SlideShare a Scribd company logo
1 of 46
Download to read offline
DEPED COPY
i
4
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Kagamitan ng Mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
ii
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2015
ISBN: _____________
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng
isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan
ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg, DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Consultant: Fe A. Hidalgo, PhD
Mga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at
Joselita B. Gulapa
Mga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera,
Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan,
Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales,
Noel S. Ortega, Marilou D. Pandiño, Adelaida M. Reyes, at
Portia R. Soriano
Mga Tagaguhit: Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. Mendoza
Mga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara
Mga Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-Urbano
Punong Tagapangasiwa: Joselita B. Gulapa
Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. Pandiño
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
1
Yunit I
Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting
Kasapi ng Pamilya
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
2
Aralin 1
Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko
Hunyo. Unang araw ng pasukan. Balik-eskuwela ang mga mag-aaral.
Bilang mag-aaral, naranasan mo na ba ang magpakilala sa harap nang
may lakas ng loob at di nahihiya? Paano mo ipinakikilala ang iyong sarili
sa iba? Magagamit mo ang lakas ng iyong loob sa pagharap sa iyong guro
at mga kamag-aral sa simula ng klase. Kayang-kaya, di ba?
Basahin ang kuwento.
Roniel M. Lakasloob ang Pangalan Ko!
Umpisa na naman ng klase. Nakagawian na ng mga guro
sa paaralan na maging maayos ang unang araw ng pasukan.
Siyempre, inaasahan na ang bawat mag-aaral ay kilala ang bawat
isa. Si Roniel ay bagong lipat lang na mag-aaral sa klase ni Bb. San
Pablo kaya siya ang unang tinawag upang magpakilala.
Roniel: Magandang umaga sa inyong lahat lalo na sa ating guro
na si Bb. San Pablo. Ako ay si Roniel M. Lakasloob.
Galing ang pangalan ko sa pantig ng mga pangalan ng
aking mga magulang na sina Roda at Daniel Lakasloob.
Ako ay siyam na taong gulang; isinilang ako sa Lungsod
ng Marikina noong Hunyo 5.Ang paborito kong asignatura
ay Matematika; mahilig akong magbasa ng mga kuwento
tungkol sa mga bayani ng ating bansa. Malakas ang aking
loob na sumali sa mga patimpalak lalo na sa pagsulat.
Ang paborito kong kasabihan ay “ang batang matatag at
Alamin Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
3
may lakas ng loob, ganda ng buhay ay di-matitibag.” Ito
ang ipinamulat sa akin ng aking mga magulang.
Guro: Magaling, Roniel. Binabati kita sapagkat matapang mong
naipakilala ang iyong sarili sa harap ng mga bago mong
kaklase. Nagpapakita ito ng katatagan at lakas ng iyong
loob.
Roniel: Maraming salamat po sa inyo, ma’am. Ito po ang turo
sa akin ng aking nanay. Hindi daw po dapat ikahiya ang
sarili lalo na kapag wala namang ginagawang masama.
Guro: Nais kong makausap ang iyong mga magulang. Maaari
mo ba silang papuntahin sa Lunes sa paaralan sa ganap
na ika-siyam ng umaga?
Roniel: Opo, ma’am. Ipararating ko po sa kanila ang inyong
kahilingan.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
4
Sagutin at gawin ang sumusunod:
1. Ilarawan si Roniel. Alin sa mga katangian niya ang
nagpapakita ng katatagan ng loob? Isa-isahin ito at
patunayan.
2. Papaano hinangaan ni Bb. San Pablo si Roniel? Isalaysay
ito sa klase.
3. Bilang mag-aaral, papaano mo ipakikilala ang iyong sarili ng
may lakas ng loob at may katatagan sa harap ng maraming
tao?
4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging
totoo at may katatagan ng loob sa pagpapakilala ng sarili.
5. Sa iyong palagay, bakit gustong makausap ng guro ang mga
magulang ni Roniel? Magbigay ng sapat na batayan.
Gawain 1
1. Pumikit nang ilang sandali at magkaroon ng maikling
repleksiyon sa sarili.
2. Isipin mo ang iyong mga natatanging kakayahan o talento.
Halimbawa: Nakatutugtog ng ukulele.
3. Isipin mo rin ang iyong mga kalakasan.
Isagawa Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
5
4. Sa iyong talaang papel, punan ng mga salita ang mga
pangungusap na ito:
“Ako ay si _____________________. Ang ilan
sa aking natatanging kakayahan o talento ay ang mga
__________________________. Ang mga kalakasan ko
naman ay _______________________."
Gawain 2
1. Magkaroon ng pangkatang gawain. Pumili ng lider.
2. Ibahagi sa pangkat ang iyong mga naisip nang magkaroon
ng repleksiyong pansarili sa unang gawain. Ibahagi mo
rin ang papel na ginagampanan ng iyong pamilya sa mga
natatanging kakayahan o talento at kalakasan na iyong
tinataglay. Kasabay ng pagbabahagi ay ipakita ito sa iyong
pangkat.
3. Sa pamamagitan ng lider, buuin ang mga naibahagi ng mga
kasapi ng pangkat gamit ang balangkas sa ibaba:
Pangalan Mga
Natatanging
Kakayahan
Kalakasan Papel na
Ginagampanan
ng Pamilya
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
6
1. Sa mga narinig na ulat mula sa iba’t ibang pangkat mula sa
A - C, isulat ang sumusunod sa venn diagram:
a) sa bahaging titik A, ang mga natatanging kakayahan o
talento at kalakasan mula sa pangkat A;
b) sa bahaging titik B, ang mga natatanging kakayahan o
talento at kalakasan mula sa pangkat B;
c) sa bahaging titik C, ang mga natatanging kakayahan o
talento at kalakasan mula sa pangkat C; at
d) sa gitna, ang pare-parehong natatanging kakayahan o
talento at kalakasan ng lahat ng pangkat.
2. Bilang mag-aaral, papaano mo naipakikita ang iyong mga
natatanging kakayahan o talento nang my lakas, katatagan,
o tibay ng loob lalo na sa harap ng maraming tao?
Isapuso Natin
A B
C
Ang aming pare-parehong natatanging kakayahan o
talento at kalakasan.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
7
Sa buhay ng isang mag-aaral, ang katangian at natatanging
kasanayan ay isang regalo mula sa Maykapal. Ibinigay ito ng Diyos
kung kaya’t dapat natin itong pagyamanin at paunlarin.
Ang kakayahan ng isang tao ay natatangi. Hindi ito itinatago
at ikinahihiya sapagkat ang ibang tao ay nangangailangan ng mga
katangiang ito. Halimbawa, ang isang tao na mahusay sa pagsayaw
ay di makasasayaw kapag walang mahusay na makagagawa ng
isang tugtugin. Ang isang mahusay na mang-aawit ay di makaaawit
kung walang isang mahusay na kompositor o manunulat ng awit.
Ang lakas, katatagan, at tibay ng loob ay lubhang kailangan
upang mapaunlad ang isang katangi-tanging kakayahan. Ito ay
ipinakikita upang maitama, mapabuti,at mapaunlad ang kakayahan,
kung kinakailangan para maabot ang kahusayan.
1. Ang Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa tuwing sumasapit
ang buwan ng Hulyo. Sa pamamagitan ng inyong guro,
magkaroon ng isang munting palabas hinggil sa Buwan ng
Nutrisyon gamit ang inyong mga katangi-tanging kakayahan.
Maaaring gamiting lunsaran ibinigay ang halimbawang
palatuntunan.
2. Pumili ng gusto mong bahaging gagampanan sa
palatuntunan. Isulat ang iyong pangalan sa bahaging
napili.
Tandaan Natin
Isabuhay Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
8
Halimbawa:
3. Pagkatapos ng palabas, itanong sa sarili/pangkat ang:
a. Naging masaya ba ako/kami sa aking/aming ipinakita
at ibinahaging gawain/talento/kakayahan sa aming
palabas?
b. Papaano ko inalis ang kaba sa aking mga ipinakitang
talento sa palabas?
DEPED COPY
PALATUNTUNAN
Pambungad na Panalangin
____________________________
Pambansang Awit
____________________________
Mensahe ng Punongguro
____________________________
Mga Natatanging Bilang
a. __________________________
b. __________________________
c. __________________________
Pangwakas na Pananalita
____________________________
Pangwakas na Panalangin
____________________________
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
9
Sa sagutang papel, lagyan ng kaukulang tsek (ü) ang
pinaniniwalaang pahayag.
MGA PAHAYAG TAMA MALI
1. Ako ay may kakayahang akin lamang
sapagkat iba ako kung ikokompara sa
aking mga kamag-aral.
2. Mahalaga na maipakita ko sa aking
mga kaibigan, kamag-aral, magulang, at
kapitbahayan ang aking kakayahan upang
malaman ko ang mga dapat ko pang
paunlarin.
3. Ang lakas ng aking loob at katatagan
ay aking ginagamit sa pamamagitan ng
pagtanggap ng mga mungkahi at paalala
mula sa aking kapuwa.
4. Hindi ako nahihiyang ipakita na magaling
ako sa anumang bagay kaya ayokong
pinipintasan ang aking mga ginagawa.
5. Nakauunawa ako kapag itinatama ng mga
tao ang aking mga nagawang mali dahil
mapabubuti at maipakikita ko ang aking
natatanging kakayahan.
Subukin Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
10
Ang katatagan at lakas ng loob ay nabigyan ng katuparan sa
iyong sarili. Humayo ka at ipakita ang mga ito gamit ang natutuhan
mo sa iyong buhay.
Binabati kita! Handa ka na sa susunod na aralin dahil nasa
iyo na ang katatagan upang labanan ang mga pagsubok sa pag-
aaral.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
11
Aralin 2
Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko!
May kasabihang “Kapag may tiyaga ay may nilaga.” Ito ay
nagpapatunay na ang pagsusumikap ng isang indibidwal ay
makakamit kung may ibayong pagpupursigi at tamang adhikain sa
buhay.
Basahin natin ang talumpati ni Dr. Noel Garcia sa isang
palatuntunan.
Pagiging Matiyaga, May Dulot na Biyaya
“Ako ay nagmula sa isang dukhang pamilya. Ang aking ama
ay isang karpintero at ang aking ina ay tumatanggap ng labada
upang matulungan ang aking ama sa mga pangangailangan naming
walong magkakapatid,” panimulang paglalahad ni Dr. Noel Garcia
sa harap ng mga mag-aaral ng Paaralang Legarda sa Sampaloc,
Maynila.
Si Dr. Garcia ay naanyayahan ng mga guro sa naturang
paaralan upang magbigay ng inspirasyon, sa pamamagitan ng
kaniyang mga karanasan, sa mga mag-aaral na may nakamit
na karangalan sa Araw ng Pagkilala. Tuwang-tuwa si Dr. Garcia
sapagkat muli niyang masisilayan ang paaralang pinagtapusan at
maibabahagi niya sa mga natatanging mag-aaral ang kaniyang
mga naging karanasan upang maabot ang tagumpay na kaniyang
tinatamasa ngayon. Pagkakataon na rin niyang muling makita ang
kaniyang mga guro sa elementarya.
Alamin Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
12
“Natatandaan ko pa noon,” ang pagpapatuloy ni Dr. Garcia,
“sabik na sabik ako sa bawat araw na ako ay papasok sa paaralan.
Dahil kami nga ay mahirap, madalas na wala akong baong pera,
bagkus ay ipinagbabalot ako ni Nanay ng kaunting kanin at kung
anuman ang natirang ulam namin. Alam ko na tinitingnan ako ng
mga kamag-aral ko sa tuwing bubuksan ko ang aking baon ngunit
hindi ko na lamang sila pinapansin. Ang mahalaga ay hindi ako
nakakaramdam ng gutom habang nagkaklase.”
“Ang gamit kong kuwaderno ay pinagsama-samang pahina
ng ginamit ko nang nakaraang taon. Matiyaga kong pinagsama-
sama ang mga pahinang wala pang sulat, tinahi at nilagyan ng takip
upang hindi mapansin ng aking mga kamag-aral na ito ay luma.”
“Kupasin ngunit malinis ang ginagamit kong uniporme at
sapatos na matiyaga kong inihahanda sa araw-araw.”
“Ang gamit naming ilawan ay isang gasera na isinasabit
ni Tatay sa haligi ng aming maliit na bahay. Pinagtitiyagaan kong
gawin ang aking mga takdang-aralin at proyekto sa liwanag nito,”
ang nakaaantig-damdaming kuwento ni Dr. Garcia.
“Malayo-layo rin ang paaralan mula sa aming tahanan. Ang
mga kamag-aral ko na nakatira sa malapit sa amin ay sumasakay
papunta sa paaralan. Nagtitiyaga akong maglakad papunta at pauwi
mula sa paaralan sapagkat wala akong pamasahe,” pagpapatuloy
ni Dr. Garcia.
“Sa kabila ng aming kahirapan, sinikap kong hindi lumiban sa
klase. Pinagbuti ko ang pag-aaral sapagkat alam kong ito lamang
ang paraan para makamit ko ang aking inaasam na tagumpay."
“Nang dumating ang araw ng pagtatapos, laking ligaya ko at
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
13
ng aking mga magulang sapagkat ako ang nanguna sa pangkat ng
mga magsisipagtapos." May himig pagmamalaking dagdag ni Dr.
Garcia.
“Naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa sekondarya
at kolehiyo sa tulong ng mga nagbigay sa akin ng scholarship.
Bukod doon, nagtiyaga rin akong magtrabaho sa isang maliit na
kainan bilang tagapagsilbi pagkatapos ng aking klase upang may
pandagdag sa araw-araw na gastusin. Madalas na ilang oras lamang
ang aking tulog dahil sa pag-aaral ng mga leksiyon, lalo na kapag
may mga pagsusulit, dahilan upang makakuha ako ng matataas na
marka,” ang sabi pa ni Dr. Garcia.
“Ngayon, ako ay isa nang manggagamot na naglilingkod
sa mga mamamayan. Nagbunga ang ginawa kong pagtitiyaga
sa aking pag-aaral. Sana, ang aking karanasan ay magsilbing
inspirasyon sa inyong lahat. Pakatandaan ninyo na napakahalaga
na makapagtapos sa pag-aaral. Ito ang makatutulong sa inyo upang
magtagumpay. Pagsumikapan ninyo at pagtiyagaan kung anuman
ang mayroon kayo ngayon. Gamitin ito para sa magandang bukas,”
ang panghuling pananalita ni Dr. Garcia.
Sagutin at gawin ang sumusunod:
1. Ano ang tampok na pag-uugaling ipinakita ni Dr. Garcia
habang siya ay nag-aaral?
2. Basahin mo ang bahaging magpapatunay na siya ay matiisin,
matiyaga, at matatag ang loob.
3. May maganda bang ibinunga ang pagiging matiyaga ni Dr.
Garcia? Patunayan.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
14
4. Sa iyong palagay, nakapagtapos kaya ng pag-aaral si Dr.
Garcia kung hindi siya naging matiyaga? Patunayan.
5. Ikahihiya mo ba na ikaw ay mahirap at mawawalan ka pa ba
ng pag-asa na umunlad sa iyong paglaki? Pangatwiranan.
Gawain 1
1. Paano makatutulong sa iyo ang pagiging matiyaga kasama
ang katatagan ng loob sa oras ng pangangailangan o crisis?
2. Sa isang malinis na papel, magtala ng mga pangyayari sa
iyong buhay na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging
matiyaga bilang isang mag-aaral.
Gawain 2
1. Bumuo ng tatlong pangkat. Pumili ng magiging lider sa bawat
pangkat.
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
_________________________________.
Isagawa Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
15
2. Ang lider ay bubunot sa kahon ng metacard na may nakasulat
na tema tulad ng:
•	 pagiging matiyaga
•	 pagiging matatag ang loob
•	 pagtanggap sa katotohanan
3. Gumawa ng iskrip na nagpapakita ng kahalagahan ng
nabunot na tema. Gamiting batayan ang pangyayari sa
buhay ni Dr. Garcia. Isadula ito sa harap ng klase.
4. Pagkatapos ng pagsasadula, maaaring magbigay ng
komento ang ibang pangkat.
Nasa ibaba ang mga simbolo na nagpapahiwatig ng pagiging
masipag, matatag ang loob, at matiyaga. Pumili ng isa na ilalagay
mo sa pinakamataas na antas ng baitang at ang iba naman ay sa
pangalawa at ikatlong baitang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Isapuso Natin
Masipag Matatag ang loob Matiyaga
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
16
Bumuo ng maikling talata tungkol sa simbolong iyong napili
at ipaliwanag kung bakit mo ito inilagay sa una, pangalawa, at
pangatlong baitang.
Ang pagiging matiyaga kasama ang tatag ng loob ay isang
napakagandang ugali na dapat mahubog sa isang batang katulad
mo.Angkatangiangitoaymalilinangkungpalagimoitongisasagawa.
Maraming matagumpay na tao tulad ng ating pambansang bayani
na si Dr. Jose Rizal, na sa kabila ng pagmamalabis ng mga dayuhan
sa kaniyang pagkatao ay naging matatag sa paraan ng pagsusulat
ng mga libro at inihayag ang kalabisang ginawa ng mga dayuhan
sa mga Pilipino. Sa kaniyang pagkakakulong sa Dapitan ay naging
matatag siya at hindi sumuko sa laban para makamit ang inaasam
na kalayaan. Nariyan din ang ating mga guro, mga doktor, at iba
pang propesyonal na nakatapos ng kanilang pag-aaral dahil sa
kanilang pagiging matiyaga. Sila ay nagsisilbing modelo sa atin.Ang
iba sa kanila ay maaaring mahirap ngunit hindi ito naging hadlang.
Kahit na totoong sila ay kapos sa salapi at mahirap makapag-aral,
tinanggap nila ito nang taos sa puso at hindi ito naging hadlang
para sila ay magsikap. Gamit ang kanilang katatagan ng loob at
tiyaga naging maganda ang kanilang buhay.
Tandaan Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
17
Ang pagiging matiyaga at matatag ang loob ay maaaring
magawa ng isang batang tulad mo. Halimbawa, ang isang batang
matiyaga ay nakagagawa ng kaniyang mga takdang gawain at iba
pang proyekto upang makakuha ng mataas na marka. Natatapos
niya nang mahusay at madali ang mga gawaing nakaatang sa
kaniya sapagkat isinasabuhay niya ang pagiging matiyaga at may
tatag ng loob.
Pag-isipan: Bilang mag-aaral, ano ang karanasan mong
nagpapatunay na ikaw ay naging matiyaga? Ano naman ang naging
bunga nito sa iyo?
A. Gamit ang template sa ibaba, isulat sa iyong kuwaderno ang
iyong mga karanasan na nagpapakita ng pagiging matiyaga at
sa katapat ay ang mga bunga nito.
Karanasan sa Pagiging
Matiyaga
Bunga
Isabuhay Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
18
B. Gumawa ng pangako ng pagiging matiyaga bilang mag-
aaral at bilang mabuting kasapi ng pamilya.
C. Sumulat ng isang gawain sa bahay na maaari mong
maisagawa nang higit na mahusay kung ikaw ay magbibigay
ng sapat na oras at magpapamalas ng pagtitiyaga.
Halimbawa: pagliligpit ng mga kalat at pag-aayos ng mga
gamit sa bahay
Lagyan ng tsek (ü) ang patlang kung nagpapakita ito
ng pagtitiyaga at ekis (û) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
______ 1. Hinintay nina Joeven at Erika si Renante sa Plasa
Mabini kahit na lampas na sa takdang-oras ng kanilang
usapan.
______ 2. Pinipilit tapusin ni Pearl ang pagsagot sa takdang-
aralin kahit na ito ay may kahabaan.
______ 3. Itinapon na lamang ni Mariz ang may punit na damit
sapagkat ayaw niyang manahi.
______ 4. Patuloy pa rin ang ginagawang pagtulong ni Grace sa
kanyang kamag-aral na si Nikki kahit madalas itong
hindi nakatatapos sa gawain.
Subukin Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
19
______ 5. Isa-isang pinulot ni Nica ang mga butil ng natapong
bigas dahil alam niyang mahalaga ito at wala silang
sapat na salapi para ipambili ng sobra.
______ 6. Sumingit sa pilahan ng pagkain sa kantina si Evan
dahil nagugutom na siya.
______ 7. Tumutulong si Jomer sa kanyang kuya na mag-ipon
ng tubig tuwing hapon sapagkat iyon lamang ang oras
na may tubig ang kanilang gripo.
______ 8. IhiniwalayniMaricarangpahinangkanyangkuwaderno
na wala ng sulat at tinahi ito upang magamit pa niya sa
susunod na pasukan.
______ 9. Nanatili sa loob ng paaralan si Mayan kahit may isang
oras na ang nakaraan pagkatapos ng kanilang klase
upang hintayin ang pagdating ng kanyang ina na
susundo sa kaniya.
_____10. Nanonood sa telebisyon ang kapatid ni Manuel.
Sapagkat oras na ng programang gusto niyang
panoorin ay bigla niyang inilipat ang channel sa
programang iyon.
Binabati kita! Lubos mong naunawaan ang napag-aralan natin
tungkol sa kahalagahan ng pagiging matiyaga. Maaari ka nang
tumuloy sa kasunod na aralin.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
20
Aralin 3
Pagkamatiisin, Kaya Kong Gawin!
Kung ikaw ay malagay sa isang sitwasyon na kinakailangan kang
magtiis, makakaya mo kaya?
May kasabihang, “Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot."
Ito ang ating aalamin sa araling ito.
Basahin natin ang kuwento ni Willy tungkol sa kaniyang pag-
aaral.
“Ako ay isang mag-aaral sa ikaapat na baitang sa Paaralang
Maunlad sa lalawigan ng Aurora. Pangarap ko ang makapagtapos
sa aking pag-aaral kaya titiisin ko ang mga paghihirap na dapat
kong harapin. Hindi ko iniisip kung may mga bagay na dapat kong
gawin kahit na mangahulugan ito ng ibayong paghihirap.”
“Ang aming lalawigan ay palaging dinadalaw ng malalakas
na bagyo. Paborito kaming pasyalan ng mga ulan at hangin. Tinitiis
namin ang paglakad sa mapuputik na daan lalo na kung tag-ulan at
ang paglangoy sa baha kung tumataas ang tubig sa ilog kahit ito ay
delikado at hindi dapat gawin o tularan.”
“Ang aming tahanan ay nasa kabila ng isang tulay. Isang araw,
sa hindi inaasahang pangyayari, ang tulay ay nasira ng bagyo.
Hindi kaagad naisagawa ang pagsasaayos sa tulay na ito sapagkat
marami pang higit na kailangang unahin lalo ang naapektuhan ng
bagyo.
Alamin Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
21
“Dahil dito, araw-araw akong naglalakad paikot sa kabilang
baryo makarating lamang sa paaralan. Hindi ako lumiliban sa klase
kahit basa na ang aking sapatos sa pagtahak sa daang may baha o
putik. Ang palagi kong iniisip ay ang pangarap kong makapagtapos
ng pag-aaral.”
“Isang araw, napansin ng aking guro na tila ba pagod na
pagod ako at pawisan nang dumating sa paaralan. Nalaman niya
na nasira ang tulay na malapit sa amin. Kaagad gumawa ng sulat
ang aking guro upang maipakiusap sa kinauukulan ang agarang
pagkukumpuni ng tulay.”
“Hindi naglipat-buwan, nagawa na ang sirang tulay at muli itong
nagamit ng mga naninirahan sa aming lugar. Laking pasasalamat
ng lahat ng aking kapitbahay sa naisagawang pag-aayos ng tulay.”
Sagutin ang mga tanong:
1. Papaano ipinakita ni Willy na siya ay isang batang
mapagtiis?
2. Ano ang natuklasan ng guro ni Willy?
3. Ano ang naging daan upang maipagawa ang tulay sa lugar
nina Willy?
4. Kung ikaw si Willy, magagawa mo bang tiisin ang katulad ng
mga naranasan niya? Patunayan.
5. Maglahad ng mga karanasan na magpapakita ng pagtitiis sa
iyong buhay bilang mag-aaral.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
22
Gawain 1
Basahing mabuti at suriin ang mga sitwasyon. Magtulong-
tulong na alamin ang tamang desisyon na gagawin sa bawat
sitwasyon. Gamitin ang Tsart ng Paggawa ng Desisyon sa pagsagot
sa mga tanong. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Halimbawa: Nais mong bumili ng usong laruan dahil lahat ng
kaibigan mo ay mayroon nito subalit kulang ang pera mo. Ano ang
gagawin mo?
Tsart ng Paggawa ng Desisyon
Suliranin Tunguhin
Kulang ang perang pambili ng
laruan
Makabili ng usong laruan
Maaaring Gawin Pros (+), Cons (-)
Humingi ng pera sa magulang + Makokompleto ang pambili
- Masisira ang badyet ni Nanay
Manghiram ng pera sa kaibigan + Makokompleto ang pambili
- Baka hindi ko mabayaran
Maghintay na makompleto ang
perang pambili mula sa inipon
+ Makokompleto ang pambili
- Hindi agad magkakaroon ng
usong laruan
Desisyon Dahilan
Kokompletuhin ang pambili ng
usong laruan mula sa inipon
Puwede naman akong mang-
hiram muna ng laruan habang
hindi pa ako nakabibili
Isagawa Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
23
1. May palatuntunang gagawin sa inyong paaralan. Miyembro
ka ng isang pangkat ng mananayaw. Nagkasundo kayo
na bibili o magrerenta ng costume. Subalit ayon sa iyong
magulang, kung gagawin ito ay babawasan nila ang baon
mo. Ano ang dapat mong gawin?
2. Papunta kayo ng kaibigan mo sa parke upang manood ng
palabas. Bago ka payagan ng nanay mo, inutusan ka niya
na bumili ng tinapay sa panaderya. Pagdating mo roon,
napansin mo na napakahaba ng pila. Kung maghihintay ka
ay posibleng magsimula na ang palabas bago ka pa makabili.
Ano ang dapat mong gawin?
Gawain 2
1. Bumuo ng limang pangkat.
2. Basahin at suriing mabuti ang sitwasyon na ibibigay ng guro.
Bigyan ito ng mabuting desisyon bago gumawa ng anumang
hakbang.
3. Ilarawananginyongkasagutansapamamagitanngpaggamit
ng iba’t ibang uri ng tsart.
4. Susukatin ang inyong ginawa gamit ang rubrics.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
24
Rubrics
Pamantayan 3 2 1
Pagsusuri Natukoy ng mga
mag-aaral ang
sumusunod:
suliranin,
tunguhin, at
maaaring
gawin upang
makapag-
desisyon nang
tama
Natukoy ng
mga mag-
aaral ang
dalawa sa
sumusunod:
suliranin,
tunguhin, at
maaaring
gawin upang
makapag-
desisyon nang
tama
Natukoy
ng mga
mag-aaral
ang isa sa
sumusunod:
suliranin,
tunguhin, at
maaaring
gawin upang
makapag-
desisyon
nang tama
Desisyon Nakapagbigay
ng tamang
desisyon at
makabuluhang
dahilan kung
bakit ito ang
kanilang
napagpasyahan
Nakapagbigay
ng tamang
desisyon at
dahilan kung
bakit ito ang
kanilang
napag-
pasyahan
Nakapag-
bigay ng
tamang
desisyon
Ipinakitang
Pagpapa-
halaga
Malinaw na
naipakita ang
pagpapa-
halagang
ginamit ng
pangkat
Naipakita ang
pagpapa-
halagang
ginamit ng
pangkat
Hindi
naipakita ang
pagpapa-
halagang
ginamit ng
pangkat
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
25
Marami na tayong nabasang kuwento tungkol sa mga taong
nagsipagtiis upang mabuhay at magtagumpay. Isa na rito ang
bayaning siAndres Bonifacio. Bata pa lamang siya ay kinailangan na
niyang magtiis upang maalagaan ang kaniyang mga nakababatang
kapatid. Gumawa siya at nagtinda ng iba’t ibang bagay tulad ng
pamaypay at baston upang sila ay may makain.
Sa isang bond paper, gumuhit ng isang puso. Sa loob nito
ay gumawa ng isang sulat para sa isang taong alam mong nagtitiis
para sa iyo. Sabihin mo sa kaniya kung ano naman ang maaari
mong gawin upang masuklian ang ginagawa niya. Maaari mong
gawing halimbawa ang nasa ibaba. Ipadala ito sa kaniya.
Halimbawa:
Isapuso Natin
Mahal kong Nanay,
Nais ko po sanang
magpasalamat sa ginagawa mong
pagtitiis na hindi magmeryenda
upang makabili ako ng bagong damit.
Para masuklian ko po ang
iyong kabutihan, ako po ay lagi nang
susunod sa mga ipinag-uutos mo.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
26
Ang pagiging matiisin ay isang katangian na dapat taglayin
ng isang bata upang siya ay magtagumpay. Sa pagiging mapagtiis,
magagawa niya ang mga bagay na akala niya ay hindi niya kayang
gawin. Dahil siya ay nasanay sa mga simpleng bagay upang
makamit ang kaniyang mithiin, magiging higit na madali para sa
kaniya ang pag-abot sa tagumpay.
Ikaw, bilang isang mabuting mamamayan ay malaki pa ang
magagawa kung pauunlarin at isasabuhay mo ang iyong pagiging
matiisin. Dapat mong matutuhang magtiis upang iyong makamit ang
iyong mga nais. Tulad ng kasabihang binasa natin, “Kapag maikli
ang kumot, matutong mamaluktot”. Darating din ang araw na ang
lahat ng iyong pangarap ay iyong makakamit, matuto ka lamang
munang magtiis.
Mag-isip ng isang bagay o pangyayari na hindi mo tiniis ngunit
kaya mo naman sanang tiisin. Batay sa pangyayaring ito, sumulat
ka sa iyong sagutang papel ng isang pangako na pipilitin mo itong
tiisin para sa iyong ikabubuti.
Tandaan Natin
Isabuhay Natin
Noon ay hindi ko kayang tiisin na _______.
Ngayon ay nangangako akong gagawin
ko ang aking makakaya upang maging
mapagtiis at gawing ________ para sa aking
ikabubuti.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
27
Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na mga tanong:
Ano ang dapat mong gawin kung...
1. mainit ang sikat ng araw, subalit oras na ng pagpila para sa
seremonya sa Watawat ng Pilipinas
2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian ninyo ng iyong
mga kapatid. Gusto mo pang kumain
3. nabasa ng ulan ang kama mo kaya kinakailangan kang
maglatag at humiga sa sahig
Basahin ang tseklis sa ibaba. Lagyan ng tsek (ü) ang hanay
ng iyong sagot.
Pag-uugali
Laging
Ginagawa
Paminsan-
minsan
Lamang
Ginagawa
Hindi
Ginagawa
1. Nananatiling nakatayo
at hinihintay ang hudyat
para lumakad na papunta
sa silid-aralan.
2. Nakapaghihintay na
maluto ang pagkain kahit
gutom na.
3. Pinagtitiisan kung ano
lamang kagamitan ang
mayroon sa bahay.
Binabati kita sapagkat naunawaan mo ang kahalagahan ng
pagiging matiisin. Ngayon, handa ka na para sa susunod na aralin.
Subukin Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
28
Aralin 4
Magiging Mapanuri Ako!
Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig na balita sa radyo o
nababasa sa pahayagan ay makatutulong sa tamang pagpapasiya.
Ang salitang mapanuri ay tumatalakay sa pagiging masiyasat
sa mga bagay na bago sumang-ayon ay nasusuri ng lubos para
mapagpasiyahan ng buong pagpapahalagang desisyon.
Paanokayanatindapatsuriinangmgabalitangatingnapapakinggan
sa radyo o nababasa sa pahayagan? Makaaapekto ba ito kung
mali ang impormasyon na ating naihatid sa ating kapuwa?
Suriin ang kuwento.
Alamin Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
29
Ang Balita ni Tatay Nato
Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo si Mang Nato.
“Magandang umaga, mga kababayan! Ito na naman po ang
RACC Balita, Nagbabalita Ngayon!”
“Naitala kahapon na dalawampu’t apat na bata na may
gulang na walo hanggang sampu ang nakagat ng aso sa bayan ng
Salvacion.	Ito	ay	ayon	kay	Dr.	Jacob	R.	Platon	ng	Veterinary	Office."
“Kung hindi ito maaagapan, maaari itong ikamatay. Pinag-
iingat ang mga mamamayan lalo na ang mga bata.”
“Pinakikiusapan din ang mga may-ari ng aso na maging
responsable sa kanilang mga alagang hayop na pabakunahan ng
anti-rabies at itali ang mga ito upang hindi makadisgrasya.”
Nabahala si Mang Nato sa napakinggang balita sa radyo.
Kinausap niya ang kaniyang mga anak. Binigyan niya ang mga ito
ng babala tungkol sa rabies na dala ng kagat ng aso.
“Ano po ang dapat naming gawin kapag nakagat ng aso,
Tatay?” tanong ni Anika sa ama.
“Anak, dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang
kasama sa bahay na komunsulta na agad sa doktor para malapatan
ng paunang lunas.”
“Salamat po, Tatay Nato," sabi ni Anika.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
30
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong nabasa?
2. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong hindi ka naniwala sa
balitang iyong narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan?
Ipaliwanag ang dahilan.
3. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga
balitang naririnig mo sa radyo o nababasa sa pahayagan?
Ipaliwanag.
4. Naranasan mo na ba na tama ang iyong pagkakaintindi sa
balitang iyong narinig o nabasa? Magbigay ng halimbawa.
5. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa
paalala ng iyong tatay ukol sa balita niyang napakinggan?
Pangatwiranan.
Gawain 1
Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa
radyo o nabasa sa pahayagan. Ikategorya ito sa Magandang Balita
o Mapanghamong Balita. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Isagawa Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
31
Sagutin ang mga tanong sa ibaba at kompletuhin ang
pangungusap na nasa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Ano-ano ang mga balitang tumatak sa iyong isipan noong
nagdaang araw na masasabi mong Magandang Balita o
Mapanghamong Balita?
2. Paano mo nasabi na ang mga ito ay magandang balita o
kaya ay mapanghamong balita?
Kung ang mga balita ay tungkol sa mga negatibong
bagay, ang gagawin ko ay __________________________
dahil naniniwala ako na ___________________________.
Magandang Balita Mapanghamong Balita
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
32
Gawain 2
Mini Presscon
1. Dahil alam na ninyo ang mga mapanuring pamamaraan sa
pagtuklas ng katotohanan sa mga balitang napakinggan sa
radyo o nabasa sa pahayagan, kaya na ninyong magplano
ng isang pagtatanghal o palabas para maipakita ang
inyong mga natatanging kakayahan tungkol sa simpleng
pagbabalita.
2. Bumuo ng tatlong pangkat. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.
Pangkat Bumubuo sa Pangkat Gawain/
Kakayahan
I Mahuhusay sa pagsasalita
Isang anchor o tagapagbalita
Kakayahan sa
pagbabalita
II Magagaling sa pagsulat
Magsusulat ng simpleng
balita
Kakayahan sa
pagsulat ng balita
III Magsusuri ng balita
Manonood na magsusuri
ng balita at magtatanong sa
magiging epekto nito
Kakayahang
magsuri ng balita
Gawain 3
Pagtatanghal
Ipakita ang inyong napagkasunduang palabas o pagtatanghal
at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
33
1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa pagbabalitang isinagawa
sa unahan ng unang pangkat?
2. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang lakas ng
kanilang loob sa pagtatanghal? Patunayan.
3. Pansinin naman natin ang ikalawang pangkat na sumulat ng
balita. Tama ba at nasa ayos ang kanilang isinulat na balita?
Patunayan.
4. Paano naman nasuri ng ikatlong pangkat bilang manonood
na ang kanilang nasaksihang balita ay may positibo o
negatibong epekto sa mga manonood? Patunayan.
Ngayon alam mo na ang pagiging mapanuri sa
impormasyong narinig sa radyo at nabasa sa pahayagan.
Narito ang dart board, saang numero mo mailalagay ang
iyong sarili sa pagiging mapanuri? Lagyan ng puso ang
napiling numero. Gamitin ang inihandang larawan ng guro.
Isapuso Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
34
1-5 Hindi nasuri nang maayos ang mga balita na narinig sa
radyo o nabasa sa pahayagan
6-10 Medyo nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o
nabasa sa pahayagan
11-15 Nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa
pahayagan
16-20 Nasuri nang buong puso at pag-iisip ang mga balita na
narinig sa radyo at nabasa sa pahayagan
Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pananaw at opinyon sa
balitang naririnig sa radyo o nababasa sa pahayagan. Ang pagiging
mapanuri sa naririnig o nababasa ay nagpapakita lamang ng
masusing pag-iisip.
May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon
upang lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa o
nakikinig. Subalit mayroon din naman sa paraang paninirang puri.
Ang ganitong klase ng pagkakasulat o paglilimbag ay itinuturing na
isang libelo.
Ayon sa Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas,
ang mga elemento ng libelo ay ang:
1. pagbibintang ng isang kahiya-hiyang gawa o kalagayan sa
iba;
Tandaan Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
35
2. paglalathala ng mga bintang;
3. pagkakakilanlan ng taong dating tanyag na nalaos; at
4. pagkakaroon ng masamang hangarin.
Ang sinumang tao na magsulat, maglathala, mag-eksibit, o
maging sanhi ng anumang paninira ay magiging responsable.
Hindi lahat ng balitang naririnig o nababasa ay totoo. Ito
ay dapat na may kongkretong ebidensiya at may patunay. Ang
pagsusuri sa isang narinig o nabasang balita ay dapat na may
batayan.
Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa balita ay
tumutulong sa atin para makuha, malaman, at maunawaan natin
ang tamang impormasyon.
Bigkasin nang may lakas, sigla, at damdamin ang tula sa ibaba.
Mapanuri Ako
Mapanuri ako sa aking pinakikinggan
Balita man o sabi-sabi lamang
O anumang pinag-uusapan
Dapat kong suriin at pahalagahan.
Hindi ikinakalat ang anumang usapan
Na walang patunay o ebidensiya man
Isabuhay Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
36
‘Wag nang ihatid sa iba para di-makasuhan
Upang maayos ang tunay na balitaan.
Ang mabuting pagninilay sa katotohanan
Hatid ay saya at di demanda ang patutunguhan
Kaya dapat lamang na mapanuri sa napakinggan
Tamang impormasyon ilabas nang tuluyan.
Pagkatao mo’y babantayog sa katotohanan
Kung tamang impormasyon ang iyong ipahayag
Mapanuri ako sa bawat minuto at oras
Dahil iyan ang salamin ng pusong busilak.
Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa narinig
na balita sa radyo o nabasa sa pahayagan. Isulat ito sa isang malinis
na papel.
Halimbawa:
Ako, si ________________________ ay nangangako
at naniniwalang mahalagang pag-iisipan kong mabuti at
susuriin muna ang balitang aking narinig o nabasa bago ko
ito paniwalaan upang hindi magdulot ng kalituhan. Dahil
dito ay magiging mapagmatyag ako sa katotohanan para sa
pagkakaaroon ng maayos na pamayanan. Magiging modelo
ako ng tamang pagsusuri ng balita, para sa totoo at walang
pinapanigan kundi ang katotohanan lamang.
Gabayan nawa ako ng Poong Lumikha.
________________________
Lagda ng Mag-aaral
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
37
Lagyan ng tsek (P) ang bilang na tumutugon sa mapanuring
pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa
pahayagan at ekis (û) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring
pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
______ 1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong
detalye ang balita ukol sa bagyo.
______ 2. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kabataan sa
Pilipinas.
______ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa
sa pahayagan.
______ 4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.
______ 5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa
pagbabasa ng balita.
Mahusay ka! Naipamalas mo ang iyong mapanuring pag-iisip.
Binabati kita. Patuloy mo itong paunlarin.
Maaari mo itong ibahagi sa kapuwa nang may mapanuring
pag-iisip.
Sapagkat natapos mo nang may mapanuring pag-iisip ang
araling ito, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin. Handa
ka na!
Subukin Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
38
Aralin 5
Sa Maayos na Kaisipan, May Tamang Pagninilay
Ang pagtanggap sa opinyon ng iba o paggalang ay makatutulong
upang lumawak ang ating pananaw. Maaari nating buksan ang
ating isipan sa pagtanggap ng pananaw ng iba.
Halina at ating suriin ang usapan ng dalawang mag-aaral.
Alamin Natin
Jessa, nakapanood
ako kagabi sa
telebisyon ng
palabas tungkol sa
digmaan.
Bong, iyan ba ang napanood
mo kagabi? Hindi ka ba
natakot sa pinanood mo?
Marahas ang ipinakita ng
pinanood mo.
Jessa, hindi naman.
Kaso pag gabi na
napapanaginipan ko
ang aking pinanood.
Napanaginipan ko
nga na ako ang
nabaril.
Salamat, Jessa,
sa iyong payo.
Ngayon alam ko
na ‘yong magiging
epekto ng
panonood ng
karahasan.
Naku! Bong. Ang
payo ko sa ‘yo
huwag ka nang
manood ng palabas
na may karahasan.
Tingnan mo at
napapanaginipan
mo pa!
Walang anuman,
Bong. Lagi mong
tandaan na
masayang manood
ng walang
karahasan. Sige na,
tawag na ako ni
Ama. Paalam.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
39
Sagutin ang mga tanong:
1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawang bata sa
larawan?
2. Nakatulong ba kay Bong ang kaniyang napanood sa
telebisyon? Ipaliwanag.
3. Paano ito nakaapekto sa kaniyang kaisipan at damdamin?
4. Kung ikaw si Bong, gagawin mo ba ang sinabi ni Jessa?
Pangatwiranan.
5. Italaangiyonghulingnapanoodsatelebisyon.Anoangnaging
epekto nito sa iyong damdamin at kaisipan? Ipaliwanag.
Gawain 1
Punanangloobnghugisngiyongmganapanoodsatelebisyon.
Paano nakaaapekto ang mga ito sa iyong kaisipan at damdamin?
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Isagawa Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
40
Gawain 2
1. Bumuo ng limang pangkat.
2. Magtala ng mga impormasyon ng inyong napanood sa
telebisyon.
3. Masusi ninyo itong pag-aralan at pumili para sa isang dula-
dulaan. Sundin ang template sa ibaba.
4. Mula sa kahon ay sumulat ng simpleng script.
5. Pumili ng mga artista at direktor mula sa script ng inyong
pangkat para sa inyong palabas.
Programang Napanood Aral Hamon
1.
2.
3.
4.
5.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
41
Nadaragdagan ang iyong karanasan sa pagkakaroon ng
bukas na isipan sa tulong ng media tulad ng radyo, pahayagan, at
telebisyon.
Ano ang nasa isip mo nang pinagsama-sama ang iyong
karanasan sa napanood mong balita o programa sa telebisyon. Itala
ang mga ito sa kahon A, B, at C. Sa loob naman ng puso, itala ang
kabutihang dulot ng iyong napanood sa telebisyon na pumukaw sa
iyong damdamin. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Isapuso Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
42
Malaki ang epekto ng programa sa telebisyon na maaaring
nakatutulong o nakasasama sa manonood. Ang pagkakaroon ng
bukas na isipan ay nagdudulot sa isang manonood ng tamang
pagproseso ng pag-iisip sa kaniyang napanood. Suriing mabuti ang
mga programang ipinalalabas sa telebisyon bago paniwalaan.
Ang Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at
Telebisyon o Movie and Television Review and Classification
Board, dinadaglat na MTRCB, ay ang ahensiya ng pamahalaan ng
Pilipinas na responsable sa regulasyon ng telebisyon at pelikula,
pati na rin ang sari-saring uri ng de-bidyong midya, na makikita at/o
ikinakalakal sa bansa. Itinatag ito noong 1985 sa bisa ng Atas ng
Pangulo Blg. 1986 sa ilalim ng pamahalaan ni dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos.
Ang MTRCB ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo.
Binubuo ito ng isang tagapangulo, isang pangalawang tagapangulo
at tatlumpung (30) kasapi ng lupon, na manunungkulan nang isang
taon.
Kasalukuyang gumagamit ang MTRCB ng dalawang sistema
ng pag-uuri: isa para sa mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan
sa Pilipinas at isa naman para sa mga programang ipinalalabas sa
telebisyon.
Ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa mga pangyayari ayon
sa iyong napanood ay tumutulong sa atin na makapagpasiya nang
matibay at tama. Ang tamang gabay at patnubay ng mga magulang
sa mga bata ay kailangan. Nasa atin na ang pagsunod upang hindi
tayo mapahamak.
Tandaan Natin
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
43
Pag-isipan mo ang tanong na ito:
Gumawa ng tatlong simpleng poster sa temang “Kaya Kong
Maging Mapanuring Manonood, Bukas ang Isip sa Tamang Gawi at
Asal."
Ipapaskil ito sa bulletin board upang makahikayat ng mga mag-
aaral na magkaroon ng mapanuring pag-iisip at tamang pagninilay
tungkol sa balita at programang napapanood
Gumuhit ng araw ( ) sa bilang ng mga sitwasyon na may
bukas kang pag-iisip at ulap ( ) naman kung hindi mo ito naisagawa
nang may bukas na pag-iisip. Itala ito sa iyong kuwaderno.
_______1. Nakapanood ako ng programang walang karahasan
sa telebisyon.
_______2. Inililipat ko nang estasyon kapag may ipinalalabas na
malalaswang panoorin.
Isabuhay Natin
Subukin Natin
Nakatutulong ba ang mga programang napanood mo sa
iyong pagpapasiya pagkatapos mo itong suriin? Pangatwiranan.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
DEPED COPY
44
_______3. Naiisa-isa ko ang mga taong may magandang
pagganap sa teleserye.
_______4. Natutuwa ako kapag may magandang balita ang
programa sa telebisyon.
_______5. Naipaliliwanag ko nang maayos sa harap ng aking
kamag-aral ang nangyari sa programang aking
pinanood.
Binabati kita sa iyong kahusayan! Tagumpay mong naipakita
ang iyong pagkakaroon ng bukas na isipan. Patuloy mo itong
paunlarin. Maaari kang muling magpaunlad ng kaisipan sa susunod
na aralin. Kayang-kaya mo yan!
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

More Related Content

What's hot

K TO 12 GRADE 1 IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1  IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 1  IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1 IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULITLiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULITLiGhT ArOhL
 
K to 12 Araling Panlipunan Grade 2 (3rd Periodical Exam)
K to 12 Araling Panlipunan Grade 2  (3rd Periodical Exam)K to 12 Araling Panlipunan Grade 2  (3rd Periodical Exam)
K to 12 Araling Panlipunan Grade 2 (3rd Periodical Exam)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 4 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG LAGUMANG PAGSUSULITLiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 5 IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULITLiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 5 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITLiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN FILIPINOK TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN FILIPINOLiGhT ArOhL
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...MaryGraceRafaga3
 
K TO 12 GRADE 4 IKATLONG MARKAHAN DIAGNOSTIC / PRE TEST
K TO 12 GRADE 4 IKATLONG  MARKAHAN DIAGNOSTIC / PRE TEST  K TO 12 GRADE 4 IKATLONG  MARKAHAN DIAGNOSTIC / PRE TEST
K TO 12 GRADE 4 IKATLONG MARKAHAN DIAGNOSTIC / PRE TEST LiGhT ArOhL
 
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!EDITHA HONRADEZ
 
Gr 5 pagtukoy ng lokasyon
Gr 5 pagtukoy ng lokasyonGr 5 pagtukoy ng lokasyon
Gr 5 pagtukoy ng lokasyonMarie Cabelin
 
Kayarian ng-pang-uri 2
Kayarian ng-pang-uri 2Kayarian ng-pang-uri 2
Kayarian ng-pang-uri 2JulietaInte1
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...LalainGPellas
 
K TO 12 GRADE 3 Ikatlong Markahang Pagsusulit
K TO 12 GRADE 3 Ikatlong Markahang PagsusulitK TO 12 GRADE 3 Ikatlong Markahang Pagsusulit
K TO 12 GRADE 3 Ikatlong Markahang PagsusulitLiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptx
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptxPaghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptx
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptxJovyTuting1
 
Gr 5 panahon at klima
Gr 5 panahon at klimaGr 5 panahon at klima
Gr 5 panahon at klimaMarie Cabelin
 
What's hot (20)

K TO 12 GRADE 1 IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1  IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 1  IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1 IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
 
K to 12 Araling Panlipunan Grade 2 (3rd Periodical Exam)
K to 12 Araling Panlipunan Grade 2  (3rd Periodical Exam)K to 12 Araling Panlipunan Grade 2  (3rd Periodical Exam)
K to 12 Araling Panlipunan Grade 2 (3rd Periodical Exam)
 
K TO 12 GRADE 4 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 5 IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
 
Gramatika
GramatikaGramatika
Gramatika
 
K TO 12 GRADE 5 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN FILIPINOK TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN FILIPINO
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
 
K TO 12 GRADE 4 IKATLONG MARKAHAN DIAGNOSTIC / PRE TEST
K TO 12 GRADE 4 IKATLONG  MARKAHAN DIAGNOSTIC / PRE TEST  K TO 12 GRADE 4 IKATLONG  MARKAHAN DIAGNOSTIC / PRE TEST
K TO 12 GRADE 4 IKATLONG MARKAHAN DIAGNOSTIC / PRE TEST
 
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
Aralin 2 pagiging matiyaga uugaliin ko!
 
Gr 5 pagtukoy ng lokasyon
Gr 5 pagtukoy ng lokasyonGr 5 pagtukoy ng lokasyon
Gr 5 pagtukoy ng lokasyon
 
Aralin 7 Patalastas
Aralin 7 PatalastasAralin 7 Patalastas
Aralin 7 Patalastas
 
Kayarian ng-pang-uri 2
Kayarian ng-pang-uri 2Kayarian ng-pang-uri 2
Kayarian ng-pang-uri 2
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
 
K TO 12 GRADE 3 Ikatlong Markahang Pagsusulit
K TO 12 GRADE 3 Ikatlong Markahang PagsusulitK TO 12 GRADE 3 Ikatlong Markahang Pagsusulit
K TO 12 GRADE 3 Ikatlong Markahang Pagsusulit
 
GRADE 2 English SECOND PERIODIC TEST
GRADE 2 English SECOND PERIODIC TESTGRADE 2 English SECOND PERIODIC TEST
GRADE 2 English SECOND PERIODIC TEST
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptx
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptxPaghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptx
Paghahanda-Para-sa-Sakuna-o-Kalamidad.pptx
 
Gr 5 panahon at klima
Gr 5 panahon at klimaGr 5 panahon at klima
Gr 5 panahon at klima
 
Similar to Edukasyon sa pagpapakatao kagamitan ng mag-aaral

K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfMerylLao
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guroelviesabang
 
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco-1.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco-1.pptxESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco-1.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco-1.pptxResettemaereano
 
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko editha t.honradez
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko   editha t.honradezEsp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko   editha t.honradez
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko editha t.honradezEDITHA HONRADEZ
 
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco.pptxESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco.pptxBeverlyBaptista
 
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdfFilipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdfMayMendoza29
 
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEPRINTDESK by Dan
 
Araling panlipunan june 10
Araling panlipunan  june 10Araling panlipunan  june 10
Araling panlipunan june 10ElsaDela
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfRoyAndrada1
 
Similar to Edukasyon sa pagpapakatao kagamitan ng mag-aaral (20)

K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
 
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
 
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
 
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco-1.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco-1.pptxESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco-1.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco-1.pptx
 
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko editha t.honradez
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko   editha t.honradezEsp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko   editha t.honradez
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko editha t.honradez
 
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko editha t.honradez
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko   editha t.honradezEsp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko   editha t.honradez
Esp q1 aralin 1 lakas ng loob ko, galing sa pamilya ko editha t.honradez
 
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco.pptxESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko      marvietblanco.pptx
ESP Q1 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko marvietblanco.pptx
 
ESP4_LM_U4.pdf
ESP4_LM_U4.pdfESP4_LM_U4.pdf
ESP4_LM_U4.pdf
 
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdfFilipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
 
Lessonplan es p4
Lessonplan es p4Lessonplan es p4
Lessonplan es p4
 
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
 
ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10
 
Lm esp grade10
Lm esp grade10Lm esp grade10
Lm esp grade10
 
Araling panlipunan june 10
Araling panlipunan  june 10Araling panlipunan  june 10
Araling panlipunan june 10
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
 
DLL_ESP-2_Q1_W3.pdf
DLL_ESP-2_Q1_W3.pdfDLL_ESP-2_Q1_W3.pdf
DLL_ESP-2_Q1_W3.pdf
 
Esp
EspEsp
Esp
 
ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3
 
Recently uploaded

Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoRheaRoseCapuz
 
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxQuarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxMelanieDionisio3
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxShierAngelUrriza2
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxBlessGely
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptxesp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptxVielMarvinPBerbano
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Recently uploaded (20)

Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
 
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxQuarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptxesp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
esp9modyul15lokalatglobalna-160229072147.pptx
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakatao kagamitan ng mag-aaral

  • 1. DEPED COPY i 4 Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 2. DEPED COPY ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2015 ISBN: _____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng ____________ Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Fe A. Hidalgo, PhD Mga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at Joselita B. Gulapa Mga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera, Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan, Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales, Noel S. Ortega, Marilou D. Pandiño, Adelaida M. Reyes, at Portia R. Soriano Mga Tagaguhit: Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. Mendoza Mga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara Mga Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-Urbano Punong Tagapangasiwa: Joselita B. Gulapa Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. Pandiño All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 3. DEPED COPY 1 Yunit I Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 4. DEPED COPY 2 Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko Hunyo. Unang araw ng pasukan. Balik-eskuwela ang mga mag-aaral. Bilang mag-aaral, naranasan mo na ba ang magpakilala sa harap nang may lakas ng loob at di nahihiya? Paano mo ipinakikilala ang iyong sarili sa iba? Magagamit mo ang lakas ng iyong loob sa pagharap sa iyong guro at mga kamag-aral sa simula ng klase. Kayang-kaya, di ba? Basahin ang kuwento. Roniel M. Lakasloob ang Pangalan Ko! Umpisa na naman ng klase. Nakagawian na ng mga guro sa paaralan na maging maayos ang unang araw ng pasukan. Siyempre, inaasahan na ang bawat mag-aaral ay kilala ang bawat isa. Si Roniel ay bagong lipat lang na mag-aaral sa klase ni Bb. San Pablo kaya siya ang unang tinawag upang magpakilala. Roniel: Magandang umaga sa inyong lahat lalo na sa ating guro na si Bb. San Pablo. Ako ay si Roniel M. Lakasloob. Galing ang pangalan ko sa pantig ng mga pangalan ng aking mga magulang na sina Roda at Daniel Lakasloob. Ako ay siyam na taong gulang; isinilang ako sa Lungsod ng Marikina noong Hunyo 5.Ang paborito kong asignatura ay Matematika; mahilig akong magbasa ng mga kuwento tungkol sa mga bayani ng ating bansa. Malakas ang aking loob na sumali sa mga patimpalak lalo na sa pagsulat. Ang paborito kong kasabihan ay “ang batang matatag at Alamin Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 5. DEPED COPY 3 may lakas ng loob, ganda ng buhay ay di-matitibag.” Ito ang ipinamulat sa akin ng aking mga magulang. Guro: Magaling, Roniel. Binabati kita sapagkat matapang mong naipakilala ang iyong sarili sa harap ng mga bago mong kaklase. Nagpapakita ito ng katatagan at lakas ng iyong loob. Roniel: Maraming salamat po sa inyo, ma’am. Ito po ang turo sa akin ng aking nanay. Hindi daw po dapat ikahiya ang sarili lalo na kapag wala namang ginagawang masama. Guro: Nais kong makausap ang iyong mga magulang. Maaari mo ba silang papuntahin sa Lunes sa paaralan sa ganap na ika-siyam ng umaga? Roniel: Opo, ma’am. Ipararating ko po sa kanila ang inyong kahilingan. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 6. DEPED COPY 4 Sagutin at gawin ang sumusunod: 1. Ilarawan si Roniel. Alin sa mga katangian niya ang nagpapakita ng katatagan ng loob? Isa-isahin ito at patunayan. 2. Papaano hinangaan ni Bb. San Pablo si Roniel? Isalaysay ito sa klase. 3. Bilang mag-aaral, papaano mo ipakikilala ang iyong sarili ng may lakas ng loob at may katatagan sa harap ng maraming tao? 4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging totoo at may katatagan ng loob sa pagpapakilala ng sarili. 5. Sa iyong palagay, bakit gustong makausap ng guro ang mga magulang ni Roniel? Magbigay ng sapat na batayan. Gawain 1 1. Pumikit nang ilang sandali at magkaroon ng maikling repleksiyon sa sarili. 2. Isipin mo ang iyong mga natatanging kakayahan o talento. Halimbawa: Nakatutugtog ng ukulele. 3. Isipin mo rin ang iyong mga kalakasan. Isagawa Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 7. DEPED COPY 5 4. Sa iyong talaang papel, punan ng mga salita ang mga pangungusap na ito: “Ako ay si _____________________. Ang ilan sa aking natatanging kakayahan o talento ay ang mga __________________________. Ang mga kalakasan ko naman ay _______________________." Gawain 2 1. Magkaroon ng pangkatang gawain. Pumili ng lider. 2. Ibahagi sa pangkat ang iyong mga naisip nang magkaroon ng repleksiyong pansarili sa unang gawain. Ibahagi mo rin ang papel na ginagampanan ng iyong pamilya sa mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan na iyong tinataglay. Kasabay ng pagbabahagi ay ipakita ito sa iyong pangkat. 3. Sa pamamagitan ng lider, buuin ang mga naibahagi ng mga kasapi ng pangkat gamit ang balangkas sa ibaba: Pangalan Mga Natatanging Kakayahan Kalakasan Papel na Ginagampanan ng Pamilya All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 8. DEPED COPY 6 1. Sa mga narinig na ulat mula sa iba’t ibang pangkat mula sa A - C, isulat ang sumusunod sa venn diagram: a) sa bahaging titik A, ang mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan mula sa pangkat A; b) sa bahaging titik B, ang mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan mula sa pangkat B; c) sa bahaging titik C, ang mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan mula sa pangkat C; at d) sa gitna, ang pare-parehong natatanging kakayahan o talento at kalakasan ng lahat ng pangkat. 2. Bilang mag-aaral, papaano mo naipakikita ang iyong mga natatanging kakayahan o talento nang my lakas, katatagan, o tibay ng loob lalo na sa harap ng maraming tao? Isapuso Natin A B C Ang aming pare-parehong natatanging kakayahan o talento at kalakasan. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 9. DEPED COPY 7 Sa buhay ng isang mag-aaral, ang katangian at natatanging kasanayan ay isang regalo mula sa Maykapal. Ibinigay ito ng Diyos kung kaya’t dapat natin itong pagyamanin at paunlarin. Ang kakayahan ng isang tao ay natatangi. Hindi ito itinatago at ikinahihiya sapagkat ang ibang tao ay nangangailangan ng mga katangiang ito. Halimbawa, ang isang tao na mahusay sa pagsayaw ay di makasasayaw kapag walang mahusay na makagagawa ng isang tugtugin. Ang isang mahusay na mang-aawit ay di makaaawit kung walang isang mahusay na kompositor o manunulat ng awit. Ang lakas, katatagan, at tibay ng loob ay lubhang kailangan upang mapaunlad ang isang katangi-tanging kakayahan. Ito ay ipinakikita upang maitama, mapabuti,at mapaunlad ang kakayahan, kung kinakailangan para maabot ang kahusayan. 1. Ang Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa tuwing sumasapit ang buwan ng Hulyo. Sa pamamagitan ng inyong guro, magkaroon ng isang munting palabas hinggil sa Buwan ng Nutrisyon gamit ang inyong mga katangi-tanging kakayahan. Maaaring gamiting lunsaran ibinigay ang halimbawang palatuntunan. 2. Pumili ng gusto mong bahaging gagampanan sa palatuntunan. Isulat ang iyong pangalan sa bahaging napili. Tandaan Natin Isabuhay Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 10. DEPED COPY 8 Halimbawa: 3. Pagkatapos ng palabas, itanong sa sarili/pangkat ang: a. Naging masaya ba ako/kami sa aking/aming ipinakita at ibinahaging gawain/talento/kakayahan sa aming palabas? b. Papaano ko inalis ang kaba sa aking mga ipinakitang talento sa palabas? DEPED COPY PALATUNTUNAN Pambungad na Panalangin ____________________________ Pambansang Awit ____________________________ Mensahe ng Punongguro ____________________________ Mga Natatanging Bilang a. __________________________ b. __________________________ c. __________________________ Pangwakas na Pananalita ____________________________ Pangwakas na Panalangin ____________________________ All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 11. DEPED COPY 9 Sa sagutang papel, lagyan ng kaukulang tsek (ü) ang pinaniniwalaang pahayag. MGA PAHAYAG TAMA MALI 1. Ako ay may kakayahang akin lamang sapagkat iba ako kung ikokompara sa aking mga kamag-aral. 2. Mahalaga na maipakita ko sa aking mga kaibigan, kamag-aral, magulang, at kapitbahayan ang aking kakayahan upang malaman ko ang mga dapat ko pang paunlarin. 3. Ang lakas ng aking loob at katatagan ay aking ginagamit sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga mungkahi at paalala mula sa aking kapuwa. 4. Hindi ako nahihiyang ipakita na magaling ako sa anumang bagay kaya ayokong pinipintasan ang aking mga ginagawa. 5. Nakauunawa ako kapag itinatama ng mga tao ang aking mga nagawang mali dahil mapabubuti at maipakikita ko ang aking natatanging kakayahan. Subukin Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 12. DEPED COPY 10 Ang katatagan at lakas ng loob ay nabigyan ng katuparan sa iyong sarili. Humayo ka at ipakita ang mga ito gamit ang natutuhan mo sa iyong buhay. Binabati kita! Handa ka na sa susunod na aralin dahil nasa iyo na ang katatagan upang labanan ang mga pagsubok sa pag- aaral. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 13. DEPED COPY 11 Aralin 2 Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko! May kasabihang “Kapag may tiyaga ay may nilaga.” Ito ay nagpapatunay na ang pagsusumikap ng isang indibidwal ay makakamit kung may ibayong pagpupursigi at tamang adhikain sa buhay. Basahin natin ang talumpati ni Dr. Noel Garcia sa isang palatuntunan. Pagiging Matiyaga, May Dulot na Biyaya “Ako ay nagmula sa isang dukhang pamilya. Ang aking ama ay isang karpintero at ang aking ina ay tumatanggap ng labada upang matulungan ang aking ama sa mga pangangailangan naming walong magkakapatid,” panimulang paglalahad ni Dr. Noel Garcia sa harap ng mga mag-aaral ng Paaralang Legarda sa Sampaloc, Maynila. Si Dr. Garcia ay naanyayahan ng mga guro sa naturang paaralan upang magbigay ng inspirasyon, sa pamamagitan ng kaniyang mga karanasan, sa mga mag-aaral na may nakamit na karangalan sa Araw ng Pagkilala. Tuwang-tuwa si Dr. Garcia sapagkat muli niyang masisilayan ang paaralang pinagtapusan at maibabahagi niya sa mga natatanging mag-aaral ang kaniyang mga naging karanasan upang maabot ang tagumpay na kaniyang tinatamasa ngayon. Pagkakataon na rin niyang muling makita ang kaniyang mga guro sa elementarya. Alamin Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 14. DEPED COPY 12 “Natatandaan ko pa noon,” ang pagpapatuloy ni Dr. Garcia, “sabik na sabik ako sa bawat araw na ako ay papasok sa paaralan. Dahil kami nga ay mahirap, madalas na wala akong baong pera, bagkus ay ipinagbabalot ako ni Nanay ng kaunting kanin at kung anuman ang natirang ulam namin. Alam ko na tinitingnan ako ng mga kamag-aral ko sa tuwing bubuksan ko ang aking baon ngunit hindi ko na lamang sila pinapansin. Ang mahalaga ay hindi ako nakakaramdam ng gutom habang nagkaklase.” “Ang gamit kong kuwaderno ay pinagsama-samang pahina ng ginamit ko nang nakaraang taon. Matiyaga kong pinagsama- sama ang mga pahinang wala pang sulat, tinahi at nilagyan ng takip upang hindi mapansin ng aking mga kamag-aral na ito ay luma.” “Kupasin ngunit malinis ang ginagamit kong uniporme at sapatos na matiyaga kong inihahanda sa araw-araw.” “Ang gamit naming ilawan ay isang gasera na isinasabit ni Tatay sa haligi ng aming maliit na bahay. Pinagtitiyagaan kong gawin ang aking mga takdang-aralin at proyekto sa liwanag nito,” ang nakaaantig-damdaming kuwento ni Dr. Garcia. “Malayo-layo rin ang paaralan mula sa aming tahanan. Ang mga kamag-aral ko na nakatira sa malapit sa amin ay sumasakay papunta sa paaralan. Nagtitiyaga akong maglakad papunta at pauwi mula sa paaralan sapagkat wala akong pamasahe,” pagpapatuloy ni Dr. Garcia. “Sa kabila ng aming kahirapan, sinikap kong hindi lumiban sa klase. Pinagbuti ko ang pag-aaral sapagkat alam kong ito lamang ang paraan para makamit ko ang aking inaasam na tagumpay." “Nang dumating ang araw ng pagtatapos, laking ligaya ko at All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 15. DEPED COPY 13 ng aking mga magulang sapagkat ako ang nanguna sa pangkat ng mga magsisipagtapos." May himig pagmamalaking dagdag ni Dr. Garcia. “Naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa sekondarya at kolehiyo sa tulong ng mga nagbigay sa akin ng scholarship. Bukod doon, nagtiyaga rin akong magtrabaho sa isang maliit na kainan bilang tagapagsilbi pagkatapos ng aking klase upang may pandagdag sa araw-araw na gastusin. Madalas na ilang oras lamang ang aking tulog dahil sa pag-aaral ng mga leksiyon, lalo na kapag may mga pagsusulit, dahilan upang makakuha ako ng matataas na marka,” ang sabi pa ni Dr. Garcia. “Ngayon, ako ay isa nang manggagamot na naglilingkod sa mga mamamayan. Nagbunga ang ginawa kong pagtitiyaga sa aking pag-aaral. Sana, ang aking karanasan ay magsilbing inspirasyon sa inyong lahat. Pakatandaan ninyo na napakahalaga na makapagtapos sa pag-aaral. Ito ang makatutulong sa inyo upang magtagumpay. Pagsumikapan ninyo at pagtiyagaan kung anuman ang mayroon kayo ngayon. Gamitin ito para sa magandang bukas,” ang panghuling pananalita ni Dr. Garcia. Sagutin at gawin ang sumusunod: 1. Ano ang tampok na pag-uugaling ipinakita ni Dr. Garcia habang siya ay nag-aaral? 2. Basahin mo ang bahaging magpapatunay na siya ay matiisin, matiyaga, at matatag ang loob. 3. May maganda bang ibinunga ang pagiging matiyaga ni Dr. Garcia? Patunayan. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 16. DEPED COPY 14 4. Sa iyong palagay, nakapagtapos kaya ng pag-aaral si Dr. Garcia kung hindi siya naging matiyaga? Patunayan. 5. Ikahihiya mo ba na ikaw ay mahirap at mawawalan ka pa ba ng pag-asa na umunlad sa iyong paglaki? Pangatwiranan. Gawain 1 1. Paano makatutulong sa iyo ang pagiging matiyaga kasama ang katatagan ng loob sa oras ng pangangailangan o crisis? 2. Sa isang malinis na papel, magtala ng mga pangyayari sa iyong buhay na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging matiyaga bilang isang mag-aaral. Gawain 2 1. Bumuo ng tatlong pangkat. Pumili ng magiging lider sa bawat pangkat. __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________________________________. Isagawa Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 17. DEPED COPY 15 2. Ang lider ay bubunot sa kahon ng metacard na may nakasulat na tema tulad ng: • pagiging matiyaga • pagiging matatag ang loob • pagtanggap sa katotohanan 3. Gumawa ng iskrip na nagpapakita ng kahalagahan ng nabunot na tema. Gamiting batayan ang pangyayari sa buhay ni Dr. Garcia. Isadula ito sa harap ng klase. 4. Pagkatapos ng pagsasadula, maaaring magbigay ng komento ang ibang pangkat. Nasa ibaba ang mga simbolo na nagpapahiwatig ng pagiging masipag, matatag ang loob, at matiyaga. Pumili ng isa na ilalagay mo sa pinakamataas na antas ng baitang at ang iba naman ay sa pangalawa at ikatlong baitang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Isapuso Natin Masipag Matatag ang loob Matiyaga All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 18. DEPED COPY 16 Bumuo ng maikling talata tungkol sa simbolong iyong napili at ipaliwanag kung bakit mo ito inilagay sa una, pangalawa, at pangatlong baitang. Ang pagiging matiyaga kasama ang tatag ng loob ay isang napakagandang ugali na dapat mahubog sa isang batang katulad mo.Angkatangiangitoaymalilinangkungpalagimoitongisasagawa. Maraming matagumpay na tao tulad ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, na sa kabila ng pagmamalabis ng mga dayuhan sa kaniyang pagkatao ay naging matatag sa paraan ng pagsusulat ng mga libro at inihayag ang kalabisang ginawa ng mga dayuhan sa mga Pilipino. Sa kaniyang pagkakakulong sa Dapitan ay naging matatag siya at hindi sumuko sa laban para makamit ang inaasam na kalayaan. Nariyan din ang ating mga guro, mga doktor, at iba pang propesyonal na nakatapos ng kanilang pag-aaral dahil sa kanilang pagiging matiyaga. Sila ay nagsisilbing modelo sa atin.Ang iba sa kanila ay maaaring mahirap ngunit hindi ito naging hadlang. Kahit na totoong sila ay kapos sa salapi at mahirap makapag-aral, tinanggap nila ito nang taos sa puso at hindi ito naging hadlang para sila ay magsikap. Gamit ang kanilang katatagan ng loob at tiyaga naging maganda ang kanilang buhay. Tandaan Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 19. DEPED COPY 17 Ang pagiging matiyaga at matatag ang loob ay maaaring magawa ng isang batang tulad mo. Halimbawa, ang isang batang matiyaga ay nakagagawa ng kaniyang mga takdang gawain at iba pang proyekto upang makakuha ng mataas na marka. Natatapos niya nang mahusay at madali ang mga gawaing nakaatang sa kaniya sapagkat isinasabuhay niya ang pagiging matiyaga at may tatag ng loob. Pag-isipan: Bilang mag-aaral, ano ang karanasan mong nagpapatunay na ikaw ay naging matiyaga? Ano naman ang naging bunga nito sa iyo? A. Gamit ang template sa ibaba, isulat sa iyong kuwaderno ang iyong mga karanasan na nagpapakita ng pagiging matiyaga at sa katapat ay ang mga bunga nito. Karanasan sa Pagiging Matiyaga Bunga Isabuhay Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 20. DEPED COPY 18 B. Gumawa ng pangako ng pagiging matiyaga bilang mag- aaral at bilang mabuting kasapi ng pamilya. C. Sumulat ng isang gawain sa bahay na maaari mong maisagawa nang higit na mahusay kung ikaw ay magbibigay ng sapat na oras at magpapamalas ng pagtitiyaga. Halimbawa: pagliligpit ng mga kalat at pag-aayos ng mga gamit sa bahay Lagyan ng tsek (ü) ang patlang kung nagpapakita ito ng pagtitiyaga at ekis (û) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. ______ 1. Hinintay nina Joeven at Erika si Renante sa Plasa Mabini kahit na lampas na sa takdang-oras ng kanilang usapan. ______ 2. Pinipilit tapusin ni Pearl ang pagsagot sa takdang- aralin kahit na ito ay may kahabaan. ______ 3. Itinapon na lamang ni Mariz ang may punit na damit sapagkat ayaw niyang manahi. ______ 4. Patuloy pa rin ang ginagawang pagtulong ni Grace sa kanyang kamag-aral na si Nikki kahit madalas itong hindi nakatatapos sa gawain. Subukin Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 21. DEPED COPY 19 ______ 5. Isa-isang pinulot ni Nica ang mga butil ng natapong bigas dahil alam niyang mahalaga ito at wala silang sapat na salapi para ipambili ng sobra. ______ 6. Sumingit sa pilahan ng pagkain sa kantina si Evan dahil nagugutom na siya. ______ 7. Tumutulong si Jomer sa kanyang kuya na mag-ipon ng tubig tuwing hapon sapagkat iyon lamang ang oras na may tubig ang kanilang gripo. ______ 8. IhiniwalayniMaricarangpahinangkanyangkuwaderno na wala ng sulat at tinahi ito upang magamit pa niya sa susunod na pasukan. ______ 9. Nanatili sa loob ng paaralan si Mayan kahit may isang oras na ang nakaraan pagkatapos ng kanilang klase upang hintayin ang pagdating ng kanyang ina na susundo sa kaniya. _____10. Nanonood sa telebisyon ang kapatid ni Manuel. Sapagkat oras na ng programang gusto niyang panoorin ay bigla niyang inilipat ang channel sa programang iyon. Binabati kita! Lubos mong naunawaan ang napag-aralan natin tungkol sa kahalagahan ng pagiging matiyaga. Maaari ka nang tumuloy sa kasunod na aralin. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 22. DEPED COPY 20 Aralin 3 Pagkamatiisin, Kaya Kong Gawin! Kung ikaw ay malagay sa isang sitwasyon na kinakailangan kang magtiis, makakaya mo kaya? May kasabihang, “Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot." Ito ang ating aalamin sa araling ito. Basahin natin ang kuwento ni Willy tungkol sa kaniyang pag- aaral. “Ako ay isang mag-aaral sa ikaapat na baitang sa Paaralang Maunlad sa lalawigan ng Aurora. Pangarap ko ang makapagtapos sa aking pag-aaral kaya titiisin ko ang mga paghihirap na dapat kong harapin. Hindi ko iniisip kung may mga bagay na dapat kong gawin kahit na mangahulugan ito ng ibayong paghihirap.” “Ang aming lalawigan ay palaging dinadalaw ng malalakas na bagyo. Paborito kaming pasyalan ng mga ulan at hangin. Tinitiis namin ang paglakad sa mapuputik na daan lalo na kung tag-ulan at ang paglangoy sa baha kung tumataas ang tubig sa ilog kahit ito ay delikado at hindi dapat gawin o tularan.” “Ang aming tahanan ay nasa kabila ng isang tulay. Isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari, ang tulay ay nasira ng bagyo. Hindi kaagad naisagawa ang pagsasaayos sa tulay na ito sapagkat marami pang higit na kailangang unahin lalo ang naapektuhan ng bagyo. Alamin Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 23. DEPED COPY 21 “Dahil dito, araw-araw akong naglalakad paikot sa kabilang baryo makarating lamang sa paaralan. Hindi ako lumiliban sa klase kahit basa na ang aking sapatos sa pagtahak sa daang may baha o putik. Ang palagi kong iniisip ay ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral.” “Isang araw, napansin ng aking guro na tila ba pagod na pagod ako at pawisan nang dumating sa paaralan. Nalaman niya na nasira ang tulay na malapit sa amin. Kaagad gumawa ng sulat ang aking guro upang maipakiusap sa kinauukulan ang agarang pagkukumpuni ng tulay.” “Hindi naglipat-buwan, nagawa na ang sirang tulay at muli itong nagamit ng mga naninirahan sa aming lugar. Laking pasasalamat ng lahat ng aking kapitbahay sa naisagawang pag-aayos ng tulay.” Sagutin ang mga tanong: 1. Papaano ipinakita ni Willy na siya ay isang batang mapagtiis? 2. Ano ang natuklasan ng guro ni Willy? 3. Ano ang naging daan upang maipagawa ang tulay sa lugar nina Willy? 4. Kung ikaw si Willy, magagawa mo bang tiisin ang katulad ng mga naranasan niya? Patunayan. 5. Maglahad ng mga karanasan na magpapakita ng pagtitiis sa iyong buhay bilang mag-aaral. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 24. DEPED COPY 22 Gawain 1 Basahing mabuti at suriin ang mga sitwasyon. Magtulong- tulong na alamin ang tamang desisyon na gagawin sa bawat sitwasyon. Gamitin ang Tsart ng Paggawa ng Desisyon sa pagsagot sa mga tanong. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Halimbawa: Nais mong bumili ng usong laruan dahil lahat ng kaibigan mo ay mayroon nito subalit kulang ang pera mo. Ano ang gagawin mo? Tsart ng Paggawa ng Desisyon Suliranin Tunguhin Kulang ang perang pambili ng laruan Makabili ng usong laruan Maaaring Gawin Pros (+), Cons (-) Humingi ng pera sa magulang + Makokompleto ang pambili - Masisira ang badyet ni Nanay Manghiram ng pera sa kaibigan + Makokompleto ang pambili - Baka hindi ko mabayaran Maghintay na makompleto ang perang pambili mula sa inipon + Makokompleto ang pambili - Hindi agad magkakaroon ng usong laruan Desisyon Dahilan Kokompletuhin ang pambili ng usong laruan mula sa inipon Puwede naman akong mang- hiram muna ng laruan habang hindi pa ako nakabibili Isagawa Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 25. DEPED COPY 23 1. May palatuntunang gagawin sa inyong paaralan. Miyembro ka ng isang pangkat ng mananayaw. Nagkasundo kayo na bibili o magrerenta ng costume. Subalit ayon sa iyong magulang, kung gagawin ito ay babawasan nila ang baon mo. Ano ang dapat mong gawin? 2. Papunta kayo ng kaibigan mo sa parke upang manood ng palabas. Bago ka payagan ng nanay mo, inutusan ka niya na bumili ng tinapay sa panaderya. Pagdating mo roon, napansin mo na napakahaba ng pila. Kung maghihintay ka ay posibleng magsimula na ang palabas bago ka pa makabili. Ano ang dapat mong gawin? Gawain 2 1. Bumuo ng limang pangkat. 2. Basahin at suriing mabuti ang sitwasyon na ibibigay ng guro. Bigyan ito ng mabuting desisyon bago gumawa ng anumang hakbang. 3. Ilarawananginyongkasagutansapamamagitanngpaggamit ng iba’t ibang uri ng tsart. 4. Susukatin ang inyong ginawa gamit ang rubrics. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 26. DEPED COPY 24 Rubrics Pamantayan 3 2 1 Pagsusuri Natukoy ng mga mag-aaral ang sumusunod: suliranin, tunguhin, at maaaring gawin upang makapag- desisyon nang tama Natukoy ng mga mag- aaral ang dalawa sa sumusunod: suliranin, tunguhin, at maaaring gawin upang makapag- desisyon nang tama Natukoy ng mga mag-aaral ang isa sa sumusunod: suliranin, tunguhin, at maaaring gawin upang makapag- desisyon nang tama Desisyon Nakapagbigay ng tamang desisyon at makabuluhang dahilan kung bakit ito ang kanilang napagpasyahan Nakapagbigay ng tamang desisyon at dahilan kung bakit ito ang kanilang napag- pasyahan Nakapag- bigay ng tamang desisyon Ipinakitang Pagpapa- halaga Malinaw na naipakita ang pagpapa- halagang ginamit ng pangkat Naipakita ang pagpapa- halagang ginamit ng pangkat Hindi naipakita ang pagpapa- halagang ginamit ng pangkat All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 27. DEPED COPY 25 Marami na tayong nabasang kuwento tungkol sa mga taong nagsipagtiis upang mabuhay at magtagumpay. Isa na rito ang bayaning siAndres Bonifacio. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang magtiis upang maalagaan ang kaniyang mga nakababatang kapatid. Gumawa siya at nagtinda ng iba’t ibang bagay tulad ng pamaypay at baston upang sila ay may makain. Sa isang bond paper, gumuhit ng isang puso. Sa loob nito ay gumawa ng isang sulat para sa isang taong alam mong nagtitiis para sa iyo. Sabihin mo sa kaniya kung ano naman ang maaari mong gawin upang masuklian ang ginagawa niya. Maaari mong gawing halimbawa ang nasa ibaba. Ipadala ito sa kaniya. Halimbawa: Isapuso Natin Mahal kong Nanay, Nais ko po sanang magpasalamat sa ginagawa mong pagtitiis na hindi magmeryenda upang makabili ako ng bagong damit. Para masuklian ko po ang iyong kabutihan, ako po ay lagi nang susunod sa mga ipinag-uutos mo. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 28. DEPED COPY 26 Ang pagiging matiisin ay isang katangian na dapat taglayin ng isang bata upang siya ay magtagumpay. Sa pagiging mapagtiis, magagawa niya ang mga bagay na akala niya ay hindi niya kayang gawin. Dahil siya ay nasanay sa mga simpleng bagay upang makamit ang kaniyang mithiin, magiging higit na madali para sa kaniya ang pag-abot sa tagumpay. Ikaw, bilang isang mabuting mamamayan ay malaki pa ang magagawa kung pauunlarin at isasabuhay mo ang iyong pagiging matiisin. Dapat mong matutuhang magtiis upang iyong makamit ang iyong mga nais. Tulad ng kasabihang binasa natin, “Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot”. Darating din ang araw na ang lahat ng iyong pangarap ay iyong makakamit, matuto ka lamang munang magtiis. Mag-isip ng isang bagay o pangyayari na hindi mo tiniis ngunit kaya mo naman sanang tiisin. Batay sa pangyayaring ito, sumulat ka sa iyong sagutang papel ng isang pangako na pipilitin mo itong tiisin para sa iyong ikabubuti. Tandaan Natin Isabuhay Natin Noon ay hindi ko kayang tiisin na _______. Ngayon ay nangangako akong gagawin ko ang aking makakaya upang maging mapagtiis at gawing ________ para sa aking ikabubuti. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 29. DEPED COPY 27 Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na mga tanong: Ano ang dapat mong gawin kung... 1. mainit ang sikat ng araw, subalit oras na ng pagpila para sa seremonya sa Watawat ng Pilipinas 2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian ninyo ng iyong mga kapatid. Gusto mo pang kumain 3. nabasa ng ulan ang kama mo kaya kinakailangan kang maglatag at humiga sa sahig Basahin ang tseklis sa ibaba. Lagyan ng tsek (ü) ang hanay ng iyong sagot. Pag-uugali Laging Ginagawa Paminsan- minsan Lamang Ginagawa Hindi Ginagawa 1. Nananatiling nakatayo at hinihintay ang hudyat para lumakad na papunta sa silid-aralan. 2. Nakapaghihintay na maluto ang pagkain kahit gutom na. 3. Pinagtitiisan kung ano lamang kagamitan ang mayroon sa bahay. Binabati kita sapagkat naunawaan mo ang kahalagahan ng pagiging matiisin. Ngayon, handa ka na para sa susunod na aralin. Subukin Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 30. DEPED COPY 28 Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako! Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig na balita sa radyo o nababasa sa pahayagan ay makatutulong sa tamang pagpapasiya. Ang salitang mapanuri ay tumatalakay sa pagiging masiyasat sa mga bagay na bago sumang-ayon ay nasusuri ng lubos para mapagpasiyahan ng buong pagpapahalagang desisyon. Paanokayanatindapatsuriinangmgabalitangatingnapapakinggan sa radyo o nababasa sa pahayagan? Makaaapekto ba ito kung mali ang impormasyon na ating naihatid sa ating kapuwa? Suriin ang kuwento. Alamin Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 31. DEPED COPY 29 Ang Balita ni Tatay Nato Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo si Mang Nato. “Magandang umaga, mga kababayan! Ito na naman po ang RACC Balita, Nagbabalita Ngayon!” “Naitala kahapon na dalawampu’t apat na bata na may gulang na walo hanggang sampu ang nakagat ng aso sa bayan ng Salvacion. Ito ay ayon kay Dr. Jacob R. Platon ng Veterinary Office." “Kung hindi ito maaagapan, maaari itong ikamatay. Pinag- iingat ang mga mamamayan lalo na ang mga bata.” “Pinakikiusapan din ang mga may-ari ng aso na maging responsable sa kanilang mga alagang hayop na pabakunahan ng anti-rabies at itali ang mga ito upang hindi makadisgrasya.” Nabahala si Mang Nato sa napakinggang balita sa radyo. Kinausap niya ang kaniyang mga anak. Binigyan niya ang mga ito ng babala tungkol sa rabies na dala ng kagat ng aso. “Ano po ang dapat naming gawin kapag nakagat ng aso, Tatay?” tanong ni Anika sa ama. “Anak, dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang kasama sa bahay na komunsulta na agad sa doktor para malapatan ng paunang lunas.” “Salamat po, Tatay Nato," sabi ni Anika. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 32. DEPED COPY 30 Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong nabasa? 2. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong hindi ka naniwala sa balitang iyong narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan? Ipaliwanag ang dahilan. 3. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo o nababasa sa pahayagan? Ipaliwanag. 4. Naranasan mo na ba na tama ang iyong pagkakaintindi sa balitang iyong narinig o nabasa? Magbigay ng halimbawa. 5. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong tatay ukol sa balita niyang napakinggan? Pangatwiranan. Gawain 1 Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan. Ikategorya ito sa Magandang Balita o Mapanghamong Balita. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Isagawa Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 33. DEPED COPY 31 Sagutin ang mga tanong sa ibaba at kompletuhin ang pangungusap na nasa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Ano-ano ang mga balitang tumatak sa iyong isipan noong nagdaang araw na masasabi mong Magandang Balita o Mapanghamong Balita? 2. Paano mo nasabi na ang mga ito ay magandang balita o kaya ay mapanghamong balita? Kung ang mga balita ay tungkol sa mga negatibong bagay, ang gagawin ko ay __________________________ dahil naniniwala ako na ___________________________. Magandang Balita Mapanghamong Balita All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 34. DEPED COPY 32 Gawain 2 Mini Presscon 1. Dahil alam na ninyo ang mga mapanuring pamamaraan sa pagtuklas ng katotohanan sa mga balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan, kaya na ninyong magplano ng isang pagtatanghal o palabas para maipakita ang inyong mga natatanging kakayahan tungkol sa simpleng pagbabalita. 2. Bumuo ng tatlong pangkat. Pag-aralan ang tsart sa ibaba. Pangkat Bumubuo sa Pangkat Gawain/ Kakayahan I Mahuhusay sa pagsasalita Isang anchor o tagapagbalita Kakayahan sa pagbabalita II Magagaling sa pagsulat Magsusulat ng simpleng balita Kakayahan sa pagsulat ng balita III Magsusuri ng balita Manonood na magsusuri ng balita at magtatanong sa magiging epekto nito Kakayahang magsuri ng balita Gawain 3 Pagtatanghal Ipakita ang inyong napagkasunduang palabas o pagtatanghal at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 35. DEPED COPY 33 1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa pagbabalitang isinagawa sa unahan ng unang pangkat? 2. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang lakas ng kanilang loob sa pagtatanghal? Patunayan. 3. Pansinin naman natin ang ikalawang pangkat na sumulat ng balita. Tama ba at nasa ayos ang kanilang isinulat na balita? Patunayan. 4. Paano naman nasuri ng ikatlong pangkat bilang manonood na ang kanilang nasaksihang balita ay may positibo o negatibong epekto sa mga manonood? Patunayan. Ngayon alam mo na ang pagiging mapanuri sa impormasyong narinig sa radyo at nabasa sa pahayagan. Narito ang dart board, saang numero mo mailalagay ang iyong sarili sa pagiging mapanuri? Lagyan ng puso ang napiling numero. Gamitin ang inihandang larawan ng guro. Isapuso Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 36. DEPED COPY 34 1-5 Hindi nasuri nang maayos ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan 6-10 Medyo nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan 11-15 Nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan 16-20 Nasuri nang buong puso at pag-iisip ang mga balita na narinig sa radyo at nabasa sa pahayagan Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pananaw at opinyon sa balitang naririnig sa radyo o nababasa sa pahayagan. Ang pagiging mapanuri sa naririnig o nababasa ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip. May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon upang lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa o nakikinig. Subalit mayroon din naman sa paraang paninirang puri. Ang ganitong klase ng pagkakasulat o paglilimbag ay itinuturing na isang libelo. Ayon sa Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas, ang mga elemento ng libelo ay ang: 1. pagbibintang ng isang kahiya-hiyang gawa o kalagayan sa iba; Tandaan Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 37. DEPED COPY 35 2. paglalathala ng mga bintang; 3. pagkakakilanlan ng taong dating tanyag na nalaos; at 4. pagkakaroon ng masamang hangarin. Ang sinumang tao na magsulat, maglathala, mag-eksibit, o maging sanhi ng anumang paninira ay magiging responsable. Hindi lahat ng balitang naririnig o nababasa ay totoo. Ito ay dapat na may kongkretong ebidensiya at may patunay. Ang pagsusuri sa isang narinig o nabasang balita ay dapat na may batayan. Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa balita ay tumutulong sa atin para makuha, malaman, at maunawaan natin ang tamang impormasyon. Bigkasin nang may lakas, sigla, at damdamin ang tula sa ibaba. Mapanuri Ako Mapanuri ako sa aking pinakikinggan Balita man o sabi-sabi lamang O anumang pinag-uusapan Dapat kong suriin at pahalagahan. Hindi ikinakalat ang anumang usapan Na walang patunay o ebidensiya man Isabuhay Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 38. DEPED COPY 36 ‘Wag nang ihatid sa iba para di-makasuhan Upang maayos ang tunay na balitaan. Ang mabuting pagninilay sa katotohanan Hatid ay saya at di demanda ang patutunguhan Kaya dapat lamang na mapanuri sa napakinggan Tamang impormasyon ilabas nang tuluyan. Pagkatao mo’y babantayog sa katotohanan Kung tamang impormasyon ang iyong ipahayag Mapanuri ako sa bawat minuto at oras Dahil iyan ang salamin ng pusong busilak. Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa narinig na balita sa radyo o nabasa sa pahayagan. Isulat ito sa isang malinis na papel. Halimbawa: Ako, si ________________________ ay nangangako at naniniwalang mahalagang pag-iisipan kong mabuti at susuriin muna ang balitang aking narinig o nabasa bago ko ito paniwalaan upang hindi magdulot ng kalituhan. Dahil dito ay magiging mapagmatyag ako sa katotohanan para sa pagkakaaroon ng maayos na pamayanan. Magiging modelo ako ng tamang pagsusuri ng balita, para sa totoo at walang pinapanigan kundi ang katotohanan lamang. Gabayan nawa ako ng Poong Lumikha. ________________________ Lagda ng Mag-aaral All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 39. DEPED COPY 37 Lagyan ng tsek (P) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan at ekis (û) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel. ______ 1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa bagyo. ______ 2. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kabataan sa Pilipinas. ______ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan. ______ 4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo. ______ 5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita. Mahusay ka! Naipamalas mo ang iyong mapanuring pag-iisip. Binabati kita. Patuloy mo itong paunlarin. Maaari mo itong ibahagi sa kapuwa nang may mapanuring pag-iisip. Sapagkat natapos mo nang may mapanuring pag-iisip ang araling ito, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin. Handa ka na! Subukin Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 40. DEPED COPY 38 Aralin 5 Sa Maayos na Kaisipan, May Tamang Pagninilay Ang pagtanggap sa opinyon ng iba o paggalang ay makatutulong upang lumawak ang ating pananaw. Maaari nating buksan ang ating isipan sa pagtanggap ng pananaw ng iba. Halina at ating suriin ang usapan ng dalawang mag-aaral. Alamin Natin Jessa, nakapanood ako kagabi sa telebisyon ng palabas tungkol sa digmaan. Bong, iyan ba ang napanood mo kagabi? Hindi ka ba natakot sa pinanood mo? Marahas ang ipinakita ng pinanood mo. Jessa, hindi naman. Kaso pag gabi na napapanaginipan ko ang aking pinanood. Napanaginipan ko nga na ako ang nabaril. Salamat, Jessa, sa iyong payo. Ngayon alam ko na ‘yong magiging epekto ng panonood ng karahasan. Naku! Bong. Ang payo ko sa ‘yo huwag ka nang manood ng palabas na may karahasan. Tingnan mo at napapanaginipan mo pa! Walang anuman, Bong. Lagi mong tandaan na masayang manood ng walang karahasan. Sige na, tawag na ako ni Ama. Paalam. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 41. DEPED COPY 39 Sagutin ang mga tanong: 1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawang bata sa larawan? 2. Nakatulong ba kay Bong ang kaniyang napanood sa telebisyon? Ipaliwanag. 3. Paano ito nakaapekto sa kaniyang kaisipan at damdamin? 4. Kung ikaw si Bong, gagawin mo ba ang sinabi ni Jessa? Pangatwiranan. 5. Italaangiyonghulingnapanoodsatelebisyon.Anoangnaging epekto nito sa iyong damdamin at kaisipan? Ipaliwanag. Gawain 1 Punanangloobnghugisngiyongmganapanoodsatelebisyon. Paano nakaaapekto ang mga ito sa iyong kaisipan at damdamin? Gawin ito sa iyong kuwaderno. Isagawa Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 42. DEPED COPY 40 Gawain 2 1. Bumuo ng limang pangkat. 2. Magtala ng mga impormasyon ng inyong napanood sa telebisyon. 3. Masusi ninyo itong pag-aralan at pumili para sa isang dula- dulaan. Sundin ang template sa ibaba. 4. Mula sa kahon ay sumulat ng simpleng script. 5. Pumili ng mga artista at direktor mula sa script ng inyong pangkat para sa inyong palabas. Programang Napanood Aral Hamon 1. 2. 3. 4. 5. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 43. DEPED COPY 41 Nadaragdagan ang iyong karanasan sa pagkakaroon ng bukas na isipan sa tulong ng media tulad ng radyo, pahayagan, at telebisyon. Ano ang nasa isip mo nang pinagsama-sama ang iyong karanasan sa napanood mong balita o programa sa telebisyon. Itala ang mga ito sa kahon A, B, at C. Sa loob naman ng puso, itala ang kabutihang dulot ng iyong napanood sa telebisyon na pumukaw sa iyong damdamin. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Isapuso Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 44. DEPED COPY 42 Malaki ang epekto ng programa sa telebisyon na maaaring nakatutulong o nakasasama sa manonood. Ang pagkakaroon ng bukas na isipan ay nagdudulot sa isang manonood ng tamang pagproseso ng pag-iisip sa kaniyang napanood. Suriing mabuti ang mga programang ipinalalabas sa telebisyon bago paniwalaan. Ang Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon o Movie and Television Review and Classification Board, dinadaglat na MTRCB, ay ang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa regulasyon ng telebisyon at pelikula, pati na rin ang sari-saring uri ng de-bidyong midya, na makikita at/o ikinakalakal sa bansa. Itinatag ito noong 1985 sa bisa ng Atas ng Pangulo Blg. 1986 sa ilalim ng pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ang MTRCB ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo. Binubuo ito ng isang tagapangulo, isang pangalawang tagapangulo at tatlumpung (30) kasapi ng lupon, na manunungkulan nang isang taon. Kasalukuyang gumagamit ang MTRCB ng dalawang sistema ng pag-uuri: isa para sa mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan sa Pilipinas at isa naman para sa mga programang ipinalalabas sa telebisyon. Ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa mga pangyayari ayon sa iyong napanood ay tumutulong sa atin na makapagpasiya nang matibay at tama. Ang tamang gabay at patnubay ng mga magulang sa mga bata ay kailangan. Nasa atin na ang pagsunod upang hindi tayo mapahamak. Tandaan Natin All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 45. DEPED COPY 43 Pag-isipan mo ang tanong na ito: Gumawa ng tatlong simpleng poster sa temang “Kaya Kong Maging Mapanuring Manonood, Bukas ang Isip sa Tamang Gawi at Asal." Ipapaskil ito sa bulletin board upang makahikayat ng mga mag- aaral na magkaroon ng mapanuring pag-iisip at tamang pagninilay tungkol sa balita at programang napapanood Gumuhit ng araw ( ) sa bilang ng mga sitwasyon na may bukas kang pag-iisip at ulap ( ) naman kung hindi mo ito naisagawa nang may bukas na pag-iisip. Itala ito sa iyong kuwaderno. _______1. Nakapanood ako ng programang walang karahasan sa telebisyon. _______2. Inililipat ko nang estasyon kapag may ipinalalabas na malalaswang panoorin. Isabuhay Natin Subukin Natin Nakatutulong ba ang mga programang napanood mo sa iyong pagpapasiya pagkatapos mo itong suriin? Pangatwiranan. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.
  • 46. DEPED COPY 44 _______3. Naiisa-isa ko ang mga taong may magandang pagganap sa teleserye. _______4. Natutuwa ako kapag may magandang balita ang programa sa telebisyon. _______5. Naipaliliwanag ko nang maayos sa harap ng aking kamag-aral ang nangyari sa programang aking pinanood. Binabati kita sa iyong kahusayan! Tagumpay mong naipakita ang iyong pagkakaroon ng bukas na isipan. Patuloy mo itong paunlarin. Maaari kang muling magpaunlad ng kaisipan sa susunod na aralin. Kayang-kaya mo yan! All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.