6. Base sa maraming pagsusuri ng mga dalubhasa, heto ang listahan ng
mga masustansyang pagkain na dapat nating kainin:
1. Gulay at prutas – Masustansya ang lahat ng gulay
tulad ng pechay, kangkong, ampalaya, malunggay at
marami pang iba. Mabuti ito sa tiyan, bituka at sa buong
katawan. May taglay itong fiber, bitamina at minerals.
Masustansya din ang mga prutas tulad ng saging,
mansanas, pakwan at iba pa. Huwag lang dadamihan
ang pagkain ng prutas dahil may asukal din ito na
puwedeng makataba kung sosobra ang kakainin.
7. 2. Mani, beans at tokwa – May taglay na
protina (vegetable protein) ang mani at
beans. Napakaganda nito sa katawan. Ang
protina mula sa mani at beans ay mas
masustansya kumpara sa protina mula sa
baboy at baka. Kung hindi naman
napatunayan na mataas ang uric acid ninyo
sa dugo ay puwede kayong kumain ng mani
at beans. Mas maraming benepisyo ito para
sa inyo.