2. Maikling kuwento
Isang anyo ng panitikan na
may layuning magsalaysay ng
mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan.
Nag iiiwan ito ng mahalagang
mensahe sa isip ng mga
mambababsa.
3.
4.
5. May tatlong mahalagang bahagi ang maikling kuwento.
1. Simula o panimulang bahagi ng kuwento
Nakasalalay kung mawiwili o hindi sa salaysay ang mga
mambabasa.
Layunin ng may-akda na pukawin ang interes ng mga
mambabasa.
Ginagawa ito s pamamagitan ng nakawiwili o
nakapupukaw na pambungad na pangyayari.
Nakaloob din sa panimula ang pagpapakilala sa mga
tauhan, paglalarawan ng tagpuan, at pagpapahiwatig ng
suliraning kakaharapin ng tauhan.
6.
7. Napakalakas pala ng pagsabog ng bomba! Sunod-sunod
na pagsabog! Sa dami, di ko na kayang bilangin!
Parang bumaba sa lupa ang kulog at kidlat. Yumayanig
ang lupa! Parang guguho ang bundok! Parang may malalaking
batong gumugulong paibaba!
Kitang-kita ko rin kung paanong lu,ulusot sa dingding
ng aming bahay ang mga bala ng armalayt. Parang malalking
alitaptap na bumubutas sa dingding ng aming bahay.
Totoo ang sinabi ni Ishaq, ang kaklase kong Muslim.
Nakatatakot pala talga ang pagsabog ng bomba!
8. Suliranin ng kuwento
Madalas matatagpuan sa ginang bahagi ng kuwento ang
pagharap ng panunahing tauhan sa kniyang suliranin.
Tumutukoy sa element ng kuwento na humahadlang sa
tauhan upang makamit niya ang kaniyang mithiin.
Sa kuwento ni Harun, ang kaniyang simpleng suliranin na
pag iisip tungkol sa mga dapat niyang dalhin at iwan ay
sumisimbolo sa mas malaking suliranin ng mga epekto ng
digmaan, na siyang si;iranin ng buong kuwento
Pagkatapos ng putukan, nagbalot na kami ng puwedeng
dalhin.
Pero may napakalaki akong problema.
Ano ba ang mga dapat kong dalhin? Ano ba ang mga
dapat kong iwan?
9. 2. Kasukdulan
Kapana-panabik na bahagi ng kuwento dahil dito makikita
ng mambabasa kung paano pag papasiyhan ang kapalaran
ng pangunahing tauhan.
Sa kuwento ni Harun, tinulungan siya ng kaniyang ama na
magpasiya:
“harun, wag mong isiksik ang lahat sa iong bag. Dalhin
mo lang ang pinakamahalaga sa iyo. Babalik naman tayo rito
sa ating bahay. Ang mahalaga, amging ligtas tayo lalo na
ikaw, anak ko,” sabi ni Tatay.
10.
11. 3. Katapusan
Ang bahaging tumatalakay sa pagwawakas ng kuwento na
maaaring masaya o malungkot, o kaya’y pagkatalo o
pagkapanalo ng pangunahing tauhan.
Ngunit maari ding walang solusyon o bitin ang wakas ng
kuwento upang hayaan ang mambabasa na humatol o
magpasiya kung ano ang magiging katapusan nito.
Gusto ko uling matanaw ang mga bundok na
nakapalibot sa aming bahay at maiguhit uli ang mga ito sa
aking notbuk.
Ito ang mga gusto kong gawin na talgang hinding-hindi
ko madadala, mailalagay, o maisisiksik sa aking pambata at
napakaliit na bag.
Sa huli, walang nagawa si Harun kundi isipin ang mga
bagay na gusto sana niyang gawin.
12.
13. Kayariang Pangwika
Panghalip
Bahagi ng pananalita na Ginagamit bilang panhalili sa
pangngalan upang hindi paulit-ulit ang pagbanggit dito
sa pasulat man o pasalitang anyo.
1. Panghalip Panao - ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng
tao gaya ng ako, siya, kami, sila, tayo, amin, at iba pa.
Halimbawa.
Pinadapa ako ni Tatay nang magbarilan para makaiwas
sa mga bala.
Habang nakadapa ako at si Ina sa sahig, niyakap kami ni
Tatay bilang proteksiyon niya sa amin.
Si Ishaq ay aking kaklaseng Muslim. Siya ang nagsabi sa
aking nakatatakot ang pagsabog ng bomaba.
14. Kayariang Pangwika
2. Panghalip na Pamatlig - Ginagamit na panghalili sa
pagtuturo ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari gaya ng
ito, iyan, iyon, dito, diyan, doon, at iba pa. Sa panghalip na
pamatlig nalalman ang layo o lapit ng bagay na itinuturo.
Gusto ko uling matanaw ang mga bundok na nakapalibot
sa aming bahay at maiguhit uli ang mga ito sa aking
notbuk.
Iyang bag sa tabi mo ay naglalaman ng mahahalang
dokumento.
Iyon ang bundok na nais kong muling iguhit sa aking
notbuk.
15. Kayariang Pangwika
3. Panghalip na pananong - mga salitang Ginagamit sa
pagtatanong gaya ng ano, sino, saan, kailang, bakit, at paano.
Ang mga ito ay maaaring kumakatawan sa tao, hayop, bagay, o
gawaing itinatanong.
Halimbawa:
“Tay, bakit ba nag-aaway ang mga militar at ang mga
Muslim?
Sino ba “ Tay ang nag-uutos sa kanila?
Ano ba ang mga dapat kong dalhin?
Saan na pupunta ang mga mamayang labis na naaapektuhan
ng barilan?
Kailan kaya kami makababalik sa aming dating bahay?
Paano matitigil ang kaguluhan sa Mindanao?
16. Kayariang Pangwika
4. Panghalip na panaklaw - Ginagamit na panghalili sa bilang
o dami ng bagay o tao gaya ng isa, ilan, lahat, madla, balana,
at iba pa.
Halimbawa:
“Marami ang labis na naapektuhan ng kaguluhan sa
Mindanao.
Ang ilan ay tuluyan nang nawalan ng tirahan at wala nang
bbalikan.
Ang lahat ay inaasahan nang lumikas upang hindi maipit sa
gitna ng putukan.
17. B. Piliin sa kahon ang tamang panghalip upang mabuo ang
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
bawat kami marami
saan doon ito
sino niya lahat
1. Ako at ang mga kasama ko po ang magtatanghal ngayong gabi. Saan po
____________________ pupuwesto?
2. Marla, _________ang nagsulat ng kontratang ito?
3. Akin ang itim na bag. Dadalhin ko ________ sa biyahe.
4. _____________ay maglilinis ng ating silid-aralan.
5. Tanungin mo si Arnel kung nakuha _____ ang listahan ng mga awit. Siya
kasi ang bahala sa musika.
6. Ang botika ay nasa Kabilang bayan at _______ ako bibili ng gamut para
sa ubo ni Tatay.
7. Napuno ang tanghalan dahil ______ ang dumalo.
8. Gng. Valiente, _________ po matatagpuan ang Manila Cathedral?