagpadala na ba ang Tita Naida? E, ang Lola Conching?” “Kap, salamat sa pera ha!” “Kagawad, paano nga uli pumunta ng Sweepstakes office? Salamat nga pala uli dun sa mga koleksiyon sa mga zone leader. Napaiyak pa pala si mama sa harap.” “Tita Marylyn, bayaran ko na lang ‘pag nakaraos” “Ano?! Galing ‘to sa koleksiyon ni Tita Jean sa mga estudyante?” “Tita Vic, dito muna si Kala ha! Di puwedeng umalis si Joida sa ospital, e” “Kala, ‘wag malikot ha! Behave ka dito!”“Tol, nasabihan mo na ba ang tropa? Konting dugo lang naman ang kukunin para pamalit.” “Mga P’re, salamat ha! Inom na lang tayo next time. Kain na muna kayo ng ampalaya.” “Mam, sir, absent po ulit ako ngayon, kailangan po kasi ako sa ospital. Salamat po pala sa tulong ng Faculty Club at iba pang department.” “Sige po. Okay lang I-pray over si Rebo sa ospital. Hintayin namin kayo.”Di kami nabigo, maraming nagmamahal at dumamay. Di man ako magtanong, laging maraming tugon ng pagtulong. Paraiso sa gitna ng ilang, tubigan sa gitna ng disyerto.Umabot pa kami ng limang buwan sa loob ng ospital bago narating ni Rebo ang pinakahuling estado ng gamutan, ang “Maintenance stage.” Setyembre na noon. Ibig sabihin, minsan isang buwan na lang siya babalik sa ospital para magpa-chemo. Tatlong taon ang itatagal ng estadong ito. Sa panahong ito, nakapagdiwang na ang aking anak ng kanyang ikaapat na taon at unti-unti nang tumutubong muli ang buhok sa kalbo niyang ulo. Lubusang gagaling ang anak ko pagsapit niya ng ika-pitong taong gulang. Tamang-tamang edad sa pag-aaral. Tiyak kong hindi na siya bulol sa panahong ito.Sa labas ng ospital nagmistulang batang walang sakit ang aking si Rebo. Laro dito, laro doon. Kain dito, kain doon. Maliban na lamang sa pagkakataong kailangan naming bumalik sa ospital para sa sesyon ng Chemo Therapy. Tuwing matatapos ang sesyon, tatlong araw na lantang-gulay ang anak ko. Walang gustong lunukin kundi malamig na tubig. Walang gustong kagatin kundi yelo. “An ini ‘tay nan aawan o!” (ang init ‘tay ng katawan ko!) Suka ng suka at todong bugnutin. Ayaw ng maingay. Ayaw ng magulo. Iritado. Pero pagdating ng ikaapat na araw. Balik na sa normal ang lahat. Gigising ng maaga, sasamang maghatid at susundo sa kanyang Ate Kala sa eskuwelahan. Makikipaglaro sa kanyang Ate Kala pagkauwi nito galing sa pag-eeskuwela. Subalit ang pinakagusto niyang gawin, ang humiga lamang sa sofa at manood ng manood ng pambatang palabas sa telebisyon.Bukod sa pagkikita tuwing sabado at sa mga araw ng suweldo, pagtawag araw-araw, umaga at hapon ang komunikasyon ko sa aking mga anak. At madalas na hintayin ito ni Rebo. Maliban na lang sa tuwing dumarating ang “tatlong araw na pasakit” ng Chemo Therapy. Tsamba na lang kung nais niya akong kausapin. Madalas kong itanong sa kanya kung magaling na siya at sasagutin niya ito ng malakas na “Magaying na!” (magaling na!) Pinapangako ko rin siya na ‘wag kaming iiwan ng kanyang Ate Kala na sinasagot niyang madalas ng “ayoo na!” (ayoko nga!) Subalit minsan, pabiro siyang sisigaw sa kabilang linya ng “ Us-o o na! “ ( gusto ko nga! ) Sabay kakanta ng anumang kanta na natutuhan niya sa telebisyon, kung alam lang niya ang tindi ng panghihina ko sa “us-o o na!” Kung gaano ako nililiyo ng kaba.Tulad ng ibang bata, sabik na hinintay ni Rebo ang pasko. Kapapasok pa lang ng Disyembre’y madami na siyang pinabibiling damit at laruang bago. Subalit bago pa man dumating ang mga bago. Kalagitnaan pa lang ng buwan ng pasko. Tumambad na sa amin ang resulta ng huling pagsusuri sa kanyang dugo. “Cancer Relapse”. Muling paglitaw ng mga “Cancer Blast.” Sa madaling salita, malubha uli ang Leukemia ng aking anak. Kailangan muling ulitin ang proseso ng gamutan. Basura na ang dati. Bagong pag-aalala, hirap, pagod, paghingi ng tulong at gastos. Ang pinakamasakit, bagong kirot ng katawan at pangwawasak ng kaluluwa ang paulit-ulit na mararanasan ng aking anak. Subalit di na siya pumayag.Tatlong araw bago matapos ang Enero nang sundin ko ang kahilingan ng aking anak. “ Uwi na ‘ayo ‘tay! Ayaw o na a uspi-al. Di o na aya.” ( Uwi na tayo Tay. Ayaw ko na sa ospital. Di ko na kaya.) Mabigat sa dibdib. Ang totoo, ang kanyang ina, pati na ang ilang kapamilya ay nagsabi na sa akin na ipaubaya na lang sa Panginoon ang kapalaran ng aking anak. Disyembre pa lang nang malamang malubha uli ang kanyang karamdaman. Natatandaan kong nagwala ako sa ganito kababaw na argumento. Pinakatanga at palasukong argumento ang tingin ko sa ganito. Sinigawan ko sila. Inaway. Subalit sumunod ako nang si Rebo na ang nagsalita. Gusto ko mang ituloy pa ang laban, kahit marami pang damdaming masagasaan, pinatigil ko na ang gamutan dahil hindi na niya kaya. Pinatunayan na ito nang paglitaw ng pantal sa buo niyang katawan di pa man tapos ang muling kauumpisang sesyon ng Chemo Therapy. Labing-apat na sesyon at Labing-isang buwan ng gamutan ang pinilit na nilabanan bago sumuko ang aking mandirigma.May pag-asa pa. Dasal, milagro, alternatibong medesina, kahit anong di makakasakit at makapanghihina, gagawin ko. Bibilhin ko. Mabuhay lang ang aking anak. Ang aking si Rebo. Ang pinakamamahal kong bunso. “Anong gusto mo anak? Bertdey mo na bukas? Limang buwan pa a! Pero sige, gusto mo e! Yellow Balloons ? Lahat Yellow? Sige, magpapagawa ako. Maghahanda tayo dahil bertdey mo na bukas! Yipee!”Unang sabado ng paglabas niya ng hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang sabadong ito sa
  • 7. lahat ng sabado. Maraming –maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kanyang kaarawan. Sa kanyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng Beyblade kasama ang mga pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti- unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang Beyblade bagamat ayaw niya itong bitawan sa loob ng kanyang kamay o di kaya’y bulsa. Ang nakapangagalit, unti-unti na namang nalalagas ang kanyang buhok. ( “ Putang-inang Chemo Therapy, di na nga tinapos, nakuha pang kalbuhin uli ang anak ko!” ) Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kanyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakakadukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kanyang gilagid. Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat ng tanungin niya ako ng; “ Tay, may peya a?” ( Tay, may pera ka ? ) Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang meron itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kanyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nagpabili siya kasi nais maglambing ng aking anak. Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalangam na ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kanyang muling pagka-irita, sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang Mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo ng walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kanyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng Beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kanyang pagsasalita. Kaya’t kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na Helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga ng humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.Huling sabado ng Pebrero ang ikalimang sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kanyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kanyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa’t kalahating oras siyang naghirap. Nabulag, nanigas, nilabasan ng maraming dugo sa bibig, at naghabol nang naghabol ng hininga. “ Hindi nangyayari ito! Walang nagyayaring ganito.Mabubuhay ang anak ko! Sabi niya hindi niya kami iiwan ng Ate Kala niya! Nasaan ang mapayapang paraan ng pagkamatay na sinasabi n’yo!” Nais kong isigaw ito sa lahat ng kapamilyang nakapaligid sa amin subalit walang lumabas sa aking bibig. Pinipi ako ng malakas nilang pag-iyak. At bilang isang nagnanais maging mabuting ama, nang alam kong di na kaya pang lumaban ng aking anak, pinabaunan ko siya ng halik at hinayaan ko na siyang lumisan. “ Sige na ‘Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” At saka ako umiyak nang umiyak.Hindi ko man lang naranasang ihatid siya sa eskuwelahan. Di na namin nagawang makapag-usap nang masinsinan bilang mag-ama. Magkuwentuhan tungkol sa panliligaw habang nagtatagayan.Magtalo, magdebate, magsama sa lakaran. Nakuha kaya niyang mangarap kahit apat na taon lang ang kanyang naging buhay? Paano na si Kala? Sila lamang ang magkakampi mula nang maghiwalay kami ng kanilang ina. Paano ko sasabihin sa aking panganay na kailanma’y di na niya makikita ang kanyang kapatid? Na ang pagkawala ni Rebo ay ang pagkawala din ng taong naghahatid at naghihintay sa kanyang pag-eeskuwela. Mangungulila ang kanyang mga damit, sapatos, libro at laruan, kapatid at kaming mga magulang. Subalit di ko pinayagang mangulila ang Beyblade.Nakapaloob sa puting supot na binuhol nang maayos. Ang maraming-maraming Beyblade ay ipinatong ko sa malamig at matigas ng kamay ng may-ari bago tuluyang ibaba at tabunan ng lupa ang kabaong. Ikaanim na sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang Beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag- aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.