Nagkaroon ng parada upang ipagdiwang ang Environmental day. Ang mga bata at guro ay masayang nakikilahok dito. Sa kabila ng kasiyahan ng iba, nagulat na lamang sila ng bumagsak ang isang mag-aaral. Hinimatay pala siya kaya pinagkaguluhan. Binigyan siya ng pangunang lunas at nalaman ng nars at ng guro na matindi pala ang kanyang iron deficiency kaya nahilo at hinimatay. Pinayuhan siya ng Doktor na magpahinga at kumain ng mga masusustansyang pagkain. Ano kaya ang suliranin ng mag-aaral? Paano siya naiiba sa mga batang sumali sa parada? Bakit nahihilo ang mga batang kulang sa sustansya? Paano kaya maiiwasan ang malimit na pagkahilo ng mga mag-aaral sa oras ng seremonya sa bandila, habang nagkaklase o nasa palaruan?