3. Panimula
Ilang milyon ang manggagawa sa pilipinas at sa
bilang na ito ay samu't-saring suliranin ang
kanilang nararanasan, ilang halimbawa dito ay
ang mababang pasahod, kawalan ng seguridad
sa pinapasukang kompanya at job mis-match.
Dahil dito kinakailangang masiguro na mayroon
silang kaalaman sa kanilang mga karapatan.
4. Kasanayan sa Pagkatuto
Masusuri ang kalagayan at suliranin sa
isyu ng paggawa sa bansa sa sektor ng
agrikultura, sektor ng industriya at sa
sektor ng serbisyo.
5. Sektor ng Agrikultura
Ito ang pangunahing sektor ng
ekonomiya sa Pilipinas.
Pinagmumulan ng mga hilaw na
sangkap na ginagamit sa sektor ng
idustriya para makagawa ng bagong
produkto o serbisyo.
6. Ang mga bumubuo sa sektor ng
agrikultura ay pagsasaka, pagha-
hayupan, pangingisda, at pangungubat.
Sektor ng Agrikultura
7. Sektor ng Agrikultura
Subalit kasabay ng globalisasyon ay ang
pagdami ng mga lokal na produkto na
iniluluwas sa ibang bansa at pagdagsa ng
mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.
Dahil dito ay labis na naapektuhan ang mga
lokal na magsasaka sapagkat mas mura na
naibebenta ang mga dayuhang produkto sa
bansa.
8. Mga Suliranin ng Sektor ng
Agrikultura
Kakulangan para sa mga patubig at suporta
ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda lalo
na kapag may mga nananalasang sakuna sa
bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot at iba pa.
Pagkonbert ng mga lupang sakahan upang
patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba
pang gusaling pangkomersiyo para sa mga
pabrika at pagawaan
9. Mga Suliranin ng Sektor ng
Agrikultura
Bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs
paglaganap ng patakarang neo-liberal sa
bansa simula dekada 80’s
Pagkawasak ng mga kabundukan, kagubatan
at kakulangan ng implementasyon ng mga
programang pampamahalaan
10. Sektor ng Industriya
Ang sektor ng industriya ay kinabibilangan
ng makina, ito ang taga proseso ng mga
hilaw na sangkap mula sa agrikultura sa
tulong ng makinarya.
Sa pamamagitan nito ay nadadagdagan ang
kita ng bansa at napapasigla ang ekonomiya
11. Mga Suliranin ng Sektor ng
Industriya
• Imposisyon ng IMF-WB bilang isa sa
kondisyon ng pagpapautang sa bansa
• Pagbubukas ng pamilihan sa bansa
• Import liberalizations
• Mababang tax incentives sa mga TNCs
• Deregularisasyon sa mga polisiya ng estado
• At sa pagsasapribado ng mga pampublikong
serbisyo
12. Sektor ng Serbisyo
May malaking ambag sa ekonomiya
ng bansa ang lakas paggawa ng mga
manggagawa.
Mahalaga ang sektor ng serbisyo
dahil ito ang gumagabay sa buong
yugto ng produksiyon, distribusyon,
kalakalan, at pagkunsumo ng mga
produkto sa loob at labas ng bansa.
13. Mga Suliranin sa Sektor ng
Serbisyo
•Patakarang liberalisasyon
•Mababang pasahod sa mga manggagawang
Pilipino
•Malayang patakaran ng mga
mamumuhunan
•Tax incentives
•Samu't saring suliranin tulad ng over-
worked
•Mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo
na sa mga hanay ng mga manggagawa sa
BPO
•Patuloy na pababa ng bahagdan ng bilang ng
Small-Medium Enterprises (SMEs)
14. Apat na Haligi para sa isang
Disente at Marangal na Paggawa
• Employment Pillar- Tiyakin ang paglikha
ng mga sustenableng trabaho, malaya at
pantay na oportunidad sa paggawa at
maayos na "workplace" para sa mga
mangagawa.
•Worker's Right Pillar- Naglalayong
palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga
"batas" para sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
manggagawa.
15. Apat na Haligi para sa isang Disente at
Marangal na Paggawa
Social Protection Pillar- Hikayatin ang
mga kompanya, pamahalaan, at mga
sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa "proteksyon" ng
manggagawa, katanggap-tanggap na
psahod at oportunidad.
Social Dialogue Pillar- Palakasin ang
laging "bukas na pagpupulong" sa
pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa at kompanya sa
pamamagitan ng paglikha ng mga
collective bargaining unit.
16. Suliranin ng Paggawa sa Bansa
Bunsod ng epektong dulot ng globalisasyon mas
naging mabilis ang pagdating ng mga dayuhang
namumuhunan na mas pinatingkad naman ng
kumpetisyon sa hanay ng mga dayuhan at lokal na
kompanya at korporasyon sa bansa.
Ang ganitong kondisyon ay nagdulot ng iba’t ibang
suliraning may kaugnayan sa iskemang subcontracting,
unemployment at underemployment,
self-employed, mura at flexible labor, at
kontraktuwalisasyon.
17. Iskemang Subcontracting
Ang iskemang subcontracting ay
tumutukoy sa kaayusan sa paggawa
kung saan ang kompanya (principal)
ay komukontrata ng isang ahensiya
o indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo sa
isang takdang panahon. May
dalawang umiiral na anyo ng
subcontracting ito ay:
18. Iskemang Subcontracting
Labor-Only Contracting
na kung saan ang subcontractor ay
walang sapat na puhunan upang
gawin ang trabaho o serbisyo at ang
pinasok niyang manggagawa ay may
direktang kinalaman sa mga gawain
ng kompaya;
19. Iskemang Subcontracting
Job-contracting
- may sapat na puhunan para maisagawa ang
trabaho at mga gawain ng mga
manggagawang ipinasok ng subcontractor.
Wala silang direktang kinalaman sa mga
gawain ng kompanya. Hindi pinapayagan sa
batang ang job-contracting dahil
naaapektuhan nito ang seguridad ng mga
manggagawa sa trabaho.