SlideShare a Scribd company logo
RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1
1
Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8
PANGALAN: __________________________________ LINGGO: 1.1
BAITANG/PANGKAT: PETSA: ______
I. Panimulang Konsepto
Ang paksa tungkol sa pamilya ay isa marahil sa kagiliw-giliw na paksang
pinag-uusapan. May malaking puwang sa ating isip at puso ang ating pamilya. Ikaw?
Ilang henerasyon na ba ang nagisnan mo sa iyong pamilya? Nandiyan pa rin ba ang
iyong lolo o lola? Ang iyong mga magulang at mga kapatid, kumusta sila?
Napapansin mo siguro ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga katangian ng iba’t
ibang henerasyon ng iyong pamilya. Ano-ano ang mga namana o natutunan mong
mga katangian mula sa kanila?
Sa araling ito, mauunawaan mo kung bakit isang likas na institusyon ng
lipunan ang pamilya. Matutukoy mo ang mga gawain o karanasan sa iyong pamilya
na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa iyong sarili. Magkakaroon
ka ng pagkakataong mapatunayan ang iba’t ibang paraan ng pagpapamalas ng mga
aral na ito sa iyong buhay at pakikitungo sa iyong kapuwa at nang sa gayon
mapapatatag mo ang ugnayan o relasyon sa iyong sariling pamilya.
II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs
1.1 (EsP8PBla-1.1) Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na
kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa sarili.
III. Mga Gawain
Gawain 1: Mag-isip isip, Isa, Dalawa, Tatlo!
Panuto: Suriin ang dayagram sa ibaba, pagkatapos ay punan ito ng hinihinging
sagot batay sa tanong na: “Ano-ano ang mga pagpapahalagang kadalasang
natututunan mula sa pamilya sa bawat a
ntas ng iyong buhay?”
RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1
2
Gawain 2: Karanasan Mo, Ibahagi Mo!
Panuto: Suriin ang iyong sarili, ano-anong gawain o karanasan sa pamilya ang may
malaking impluwensiya sa iyong pagkatao. Kompletuhin ang tsart sa ibaba.
Gawain o
karanasan
Kanino ako
natuto?
Anong magandang
gawain o aral ang
ipinakita sa akin
Paano ko ito
naipakita sa ngayon
Hal. Pagiging
madasalin
Nanay Palaging nagsisimba
at nagrorosaryo
Saan man ako
magpunta hindi ko
nakakalimutang
magdasal at magsimba.
1.
2.
3.
4.
5.
Pagsusuri :
1. Mahalaga ba ang naging impluwensiya ng taong tinukoy mo sa tsart sa itaas
sa paghubog ng iyong pagkatao? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
Mga
Pagpapahalagang
Natutunan Mula
sa Pamilya
0 – 5
gulang
6- 12 gulang
13-19
gulang
26 gulang
20-25
gulang
RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1
3
2. Sino sa kanila ang may pinakamalakas na impluwensiya sa iyo? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
3. Ano-anong mga katangian nila ang maari mong kapulutan ng aral o may
positibong impluwensiya sa iyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
Gawain 3: Karanasan mo, isulat mo!
Panuto: Sumulat ng mga gawain o karanasan mula sa pamilya na nagpapakita ng
magandang pagpapahalagang idinulot ng pandemyang COVID-19 na kinapulutan
mo ng aral o may malaking impluwensiya sa iyo. Ipahayag ito sa pamamagitan ng
dalawa o tatlong talatang binubuo ng 150 salita lamang gamit ang isang malinis na
papel.
IV. Pagpapalalim
Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon
Ang pamilya ay itinuturing na pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo
sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang
pag-iimbot, puro at romantikong pagmamahal na kapuwa nangangakong
magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga
at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga anak (Pierangelo Alejo 2004).
Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng salitang institusyon? Ang institusyon
ay isang organisasyon, samahan, pundasyon, o kompanya na kinakailangang itatag
dahil sa isang layunin. Ito ay may pinipiling pinuno at hinihikayat na mga miyembro.
Kapag sila ay naging kasapi, sila ay magtutulungan sa pagkamit ng layuning
itinatag.
Naiibang institusyon ang pamilya. Ang pamilya ay likas na institusyon dahil
ang pinuno ay hindi na kailangang ihalal o piliin pa. Ang mga kasapi ay hindi na rin
kailangang hanapin at hikayatin. Sa pamilya, ang mga magulang ang pinuno at mga
anak ang mga miyembro. Ang pagkakaroon ng kasapi o miyembro ng pamilya ay sa
pamamagitan ng likas na isa-isang ipinapanganak o ng pag-aampon ng mga anak
at pagkakaroon ng mga kamag-anak. Ang mga miyembro ay hindi nakapipili ng ama,
ina kapatid, at kamag-anak.
Narito ang mga sumusunod na patunay na nagpapakita na ang pamilya ay
isang likas na institusyon.
RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1
4
1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na may
maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay na nakabatay sa ugnayan ng
bawat isa. Mayroon itong misyon na bantayan, ipakita, at ipadama ang
pagmamahal. Ito ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at
pagmamahal. Ang bawat gawain ng pamilya ay pagpapahayag at
pagsasabuhay ng pangunahing misyon na ito. Kung walang pagmamahal, ang
pamilya ay hindi matatawag na pamayanan ng mga tao.
2. Ang pamilya ay nabuo sa pamamagitan ng pagmamahalan ng isang lalaki at
babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama nang habangbuhay. Dalawang
taong nagpasiyang magpakasal at magsama habangbuhay at tumutugon sa
tawag ng Diyos na magmahal. Ang pagpapakasal ng dalawang taong
nagmamahalan ang magpapatibay sa isang pamilya – dito ipinakikita ang
pagsasama ng buhay at pagmamahal, ang pagbibitiw ng mga pangako na
nagpapatibay sa pagbibigay-halaga sa tao bilang tao at hindi isinaalang-alang
ang ano mang mayroon ang isa.
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang bahagi ng lipunan. Ito ang
pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin
nitong magbigay-buhay. Ang bawat sanggol na ipinanganganak sa mundo sa
bawat segundo ay nagmumula sa isang pamilya. Dito unang sumibol ang
bawat mamamayan na magiging mahalagang bahagi ng lipunan. Kaya may
gampanin ang pamilya na pag-aralin at bigyang edukasyon ang mga anak. Ito
ang dahilan kung bakit ang pamilya ang itinuturing na una at
pinakamahalagang bahagi ng lipunan. Kaya mahalagang ito ay maayos na
kilalanin at bigyan ng sapat na suporta ng lipunan. Sabi nga, walang lipunan
kung walang pamilya. Kung hindi maayos ang pamilya, tiyak na hindi rin
magiging maayos ang lipunan.
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan at pagtutulungan.
Sa pamilya, ipinararanas sa tao kung paano mahalin upang ganap niyang
matutunan kung paano ang magmahal. Ito ang kauna-unahang lugar kung
saan natutunan ng tao ang tunay na kahulugan ng pagiging tao.
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang
buhay (the first and irreplaceable school of social life). Ito ang
pinakaperpektong paraan upang gawing makatao at mapagmahal ang
lipunan. May orihinal na kontribusyon ito sa pagtatayo ng mundo, sa
pamamagitan ng pangangalaga at pagtuturo ng mga pagpapahalaga.
6. Ang pamilya ay may panlipunan at pampolitikang gampanin. Hindi nilikha
ang pamilya para sa kapakanan ng mga miyembro lamang. Mayroon itong
tungkulin sa lipunan kung saan ito ay isang mahalagang bahagi. Una rito ang
iba’t ibang paraan ng pagbubukas ng tahanan sa kapuwa (hospitality) tulad
ng pagpapakain sa mga nagugutom at pagbibigay ng baso ng tubig sa
nauuhaw.
RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1
5
7. Ang pamilya ay may mahalagang misyon: ang pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa mabuting pagapapasiya, at paghubog sa pananampalataya.
Bukod sa pagkakaroon ng anak, may pananagutan ang magulang na gabayan
ang anak upang lumaki at umunlad ito sa mga pagpapahalaga at maisabuhay
ang misyon ng Diyos para sa kaniya. Ang mga pagpapahalagang maitatanim
sa puso ng anak ay siyang magtuturo sa kaniya na maging maingat at maayos
sa kaniyang pagpapasiya kapag nahaharap siya sa mga masasalimuot na
sitwasyon sa kaniyang buhay.
Ang pamilya dumaan man ang maraming pagbabago bunga ng
modernisasyon, ay mananatiling natural na institusyon ng lipunan. Kung ito ay
magpapaanod sa pagbabago, saan pa likas na dadaloy ang pagmamahal at
pagtutulungan? Saan pa matututo ang taong magmahal at maglingkod? Saan pa
kukuha ng pag-asa ang mundo na umunlad? Kaya ikaw bilang kabataan, kailangan
mo nang kumilos para sa pagtataguyod at pagmamahal ng sarili mong pamilya. May
gampanin ka, may bahagi ka, nakahanda ka na ba?
Balik - Tanaw: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibiduwal? Sa lipunan? Bakit?
Ipaliwanag?
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________
2. Bakit mahalagang bumuo ng magandang samahan o ugnayan sa pamilya?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________
3. Paano magagawa ng pamilya na maging makatao at mapagmahal ang
lipunan?
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________
V. Rubrik sa Pagpupuntos
Para sa Gawain 1 at PAGPAPALALIM na mga katanungan.
Deskripsiyon Iskor/Puntos
Naipaliwanag nang malinaw ang idea at
saloobin patungkol sa mga katanungan 5 puntos
Hindi masyadong binigyang diin ang
idea ng kasagutan ng mag-aaral 4 puntos
Kulang sa pagpapaliwanag, hindi
nasaklaw ang hinihinging idea 3 puntos
RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1
6
Para sa Gawain 3 : Pagsulat ng Sanaysay
Kaakmaan/Kalapitan sa tema -------------------------------------- 10 puntos
Kaangkupan ng mga salitang ginamit ----------------------------- 10 puntos
Istilo, disenyo, at dating o impact -------------------------------------5 puntos
Kalinisan ------------------------------------------------------------------5 puntos
KABUUAN -------------------------------------------------------------- 30 puntos
REPLEKSIYON:
Nakikita ko ba ang aming pamilya na isang institusiyon? Masaya ba
ako sa pamumuno ng aking mga magulang sa aming pamilya?
Vl. Sanggunian
EASE Module sa Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 2 : Sa Pamilya
Nagsisimula https://bit.ly/2ybxiY1
Modyul para sa mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul 1 : Ang Pamilya
Bilang Likas na Institusyon, Pahina 1 – 28
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon-sa
pagpapakatao-learner-module
Daily Lesson Plan in EsP 8 Quarter 1, pahina 6 – 20,https://bit.ly/2VJIAgm
Twila G. Punzalan, Camila C. Gonzales, Myra Villa D. Nicolas and Nonita C. Marte.
PAGPAPAKATAO 8, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekundarya
, pahina 3 – 20. Rex Bookstore
Inihanda ni : CELNA A. DUMDUM
T-III
Tanque National High School
RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1
7
SUSI SA PAGWAWASTO (Kopya para sa Guro)
Mga posibleng kasagutan para sa Gawain 1.
Nakabatay ang mga sagot sa mga mag-aaral
Mga posibleng kasagutan para sa Gawain 2.
1. Mahalaga ang impluwensiya ng mga taong isinulat ko sa paghubog ng aking
pagkatao dahil sila ang tutulong sa akin kung paano maging mabuting tao at
magtuturo sa akin ng mabuting pakikipagkapuwa nang sa gayon ay makamit
ko ang maayos na pamumuhay.
2. Ang aking ina ang may pinakamalakas na impluwensiya sa akin dahil siya
ang laging kasama ko sa bahay. Siya ang palaging nagbibigay ng mga payo sa
akin at nagtuturo sa mga pagpapahalagang dapat linangin sa aking sarili.
3. Ang mga katangian na nakita kong positibo at kapupulutan ko ng aral ay ang
pagiging matulungin sa kapuwa, pagkamadasalin sa Panginoon, at
pagbibigay galang sa sinumang tao at marami pang iba. Naniniwala ako na
ang mga katangiang ito ang magbibigay gabay sa akin tungo sa maayos at
matiwasay na pamumuhay.
Mga posibleng kasagutan para sa bahagi ng pagpapalalim.
1. Mahalaga ang pamilya sa isang indibiduwal at sa lipunan dahil kung wala
ang pamilya hindi mabubuo ang lipunan. Ang pamilya ang ugat ng lipunan.
Sa isang indibiduwal ang pamilya ay mahalaga dahil ito ang huhubog sa
kaniya na maging mabuting mamamayan sa lipunan. Kung hindi maayos ang
pamilya, tiyak na hindi rin maayos ang lipunan.
2. Mahalagang mabuo ang magandang samahan sa pamilya upang ito ang
magsilbing gabay tungo sa maayos at matiwasay na lipunan.
3. Magagawa ng pamilya na maging makatao at mapagmahal ang lipunan kapag
magampanan nito nang wasto ang kaniyang tungkulin. Ang magkaroon ng
sapat na edukasyon ang mga anak, magabayan sa mabuting pagpapasiya, at
maturuan nang tamang pananampalataya ay ilan lamang sa mga tungkuling
ito. Ganoon din ang paghubog sa mga pagpapahalagang nararapat sa
kanilang paglaki upang sila ay maging mabuting mamamayan.

More Related Content

What's hot

Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
liezel andilab
 
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
avonnecastiilo
 
Esp aralin 2 quarter 4
Esp aralin 2 quarter 4Esp aralin 2 quarter 4
Esp aralin 2 quarter 4
Venus Amisola
 
Modyul8 pakikilahokatbolunterismo
Modyul8 pakikilahokatbolunterismoModyul8 pakikilahokatbolunterismo
Modyul8 pakikilahokatbolunterismo
Mycz Doña
 
ESP Grade 9 Modyul 12
ESP Grade 9 Modyul 12ESP Grade 9 Modyul 12
ESP Grade 9 Modyul 12
Avigail Gabaleo Maximo
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimSherlyn Tapales
 
Pagmamahal sa Diyos
Pagmamahal sa DiyosPagmamahal sa Diyos
Pagmamahal sa Diyos
KokoStevan
 
Kahalagahan at uri ng pagpapahalaga (ESP7)
Kahalagahan at uri ng pagpapahalaga (ESP7)Kahalagahan at uri ng pagpapahalaga (ESP7)
Kahalagahan at uri ng pagpapahalaga (ESP7)
NoelmaCabajar1
 
Kabutihang panlahat
Kabutihang panlahatKabutihang panlahat
Kabutihang panlahat
cruzleah
 
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptxHirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
CerilynSinalan2
 
Modyul 12: Pamamahala ng Oras
Modyul 12: Pamamahala ng OrasModyul 12: Pamamahala ng Oras
Modyul 12: Pamamahala ng Oras
ka_francis
 
Modyul 13 Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko, teknikal bokasyu...
Modyul 13 Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko, teknikal bokasyu...Modyul 13 Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko, teknikal bokasyu...
Modyul 13 Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko, teknikal bokasyu...
Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High School SHS
 
Mga Likas na Yaman ng Pilipinas
Mga Likas na Yaman ng PilipinasMga Likas na Yaman ng Pilipinas
Mga Likas na Yaman ng Pilipinas
JessaMarieVeloria1
 
Values ed. Kabutihang Panlahat
Values ed. Kabutihang PanlahatValues ed. Kabutihang Panlahat
Values ed. Kabutihang Panlahat
zynica mhorien marcoso
 
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdfFilipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
MayMendoza29
 
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptxESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
jeobongato
 
Ano ang dignidad esp g10
Ano ang dignidad esp g10Ano ang dignidad esp g10
Ano ang dignidad esp g10
Julie anne Bendicio
 
ESP 9 3rd Qtr Week 14 Day 1 MODYUL 12 PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS.pptx
ESP 9 3rd Qtr Week 14 Day 1 MODYUL 12  PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS.pptxESP 9 3rd Qtr Week 14 Day 1 MODYUL 12  PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS.pptx
ESP 9 3rd Qtr Week 14 Day 1 MODYUL 12 PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS.pptx
NicoDiwaOcampo
 
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdfEsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
JoanBayangan1
 

What's hot (20)

Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
 
Esp aralin 2 quarter 4
Esp aralin 2 quarter 4Esp aralin 2 quarter 4
Esp aralin 2 quarter 4
 
Modyul8 pakikilahokatbolunterismo
Modyul8 pakikilahokatbolunterismoModyul8 pakikilahokatbolunterismo
Modyul8 pakikilahokatbolunterismo
 
ESP Grade 9 Modyul 12
ESP Grade 9 Modyul 12ESP Grade 9 Modyul 12
ESP Grade 9 Modyul 12
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
 
Pagmamahal sa Diyos
Pagmamahal sa DiyosPagmamahal sa Diyos
Pagmamahal sa Diyos
 
Kahalagahan at uri ng pagpapahalaga (ESP7)
Kahalagahan at uri ng pagpapahalaga (ESP7)Kahalagahan at uri ng pagpapahalaga (ESP7)
Kahalagahan at uri ng pagpapahalaga (ESP7)
 
Kabutihang panlahat
Kabutihang panlahatKabutihang panlahat
Kabutihang panlahat
 
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptxHirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
Hirarkiya ng pagpapahalaga.pptx
 
Modyul 12: Pamamahala ng Oras
Modyul 12: Pamamahala ng OrasModyul 12: Pamamahala ng Oras
Modyul 12: Pamamahala ng Oras
 
Daily Lesson log
Daily Lesson logDaily Lesson log
Daily Lesson log
 
Modyul 13 Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko, teknikal bokasyu...
Modyul 13 Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko, teknikal bokasyu...Modyul 13 Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko, teknikal bokasyu...
Modyul 13 Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko, teknikal bokasyu...
 
Mga Likas na Yaman ng Pilipinas
Mga Likas na Yaman ng PilipinasMga Likas na Yaman ng Pilipinas
Mga Likas na Yaman ng Pilipinas
 
Values ed. Kabutihang Panlahat
Values ed. Kabutihang PanlahatValues ed. Kabutihang Panlahat
Values ed. Kabutihang Panlahat
 
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdfFilipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
 
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptxESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
 
Ano ang dignidad esp g10
Ano ang dignidad esp g10Ano ang dignidad esp g10
Ano ang dignidad esp g10
 
ESP 9 3rd Qtr Week 14 Day 1 MODYUL 12 PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS.pptx
ESP 9 3rd Qtr Week 14 Day 1 MODYUL 12  PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS.pptxESP 9 3rd Qtr Week 14 Day 1 MODYUL 12  PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS.pptx
ESP 9 3rd Qtr Week 14 Day 1 MODYUL 12 PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS.pptx
 
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdfEsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
 

Similar to Smile g8 lp1-q1-1.1

ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptxESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
HappieMontevirgenCas
 
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunanPagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
MartinGeraldine
 
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptxESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
RiaPerez4
 
Modyul 11 pamilyang asyano
Modyul 11   pamilyang asyanoModyul 11   pamilyang asyano
Modyul 11 pamilyang asyano
南 睿
 
EsP-SLM-1.1.pdf
EsP-SLM-1.1.pdfEsP-SLM-1.1.pdf
EsP-SLM-1.1.pdf
ErwinEnaje
 
EsP 8 Concepts 7
EsP 8 Concepts 7EsP 8 Concepts 7
EsP 8 Concepts 7
GallardoGarlan
 
EsP 8 week 1.4
EsP 8 week 1.4EsP 8 week 1.4
EsP 8 week 1.4
JocelFrancisco2
 
Dahil bata ka pa
Dahil bata ka paDahil bata ka pa
Dahil bata ka pa
MartinGeraldine
 
ESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptx
ESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptxESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptx
ESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptx
doinksasis92
 
GRADE 8- Tungkulin ng Pamilya.pdf
GRADE 8- Tungkulin ng Pamilya.pdfGRADE 8- Tungkulin ng Pamilya.pdf
GRADE 8- Tungkulin ng Pamilya.pdf
LzlCrdrPadilla
 
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki atModyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki atDhon Reyes
 
Esp 8 lesson plan
Esp 8 lesson planEsp 8 lesson plan
Esp 8 lesson plan
SheleneCathlynBorjaD
 
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterEsp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
JocelFrancisco2
 
ESP-G8.pptx
ESP-G8.pptxESP-G8.pptx
LAS-ESP8-Week1-DAY 1.docx
LAS-ESP8-Week1-DAY 1.docxLAS-ESP8-Week1-DAY 1.docx
LAS-ESP8-Week1-DAY 1.docx
chezterjedcolipano1
 
Mission Impossible ESP 8.pptx
Mission Impossible ESP 8.pptxMission Impossible ESP 8.pptx
Mission Impossible ESP 8.pptx
russelsilvestre1
 
EsP8week1.pptx
EsP8week1.pptxEsP8week1.pptx
EsP8week1.pptx
AbegailJoyLumagbas1
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
Aniceto Buniel
 
EsP-SLM-1.2.pdf
EsP-SLM-1.2.pdfEsP-SLM-1.2.pdf
EsP-SLM-1.2.pdf
ErwinEnaje
 

Similar to Smile g8 lp1-q1-1.1 (20)

ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptxESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
 
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunanPagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
 
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptxESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
 
Modyul 11 pamilyang asyano
Modyul 11   pamilyang asyanoModyul 11   pamilyang asyano
Modyul 11 pamilyang asyano
 
EsP-SLM-1.1.pdf
EsP-SLM-1.1.pdfEsP-SLM-1.1.pdf
EsP-SLM-1.1.pdf
 
EsP 8 Concepts 7
EsP 8 Concepts 7EsP 8 Concepts 7
EsP 8 Concepts 7
 
EsP 8 week 1.4
EsP 8 week 1.4EsP 8 week 1.4
EsP 8 week 1.4
 
Dahil bata ka pa
Dahil bata ka paDahil bata ka pa
Dahil bata ka pa
 
ESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptx
ESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptxESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptx
ESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptx
 
GRADE 8- Tungkulin ng Pamilya.pdf
GRADE 8- Tungkulin ng Pamilya.pdfGRADE 8- Tungkulin ng Pamilya.pdf
GRADE 8- Tungkulin ng Pamilya.pdf
 
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki atModyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 4 sesyon 1 2 pag-unawa sa tamang pagpapalaki at
 
Activity 3
Activity 3Activity 3
Activity 3
 
Esp 8 lesson plan
Esp 8 lesson planEsp 8 lesson plan
Esp 8 lesson plan
 
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterEsp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
 
ESP-G8.pptx
ESP-G8.pptxESP-G8.pptx
ESP-G8.pptx
 
LAS-ESP8-Week1-DAY 1.docx
LAS-ESP8-Week1-DAY 1.docxLAS-ESP8-Week1-DAY 1.docx
LAS-ESP8-Week1-DAY 1.docx
 
Mission Impossible ESP 8.pptx
Mission Impossible ESP 8.pptxMission Impossible ESP 8.pptx
Mission Impossible ESP 8.pptx
 
EsP8week1.pptx
EsP8week1.pptxEsP8week1.pptx
EsP8week1.pptx
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
 
EsP-SLM-1.2.pdf
EsP-SLM-1.2.pdfEsP-SLM-1.2.pdf
EsP-SLM-1.2.pdf
 

Smile g8 lp1-q1-1.1

  • 1. RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1 1 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8 PANGALAN: __________________________________ LINGGO: 1.1 BAITANG/PANGKAT: PETSA: ______ I. Panimulang Konsepto Ang paksa tungkol sa pamilya ay isa marahil sa kagiliw-giliw na paksang pinag-uusapan. May malaking puwang sa ating isip at puso ang ating pamilya. Ikaw? Ilang henerasyon na ba ang nagisnan mo sa iyong pamilya? Nandiyan pa rin ba ang iyong lolo o lola? Ang iyong mga magulang at mga kapatid, kumusta sila? Napapansin mo siguro ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga katangian ng iba’t ibang henerasyon ng iyong pamilya. Ano-ano ang mga namana o natutunan mong mga katangian mula sa kanila? Sa araling ito, mauunawaan mo kung bakit isang likas na institusyon ng lipunan ang pamilya. Matutukoy mo ang mga gawain o karanasan sa iyong pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa iyong sarili. Magkakaroon ka ng pagkakataong mapatunayan ang iba’t ibang paraan ng pagpapamalas ng mga aral na ito sa iyong buhay at pakikitungo sa iyong kapuwa at nang sa gayon mapapatatag mo ang ugnayan o relasyon sa iyong sariling pamilya. II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs 1.1 (EsP8PBla-1.1) Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa sarili. III. Mga Gawain Gawain 1: Mag-isip isip, Isa, Dalawa, Tatlo! Panuto: Suriin ang dayagram sa ibaba, pagkatapos ay punan ito ng hinihinging sagot batay sa tanong na: “Ano-ano ang mga pagpapahalagang kadalasang natututunan mula sa pamilya sa bawat a ntas ng iyong buhay?”
  • 2. RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1 2 Gawain 2: Karanasan Mo, Ibahagi Mo! Panuto: Suriin ang iyong sarili, ano-anong gawain o karanasan sa pamilya ang may malaking impluwensiya sa iyong pagkatao. Kompletuhin ang tsart sa ibaba. Gawain o karanasan Kanino ako natuto? Anong magandang gawain o aral ang ipinakita sa akin Paano ko ito naipakita sa ngayon Hal. Pagiging madasalin Nanay Palaging nagsisimba at nagrorosaryo Saan man ako magpunta hindi ko nakakalimutang magdasal at magsimba. 1. 2. 3. 4. 5. Pagsusuri : 1. Mahalaga ba ang naging impluwensiya ng taong tinukoy mo sa tsart sa itaas sa paghubog ng iyong pagkatao? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________. Mga Pagpapahalagang Natutunan Mula sa Pamilya 0 – 5 gulang 6- 12 gulang 13-19 gulang 26 gulang 20-25 gulang
  • 3. RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1 3 2. Sino sa kanila ang may pinakamalakas na impluwensiya sa iyo? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________. 3. Ano-anong mga katangian nila ang maari mong kapulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa iyo? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________. Gawain 3: Karanasan mo, isulat mo! Panuto: Sumulat ng mga gawain o karanasan mula sa pamilya na nagpapakita ng magandang pagpapahalagang idinulot ng pandemyang COVID-19 na kinapulutan mo ng aral o may malaking impluwensiya sa iyo. Ipahayag ito sa pamamagitan ng dalawa o tatlong talatang binubuo ng 150 salita lamang gamit ang isang malinis na papel. IV. Pagpapalalim Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon Ang pamilya ay itinuturing na pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro at romantikong pagmamahal na kapuwa nangangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga anak (Pierangelo Alejo 2004). Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng salitang institusyon? Ang institusyon ay isang organisasyon, samahan, pundasyon, o kompanya na kinakailangang itatag dahil sa isang layunin. Ito ay may pinipiling pinuno at hinihikayat na mga miyembro. Kapag sila ay naging kasapi, sila ay magtutulungan sa pagkamit ng layuning itinatag. Naiibang institusyon ang pamilya. Ang pamilya ay likas na institusyon dahil ang pinuno ay hindi na kailangang ihalal o piliin pa. Ang mga kasapi ay hindi na rin kailangang hanapin at hikayatin. Sa pamilya, ang mga magulang ang pinuno at mga anak ang mga miyembro. Ang pagkakaroon ng kasapi o miyembro ng pamilya ay sa pamamagitan ng likas na isa-isang ipinapanganak o ng pag-aampon ng mga anak at pagkakaroon ng mga kamag-anak. Ang mga miyembro ay hindi nakapipili ng ama, ina kapatid, at kamag-anak. Narito ang mga sumusunod na patunay na nagpapakita na ang pamilya ay isang likas na institusyon.
  • 4. RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1 4 1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na may maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay na nakabatay sa ugnayan ng bawat isa. Mayroon itong misyon na bantayan, ipakita, at ipadama ang pagmamahal. Ito ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at pagmamahal. Ang bawat gawain ng pamilya ay pagpapahayag at pagsasabuhay ng pangunahing misyon na ito. Kung walang pagmamahal, ang pamilya ay hindi matatawag na pamayanan ng mga tao. 2. Ang pamilya ay nabuo sa pamamagitan ng pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama nang habangbuhay. Dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama habangbuhay at tumutugon sa tawag ng Diyos na magmahal. Ang pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan ang magpapatibay sa isang pamilya – dito ipinakikita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal, ang pagbibitiw ng mga pangako na nagpapatibay sa pagbibigay-halaga sa tao bilang tao at hindi isinaalang-alang ang ano mang mayroon ang isa. 3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang bahagi ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay. Ang bawat sanggol na ipinanganganak sa mundo sa bawat segundo ay nagmumula sa isang pamilya. Dito unang sumibol ang bawat mamamayan na magiging mahalagang bahagi ng lipunan. Kaya may gampanin ang pamilya na pag-aralin at bigyang edukasyon ang mga anak. Ito ang dahilan kung bakit ang pamilya ang itinuturing na una at pinakamahalagang bahagi ng lipunan. Kaya mahalagang ito ay maayos na kilalanin at bigyan ng sapat na suporta ng lipunan. Sabi nga, walang lipunan kung walang pamilya. Kung hindi maayos ang pamilya, tiyak na hindi rin magiging maayos ang lipunan. 4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan at pagtutulungan. Sa pamilya, ipinararanas sa tao kung paano mahalin upang ganap niyang matutunan kung paano ang magmahal. Ito ang kauna-unahang lugar kung saan natutunan ng tao ang tunay na kahulugan ng pagiging tao. 5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and irreplaceable school of social life). Ito ang pinakaperpektong paraan upang gawing makatao at mapagmahal ang lipunan. May orihinal na kontribusyon ito sa pagtatayo ng mundo, sa pamamagitan ng pangangalaga at pagtuturo ng mga pagpapahalaga. 6. Ang pamilya ay may panlipunan at pampolitikang gampanin. Hindi nilikha ang pamilya para sa kapakanan ng mga miyembro lamang. Mayroon itong tungkulin sa lipunan kung saan ito ay isang mahalagang bahagi. Una rito ang iba’t ibang paraan ng pagbubukas ng tahanan sa kapuwa (hospitality) tulad ng pagpapakain sa mga nagugutom at pagbibigay ng baso ng tubig sa nauuhaw.
  • 5. RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1 5 7. Ang pamilya ay may mahalagang misyon: ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagapapasiya, at paghubog sa pananampalataya. Bukod sa pagkakaroon ng anak, may pananagutan ang magulang na gabayan ang anak upang lumaki at umunlad ito sa mga pagpapahalaga at maisabuhay ang misyon ng Diyos para sa kaniya. Ang mga pagpapahalagang maitatanim sa puso ng anak ay siyang magtuturo sa kaniya na maging maingat at maayos sa kaniyang pagpapasiya kapag nahaharap siya sa mga masasalimuot na sitwasyon sa kaniyang buhay. Ang pamilya dumaan man ang maraming pagbabago bunga ng modernisasyon, ay mananatiling natural na institusyon ng lipunan. Kung ito ay magpapaanod sa pagbabago, saan pa likas na dadaloy ang pagmamahal at pagtutulungan? Saan pa matututo ang taong magmahal at maglingkod? Saan pa kukuha ng pag-asa ang mundo na umunlad? Kaya ikaw bilang kabataan, kailangan mo nang kumilos para sa pagtataguyod at pagmamahal ng sarili mong pamilya. May gampanin ka, may bahagi ka, nakahanda ka na ba? Balik - Tanaw: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibiduwal? Sa lipunan? Bakit? Ipaliwanag? ___________________________________________________________________________ _______________________________________________________ 2. Bakit mahalagang bumuo ng magandang samahan o ugnayan sa pamilya? Ipaliwanag. ___________________________________________________________________________ _______________________________________________________ 3. Paano magagawa ng pamilya na maging makatao at mapagmahal ang lipunan? ___________________________________________________________________________ _______________________________________________________ V. Rubrik sa Pagpupuntos Para sa Gawain 1 at PAGPAPALALIM na mga katanungan. Deskripsiyon Iskor/Puntos Naipaliwanag nang malinaw ang idea at saloobin patungkol sa mga katanungan 5 puntos Hindi masyadong binigyang diin ang idea ng kasagutan ng mag-aaral 4 puntos Kulang sa pagpapaliwanag, hindi nasaklaw ang hinihinging idea 3 puntos
  • 6. RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1 6 Para sa Gawain 3 : Pagsulat ng Sanaysay Kaakmaan/Kalapitan sa tema -------------------------------------- 10 puntos Kaangkupan ng mga salitang ginamit ----------------------------- 10 puntos Istilo, disenyo, at dating o impact -------------------------------------5 puntos Kalinisan ------------------------------------------------------------------5 puntos KABUUAN -------------------------------------------------------------- 30 puntos REPLEKSIYON: Nakikita ko ba ang aming pamilya na isang institusiyon? Masaya ba ako sa pamumuno ng aking mga magulang sa aming pamilya? Vl. Sanggunian EASE Module sa Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 2 : Sa Pamilya Nagsisimula https://bit.ly/2ybxiY1 Modyul para sa mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul 1 : Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon, Pahina 1 – 28 https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon-sa pagpapakatao-learner-module Daily Lesson Plan in EsP 8 Quarter 1, pahina 6 – 20,https://bit.ly/2VJIAgm Twila G. Punzalan, Camila C. Gonzales, Myra Villa D. Nicolas and Nonita C. Marte. PAGPAPAKATAO 8, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekundarya , pahina 3 – 20. Rex Bookstore Inihanda ni : CELNA A. DUMDUM T-III Tanque National High School
  • 7. RO_EsP_Grade 8_Q1_LP 1 7 SUSI SA PAGWAWASTO (Kopya para sa Guro) Mga posibleng kasagutan para sa Gawain 1. Nakabatay ang mga sagot sa mga mag-aaral Mga posibleng kasagutan para sa Gawain 2. 1. Mahalaga ang impluwensiya ng mga taong isinulat ko sa paghubog ng aking pagkatao dahil sila ang tutulong sa akin kung paano maging mabuting tao at magtuturo sa akin ng mabuting pakikipagkapuwa nang sa gayon ay makamit ko ang maayos na pamumuhay. 2. Ang aking ina ang may pinakamalakas na impluwensiya sa akin dahil siya ang laging kasama ko sa bahay. Siya ang palaging nagbibigay ng mga payo sa akin at nagtuturo sa mga pagpapahalagang dapat linangin sa aking sarili. 3. Ang mga katangian na nakita kong positibo at kapupulutan ko ng aral ay ang pagiging matulungin sa kapuwa, pagkamadasalin sa Panginoon, at pagbibigay galang sa sinumang tao at marami pang iba. Naniniwala ako na ang mga katangiang ito ang magbibigay gabay sa akin tungo sa maayos at matiwasay na pamumuhay. Mga posibleng kasagutan para sa bahagi ng pagpapalalim. 1. Mahalaga ang pamilya sa isang indibiduwal at sa lipunan dahil kung wala ang pamilya hindi mabubuo ang lipunan. Ang pamilya ang ugat ng lipunan. Sa isang indibiduwal ang pamilya ay mahalaga dahil ito ang huhubog sa kaniya na maging mabuting mamamayan sa lipunan. Kung hindi maayos ang pamilya, tiyak na hindi rin maayos ang lipunan. 2. Mahalagang mabuo ang magandang samahan sa pamilya upang ito ang magsilbing gabay tungo sa maayos at matiwasay na lipunan. 3. Magagawa ng pamilya na maging makatao at mapagmahal ang lipunan kapag magampanan nito nang wasto ang kaniyang tungkulin. Ang magkaroon ng sapat na edukasyon ang mga anak, magabayan sa mabuting pagpapasiya, at maturuan nang tamang pananampalataya ay ilan lamang sa mga tungkuling ito. Ganoon din ang paghubog sa mga pagpapahalagang nararapat sa kanilang paglaki upang sila ay maging mabuting mamamayan.