SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
Gaudete Study Center Inc.
Unang Buwanang Pagsusulit
Ekonomiks
T.Carrie
Pangalan:____________________________ Petsa:____________
I. Basahin at suriin ang tula at sagutin ang mga
hinihinging tanong sa pamamagitan ng pagbilog
ng akmang sagot.
Awit sa Ilog Pateros
Jose F. Lacaba
I
Tagailog ay di natutong lumalangoy:
Sa hiya’y matinis itong aking taghoy.
O ilog Pateros, agos na marahan,
Ang paliwanag ko ay iyong pakinggan.
II
Oo, kung umagang bagong gising tayo,
Ginto kang gayuma sa mga tulad ko,
At sa hapon naman, paghimlay ng araw,
Ang lambong mo’y pilak na nakasisilaw.
III
Pero sa pagitan ng umaga’t gabi,
Ano ang iyong maipagmamalaki?
Putik kang malapot, tahanan ng suso,
Lubluban ng kalabaw, tinta ka’t tanso.
IV
Waterliling ugat ay makutong buhok,
Bituka’t ng dagang nabubulok
Naglalahong bula ng sabong panlaba,
Dumi ng tao at tambak na basura-
V
Ito at iba pa, O ilog Pateros,
Ay dalang lagi ng marahan mong agos.
At akong bata pa’y masyadong pihikan,
Aasahan bang matuto ng languyan?
1. ano ang hinaing ng may akda?
a. masaya b. nagdadalamhati
c. nananaghoy d. pihikan
2. para saan ang mensahe ng tula?
a. kapaligiran at polusyon
b. polusyon
c. sanlibutan
3. ano larawan ng ‘Ilog Pateros’ sa kasalukuyan?
a. marumi
b. nananaghoy
c. kaayaaya
4. ‘O ilog Pateros, agos na marahan, ang
paliwanag ko ay pakinggan’ anong tayutay ay
ang isinasaad nito
a. Pagtawag
b. Pagwawangis
c. Simbolismo
5. bakit hindi natutong lumangoy o di ginustong
lumangoy sa ilog ng may – akda?
a. pihikan
b. dahil madumi ang ilog
c. tinatamad
II. A. Pagsusuri ng Talumpati batay sa kilos at
gawi. Basahin at piliin kung anong uri ng
pagkabansot ang makikita sa mga sitwasyon sa
kabilang pahina. Titik lamang ang isulat sa
patlang.
Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan
- I -
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang
Pilipino ay ang salitang "nabansot." Kapag ang isang
bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil
na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot.
Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang
pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng
isipan, ng puso, at ng diwa.Ang panahon ng kabataan
ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay
kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong
katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang.
Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man
ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman
nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan.
Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at
bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo
nama’y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan—
anong laking kakulangan. Kung magkakatawan
tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating
isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating
kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan—
anong kapinsalaan para sa kinabukasan.
- II -
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng
Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa
langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya
sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng
pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon.
Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o
bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang
sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang
kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag
nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-
aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong
magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan.
Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon
sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga
magulang at sa mahiwagang araw ng bukas
makakaya nating balikatin and mabibigat na suliranin
ng ating bansa. Huwag nating akalaing
makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at
kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla
tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay
na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala
rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa
pawis ng gawa.
- -
_____ 1. dahil sa pagiging isip bata, maraming
kasamahan sa trabaho ang naiinis kay karlo.
a. Pagkabansot sa pisikal
b. Pagkabansot ng isipan
c. Pagkabansot ng puso
_____ 2. galit na galit si Trexter tuwing may
mga pulubing manghihingi ng limos sa kanya.
a. Pagkabansot sa pisikal
b. Pagkabansot ng isipan
c. Pagkabansot ng puso
_____ 3. hindi natanggap sa trabahong
inaplayan si Angelo dahil hindi niya maabot
ang mataas na marka.
a. Pagkabansot sa pisikal
b. Pagkabansot ng isipan
c. Pagkabansot ng puso
_____ 4. limang taon na sa hayskul ay hindi pa
rin makatapos si John dahil hindi niya
matutuhan ang mga aralin kaya’t madalas
siyang bumagsak sa pagsususlit.
a. Pagkabansot sa pisikal
b. Pagkabansot ng isipan
c. Pagkabansot ng puso
_____ 5. ,madalas na mapagkamalang bata si
Rose ann dahil sa taas niyang apat na
talampakan.
a. Pagkabansot sa pisikal
b. Pagkabansot ng isipan
c. Pagkabansot ng puso
_____ 6. madalas laitin ni Sheila ang mga
kamag – aral niyang mahihirap at pangit ang
itsura.
a. Pagkabansot sa pisikal
b. Pagkabansot ng isipan
c. Pagkabansot ng puso
_____ 7. masyadong mapagmataas sa kapwa
si Victorina kaya iilan lamang ang kanyang mga
kaibigan.
a. Pagkabansot sa pisikal
b. Pagkabansot ng isipan
c. Pagkabansot ng puso
_____ 8. mayaman na nga ay nandaraya pa rin
sa kapwa si Saturnina dahil gusto niyang lalo
pang dumami ang kanyang pera.
a. Pagkabansot sa pisikal
b. Pagkabansot ng isipan
c. Pagkabansot ng puso
_____9. nagpapagawa ng takdang – aralin sa
kaibigan si Jackie dahil nahihirapan siyang
unawain ito.
a. Pagkabansot sa pisikal
b. Pagkabansot ng isipan
c. Pagkabansot ng puso
_____10. si Ninay ay palaging sa unahan ng
klase nakaupo upang hindi mahirapang Makita
ang nakasulat sa pisara na natatakpan ng ulo
ng mas matatangkad niyang mga kaklase.
a. Pagkabansot sa pisikal
b. Pagkabansot ng isipan
c. Pagkabansot ng puso
II. B. Pagsusuri sa mga pahayag
Isulat ang K kung katotohanan at O kung
opiniyon ang ipinahahayag ng bawat bilang.
_____1. ang isang bagay na dapat lumaki
ngunit tumigit sa paglaki ay nabansot.
_____2. ayon sa akda, maraming uri ng
pagkabansot, pero ang pinakamalungkot na
pagkabansot ay ang pagkabansot ng isipan.
_____3. ayon sa akda, ang kabataan daw ay
siyang pag – asang bayan.
_____4. ang lahat ng tao ay tumataas, ngunit
mas kaakit – akit tingnan ang matatangkad.
_____5. ang taong lumaki lang ang pisikal na
katawan ay mahirap mapagkatiwalaan.
II. C. Pagpapayabong ng Talasalitaan batay sa
pahayag. Bilugan ang salitang hindi
kasingkahulugan ng mga salita.
_____1. <Bansot >
a. maliit
b. pandak
c. payat
_____2. <Dalubhasa >
a. eksperto
b. matalas
c. bihasa
_____3. <kalaswaan >
a. kamalayan
b. kahalayan
c. kamunduhan
_____4. <kinamihasnan >
a. kinagiliwan
b. kinasanayan
c. kinagawain
_____5. <mapagkakatiwalaan >
a. maaasahan
b. masasandalan
c. malalampasan
III. A. Tukuyin kung anong elemento ng tula
ang isinasaad sa bawat bilang.
1. bilang ng pantig sa bawat taludtod.
a. sukat
b. tugma
c. tayutay
d. larawang diwa
2. tumutukoy sa pagkakapareho ng dulong
tunog o titik ng salita sa bawat taludtod.
a. tugma
b. sukat
c. tayutay
d. taludtod
3. salita sa tula na may kahulugan sa
mapanuring isipan ng mambabasa.
a. simbolismo
b. pag – uulit
c. pagtawag
d. pagtatanong
4. paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay na ginagamitan ng mga pariralang
katulad ng, gaya ng, at iba pa.
a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Pagmamalabis
d. Pag – uulit
5. lubhang pinalalabis o pinakukulang ang
tunay na kalagayan ng tao, bagay, o
pangyayari.
a. pagmamalabis
b. pagtawag
c. pag – uyam
d. pagtatambis
III. B. Balikan ang tulang binasa. Suriin ito sa
elementong hinihingi sa ibaba. Bilugan ang
tamang sagot sa loob ng panaklong.
Anong tayutay ang nasa pahayag na:
1. O ilog, napakarahan ng iyong agos
(Pagmamalabis)
(Pagtutulad)
(Pagtawag)
2. ang kulay ng ilog ay parang tinta
(pagtutulad)
(pagwawangis)
(paghihimig)
3. Ang paglangoy sa maruming ilog ay
nakalalakas kaya marami ang may sakit sa
paligid nito.
(pagwangis)
(pagtulad)
(pag-uyam)
4. Ang kagandahan mo ay gayuma sa aking
paningin.
(pag-uuyam)
(pag-uulit)
(pagwawangis)
5. Nawala ang ilog sa dami ng mga barung-
barong sa paligid.
(pagmamalabis)
(pagpapalit-saklaw)
(pagtutulad)
6. Nagagalit ang ilog sa pagmamalabis ng mga
tao.
(pagpapalit-saklaw)
(pagsasatao)
(pagwawangis)
7. Libong kamay ang nawalan, nang ang ilog ay
namaalam.
(pagmamalabis)
(pagpapalit-saklaw)
(pagsasatao)
8. Hinahanap at hinihintay ng marami ang
himalang paglinis ng ilog kahit man lamang sa
kanilang hinagap.
(pagmamalabis)
(paghihimig)
(pag-uulit)
9. ang sagitsit ng hangin ay nagbabadya ng
paparating na panganib.
(Pagtatanong)
(Paghihimig)
(pagsasatao)
10. ang isang mabuting mamamayan ba ay
nagpapabaya sa kanyang kapaligiran?
(Pagtatanong)
(Pagtatambis)
(Pagsasatao)
IV. A. Talasalitaan. Hango sa kwentong Cañao.
1. tanging lupon ng matatalinong matatanda sa
bayan – bayanan sa nayon na hinihingian ng
mga tao ng payo
a. intugtukon
b. af-fong
c. gangsa
2. isang uri ng instrumentong karaniwang
ginagamit sa mga idinaraos ng cañao
a. gangsa
b. af-fong
c. intugtukon
3. matatandang Igorot
a. am-ama
b. gangsa
c. af-fong
4. mga panalanging inaawit sa cañao
a. ay-yeng
b. am-ama
c. af-fong
5. mga guhit sa katawan; kauri ng tattoo
a. fatek
b. am-ama
c. af-fong
IV. B. Pagpili ng kasing – kahulugan
6. sa tabi ni Lifu-o ay walang katinag – tinag na
nakaupo ang kaniyang mag – ina.
a. walang kakibu – kibo
b. walang kagalaw – galaw
c. walang kasali – salita
d. walang kasabi – sabi
7. halos sabay – sabay na napabulalas ang tatlo
sa nakitang pangayayari.
a. napahudyat
b. napasiklot
c. napasigaw
d. napatulala
8. maraming pangyayari ang nanikit sa kanyang
utak bago magsimula ang pagdiriwang ng
cañao.
a. pumasok
b. nagpapahiwatig
c. nakasama
d. bumulong
9. dumapo ang isang ibong nabighani sa
kakinangan ng punong tumubo.
a. nasilaw
b. naakit
c. naligaw
d. napagod
10. ang liwanag mula sa baga na lamang ang
naiwang tanglaw ng matandang kuba.
a. ilaw
b. tangan
c. suporta
d. hawak
V. Sanaysay (5 Puntos)
a. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong
humiling ng isang bagay sa Diyos at ito ay
kaniyang pagbibigyan, ano ang bagay na iyong
hihilingin? Bakit mo ito hihilingin at paano mo
gagamitin ang kahilingan ito hindi lamang para
sa iyong sarili kundi para rin sa iyong kapwa?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
____________________________________
______________________________________
___________________________________
b. kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong
bumalik sa nakaraan kung saan namamalas pa
ang kalinisan at kagandahan ng Ilog Pateros at
isa ka sa mga mamamayang nakatira malapit
dito, anu – ano ang gagawin mo upang hindi na
ito sapitin ang kasalukuyang kalagayan at
maiba na ang “Awit sa Ilog Pateros”?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
____________________________________
---GoodLuck!---

More Related Content

What's hot

Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipinoanalyncutie
 
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptxPANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptxreychelgamboa2
 
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaPamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaJeremiah Castro
 
FILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptx
FILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptxFILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptx
FILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptxKlarisReyes1
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoJenita Guinoo
 
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIreneGabor2
 
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan Joel Soliveres
 
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboPagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboArlyn Duque
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminJeremiah Castro
 
Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)
Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)
Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)Lodevics Taladtad
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
Isang Matandang kuba sa gabi ng Cañao - TALASALITAAN.pptx
Isang Matandang kuba sa gabi ng Cañao - TALASALITAAN.pptxIsang Matandang kuba sa gabi ng Cañao - TALASALITAAN.pptx
Isang Matandang kuba sa gabi ng Cañao - TALASALITAAN.pptxWillySolbita1
 
Ang Ningning at Ang Liwanag
Ang Ningning  at  Ang LiwanagAng Ningning  at  Ang Liwanag
Ang Ningning at Ang Liwanagjoycelenesoriano
 

What's hot (20)

FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
Grade 7 Q2 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Q2 Filipino LAS.pdfGrade 7 Q2 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Q2 Filipino LAS.pdf
 
Filipino 9
Filipino 9Filipino 9
Filipino 9
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
Paglalarawan
PaglalarawanPaglalarawan
Paglalarawan
 
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptxPANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
 
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaPamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Kay estella zeehandelaar
Kay  estella  zeehandelaarKay  estella  zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
FILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptx
FILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptxFILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptx
FILIPINO 8 Q3 WEEK 3.pptx
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
 
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
 
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
 
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboPagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)
Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)
Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
 
Isang Matandang kuba sa gabi ng Cañao - TALASALITAAN.pptx
Isang Matandang kuba sa gabi ng Cañao - TALASALITAAN.pptxIsang Matandang kuba sa gabi ng Cañao - TALASALITAAN.pptx
Isang Matandang kuba sa gabi ng Cañao - TALASALITAAN.pptx
 
Ang Ningning at Ang Liwanag
Ang Ningning  at  Ang LiwanagAng Ningning  at  Ang Liwanag
Ang Ningning at Ang Liwanag
 

Similar to Filipino iii (1st monthly)

M1-Karunungang Bayan.pptx
M1-Karunungang Bayan.pptxM1-Karunungang Bayan.pptx
M1-Karunungang Bayan.pptxGemmaSibayan1
 
presentation of alamat Filipino grade nine
presentation of alamat Filipino grade ninepresentation of alamat Filipino grade nine
presentation of alamat Filipino grade nineJohannaDapuyenMacayb
 
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxCHRISTIANJIMENEZ846508
 
Karunungang-Bayan-Ppt.pptx
Karunungang-Bayan-Ppt.pptxKarunungang-Bayan-Ppt.pptx
Karunungang-Bayan-Ppt.pptxValenton634
 
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismoModyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismodionesioable
 
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptx
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptxFil7 - Week 4 - Alamat.pptx
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptxhelson5
 
ARAlin-15-Laki-sa-Layaw.pptx
ARAlin-15-Laki-sa-Layaw.pptxARAlin-15-Laki-sa-Layaw.pptx
ARAlin-15-Laki-sa-Layaw.pptxRubyanneGonzales
 
2nd quarter-1st-filipino-8-and-so-on
2nd quarter-1st-filipino-8-and-so-on2nd quarter-1st-filipino-8-and-so-on
2nd quarter-1st-filipino-8-and-so-onGirlieMaeFlores1
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at re
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at reModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at re
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at reMaricar Ronquillo
 
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_dionesioable
 
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksistenModyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksistendionesioable
 
epiko- by louie Mangampo
epiko- by louie Mangampoepiko- by louie Mangampo
epiko- by louie MangampoMark Mangampo
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxEDNACONEJOS
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismodionesioable
 
PAGSUSULIT.pptx
PAGSUSULIT.pptxPAGSUSULIT.pptx
PAGSUSULIT.pptxMayumi64
 

Similar to Filipino iii (1st monthly) (20)

2nd monthly Fil III
2nd monthly Fil III2nd monthly Fil III
2nd monthly Fil III
 
M1-Karunungang Bayan.pptx
M1-Karunungang Bayan.pptxM1-Karunungang Bayan.pptx
M1-Karunungang Bayan.pptx
 
presentation of alamat Filipino grade nine
presentation of alamat Filipino grade ninepresentation of alamat Filipino grade nine
presentation of alamat Filipino grade nine
 
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
 
Karunungang-Bayan-Ppt.pptx
Karunungang-Bayan-Ppt.pptxKarunungang-Bayan-Ppt.pptx
Karunungang-Bayan-Ppt.pptx
 
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismoModyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
Modyul 3 pagsusuri ng akda batay sa imanismo at romantisismo
 
1st quarter exam Filipino III
1st quarter exam Filipino III1st quarter exam Filipino III
1st quarter exam Filipino III
 
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptx
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptxFil7 - Week 4 - Alamat.pptx
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptx
 
ARAlin-15-Laki-sa-Layaw.pptx
ARAlin-15-Laki-sa-Layaw.pptxARAlin-15-Laki-sa-Layaw.pptx
ARAlin-15-Laki-sa-Layaw.pptx
 
1st- Aralin 1.pptx
1st- Aralin 1.pptx1st- Aralin 1.pptx
1st- Aralin 1.pptx
 
2nd quarter-1st-filipino-8-and-so-on
2nd quarter-1st-filipino-8-and-so-on2nd quarter-1st-filipino-8-and-so-on
2nd quarter-1st-filipino-8-and-so-on
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at re
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at reModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at re
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at re
 
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
 
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksistenModyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
Modyul 8 pagsusuri ng akda batay sa romantesismo at eksisten
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
epiko- by louie Mangampo
epiko- by louie Mangampoepiko- by louie Mangampo
epiko- by louie Mangampo
 
Filipino 6
Filipino 6Filipino 6
Filipino 6
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
 
PAGSUSULIT.pptx
PAGSUSULIT.pptxPAGSUSULIT.pptx
PAGSUSULIT.pptx
 

More from Carie Justine Estrellado

Blundering Leadership Missteps by School Administrators (Tamara Arnott) ).docx
Blundering Leadership Missteps by School Administrators (Tamara Arnott) ).docxBlundering Leadership Missteps by School Administrators (Tamara Arnott) ).docx
Blundering Leadership Missteps by School Administrators (Tamara Arnott) ).docxCarie Justine Estrellado
 
UCSP Understanding Culture, Society, and Politics
UCSP Understanding Culture, Society, and PoliticsUCSP Understanding Culture, Society, and Politics
UCSP Understanding Culture, Society, and PoliticsCarie Justine Estrellado
 
examination for comprehensive exam practice problem
examination for comprehensive exam practice problemexamination for comprehensive exam practice problem
examination for comprehensive exam practice problemCarie Justine Estrellado
 
Political science (political culture and subculture)
Political science (political culture and subculture)Political science (political culture and subculture)
Political science (political culture and subculture)Carie Justine Estrellado
 
declamation piece for high school, english TRAGEDY
declamation piece for high school, english TRAGEDYdeclamation piece for high school, english TRAGEDY
declamation piece for high school, english TRAGEDYCarie Justine Estrellado
 

More from Carie Justine Estrellado (20)

Lesson Plan for demo
Lesson Plan for demoLesson Plan for demo
Lesson Plan for demo
 
searching for local literatures.docx
searching for local literatures.docxsearching for local literatures.docx
searching for local literatures.docx
 
post pandemic education
post pandemic educationpost pandemic education
post pandemic education
 
mindfulness
mindfulnessmindfulness
mindfulness
 
Blundering Leadership Missteps by School Administrators (Tamara Arnott) ).docx
Blundering Leadership Missteps by School Administrators (Tamara Arnott) ).docxBlundering Leadership Missteps by School Administrators (Tamara Arnott) ).docx
Blundering Leadership Missteps by School Administrators (Tamara Arnott) ).docx
 
Community quarantine classfications
Community quarantine classficationsCommunity quarantine classfications
Community quarantine classfications
 
Poverty
PovertyPoverty
Poverty
 
Poverty
PovertyPoverty
Poverty
 
Comprehensive reviewer for teachers
Comprehensive reviewer for teachersComprehensive reviewer for teachers
Comprehensive reviewer for teachers
 
UCSP Understanding Culture, Society, and Politics
UCSP Understanding Culture, Society, and PoliticsUCSP Understanding Culture, Society, and Politics
UCSP Understanding Culture, Society, and Politics
 
Deped career immersion
Deped career immersionDeped career immersion
Deped career immersion
 
sample quiz 4
sample quiz 4sample quiz 4
sample quiz 4
 
mindful breathing (Philippines)
mindful breathing (Philippines)mindful breathing (Philippines)
mindful breathing (Philippines)
 
Education 402
Education 402Education 402
Education 402
 
comprehensive exam for masters example
comprehensive exam for masters examplecomprehensive exam for masters example
comprehensive exam for masters example
 
examination for comprehensive exam practice problem
examination for comprehensive exam practice problemexamination for comprehensive exam practice problem
examination for comprehensive exam practice problem
 
factors affecting academic performance
factors affecting academic performancefactors affecting academic performance
factors affecting academic performance
 
Political science (political culture and subculture)
Political science (political culture and subculture)Political science (political culture and subculture)
Political science (political culture and subculture)
 
Sample quiz 3
Sample quiz 3Sample quiz 3
Sample quiz 3
 
declamation piece for high school, english TRAGEDY
declamation piece for high school, english TRAGEDYdeclamation piece for high school, english TRAGEDY
declamation piece for high school, english TRAGEDY
 

Filipino iii (1st monthly)

  • 1. Gaudete Study Center Inc. Unang Buwanang Pagsusulit Ekonomiks T.Carrie Pangalan:____________________________ Petsa:____________ I. Basahin at suriin ang tula at sagutin ang mga hinihinging tanong sa pamamagitan ng pagbilog ng akmang sagot. Awit sa Ilog Pateros Jose F. Lacaba I Tagailog ay di natutong lumalangoy: Sa hiya’y matinis itong aking taghoy. O ilog Pateros, agos na marahan, Ang paliwanag ko ay iyong pakinggan. II Oo, kung umagang bagong gising tayo, Ginto kang gayuma sa mga tulad ko, At sa hapon naman, paghimlay ng araw, Ang lambong mo’y pilak na nakasisilaw. III Pero sa pagitan ng umaga’t gabi, Ano ang iyong maipagmamalaki? Putik kang malapot, tahanan ng suso, Lubluban ng kalabaw, tinta ka’t tanso. IV Waterliling ugat ay makutong buhok, Bituka’t ng dagang nabubulok Naglalahong bula ng sabong panlaba, Dumi ng tao at tambak na basura- V Ito at iba pa, O ilog Pateros, Ay dalang lagi ng marahan mong agos. At akong bata pa’y masyadong pihikan, Aasahan bang matuto ng languyan? 1. ano ang hinaing ng may akda? a. masaya b. nagdadalamhati c. nananaghoy d. pihikan 2. para saan ang mensahe ng tula? a. kapaligiran at polusyon b. polusyon c. sanlibutan 3. ano larawan ng ‘Ilog Pateros’ sa kasalukuyan? a. marumi b. nananaghoy c. kaayaaya 4. ‘O ilog Pateros, agos na marahan, ang paliwanag ko ay pakinggan’ anong tayutay ay ang isinasaad nito a. Pagtawag b. Pagwawangis c. Simbolismo 5. bakit hindi natutong lumangoy o di ginustong lumangoy sa ilog ng may – akda? a. pihikan b. dahil madumi ang ilog c. tinatamad II. A. Pagsusuri ng Talumpati batay sa kilos at gawi. Basahin at piliin kung anong uri ng pagkabansot ang makikita sa mga sitwasyon sa kabilang pahina. Titik lamang ang isulat sa patlang. Sa Kabataan Onofre Pagsanghan - I - Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot." Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan— anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan— anong kapinsalaan para sa kinabukasan. - II - Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag- aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan.
  • 2. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwagang araw ng bukas makakaya nating balikatin and mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang. Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa. - - _____ 1. dahil sa pagiging isip bata, maraming kasamahan sa trabaho ang naiinis kay karlo. a. Pagkabansot sa pisikal b. Pagkabansot ng isipan c. Pagkabansot ng puso _____ 2. galit na galit si Trexter tuwing may mga pulubing manghihingi ng limos sa kanya. a. Pagkabansot sa pisikal b. Pagkabansot ng isipan c. Pagkabansot ng puso _____ 3. hindi natanggap sa trabahong inaplayan si Angelo dahil hindi niya maabot ang mataas na marka. a. Pagkabansot sa pisikal b. Pagkabansot ng isipan c. Pagkabansot ng puso _____ 4. limang taon na sa hayskul ay hindi pa rin makatapos si John dahil hindi niya matutuhan ang mga aralin kaya’t madalas siyang bumagsak sa pagsususlit. a. Pagkabansot sa pisikal b. Pagkabansot ng isipan c. Pagkabansot ng puso _____ 5. ,madalas na mapagkamalang bata si Rose ann dahil sa taas niyang apat na talampakan. a. Pagkabansot sa pisikal b. Pagkabansot ng isipan c. Pagkabansot ng puso _____ 6. madalas laitin ni Sheila ang mga kamag – aral niyang mahihirap at pangit ang itsura. a. Pagkabansot sa pisikal b. Pagkabansot ng isipan c. Pagkabansot ng puso _____ 7. masyadong mapagmataas sa kapwa si Victorina kaya iilan lamang ang kanyang mga kaibigan. a. Pagkabansot sa pisikal b. Pagkabansot ng isipan c. Pagkabansot ng puso _____ 8. mayaman na nga ay nandaraya pa rin sa kapwa si Saturnina dahil gusto niyang lalo pang dumami ang kanyang pera. a. Pagkabansot sa pisikal b. Pagkabansot ng isipan c. Pagkabansot ng puso _____9. nagpapagawa ng takdang – aralin sa kaibigan si Jackie dahil nahihirapan siyang unawain ito. a. Pagkabansot sa pisikal b. Pagkabansot ng isipan c. Pagkabansot ng puso _____10. si Ninay ay palaging sa unahan ng klase nakaupo upang hindi mahirapang Makita ang nakasulat sa pisara na natatakpan ng ulo ng mas matatangkad niyang mga kaklase. a. Pagkabansot sa pisikal b. Pagkabansot ng isipan c. Pagkabansot ng puso II. B. Pagsusuri sa mga pahayag Isulat ang K kung katotohanan at O kung opiniyon ang ipinahahayag ng bawat bilang. _____1. ang isang bagay na dapat lumaki ngunit tumigit sa paglaki ay nabansot. _____2. ayon sa akda, maraming uri ng pagkabansot, pero ang pinakamalungkot na pagkabansot ay ang pagkabansot ng isipan. _____3. ayon sa akda, ang kabataan daw ay siyang pag – asang bayan. _____4. ang lahat ng tao ay tumataas, ngunit mas kaakit – akit tingnan ang matatangkad. _____5. ang taong lumaki lang ang pisikal na katawan ay mahirap mapagkatiwalaan. II. C. Pagpapayabong ng Talasalitaan batay sa pahayag. Bilugan ang salitang hindi kasingkahulugan ng mga salita. _____1. <Bansot > a. maliit b. pandak c. payat _____2. <Dalubhasa > a. eksperto b. matalas c. bihasa _____3. <kalaswaan > a. kamalayan b. kahalayan c. kamunduhan _____4. <kinamihasnan > a. kinagiliwan b. kinasanayan c. kinagawain _____5. <mapagkakatiwalaan > a. maaasahan b. masasandalan c. malalampasan
  • 3. III. A. Tukuyin kung anong elemento ng tula ang isinasaad sa bawat bilang. 1. bilang ng pantig sa bawat taludtod. a. sukat b. tugma c. tayutay d. larawang diwa 2. tumutukoy sa pagkakapareho ng dulong tunog o titik ng salita sa bawat taludtod. a. tugma b. sukat c. tayutay d. taludtod 3. salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa. a. simbolismo b. pag – uulit c. pagtawag d. pagtatanong 4. paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, gaya ng, at iba pa. a. Pagtutulad b. Pagwawangis c. Pagmamalabis d. Pag – uulit 5. lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari. a. pagmamalabis b. pagtawag c. pag – uyam d. pagtatambis III. B. Balikan ang tulang binasa. Suriin ito sa elementong hinihingi sa ibaba. Bilugan ang tamang sagot sa loob ng panaklong. Anong tayutay ang nasa pahayag na: 1. O ilog, napakarahan ng iyong agos (Pagmamalabis) (Pagtutulad) (Pagtawag) 2. ang kulay ng ilog ay parang tinta (pagtutulad) (pagwawangis) (paghihimig) 3. Ang paglangoy sa maruming ilog ay nakalalakas kaya marami ang may sakit sa paligid nito. (pagwangis) (pagtulad) (pag-uyam) 4. Ang kagandahan mo ay gayuma sa aking paningin. (pag-uuyam) (pag-uulit) (pagwawangis) 5. Nawala ang ilog sa dami ng mga barung- barong sa paligid. (pagmamalabis) (pagpapalit-saklaw) (pagtutulad) 6. Nagagalit ang ilog sa pagmamalabis ng mga tao. (pagpapalit-saklaw) (pagsasatao) (pagwawangis) 7. Libong kamay ang nawalan, nang ang ilog ay namaalam. (pagmamalabis) (pagpapalit-saklaw) (pagsasatao) 8. Hinahanap at hinihintay ng marami ang himalang paglinis ng ilog kahit man lamang sa kanilang hinagap. (pagmamalabis) (paghihimig) (pag-uulit) 9. ang sagitsit ng hangin ay nagbabadya ng paparating na panganib. (Pagtatanong) (Paghihimig) (pagsasatao) 10. ang isang mabuting mamamayan ba ay nagpapabaya sa kanyang kapaligiran? (Pagtatanong) (Pagtatambis) (Pagsasatao) IV. A. Talasalitaan. Hango sa kwentong Cañao. 1. tanging lupon ng matatalinong matatanda sa bayan – bayanan sa nayon na hinihingian ng mga tao ng payo a. intugtukon b. af-fong c. gangsa 2. isang uri ng instrumentong karaniwang ginagamit sa mga idinaraos ng cañao a. gangsa b. af-fong c. intugtukon 3. matatandang Igorot a. am-ama b. gangsa c. af-fong 4. mga panalanging inaawit sa cañao a. ay-yeng b. am-ama c. af-fong 5. mga guhit sa katawan; kauri ng tattoo a. fatek
  • 4. b. am-ama c. af-fong IV. B. Pagpili ng kasing – kahulugan 6. sa tabi ni Lifu-o ay walang katinag – tinag na nakaupo ang kaniyang mag – ina. a. walang kakibu – kibo b. walang kagalaw – galaw c. walang kasali – salita d. walang kasabi – sabi 7. halos sabay – sabay na napabulalas ang tatlo sa nakitang pangayayari. a. napahudyat b. napasiklot c. napasigaw d. napatulala 8. maraming pangyayari ang nanikit sa kanyang utak bago magsimula ang pagdiriwang ng cañao. a. pumasok b. nagpapahiwatig c. nakasama d. bumulong 9. dumapo ang isang ibong nabighani sa kakinangan ng punong tumubo. a. nasilaw b. naakit c. naligaw d. napagod 10. ang liwanag mula sa baga na lamang ang naiwang tanglaw ng matandang kuba. a. ilaw b. tangan c. suporta d. hawak V. Sanaysay (5 Puntos) a. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong humiling ng isang bagay sa Diyos at ito ay kaniyang pagbibigyan, ano ang bagay na iyong hihilingin? Bakit mo ito hihilingin at paano mo gagamitin ang kahilingan ito hindi lamang para sa iyong sarili kundi para rin sa iyong kapwa? ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ____________________________________ ______________________________________ ___________________________________ b. kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong bumalik sa nakaraan kung saan namamalas pa ang kalinisan at kagandahan ng Ilog Pateros at isa ka sa mga mamamayang nakatira malapit dito, anu – ano ang gagawin mo upang hindi na ito sapitin ang kasalukuyang kalagayan at maiba na ang “Awit sa Ilog Pateros”? ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ____________________________________ ---GoodLuck!---