Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko
1.
2. Ang prehistory ay yugto sa mahabang
nakaraan ng sangkatauhan na nag-
uugat halos 2.5 milyong taon na ang
nakalilipas o bago pa ang pagkakalikha
ng isang sistematikong pagsusulat at
pagtatala.
Kabilang sa ilang disiplina na
nagtutulungan sa pag-aaral ng
prehistory ay ang biology, botany,
geography, geology at zoology.
3. Una ay ang ebolusyon o sapientization,
ito ang mga pagbabagong naganap sa
aspetong biyolohikal ng tao hanggang
sa makamit ang katalinuhang
naghiwalay sa kanya sa mga hayop.
Ang ikalawa ay ang pagkakaroon ng
kasalukuyang uri ng tao ng kakayahan
na makagawa o makalikha ng bagay-
bagay.
4.
5. Dokumentong
Historikal at mga
kagamitang hatid ng
panahon Ang
tinatayang panahon
ay mula sa
kasalukuyan
hanggang sa 3000
BCE sa ilang mga
lugar. Ito ang
pangkaraniwang
paraan ng
pagpepetsa.
6. Radiocarbon (C14) –
Ang tinatayang
panahon ay mula 1500
CE hanggang 40, 000
taon o higit pa. Ito ay
naimbento nina J. R.
Arnold at W. F. Libby
noong 1949. Sa paraang
ito, ang mga isotope-
carbon 14 ang siyang
sinusuri upang matukoy
ang edad ng mga
materyales na may
carbon o carbonaceus
materials.
7. Dendrochronology o
Tree-Ring Dating Ang
tinatayang panahon
ay mula sa
kasalukuyan
hanggang 5000 BCE.
Ito ay ay isang
pamamaraang
ginagamit upang
siyentipikong matukoy
ang gulang o edad ng
isang puno.
8. Potassium-Argon
Dating – Ang
tinatayang panahon
ay mula 50, 000
hanggang 4.5 milyong
taon at mas higit pa.
Ito ay isang
kaparaanang
ginagamit upang
tukuyin ang edad o
gulang ng mga
sinaunang depositong
mineral.
9.
10. Ang Panahong Paleolitiko (Paleolithic
Period o Old Stage Age) ang
pinakamaagang panahong kinakitaan
ng pag-unlad ng tao.
Ang terminong ito ay mula sa mga
katagang Greek na paleos o ”matanda”
at lithos o “bato.”
Kaalinsabay nito ang napakalawak na
panahong heolohikal na Pleistocene. Ito
ang pinakamaagang bahagi ng
Panahong Bato (Stone Age)at
pinakamahabang yugto sa kasaysayan
ng sangkatauhan.
11. Ito ang panahon ng pinakamaagang
pananatili ng tao sa daigdig simula
nang maitala sa arkeolohiya ang
kanyang pamumuhay. Ito ay nagtapos
120, 000 taon BCE nang magkaroon ng
mahahalaga at kapansin-pansing
pagbabago sa ebolusyon at teknolohiya
ng tao na nagbigay daan sa pagdating
ng Middle Paleolithic Period
12. Ito ay ang panahon sa kalagitnaan ng Panahong
Paleolitiko na tumagal mula 120, 000 hanggang 40,
000 taon.
Sa panahong ito, ang mga unang hominid ay higit
pang nakontrol ang kanilang kapaligiran.
Umusbong ang ekspresyong artistiko ng mga tao.
Nagkaroon na rin ng paglilibang at pagkakaroon
ng mga kaparaanang relihiyoso at ritwal. Kabilang
sa panahong ito ang kulturang Mousterian na
kadalasang iniuugnay sa mga Taong Neanderthal.
13.
14. Ito ang ikatlo at panghuling dibisyon ng Panahong Paleolitiko sa Europa,
Africa at Asya.
Saklaw nito ang mga panahon mula 40, 000 at 8500 taon.
Matapos lumisan mula sa Africa noong Middle Paleolithic Period ang
mga makabagong tao, sila ay nagsimulang bumuo ng kanilang sariling
kulturang panrelihiyon. Nagkaroon ng mga unang pamayanan sa
anyong campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak.
Panahon din ito ng makailang ulit na pagbaba ng pandaigdigang
temperatura.
Lumitaw ang pagiging artistiko ng mga tao at gayun din ang mga
kumplikadong pagpapangkat sa lipunan, mas maraming uri ng
pagkain at mas espesyalisadong uri ng kagamitan. Nagkaroon ng mga
unang pamayanan sa anyong campsite na kadalasang matatagpuan
sa mga lambak.
Panahon din ito ng makailang ulit na pagbaba ng pandaigdigang
temperatura.
Lumitaw ang pagiging artistiko ng mga tao at gayun din ang mga
kumplikadong pagpapangkat sa lipunan, mas maraming uri ng
pagkain at mas espesyalisadong uri ng kagamitan.
15. Venus Figurine
Sumisimbolo sa
kakayahang magkaanak.
Maliban dito, lumitaw
ang mga komplikadong
pagpapangkaat sa
lipunan, mas maraming uri
ng mga kagamitan.
o Gawa ito sa limestone
na nahukay sa austria
16. Cro-Magnon Ang
pangalang ito ay
hango sa lugar sa
katimugang France
kung saan
natuklasan ang
kanilang labi noong
1856
17. Mayroon silang
naiwang mga pinta
ng mga hayop na
matatagpuan sa
mga yungib ng
Altamira sa hilagang
Spain at Lascaux sa
Timog Kanlurang
France
18.
19. Ang Panahong Neolitiko (Neolithic o
New Stone Age) ay ang huling bahagi
ng Panahong Bato. Ang pangalan nito
ay hango sa salitang Greek na “neos” o
bago at “lithos” o bato.
Ang terminong Neolitiko ay ginagamit sa
arkeolohiya at antropolohiya upang
italaga ang isang antas ng ebolusyong
pangkalinangan o pagbabago sa
teknolohiya.
20. Ilan sa mga katangian ng panahong ito
ay:
• Paggamit sa iba’t ibang kasangkapang
bato na higit na pulido at pino.
• Pananatili ng mga tao sa mga
pamayanan.
• Domestikasyon ng mga pananim at hayop.
• Pagkakaroon ng mga kasanayan sa
paggawa.
o Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay
itinakda simula sa pagkakaroon ng
malalaki at mahahalagang pagbabago sa
pamumuhay ng mga tao.