SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
ALAMAT
1
Ang alamat ay isang uri ng panitikan, ito
ay mga akdang nagsasaad ng pinagmulan
ng mga bagay-bagay at karaniwang
kapupulutan ng aral sa buhay.
2
Alamat ng Isla ng
Pitong Makasalanan
3
4
Noong unang panahon, isang matandang mangingisda
at ang kanyang pitong anak na dalaga ang naninirahan
sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-
Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng
Dumangas, isang bayang nasa gawing hilagang-
silangan ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng Isla ng
Panay. Araw-araw makikita ang pitong dalagang
masayang nagsasagawa ng mga gawaing-bahay o kaya
nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o
masayang lumalangoy, naghahabulan, at
nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kay gaganda
habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.
5
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang
sa kanilang bayan kundi maging sa malalayong lugar. O
kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang tahanan ay
dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha
ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na
mahal ng ama ang mga anak at ang labis niyang
ikinatatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman sa
kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo
sa kanya. “Sana, kung makakahanap man ng
mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa
aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin,” ang
naibubulong ng ama sa sarili habang pinagmamasdan ang
kanyang mga anak na abala sa mga gawaing bahay.
6
Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na
binatang mangangalakal ang dumating sa kanilang
bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang
kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa
bayang iyon hindi lang para sa kanilang mga kalakal
kundi para makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng
magagara at mabibilis na bangka.
7
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga bisita sa mga
dalaga. Naging mabilis ang pagkakaunawaan ng
pitong dalaga at ng pitong binatang estranghero.
Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang
pitong dalaga na agad namang nagsipayag.
Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng
pahintulot sa kanilang ama. “Hindi n’yo pa kilala nang
lubusan ang mga bianatang iyan. Bakit kayo sasama?
Hindi ako papayag.” Ang matigas na wika niya kahit
pa nagpupumilit ang kanyang mga anak na sumama sa
mga binata.
8
Isang araw, habang nasa dagat at nangingisda ang
ama ay gumawa ng isang mapangahas na pasya ang
mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw
at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay.
“Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba
pang dalaga. Sinamantala ng magkakapatid ang pag-
alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang kani-kanilang
mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na
anak sa tatlong bangkang dala ng mga binata palayo
sa kanilang tahanan.
9
Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras
kung saan nangingisda ang kanilang ama ay natanaw
niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang
kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na
sumagwan ang ama para mahabol ang kanyang
pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal
ang kanyang maliit na bangka kompara sa
makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi
na niya nahabol ang mga anak.
10
Buong pait na lumuha at nagmakaawa ang ama sa
kanyang mga anak. “Mga anak, huwag kayong umalis.
Bumalik kayo! ang walang katapusang pagsigaw at
pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa paggaod
subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing niyang
mga anak. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa
paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng
kanyang mga anak, walang nagawa ang matanda kundi
lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati sa
kanya maging mga kalangitan sapagkat ang maliwanag
na sikat ng araw ay biglang naparam at sa halip ay
napalitan ng pagdilim ng himpapawid.
11
Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng
malalakas na dagundong ng kulog. Biglang pumatak ang
malakas na ulan kaya’t walang nagawa ang matanda
kundi umuwi na lamang. Sa kanyang pag-uwi ay isang
napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang
dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha
nang masagana. Wari’y sinasabayan din ng malalakas na
patak ng ulan sa bubungan ng kanyang ulilang tahanan
ang walang katapusang pagluha ng kaawa-awang
matanda. Labis-labis ang kanyang kalungkutan at
pangungulila sa kanyang mga anak.
12
Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y nasa laot
na. Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa
gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at
isla ng Guimaras. Sa lugar na ito siya nangisda kahapon at
alam na alam niyang walang mga islang tulad nito sa
lugar nang nagdaang araw. Kinabahan ang matanda at
kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso ang
mabilis niyng paggaod papunta sa mga mumunting isla.
Anong laking panlulumo niya nang makita ang nagkalat
na bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga anak
na nakalutang sa paligid.
13
Binilang niya ang mumunting isla. Pito! Pito rin ang
kanyang mga anak na dalaga. Humagulgol ang matanda.
Parang nahulaan na niya ang nangyari. Nalunod ang
kanyang mga anak nang ang sinasakyan nilang mga
bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng
biglang pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa
mga korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-
hiwalay ang mga ito.
Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete
Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang
pag-alala sa pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong
suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.

More Related Content

Similar to Alamat.pptx

Rehiyon 8 (silangang visayas)
Rehiyon 8  (silangang visayas)Rehiyon 8  (silangang visayas)
Rehiyon 8 (silangang visayas)Ma. Jessabel Roca
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)naomimikaelbalderama
 
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docxorca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docxRozelynLeal1
 
Mga Lathalain sa Paglalakbay
Mga Lathalain sa PaglalakbayMga Lathalain sa Paglalakbay
Mga Lathalain sa PaglalakbayJustinJiYeon
 
Mga pahayag na nagbibigay ng patunay
Mga pahayag na nagbibigay ng patunayMga pahayag na nagbibigay ng patunay
Mga pahayag na nagbibigay ng patunayJohn Kiezel Lopez
 
Ang alamat ng pilipinas panghalip
Ang alamat ng pilipinas panghalipAng alamat ng pilipinas panghalip
Ang alamat ng pilipinas panghalipherculesvalenzuela
 
Panitikan ng rehiyon
Panitikan ng rehiyonPanitikan ng rehiyon
Panitikan ng rehiyonjennica25
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanJohn Anthony Teodosio
 
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docxAng Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docxEDNACONEJOS
 
Similar to Alamat.pptx (15)

panitikan ng rehiyon
panitikan ng rehiyonpanitikan ng rehiyon
panitikan ng rehiyon
 
Rehiyon 8 (silangang visayas)
Rehiyon 8  (silangang visayas)Rehiyon 8  (silangang visayas)
Rehiyon 8 (silangang visayas)
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
 
Ang mangingisda
Ang mangingisdaAng mangingisda
Ang mangingisda
 
DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptxDARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
 
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docxorca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
 
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docxorca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
orca_share_media1661682815216_6969602878593661546 (1).docx
 
Alamat ng Alon sa Dagat
Alamat ng Alon sa DagatAlamat ng Alon sa Dagat
Alamat ng Alon sa Dagat
 
Mga Lathalain sa Paglalakbay
Mga Lathalain sa PaglalakbayMga Lathalain sa Paglalakbay
Mga Lathalain sa Paglalakbay
 
Mga pahayag na nagbibigay ng patunay
Mga pahayag na nagbibigay ng patunayMga pahayag na nagbibigay ng patunay
Mga pahayag na nagbibigay ng patunay
 
Ang alamat ng pilipinas panghalip
Ang alamat ng pilipinas panghalipAng alamat ng pilipinas panghalip
Ang alamat ng pilipinas panghalip
 
Panitikan ng rehiyon
Panitikan ng rehiyonPanitikan ng rehiyon
Panitikan ng rehiyon
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
 
Mitolohiya
MitolohiyaMitolohiya
Mitolohiya
 
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docxAng Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx
 
More from Christopher Birung

Week1 - Naging Sultan si Pilandok Filipino 7, Q1-Week 1.pptx
Week1 - Naging Sultan si Pilandok Filipino 7, Q1-Week 1.pptxWeek1 - Naging Sultan si Pilandok Filipino 7, Q1-Week 1.pptx
Week1 - Naging Sultan si Pilandok Filipino 7, Q1-Week 1.pptxChristopher Birung
 
Week4 - Dokumentaryo, Mito.pptx
Week4 - Dokumentaryo, Mito.pptxWeek4 - Dokumentaryo, Mito.pptx
Week4 - Dokumentaryo, Mito.pptxChristopher Birung
 
Week 4 - FILIPINO 7 PIVOT 4A TEACHER-MADE MATERIAL.pptx
Week 4 - FILIPINO 7 PIVOT 4A TEACHER-MADE MATERIAL.pptxWeek 4 - FILIPINO 7 PIVOT 4A TEACHER-MADE MATERIAL.pptx
Week 4 - FILIPINO 7 PIVOT 4A TEACHER-MADE MATERIAL.pptxChristopher Birung
 
Ano ang sinasabi ng biblia tungkol sa mahika, kulto, pakikipag usap sa patay ...
Ano ang sinasabi ng biblia tungkol sa mahika, kulto, pakikipag usap sa patay ...Ano ang sinasabi ng biblia tungkol sa mahika, kulto, pakikipag usap sa patay ...
Ano ang sinasabi ng biblia tungkol sa mahika, kulto, pakikipag usap sa patay ...Christopher Birung
 
Rules to be followed in the e-classroom
Rules to be followed in the e-classroomRules to be followed in the e-classroom
Rules to be followed in the e-classroomChristopher Birung
 
More from Christopher Birung (13)

Week1 - Naging Sultan si Pilandok Filipino 7, Q1-Week 1.pptx
Week1 - Naging Sultan si Pilandok Filipino 7, Q1-Week 1.pptxWeek1 - Naging Sultan si Pilandok Filipino 7, Q1-Week 1.pptx
Week1 - Naging Sultan si Pilandok Filipino 7, Q1-Week 1.pptx
 
Week4 - Dokumentaryo, Mito.pptx
Week4 - Dokumentaryo, Mito.pptxWeek4 - Dokumentaryo, Mito.pptx
Week4 - Dokumentaryo, Mito.pptx
 
WARAY.pptx
WARAY.pptxWARAY.pptx
WARAY.pptx
 
FILIPINO7-W7-Q1.pptx
FILIPINO7-W7-Q1.pptxFILIPINO7-W7-Q1.pptx
FILIPINO7-W7-Q1.pptx
 
FILIPINO7-Q1-W6.pptx
FILIPINO7-Q1-W6.pptxFILIPINO7-Q1-W6.pptx
FILIPINO7-Q1-W6.pptx
 
Week 4 - FILIPINO 7 PIVOT 4A TEACHER-MADE MATERIAL.pptx
Week 4 - FILIPINO 7 PIVOT 4A TEACHER-MADE MATERIAL.pptxWeek 4 - FILIPINO 7 PIVOT 4A TEACHER-MADE MATERIAL.pptx
Week 4 - FILIPINO 7 PIVOT 4A TEACHER-MADE MATERIAL.pptx
 
Renewing Of Mind
Renewing Of MindRenewing Of Mind
Renewing Of Mind
 
Fulfill Your Purpose
Fulfill Your PurposeFulfill Your Purpose
Fulfill Your Purpose
 
Slow down and T.H.I.N.K.
Slow down and T.H.I.N.K.Slow down and T.H.I.N.K.
Slow down and T.H.I.N.K.
 
Ano ang sinasabi ng biblia tungkol sa mahika, kulto, pakikipag usap sa patay ...
Ano ang sinasabi ng biblia tungkol sa mahika, kulto, pakikipag usap sa patay ...Ano ang sinasabi ng biblia tungkol sa mahika, kulto, pakikipag usap sa patay ...
Ano ang sinasabi ng biblia tungkol sa mahika, kulto, pakikipag usap sa patay ...
 
Idolatry teaching tagalog
Idolatry teaching   tagalogIdolatry teaching   tagalog
Idolatry teaching tagalog
 
Elemento ng pelikula
Elemento ng pelikulaElemento ng pelikula
Elemento ng pelikula
 
Rules to be followed in the e-classroom
Rules to be followed in the e-classroomRules to be followed in the e-classroom
Rules to be followed in the e-classroom
 
Recently uploaded

Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxFILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxellamaycatipun17
 
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxrodriguezjoelina25
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxComisoMhico
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxLornaBajarOliva
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
Recently uploaded (20)

Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxFILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
 
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
Alamat.pptx

  • 2. Ang alamat ay isang uri ng panitikan, ito ay mga akdang nagsasaad ng pinagmulan ng mga bagay-bagay at karaniwang kapupulutan ng aral sa buhay. 2
  • 3. Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan 3
  • 4. 4 Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong anak na dalaga ang naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat- Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang bayang nasa gawing hilagang- silangan ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng Isla ng Panay. Araw-araw makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng mga gawaing-bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o masayang lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kay gaganda habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.
  • 5. 5 Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan kundi maging sa malalayong lugar. O kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang labis niyang ikinatatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa kanya. “Sana, kung makakahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang mga anak na abala sa mga gawaing bahay.
  • 6. 6 Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para sa kanilang mga kalakal kundi para makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at mabibilis na bangka.
  • 7. 7 Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga bisita sa mga dalaga. Naging mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang estranghero. Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad namang nagsipayag. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi n’yo pa kilala nang lubusan ang mga bianatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papayag.” Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang kanyang mga anak na sumama sa mga binata.
  • 8. 8 Isang araw, habang nasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng isang mapangahas na pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay. “Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga. Sinamantala ng magkakapatid ang pag- alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na anak sa tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan.
  • 9. 9 Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang kanyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang kanyang maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na niya nahabol ang mga anak.
  • 10. 10 Buong pait na lumuha at nagmakaawa ang ama sa kanyang mga anak. “Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! ang walang katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing niyang mga anak. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa ang matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati sa kanya maging mga kalangitan sapagkat ang maliwanag na sikat ng araw ay biglang naparam at sa halip ay napalitan ng pagdilim ng himpapawid.
  • 11. 11 Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malalakas na dagundong ng kulog. Biglang pumatak ang malakas na ulan kaya’t walang nagawa ang matanda kundi umuwi na lamang. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana. Wari’y sinasabayan din ng malalakas na patak ng ulan sa bubungan ng kanyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng kaawa-awang matanda. Labis-labis ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga anak.
  • 12. 12 Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y nasa laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito siya nangisda kahapon at alam na alam niyang walang mga islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw. Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso ang mabilis niyng paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong laking panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga anak na nakalutang sa paligid.
  • 13. 13 Binilang niya ang mumunting isla. Pito! Pito rin ang kanyang mga anak na dalaga. Humagulgol ang matanda. Parang nahulaan na niya ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga anak nang ang sinasakyan nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng biglang pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa- hiwalay ang mga ito. Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.