Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Tungkadun ta
1. TUNGKADUN TA: ANG WIKANG KAGAN SA MODERNONG LIPUNAN
“Walang imperyor o superior na wika sapagkat bawat wika ay may sistema upang
tuparin ang pangangailangan ng gumagamit nito at upang umunlad kung nagbabago rin
ang buhay at interes ng gumagamit nito.” Ito ang wika ayon sa kilalang makata na si
Virgilio Almario. Malinaw nitong inilalahad na ang wika ay nagbabago ayon sa gumagamit
o interes ng gumagamit dito. At ito ay nakakaapekto sa kaligiran ng matibay na
pundasyon ng isang orihinal na wika. Sa kalagayan ng rehiyunal na mga wika sa
kasalukuyan, ang mga pagbabagong wika ay nagaganap at nararanasan ng halos lahat
ng mga wika sa bansa. Ang labis nitong naapektuhan ay ang mga katutubong wika na
halos hindi makilala sa modernong panahon, at isa na rito ang wikang Kagan.
Nang dahil sa estadong ito ng wika, napili kong talakayin ang wikang Kagan at ang
kalagayan ng naturang wika sa modernong panahon. Tatalakayin ng konseptong papel
ang kahalagahan ng mga paraan na magbibigay pagkilala sa wikang Kagan, na siyang
maaaring pundasyon nito upang makipagsabayan sa mga kilalang wika sa bansa.
Masusuri rin kung paanong makabubuti para sa mga Kagan na itaguyod ang wikang
Kagan sa likod ng pag-usbong ng modernisasyon sa lipunan.
Sa usapin ng wikang Kagan na bago pa lamang sa larangan ng pagkakakilanlan,
pagdating sa mga wika sa bansa nararapat lamang na ito ay mapangalagaan at
maproteksyonan sa masamang maaaring dulot ng modernong panahon. Alalahanin na
kasabay ng modernisasyon sa lipunan ay siya ring pagbabago ng mga nakasanayan na
ng mga mamamayan, kabilang na rito ay ang wikang nakasanayan.
Nagiging makabuluhan ang proyekto ito dahil sa pagpapahalaga sa wikang
katutubo. Ito rin ay masasabing isang instrumento upang imulat ang mga Kagan, maging
nang sambayanang Pilipino sa potensyal ng wikang Kagan na makipagsabayan sa antas
ng mga wika sa bansa. Naipababatid din nito sa bawat indibidwal ang kahalagahan ng
pagsulong at pagpapaunlad ng mga wika sa bansa. Samakatuwid, hangad ng
konseptong papel na itatak sa bawat Kagan at lahat ng mga Pilipino na kinakailangan
ang pagpapatibay sa wika, lalong-lalo na sa mga wikang katutubo nang sa gayon ay
maiangat ang dangal ng wika sa makabagong mundong umiiral.
2. Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang kalagayan ng Wikang
Kagan/Kalagan sa Munisipalidad ng Banay-banay, Probinsya ng Davao Oriental. Ang
mga sumusunod ay ang ispesipikong layunin ng pananaliksik:
a. Maitatanim sa puso ng mga Kagan at Pilipino ang kahalagahan ng wikang Kagan
sa makabagong lipunan; gayundin ang mapalawak ang kamalayan nila sa mga
katutubong wika.
b. Mapagtitibay at maisusulong ang mga hakbang upang maiangat ang
pagkakakilanlan ng wikang Kagan sa bansa.
c. Magagamit ang wikang Kagan upang maging tulay sa pagkilala sa naiibang
kulturang nito, na nagpapatatag din ang relasyon nito sa iba pang kultura sa
lipunang ginagalawan.
Maaaring kumuha o mangalap ang mananaliksik ng mga datos, teorya o ideya mula
sa mga libro, jornal, ensayklopidya at artikulong kaugnay sa isinagawang pag-aaral.
Makukuha rin ang mga impormasyon sa pamamagitan ng talatanungan at intervyu sa
mga Kagan lalo na sa bihasa sa wikang Kagan na pag-aaralan. Magsasagawa rin ng
pamaraang indehinus sa pangangalap ng mga datos.
Inaasahan na sa gagawing pag-aaral ay maisasakatuparan ang layunin sa
pamamagitan ng paghahanap ng mga kasagutan sa sumusunod na mga katanungan (1)
Paano maitatanim sa puso ng mga Kagan at Pilipino ang kahalagahan ng wikang Kagan
sa makabagong lipunan; gayundin ang mapalawak ang kamalayan nila sa mga
katutubong wika? (2) Paano mapagtitibay at maisusulong ang mga hakbang upang
maiangat ang pagkakakilanlan ng wikang Kagan sa bansa? (3) Paano magagamit ang
wikang Kagan upang maging tulay sa pagkilala sa naiibang kulturang nito, na
nagpapatatag din relasyon nito sa iba pang kultura sa lipunang ginagalawan? Isasama
sa pag-aaral ng ito ang talatanungang gagamitin, at ang mga maiintervyu bilang mga
apendiks.