2. LIPUNANG PANG –EKONOMIYA
A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na “Sino ang paborito ni
Nanay” o “Sino ang paborito ni Tatay.” May halong inggit, kung minsan, ang pagpapabor ni
Nanay kay Ate o ang pagiging maluwag ni Tatay kay Kuya. Naghihinakit naman si Ate dahil
sa tingin niya mas malapit ang kanilang mga magulang kay bunso. Naranasan mo na ba
ito? Kung oo, ano ang naramdaman mo? Ano ang naisip mo? Ano ang ginawa mo?
3. - Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math. May mahuhusay sa
pagdrowing. May masinop sa gamit. May marunong sa pera. May magaganda at makikisig
ang katawan kahit na Hindi nag-eehersisyo.Mayroon din nang tabain at kinakailangang mag-
ingat sa pagkain. Dahil sa pagkakaiba-ibang ito, hindi maiiwasan angpaghahambing sa isa’t
Isa. Nagkakaroon ng inggitan. Nagkakaroon din naman ng pagiging mas angat. Natural Ang
ganitongmga pakiramdam. Subalit bago lumalim ang pakiramdam at tumungo sa sama Ng
aaloob,marahil magandamg balikan ang karanasan at tingnang mabuti kung nagkulang ba Ng
pagmamahal. Ang atingmagulang o sadyang naghahangad lang tayu Ng higit pa. Ang
karanasan ng pag-ibig ng magulang ay Isang ekonomiya na Hindi malayo sa ekonomiya Ng
lipunan.
4. D.PAGPAPALALA
LIPUNANG PAG EKONOMIYA
Isang debate ng mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa Isang panig, may
nag sasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil
kung titingnan ang tao sa kaniyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng iba. Sa kabilang
panig, may nagsasabi rin namangkot Hindi pantay-pantay Ang mga tao. May mga tong
mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May mga tong yayaman at
patuloyna yayaman at may mga taong mahirap at mananatiling sa kanilang kahirapan dahil
sadyang ganitonang kaayusan ng mundo.
5. - Isa mga gitnang posisyon ay Ang posisyon Ng pilosopong si Max Scheler. Para kay Scheler, bahagi Ng
pagiging tao Ng tao Ang pagkakaroon Ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma Ng ating katawan
ang kakayahan nating maging Isang sino. Ang taong matangkad ay sadyangmay pangunguna sa basketbol
kaysa malliliit. Ang babae ay masmay taglay na karisma upang manghalina kaysa lalaki. May timbre Ng boses
Ang
- Hinahanap upang maging tagapagbalita sa radyo. Idagdag pa Tito Ang iba pang aspekto Ng kasinohan Ng tao:
Ang kaniyang kinagisnan, Ang kaniyang lahi,relihiyon at iba pa. Ang lahat Ng ito ay naglalatag Ng maabot Ng
tao
- Ngunit,sinasabi rin ni SCHELER na dahil na ri. Sa hindi pagkakapantay-pantay na ito,kailangan sikapin Ang
pagkakapantay-pantay sa pamamahitan Ng pagbabahagi Ng Yaman Ng bayan.hindi Dahil malilit Ang
manlalaro Ng basketbol Hindi na Siya kailanman magiging mahusay at Masaya sa kaniyang paglalaro. Hindi
Niya maabot Ang naaabot Ngatangkad ngunit mayroon siyang maglagaw sa bukod-tangi niyang paraan na
magpapaiba sa kaniyang sa matangkad. Kailangan lamang Niya Ng tiwala at pagakakataon.
6. Malabo? Gamitin nating halimbawa Ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer ang
pinakamagaling sa Math ngunit hindi nito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang tuturuan ng
guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng guro na ituro Ang mga tuntunin sa Math sa kapuwa
mabilis matuto at sa mga mag-aaral na kailangan ng ibayong pag-akay. Subalit, upang higit
pang mapaunlad ang husay ni Elmer, maaaring bigyan siya Ng dagdag na mga Math problems
na kaniyang pag-aaralan. Tugma ito sa tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng
proportio, ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao, may angkop
para sa kanila. Kailangan maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa pangangailangan.
7. - Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na dapat ipamigay sa isandaang tao,ano ang
pinakamabisang paraan ng pagbabahagi nito? Bibigyan ba ang lahat ng tig iisang tinapay o
bibigyan ang mga tao nang ayon sa kanilang hinihingi? Baka may ibang busog pa o kaya
Naman ay mahinang Kumain.Baka may ibang may sakit o mas gutom. Hindi ba’t
pinakamabisan at masinop na paraan ang pagbabahagi Ng tinapay ayon sa huling batayan ?
- ANG MGAPAG AARI: DAPAT ANGKOP SA LAYUNIN NG TAO
Marahil magpipilit ang iba at sasabihing “ bakit hindi na lang ibigay ang tinapay sa lahat at
bahala na ang mga nakatanggap na ipamigay oibahagi saiba ang sobra sakanila?” Maganda
ang hangrin ng ganitong pag-iisip.Umaasa ito sa kabutihang loob na taglay ng bawat isa.
Naniniwala ito sa kakayahan ng ato na gumawa ng matinong pagpapasiya para sa tinapay mula
sa halimbawa sa itaas, o sa anumang yaman na ibabahagi sa mga tao, sa mas malakihang
patingin.
8. Una tila tinatali ng tao ang kaniyang sarili sa bagay ibig sabihin, kung hindi siya makakakuha ng
bagay, bumababa ang kaniyang halaga bilang tao. Kung hahayaan niya ang iba lamang ang
mabigyan ng tinapay, para siyang nagpapaalam o para niyang binitiwan ang tinapay na karapatan
naman niya talaga. Pakiramdam niya ay nagpapaapi siya. Mali ang ganitong pananaw. Hindi sa
tinapay nagkakaroon ng halaga ang tao. Una ang halaga ng tao bago ang tinapay. May tinapay
man o wala, may halaga ang tao. May yaman man ang tao o wala, may halaga pa rin siya bilang
tao. Ang tinapay ay nariyan upang siya ay busugin, palakasin, at paginhawain. May
pangingibabaw siya sa tinapay; hindi ang tinapay sa kaniya, Ang kunin pa niya ang tinapay ay
pasasayang na lamang sa tinapay. Ang pagpalit naman niyang kainin ang tinapay para masabi
lamang na hindi nasayang ang tinapay ay isang pagsira naman niya sa kaniyang sarili. Maaari pa
itong dahilan ng kaniyang pagkakasakit. Maling mali ito.
9. Pangalawa, kailangan yatang balikan ang dahilan ng pagggawa at pag-aari (ownership). Bakit
nga ba ako nagtratrabaho at nagmamay-ari ng mga bagay? Nagtratrabaho ba si Tatay para
ipagmayabang niya sa kaniyang kapitbahay ang kaniyang pera? Bumili ba si Nanay ng gamit sa
bahay para ibandera sa iba ang kanilang mga bagong appliance? Gumagawa at nagmamay-ari
ang tao hindi upang makipagmayabangan sa iba, ibagsak o pahiyain ang iba o
makipagkompetisyon sa iba. Gumagawa Siya dahil nais niyang ipamalas ang kaniyang sariling
galing. Nagtratrabaho siya upang maging produktibo sa kaniyang sarili.
10. - Napakaganda ng salitang Filipino para sa trabaho. Ang tawag natin dito ay “hanapbuhay.” Ang
hinahanap ng gumagawa ay ang kaniyang buhay. Hindi siya napapakapagod lamang para sa pera
kundi para ito sa buhay na hinahanap niya. Ang kaniyang pag-aari ay hindi lamang patunay ng
kaniyang pagpapagal. Ito rin ay ang mga gamit niya upang matulungan siyang mahanap ang kaniyang
buhay. Mayroon siyang videoke machine hindi para mag-ingay kundi magamit niya sa kaniyang
pagpapahinga at muling pagpapalakas. Mayroon siyang telebisyon hindi upang ipagmalaki ang
kaniyang kakayahang makabili ng mamahaling gamit kundi upang malibang at makakakuha ng bagong
kaalaman na makatutulog sa muli niyang pagbalik sa pagtratrabaho. Mayroon siyang damit hindi para
ipamg-porma kundi, dahil kailangan niya ito upang gawing presentable ang kaniyang sarili sa trabaho at
sa mga nakakasalamuha niya. Marapat na ipaalala sa sarili na ang mga gamit sa paligid at yamang
pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang mga ito
upang umayon sa mga layunin ng tao.
11. - Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili. Naipakilala ng tao ang kaniyang
sarili sa paggawa. Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitan na mayroon siya o wala ang
humuhubog sa tao. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng
kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa
anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman.
12. - Hindi Pantay Pero Patas: Prinsipyo ng lipunang Pang–ekonomiya
Ito nga ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang–ekonomiya. Ang lipunang ito ay nagsisikap
na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan
ng tao. Patas. Nakatutuwang malaman na ang pinagmulan ng salitang “Ekonomiya” ay ang mga
Griyegong salita na “oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala). Ang ekonomiya ay tulad lamang
din ng pamamahala sa bahay.
13. - Mayroong sapat na BudgeNg bansa.ang namamahay. Kailangan niya nitong pagkasyahin sa lahat
ng mga bayarin (kuryente, tubig, pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa) upang makapamuhay
mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhaytao (humane) ang kanilang buhay sa bahay at
upang maging tahanan ang bahay.
Ang Lipunang pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin, ay ang mga pagkilos na masiguro na
ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa
pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Lumilikha ito ng mga pagakakataon na
makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital upang mabigyan ang mga mamamayan ng puwang
na maipamalas ang kanilang mga sarili sa paghahanapbuhay. Sinisikap gawin ng estado na maging
patas para sa mga nagkakaiba-ibang mga tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa
ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan. Bilang pagbalik na ikot, ang
bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-
unlad ng bansa. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na siyang
lilikha ng higpit pang mga pagkakataon para sa mga tao pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi
pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
14. - Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang Ekonomiya.
Ginahawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa—isang tunay na tahanan kung saan
maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap
nilang mahanap ang kanilang mga buhay.