Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Week 3 ang lipunan
1. Aralin 3: Ang Lipunan
Maria Cristina Falls
Ang Bayan ng Mga Talόn/The City of Waterfalls
Tina: Magandang umaga Marie. Kumusta ka na?
Marie: Magandang umaga rin Tina. Mabuti naman ako.
Tina: Anong bayan ka sa atin nakatira?
Marie. Sa bayan ng Iligan ako nakatira.
Tina: Saan yun Marie?
Marie: Ang Iligan ay matatagpuan sa isang bayan sa Probinsiya ng Lanao del Norte, hilagang
bahagi ng Mindanao at sa bukana ng Ilog Agus.
Tina: Ah oo nga pala, di ba tinawag na “Bayan ng mga Talon” ang Iligan? Bakit nga ba yun?
Marie: Dahil ito ay may mahigit dalawampung talon.
Tina: Kasama ba doon ang Maria Cristina Falls?
Marie: Oo tama ka, at ito ang pinakamalaki na siyang pinagkukunan ng elektrisidad para sa
buong probinsiya ng Lanao Del Norte at Lanao Del Sur.
Tina: Ang pagkaka-alam ko marami ng mga planta ang nagsulputan doon.
Marie: Oo nga eh, kaya mabilis din ang pag-akyat ng populasyon at urbanisasyon. Naging
isyu rin ang pagkasira ng kalikasan.
Tina: Lumala ba ang problema ng polusyon sa tubig at hangin?
Marie: Oo tina at hindi lang yan, noong nagkaroon ng resesyon sa buong mundo noong
1997,naapektohan ang bayan ng Iligan.
Tina: Kagaya ng ano?
Marie: Maraming malalaking kumpanya ang nagsara tulad ng National Steel Corporation at
marami pang iba, kaya marami ang nawalan ng trabaho.
Tina: Anong nangyari sa mga nawalan ng trabaho?
Marie: Karamihan sa kanila ay napilitan mangibang bansa o bayan upang mabuhay ang
kanilang pamilya.
Tina: Marie, nakakalungkot naman pero may naidulot bang maganda ang pagsasara ng mga
planta?
Marie: Oo naman, dahil nagsara na ang mga planta unti-unti nang bumaba ang porsyento ng
polusyon sa bayan ng Iligan. Kaya bumabalik na naman ang kalinisan sa paligid.
Tina: Mas mabuti din naman pala kung ganun. Salamat sa impormasyon Marie, sana
makapunta din ako ng Iligan.
Marie: Walang anuman Tina.
Bokabularyo/Vocabulary
2. bayan/syudad city kalikasan nature
masagana abundant mundo world
lagusan passage kalinisan cleanliness
bukál source of spring water makulay colorful
bundok mountain bumagal slowed down
napaliligiran surrounded pagtaas increase
baybayin beach pagbabago change
mangingisda fisherman magalang polite
paligid environment industriya industry
Mga Katanungan/Questions
1. Anong bayan ang nakilalang “Bayan ng mga Talόn”?
What city became known as “The City of Waterfalls”?
2. Anong tawag sa mga tao sa bayang ito?
What do you call the people from this city?
3. Saan matatagpuan ang bayang ito?
Where is this city situated?
4. Ano ang nakasira sa paligid nito at nagdulot ng polusyon?
What destroyed its environment that caused pollution?
5. Ilang talόn mayroon ito?
How many waterfalls are there in the city?
6. Ano ang pinakamalaking kumpanya ang natitira hanggang ngayon sa Iligan?
What is the biggest company that remained its operation up to the present?
Kasanayan sa Pagbigkas: Mga Tunóg at Diín/Sounds and Stress
Pagsasanay 1/Exercise 1: Mga Gusali at Lugar sa Pamayanan/Buildings and Places in a
Community
Bigkasin ng wasto ang bawat salita sa ibaba. Pronounce properly each word below:
Mga Gusali at Lugar/Buildings and Places
bahay house
moske mosque
simbahan church
Kagawaran ng… Department of…
sinehán cinema
plasang pampubliko public plaza
monumento/bantayog monument
estasyon ng bombero fire station
munisipyo municipal building/town hall
ospitál hospital
tindahan store
museo museum
parke park
presinto police station
palengke market
paliparan airport
pampublikong aklatan public library
3. eskwelahan/paaralan school
restoran/kainan restaurant
Pagbibigay ng Direksyon (sa)/Giving Directions (sa)
sa kanan to the right
sa kaliwa to the left
sa unahan straight ahead
sa tabi beside
sa harap in front
sa likod at the back
mula from
papunta going to
diretso straight
malapit sa near the
Mga Verb/Verbs
dadaan will pass by
aakyát will go up
lilikô will turn (left or right)
sasakay will ride
papasok to go in
lalabas to go out
maglálakad will walk
tatawid will cross
iikot will go round
babalik will go back
magbibisikleta ride by bike
Mga Komon na Parirala sa Pagbibigay ng Direksyon/Common Phrases in Giving
Directions
…tumawid ka at maglakad ng mga 500 metro…
...cross and walk for 500 meters…
…ang kalyeng iyan ay tinatawag na Kalye Maliwanag…
…that street is called Maliwanag Street…
…sa tapat ng simbahan ay ang munisipyo…
…in front of the church is the town hall…
…dumiretso ka hanggang sa dulo ng kalyeng ito, nandoon ang tulay ng Zamar…
…go straight till the end of this road, there you can find the bridge of Zamar…
…pagdating mo sa may sinehan ng SM, sa kanan ay nandoon ang simbahan…
…when you reach the SM cinema, at the right is the church…
…bago makarating sa malaking tindahan, lumiko ka sa kaliwa…
…before reaching the big store, turn left…
4. Pagsasanay 2: Mag-ikót sa Aming Unibersidád/Let’s Tour Around Our University
Gamitin ang mapa ng unibersidad at ipaliwanag sa klase kung anu-anong mga gusali ang
madadaanan habang pumapasok at umiikot sa buong kampus.
Use the map of the university and tell the class what buildings can you see as you enter and
tour around the campus.
Kasanayan sa Gramar/Grammar Skill
Mga Batayang Konsepto ng Marker sa Filipino/Basic Concepts of Marker in Filipino
Gamit ng Marker na, ng at sa
NG/NG MGA – Binibigkas na [naŋ]/ pronounced as [naŋ]
1. Bilang genitive/possessive na marker/as a genitive/possessive marker
Halimbawa/Example: (a) Parirala phrases
bag ng mga bata the child’s bag
relo ng inhinyero the engineer’s watch
bolpen ng mga titser the teacher’s ballpen
mga hikaw ng babae the woman’s earrings
pinsan ng tatay ko my father’s cousin
(b) Pangungusap sentences
Siya ay kapatid ng nanay ko.
She is the sibling of my mother.
Hapunan ng lola ang Nasi Goreng sa mesa.
The Nasi Goreng on the table is grandma’s dinner.
2. Bilang marker ng objek sa isang pangungusap/As an object marker in a sentence
Halimbawa/Example:
Kumain ang bata ng lanzones. The child ate the lanzones.
Bumili ang nanay ng bigas. My mother bought rice.
Sumayaw ang mga matatanda ng Cha-cha. The olds danced Cha-cha.
Nanood sina Rex at Jessie ng sine. Rex and Jessie watched a movie.
Humiram ako ng libro sa aklatan. I borrowed book from the library.
Sa – Ito ay marker para sa lokasyon o direksyon/It is a location or direction marker
Halimbawa/Example:
1. Pumunta sina Roly at Alan sa gym. Roly and Alan went to the gym.
2. Bumabagyo ngayon sa Pilipinas. It’s stormy now in the Philippines.
3. Kumain kami ng pamilya ko sa restoran kagabi. Me and my family ate at a restaurant last
night.
Pagsasanay 2/Exercise 2:
Punan ng tamang marker (ang, ang mga, si/sina, ng/ni at sa) ang mga patlang.
Fill in the blanks with the correct markers (ang, ang mga, si/sina, ng, sa).
1. Naglaro _________ bata(pl.) __________ basketbol __________ park.
The children are playing basketball at the park.
2. Naligo __________ Betsy at Patty __________ swimming pool.
Betsy and Patty bathe at the swimming pool.
5. 3. Bumili __________ ate ko ______ bag __________ Gadong Mall.
My elder sister bought a bag at the Gadong Mall.
4. Naghapunan _____________ kaibigan (pl.) ko __________ Mua Thai Restaurant kagabi.
My friends had dinner at Mua Thai restaurant last night.
5. Kumain kami _________ saging ___________ mesa.
We ate a banana at the table.
6. Nagbiyahe ___________ buong pamilya ko __________Pransya at Italya.
My whole family travelled to France and Italy.
7. Nanghiram ____________ kaklase (pl.) _____ Raymond ___________ libro (pl.)
_____________laybrari/aklatan.
Raymond’s classmates borrowed books from the library.
8. Mababait ___________ pulis (pl.) __________ bansang Brunei.
The policemen in Brunei are good.
9. Mataas ____________ grado _____ Aizah _______ Filipino.
Aizah’s grade in Filipino is high.
10. Mahal __________ alak (pl.) ___________ Malaysia at Brunei.
The wines in Malaysia and Brunei are expensive.
Kasanayan sa Gramar: Mga Iba’t ibang Bahagi ng Bahay/Different Parts of the House
sala living room
banyo bathroom
balkonahe balcony
garahe garage
bakuran yard
bodega store room
kusina kitchen
kwarto bedroom
hardin garden
Pagbibigay ng Lokasyon/Giving Directions
sa haráp/tapát in front of
sa gilid beside
kasunod ng… next to
sa likόd at the back
sa ibabaw above
sa dulo at the far end
sa unahán straight ahead
sa ilalim below
sa kaliwâ/kanan to the left/right
sa tabí beside
malapit sa near
Pagsasanay 3/Exercise 3:
Humanap ng kapartner at basahin ng wasto ang mga pag-uusap sa ibaba. Pagkatapos ay
hanapin at bilugan ang mga sa-marker.
6. Find a partner and read correctly the dialogs below. Then encircle the sa-markers.
Pag-uusap 1: Hapon, sa bakuran ni Lourdes. Habang nagdidilig siya ng tanim ay may
lumapit na isang babae.
Babae: Magandang hapon po! Saan po ba dito ang bahay nina Manong Ricardo?
Lourdes: Mula dito, lumakad ka lang ng diretso. Pagdating sa dulo, kumaliwa ka. Mga
pangatlong bahay mula sa kanto sa kanan. Iyong may puting gate at may malaking puno ng
palmera sa harap.
Babae: Ahh, madali lang palang matunton. Sige, salamat po!
Lourdes: Walang anuman!
Dialog 1: One afternoon, in Lourdes’ yard. While she is watering the plants, a woman
approached her.
Woman: Good Afternoon! I just would like to inquire where Manong Ricardo’s house is?
Lourdes: From here, just walk straight. At the end of this road, turn left. The 3rd house on
the right. The one with the white gate with a palm tree in front.
Woman: Ahh, that’s easy. Ok, thanks!
Lourdes: You are welcome!
Pag-uusap 2: Linggo, sa bagong bahay nina Laura. Bumisita ang kaibigan niyang si Kris na
matagal na niyang di nakita.
Kris: Tao po!
Laura: Uy, Kris! Kumusta? Ang tagal na nating di nagkita. Tuloy ka!
Gusto mo ng inumin? Kape? Juice? O tsaa?
Kris: Huwag na, salamat. Ang ganda ng bahay ninyo! At bagung-bago! Maari ko bang
makita ang buong bahay?
Laura: Oo naman. Mayroon kaming dalawang sala. Isa dito sa ibaba at isa din doon sa
itaas. Nandito sa kaliwa ang kainan. Lakad ka papunta sa dulo at nasa kanan ang kusina.
Nandito naman sa labas ng kusina, sa kanan, ang labahan.
Anim ang kwarto namin. Dalawa dito sa ibaba. Katapat ng kainan ang isang kwarto
para sa Ate Lorna ko. Habang nasa likod naman ng kusina ang kwarto ng aming katulong.
Kris: Saan ang kwarto mo?
Laura: Nasa itaas. Pag-akyat mo ng hagdanan, diretso ka sa dulo at nasa huling kwarto sa
kaliwa. Apat ang kwarto doon. Sa may hagdanan sa kanan ang kwarto ng mga magulang ko
habang katapat naman nito sa kaliwa ang kwarto ng mga kuya ko. Ang huling kwarto sa
kanan ay ginawa naming study room kasi maluwag ito at maganda ang tanawin sa labas ng
bintana.
Kris: Wow, napakalaki pala ng bahay ninyo.
Laura: Malaki kasi ang pamilya ko.
Kris: O sige, magpapaalam na ako at inutusan pa ako ng mama ko na mamalengke. Paalam!
Laura: Sige, ingat! Ikumusta mo ako sa mga kapatid mo.
Kris: Oo, makakarating.
Dialog 2: Sunday, at Laura and her family’s new house. Her friend Kris visited her after a
long time of not seeing each other.
Kris: Hello, is anybody home?
Laura: Kris! How are you? We haven’t seen each other for ages. Come in! You want
something to drink? Coffee? Juice? Or tea?
Kris: No, thanks. Your house is so beautiful! And so new! Can you show me around?
7. Laura: Sure. We have two living rooms, one here and one upstairs. The dining room is here
on the left. Walk straight at the end and the kitchen is on the right. Outside the kitchen on the
right is the laundry area.
We have six bedrooms and two are here. My Ate Lorna’s room is across the dining
room. While our maid’s room is at the back of the kitchen.
Kris: Where is your bedroom?
Laura: Upstairs. When you go up the stairs, just go straight at the end, the last room at the
right. There are four bedrooms upstairs. My parents’ room is near the stairs at the right
while across on the left is my elder brother’s room. The last room on the right becomes our
study because it is spacious and the view outside is beautiful.
Kris: Wow, your house is really big.
Laura: Because my family is also big.
Kris: Ok, got to go now. My mom asked me to go to the market. Bye!
Laura: Ok, take care! Extend my regards to your siblings.
Kris: Yes, I will.
Kasanayan sa Gramar/Grammar Skill: Mga Simpleng Pangungusap Simple Sentences
Predikeyt-Sabjek (P-S) na pangungusap /Predicate-Subject (P-S) sentence
Ito ang pinakabeysik the istruktura ng pangungusap sa Filipino. Ito ay nagbibigay ng
impormasyon kung anong nangyayari sa Sabjek at minsan ay deskripsyon tungkol sa Sabjek.
Lalo na kung ang Predikeyt at isang adjektiv.
This is the basic sentence structure in Filipino. It gives information on what is going on with
the Subject and sometimes descriptions about the subject. Particularly when the Predicate is
an adjective.
Halimbawa/Example:
Nahulog ang bata sa bintana. The child fell from the window.
Umiyak ang babae. The woman cried.
Sumayaw ng masayang tugtugin si Maria. Maria danced to a jolly music.
Naglilinis ng bahay ang mag-anak. The family is cleaning the house.
Nag-aaral ng leksyon ang mga estudyante. The students are studying the lesson.
Mabait si Nene. Nene is kind-hearted.
Pagsasanay 4: Ang Bahay Namin/Our House
Gumawa ng iskets ng inyong bahay at ipaliwanag ito sa klase.
Draw a sketch of your house and explain your sketch in class.
Takdang Aralin/Homework
Alamin at ilista ang iba’t ibang uri ng gusali at mga lugar sa inyong pamayanan at ipaliwanag
ang gamit ng mga ito. Isulat ang inyong sagot sa isang papel.
Find out and list down the different buildings and places in your community and explain the
function of each. Write your answers in a paper.