2. Mga Salita at Batayang Ginagamit sa
Pagpapahayag ng Patunay
Salita Batayan
1. totoong/ nga
2. sadyang
3. tunay nga
4. talaga/ ng
5. karapat- dapat
1.sapagkat
2.dahil
3.kaya
4.gaya
8. Pagsasanay:
1. Talagang mananalo siya dahil nag- ensayo siyang mabuti.
2. Karapat- dapat na manalo sa debate si Roma dahil
mapangatwiran ang kanyang mga pahayag at puro katotohanan.
3. Gaya ng pangyayari sa Tacloban noong may malakas na bagyo,
tunay ngang naipakita ng mga Pilipino ang pagiging matulungin
sa kapwa.
4. Sadyang maganda ang kanyang mga iginuhit na larawan,kaya
mabilis itong mabili sa subasta.
5. Tunay na masarap ang empanada sa Ilocos dahil sa mga
masasarap na sangkap nito.
9. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang P kung ang pahayag ay
ginamitin ng salitang nagbibigay ng
patunay at DP naman kung ang pahayag ay hindi nagsasaad ng
patunay.
1. Sa katunayan, hindi nagdalawang isip sina Usman at Potre
Maasita na tumulong sa mga kababayang nasalanta.
2. Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang
mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig.
10. 3. Pinaniniwalaang nananahan siya sa
malayong sultanato at isa siyang alipin.
4. Katunayan, nagsagawa si Sultan Zacaria
ng kautusang ang lahat ng mga lalaking
nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay
dapat kitlin at maglaho.
11. 5. Lihim na nagpadala si Potre Maasita ng
mga mensahe sa mga guwardiya ngunit
ang lahat ng mga ito’y ipinarating sa
sultan.
6. Dahil nga si Sultan Zacaria ay tunay na
malupit, patunay nito iniutos na pati si
Potre Maasita ay ikulong din.
12. 7. Nagmadaling pumunta si Potre
Maasita sa kanyang amang sultan at
nagmakaawang patawarin at
pakawalan si Usman.
8. Sa katunayan, agad na sinunod ng
mga tauhan ang kautusan ng sultan.
13. 9. Nagkaroon ng pagkakataong maging
mas malapit sa isa’t isa sina Usman at
Potre Maasita bilang patunay nito higit
na tumindi ang pagmamahalan.
10. Si Usman, na isang alipin ay naging
sultan at si Potre Maasita naman ay
itinalagang sultana.
17. •Ang maikling kuwento ay isa sa panitikan na
patuloy na tinatangkilik ng mga mambabasa.
Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayaring
nagaganap sa araw-araw na buhay at
kadalasang kapupulutan ng mga aral.
Sinasalamin ng maikling kuwento ang mga
kaugalian, pagpapahalaga, paniniwala at
tradisyon ng isang lugar o bansa.
18.
19.
20. Mga Tauhan
•Pido- batang mangangalakal
•Pepay- nakababatang kapatid ni Pido
•Mang Celso- ama nina Pido at Pepay
•Aling Basya- ina nina Pido at Pepay
•Kapitana Ingga- kapitan ng barangay nina Pido
•Cidro- mangangalakal sa tambakan
21.
22. Isang umaga, habang nakadungaw sa
bintana at nakatanaw sa langit makikita
ang mga ngiti sa labi ng isang bata.
Kilala si Pido sa kanilang lugar bilang
masikap, mabait at mapagmahal na
anak. Panganay sa magkapatid na
sinundan
ng bunsong si Pepay.
23. Mula Lunes hanggang Biyernes, siya ay
pumapasok sa Paaralan. Kung araw
naman ng Sabado at Linggo ay
sumasama sa kaniyang ama upang
mangalakal. Ito ang ikinabubuhay ng
kanilang pamilya para may panggastos
sa araw-araw.
24. “Pido, halika na at kumain,” sabi ng
kaniyang ina na si Basya. Sama-samang
kumain ang mag-anak at pinagsaluhan
nila ang kakaunting pagkain sa kanilang
hapag. Bagamat bahaw at tuyo ang
kanilang pagkain sa araw na iyon para
kay Pido ito pa rin
ay dapat na ipagpasalamat.
25. Tulak ang isang kariton nagtungo na ang
mag-ama sa tambakan. Nakasalubong
nila si Kapitana Ingga kasama ang ilang
kagawad. “Magandang umaga po
Kapitana,” masayang bati ni Pido sa
babae. “Magandang umaga rin sa inyo.
Mukhang papunta na kayo sa
tambakan,” sabi ni
Kapitana Ingga.
26. “Oho, kailangan na naming mag-umpisa sa
pangunguha ng kalakal para sa ganoon ay
makarami,” patuloy ni Celso. “O sige, mag-iingat
kayong mag-ama,” malumanay na wika ng
Kapitana. Pagdating sa tambakan napansin ni
Pido na marami na ang naghahalukay sa basura.
Sa mga nakukuha nila na karton, bote at papel na
kanilang pinagbibili swerte na lamang kung may
makikitang gamit na maaari pang gamitin
tulad ng damit at sirang sapatos.
27. Hindi alintana ng mag-ama ang
matinding sikat ng araw at iba’t
ibang amoy sa tambakan.
Patuloy pa rin sila sa
pangunguha ng kalakal.
28. “Aba! Ano ang ginagawa mo dito sa
puwesto namin Pido?” ang wika ni
Cidro. Hindi na lamang kumibo si Pido
at dire-diretsong umalis. Sa matikas na
pangangatawan at katangkaran,
kinakatakutan ito hindi lamang sa
tambakan gayundin sa kanilang lugar.
29. Sa paglipat ni Pido ay may nakita siyang
isang bagay. Nang makita ito labis ang
kaniyang kasiyahan. Pinangarap niya na
makabili ng ganitong laruan. Hindi niya
sinasabi sa kaniyang mga magulang dahil
mas higit na kailangan nila ang pera para
sa kanilang pagkain sa araw-araw at sa
pag-aaral.
30. Sapat na sa kaniya na nakikita
ang bagay na iyon sa
himpapawid na nagbibigay ng
kaligayahan.
31. Kahit ito man ay luma at gasgas, kinuha ni
Pido ang laruan. Umikot-ikot siya habang
nakataas ang isang kamay na may hawak
ng laruang napulot at tila ba siya ang
nagmamaneho at kumokontrol nito.
Pagdating sa kanilang munting barong-
barong hinanap ni Pido ang kaniyang
kapatid.
32. “Pepay! Pepay! Tingnan mo
ang laruan na nakuha ko sa
tambakan.” Masayang
ipinakita nito ang laruan kay
Pepay.
33. Nang makita ni Basya na masaya ang
kaniyang mga anak sa simpleng laruan
ganoon na lang din ang kaniyang
kasiyahan. Sa kabila nito, nandoon ang
lungkot na nararamdaman dahil hindi
niya maibigay lahat sa mga anak ang
mga bagay na gusto ng mga ito.
34. Napansin ni Pido ang lungkot sa mga
mata ng kaniyang ina. “Ayos lang po
ba kayo inay?” ang malumanay na sabi
ng bata. “Wala ito anak,” sabay iling ni
Basya.
35. Kinaumagahan, tulad ng mga batang
pumapasok sa Paaralan. Maagang
gumising si Pido upang maghanda. Sa
loob ng klase mapapansin na hindi
palakibo at walang gaanong kumakausap
dito. Batid ni Pido na iba ang kaniyang
kalagayan sa iba pang kaklase batay sa
pananamit at mga gamit nito. Ang laging
naiisip niya ay ang sinabi ng kaniyang ina.
36. “Kung anuman ang mayroon tayo at ito man ay
maliit na bagay dapat natin itong
ipagpasalamat sa Panginoon.” Hindi
makakalimutan ng kaniyang guro ang ginawa
ng bata sa kanilang klase. Sa halip na iguhit ang
nais na makamit na pangarap. Lumikha na
lamang ng bagay na yari sa tiniklop na
kapirasong papel. Sa simpleng eroplanong
papel na ginawa nito sumilay ang ngiti sa mga
labi ng guro.
37. Lumipas ang mga taon unti-unting
nanghina ang pangangatawan ng
kaniyang ama. Kahit ito ang naging
kalagayan patuloy pa rin sa
paghahanapbuhay. Dumating ang hindi
inaasahang pangyayari sa buhay ni Pido.
Nabalitaan niya na nawalan ng malay ang
kaniyang ama habang nangangalakal.
Mula sa kanilang tahanan mabilis na
tumakbo papunta sa tambakan.
38. Nakita niya ang ama na walang malay.
Tinulungan siya ng ibang
nangangalakal na madala ang
kaniyang ama sa Ospital ngunit
pagdating doon tila tumigil ang
kaniyang mundo.
39. Lungkot at pighati ang naramdaman
pagbalik sa kanilang tahanan. Hindi
napigilang bumuhos ang masaganang
luha sa kaniyang mga mata. Gayundin
ang ina at kapatid. Ang haligi ng tahanan
na kanilang nasasandalan, kailanma’y di
na nila mahahagkan.
40. Sa kabila ng hindi magandang pangyayari
sa kanilang pamilya. Pinagpatuloy ni Pido
ang pag-aaral sa tulong na rin ng ilang
kamag-anak. Nabigyan siya ng
pagkakataon na maipagpatuloy ang
kaniyang pag-aaral bilang Iskolar ng
Bayan. Wala siyang sinayang na oras at
nagsunog ng kilay para makamit ang
kaniyang pangarap.
41. Mulat man sa kahirapan ng buhay sa
murang edad, hindi naman ito naging
hadlang sa kaniya bagkus ito ang
nagbigay ng katatagan upang
ipagpatuloy at tuparin ang kaniyang
pangarap. Hindi naman siya binigo ng
kapalaran. Ang dating munting
pangarap, ngayon ay kaniya nang
nakamtan.
42. A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
pamamagitan ng grapikong presentasyon.
Sino ang
pangunahing
tauhan sa
kuwento?
Ano ang
ikinabubuhay ng
kanilang pamilya?
Saan sila
nangunguha ng
kanilang
ikabubuhay?
Bakit naisip ni Pido
na naiiba siya sa
kanyang mga
kaklase?