2. SLIDESMANIA.COM
Katangian ng Mabuting Pamamaraan
PAKSA
Mga Pamaraang Pabuod
Ang Pamaraang Pabalak Ang Araling Pagpapahalaga
Mga Pamaraang Pasaklaw
Mga Pamaraang Patuklas
3. SLIDESMANIA.COM
Nararapat makaalam ang isang guro ng
paggamit ng iba't ibang pamaraan ng
pagtuturo sa kanyang gagamitin sa bawat
araw. Kailangan ang pagbabalak upang mapag-
isipan ng guro kung anong pamaraan ang
angkop gamitin para sa tiyak na aralin.
KATANGIAN NG MABUTING
PAMAMARAN
4. SLIDESMANIA.COM
Maaring sabihing ang isang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay
mataglay ng mga sumusunod na katangian:
1. Ang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay yaong payak at
madaling isagawa.
2. Ang isang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay yaong
nagsasangkot sa lahat ng mag-aaral sa mahalagang gawain.
3. Ang mabuting pamaraan ay nagbibigay ng mabuting bunga at
kahihitnatnan.
4. Ang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay humuhubog sa
mabuting pag-uugali at kaasalan ng mag-aral.
5. SLIDESMANIA.COM
Maaring sabihing ang isang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay
mataglay ng mga sumusunod na katangian:
5. Ang isang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay nakatutulong sa paglinang
ng maraming kakayahanng mag-aaral at nagsasangkot ng mga pandama.
6. Ang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay humahamon sa kakayahan ng
mag-aaral.
7. Ang pamaraan ng pagtuturo ay mabuti kung higit na marami ang gawain ng
mag-aaral kaysa sa guro.
8. Ang isang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay umaalinsunod sa mga
simulain ng pagkatuto at sa pilosopiya ng pagtuturo at sikolohiyang
edukasyunal.
6. SLIDESMANIA.COM
Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin
sa pagtuturo kaugnay ng pagbubuo ng tuntunin
o pagkakaroon ng isang paglalahat o
generaliation. Ang pamaraang ito, kung minsan
ay tinatawag na “Limang Pormal na Hakbang sa
Pagtuturo,” o dili kaya'y ang “Herbartian
Method” sapagkat ipinakilala ito sa larangan ng
pagtuturo ni Herbert. Sinasabi ring ito'y
nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi
nalalaman.
ANG PAMARAANG PABUOD
(INDUCTIVE METHOD)
7. SLIDESMANIA.COM
Nagsisimula sa mga halimbawa patungo
sa tuntunin kayat nasasabing ito ay
“egrule” na pamamaraan (example then
rule). Ang pamaraang ito ay may limang
hakbang:
― Irene M. Pepperberg
11. SLIDESMANIA.COM
4. Paglalahat
Matapos namasuri ng mag-aaral at maibigayang
pagkakaiba ng gamit ng dalawa, maari na silang
papagbuuin ng tuntunin tungkol sa gamit ng “rin”
at “din”.
- Samakatuwid sa bahaging itong pabuod ay
pinagbubuo ang mga mag-aaral ng tuntunin o ng
paglalahat. Tandaan, ang mga mag-aaral ang
dapat bumuo ng tuntunin o paglalahat at hindi
ang guro.
12. SLIDESMANIA.COM
5. Pagsubok
- Sa bahaging ito, susubukan ng guro
kung nalalaman na nga talaga n mga
mag-aaralang paksang aralin. Maaring
papagbigayin ang mga batang
pangungusap na ginagamitan nang
wasto ang salitang pinag-aralan.
13. SLIDESMANIA.COM
Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin
sa pagtuturo ng Edukasyong Panggawain.
Angkop din naming gamitin sa pagtuturo ng
anumang asignatura na may nilalayong
magsagawa ng proyekto. Sa pamamaraang ito,
nalilinang sa mga mag-aaral hindi lamang sa
kakayahan at kasanayang pagpaplano, sa
pagsusuri, sa pagpapahayag at sa pagpapasiya
kundi gayundin naman ang mga kapangkat at
ang kakayahan sa pagtanggap ng puna nang
walang pagdaramdam o sama ng loob.
ANG PAMARAANG PABALAK
(PROJECT METHOD)
15. SLIDESMANIA.COM
1. Paglalayon
-Sa hakbang na ito ay pag-uusapan
ang nilalayong gawain. Magtatalakayan
ang mag-aaral at pagpapasiyahan ng
klase kung ano ang proyekto.
17. SLIDESMANIA.COM
3. Pagsasagawa
- Ang lahat ng mga binabalak na
gawain ay sisimulan nang
isakatuparan. Sa bahaging ito ay
magsisimula na ang mga pagsasanay.
19. SLIDESMANIA.COM
Ang Araling Pagpapahalga ay pamaraang
ginagamit kailanman kung ang layunin ng
guro ay mapahalagahan ng mga mag-aaral
ang ganda ng isang tula, kuwento,
awitin,tugtugin o anumang likhang-sining
gaya ng pintura o likhang-eskultura.
ANG ARALING PAGPAPAHALAGA
(APPRECIATION LESSON)
22. SLIDESMANIA.COM
2. Unang Pagbasa o Unang
Pagbigkas
- Bibigkasin o babasahin ng guro ang
tula nang buong husay at may
damdamin. Samantalang malinaw na
binibigkas ng guro ang tula, nakikinig
naman ang mga mag-aaral.
Maaari ring sa halip na guro ang
bumigkas o buma sa, ang pabigkasin o
pabasahin na ay isang mag-aaral na
may kakayahan sa ganitong gawain.
23. SLIDESMANIA.COM
3. Pagtalakay Pangkaisipan
- Pag-uusapan sa bahaging ito ang
nilalaman ng tula; sasagot ang mga
bata sa mga tanong-pantiyak upang
matalakay ang tula ayon sa
pakahulugan ng may-akda.
24. SLIDESMANIA.COM
4.Pagtalakay Pangkagandahan
- Samantalang sa unang pagtalakayay pinag-
uusapan ang nilalaman ng tula, sa ikalawang
pagtalakayay pinag-uusapan ang kagandahan
ng tula, ang kayarian ng mga taludtod, ang
pagkakatugma-tugma ng mga dulong salita ng
mga taludtod, ang talinghaga, atb.
25. SLIDESMANIA.COM
5. Ikalawang Pagbasa o
Ikalawang Pagbigkas
- Bibigkasing muli ng guro ang tula.
Inaasahang higit na mapahahalagahanng
mag-aaralang tula sa ikala wang
pagbigkas na ito sapagkatnauunawaan na
nila ang tula. Isang layunin ng guro sa
muling pagbigkas o pagbasa ng tula ay
upang magbigay ng huwaran o modelo sa
pagbigkas,kaya nararapatna bigkasin ng
guro ang tula nang buong husay at nang
may damdamin.
27. SLIDESMANIA.COM
7. Pagsasaulo sa Tula
- Kung magpapasaulo ng tula, gawin
ito sa kawili wiling paraan upang hindi
mabagot ang mga mag-aaral.
28. SLIDESMANIA.COM
PAMARAANG PAGTUKLAS
(Discovery Method)
Ang pamaraang pagtuklas ay isang pamaraaan ng pagtuturo na bukod sa
nagdudulot ng kawilihan ay humahamon pa sa kakayahan ng mga mag-
aaral. Ang pamamaraang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-
aaral na siyang makatuklas ng kaalaman, konsepto, kaisipan, simulain at
paglalahat. Ang mga mag-aaral ay aktibong kasangkot sa pagtuklas ng
karunungan at hindi basta na lamang taagatanggap ng kung anu-anong
mga idinidikta sa kanilang mga kaisipaan at kaalaman.