1. Sta. Cruz (BBD) Elementary School
School ID: 107164
Area D Sta. Cruz III San Jose del Monte City 3023
Official E-Mail: 107164.sjdmc@deped.gov.ph
Official Web Site: depedbbd.weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Masusing Banghay Aralin saEdukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Home
Economics (Grade 5)
Quarter 4 Week 1
I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Natutukoy ang mga paraan ng pangangalaga sa kasuotan;
b) Napapangalagaan ang sariling kasuotan at;
c) Naiisa-isa ang mga piraso upang mapanatiling malinis ang kasuotan.
II. PAKSANG ARALIN
a. Paksa: Pangangalagang Sariling Kasuotan
b. Sanggunian: Aralin K to 12 – EPP5HE-0c-6, Teacher’s Guide and Learning
materialsEPP5HE-0c-6
c. Kagamitan: Mga larawan, cartolina, pentel pen, tape, chart, sagutang papel,
PowerpointPresentation at Laptop.
Pagpapahalaga: Malalaman ang kahalagan ng ating sariling kagamitan at kasuotan
III- Panimulang Pagtataya:
Pasagutan sa papel ang sumusunod na tanong:
1. Alin sa sumusunod ang dapat isinusuot bilang pantulog?
a. maong at polo
b. gown
c. damit pangsimba
d. pajama
2. Ano ang tamang gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang
uniporme?
a. Ayusin ang pleats ng palda
b. Ipagpag muna ang palda
c. Ibuka ang palda
d. Basta na lang umupo
IV – Pamamaraan:
1.Pagganyak
Magpakita ng iba’t ibang kasuotan.
2. Sta. Cruz (BBD) Elementary School
School ID: 107164
Area D Sta. Cruz III San Jose del Monte City 3023
Official E-Mail: 107164.sjdmc@deped.gov.ph
Official Web Site: depedbbd.weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Itanong sa mga bata kung kailan ito sinusuot.
2.Paglalahad
Ipakita ang iba’t-ibang uri ng mga kasuotan.
3.Pagtatalakay:
Paano natin mapapangalagaan ang ating mga sariling kasuotan?
Anu-ano ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan
(hal.mag-ingat sa pag- upo, pagsuot ng tamang kasuotan sa paglalaro, at iba
pa)
3. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa anim na pangkat iapakita ng
bawat pangkat ang mga paraan sa pangangalaga ng mga
kasuotan.
Pangkat I:
Ingatan ang palda ng uniform o anumang damit na may pleats. Huwag itong hayaang
magusot sa pag-upo.Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi marumihan ang
damit o pantalon. Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan.
Pangkat 2:
Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito agad para madaling
matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit ang dumi o mantsa.
Gumamit ng bleach para tanggalin ang dumi o mantsa. Gamitin ang naaayon sa kulay
ng damit. May mga chlorox para sa puti at bleach para sa may kulay.
Pangkat 3
Magsuot ng angkop kasuotan ayon sa gawain. Huwag gawing panlaro ang damit na
pamasok sa paaralan. Pagdating sa bahay galing sa paaralan,
hubarin kaagad ito at pahanginan.
Pangkat 4
Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog tulad ng pajama, daster, at
short. Dapat maluwag na damit ang pantulog upang ito ay maginhawa sa
pakiramdam. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pag-uwi sa bahay
upang hindi ito lumaki.
3. Sta. Cruz (BBD) Elementary School
School ID: 107164
Area D Sta. Cruz III San Jose del Monte City 3023
Official E-Mail: 107164.sjdmc@deped.gov.ph
Official Web Site: depedbbd.weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Pangkatin ang klase. Ipagawa ang Linangin Natin sa LM pp. 221 -225
4.Pagsasanib
Itanong:
Bakit kailangang pangalagaan ang ating kasuotan?
5.Paglalahat
Ano- ano ang mga paraan ng pag-aalaga ng inyong mga kasuotan?
6.Pangwakas na Pagtataya
Pasagutan ang Gawin Natin sa
LM pp. 225
V – Pagpapayaman ng Gawain
Isulat sa kuwaderno
ang isinasaad ng Pagyamanin
Natin sa LM p. 226
1. Pag-uwi mo sa bahay,
tingnan mo ang iyong mga
pansariling kagamitan.
2. Gumawa ka ng tseklist na
katulad ng nasa baba.
3. Palagdaan ito sa iyong
a. magulang
4. Sta. Cruz (BBD) Elementary School
School ID: 107164
Area D Sta. Cruz III San Jose del Monte City 3023
Official E-Mail: 107164.sjdmc@deped.gov.ph
Official Web Site: depedbbd.weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
5. Sta. Cruz (BBD) Elementary School
School ID: 107164
Area D Sta. Cruz III San Jose del Monte City 3023
Official E-Mail: 107164.sjdmc@deped.gov.ph
Official Web Site: depedbbd.weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education