SlideShare a Scribd company logo
1 of 27
Download to read offline
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
GENERAL INSTRUCTIONS (read me):
• Fill up the information requested completely.
• Research parts are indicated with description to serve as guide. Please do delete all
the highlighted (with gray color) part once you are done filling up the template.
• Use A4 size of bond paper for hard and soft copy.
• Save the file in a PDF format. Use the file name template: (2021-SDO) NON-BERF BASIC
RESEARCH – SURNAME, FIRST NAME (use only the name of the lead proponent).
• Submit this form via upload link to Schools Division Research Committee (for
division/district/school research) in three copies. Zip this file together with the other
research forms.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
LEAD PROPONENT APOLONIO, MARCO L.
MEMBER NA
MEMBER NA
TITLE OF RESEARCH
TYPE OF RESEARCH
☐ACTION RESEARCH
☐BASIC RESEARCH
DIVISION
SDO-MANILA
PRES. CORAZON C. AQUINO HIGH SCHOOL
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
PROJECT e- AKLATAN : Interbensyong Babasahing Pantahanan na Paunlarin ang
Pag-unawa sa Pagbasa sa Asignaturang Filipino ng mga
Mag-aaral sa Ika-7 Baitang sa Mataas na Paaralan
Pres.Corazon C. Aquino
MARCO L. APOLONIO
Dalubguro II
MANOLO G. PEÑA
Punongguro III
MATAAS NA PAARALANG PRES. CORAZON C. AQUINO
SETYEMBRE 29, 2021
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
ABSTRAK
Malaking suliranin lalo na sa sistemang edukasyon ang pagbaba ng bilang ng
mga mag-aaral na may kakayahang unawain ang kanilang binabasa. Ito’y ikinababahala
ng mga guro pati na ang gobyerno. Sabayan pa ng biglaang pagbabago ng paraan ng
pagtuturo sa buong bansa, marapat lang na bigyang-pansin ito at pag-aralan kung ano
nga ba ang maaaring gawin upang ipagpatuloy ang pag-unlad ng maunawang pagbasa
sa gitna ng pandemya. Ang pananaliksik na ito na PROJECT e- AKLATAN : Interbensyong
Babasahing Pantahanan na Paunlarin ang Pag-unawa sa Pagbasa sa Asignaturang Filipino
ng mga Mag-aaral sa Ika-7 Baitang sa Mataas na Paaralan Pres.Corazon C. Aquino. Ang
pangunahing impormasyong pagkukunan ay batay sa resulta at implikasyon ng naitalang
proyektong Pagbasa, pagkukunan din ng impormasyon ang impluwensya ng pananaliksik
na ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Gagamit ang mananaliksik ng online na platform
na may mga katanungang nakabatay sa pagtataya ng maunawang pagbasa ng mga
mag-aaral. Matapos makalap ang mga pangunahing datos at impormasyon ay bibigyang-
pansin ng mga mananaliksik ang suliranin at susubuking bigyang solusyon ito gamit ang
interbensyon na inirekomenda nang sa gayon ay malaman kung epektibo nga ba itong
paraan para mapaunlad ang kaunawaan ng mag-aaral sa pagbabasa.
Susing salita : Baitang 7, Babasahing Pantahanan, e-Aklatan, Filipino, Online Pagbasa
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
PASASALAMAT
Maraming Maraming Salamat po sa mga sumusunod:
Sa Poong Maykapal na naging patnubay sa lahat ng panahon; Sa aking masigasig na tagapayo sa
aking Aksyong Pananaliksik sa Mataas na Paaralang Pres. Corazon C. Aquino na aming
Punongguro na si G. Manolo G. Peña; Sa aking minamahal na ina Lilia Latoja Apolonio na walang
sawang nagpapaalala sa akin para sa aking kalusugan, at sa aking mga kapatid na sina Kuya
Marcelino at Kuya Marcial, maging sa aking mga kaibigan na kapatid kung magturingan na walang
sawang sumumporta Cham, Mitch, Marie, Ria, Chie Dob, Rocyn, Ruthelma, Lourdes, Jerick, Sally at
mga kapwa ko guro sa Kagawaran ng Filipino na walang sawang sumusuporta at tumutulong sa
aking pananaliksik.
Muli Maraming Salamat po sa tiwala at kakayahan na makasulat ng makabuluhang Aksyong
Pananaliksik sa Mataas na Paaralang Pres. Corazon C. Aquino.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
KOTEKSTO AT RASYONAL
Ang pagbabasa ay isa sa pangunahing kasanayan na dapat taglayin ng isang tao sa
paglipas ng panahon. Ayon nga sa depenisyon nito, ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa,
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ang pagbasa ay lubhang
napakahalaga sapagkat hindi lamang ito magagamit sa pang-edukasyon na aspeto kundi pati na rin sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay nagbibigay ng impormasyon at may kakayahang magpalawak
ng imahinasyon. Sa pagbabasa, nahahasa ang iba’t-ibang kasanayan ng isang indibwal, partikular sa
isang mag-aaral. Kung kaya’t napakahalaga sa isang estudyante na nauunawan ang kanyang binabasa
sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran,
sa tao at sa iba pa.
Nakakatulong din ang pagbabasa sa paglinang ng lohikong pag-iisip at paglutas ng mga
suliranin na dapat hangga’t bata’y dapat ng linangin at paunlarin. Ngunit hindi sapat na ang isang mag-
aaral ay marunong bumasa, sapagkat hindi magiging tagumpay ang pagbabahagi ng kaalaman ng may-
akda kung hindi naman ito nauunawaan ng bumabasa. At kapansin-pansin na ito ay malaking suliranin
ng sistemang pang-edukasyon.
Ayon sa naitalang surbey ng Program for International Assessment (PISA) na ang mga kalahok
ay mga mag-aaral sa hayskul noong taong 2018, ang Pilipinas ay may naitalang 340 na puntos sa
pamantayang 487 na puntos. Ayon pa sa naitala, ang Pilipinas ang pinakahuli sa ranggo sa 79 na bansa.
Banggit pa ni Frederick Perez, ang kasalukuyang pangulo ng Reading Association in the Philippines
(RAP), na talagang pagdating sa pagbasa’t pagsulat (literacy), hirap ang mga mga kabataan. Katunayan
dito ang resulta ng NCAT at NEAT na nagpapakita daw na madalas makakuha ng mababang iskor ang
mga mag-aaral pagdating sa pamantayang pagtataya o standardized tests sa kadahilanang hindi
nabibigyan ng tamang paggabay sa pagbasa’t pagsulat at pagbilang. Dagdag pa ng The Manila Times,
isa sa mga dahilan nito ay ang kawalan ng study habits ng mga mag-aaral at ang epekto ng teknolohiya
at social media sa kanilang pag-aaral.
Kung tatayahin ay may kinalaman nga ang pag-usbong ng teknolohiya, ngunit sa panahon
ngayong pandemya ay napakalaking tulong ng teknolohiya upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng
estudyante. Paano na lamang lilinang ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa pagbasa kung tayo ngayon
ay dapat nakakubli sa birtwal na kapaligiran?
Buhat ng mga sitwasyon sa itaas, itinakda ang kilos pananaliksik na ito upang mabatid kung
paano nga ba nakakaapekto sa pagbabasa ang makabagong pagtuturo ngayong pandemya at
makapagmungkahi ng solusyon sa suliranin na higit na makatutulong sa pagpapaunlad ng pang-unawa
ng mag-aaral.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
I. KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Sa kabanatang ito ay binigyang pansin ang kaugnay na pag-aaral at literatura na isinagawa ng
mga lokal at banyagang mananaliksik na may kinalaman sa kasalukuyang pag-aaral.
LOKAL NA PAG-AARAL O LITERATURA
Ang pagbasa ay isang pangunahing kasanayan na dapat taglayin ng isang tao sa kanyang buhay.
Napakahalaga nito sapagkat halos lahat ng matututunan ng isang tao ay nakukuha sa pagbabasa. Kaya
naman hangga’t bata pa ang isang tao, ito ang unang kasanayan na itinuturo dahil ito ang magiging
pundasyon ng pagkatuto habang umaangat ang lebel ng edukasyon ng bata. Ayon sa sikat na manunulat
na si Goodman, ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa
tekstong binasa. Bukod dito, ang pagbabasa ay maihahalintulad natin sa pagbibigay ng pagkain sa
ating utak. Ito rin ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng
interpretasyon sa tekstong binasa. Dahil dito, nakabubuo tayo ng ating sariling opinyon o kaisipan
tungkol sa mga mahahalagang paksa o isyu sa ating lipunan. Isang halimbawa nito ay sa panahon ng
ating mga bayani katulad ni Andres Bonifacio at Jose Rizal.
Ngunit hindi naman sapat na marunong lang kumilala ng simbolo at marunong lamang bumasa
ang isang tao. Malaking bagay sa aktibidad ng pagbabasa ay ang pagkaunawa sa binasang akda.
Ayon sa papel ni Tyrone Van Kirk Regal, ang pagbasa ay isang proseso ng pagdedekowd ng
mga salitang binubuo ng mga salitang nakalimbag. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-unawa sa
kahulugan ng mga konseptong inihatid ng mga nakalimbag na salita. Sa madaling sabi, ang pagbasa
ay hindi lamang sumasaklaw sa kakayahang kumilala sa mga titik, salita at pangungusap at bumubuo
sa tekstong binabasa kung hindi sumasaklaw din sa pag-unawa sa mensaheng nakapaloob sa teksto sa
tulong ng dating kaalaman at karanasan ng bumabasa. Kung hindi naunawaan ang binasa ay walang
naganap na pagbasa. Ang pagbasa ay pag-unawa sa mga kaalaman upang matamo ng karunungan,
pagbabalik sa nakaraan, pagtatasa sa kasalukuyan at antisipasyon sa hinaharap. Ayon naman kay
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
Baltazar (1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa na pag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan
sa pagbasa.
Samantala, ang mga mag-aaral na hirap maunawaan ang mga mensahe, ideya at salita ng
tekstong kanilang binabasa ay isa sa mga hamong kinakaharap ngayon ng ating mga mag-aaral upang
maging mas malinaw at mabilis ang kanilang pagkatuto. Ang tagumpay at kagalingan sa pagbabasa at
pag-intindi sa mga binabasa ay isang napakahalagang aspeto ng kaunlaran at pagkatuto ng isang mag-
aaral (Perez, n.d)
Ngunit sa kinakaharap ng buong mundo ngayon, lalo na ang bansang Pilipinas, napakalaki ng
hamon sa institusyon at sa mga guro ang pagpapatuloy ng edukasyon ng mga batang Pilipino. Handa
man o hindi ay kailangan ilapat ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo, ang Distance Learning
na kung saan ang interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral ay taliwas sa tradisyunal o face to face
setup. Maaaring modules ang kasangkapan sa pagkatuto kung ang mag-aaral ay walang gadyet o
internet at ang mga aralin ay maibabahagi sa pamamagitan radyo at telebisyon. Sa kabilang dako
naman, patuloy ang pagsasagawa ng online learning na kung saan may interaksyon na nagaganap sa
pagitan ng guro at mag-aaral gamit ang internet at gadyet.
Ayon nga kay Hidalgo (2000), sa modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa ika-
21 siglo, nakatuon sa kompetisyon ang mga paaralan ngayon. Kaya naman maraming paaralan at
institusyon ang gumagamit na ng mga makabagong kagamitan sa kanilang pagtuturo. Ang simpleng
yeso at pisara na gamit noon ng mga guro sa pagtuturo ay napapalitan na ng kompyuter at LCD
projector sa pagtalakay ng kanilang paksa.
Kaugnay pa rin nito, ang kurikulum pang-edukasyon ng Pilipinas ay muling nabago. Ayon sa
Enhanced K-12 Educational program paper ng Deped, “The new curriculum would give students more
time to master competencies and skills as well as time for other learning opportunities beyond the
classroom, thus allowing for a more holistic development.”
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
DAYUHAN NA PAG-AARAL O LITERATURA
Sa pag-aaral namang ginawa ni Sencibaugh (2007) sinabi niyang “Ang mga mag-aaral na may
mababang komprehensiyon ay nagpapakita ng kakulangan sa semantikang pag-unawa dahil sa
kakapusan ng pagbibigay kahulugan sa mga salita” (ph. 6-22).
Ayon din kina Van Den Broek at Espin (2012) “Ang pagbasang may pag-unawa ay isang
komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko, estratehiko at kognitibong proseso na nagpapagana
sa mambabasa upang makalikha ng isang mental na representasyon ng isang teksto” (ph. 315). Sinabi
naman nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005) na “Habang ang mga mag aaral ay nagiging
bihasa sa kanilang kakayahan sa pagbabasa nalilinang din sa kanila ang mahusay na pag-unlad sa pag-
unawa at pagkatuto” ( ph.4-12)
Winika din ni Leipzig (2001) na “Ang pagkatuto sa maunawang pagbabasa ay isang
komplikadong proseso na pwedeng ihalintulad sa isang sasakyan. May sariling sistema na kailangang
alagaan at panatilihin at ang pinakamahalaga ay ang patuloy na paggamit dito upang masiguro ang
kaayusan nito”.
Napalaking hamon nga sa panahon ngayon ang pag-unlad ng maunawang pagbasa dahil ang
ating bansa ngayon ay dapat na tumaliwas sa tradisyunal na pagtuturo at gamitin sa epektibong paraan
ang teknolohiya.
Hindi naman bago sa sistema ng pagtuturo ang paggamit ng iba’t ibang teknolohiya. Sa
katunayan nga ay bago pa magka-pandemya, karamihan na sa mga guro sa iba’t-ibang antas ang
gumagamit na ng multimedia platforms upang mas mabisang maihatid ang talakayan. Sinabi ni
Granberg (2000) sa kaniyang artikulo na lumabas sa isang CFT’snewsletter na ang mga guro sa
kanilang paaralan, Owen’s School, ay gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pagtuturo gaya ng video
conferencingna ang mga speaker ay galing pa sa ibang lugar. Habang ipinakikilala ng mga guro ang
iba’t ibang teknolohiya sa kanilang mga mag-aaral ay higit nilang napupuna na tumataas ang kalidad
ng talakayang pangklasrum sa pakikisangkot ng mga ito sa mga gawain.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
Inilahad ni Aloraini (2012) sa kaniyang pag-aaral ang kahalagahan ng paggamit ng multimedia
sa academic achievement ng mga mag-aaral sa King Saud University. Natuklasan niya sa kaniyang
pag-aaral na ang paggamit ng multimedia sa pag-aaral ay mabisang paraan ng pagtatamo ng mahusay
napagkatuto kaysa ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo. Base sa mga inilahad ng estadistika ng
kaniyang pag-aaral lumabas na mataas ang academic achievement ng mga mag-aaral na sumailalim sa
experimental group gamit ang multimedia sa pagkatuto kaysa iyong gumamit ng tradisyunal na
paraanng pagkatuto.
Ayon naman sa artikulo ni Bergwall (2015) na pinamagatang 7 Reasons Students Learn Better
with Video, 94% daw ng mga guro ang gumagamit ng video sa pagtuturo at mas epektibong paraan
daw iyon kaysa sa sa tradisyunal na pagbabasa sa aklat. Inilahad pa ng artikulo na ito na mas mabilis
ang pagproseso ng mga impormasyon at mas matatandaan kung ito ay nakikita at may mga kalakip na
larawan.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
A. KATANUNGAN NG KILOS PANANALIKSIK
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay maipakita ang resulta ng paggamit ng natatanging interbensyong
Online Pagbasa sa pagpapaunlad sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa sa asignaturang Filipino.
1. Paano makatutulong ang e- Aklatan sa pag pagpapaunlad sa pag-unawa ng mga mag-aaral
sa pagbasa sa asignaturang Filipino sa panahon ng pandemya?
2. Ano-ano ang implikasyon ang maaaring lumitaw sa proyektong ito sa mga mag-aaral at
guro?
3. Ano ang mga dahilan kung bakit kailangan linangin pa ang pag-unawa sa kanilang
pagbasa?
4. Epektibo ba ang inilahad na interbensyon sa maunawang pagbasa ng mga mag-aaral ng
Ika-7 na Baitang sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino?
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
II. SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay limitado lamang sa mga piling mag-aaral sa Ika-7
baitang ng Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon Aquino at hindi na saklaw ng pag-aaral
ang iba pang mga baitang sa nasabing paaralan.
Ang mga piling mag-aaral sa Ika-7 na baitang ay kalahok sa Online Pagbasa na
nagsimula noong Marso, 2021 at aabangan ang resulta sa pagtatapos ng panuruan taong
2021 na gagawin ang pagsusulit ng e-Aklatan.
Ang pagsusulit na ibibigay sa mga piling mag-aaral sa Ika-7 baitang ay may mga
katibayan upang gawin at bigyang pahintulot upang masagawa ang kilos pananaliksik.
Ang mga impormasyon na aming nakalap sa mga piling mag-aaral sa Ikapitong baitang
mula sa kilos pananaliksik ay ilalarawan gamit ang isang table o graph kung saan
ipapaliwanag ang resulta ng kakayahan ng mga napiling mag-aaral sa larangan ng pag-
unawa sa pagbasa sa asignaturang Filipino gamit ang e-Aklat.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
III. METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay nagpopokus sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa Ika-7 na baitang sa Mataas
na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino. Ang pananaliksik na ito ay isang kuwantitibong pananaliksik.
Ang mga napiling magiging kalahok ng pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral sa Ika-7 na
baitang sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino. Ang mga mag-aaral ay lalahok sa
natatanging interbensyong e-Aklatan.
Ang uri ng pananaliksik ay isang kuwantitibong pananaliksik na ginamitan ng statistical
treatment upang maipaliwanag ang resultang lumabas. Sa pagkalap naman ng impormasyon
talatanungan ang aming ginamit (Questionnaires) na naglalayong kunin ang mga impormasyon na
nararapat sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay may apat na pu't anim (46) na respondente.
Bibigyan ng mga babasahin ang mga kalahok sa pag-aaral at sasagutin ang nakalaang mga
tanong upang mapagtanto ang kanilang kaunawaan sa pagbasa at ang epekto ng ginawang interbensyon
sa asignaturang Filipino. Kasama rin dito ang kanilang pananaw at saloobin bago at pagkatapos ginawa
ang interbensyon.
Ang pananaliksik na ito ay limitado lamang sa mga piling mag-aaral sa Ika-7 baitang ng Mataas
na Paaralan ng Pres. Corazon Aquino at hindi na saklaw ng pag-aaral ang iba pang mga baitang sa
nasabing paaralan.
Ang mga piling mag-aaral sa Ika-7 na baitang ay kalahok sa Online Pagbasa gamit ang e-
Aklatan na nagsimula noong Marso, 2021 at aabangan ang resulta sa pagtatapos ng panuruan taong
2021 na gagawin ang pagsusulit.
Ang pagsusulit na ibibigay sa mga piling mag-aaral sa Ika-7 baitang ay may mga katibayan
upang gawin at bigyang pahintulot upang masagawa ang kilos pananaliksik. Ang mga impormasyon
na aming nakalap sa mga piling mag-aaral sa Ikapitong baitang mula sa kilos pananaliksik ay
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
ilalarawan gamit ang isang table o graph kung saan ipapaliwanag ang resulta ng kakayahan ng mga
napiling mag-aaral sa larangan ng pag-unawa sa pagbasa sa asignaturang Filipino gamit ang e-Aklat.
Mula sa surbey, 46 na ika-7 na baitang na mga mag-aaral ang parehong kumuha ng panimulang
pagtataya at panapos na pagtataya. Ang 46 na mag-aaral ang pasok sa obserbasyon sa pananaliksik.
Ginamitan ng statistical treatment na Dependent Sample t-test ang bahaging pagsusulit ng surbey na
nakabatay sa kanilang iskor sa panimula at panapos na pagtataya. Ito ay upang malaman kung tumaas
ba ang mga iskor ng mga mag-aaral matapos maisagawa ang interbensyon. Itinakda ng pananaliksik
na ito na ang bilang ng tumamang aytems ay ang dependent variables samantalang ang panimula at
panapos na pagtataya ang siya namang independent variables.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
IV. PRESENTASYON, INTERPRETASYON AT PAGSUSURI NG DATOS
Iprinesenta sa kabanatang ito ang mga karanasan ng mga partisipante sa pananaliksik na ito,
ang kanilang pagtugon sa panimula at panapos na pagtataya, ang kanilang pananaw at hinuha pati narin
ang pagbuo kung saan pinag-isa ang nakalap na mga impormasyon sa pamamagitan ng sarbey.
Mula sa surbey, 46 na ika-siyam na baitang na mga mag-aaral ang parehong kumuha ng
panimulang pagtataya at panapos na pagtataya. Ang 46 na mag-aaral ang pasok sa obserbasyon sa
pananaliksik. Ginamitan ng statistical treatment na Dependent Sample t-test ang bahaging pagsusulit
ng surbey na nakabatay sa kanilang iskor sa panimula at panapos na pagtataya. Ito ay upang malaman
kung tumaas ba ang mga iskor ng mga mag-aaral matapos maisagawa ang interbensyon. Itinakda ng
pananaliksik na ito na ang bilang ng tumamang aytems ay ang dependent variable samantalang ang
panimula at panapos na pagtataya ang siya namang independent variables.
Talahanayan I: Mean ng mga Iskor
Indicator
Treatment
(Pagtataya)
Mean t-value p-value Decision Remarks
Iskor o bilang ng tamang sagot
Panimula
3.978
(40%)
-1.9315 0.0298
Reject Null
Hypothesis
Makabuluhan
(Significant)
Panapos
4.565
(45%)
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
Makikita sa unang talahanayan ang resulta bago at matapos ang ginawang interbensyon. Sa
panimulang pagtataya, mayroong mean na 3.978 ang average iskor ng mga kumuha o katumbas nito
40%. Samantalang sa panapos na pagtataya, ang average iskor ng mga kumuha ay 4.565. Kapansin-
pansin na sa simula ay may 40% na average iskor ang mga mag-aaral at ito ay tumaas sa panapos na
pagtataya na may 45% na average iskor.
Grap 1: Komparatibong Iskor ng mga Mag-aaral
Makikita sa unang grap ang kabuuang iskor ng mga mag-aaral na kumuha ng panimula at
panapos na pagtataya. Mapapansin na marami ang tumaas ang iskor sa panapos na pagtataya na kung
saan ay ginamitan ito ng interbensyon. Mapapansin din na walang nakakuha ng perpektong iskor sa
panapos na hindi tulad sa panimulang pagtataya. Gayunpaman, hindi maipagkakaila na marami sa
mag-aaral sa ika-siyam na baitang ay tumaas ang kanilang iskor matapos gawin ang interbensyon. Ang
resulta ng online pagbasa gamit ang e-Aklatan sa mga mag-aaral ay nagpapatunay na naging epektibo
at makabuluhan ang pagsasagawa ng inilahad na interbensyon. Positibo ang performance ng mga mag-
aaral sa pagtatayang ibinigay sa mga mag-aaral.
0
2
4
6
8
10
12
1 3 5 7 9 11 13 15 17 19 21 23 25 27 29 31 33 35 37 39 41 43 45
ISKOR
MAG-AARAL
Komparatibong Iskor ng mga Mag-aaral
PANIMULA PANAPOS
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
Talahanayan II. Resulta ng Datos para sa Panimulang Pagtataya bago magkaroon ng Online
Pagbasa gamit ang e-Aklatan.
Mga Tanong
Matinding
Sumasang-
ayon
Sumasang-
ayon
Walang
Pinapanigan
Di
Sumasang-
ayon
Matinding Di
Sumasang-ayon
1. Bilang mag-aaral mas
nauunawaan ko ang
aking binabasa kung ito
ay teksto
9.02
(19.6%)
35.01
(76.1%)
1.97 (4.3%) 0 (0%) 0 (0%)
2. Nakatutulong ang
teksto sa aking pagbasa
dahil ito ay detalyado.
10.99
(23.9%)
29.99
(65.2%)
4 (8.7%) 1.01 (3.2%) 0 (0%)
3. Magandang magbasa
ng asignaturang Filipino
sa teksto sapagkat hindi
ito nakakawala ng
atensyon.
10.99
(23.9%)
29.99
(65.2%)
4 (8.7%) 1.01 (3.2%)
0 (0%)
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
4. Bilang isang magaaral
mas natutukoy ko ang
paksang tinatalakay sa
teksto.
4 (8.7%)
29.99
(65.2%)
6.99 (15.2%)
4 (8.7%) 1.01 (2.2%)
5. Maraming paksa ang
matututunan sa teksto. 9.02
(19.6%)
29.99
(65.2%)
4 (8.7%) 2.99 (6.5%) 0 (0%)
Talahanayan III: Resulta ng Datos para sa Panapos na Pagtataya pagkatapos magkaroon ng
Online Pagbasa gamit ang e-Aklatan.
Mga Tanong
Matinding
Sumasang-
ayon
Sumasang-
ayon
Walang
Pinapanigan
Di
Sumasang-
ayon
Matinding Di
sumasang-ayon
1. Mas kombenyente para
sa akin bilang mag-aaral
ang pagbabasa e-Aklatan 9 (19.6%) 31 (67.4%) 4 (8.7%) 2 (4.3%) 0 (0%)
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
2. Bilang isang mag-aaral,
mas nakakapagpokus ako
sa aking binabasa kung sa
e-Aklatan ang aking
babasahin.
5 (10.9%) 23 (50%) 9 (19.6%) 9 (19.6%) 0 (0%)
3. Mas humasa ang aking
pagbasa sa asignaturang
Filipino matapos kong
magamit ang e-Aklatan
10 (21.7%) 25 (56.5%) 5 (10.9%) 3 (6.5%) 2 (4.4%)
4. Nakatulong ang e-
Aklatan upang mas
maunawaan ko ang aking
binabasa at kaya ko itong
ibahagi sa iba.
8 (17.4%) 28 (60.9%) 4 (8.7%) 6 (13%) 0 (0%)
5. Naunawaan ko ang
aking binabasa kung ito ay
ginamitan ng e-Aklatan.
5 (10.9%) 23 (50%) 12 (26.1%) 5 (10.9%) 1 (2.1%)
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
V. PLANO SA ADBOKASIYA
LAGOM NG NATUKLASAN
Matapos makalap ang nga datos sa mga mag-aaral ng. Pres. Corazon C. Aquino ng Ika-7
baitang, ginawa ang pag-aaral na ito upang matukoy kung epektibo nga ba ang inilahad na
rekomendasyon. Ang uri ng pananaliksik ay isang kuwantitibong pananaliksik na ginamitan ng
statistical treatment upang maipaliwanag ang resultang lumabas. Sa pagkalap naman ng impormasyon
talatanungan ang aming ginamit (Questionnaires) na naglalayong kunin ang mga impormasyon na
nararapat sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay may apat na pu't anim (46) na respondente.
Narito ang ilang katanungan na isinasaad sa ginawang pananaliksik na nabigyan ng kasagutan:
1. Paano makatutulong ang e-Aklatan sa pagpapaunlad sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa sa
asignaturang Filipino sa panahon ng pandemya?
Batay sa mga datos na sinuri at pinkahulugan ng mga mananaliksik, nakita na sa unang
talahanayan ang resulta bago at matapos ang ginawang interbensyon. Mapapansin na sa simula ay may
40% na average score ang mga mag-aaral at ito ay tumaas sa panapos na pagtataya na may 45% na
average score. Makatutulong ang inilahad na interbensyon lalo na sa ngayong panahon ng pandemya
na pati ang paraan ng pagtuturo ay kinailangang baguhin na dapat ay aayon sa kalagayan ng mga mag-
aaral, at ng bansa.
2. Ano-ano ang implikasyon ang maaaring lumitaw sa proyektong ito sa mga mag-aaral at guro?
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
Ayon sa Komparatibong iskor ng mga mag-aaral, naobserbahan ng mga mananaliksik na
marami ang tumaas ang iskor sa panapos na pagtataya na kung saan ay ginamitan ito ng interbensyon.
Bagaman walang nakakuha ng perpektong iskor sa panapos na pagtataya di tulad ng sa panimula, hindi
maipagkakaila na ang resulta ng Online Pagbasa sa mga mag-aaral ay nagpapatunay na naging
epektibo at makabuluhan ang pagsasagawa ng inilahad na interbensyon. Sa mga guro naman,
kinakailangan na maalam sila sa paggamit ng teknolohiya at sa pagkuha rin ng mga impormasyon
mula sa online resources upang maisagawa ang nasabing interbensyon.
3. Ano ang mga dahilan kung bakit kailangan linangin pa ang pag-unawa sa kanilang pagbasa?
Malaking hamon sa panahon ngayon ang kababaan ng pagkaunawa sa pagbasa ng mga mag-
aaral, lalo na ang mga nasa sekondaryang lebel na kung saan ay mas lalong hinuhulma ang kanilang
kaalaman hindi lang sa partikular na mga asignatura, kundi pati na rin sa mundong kanilang
ginagalawan. Inihahanda ang mga mag-aaral sa hinaharap upang sila ay may maiambag sa pag-unlad
ng bansa. Sa pagbaba ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa binasa, kalakip nito ay ang alanganing
kalagayan ng bansa sapagkat ang unang kasangakapan sa paggawa ng trabaho ay ang pag-unawa. Kung
hindi lilinangin ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa sa binasa, kaakibat nito ang kanilang
hinaharap, at hinaharap ng bansa.
4. Epektibo ba ang inilahad na interbensyon sa maunawang pagbasa ng mga mag-aaral ng Ika-7 na
Baitang sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino?
Ayon sa Resulta ng datos para sa panapos na pagtataya pagkatapos magkaroon ng Online
Pagbasa na makikita sa Talahanayan III, may 67.4% na mga mag-aaral ang sumasang-ayon sa unang
tanong na mas kombenyente para sakanila bilang mag-aaral ang pagbabasa online. Sa ikalawang
tanong, may 50% na mga mag-aaral ang sumasang-ayon na bilang isang mag-aaral, mas
nakakapagpokus sila sa kanilang binabasa kung ito ay online. Sa ikatlong tanong, 56.5% mula sa mga
mag-aaral ang sumasang-ayon na mas humasa ang kanilang pagbasa sa asignaturang Filipino matapos
mapanood ang online pagbasa. Sa ikaapat na tanong, 60.9% sa mga estudyante ang sumasang-ayon na
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
nakatulong ang online pagbasa upang mas maunawaan nila ang kanilang binabasa at kaya nila itong
ibahagi sa iba. habang sa ikalimang tanong, 50% mula sa mga mag-aaral ang sumasang-ayon na
naunawaan nila ang kanilang binabasa kung ito ay online. Dagdag pa rito ay ang pagtaas ng average
score ng mga mag-aaral, na sa panimulang pagtataya ay may 40% samantalang sa panapos na pagtataya
naman ay naging 45% na.
KONKLUSYON
Sa isinagawang pag-aaral ng mananaliksik, malaki ang maitutulong ng e-Aklatan upang mas
mapaunlad ang pag-unawa ng mag-aaral sa pagbasa. Mas magkaroon ng higit na pag-access sa
impormasyon, na kung saan nakakatulong ito sa paglawak ng pag-unawa ng bawat mag-aaral. Mas
madali ring makaintindi at nakakaunawa ang mga mag-aaral kung ito ay online kaya’t mas madaling
makakapagturo ang mga guro dahil ang pokus ng magaaral ay madali nilang makukuha.
Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya’t maraming naidudulot na magandang
bagay sa isang tao. Mahalaga ang pagbasa sa buhay nga bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing
pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan, ito rin ay isa sa mga kasanayang pangwika na
tulay ng mga estudyante upang mapahusayat malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa
teksto. Napag-alaman din sa pananaliksik na ito na epektibo ang inilahad na interbensyon sa
maunawang pagbasa dahil halos lahat ng mga mag-aaral ay sumasang-ayon at mas mauunawaan at
nakakapagpokus kung ito ay online.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
REKOMENDASYON:
Batay sa resulta at inilahad na konklusyon, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga
mananaliksik ang mga sumusunod:
1. Inirerekomenda ng mananaliksik na magkaroon ng e-Aklatan sa panahon ng pandemya bilang
Interbensyon sa paglinang ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa sa Asignaturang
Filipino sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino.
2. Dagdag na rekomendasyon din ng mananaliksik na unti-unting paunlarin ang e-Aklatan sa
Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino na makatutulong sa mga mag-aaral sa
pagpapa-unlad ng kanilang pag-unawa sa kanilang binabasa sa Asignaturang Filipino.
3. Maipabatid sa mga mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng pag-uunawa sa binabasa na ito ay
isang mabisang kasangkapan sa pagtuklas at pagkatuto ng kaalaman. Isa itong mahalagang
kasanayan na magagamit saan man magpunta, ano man ang sitwasyon, at magpahanggang
kailanman. Dahil sa pagbabasa, maraming natututunan at nasasagap na kaalaman tungkol sa
mga bagay bagay na sadyang kailangan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Magsagawa
ng isang proyekto o kilos na maghihikayat sa mga mag-aaral na palinangin pa ang kasanayan
sa pagbabasa ngayong pandemya.
4. Iminumungkahi ng mananaliksik na ito ay palaganapin sa iba pang antas ng baitang sa Mataas
na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino. Inirerekomenda rin ng mananaliksik na masusing
salain ang mga mag-aaral upang ang kumuha lamang ng interbensyon ay ang mga mag-aaral
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
na may suliranin sa pagbasa nang sa gayon ay hindi na ito makaapekto sa mga mag-aaral na
may mataas na performance sa maunawang pagbasa.
Paunang-Implementasyon Pagpaplano at Panganalap
ng Pangunahing
Impormasyon
Marso, 2021
Aktuwal na Implementasyon Implementasyon ng
Pananaliksik
Mayo -Hulyo 2021
Panapos na-Implementasyon Pangangalap mga Datos sa
Paaralan, Pagbibigay Halaga
sa Datos at Paglikha ng mga
Natuklasan at
Rekomendasyon
Agosto, 2021
Sanggunian
Rhommel Balasbas(2019) Pilipinas kulelat sa reading comprehension ayon sa global survey, nakuha
sa https://radyo.inquirer.net/219643/pilipinas-kulelat-sa-reading-comprehension-ayon-sa-isang-
global-survey
Rizal College of Laguna(2009) KABANATA 2: REBYU NG MGA KAUGNAY AT LETERATURA, nakuha
sa https://rizalcollegeoflaguna.blogspot.com/2009/06/kabanata-2-rebyu-ng-mga-kaugnay-
at.html?m=1
Jioffre A. Acopra, M.A., Josielyne De Castro, Teresita W. Ballesteros, Ed.D, Imelda G. Carada,
M.A, Aurora Silva Sion. M.A. 2015. Pagbasa at Pagsulat sa ibat ibang disiplina , Pahina 43- 44. Manila:
Midshapers Co, Inc.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
Arthur P. Casanova, Ligaya Tiamson Rubin, Heracleo D. Lagrada at Ariel B. Vidanes. 2001.
Pagbasa at Pagsulat sa iba’t ibang Disiplina, pahina 14-15. Recto Avenue, Manila: Rex Book Store
Publishing House.
Reynaldo L. Aguilar, Magdalena O. Jocson at Deogracia D.C. Santos. 2014. Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, pahina 67-68. Metro Manila: Grandbooks Publishing, Inc.
Mary Joy A. Castillo, Romeo P. Pina, Randy D. Sagun, Vidal S. Mendoza Jr., Arlan M. Camba,
Ferdinand R. Bondame at Helen A. Quijano. 2012. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, pahina
53-54. Malabon City: Jimczyville Publication.
Jose A. Arrogante. 2007. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, pahina 38. Mandaluyong
City: National Bookstore.
ONLINE LIBRARY, Mag-ingat Laban sa Kawalan ng Interes sa Pagbasa, nakuha sa
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/101996048
Paulin, Del valle, Lanceta, Dolor at Salang. Survey in Reading Interest, nakuha sa
https://www.academia.edu/11621043/Pagbaba_ng_Bilang_ng_mga_estudyanteng_nagbabasa_n
g_libro
Marga Manlapig (2020) What’s to blame for the low reading comprehension of the Filipino youth?
Nakuha sa https://www.cnn.ph/life/culture/2020/4/21/reading-comprehension-problem.html
Neil Romano S. Manaog (2020) Why students have poor reading comprehension Nakuha sa
https://www.manilatimes.net/2020/01/23/campus-press/why-students-have-poor-reading-
comprehension/676508/
Bugtong na Pulo High School (2015-2016) Kabanata II: Kaugnay na Literatura Nakuha sa
https://www.academia.edu/36988303/Kabanata_II_KAUGNAY_NA_LITERATURA?fbclid=IwAR2TWvtQ
WEEphqAl75g8OghOnabj4yLnd7Dh8Pauyrjki3SlM3g73OGFA-8
Bonz Magsambol (2020) FAST FACTS: DepEd’s distance learning Nakuha sa
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-department-education-distance-learning
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph
Maria Fe Balaba (2015-2016) Rebyu ng Kaugnay na Literatura Nakuha sa
https://www.academia.edu/33957270/ACTION_RESEARCH_SA_FILIPINO_docx
Travis Bergwall (2015) 7 Reasons Students Learn Better With Video Nakuha sa
https://www.linkedin.com/pulse/7-reasons-students-learn-better-video-travis-
bergwall#:~:text=Research%20shows%20that%2094%25%20of,students%20through%20traditional%20t
ext%2Dbooks.&text=Majority%20of%20part%20of%20the,towards%20processing%20the%20visual%20in
formation.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
MANILA
MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park
Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000
☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180
🌍 www.depedmanila.net
📧 sdo.manila@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

PPT-for-Filipino-6-Pang-Uri JOVIE 2023.pptx
PPT-for-Filipino-6-Pang-Uri JOVIE 2023.pptxPPT-for-Filipino-6-Pang-Uri JOVIE 2023.pptx
PPT-for-Filipino-6-Pang-Uri JOVIE 2023.pptxJovelynBanan1
 
DLL_ESP 5_Q3_W4.docx
DLL_ESP 5_Q3_W4.docxDLL_ESP 5_Q3_W4.docx
DLL_ESP 5_Q3_W4.docxEironAlmeron
 
Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago Al Beceril
 
K-TO-12 GRADE 9 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 9 FILIPINO Ikalawang Markahan K-TO-12 GRADE 9 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 9 FILIPINO Ikalawang Markahan Joel Soliveres
 
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONEmma Sarah
 
FILIPINO 7 -Activity Sheets-Week 5-6 -Ikatlong Markahan.docx
FILIPINO 7 -Activity Sheets-Week 5-6 -Ikatlong Markahan.docxFILIPINO 7 -Activity Sheets-Week 5-6 -Ikatlong Markahan.docx
FILIPINO 7 -Activity Sheets-Week 5-6 -Ikatlong Markahan.docxdonna123374
 
Mga lalawigan sa rehiyon ng Visayas at Mindanao
Mga lalawigan sa rehiyon ng Visayas at MindanaoMga lalawigan sa rehiyon ng Visayas at Mindanao
Mga lalawigan sa rehiyon ng Visayas at MindanaoLuvyankaPolistico
 
Aralin sa Filipino
Aralin sa FilipinoAralin sa Filipino
Aralin sa FilipinoJuddPanag
 
Ang-pag-huli-sa-Ibong-Adarna.pptx
Ang-pag-huli-sa-Ibong-Adarna.pptxAng-pag-huli-sa-Ibong-Adarna.pptx
Ang-pag-huli-sa-Ibong-Adarna.pptxDyacKhie
 
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)SCPS
 
Lesson plan filipino 6 -pagsusuri sa antas ng kahalahan ng impormasyon
Lesson plan filipino 6 -pagsusuri sa antas ng kahalahan ng impormasyonLesson plan filipino 6 -pagsusuri sa antas ng kahalahan ng impormasyon
Lesson plan filipino 6 -pagsusuri sa antas ng kahalahan ng impormasyonRophelee Saladaga
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni B...
Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni B...Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni B...
Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni B...Mckoi M
 

What's hot (20)

PPT-for-Filipino-6-Pang-Uri JOVIE 2023.pptx
PPT-for-Filipino-6-Pang-Uri JOVIE 2023.pptxPPT-for-Filipino-6-Pang-Uri JOVIE 2023.pptx
PPT-for-Filipino-6-Pang-Uri JOVIE 2023.pptx
 
Filiipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson planFiliipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson plan
 
DLL_ESP 5_Q3_W4.docx
DLL_ESP 5_Q3_W4.docxDLL_ESP 5_Q3_W4.docx
DLL_ESP 5_Q3_W4.docx
 
Ap 4 lm q2
Ap 4 lm q2Ap 4 lm q2
Ap 4 lm q2
 
Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago
 
K-TO-12 GRADE 9 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 9 FILIPINO Ikalawang Markahan K-TO-12 GRADE 9 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 9 FILIPINO Ikalawang Markahan
 
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
 
FILIPINO 7 -Activity Sheets-Week 5-6 -Ikatlong Markahan.docx
FILIPINO 7 -Activity Sheets-Week 5-6 -Ikatlong Markahan.docxFILIPINO 7 -Activity Sheets-Week 5-6 -Ikatlong Markahan.docx
FILIPINO 7 -Activity Sheets-Week 5-6 -Ikatlong Markahan.docx
 
Mga lalawigan sa rehiyon ng Visayas at Mindanao
Mga lalawigan sa rehiyon ng Visayas at MindanaoMga lalawigan sa rehiyon ng Visayas at Mindanao
Mga lalawigan sa rehiyon ng Visayas at Mindanao
 
Aralin sa Filipino
Aralin sa FilipinoAralin sa Filipino
Aralin sa Filipino
 
Ang-pag-huli-sa-Ibong-Adarna.pptx
Ang-pag-huli-sa-Ibong-Adarna.pptxAng-pag-huli-sa-Ibong-Adarna.pptx
Ang-pag-huli-sa-Ibong-Adarna.pptx
 
DLP in AP6,COT2.docx
DLP in AP6,COT2.docxDLP in AP6,COT2.docx
DLP in AP6,COT2.docx
 
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
 
Soberanya
SoberanyaSoberanya
Soberanya
 
Suyuan sa Asotea detailed Lesson plan
Suyuan sa Asotea detailed Lesson planSuyuan sa Asotea detailed Lesson plan
Suyuan sa Asotea detailed Lesson plan
 
Pangatnig
PangatnigPangatnig
Pangatnig
 
Lesson plan filipino 6 -pagsusuri sa antas ng kahalahan ng impormasyon
Lesson plan filipino 6 -pagsusuri sa antas ng kahalahan ng impormasyonLesson plan filipino 6 -pagsusuri sa antas ng kahalahan ng impormasyon
Lesson plan filipino 6 -pagsusuri sa antas ng kahalahan ng impormasyon
 
Ang ibong adarna
Ang ibong adarnaAng ibong adarna
Ang ibong adarna
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
 
Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni B...
Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni B...Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni B...
Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni B...
 

Similar to e-AKLATAN -ACTION RESEARCH-final.pdf

Lm ekonomiks grade10_q2
Lm ekonomiks grade10_q2Lm ekonomiks grade10_q2
Lm ekonomiks grade10_q2Gabriel Fordan
 
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdfDLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdfAniceto Buniel
 
123614995 case-study
123614995 case-study123614995 case-study
123614995 case-studyhomeworkping9
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Ray Nar
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Dep ED
 
Ap kto12 cg 1 10 v1.0
Ap kto12 cg 1 10 v1.0Ap kto12 cg 1 10 v1.0
Ap kto12 cg 1 10 v1.0Wendy Mendoza
 
Araling panlipunan curriculum guide (AP)
Araling panlipunan curriculum guide (AP)Araling panlipunan curriculum guide (AP)
Araling panlipunan curriculum guide (AP)target23
 
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013Nhe An
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Arneyo
 
K to 12 - Araling Panlipunan CG
K to 12 - Araling Panlipunan CGK to 12 - Araling Panlipunan CG
K to 12 - Araling Panlipunan CGNiño Onsad
 
k to 12 ap module
k to 12 ap modulek to 12 ap module
k to 12 ap modulejaimesgio
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)南 睿
 

Similar to e-AKLATAN -ACTION RESEARCH-final.pdf (20)

PAMANAHONG PAPEL
PAMANAHONG PAPELPAMANAHONG PAPEL
PAMANAHONG PAPEL
 
CNHS_thesis.docx.pdf
CNHS_thesis.docx.pdfCNHS_thesis.docx.pdf
CNHS_thesis.docx.pdf
 
Thesis in Filipino Sample
Thesis in Filipino SampleThesis in Filipino Sample
Thesis in Filipino Sample
 
Lm ekonomiks grade10_q2
Lm ekonomiks grade10_q2Lm ekonomiks grade10_q2
Lm ekonomiks grade10_q2
 
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdfDLL ESP 8 preliminaries.pdf
DLL ESP 8 preliminaries.pdf
 
123614995 case-study
123614995 case-study123614995 case-study
123614995 case-study
 
E portfolio
E portfolioE portfolio
E portfolio
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
 
Ap kto12 cg 1 10 v1.0
Ap kto12 cg 1 10 v1.0Ap kto12 cg 1 10 v1.0
Ap kto12 cg 1 10 v1.0
 
Araling Panlipunan K to 12 Curriculum Guide
Araling Panlipunan  K to 12 Curriculum GuideAraling Panlipunan  K to 12 Curriculum Guide
Araling Panlipunan K to 12 Curriculum Guide
 
Ap kto12 cg 1 10 v1.0
Ap kto12 cg 1 10 v1.0Ap kto12 cg 1 10 v1.0
Ap kto12 cg 1 10 v1.0
 
Araling panlipunan curriculum guide (AP)
Araling panlipunan curriculum guide (AP)Araling panlipunan curriculum guide (AP)
Araling panlipunan curriculum guide (AP)
 
Ap kto12 cg 1 10 v1.0
Ap kto12 cg 1 10 v1.0Ap kto12 cg 1 10 v1.0
Ap kto12 cg 1 10 v1.0
 
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013
 
Ap kto12 cg 1 10 v1.0 (1)
Ap kto12 cg 1 10 v1.0 (1)Ap kto12 cg 1 10 v1.0 (1)
Ap kto12 cg 1 10 v1.0 (1)
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
 
K to 12 - Araling Panlipunan CG
K to 12 - Araling Panlipunan CGK to 12 - Araling Panlipunan CG
K to 12 - Araling Panlipunan CG
 
k to 12 ap module
k to 12 ap modulek to 12 ap module
k to 12 ap module
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 

Recently uploaded

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxRoldanVillena1
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang MarkahanLornaBragaisBorbe
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 

Recently uploaded (20)

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 

e-AKLATAN -ACTION RESEARCH-final.pdf

  • 1. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph GENERAL INSTRUCTIONS (read me): • Fill up the information requested completely. • Research parts are indicated with description to serve as guide. Please do delete all the highlighted (with gray color) part once you are done filling up the template. • Use A4 size of bond paper for hard and soft copy. • Save the file in a PDF format. Use the file name template: (2021-SDO) NON-BERF BASIC RESEARCH – SURNAME, FIRST NAME (use only the name of the lead proponent). • Submit this form via upload link to Schools Division Research Committee (for division/district/school research) in three copies. Zip this file together with the other research forms.
  • 2. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph LEAD PROPONENT APOLONIO, MARCO L. MEMBER NA MEMBER NA TITLE OF RESEARCH TYPE OF RESEARCH ☐ACTION RESEARCH ☐BASIC RESEARCH DIVISION SDO-MANILA PRES. CORAZON C. AQUINO HIGH SCHOOL
  • 3. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph PROJECT e- AKLATAN : Interbensyong Babasahing Pantahanan na Paunlarin ang Pag-unawa sa Pagbasa sa Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral sa Ika-7 Baitang sa Mataas na Paaralan Pres.Corazon C. Aquino MARCO L. APOLONIO Dalubguro II MANOLO G. PEÑA Punongguro III MATAAS NA PAARALANG PRES. CORAZON C. AQUINO SETYEMBRE 29, 2021
  • 4. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph ABSTRAK Malaking suliranin lalo na sa sistemang edukasyon ang pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral na may kakayahang unawain ang kanilang binabasa. Ito’y ikinababahala ng mga guro pati na ang gobyerno. Sabayan pa ng biglaang pagbabago ng paraan ng pagtuturo sa buong bansa, marapat lang na bigyang-pansin ito at pag-aralan kung ano nga ba ang maaaring gawin upang ipagpatuloy ang pag-unlad ng maunawang pagbasa sa gitna ng pandemya. Ang pananaliksik na ito na PROJECT e- AKLATAN : Interbensyong Babasahing Pantahanan na Paunlarin ang Pag-unawa sa Pagbasa sa Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral sa Ika-7 Baitang sa Mataas na Paaralan Pres.Corazon C. Aquino. Ang pangunahing impormasyong pagkukunan ay batay sa resulta at implikasyon ng naitalang proyektong Pagbasa, pagkukunan din ng impormasyon ang impluwensya ng pananaliksik na ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Gagamit ang mananaliksik ng online na platform na may mga katanungang nakabatay sa pagtataya ng maunawang pagbasa ng mga mag-aaral. Matapos makalap ang mga pangunahing datos at impormasyon ay bibigyang- pansin ng mga mananaliksik ang suliranin at susubuking bigyang solusyon ito gamit ang interbensyon na inirekomenda nang sa gayon ay malaman kung epektibo nga ba itong paraan para mapaunlad ang kaunawaan ng mag-aaral sa pagbabasa. Susing salita : Baitang 7, Babasahing Pantahanan, e-Aklatan, Filipino, Online Pagbasa
  • 5. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph PASASALAMAT Maraming Maraming Salamat po sa mga sumusunod: Sa Poong Maykapal na naging patnubay sa lahat ng panahon; Sa aking masigasig na tagapayo sa aking Aksyong Pananaliksik sa Mataas na Paaralang Pres. Corazon C. Aquino na aming Punongguro na si G. Manolo G. Peña; Sa aking minamahal na ina Lilia Latoja Apolonio na walang sawang nagpapaalala sa akin para sa aking kalusugan, at sa aking mga kapatid na sina Kuya Marcelino at Kuya Marcial, maging sa aking mga kaibigan na kapatid kung magturingan na walang sawang sumumporta Cham, Mitch, Marie, Ria, Chie Dob, Rocyn, Ruthelma, Lourdes, Jerick, Sally at mga kapwa ko guro sa Kagawaran ng Filipino na walang sawang sumusuporta at tumutulong sa aking pananaliksik. Muli Maraming Salamat po sa tiwala at kakayahan na makasulat ng makabuluhang Aksyong Pananaliksik sa Mataas na Paaralang Pres. Corazon C. Aquino.
  • 6. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph KOTEKSTO AT RASYONAL Ang pagbabasa ay isa sa pangunahing kasanayan na dapat taglayin ng isang tao sa paglipas ng panahon. Ayon nga sa depenisyon nito, ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ang pagbasa ay lubhang napakahalaga sapagkat hindi lamang ito magagamit sa pang-edukasyon na aspeto kundi pati na rin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay nagbibigay ng impormasyon at may kakayahang magpalawak ng imahinasyon. Sa pagbabasa, nahahasa ang iba’t-ibang kasanayan ng isang indibwal, partikular sa isang mag-aaral. Kung kaya’t napakahalaga sa isang estudyante na nauunawan ang kanyang binabasa sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa tao at sa iba pa. Nakakatulong din ang pagbabasa sa paglinang ng lohikong pag-iisip at paglutas ng mga suliranin na dapat hangga’t bata’y dapat ng linangin at paunlarin. Ngunit hindi sapat na ang isang mag- aaral ay marunong bumasa, sapagkat hindi magiging tagumpay ang pagbabahagi ng kaalaman ng may- akda kung hindi naman ito nauunawaan ng bumabasa. At kapansin-pansin na ito ay malaking suliranin ng sistemang pang-edukasyon. Ayon sa naitalang surbey ng Program for International Assessment (PISA) na ang mga kalahok ay mga mag-aaral sa hayskul noong taong 2018, ang Pilipinas ay may naitalang 340 na puntos sa pamantayang 487 na puntos. Ayon pa sa naitala, ang Pilipinas ang pinakahuli sa ranggo sa 79 na bansa. Banggit pa ni Frederick Perez, ang kasalukuyang pangulo ng Reading Association in the Philippines (RAP), na talagang pagdating sa pagbasa’t pagsulat (literacy), hirap ang mga mga kabataan. Katunayan dito ang resulta ng NCAT at NEAT na nagpapakita daw na madalas makakuha ng mababang iskor ang mga mag-aaral pagdating sa pamantayang pagtataya o standardized tests sa kadahilanang hindi nabibigyan ng tamang paggabay sa pagbasa’t pagsulat at pagbilang. Dagdag pa ng The Manila Times, isa sa mga dahilan nito ay ang kawalan ng study habits ng mga mag-aaral at ang epekto ng teknolohiya at social media sa kanilang pag-aaral. Kung tatayahin ay may kinalaman nga ang pag-usbong ng teknolohiya, ngunit sa panahon ngayong pandemya ay napakalaking tulong ng teknolohiya upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng estudyante. Paano na lamang lilinang ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa pagbasa kung tayo ngayon ay dapat nakakubli sa birtwal na kapaligiran? Buhat ng mga sitwasyon sa itaas, itinakda ang kilos pananaliksik na ito upang mabatid kung paano nga ba nakakaapekto sa pagbabasa ang makabagong pagtuturo ngayong pandemya at makapagmungkahi ng solusyon sa suliranin na higit na makatutulong sa pagpapaunlad ng pang-unawa ng mag-aaral.
  • 7. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph I. KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Sa kabanatang ito ay binigyang pansin ang kaugnay na pag-aaral at literatura na isinagawa ng mga lokal at banyagang mananaliksik na may kinalaman sa kasalukuyang pag-aaral. LOKAL NA PAG-AARAL O LITERATURA Ang pagbasa ay isang pangunahing kasanayan na dapat taglayin ng isang tao sa kanyang buhay. Napakahalaga nito sapagkat halos lahat ng matututunan ng isang tao ay nakukuha sa pagbabasa. Kaya naman hangga’t bata pa ang isang tao, ito ang unang kasanayan na itinuturo dahil ito ang magiging pundasyon ng pagkatuto habang umaangat ang lebel ng edukasyon ng bata. Ayon sa sikat na manunulat na si Goodman, ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa. Bukod dito, ang pagbabasa ay maihahalintulad natin sa pagbibigay ng pagkain sa ating utak. Ito rin ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon sa tekstong binasa. Dahil dito, nakabubuo tayo ng ating sariling opinyon o kaisipan tungkol sa mga mahahalagang paksa o isyu sa ating lipunan. Isang halimbawa nito ay sa panahon ng ating mga bayani katulad ni Andres Bonifacio at Jose Rizal. Ngunit hindi naman sapat na marunong lang kumilala ng simbolo at marunong lamang bumasa ang isang tao. Malaking bagay sa aktibidad ng pagbabasa ay ang pagkaunawa sa binasang akda. Ayon sa papel ni Tyrone Van Kirk Regal, ang pagbasa ay isang proseso ng pagdedekowd ng mga salitang binubuo ng mga salitang nakalimbag. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-unawa sa kahulugan ng mga konseptong inihatid ng mga nakalimbag na salita. Sa madaling sabi, ang pagbasa ay hindi lamang sumasaklaw sa kakayahang kumilala sa mga titik, salita at pangungusap at bumubuo sa tekstong binabasa kung hindi sumasaklaw din sa pag-unawa sa mensaheng nakapaloob sa teksto sa tulong ng dating kaalaman at karanasan ng bumabasa. Kung hindi naunawaan ang binasa ay walang naganap na pagbasa. Ang pagbasa ay pag-unawa sa mga kaalaman upang matamo ng karunungan, pagbabalik sa nakaraan, pagtatasa sa kasalukuyan at antisipasyon sa hinaharap. Ayon naman kay
  • 8. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph Baltazar (1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa na pag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa. Samantala, ang mga mag-aaral na hirap maunawaan ang mga mensahe, ideya at salita ng tekstong kanilang binabasa ay isa sa mga hamong kinakaharap ngayon ng ating mga mag-aaral upang maging mas malinaw at mabilis ang kanilang pagkatuto. Ang tagumpay at kagalingan sa pagbabasa at pag-intindi sa mga binabasa ay isang napakahalagang aspeto ng kaunlaran at pagkatuto ng isang mag- aaral (Perez, n.d) Ngunit sa kinakaharap ng buong mundo ngayon, lalo na ang bansang Pilipinas, napakalaki ng hamon sa institusyon at sa mga guro ang pagpapatuloy ng edukasyon ng mga batang Pilipino. Handa man o hindi ay kailangan ilapat ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo, ang Distance Learning na kung saan ang interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral ay taliwas sa tradisyunal o face to face setup. Maaaring modules ang kasangkapan sa pagkatuto kung ang mag-aaral ay walang gadyet o internet at ang mga aralin ay maibabahagi sa pamamagitan radyo at telebisyon. Sa kabilang dako naman, patuloy ang pagsasagawa ng online learning na kung saan may interaksyon na nagaganap sa pagitan ng guro at mag-aaral gamit ang internet at gadyet. Ayon nga kay Hidalgo (2000), sa modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa ika- 21 siglo, nakatuon sa kompetisyon ang mga paaralan ngayon. Kaya naman maraming paaralan at institusyon ang gumagamit na ng mga makabagong kagamitan sa kanilang pagtuturo. Ang simpleng yeso at pisara na gamit noon ng mga guro sa pagtuturo ay napapalitan na ng kompyuter at LCD projector sa pagtalakay ng kanilang paksa. Kaugnay pa rin nito, ang kurikulum pang-edukasyon ng Pilipinas ay muling nabago. Ayon sa Enhanced K-12 Educational program paper ng Deped, “The new curriculum would give students more time to master competencies and skills as well as time for other learning opportunities beyond the classroom, thus allowing for a more holistic development.”
  • 9. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph DAYUHAN NA PAG-AARAL O LITERATURA Sa pag-aaral namang ginawa ni Sencibaugh (2007) sinabi niyang “Ang mga mag-aaral na may mababang komprehensiyon ay nagpapakita ng kakulangan sa semantikang pag-unawa dahil sa kakapusan ng pagbibigay kahulugan sa mga salita” (ph. 6-22). Ayon din kina Van Den Broek at Espin (2012) “Ang pagbasang may pag-unawa ay isang komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko, estratehiko at kognitibong proseso na nagpapagana sa mambabasa upang makalikha ng isang mental na representasyon ng isang teksto” (ph. 315). Sinabi naman nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005) na “Habang ang mga mag aaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa pagbabasa nalilinang din sa kanila ang mahusay na pag-unlad sa pag- unawa at pagkatuto” ( ph.4-12) Winika din ni Leipzig (2001) na “Ang pagkatuto sa maunawang pagbabasa ay isang komplikadong proseso na pwedeng ihalintulad sa isang sasakyan. May sariling sistema na kailangang alagaan at panatilihin at ang pinakamahalaga ay ang patuloy na paggamit dito upang masiguro ang kaayusan nito”. Napalaking hamon nga sa panahon ngayon ang pag-unlad ng maunawang pagbasa dahil ang ating bansa ngayon ay dapat na tumaliwas sa tradisyunal na pagtuturo at gamitin sa epektibong paraan ang teknolohiya. Hindi naman bago sa sistema ng pagtuturo ang paggamit ng iba’t ibang teknolohiya. Sa katunayan nga ay bago pa magka-pandemya, karamihan na sa mga guro sa iba’t-ibang antas ang gumagamit na ng multimedia platforms upang mas mabisang maihatid ang talakayan. Sinabi ni Granberg (2000) sa kaniyang artikulo na lumabas sa isang CFT’snewsletter na ang mga guro sa kanilang paaralan, Owen’s School, ay gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pagtuturo gaya ng video conferencingna ang mga speaker ay galing pa sa ibang lugar. Habang ipinakikilala ng mga guro ang iba’t ibang teknolohiya sa kanilang mga mag-aaral ay higit nilang napupuna na tumataas ang kalidad ng talakayang pangklasrum sa pakikisangkot ng mga ito sa mga gawain.
  • 10. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph Inilahad ni Aloraini (2012) sa kaniyang pag-aaral ang kahalagahan ng paggamit ng multimedia sa academic achievement ng mga mag-aaral sa King Saud University. Natuklasan niya sa kaniyang pag-aaral na ang paggamit ng multimedia sa pag-aaral ay mabisang paraan ng pagtatamo ng mahusay napagkatuto kaysa ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo. Base sa mga inilahad ng estadistika ng kaniyang pag-aaral lumabas na mataas ang academic achievement ng mga mag-aaral na sumailalim sa experimental group gamit ang multimedia sa pagkatuto kaysa iyong gumamit ng tradisyunal na paraanng pagkatuto. Ayon naman sa artikulo ni Bergwall (2015) na pinamagatang 7 Reasons Students Learn Better with Video, 94% daw ng mga guro ang gumagamit ng video sa pagtuturo at mas epektibong paraan daw iyon kaysa sa sa tradisyunal na pagbabasa sa aklat. Inilahad pa ng artikulo na ito na mas mabilis ang pagproseso ng mga impormasyon at mas matatandaan kung ito ay nakikita at may mga kalakip na larawan.
  • 11. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph A. KATANUNGAN NG KILOS PANANALIKSIK Ang layunin ng pag-aaral na ito ay maipakita ang resulta ng paggamit ng natatanging interbensyong Online Pagbasa sa pagpapaunlad sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa sa asignaturang Filipino. 1. Paano makatutulong ang e- Aklatan sa pag pagpapaunlad sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa sa asignaturang Filipino sa panahon ng pandemya? 2. Ano-ano ang implikasyon ang maaaring lumitaw sa proyektong ito sa mga mag-aaral at guro? 3. Ano ang mga dahilan kung bakit kailangan linangin pa ang pag-unawa sa kanilang pagbasa? 4. Epektibo ba ang inilahad na interbensyon sa maunawang pagbasa ng mga mag-aaral ng Ika-7 na Baitang sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino?
  • 12. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph II. SAKLAW AT LIMITASYON Ang pananaliksik na ito ay limitado lamang sa mga piling mag-aaral sa Ika-7 baitang ng Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon Aquino at hindi na saklaw ng pag-aaral ang iba pang mga baitang sa nasabing paaralan. Ang mga piling mag-aaral sa Ika-7 na baitang ay kalahok sa Online Pagbasa na nagsimula noong Marso, 2021 at aabangan ang resulta sa pagtatapos ng panuruan taong 2021 na gagawin ang pagsusulit ng e-Aklatan. Ang pagsusulit na ibibigay sa mga piling mag-aaral sa Ika-7 baitang ay may mga katibayan upang gawin at bigyang pahintulot upang masagawa ang kilos pananaliksik. Ang mga impormasyon na aming nakalap sa mga piling mag-aaral sa Ikapitong baitang mula sa kilos pananaliksik ay ilalarawan gamit ang isang table o graph kung saan ipapaliwanag ang resulta ng kakayahan ng mga napiling mag-aaral sa larangan ng pag- unawa sa pagbasa sa asignaturang Filipino gamit ang e-Aklat.
  • 13. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph III. METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK Ang pananaliksik na ito ay nagpopokus sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa Ika-7 na baitang sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino. Ang pananaliksik na ito ay isang kuwantitibong pananaliksik. Ang mga napiling magiging kalahok ng pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral sa Ika-7 na baitang sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino. Ang mga mag-aaral ay lalahok sa natatanging interbensyong e-Aklatan. Ang uri ng pananaliksik ay isang kuwantitibong pananaliksik na ginamitan ng statistical treatment upang maipaliwanag ang resultang lumabas. Sa pagkalap naman ng impormasyon talatanungan ang aming ginamit (Questionnaires) na naglalayong kunin ang mga impormasyon na nararapat sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay may apat na pu't anim (46) na respondente. Bibigyan ng mga babasahin ang mga kalahok sa pag-aaral at sasagutin ang nakalaang mga tanong upang mapagtanto ang kanilang kaunawaan sa pagbasa at ang epekto ng ginawang interbensyon sa asignaturang Filipino. Kasama rin dito ang kanilang pananaw at saloobin bago at pagkatapos ginawa ang interbensyon. Ang pananaliksik na ito ay limitado lamang sa mga piling mag-aaral sa Ika-7 baitang ng Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon Aquino at hindi na saklaw ng pag-aaral ang iba pang mga baitang sa nasabing paaralan. Ang mga piling mag-aaral sa Ika-7 na baitang ay kalahok sa Online Pagbasa gamit ang e- Aklatan na nagsimula noong Marso, 2021 at aabangan ang resulta sa pagtatapos ng panuruan taong 2021 na gagawin ang pagsusulit. Ang pagsusulit na ibibigay sa mga piling mag-aaral sa Ika-7 baitang ay may mga katibayan upang gawin at bigyang pahintulot upang masagawa ang kilos pananaliksik. Ang mga impormasyon na aming nakalap sa mga piling mag-aaral sa Ikapitong baitang mula sa kilos pananaliksik ay
  • 14. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph ilalarawan gamit ang isang table o graph kung saan ipapaliwanag ang resulta ng kakayahan ng mga napiling mag-aaral sa larangan ng pag-unawa sa pagbasa sa asignaturang Filipino gamit ang e-Aklat. Mula sa surbey, 46 na ika-7 na baitang na mga mag-aaral ang parehong kumuha ng panimulang pagtataya at panapos na pagtataya. Ang 46 na mag-aaral ang pasok sa obserbasyon sa pananaliksik. Ginamitan ng statistical treatment na Dependent Sample t-test ang bahaging pagsusulit ng surbey na nakabatay sa kanilang iskor sa panimula at panapos na pagtataya. Ito ay upang malaman kung tumaas ba ang mga iskor ng mga mag-aaral matapos maisagawa ang interbensyon. Itinakda ng pananaliksik na ito na ang bilang ng tumamang aytems ay ang dependent variables samantalang ang panimula at panapos na pagtataya ang siya namang independent variables.
  • 15. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph IV. PRESENTASYON, INTERPRETASYON AT PAGSUSURI NG DATOS Iprinesenta sa kabanatang ito ang mga karanasan ng mga partisipante sa pananaliksik na ito, ang kanilang pagtugon sa panimula at panapos na pagtataya, ang kanilang pananaw at hinuha pati narin ang pagbuo kung saan pinag-isa ang nakalap na mga impormasyon sa pamamagitan ng sarbey. Mula sa surbey, 46 na ika-siyam na baitang na mga mag-aaral ang parehong kumuha ng panimulang pagtataya at panapos na pagtataya. Ang 46 na mag-aaral ang pasok sa obserbasyon sa pananaliksik. Ginamitan ng statistical treatment na Dependent Sample t-test ang bahaging pagsusulit ng surbey na nakabatay sa kanilang iskor sa panimula at panapos na pagtataya. Ito ay upang malaman kung tumaas ba ang mga iskor ng mga mag-aaral matapos maisagawa ang interbensyon. Itinakda ng pananaliksik na ito na ang bilang ng tumamang aytems ay ang dependent variable samantalang ang panimula at panapos na pagtataya ang siya namang independent variables. Talahanayan I: Mean ng mga Iskor Indicator Treatment (Pagtataya) Mean t-value p-value Decision Remarks Iskor o bilang ng tamang sagot Panimula 3.978 (40%) -1.9315 0.0298 Reject Null Hypothesis Makabuluhan (Significant) Panapos 4.565 (45%)
  • 16. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph Makikita sa unang talahanayan ang resulta bago at matapos ang ginawang interbensyon. Sa panimulang pagtataya, mayroong mean na 3.978 ang average iskor ng mga kumuha o katumbas nito 40%. Samantalang sa panapos na pagtataya, ang average iskor ng mga kumuha ay 4.565. Kapansin- pansin na sa simula ay may 40% na average iskor ang mga mag-aaral at ito ay tumaas sa panapos na pagtataya na may 45% na average iskor. Grap 1: Komparatibong Iskor ng mga Mag-aaral Makikita sa unang grap ang kabuuang iskor ng mga mag-aaral na kumuha ng panimula at panapos na pagtataya. Mapapansin na marami ang tumaas ang iskor sa panapos na pagtataya na kung saan ay ginamitan ito ng interbensyon. Mapapansin din na walang nakakuha ng perpektong iskor sa panapos na hindi tulad sa panimulang pagtataya. Gayunpaman, hindi maipagkakaila na marami sa mag-aaral sa ika-siyam na baitang ay tumaas ang kanilang iskor matapos gawin ang interbensyon. Ang resulta ng online pagbasa gamit ang e-Aklatan sa mga mag-aaral ay nagpapatunay na naging epektibo at makabuluhan ang pagsasagawa ng inilahad na interbensyon. Positibo ang performance ng mga mag- aaral sa pagtatayang ibinigay sa mga mag-aaral. 0 2 4 6 8 10 12 1 3 5 7 9 11 13 15 17 19 21 23 25 27 29 31 33 35 37 39 41 43 45 ISKOR MAG-AARAL Komparatibong Iskor ng mga Mag-aaral PANIMULA PANAPOS
  • 17. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph Talahanayan II. Resulta ng Datos para sa Panimulang Pagtataya bago magkaroon ng Online Pagbasa gamit ang e-Aklatan. Mga Tanong Matinding Sumasang- ayon Sumasang- ayon Walang Pinapanigan Di Sumasang- ayon Matinding Di Sumasang-ayon 1. Bilang mag-aaral mas nauunawaan ko ang aking binabasa kung ito ay teksto 9.02 (19.6%) 35.01 (76.1%) 1.97 (4.3%) 0 (0%) 0 (0%) 2. Nakatutulong ang teksto sa aking pagbasa dahil ito ay detalyado. 10.99 (23.9%) 29.99 (65.2%) 4 (8.7%) 1.01 (3.2%) 0 (0%) 3. Magandang magbasa ng asignaturang Filipino sa teksto sapagkat hindi ito nakakawala ng atensyon. 10.99 (23.9%) 29.99 (65.2%) 4 (8.7%) 1.01 (3.2%) 0 (0%)
  • 18. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph 4. Bilang isang magaaral mas natutukoy ko ang paksang tinatalakay sa teksto. 4 (8.7%) 29.99 (65.2%) 6.99 (15.2%) 4 (8.7%) 1.01 (2.2%) 5. Maraming paksa ang matututunan sa teksto. 9.02 (19.6%) 29.99 (65.2%) 4 (8.7%) 2.99 (6.5%) 0 (0%) Talahanayan III: Resulta ng Datos para sa Panapos na Pagtataya pagkatapos magkaroon ng Online Pagbasa gamit ang e-Aklatan. Mga Tanong Matinding Sumasang- ayon Sumasang- ayon Walang Pinapanigan Di Sumasang- ayon Matinding Di sumasang-ayon 1. Mas kombenyente para sa akin bilang mag-aaral ang pagbabasa e-Aklatan 9 (19.6%) 31 (67.4%) 4 (8.7%) 2 (4.3%) 0 (0%)
  • 19. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph 2. Bilang isang mag-aaral, mas nakakapagpokus ako sa aking binabasa kung sa e-Aklatan ang aking babasahin. 5 (10.9%) 23 (50%) 9 (19.6%) 9 (19.6%) 0 (0%) 3. Mas humasa ang aking pagbasa sa asignaturang Filipino matapos kong magamit ang e-Aklatan 10 (21.7%) 25 (56.5%) 5 (10.9%) 3 (6.5%) 2 (4.4%) 4. Nakatulong ang e- Aklatan upang mas maunawaan ko ang aking binabasa at kaya ko itong ibahagi sa iba. 8 (17.4%) 28 (60.9%) 4 (8.7%) 6 (13%) 0 (0%) 5. Naunawaan ko ang aking binabasa kung ito ay ginamitan ng e-Aklatan. 5 (10.9%) 23 (50%) 12 (26.1%) 5 (10.9%) 1 (2.1%)
  • 20. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph V. PLANO SA ADBOKASIYA LAGOM NG NATUKLASAN Matapos makalap ang nga datos sa mga mag-aaral ng. Pres. Corazon C. Aquino ng Ika-7 baitang, ginawa ang pag-aaral na ito upang matukoy kung epektibo nga ba ang inilahad na rekomendasyon. Ang uri ng pananaliksik ay isang kuwantitibong pananaliksik na ginamitan ng statistical treatment upang maipaliwanag ang resultang lumabas. Sa pagkalap naman ng impormasyon talatanungan ang aming ginamit (Questionnaires) na naglalayong kunin ang mga impormasyon na nararapat sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay may apat na pu't anim (46) na respondente. Narito ang ilang katanungan na isinasaad sa ginawang pananaliksik na nabigyan ng kasagutan: 1. Paano makatutulong ang e-Aklatan sa pagpapaunlad sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa sa asignaturang Filipino sa panahon ng pandemya? Batay sa mga datos na sinuri at pinkahulugan ng mga mananaliksik, nakita na sa unang talahanayan ang resulta bago at matapos ang ginawang interbensyon. Mapapansin na sa simula ay may 40% na average score ang mga mag-aaral at ito ay tumaas sa panapos na pagtataya na may 45% na average score. Makatutulong ang inilahad na interbensyon lalo na sa ngayong panahon ng pandemya na pati ang paraan ng pagtuturo ay kinailangang baguhin na dapat ay aayon sa kalagayan ng mga mag- aaral, at ng bansa. 2. Ano-ano ang implikasyon ang maaaring lumitaw sa proyektong ito sa mga mag-aaral at guro?
  • 21. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph Ayon sa Komparatibong iskor ng mga mag-aaral, naobserbahan ng mga mananaliksik na marami ang tumaas ang iskor sa panapos na pagtataya na kung saan ay ginamitan ito ng interbensyon. Bagaman walang nakakuha ng perpektong iskor sa panapos na pagtataya di tulad ng sa panimula, hindi maipagkakaila na ang resulta ng Online Pagbasa sa mga mag-aaral ay nagpapatunay na naging epektibo at makabuluhan ang pagsasagawa ng inilahad na interbensyon. Sa mga guro naman, kinakailangan na maalam sila sa paggamit ng teknolohiya at sa pagkuha rin ng mga impormasyon mula sa online resources upang maisagawa ang nasabing interbensyon. 3. Ano ang mga dahilan kung bakit kailangan linangin pa ang pag-unawa sa kanilang pagbasa? Malaking hamon sa panahon ngayon ang kababaan ng pagkaunawa sa pagbasa ng mga mag- aaral, lalo na ang mga nasa sekondaryang lebel na kung saan ay mas lalong hinuhulma ang kanilang kaalaman hindi lang sa partikular na mga asignatura, kundi pati na rin sa mundong kanilang ginagalawan. Inihahanda ang mga mag-aaral sa hinaharap upang sila ay may maiambag sa pag-unlad ng bansa. Sa pagbaba ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa binasa, kalakip nito ay ang alanganing kalagayan ng bansa sapagkat ang unang kasangakapan sa paggawa ng trabaho ay ang pag-unawa. Kung hindi lilinangin ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa sa binasa, kaakibat nito ang kanilang hinaharap, at hinaharap ng bansa. 4. Epektibo ba ang inilahad na interbensyon sa maunawang pagbasa ng mga mag-aaral ng Ika-7 na Baitang sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino? Ayon sa Resulta ng datos para sa panapos na pagtataya pagkatapos magkaroon ng Online Pagbasa na makikita sa Talahanayan III, may 67.4% na mga mag-aaral ang sumasang-ayon sa unang tanong na mas kombenyente para sakanila bilang mag-aaral ang pagbabasa online. Sa ikalawang tanong, may 50% na mga mag-aaral ang sumasang-ayon na bilang isang mag-aaral, mas nakakapagpokus sila sa kanilang binabasa kung ito ay online. Sa ikatlong tanong, 56.5% mula sa mga mag-aaral ang sumasang-ayon na mas humasa ang kanilang pagbasa sa asignaturang Filipino matapos mapanood ang online pagbasa. Sa ikaapat na tanong, 60.9% sa mga estudyante ang sumasang-ayon na
  • 22. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph nakatulong ang online pagbasa upang mas maunawaan nila ang kanilang binabasa at kaya nila itong ibahagi sa iba. habang sa ikalimang tanong, 50% mula sa mga mag-aaral ang sumasang-ayon na naunawaan nila ang kanilang binabasa kung ito ay online. Dagdag pa rito ay ang pagtaas ng average score ng mga mag-aaral, na sa panimulang pagtataya ay may 40% samantalang sa panapos na pagtataya naman ay naging 45% na. KONKLUSYON Sa isinagawang pag-aaral ng mananaliksik, malaki ang maitutulong ng e-Aklatan upang mas mapaunlad ang pag-unawa ng mag-aaral sa pagbasa. Mas magkaroon ng higit na pag-access sa impormasyon, na kung saan nakakatulong ito sa paglawak ng pag-unawa ng bawat mag-aaral. Mas madali ring makaintindi at nakakaunawa ang mga mag-aaral kung ito ay online kaya’t mas madaling makakapagturo ang mga guro dahil ang pokus ng magaaral ay madali nilang makukuha. Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya’t maraming naidudulot na magandang bagay sa isang tao. Mahalaga ang pagbasa sa buhay nga bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan, ito rin ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusayat malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Napag-alaman din sa pananaliksik na ito na epektibo ang inilahad na interbensyon sa maunawang pagbasa dahil halos lahat ng mga mag-aaral ay sumasang-ayon at mas mauunawaan at nakakapagpokus kung ito ay online.
  • 23. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph REKOMENDASYON: Batay sa resulta at inilahad na konklusyon, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 1. Inirerekomenda ng mananaliksik na magkaroon ng e-Aklatan sa panahon ng pandemya bilang Interbensyon sa paglinang ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa sa Asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino. 2. Dagdag na rekomendasyon din ng mananaliksik na unti-unting paunlarin ang e-Aklatan sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino na makatutulong sa mga mag-aaral sa pagpapa-unlad ng kanilang pag-unawa sa kanilang binabasa sa Asignaturang Filipino. 3. Maipabatid sa mga mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng pag-uunawa sa binabasa na ito ay isang mabisang kasangkapan sa pagtuklas at pagkatuto ng kaalaman. Isa itong mahalagang kasanayan na magagamit saan man magpunta, ano man ang sitwasyon, at magpahanggang kailanman. Dahil sa pagbabasa, maraming natututunan at nasasagap na kaalaman tungkol sa mga bagay bagay na sadyang kailangan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Magsagawa ng isang proyekto o kilos na maghihikayat sa mga mag-aaral na palinangin pa ang kasanayan sa pagbabasa ngayong pandemya. 4. Iminumungkahi ng mananaliksik na ito ay palaganapin sa iba pang antas ng baitang sa Mataas na Paaralan ng Pres. Corazon C. Aquino. Inirerekomenda rin ng mananaliksik na masusing salain ang mga mag-aaral upang ang kumuha lamang ng interbensyon ay ang mga mag-aaral
  • 24. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph na may suliranin sa pagbasa nang sa gayon ay hindi na ito makaapekto sa mga mag-aaral na may mataas na performance sa maunawang pagbasa. Paunang-Implementasyon Pagpaplano at Panganalap ng Pangunahing Impormasyon Marso, 2021 Aktuwal na Implementasyon Implementasyon ng Pananaliksik Mayo -Hulyo 2021 Panapos na-Implementasyon Pangangalap mga Datos sa Paaralan, Pagbibigay Halaga sa Datos at Paglikha ng mga Natuklasan at Rekomendasyon Agosto, 2021 Sanggunian Rhommel Balasbas(2019) Pilipinas kulelat sa reading comprehension ayon sa global survey, nakuha sa https://radyo.inquirer.net/219643/pilipinas-kulelat-sa-reading-comprehension-ayon-sa-isang- global-survey Rizal College of Laguna(2009) KABANATA 2: REBYU NG MGA KAUGNAY AT LETERATURA, nakuha sa https://rizalcollegeoflaguna.blogspot.com/2009/06/kabanata-2-rebyu-ng-mga-kaugnay- at.html?m=1 Jioffre A. Acopra, M.A., Josielyne De Castro, Teresita W. Ballesteros, Ed.D, Imelda G. Carada, M.A, Aurora Silva Sion. M.A. 2015. Pagbasa at Pagsulat sa ibat ibang disiplina , Pahina 43- 44. Manila: Midshapers Co, Inc.
  • 25. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph Arthur P. Casanova, Ligaya Tiamson Rubin, Heracleo D. Lagrada at Ariel B. Vidanes. 2001. Pagbasa at Pagsulat sa iba’t ibang Disiplina, pahina 14-15. Recto Avenue, Manila: Rex Book Store Publishing House. Reynaldo L. Aguilar, Magdalena O. Jocson at Deogracia D.C. Santos. 2014. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, pahina 67-68. Metro Manila: Grandbooks Publishing, Inc. Mary Joy A. Castillo, Romeo P. Pina, Randy D. Sagun, Vidal S. Mendoza Jr., Arlan M. Camba, Ferdinand R. Bondame at Helen A. Quijano. 2012. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, pahina 53-54. Malabon City: Jimczyville Publication. Jose A. Arrogante. 2007. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, pahina 38. Mandaluyong City: National Bookstore. ONLINE LIBRARY, Mag-ingat Laban sa Kawalan ng Interes sa Pagbasa, nakuha sa https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/101996048 Paulin, Del valle, Lanceta, Dolor at Salang. Survey in Reading Interest, nakuha sa https://www.academia.edu/11621043/Pagbaba_ng_Bilang_ng_mga_estudyanteng_nagbabasa_n g_libro Marga Manlapig (2020) What’s to blame for the low reading comprehension of the Filipino youth? Nakuha sa https://www.cnn.ph/life/culture/2020/4/21/reading-comprehension-problem.html Neil Romano S. Manaog (2020) Why students have poor reading comprehension Nakuha sa https://www.manilatimes.net/2020/01/23/campus-press/why-students-have-poor-reading- comprehension/676508/ Bugtong na Pulo High School (2015-2016) Kabanata II: Kaugnay na Literatura Nakuha sa https://www.academia.edu/36988303/Kabanata_II_KAUGNAY_NA_LITERATURA?fbclid=IwAR2TWvtQ WEEphqAl75g8OghOnabj4yLnd7Dh8Pauyrjki3SlM3g73OGFA-8 Bonz Magsambol (2020) FAST FACTS: DepEd’s distance learning Nakuha sa https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-department-education-distance-learning
  • 26. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph Maria Fe Balaba (2015-2016) Rebyu ng Kaugnay na Literatura Nakuha sa https://www.academia.edu/33957270/ACTION_RESEARCH_SA_FILIPINO_docx Travis Bergwall (2015) 7 Reasons Students Learn Better With Video Nakuha sa https://www.linkedin.com/pulse/7-reasons-students-learn-better-video-travis- bergwall#:~:text=Research%20shows%20that%2094%25%20of,students%20through%20traditional%20t ext%2Dbooks.&text=Majority%20of%20part%20of%20the,towards%20processing%20the%20visual%20in formation.
  • 27. Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools MANILA MANILA EDUCATION CENTER, Arroceros Forest Park Gat Antonio J. Villegas St., Ermita, Manila, 1000 ☎ 8527-2315 • 8527-5184 • 8527-5180 🌍 www.depedmanila.net 📧 sdo.manila@deped.gov.ph