2. • Matatalakay ang pagbabago sa
pamumuhay ng mga Pilipino gayundin
sa kanilang panitikan sa pagdating ng
mga Kastila.
• Maipapaliwanag ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng awit at kurido.
• Maipapaliwang ang nilalaman ng
pasyon.
Mga layunin:
3. sanligang kasaysayan
Napaligaw sa Pilipinas ang pangkat ni
Magallanes noong 1521. Isang kamaliang
maituturing ang pag-aangkin ng mga Kastila
na sila ang nakatuklas sa Pilipinas. Ang
Pilipinas ay sinakop ng mga Kastila sa
pamamagitan ng sandata at relihiyon.
Humigit-kumulang sa apatnapu't apat na
taon ang nakaraan nang mapaligaw sa ating
bansa ang pangkat ni Magallanes bago
opisyal na naitatag ni Legaspi ang
kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noong
1565.
4. Tatlong ekspedisyon na pinadala ng Espanya:
• Laoisa (1525)
• Saavedra (1527)
• Villalobos (1542)
Ang mga layunin ng Espanya sa pananakop ay ang mga
sumusunod:
• magpalaganap ang Kristiyanismo
• magpayaman
• magpalawak at magpalakas ng kapangyarihan
- Hindi nakarating ng Pilipinas sapagkat
sinalakay sila ng mga Olandes na noong
panahong iyon ay nasa Indonesya.
5. Karaniwan nang mga Kastila ang sumulat ng mga akda, na ang
karamihan ay mga prayle.
Ang dating Alibata ay pinalitan ng Alpabetong Romano. Ang
karaniwang paksa ng mga akda ay panrelihiyon, walang
orihinalidad at gaya, halaw o hawig sa mga akdang Europeo.
Lumaganap ang mga sumusunod na uri ng panitikan: mga awit
at kurido, karagatan, duplo, moro-moro o comedia, senakulo,
tibag, karilyo at senakulo. Nagdala rin sila ng mga talambuhay
ng mga santo gayundin ng mga nobena at dasal. Bukod sa mga
akdang panrelihiyon, marami ring akdang pangwika.
7. Doctrina Cristiana
(1593)
Ito ang kauna-unahang aklat na
panrelihiyon na nalimbag sa Pilipinas.
Ito'y nasulat sa Tagalog at Kastila.
• Padre Juan de Plasencia
• Padre Domingo de Nieva
SUMULAT
• Pater Noster
• Ave Maria
• Credo
• Regina Coeli
• Sampung Utos ng Diyos
• Mga Utos ng Santa Iglesia
• Pitong Kasalanang Mortal
• Labing-apat na Pagkakawanggawa
• Pangungumpisal
• Katesismo
PAKSA
8. Nuestra Senora del
rosario (1602)
Ang aklat na ito ang ikalawang
nalimbag sa Pilipinas. Sinulat ito ni
Padre Blancas de San Jose at
Tinulungan siya ni Juan de Vera, isang
mestisong intsik sa pagpapalimbag
ng aklat. Nilimbag ang aklat sa
Limbagan ng Pamantasan ng Santo
Tomas.
10. PASYON
• Ang awit na ito ay tungkol sa buhay
ng ating Panginoong Hesukristo.
• Ang pagpaparangal na ito ay
ginaganap kung Mahal na Araw.
Apat ang nagsisulat ng Pasyon:
• Padre Gaspar Aquino de Belen
(1704)
• Don Luis Guian (1750)
• Padre Mariano Pilapil (1814)
• Padre Aniceto dela Merced (1856)
11. • Ang lalong naging malaganap ay ang pasyong Pilapil na may walong
pantig sa bawat taludtod at limang taludtod sa bawat saknong.
• Ang pasyon ay isinalin sa lahat ng malalaganap na wika ng Pilipinas
gaya ng Ilokano, Bisaya, at Bikolano.
• Karaniwang nagtatagal ng dalawang araw at gabi o mahigit pa ang
pag-awit ng pasyon.
• Ang tono nito ay naaayon sa lugar at lalawigan.
• Ang halimbawa ng pasyong sinipi sa kasalukuyang panahon na
inaawit sa katagalugan kung panahon ng kuwaresma: Viernes Santo
12. urbana at feliza
• Si Padre Modesto de Castro ay
nataguriang "Ama ng Tuluyang
Klasika sa Tagalog" dahil sa
pagkakasulat niya ng Urbana at
Feliza.
• Binubuo ito ng palitan ng liham ng
magkapatid na Urbana at Feliza.
• Ang isa ay nasa lalawigan at ang isa
ay nag-aaral sa isang kolehiyo sa
Maynila.
13. Ang paksa ng mga sulat ay ang mga sumusunod:
Sa Katungkulan ng Bayan
Sa Pagpasok sa Paaralan
Ang Pakikipagkaibigan
Sa Piging
Ang Salitaan
Paglagay sa Estado
• Puno ng mga pangaral ang sulat ng kapatid na nasa lalawigan sa
kapatid na nag-aaral sa Maynila.
• Lagi niyang ipinaaalaala ang mga dapat ugaliin ng kapatid sa iba't
ibang pagkakataon.
14. • May kahulugang sinasagisag ang mga pangalan ng mga tauhan sa
akda.
URBANA - "Urbanidad" - kagandahang asal
FELIZA - "Feliz" (Kastila) - maligaya
• Sinasagisag nito ang kaligayang matatamo ng isang tao sa
pamamagitan ng pagpapakabuti at pagiging masunurin.
15. mga dalit kay maria
• Si Padre Mariano Sevilla, isang paring
Pilipino ay sumulat ng mga dalit noong
1865.
• Humalaw siya sa mga awit na "Mese de
Maggio" o Buwan ng Mayo.
• Ang paksa ng mga awit ay pagpaparangal
at pagpupuri sa Mahal na Birhan. Inaalayan
ng mga bulaklak ang Mahal na Birhen.
• Ang mga Dalit Kay Maria ay nakaugalian
nang awitin kung buwan ng Mayo sa
Bulacan, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal
at Quezon.
16. Mula sa unang imno:
Matamis na Virgeng pinaghahandugan
cami nangangako naman pong mag-alay
nang isang guirnalda bawat isang oras
at ang magdudulot yaring murang camay.
Coro:
Tuhog ng bulaclac sadyang salit-salit
sa mahal mong noo'y aming icacapit,
lubos ang pag-asa't sa iyo'y pananalig
na tatanggapin mo handog na pag-ibig.
18. mga awit at kurido
• Ang mga awit at kurido ay mga salaysay tungkol sa
kagitingan at pakikipagsapalaran ng mga hari, reyna,
prinsipe't prinsesa na ang layunin ay mapalaganap ang
Kristiyanismo.
• Ang salitang "kurido" ay nanggaling sa Mehikanong 'corrido"
na ang kahulugan ay kasalukuyang pangyayari (current
event).
• Nanggaling naman ang Mehikanong "corrido" sa Kastilang
"occurido"
19. Pagkakatulad ng awit at kurido:
• Kapwa nagsisimula sa panalangin
• Magkatulad ng paksa
• Kapwa batay sa 'Metrical Tales" ng Europa
• Ang mga buod ay naaayon sa kakayahan at
pananaw ng nagsisulat
20. Pagkakaiba ng awit at kurido:
• Ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig sa
bawat taludtod, ang kurido ay binubuo ng walong
pantig sa bawat taludtod.
• Kung awitin ang awit ay mabagal, ang kurido ay
mabilis.
21. Mga nagsisulat ng mga
awit at kurido
Ang mga may-akda ng mga awit at kurido na
naglathala ng kanilang mga pangalan ay sina:
• Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)
• Francisco Baltazar (Balagtas)
• Ananias Zorilla
• Eulogio Julian de Tandiama
22. florante at laura
• Ang awit na "Florante at Laura" ay
may diwang mapanghimagsik
ngunit nakalampas sa "Comision
Permanente de Censura" dahil sa
masining na pangangaral nito.
• Hindi tuwirang tinukoy ni Balagtas
ang Pilipinas bilang tagpuan, sa
halip ay binansagan ito ng Albanya.
23. • Bagama't ang karaniwang paksa ng mga awit at kurido na
paglalaban ng mga Muslim at Kristiyano gayundin ang
pananagumpay ng mga Kristiyano at pagpapabinyag ng mga
Muslim ang isinangkap niya sa awit na ito, ay napagitaw
naman ni Balagtas na sa tagumpay ni Florante ay may
mahalagangh papel na ginampanan ang magkasintahan
Aladin at Flerida.
• Sa matatalino at mga mapanuri ay malinaw na nakuha ang
diwang mapanghimagsik ng akdang ito ni Balagtas gaya ng
isinasaad ng mga sumusunod na saknong:
24. Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
kaliluha'y siyang nangyayaring hari
kagalinga't bait ay nalulugami
at inis sa hukay ng dusa't pighati.
Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat ng kutya't linggatong;
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing nang walang kabaong.
25. Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayo
at ang kabaita'y kimi't nakayuko,
santong katuwira'y lugami at hapo,
at luha na lamang ang pinatutulo.
At ang balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan.
26. O taksil na pita sa yama't mataas,
o hangad sa puring lumilipas
ikaw ang dahilan ng kasam'ang lahat
at niring nasapit na kahabag-habag.