2. Bigyang kahulugan ang mga termino ayon sa abot ng iyong
pag-kaunawa at isulat sa loob ng hugis.
3. Ang katapatan ay ang pagkapit sa katotohanan.
Magkaugnay ang paggamit ng isip, katotohanan, at
katapatan.
Nang nilikha ng Diyos ang tao, pinagkalooban Niya
ito ng isip na ang pinakamataas na gamit ay ang
hanapin ang katotohanan.
4. Ayon sa tulang “Desiderata” ni Max Erhmann? Napapaloob sa tulang ito
ang mga pagpapahalagang dapat nating taglayin at isabuhay upang maging
malagiya sa buhay. May mga tagubilin ang tulang ito upang makaiwas sa
bitag ng kawalan ng katapatan sa iba’t-ibang buhay.
Hindi dahil alam natin ang totoo ay ipag-iingay na natin ito o aawayin na
ang mga sulangat dito. Madalas, higint na mabisa at tumitimo sa isipa’t
kalooban ng isang pinagsasabihan ang mahinahong paraan ng pagsasabi ng
katotohanan, isang paraan hindi napapahiya at nagiging depensibo ng
nakagawa ng pagkakamali.
5. Maging maingat sa pakikipagkalakalan dahil ang mundo ay puno ng
pandaraya. May mga kabataan na sa murang edad pa lamang ay natututo
na ng mga simpleng anyo ng pagnenegosyo tulad ng pagtitinda sa mga
kamag-aral na ginagawang pandagdag sa pambaon.
Kadalasan, kapag hindi maingat ang nagtitinda ay nauubos ang puhunan
dahil nauuwi lahat sa pagpapautang sa pangako ng kamag-aral na
pautangin muna at babayaran din kinabukasan, subalit wala naming
katotohanan ang ipinangako.
6. Mahalagang maging tapat sa sarili. Higit na payapa ang kalooban ng taong
tapat sa sarili sapagkat wala siyang inaalala o iniingatang dapat itago o
ipagsinungaling sa kapuwa. Sa larangan ng pag-ibig, mahalaga ring pairalin
ang katapatan upang tumagal at tumatag ang pagsasamahan. Dapat
maging panuri upang hindi malinlang ng mga taong mapagbalatkayo sa
larangang ito.
7. Mahalagang matutunan ng bawat isa sa
murang edad pa lamang ang mga
katotohanang hindi mapasusublian upang
makintal ito sa kanilang isipan at kapag
naharap siya sa mga sitwasyon ay alam niya
ang totoo at ito ang kaniyang kikilingan.
8. Maraming mga suliraning pampamilya, panlipunan at maging sa
pamamalakad ng pamahalaan ay umiikot sa kawalan ng katapatan.
Ang kahirapan sa lipunan ay hindi lamang dahil sa pagtaas ng
populasyon o dahil sa mababang antas ng edukasyon. Ang
pangunahing dahilan ng kahirapan ay korapsyon sa iba’t-ibang
anyo.
9.
10.
11. ito ay uri ng pandarayang
laganap lalo na sa pag-unlad
ng teknolohiya sa internet.
Tulad rin ito ng pangongopya,
ang kaibahan nga lamang ay
inaangkin ng kumuha na siya
ang may akda ng isang gawa
kahit kinuha lamang ito nang
walang pahintulot.
13. Ito ay pandaraya sa anyo ng panggagaya ng mga
dokumento. Marami ang nag-aalok ng mga
pasipikadong dokumento tulad ng diploma, service
record at ipa.
14. Bumuo ng konsepto matapos sagutin ang gawain.
Bakit
masamang
magsinungaling
/ mandaya
15. Do you have any questions for me before we go?