AP G8/G9 lm q3
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

AP G8/G9 lm q3

on

  • 1,674 views

 

Statistics

Views

Total Views
1,674
Views on SlideShare
1,674
Embed Views
0

Actions

Likes
1
Downloads
138
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Adobe PDF

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

AP G8/G9 lm q3 AP G8/G9 lm q3 Document Transcript

  • 258 MODYUL 3: PAG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG: TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN Panimula Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig. Sa Yunit na ito ay tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigidg tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng daigdig. Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-ano ang dahilan at epekto ng paglawak ng kapangyarihan nito? Paano nakaapekto ang pag-usbong ng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, pulitika at ekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong pandaigdigang kamalayan? Handa ka na bang sagutin ang mga tanong na ito? Kung gayon, simulan ang pagtuklas sa mga pangyayaring ito. Mga Aralin At Sakop Ng Modyul Aralin 1: Paglakas ng Europe Aralin 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe Aralin 3: Pagkamulat Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod: Aralin 1  Nasusuri ang konsepto ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, simbahang katoliko at repormasyon  Napahahalagahan ang kontribusyon ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, Simbahang Katoliko at repormasyon sa daigdig Aralin 2  Nasusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe  Natataya ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe  Nasusuri ang mga kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal  Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
  • 259 Aralin 3  Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan ng mga Rebolusyong Pranses at Amerikano  Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng konsepto ng Nasyonalismo sa Europe at iba’t ibang bahagi ng daigdig Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito, sagutin ang sumusunod na pagsusulit. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito. 1. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang Panahon MALIBAN sa anong aytem? A. mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian B. tinagurian silang middle class o panggitnang uri. C. nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod. D. nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong pampulitika at pang-ekonomiya. 2. Alin ang pinakawastong kahulugan ng Renaissance? A. muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko B. muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano C. panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe D. panibagong kaalaman sa agham 3. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? I. schism sa Simbahang Katoliko II. pagtawag ni Pope Paul III sa Council of Trent III. pagpaskil ni Martin Luther ng Ninety-Five Theses sa pinto ng Wittenberg Church A. I - II - III B. II - I - III C. III - I - II D. I - III – II 4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “The end justifies the means ”? A. Auman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap-tanggap kung mabuti ang kaniyang hangarin. B. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palaging mabuti ang bunga nito. PAUNANG PAGTATAYA
  • 260 C. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan. D. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng pamamahala. 5. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay nagmumula sa karanasan? Binigyang-diin niyang ang kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa” o blank slate. A. John Locke B. John Adams C. Rene Descartes D. Jean-Jacques Rousseau 6. Bakit itinuring na batik sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang Inquisition? A. Napigilan nito ang paglaganap ng Protestant Reformation sa timog Europe. B. Ang mga kalupitang ginawa ng Inquisition ay humantong sa maraming kamatayan ng walang sala. C. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo. D. Nagkaroon ng maraming kaaway ang Simbahang Katoliko. 7. Suriin ang mapa ng Italya. Ano kaya ang magiging implikasyon ng heograpiya sa ekonomiya nito?
  • 261 A. Hindi hiwa-hiwalay ang bahagi nito na mahalaga sa pagkakaisa. B. May mapagkukunan ng yamang-dagat. C. Bukas ang iba’t ibang ruta nito sa kalakalan. D. Madali itong masakop ng ibang bansa. 8. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe? A. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo. B. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe. C. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang kanilang Pangangailangan. D. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo. 9. Sa ika-15 siglo, ang Europe ay nahati sa mga nation-state na nagpaligsahan sa kapangyarihan. Nagbunga ang paligsahang ito ay sa pagpapalawak ng mga nation-state. Alin sa sumusunod na bansa ang nanguna sa pagtuklas ng mga lupain? A. Spain B. England C. Portugal D. Netherlands 10. Angt cartoon sa ibaba ay kumakatawan sa mga estado sa America. Ano ang mensaheng ipinakikita nito kung nangyari ito sa panahon ng rebolusyon laban sa British? A. Kailangang maging matalino sa paglaban tulad ng isang ahas. B. Pagkakaisa ang susi upang magtagumpay sa laban. C. Mag-ingat sa British na kawangis ng ahas. D. Walang maaapi kung walang nagpapaapi.
  • 262 11. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon? 1. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita. 2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay. 3. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa sariling bansa. 4. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at kulturang Pilipino. A. 1,2,3,4 B. 1,2,3 C. 2,3,4 D. 3,4 12. Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France at England. Nang magsimula ang Rebolusyong Amerikano, nagpadala ng tulong militar ang France sa United States na malaki ang tulong sa pananagumpay ng huli. Batay dito, ano ang pinakaangkop na hinuha ang mabubuo? A. Magkakampi ang France at United States B. Magkasabay na nilabananan ng Inglatera ang United States at France. C. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States. D. Ginamit na pagkakataon ng Pransya ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang Inglatera. 13. Naisakatuparan ang rebolusyong politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at radikal sa daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal? A. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sa pag-usbong ng Rebolusyong Politikal. B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganap ng Rebolusyong Pangkaisipan. C. Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bunga na lamang ng renaissance sa Europe. D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at Rebolusyong Pangkaisipan. 14. Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, ginamit na dahilan ng mga Europeo ang ideya ng white man’s burden upang bigyang katwiran ang kanilang pananakop. Ano ang ‘white man’s burden’? A. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga puti ng karapatan na angkinin ang daigdig. B. Paniniwalang mga puti ang superior na lahi sa mundo. C. Paniniwalang tungkulin ng mga puti na panaigin ang kanilang kabihasnan sa kanilang sinakop. D. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa mga kagustuhan ng mga Europeo.
  • 263 15. Maraming makabagong ideya at imbensyon ang nabuo noong Rebolusyong Siyentipiko. Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga Kanluranin? A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito. B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang- agham sa Europa. C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob. D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin. 16. Nagdulot ang Rebolusyong Industriyal ng pag-unlad sa lipunan at ekonomiya ng Europe, kasabay ang suliraning idinulot nito. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiyang idinulot ng Rebolusyong Industriyal? A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod na mula sa mga probinsya. B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy. C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho. D. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika. 17. Alin sa sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses? A. Pagtanggal ng sistemang piyudal B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatan ng Tao” C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika D. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran 18-20) Tama o Mali Suriin ang bawat pahayag . Makatutulong ang nakasalungguhit na mga salita sa pagsusuri ng ideya sa bawat bilang. Pillin ang letra ng wastong sagot. 18. I. Ang Humanismo ay kilusang kultural na nagsimula sa Italya at lumaganap sa kabuuan ng Europa. II. Isa sa pinakamahalagang salik sa paglaganap ng kilusang kultural ang pagkakaimbento ng ‘movable press’ ni Johan Gutenberg. 19. I. Bago pa man nabuhay si Martin Luther ay marami nang repormista ang nabuhay upang hamunin ang katuruan at kapangyarihan ng Simbahang Katolika. Gamitin ang sumusunod na option sa bilang 18-20. A. Tama ang una at ikalawang pangungusap. B. Mali ang una at ikalawang pangungusap. C. Tama ang unang pangungusap. D. Tama ang ikalawang pangungusap.
  • 264 II. Isa sa mga katuruang humamon sa Simbahan ang paniniwalang ang personal na relasyon ng tao sa Diyos ang makapagliligtas, hindi ang Simbahang sinasabing may hawak ng susi ng kalangitan. 20. I. Kung ihahambing ang mabuti at masamang bunga ng pananakop, nakahihigit ang kabutihang idinulot nito sa daigdig. II. Sapagkat maraming alipin ang nakuha mula sa Africa at nakatulong sa pagtatanim sa ilang bahagi ng America at Asia. ARALIN 1: PAGLAKAS NG EUROPE Nagmumula sa Europe ang pinakamayayamang mga bansa sa daigdig. Malaki ang bahaging ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan ng Europe bilang isa sa pinakamauunlad na kontinente sa daigdig. Kailan nga ba nagsimula ang paglakas ng mga mangangalakal na malaki ang naging bahagi sa paglakas ng Europe sa bahaging ito ng kasaysayan. ALAMIN Gawain 1: Word Hunt Hanapin at bilugan sa puzzle box ang mga terminong tinutukoy sa bawat kahon sa kasunod na pahina. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang gabay sa paghahanap ng bawat salita. Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot ng mga paunang tanong sa mga aralin ng Modyul na ito, malalaman mo kung paano muling lumakas ang Europe at kung ano-anong bagong ideya at pamana ang naging ambag nito sa transpormasyon ng mga bansa sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Tuklasin ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa paglakas ng Europe. Lilinangin mo ang mga bagong kaalaman at kasanayan na magdadala sa iyo sa lubos na pag-unawa. Halina’t iyong simulan...
  • 265 Matapos mong matukoy ang mahahalagang salita sa aralin ay subukin mong bumuo ng kaisipan tungkol sa paglakas ng Europe.Sa tulong ng nabuong mga salita. Isulat mo ang iyong konsepto sa rectangle callout. A L A M E R K A N T I L I S M O D I M B S E T N A T S E T O R P V S I O L P R O T S E T O R P R C O K A T O L I K O W H P S E I E M D K E R A L S E A R L K E S T S K U Y M T T A P T K N G P R N I R S F A G U M O Y A S O O U M N L W C S B S N R B N C T R K P A T P L Y A S H R E O P Y U G E M Y M B O U R G E O I S I E A R U L R E N A I S S A N C E S P Y H C R A N O M L A N O I T A N 1. B____________R Nagmamay-ari o namamahala ng bangko 2. B____________E Panggitnang uri ng mamamayan sa Europe 3. E____________E Pangalawa sa pinakamaliliit na kontinente ng daigdig 4. H____________O Isang kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano 5. K____________O Nangangahulugang “universal” 6. M____________O Sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak 7. N____________L Dahil sa pagkatatag nito, muling lumakas ang kapangyarihan ng M____________Y hari 8. P____________E Mga tumutol o sumalungat sa turo ng Simbahang Katoliko 9. R____________E Nangangahulugan itong “muling pagsilang” 10. R____________N Krisis sa relihiyon kung saan ang mga ibang bansang Katoliko ay yumakap sa ibang relihiyon
  • 266 Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang iyong nahanap at nabuong mga salita? 2. Batay sa mga salitang iyon, alin sa mga ito ang pamilyar sa iyo? Bakit? 3. Paano nabuo ang iyong sariling konsepto o kaisipan mula sa mga salitang iyong pinagsama-sama? Ano-ano ang iyong naging batayan upang mabuo ang kaisipan? GAWAIN 2: Kilalanin Mo! Suriin ang sumusunod na mga larawan. Kilalanin ang bawat nakalarawan at isulat sa patlang ang tungkulin o gawain ng bawat isa.
  • 267 Pamprosesong tanong 1. Sino ang ipinakikita sa bawat larawan? 2. Mayroon ka bang kilala na may pagkakatulad sa nasa larawan? 3. Anong panahon kaya sa kasaysayan nagmula at nakilala ang mga nakalarawan? 4. Nakatutulong ba sa kasalukuyan ang nasa larawan? Patunayan. GAWAIN 3: Think –Pair- Share! Sa tulong ng gawaing ito, masusukat mo ang kaalaman at pag-unlad sa pag- unawa ng aralin. Panuto: Pumili ng kapareha sa gawaing ito at basahin ang katanungan sa aralin. Sagutin ang kahong itinakda sa inyo bago pagsamahin ang mga ideya. Iwanang walang sagot ang dalawang nasa ibabang kahon at balikan ito sa huling bahagi ng aralin. Nagtatapos ang bahagi ng Alamin sa puntong ito. Paano nakaapekto ang paglakas ng Europe sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig at sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? (Sa bahaging ito, isulat ng magkapareha ang pinal na kasagutan pagkatapos ng aralin) Mga Sanggunian/ Batayan (Tala ng mga babasahing pinagkunan ng impormasyon, website at iba pa) AKING KASAGUTAN (Sagot ng Mag-aaral) AKING KAPAREHA (Sagot ng Kapareha) PINAGSAMANG IDEYA (Sagot ng Magkapareha) TANUNGAN SA ARALIN Pagkatapos masuri ang sariling mong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin, natitiyak kong gusto mong malaman kung tama ang iyong mga sagot sa talahanayan. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng Modyul . Sa iyong pagsasagawa ng iba’t ibang gawain, suriin kung tumutugma ang iyong mga dating alam sa mga bagong kaaalamang matututuhan mo sa modyul na ito.
  • 268 PAUNLARIN GAWAIN 4: Pamana ng Nakaraan! Natalakay sa Aralin 3 ng Modyul 2 ang mahahalagang pamana ng bayan at lungsod sa panahong Medieval. Malaki ang naitulong ng mga pamanang ito sa pag-usbong ng Europe. Makikita sa dayagram ang mga pamanang ito. Panuto: Suriin ang dayagram at sagutin ang mga katanungan. Diagram Blg. 1.1 Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon) nina Vivar et.al, pahina 156 Sa bahaging ito, inaasahang matututunan mo ang mahahalagang kaalaman tungkol sa paglakas ng Europe. Ang bahaging ginampanan ng Bourgeoisie, ng sistemang Merkantilismo, pagkatatag ng National Monarchy, Renaissance, at maging ng simbahang Katoliko at Repormasyon ay makatutulong upang lubos na maunawaan ang mga pagbabagong naganap sa Europe sa panahong ito. Maaaring balikan ang mga tanong sa unang bahagi matapos ang pag-aaral sa bahaging ito ng aralin. Inaasahan ding maiwawasto ang mga maling pag-unawa pagkatapos ng aralin.
  • 269 Simulan mo na ang pag-aaral tungkol sa mga bourgeoisie na malaki ang papel na ginampanan sa paglakas ng Europe. Pamprosesong tanong 1. Sa mga pamanang inilahad sa dayagram, alin sa mga ito pinakamahalaga? Bakit? 2. Sa iyong palagay, paano makaaapekto ang mga pamanang ito sa paglakas ng Europe? GAWAIN 5: Burgis ka! Malaki ang bahaging ginampanan ng mga bourgeoisie sa paglakas ng Europe. Gusto mo ba silang makilala? Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeosie. Iyong itala ang mahahalagang datos na nakapaloob dito at punan ang cloud call out at concept map ng nasabing datos tunkol sa bourgeoisie.
  • 270 PAG-USBONG NG BOURGEOISIE Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapi ng uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa, ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal at binanayaran sila sa kanilang paggawa. Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipower (nagmamay-ari ng mga barko), mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisano na sa panahong ito ay maiuuri na sa mga manggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang. Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalan at pagmamay-ari. Nagkaroon lamang ng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp.209-211 Ang mga bourgeoisie ay ____________ ________________________________ ________________________________
  • 271 PAGLAKAS NG MGA BOURGEOISIE Sino-sino ang mga Bourgeoisie? Katangian ng mga Bourgeoisie Halaga sa Lipunan (Noon at Ngayon)        _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ __ Dahilan ng kanilang Paglakas Epekto sa Paglakas ng Europe ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ Pamprosesong tanong 1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa pangkat ng bourgeoisie? 2. Ano-ano ang katangian ng bourgeoisie? 3. Ano ang naging papel nila sa paglakas ng Europe? 4. Sino ang maituturing natin na Bourgeoisie sa kasalukuyan? 5. Paano nakatutulong ang bourgeoisie sa kasalukuyan sa ating bansa at maging sa daigdig? Hindi lamang ang paglakas ng bourgeoisie ang matutunghayan sa bahaging ito ng kasaysayan ng paglakas ng Europe, bahagi rin ng pangyayari sa panahong ito ang pag-iral ng sistemang nagbigay –daan sa paghahangad ng mahahalgang metal mayroon ang ibang panig ng daigdig maliban sa Europe. Paano ba ito nagsimula? Ano ba ang merkantilismo? Paano ito nakaapekto sa ekonomiya at lipunan ng Europe?
  • 272 GAWAIN 6: Magbasa at Unawain! Panuto: Basahin mo at unawain ang teksto hingil sa merkantilismo. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamrposesong tanong. Hango ang ideyang ito sa karanasan ng Spain na yumaman at naging makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggaling sa mga kolonya nito sa South America at Central America. Gayundin, kinailangan nila ng mga kolonyang magkakaloob ng mga ginto at pilak. Ang isang bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang madalian ay dapat na mas paunlarin pa ang kalakalan nito sa iba pang bansa. Kung titiyakin lamang ng pamahalaan na mas marami ang iniluluwas kaysa inaangkat, mas maraming ginto at pilak ang papasok sa bansa. Sa gayong paraan, mapananatili nito ang kalamangan sa balance ng kalakalan. Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 211-212 Ang pag-unlad ng isang bagong doktrinang tinawag na merkantilismo ay nakatulong din sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state sa Europe. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa. Bagama’t kadalasang ikinakategorya bilang patakarang pang-ekonomiya, ang merkantilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ay politikal. Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kaniyang hukbo, at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig. Ang doktrinang bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis. Nangangahulugan ito na mas magiging mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa. MERKANTILISMO
  • 273 GAWAIN 7: Hagdan ng Pag-unawa! Panuto: Paano nga ba nakatulong ang pagtatatag ng National Monarchy sa paglakas ng Europe? Sa tulong ng kasunod na teksto, itala mo sa ladder diagram ang mga kaganapan na nagbunsod sa pagyabong ng national monarchy. Pamprosesong tanong 1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naipahayag sa teksto, ano ang kahulugan ng merkantilismo? 2. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampolitika rin ang layunin ng merkantilismo? 3. Paano nagsimula at nakatulong ang merkantilismo sa paglakas ng Europe? 4. Mayroon pa bang merkantilismo sa kasalukuyan? Patunayan. 5. Pabor ka ba na ito ang gamiting sistemang pang-ekonomiya ng ating bansa? ng daigdig? Bakit? Ang paglakas ng bourgeoisie at paggamit ng sistemang merkantilismo ay naging daan upang muling manumbalik ang kapangyarihan ng hari. Paano nga ba muling naging makapangyarihan ang hari? Paano rin nakatulong ang mga bourgeoisie sa pagiging makapangyarihan nila muli? Tunghayan mo ang mga pangyayari sa bahaging ito ng ating kasaysayan.
  • 274 PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY Malaki ang naitulong ng pagtatatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay ang mga noble na sila ring mga panginoong maylupa. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong may lupa. Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pagbubuo ng matatag na sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng mga mamamayang nagpatupad ng batas at nagsagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa korte ng palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito. Ease modyul 10 Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng panginoong maylupa kung kinakailangan. Bukod dito, maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya, at administrador. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 212 Ano-ano ang salik na nakatulong sa muling paglakas ng kapangyarihan ng hari? _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________
  • 275 PAG-USBONG NG MGA NATION- STATE Sa pagbabago sa konsepto ng monarkiya. naitatag na rin ang mga batayan ng mga nation-state sa Europe. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado na pinananahanan ng mga mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultural, ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang estado sapagkat nananahan sila sa isang tiyak na teritoryo at may pamahalaan silang may soberanidad o kasarinlan. Isa silang nagkakaisang lahi na may katapatan sa kanilang bansa. Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa buong nasasakupan. May mga bagong institusyon na umusbong bunga ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa hari. Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng monarkiya kahit mangahulugan ito ng digmaan. Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa mga opisyal o kawani na may kasanayan para patakbuhin ang pamahalaan ayon sa kautusan ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga opisya at kawani ang pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng batas, at pagkakaloob ng hustisya. Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state, nagpakita ng ibayong lakas ang Europe. Nabuo sa Europe ang mga bagong institusyong pampolitika, panlipunan, at pang-ekonomiya. Ang paglakas ng Europe ay nagbigay-daan din sa pagpapalawak nito ng impluwensiya. Naganap ito sa panghihimasok at pananakop ng mga Europeong nation-state sa Asya, America, at nang kinalaunan, sa Africa. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 212- 213 Paano nakatulong ang mga nation- state sa paglakas ng Europe? ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________
  • 276 Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang salik na nagpabago sa konsepto ng monarkiya at nagpalakas sa kapangyarihan ng hari? 2. Ano-anong bansa sa kasalukuyan ang pinamumunuan pa rin ng hari at reyna? 3. Paano nakatulong ang nation-state sa paglakas ng Europe. 4. Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba na ang mamuno sa ating bansa ay hari at reyna? Bakit? GAWAIN 8: Discussion WeB PANUTO 1. Pagkatapos basahin ang teksto, bumuo ng limang pangkat na may parehong bilang . 2. Talakayin ang tanong sa pangkat at bumuo ng ebidensya at suporta sa panig ng Oo at Hindi. 3. Suriin ang tanong at itala ang mga impormasyon at pahayag ng bawat miyembro bawat pangkat kung ang sagot ay Oo o Hindi. 4. Magtulungan ang bawat pangkat sa pagbuo ng dahilan at kongklusyon. 5. Panghuli, pumili ng tagapagsalita para maibahagi ang inyong pananaw sa buong klase. Bukod sa mga unang natalakay na aralin, tatalakayin rin ang bahaging ginampanan ng simbahan sa paglakas ng Europe.
  • 277 PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPE Habang nababawasan ang katapatan ng ordinaryong mamamayan sa mga panginoong maylupa, nakikita naman nila ang Simbahan bilang bagong sentro ng debosyon. Sa loob mismo ng Simbahan ay tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari na naging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa. Sa pagsapit ng 1073, naging mas makapangyarihan ang Simbahan nang itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay bahagi ng kaayusang banal na napapasailalim sa batas ng Diyos. Bilang pinakamataas na lider-espiritwal at tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula kay San Pedro, ang Papa ang may pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at doktrina. Kaugnay nito, ang lahat ng Obispo ay dapat na mapasailalim sa kanya, gayundin ang mga hari na ang kapangyarihan ay dapat lamang diumanong gamitin sa layuning Kristiyano. May karapatan ang Papa na tanggalin sa hari ang karapatang mamuno kung hindi tumupad ang hari sa kanyang obligasyong Kristiyano. Ang Investiture Controversy ay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII. Hindi nagustuhan ng Haring German na si Henry IV ang ideya ni Papa Gregory VII. Para kay Henry, ang relihiyong panatisismo ni Papa Gregory VII ay tuwirang nakaapekto sa mga kaugalian at usaping politikal sa Germany. Dahil dito, humingi ng tulong ss Henry IV sa mga obispong German na pababain na sa puwesto ang Papa. Bilang tugon, idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa Simbahang Katoliko. Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon sa kaniya. Nang hindi ito gawin ng Papa, tumayo si Henry IV nang nakayapak sa labas ng palasyo ng Canossa sa hilagang Italya ng tatlong araw noong 1077. Hiniling niya na alisin na ang parusang ekskomulgasyon. Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa si Henry, ang nasabing insidente ay lalong nagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan. Kalaunan, upang malutas ang nasabing isyu, nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng Simbahan at ni Henry V. Ito ang tinatawag na Concordat of Worms noong 1122 na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang lider- espiritwal ng Simbahan at panginoong maylupa. Kinilala nito ang Simbahan bilang isang nagsasariling institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi napapasailalim sa sinumang hari.
  • 278 Pamprosesong tanong 1. Ano ang naging papel ng Simbahan sa paglakas ng Europe? 2. Bakit mahalaga ang impluwensiya ng Simbahan sa paglakas ng Europe? 3. Paano nakatulong ang Simbahan sa paglakas ng Europe at transpormasyon ng daigdig? 4. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng simbahan sa kasalukuyan? Patunayan. GAWAIN 9: OO o HINDI! Pagkatapos ang pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at kaalaman sa naging aralin, iyong malalaman kung gaano mo naunawaan ang naging pag-aaral tungkol sa paglakas ng Europe. Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages. Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag- uugali at moralidad. Ito rin ang namahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin. Dahil sa kapangyarihan ng Simbahan, mahalaga ang naging papel nito sa paglakas ng Europe. Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano – ang Republica Christiana na pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa. Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11 siglo hanggang sa ika-13 siglo ay lumakas. Lumaki ang populasyon, nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan, umusbong ang mga lungsod at kalaunan ay mga nation-state, at lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang nagbigay-daan sa paglakas ng Europe at sa kaganapan sa mga susunod na panahon. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 214 -216
  • 279 Panuto: Basahin at suriin mo ang mga pahayag hinggil sa aralin. Idikit mo ang hawak mong sign sa bahagi ng OO kung naunawaan mo na ito at sa bahagi naman ng HINDI kung hindi pa malinaw sa iyo ang konseptong ito ng aralin. Pagkatapos ay suriin ang bilang ng mga nakaunawa at hindi pa naging malinaw ang pagkaunawa. KONSEPTO/ KAALAMAN OO (NAUNAWAAN) HINDI (NAUNAWAAN) 1. Ang bourgeoisie ay binubuo ng mga mamamayan na kabilang sa panggitnang uri ng lipunan. 2. Dahil sa impluwensiya ng mga Bourgeoisie nasimulan nila ang mga reporma sa pamahalaan. 3. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europe na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa. 4. Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang hari ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng national monarchy. 5. Ang simbahan ang nagsilbing tagapangalaga ng kalinangan sa imperyo noong panahong Medieval. Sa nakalipas na pagtalakay natutuhan mo ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglakas ng Europe. Sa bahaging ito ng aralin ay iyong pag-aaralan ang pagsilang ng Renaissance sa huling bahagi ng ika-14 na siglo.
  • 280 GAWAIN 10: Magtulungan Tayo! Panuto: Nakita mo na ba ang larawan na “MONA LISA”? Nabasa mo na rin ba ang kuwentong “Romeo at Juliet? Kilala mo ba ang lumikha sa mga obra maestrang ito? Kung gayon, basahin mo ang teksto hinggil sa aralin. Pagkatapos ay ihanda mo ang iyong sarili para sa pangkatang gawain ` PAG-USBONG NG RENAISSANCE Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mga mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika-11 hanggang ika-12 siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe. Monopolisado rin ng hilagang Italy ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker. Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 219-220 Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang ang Renaissance. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon. Mula sa iyong pagkakaunawa sa tekstong binasa, ano ang Renaissance? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________
  • 281 BAKIT SA ITALY? http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpg Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe. Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa Europe. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy, naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. Batay sa mga impormasyong inilahad, bakit nga ba sa Italy sumibol ang Renaissance? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________
  • 282 Francesco Petrarch (1304-1374). Ang “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang “Songbook,” isang koleksiyon ng mga sonata ng pag- ibig sa pinakakamahal niyang si Laura. Goivanni Boccacio (1313-1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay. Sa Larangan ng Sining at Panitikan ANG MGA HUMANISTA Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tuligsain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay-daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome, ang humanismo. Ang mga iskolar na nanguna sa pag- aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin.” Pinag-aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, Komposisyon, Retorika, Kasaysayan, at Pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito. Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 220-221 Ang humanismo ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay. Ano ang pagkakaiba ng pagtingin ng mga humanista ng sinaunang panahon sa pagtingin ng mga iskolar ng Middle Ages? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN
  • 283 William Shakespeare (1564-1616) Ang “Makata ng mga Makata.” Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet. Desiderious Erasmus (c.1466-1536). “Prinsipe ng mga Humanista.” May-akda ng “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao. Nicollo Machievelli (1469-1527). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May-akda ng “The Prince.”Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: “Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.” “Wasto ang nilikha ng lakas.” Miguel de Cervantes (1547-1616). Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha,” aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period. Michelangelo Bounarotti (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng Kaniyang Krusipiksyon. Sa Larangan ng Pinta at PintorSining
  • 284 Leonardo da Vinci (1452-1519). Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “Huling Hapunan” (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming nalalaman sa iba’t ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper. Raphael Santi (1483-1520). “Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang Obra Maestrang “Sistine Madonna”, “Madonna and the Child” at “Alba Madonna.” Nicolas Copernicus (1473-1543). Inilahad ni Nicolas ang Teoryang Heliocentric; “Sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw.” Pinasungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng simbahan. Galileo Galilei (1564-1642). Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang na imbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican. Sir Isaac Newton (1642-1727). Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa kaniyang “Batas ng Universal Gravitation,” ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag- inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas. Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung saan nakilala ang mga nabanggit na siyentipiko bagkus ito ay nagpapatuloy magpakailanman hangga’t ang tao ay naghahanap at naghahangad ng kasagutan sa kaniyang mga tanong. Agham sa Panahon ng Renaissance
  • 285 Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan kakikitaan ng mga pagbabago mula sa madilim na anino ng kalagitnaang panahon patungo sa Modernong Panahon. Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag-aaral, pagmamasid at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay daan rin sa pag-usbong ng Rebolusyong Intelektuwal at malawak na kaalaman sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod- buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sangkatauhan. Halaw mula sa: Ease Modyul 10 ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinanggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang ambag sa Renaissance. Halimbawa ay si Isotta Nogarola ng Verona na may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal. Nariyan din si Laura Cereta mula sa Brescia na bago mamatay sa gulang na 30 ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa kababaihan. Sa pagsulat ng tula, mahahalagang personalidad ng Renaissance sina Veronica Franco mula sa Venice at si Vittoria Colonna mula sa Rome. Sa larangan ng pagpipinta, nariyan sina Sofonisba Anguissola mula Cremona na may likha ng Self-Portrait (1554) at si Artemisia Gentileschi, anak ni Orazio, na nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the Head of Holoferness (1625) at Self-Portrait as the Allegory of Painting (1630). Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’ al pp.224-225 Laura Cereta Isotta Nogarola Veronica Franco Vittoria Colonna Ano-ano ang kontribusyon ng kababaihan sa larawan? Paano binago ng mga ambag ng Renaissance ang pananaw at kultura ng Europe noon at maging sa kasalukuyan?
  • 286 Pangkatang Pag-uulat: Maghahati ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Sa tulong ng tekstong iyong binasa ay ilahad ninyo ng inyong kapangkat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Renaissance. Pangkat 1: Kahulugan ng Renaissance Pangkat 2: Salik sa Pagsibol ng Renaissance Pangkat 3: Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang larangan Pangkat 4: Mga Kababaihan sa Renaissance Pagkatapos ng inyong presentasiyon ay maglagay ng mga datos sa concept definition map para sa mas malinaw na daloy ng mga impormasyon kaugnay ng paksa. Magbigay ng reaksiyon o magtanong sa naging presentasiyon ng kamag- aaral kung mayroon kang hindi naunawaan. CONCEPT DEFINITION MAP Pamprosesong tanong 1. Ano ang kahulugan ng Renaissance? 2. Ano-ano ang naging mga salik sa pag-usbong ng Renaissance? 3. Bakit sa Italy nagsimula ang Renaissance? 4. Ano ang naging epekto ng Renaissance sa pagkakaroon ng panibagong pagtingin sa politika, relihiyon at pag-aaral?
  • 287 Nagdala ng maraming pagbabago at mga pamana sa daigdig ang Panahon ng Renaissance. Sa bahaging ito ay tutungo ka naman sa kwento ng Repormasyon at Kontra-Repormasyon. 5. Sino-sino ang pangunahing tagapagtaguyod ng Renaissance? 6. Ano-ano ang mga naiambag ng Renaissance sa ating kabihasnan? 7. Sino-sinong kababaihan ang kilala sa panahong ito? 8. Ano-ano ang kanilang naging kontribusyon sa Panahon ng Renaissance? 9. Paano nakatulong ang Renaissance sa paglakas ng Europe? 10. Nagaganap pa rin ba ang mga pangyayari sa Panahon ng Renaissance sa kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay. 11. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mag-ambag ng anumang bagay sa ating bansa, anong bagay at saang larangan mo pipiliing makapagbahagi ng nito? Pangatuwiranan. GAWAIN 11: Palitan Tayo! Panuto: Sa huling bahagi ng Middle Ages ay naranasan ang paghina ng Simbahan dahil sa sa mga pagbabagong politikal, ekonomiko at panlipunan. Pagsapit ng ika-14 na siglo, maraming mga reporma ang hinihingi sa Simbahan. Dito magsisimula ng Repormasyon. Basahin at unawain ang teksto sa Repormasyon upang masuri ang mga kaganapan sa panahong ito. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa mga gawain sa bahaging ito ng aralin.
  • 288 Ipinanganak si Luther noong Nobyembre 10, 1483, sa Eisleben Germany. Ang kaniyang ama, si Hans Luther ay isang magsasaka na naging minero ng tanso, samantalang ang ina niyang si Margareth Linderman ay mula sa isang pamilyang kabilang sa gitnang uri. Ang Repormasyon Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 na dantaon na humantong sa pagkakahati ng simbahang Kristiyano. Dito nagsimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa simbahang Katoliko Romano, gayunpaman hindi nagpabaya ang mga Katoliko Romano, sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina. Martin Luther, Ama ng Protestanteng Paghihimagsik Isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg ang nabagabag at nagsimulang magduda nang mabasa niya ang kaibahan ng katuruan ng simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan….”Ang pagpapawalang sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya” (Roman 1:17). Ang pag-aalinlangan at pagdududa ni Martin Luther sa bisa at kapangyarihan ng mga relikya ay kaniyang napatunayan sa pagdalaw niya sa Rome noong 1571. Nagpasiklab ng galit ni Luther ang kasuklam-suklam na gawain ng simbahan, ang pagbenta ng indulhensiya, kapirasong papel na nagsasaad at nagpalabas na ang grasya ng Diyos na maaaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao. Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng simbahan tungkol sa pagkamit ng indulhensiya, ang nagtulak sa kaniya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-31 ng Oktubre, 1517 ang kaniyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon” (Ninety-five theses). Kumalat sa iba’t ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong taong 1529, nagbigay ang mga sumusuportang estado at bayang Aleman ng isang “protestasyon”- ang pinagmulan ng salitang “Protestante” (ang mga sumasalungat sa mga mamamayang Katoliko) sa emperador ng Banal na Imperyong Romano na nananawagan sa pagwawakas sa paghihimagsik ng simbahan. Pagkatapos ng ilang taong alitan ng Protestante at Katoliko Romano na hanggang humantong sa digmaan, tinapos ni Charles V ang panrelihiyong digmaan sa pamamagitan ng paglagda sa “Kapayapaang Augsburg” noong 1555. Nasasaad sa kasunduan na kilalanin ang kapangyarihan ng mga hari o namumuno na malayang pumili ng relihiyon ang kanilang nasasakupan. Halaw mula sa: Ease Modyul 12 Batay sa teksto, paano nagsimula ang Repormasyon? _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ ________ _____________________________ __
  • 289 KONTRA-REPORMASYON Bago nagsimula ang Repormasyong Protestante, nagsikap ang mga pinunong Katoliko na maituwid ang mga maling pamamaraan ng Simbahan. Si Papa Gregory VII (1037-1085), lalong kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang nagpasimuno ng tatlong pagbabago sa Simbahan. 1. Pagbabawal sa mga pari na mag- asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang sarili sa buong paglilingkod sa Diyos. 2. Pag-aalis ng simony. 3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno. Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko. Tinawag ang kilusang ito na Catholic Reformation o Counter-Reformation. Isinagawa ito ng Konseho ng Trent, Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita (Society of Jesus). Nagtagumpay ang mga Heswita sa pagbawi sa Bohemia, Hungary, Poland at timog Germany para sa Simbahang Katoliko. Sila ang naging makapangyarihang lakas ng Katolisismo sa kanlurang Europe. Nagtatag sila ng mga paaralan at naging dalubhasa bilang mga guro. Pinilit din nilang magkaroon ng malaking kaugnayan sa politika ng Europe. Naging tagapayo sila at katapatang-loob ng mga hari at reyna ng mga kahariang Katoliko. Nagtamo sila ng matataas na karangalan sa pamamagitan ng kanilang nagawa bilang mga iskolar at mga siyentista. Sa panahon nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella ipinatupad ang Inquisition laban sa mga erehe at Hudyo at nakidigma sa mga Muslim ng Granada. Maging ang Simbahan ay sumailalim sa trono ng hari at reyna. Halaw mula sa: Ease Modyul 12 Ano-ano ang binago ni Pope Gregory VII sa Simbahang Katoliko? Ano ang naging bunga ng Kontra-repormasyon? ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ Itinatag ni St. Ignatius de Loyola ang Society of Jesus noong 1514.
  • 290 Panuto: Sa tulong ng mga kaalaman sa nasuring teksto, sipiin mo ang Contrast- Compare Map. Punan mo ito ng hinihinging mga impormasyon. Pagkatapos, Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14 hanggang 17 dantaon, kung saan maraming mga gawi at turo ng simbahan ang tinuligsa ng mga repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng simbahan. Naging tanyag ang pangalang Martin Luther bilang “Ama ng Himagsikang Protestante” na siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng simbahan. Ang kanilang layunin ay hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng mga kawani ng simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya’t tinapatan nila ito ng Council of Trent, Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante, at patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain ay nagdulot ng sumusunod na epekto:  nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging mga Protestante samantalang ang timog naman ay nanatiling Katoliko;  sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko na iba sa aral ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba.  gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning pangrelibhiyon na kanilang hinarap upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang ilan sa mga repormang kanilang mga ginawa ay ang pagpapawalang bisa ng seremonya na tumutukoy sa pagbenta at pagbili ng mga opisyo ng simbahan; at ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa simbahan;  ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at Protestante) ay nagbunga sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon.  at ang panghuli ay ang pagpapanumbalik na espiritwal sa Kristiyanismo, ang pagpapalaganap ng Bibliya at ang doktrina ng kaligtasan ng Bibliya. Ang kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa simbahan kundi ang pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo. Halaw mula sa: Ease Modyul 12 Ano-ano ang naging epekto ng Repormasyon? _____________________________ _____________________________ _____________________________ Mabuti ba o masama ang naging epekto ng Repormasyon? Patunayan. _____________________________ _____________________________ _____________________________ Ano ang mahalagang aral na iniwan ng Repormasyon sa mga tao?
  • 291 makipagpalitan ka ng papel sa iyong kamag-aaral. Suriin ang gawa ng bawat isa at magbigay ng reaksiyon sa kasagutan ng iyong kamag-aral. Kumpletuhin din ang 3 - 2 -1 Chart tungkol sa Repormasyon at Kontra-Repormasyon. 3 1. 2. 3. 2 1. 2. 1 Sagot: Bagay na aking natutuhan sa naging dahilan ng pagkakaroon ng Repormasyon at Kontra- Repormasyon Kontribusyon ng mga tao na aking nalaman sa Repormasyon at Kontra- Repormasyon Mahalagang tanong sa paksa: Paano nakatulong ang Repormasyon at Kontra- Repormasyon sa paglakas ng Europe?
  • 292 Pamprosesong tanong 1. Ano ang Repormasyon? 2. Bakit iniugat kay Martin Luther ang unang yugto ng Repormasyon? 3. Paano lumaganap ang Repormasyon? 4. Ano ang naging sagot ng Simbahang Katoliko sa Repormasyon? 5. Ano-ano ang naging pamana ng Repormasyon? 6. Paano binago ng Repormasyon ang Europe? 7. Sa kasalukuyan, nakaapekto ba sa iyong paniniwala sa Diyos ang pagkakaroon ng iba’t ibang denominasyon ng relihiyon sa iyong paligid? Bakit? GAWAIN 12: Tayain Mo ! Suriin ang sumusunod na pahayag. Itanong mo sa iyong sarili kung ginagawa mo o di-ginagawa ang mga gawaing nakatala. Itala mo rin ang iyong dahilan at mungkahi sa mga gawaing ito. Gawain Ginagawa Di-ginagawa Dahilan/ Mungkahi 1. Pagbabasa ng Bibliya 2. Pagdalo sa mga gawain ng relihiyon (e.g. pagsisimba) 3. Pagsasabuhay ng mga aral ng kinabibilangang relihiyon 4. Pagrespeto sa pananampalataya ng iba 5. Pakikipagpalitan ng ideya at aral sa mga taong may ibang relihiyon GAWAIN 13: Think –Pair-Share Chart Panuto: Muli mong babalikan ang Think-Pair-Share Chart. Sa pagkakataong ito na natutuhan mo na ang mahahalagang konsepto ng aralin ay sagutan mo na at ng iyong kapareha ng pinal ang katanungan sa aralin sa pagsisimula nito. Tiyaking mapag-uusapan ninyong kapareha ang magiging pinal na kasagutan at kung may mga nais pang idagdag na bagong kaalaman na naunawaan ay gawin ito. Huwag
  • 293 ding kalimutan na ilagay ang mga sanggunian at batayan ng iyong nabuong kasagutan. Sa bahaging ito ng aralin ay nilinang mo sa pamamagitan ng talakayan at iba’t ibang gawain ang mga konseptong dapat mong maunawaan tungkol sa paglakas ng Europe. Balikan mo ang katanungan sa bahagi ng pagtuklas at suriin mo kung ano ang pagkakaiba ng mga una mong sagot sa naging sagot mo ngayon. Ilan sa mga una mong konsepto ang natalakay at nabigyang linaw? Ngayong batid mo na ang mahahalagang ideya tungkol sa aralin, palalimin pa natin ito sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng ating mga gawain na nasa susunod na bahagi ng araling ito. PAGNILAYAN / UNAWAIN Gawain 14. Pagnilayan Mo! Panuto: Malaki ang bahaging ginampanan ng Simbahan at mga Bourgeoisie (mga mangangalakal at propesyunal) sa naging paglakas ng Europe. Sila ay nagsilbing saligan ng Europe para muling manumbalik ang kalakasan nito. Sa panahon natin ngayon, ang ating bansa ay naharap sa ilang isyung panlipunan na kung saan ang Simbahan, mga Mangangalakal maging ibang propesyunal at ang pamahalaan ay (Sa bahaging ito isusulat ng magkapareha ang kanilang pinal na kasagutan pagkatapos ng aralin) AKING KASAGUTAN (Sagot ng mag-aaral) AKING KAPAREHA (Sagot ng Kapareha) PINAGSAMANG IDEYA (Sagot ng magkapareha) Mga Sanggunian/ Batayan (Tala ng mga babasahing pinagkunan ng impormasyon, website at iba pa) Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin natin ang iyong mga nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa Paglakas ng Europe at ang bahaging ginampanan nito patungo sa transpormasyon ng daigdig. Halika at iyong simulan. Paano nakaapekto ang mga pangyayari sa Europe sa naging transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? KATANUNGAN SA ARALIN
  • 294 nagkakaroon ng salungat na pananaw. Suriin mo ang mga punto na inilahad ng simbahan at pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya. Pagkatapos nito ay itala mo ang iyong reaksyon sa paniniwala ng Simbahang Katoliko at ng pamahalaan. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa pagsagot sa mga pamprosesong tanong. PAGPAPLANO NG PAMILYA http://www.asiatravelling.net/philippines/manila/images/manila_c athedral.jpg "Life begins at fertilization, anything that prevents the fertilized ovum to be implanted in the uterus may be considered as abortive and therefore, if prescribed, may violate our solemn oath as physicians to save and protect human life particularly the unborn." Dr. Oscar Tinio PMA President Ang RH Law ay nakasisira sa moralidad ng mga mamamayan. Ang contraception ay nakasasama dahil nawawalan ng disiplina ang mga tao at tumatakas sa mga responsibilidad. Ang sex education ay nakasasama dahil magdudulot ito ng pagkasira sa murang pag-iisip ng mga batang nag-aaral. Nasasayang ang pondo ng pamahalaan sa pagbili ng mga contraceptives sa halip na gamitin ito sa mas mahalagang suliranin ng bansa. Ang paggamit ng Contraceptives ay masama sapagkat taliwas ito sa natural na pamamaraan ng pagkakaroon ng buhay. Natural family planning dapat ika nga at hindi mga contraceptives. “As we all know, the President is the President not only of Roman Catholics but also of other faiths as well. He has to be above faith. Responsible parenthood is something which I believe is favorable to all faiths,” giit ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng Pangulo. Ang isyu sa paggamit ng contraceptives ay isyung lantad na lantad na. Kahit na gaano pa ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa paggamit ng kahit anong uri ng contraceptives --- condom, IUD at pills para mapigilan ang pagbubuntis, ito ay matagal nang ginagawa ng mga mag-asawa. Ang totoo’y natuto na ang mga mag- asawa na dapat ay magkaroon ng pagitan at may hangganan ang panganganak. Marami nang mga mag-asawa ang natuto na ang dalawa o tatlong anak ay kaya nilang pakainin at pag-aralin. Ang gobyerno ang nagpapasan ng problema na may kinalaman sa pagdami ng populasyon at hindi ang Simbahan. Kung magpapatuloy ang walang kontrol na panganganak, maraming ina ang manganganib ang buhay. Kapag sobra-sobra ang dami ng tao, nakaamba ang kahirapan na katulad nang nangyayari ngayon sa bansa. Maraming walang trabaho, maraming bata ang hindi makapag-aral at maraming nakakaranas ng gutom. http://farm3.static.flickr.com/2355/2203255034_66db9b449c.jpg
  • 295 Pamprosesong tanong 1. Sakaling dumating ka na sa panahong ikaw ay magpapamilya, kaninong paniniwala ang iyong susundin; ang simbahang Katoliko o ang sa pamahalaan? Bakit? 2. Lumalabag bas a moralidad ang paninindigan ng pamahalaan na dapat gumamit ng contraceptives sa pagpplano ng ng pamilya? Ipaliwanag ang sagot. 3. Sang-ayon ka bang pondo ng pamahalaan ang dapat gamitin sa pagbili ng contraceptives? Bakit? 4. Sa kasalukuyan, mayroon na tayong batas kaugnay ng pagpaplano ng pamilya: ang Republic Act 10354 (The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012). Sa iyong palagaya, makatutulong ba ito upang mabawasan ang mabilis na paglaki ng populasyon? Ipaliwanag. 5. Bilang mag-aaral, ano ang maitutulong mo upang mabawasan ang mabilis na paglaki ng populasyon at ang di-mabuting epekto nito? GAWAIN 15: Ano ang Gusto Mo! Gamit ang iyong mga natutuhang kaalaman sa aralin, lumikha ng isang poster o editorial cartoon. Gawin ito nang pangkatan. Sundin ang PDRS (Plan, Do, Review at Share) technique. Ang lilikhaing poster o editorial Cartoon ay maglalaman ng mga pamana sa kabihasnan ng Bourgeoisie, Merkantilismo, National Monarchy, Simbahang Katoliko, Renaissance, at Repormasyon. Maaari mo itong gawin sa isang cartolina o illustration board. Maging malikhain sa magiging laman ng inyong gagawin at sikaping lahat ng kasapi ng pangkat ay may bahagi sa gawain. Lagyan din ng paliwanag at pasasalamat sa naging ambag sa daigdig ng mga nasabing salik sa paglakas ng Europe. Ibahagi ito sa klase pagkatapos. Mamarkahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria. Sagutin rin ang mga pamprosesong tanong para sa mas malalim na pag-unawa sa aralin. CRITERIA NAPAKAGALING 3 MAGALING 2 MAY KAKULANGAN 1 MARKA IMPORMATIBO/ PRAKTIKALIDAD Ang nabuong poster o editorial cartoon ay nakapagbibigay ng kumpleto, wasto at napakahalagang impormasyon tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nabuong poster o editorial cartoon ay nakapagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nabuong poster o editorial cartoon ay kulang sa sapat na impormasyon tungkol sa paglakas ng Europe. MALIKHAIN Ang pagkakadisenyo ng poster o editorial cartoon tungkol sa paglakas ng Europe. Ang pagkakadisenyo ng poster o editorial cartoon tungkol sa paglakas ng Europe. May kakulangan ang elemento ng pagdisenyo ng poster o editorial cartoon tungkol sa paglakas ng Europe.
  • 296 KATOTOHANAN Ang poster o editorial cartoon ay nagpapakita ng makatotohanang pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nilalaman nito ay may bisa/dating sa madla. Ang poster o editorial cartoon ay nagpapakita ng pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nilalaman nito ay may dating sa madla. Ang poster o editorial cartoon ay nagpapakita ng iilang pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nilalaman nito ay walang dating sa madla. Pamprosesong tanong 1. Ano ang iyong napuna sa nabuong mga poster/ editorial cartoon? 2. Paano nakatulong sa iyong pang-araw-araw na buhay ang mga pamanang iniwan ng mga pangyayaring kaugnay ng paglakas ng Europe? 3. Paano ipinakita sa poster/editorial cartoon ang naitulong ng mga pamanang iniwan ng paglakas ng Europe sa transpormasyon ng ating daigdig sa kasalukuyan? GAWAIN 16: Salamin Ng Aking Sarili! Ano ang naramdaman mo habang ikaw inaalam ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paglakas ng Europe? Alin sa mga paksa ng aralin ang mas nakapukaw ng iyong interes? Bakit? May bahagi ba ng aralin na nais mo pang tuklasin nang mas malawak? Sa proseso ng paunlarin at pag-unawa ng aralin, ano ang mga natuklasan mo sa iyong sarili bilang isang mag-aaral, at ano ang iyong mga susunod na hakbang upang mas maging produktibo at makabuluhan ang iyong pag- aaral? Isulat mo sa reflection journal ang lahat ng iyong mga iniisip at saloobin upang maging gabay sa pagsukat ng iyong mga kaalaman at pagganap sa mga gawaing iyong naisakatuparan. Gawin mo rin itong pamantayan tungo sa pagpapaunlad ng iyong sarili. _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ______ Binigyang-diin sa Aralin 1 ang pagtalakay ng mga pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Nakasentro ang pagtalakay sa mga salik na nagbunsod nito, ang pagsilang at kontribusyon ng Renaissance, ang Repormasyon maging ang naging tugon ng Simbahang Katoliko, ang Kontra-repormasyon. Mahalagang tandaan ang mga bagay na iyong natutuhan dahil makakatulong ito sa mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng daigdig. Mahalaga rin ang mga natalakay upang mapag-ugnay ang nakaraan sa kasalukuyang panahon.
  • 297 ARALIN 2: PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE Itinuturing ang Europe bilang maunlad na kontinente ng daigdig. Matatagpuan dito ang mga sikat na lungsod tulad ng Rome sa Italy, Paris sa France, at London sa Great Britain. Ang mga lungsod na ito ay kakikitaan ng malalaking gusali, magagandang pasyalan at maging ang nangungunang train system sa buong daigdig. Kontribusyon ng malawak na pag-unlad ng Europe ang lahat ng ito.. ALAMIN GAWAIN 1: Sasama Ka Ba! Panuto: Suriin ang kasunod na sitwasyon. Pagkatapos ay isulat mo sa wheel callout ang iyong sagot sa tanong. Panahon: 1430 Sitwasyon: Isang makulimlim na araw. Nasa isang daungan ka ng Europe at nagmamasid sa Karagatang Atlantiko. Hindi mo alam kung anong mayroon sa kabilang dako ng karagatan. ikaw ay naatasan na sumama sa isang paglalayag. Maraming kuwentong nakatatakot ang iyong narinig hinggil sa halimaw ng karagatan at mga barkong lumubog. Mayroon ding mga barkong hindi na muling nakabalik. Sa kabilang banda,may kayamanang naghihintay para sa mga indibidwal na nakibahagi sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain. Matapos mong matalakay ang mga salik sa naging paglakas ng Europe, Renaissace at Repormasyon, bibigyang-diin naman sa araling ito ang naging paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Nais mo bang malaman kung paano ito nangyari? Gayundin kung paano nakatulong ang paglawak ng kapangyarihan ng Europe sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? Marahil ay handa ka na para sa mga gawain sa araling ito. Simulan mo na...
  • 298 Pamprosesong tanong 1. Ano ang pabuyang possible mong matanggap kung sasama ka sa paglalayag? 2. Ano-anong panganib ang naghihintay sa iyo sakaling sumama ka sa paglalayag? 3. Paano kaya nabago ng paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain ang pamumuhay at lipunan ng Europe? GAWAIN 2: Suriin Mo! Panuto: Suriin ang kasunod na mga larawang kaugnay ng pang-araw-araw mong buhay. Isulat ang naiisip mong naitutulong sa iyo ng bawat isa. Ang barko ay maaaring maglaman ng ginto, mamahaling hiyas, at mahahalagang bagay na nagmula sa kabilang bahagi ng karagatan. Ang malalaking alon ay maaring sumira at magpalubog ng barko
  • 299 Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang nakita mo sa larawan? 2. Gaano kahalaga sa iyo ang mensahe ng bawat larawan? Bakit? 3. Paano nakatutulong sa iyo ang mga nakalarawan? 4. Mabubuhay ka kaya sa kasalukuyan kung wala ang mga nasa larawan? Ipaliwanag. GAWAIN 3: Bahagdan Ng Aking Pag-Unlad Matapos mong matukoy at mabuo ang mga konsepto tungkol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe, marahil ay nanabik ka nang malaman ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pangyayaring ito. Subalit bago tayo magpatuloy sa pagpapalawak ng kaalaman ay sagutan muna natin ang kasunod na gawain. Panuto: Sagutan ang unang kahong Ang Aking Alam at ang ikalawang kahong Nais malaman. Samantala, ang ikatlo at ikaapat na kahon Mga Natutuhan at Halaga ng Natutuhan sa Kasalukuyan ay sasagutin mo pagkatapos ng aralin. NAITUTULONG SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY
  • 300 BINABATI KITA! PAUNLARIN GAWAIN 4: Maglayag Ka! Panuto: Halina’t balikan natin ang ginawang paglalayag at pananakop ng mga Kanluranin sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Basahin mo at unawain ang teksto tungkol dito. PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE AKING ALAM HALAGA NG NATUTUHAN SA KASALUKUYAN NAIS MALAMAN MGA NATUTUHAN Matapos matimbang at masuri ang iyong kaalaman tungkol sa mga konsepto ng paglawak ng kapangyarihan ng Europe, marahil nais mo pang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol ditto. Ang mga katanungang nabuo sa iyong isipan ay masasagot na sa susunod na bahagi ng araling ito sa pamamagitan ng ibat ibang gawain. Suriin mo rin kung ang dating kaalaman ay tutugma sa bagong kaalaman na matutuklasan mo at matututuhan. Sa bahaging ito ay inaasahang matututuhan at malilinang sa iyo ang mahahalagang kaalaman tungkol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe; ang Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, maging ang iba’t ibang Rebolusyong naganap, ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. Maaaring balikan ang mga tanong sa unang bahagi upang masagot ito patgkaapos ng pag-aaral sa bahaging ito ng aralin.
  • 301 UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: (1) paghahanap ng kayamanan; (2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo; (3) paghahangad ng katanyagan at karangalan. Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Ang imperyalismo ay ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maaari itong tuwiran o di-tuwirang pananakop. Hindi sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 siglo kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng pagiging mausisa na dulot ng Renaissance, pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, at pagkatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pandagat. Sa kanilang paglalakbay, maraming pagsubok ang kanilang kinaharap. Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241 MGA MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama’t ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang at hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta, napukaw ang kanilang paghahangad na marating ito dahil sa mga paglalarawan dito bilang mayayamang lugar. Mahalaga ang aklat na The Travels of Marco Polo (circa 1298) sapagkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating ang China. Samantala, itinala ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. Nakadagdag ang mga tala nina Marco Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya, lalo pa at ang rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya sa panahong ito ay kontrolado ng mga Musim. Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241
  • 302 Batay sa binasang teksto, ano- ano ang motibo at salik sa eksplorasyon? _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ Sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay at mangangalakal na ito nang matuklasan ang compass at astrolabe. Kapwa malaki ang tulong ng dalawang instrumentong ito sa mga manlalayag. Ang compass ang nagbibigay ng tamang direksiyon habang naglalakbay samantalang gamit naman ang astrolabe upang sukatin ang taas ng bituin. Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain - ang Portugal at Spain. Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo dahil kay Prinsipe Henry the Navigator na naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang panahon. Siya ang nag- anyaya sa mga dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Sukdulan ang kaniyang pangarap, ang makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal. Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeo noong ika-16 na siglo. Ito ang panahon kung saan naitatag ang unang pinakamalaking imperyo ng mga Europeo. Ang mga imperyong ito ang nagpasimula ng mga dakilang pagtuklas ng mga lupain. Sa panig ng mga Español, nagsimula ito noong 1469 nang magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng Aragon. Sila ang sumuporta sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Sa kanilang paghahari rin nasupil ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang Reconquista. Sa ika-17 siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France at Netherlands. Ang mga ito ang nagbigay-lakas sa mga Europeo upang palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga produktong galing sa Silangan. Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 180 - 181 MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON
  • 303 Ang Paghahanap ng Spices Mula noong ika-13 siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong lalo na sa India Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg. Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay nagbibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat ng ganitong uri ng kalakalan sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong mangangalakal na direktong magkaroon ng kalakalan sa Asya sa mga spices na kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong protektado dahil sa mga pananambang na ginagawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga Europeo na gamitin ang katubigan. Hindi lamang ang kita sa kalakalan ang naglunsad sa kanilang mga eksplorasyon kundi ang pagkokonberto rin ng mga katutubo sa relihiyong Katolisismo. Napag-alaman nila na ang relihiyong Islam ay patuloy na lumalaganap sa Asya kaya kailangan na ito’y hadlangan. Ang eksplorasyon ay bunga ng mga malikhaing kaisipan na naikintal ng Renaissance sa mga Europeo na lumabas sa kanilang mga lugar at tumuklas ng iba pang mga lugar. Ang mga eksplorasyon na ito ay nagbigay wakas din sa isolasyon ng Europe at naging preparasyon sa paghahangad ng ibang lupain para maging bahagi ng kanilang mga teritoryo. Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Ang mapa ng ruta ng iba’t ibang eksplorasyon ng mga Europeo mula sa ika-14 na siglo Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks at medisina. Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices? Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa kanilang eksplorasyon?
  • 304 Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa Karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa Kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya. Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India. Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda, porselana at panlasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal na magkaroon ng direktang pakikipagkalakalan sa kanila nguni’t di siya gaanong nagtagumpay dito. Sa bansang Portugal ay kinilala siyang isang bayani at dahil sa kaniya ay nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon sa Silangan at ganoon din ang maunlad na kalakalan. Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay naging dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon na ang kaniyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pakanluran ng Atlantiko. Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, ang pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan. Nguni’t naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil ang kulay ng mga taong naninirahan ay gaya ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga tao dito na Indians. Tatlong buwan pa ang inilagi nila sa kanilang paglalakbay hanggang maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng Espanya nguni’t sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya. Pagbalik niya sa Espanya ay ipinagbunyi siya sa resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506 at narating niya ang mga isla sa Carribean at sa South America nguni’t di pa rin siya tagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan. Masusuri natin sa pangyayaring ito na ang kakulangan sa mga makabagong gamit para sa gagawing paglalakbay gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507, isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya nakilala
  • 305 ito bilang America at naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Halaw mula sa : Ease Mod Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay naging dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon na ang kaniyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pakanluran ng Atlantiko. Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, ang pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan. Nguni’t naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil ang kulay ng mga taong naninirahan ay gaya ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga tao dito na Indians. Tatlong buwan pa ang inilagi nila sa kanilang paglalakbay hanggang maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Si Prinsipe Henry, anak ng Haring Juan ng Portugal, ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag- aanyaya ng mga mandaragat, tagagawa ng mapa, matematisyan at astrologo na mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Siya ang naging patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang Ang Nabigador. Sa kaniyang mga itinaguyod na paglalakbay ay nakarating ito sa Azores, isla ng Madeira at sa mga isla ng Cape Verde.Ang ruta ng paglalakbay ni Vasco Da Gama Bakit ang Portugal ang nanguna sa paghahanap ng spices at ginto? Sino-sino ang mga Portuguese na naglayag at ano-ano ang lugar na kanilang narating?
  • 306 Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng Espanya nguni’t sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya. Pagbalik niya sa Espanya ay ipinagbunyi siya sa resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506 at narating niya ang mga isla sa Carribean at sa South America nguni’t di pa rin siya tagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan. Masusuri natin sa pangyayaring ito na ang kakulangan sa mga makabagong gamit para sa gagawing paglalakbay gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507, isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang America at naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Bakit hinangad ng Spain ang yaman sa Silangan? Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain. Paghahati ng Mundo Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at Spain ay humingi sila ng tulong sa Papa sa Rome upang mamagitan sa kanilang mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang di nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay para naman sa Portugal. Columbus Amerigo Vespucci
  • 307 Nagduda ang mga Portuguese sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa Spain. Nakikita nila na baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 ay nagkasundo sila na ang line of demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga taga-Europe. Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Nagduda ang mga Portuguese sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa Spain. Nakikita nila na baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 ay nagkasundo sila na ang line of demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga taga-Europe. Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain? Isinilang si Ferdinand Magellan noong 1480 sa Sabrosa, Portugal kina Rui de Magalhaes, ang kanyang ama at Alda de Mesquita, ang kanyang ina. Ang ruta ng paglalakbay ni Magellan ng marating ang Pilipinas
  • 308 Paano narating ni Magellan ang Pilipinas? Ano ang mahalagang nbunga ng paglalayag ni Magellan? Ang mga Dutch Sa pagpasok ng ika-17 siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinatamnan ng mga tanim na mabili sa pamilihan. Ang naging epekto nito ay sapilitang paggawa na naging patakaran din ng mga Español sa Pilipinas. Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch sa North America. Pinangunahan ito ng English na manlalayag na si Henry Hudson na naglakbay para sa mga mangangalakal na Dutch. Napasok niya ang New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland. Noong 1624, isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam. Ito ngayon ay kilala bilang New York City. Kung ihahambing sa pananakop ng mga Dutch sa America, mas nagtagal ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch East India Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602. Ang mga daungan nito ang nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga Dutch sa paminta at iba pang rekado. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp.244-245 Si Henry Hudson, sa kaniya ipinangalan ang Ilog ng Hudson sa Manhattan, USA. Nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch sa pamamagitan ng mga Boers; mga magsasakang nanirahan sa may Cape of Good Hope. Nguni’t nang ika-17 siglo, humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch at ito’y pinalitan ng Inglatera bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Europe. Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Paano pinalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya?
  • 309 Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag noong ika-15 at ika-16 na siglo. Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period. Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands at England. Sa pagkakatuklas ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal at spices na nagmula sa Asia. Sa North America, kape, ginto at pilak; sa South America, asukal at molasses; at sa Kanlurang Indies, indigo. Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru at Chile. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga bangko. Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal, kinailangan nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang salaping papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal. Ang salapi ring ito ang nagbigay-daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes. Sa Medieval Period, hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi. Nasisiyahan na sila kung sapat ang kanilang kita sa kanilang pangangailangan. Ngunit sa pag-unlad ng kalakalan, dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi nila ito itinago. Bagkus, ginamit nilang puhunan para higit na lumago ang kanilang salapi. Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon. 1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuguese ang nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas ng ugnayan ng Silangan at Kanluran. 2. Nakapukaw rin ng interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ang mga eksplorasyon. 3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan dahil sa kolonisasyon. 4. Nagdulot ng maraming suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang sakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa likas na yaman ng mga bansang ito. 5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng hayop halaman, sakit sa pagitan ng Old World at New World. Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 185 - 186 Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang paglalayag at pagtuklas ng mga lupain? Mabuti ba o masama ang naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyon at imperyalismo? Patunayan. ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________
  • 310 GAWAIN 5: Talahanayan Ng Manlalayag Panuto: Batay sa binasa mong teksto, punan ang talahanayan ng hinihinging mga impormasyon tungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon. MGA NANGUNA SA EKSPLORASYON PERSONALIDAD BANSANG PINAGMULAN TAON LUGAR NA NARATING/ KONTRIBUSYON Halimbawa: Vasco Da Gama Portugal 1498 India Pamprosesong tanong 1. Sino-sino ang personalidad na nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong lugar ang kanilang nakarating? 2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain? 3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna sa paggalugad sa daigdig? 4. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papayag ka ba? Bakit? GAWAIN 6: Pin The Flag Alam mo na ba kung ano-ano ang mga bansang nanguna sa eksplorasyon? Muling alamin ang mga bansang ito at ang mga lugar na kanilang nasakop. Panuto: Sa tulong ng mapa sa ibaba, tukuyin ang mga bansang Kanluranin na nanguna sa eksplorasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng watawat nito. Gayundin, tapatan ng watawat ng Kanluranin ang mga lugar na kanilang narating at nasakop.
  • 311 Pinagkunan: http://geology.com/world/world-map.gif Matapos matukoy ang mga lupaing nasakop ng mga Kanluranin, isulat ang kanilang pangalan sa talahanayan. BANSANG KANLURANIN BANSANG NASAKOP 1. 2. 3. 4. 5. Pamprosesong tanong 1. Ano-anong bansa ang nanguna sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-anong bansa ang kanilang nasakop? 2. Bakit nanakop ang mga bansang Kanluranin? 3. Ano ang naidulot sa Europe ng pagkakaroon ng mga kolonyang bansa? 4. Paano nabago ang buhay ng mga mamamayang nasakop ng mga Kanluranin? 5. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang mga makapangyarihang bansa? Bakit? 6. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnais sumakop sa iyong bansa, ano ang iyong gagawin? Portuguese French Dutch EnglishEspañol
  • 312 GAWAIN 7: Mabuti O Masama ? Matapos ang pagtalakay sa mga pangyayari sa unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, tatayain ng gawaing ito kung naunawaan mo mahahalagang konseptong tinalakay. Lagyan ng tsek ang kolum na iyong sagot. EPEKTO NG UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN 1. Paglakas ng ugnayan ng Silangan at Kanluran. 2. Paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan. 3. Pagbabago ng ecosystem ng daigdig bunga ng pagpapalitan ng hayop, halaman at sakit. 4. Paglinang ng mga Kanluranin sa likas na yaman ng mga bansang nasakop. 5. Interes sa mga bagong pamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang mabubuting epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-ano ang masasamang epekto? 2. Sino ang higit na nakinabang sa Unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon: ang mga Kanluranin ba o ang mga sinakop na bansa? Bakit? 3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa? Bakit? Ngayon ay alam mo na ang mahahalagang pangyayari at epekto ng Unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Ang mga bagong kaalaman at teknolohiya na nadala at ipinakilala ng eksplorasyon, maging ng Renaissance at Repormasyon ay nagbunsod upang pagtuunan ng mga tao ang edukasyon at agham. Tatalakayin sa bahaging ito ng aralin ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal.
  • 313 GAWAIN 8: Ikaw At Ako. Lahat Tayo! Panuto: Alamin ang pangyayaring kaugnay ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Pagkatapos ay humanda sa pangkatang gawain Ang Polish na si Nicolaus Copernicus ay nagpasimula ng kaniyang propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Poland noong 1492. Kaalinsabay nito ang panahon ng pagkakatuklas ni Christopher Columbus sa Amerika. Sa panahong ito ay nagpasimula na si Copernicus ng mga pagtatanong tungkol sa pangunahing paniniwala at tradisyon ng mga tao. Batay sa kaniyang mga ginawang pananaliksik nalaman niya na ang mga ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon na iyon ukol sa Sansinukuban ay may mga pagkakamali. Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog taliwas sa naunang paniniwala na ito ay patag at kapag narating ng isang manlalakbay ang dulo nito ay posible siyang mahulog. Isa pa sa kaniyang inilahad ay ukol sa pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito’y umiikot sa araw. Idinagdag pa niya na ang araw ang nasa sentro ng Sansinukuban na taliwas sa itinuturo ng Simbahan na ang mundo ang sentro ng Sansinukuban. Ang teoryang ito ay nakilala sa katawagang Teoryang Heliocentric. Ang Rebolusyong Siyentipiko Hindi naimbento ang agham sa panahon lamang ng Rebolusyong Siyentipiko. Sa halip, malaon na itong ginagamit ng mga Greek bilang scientia na nangangahulugang “kaalaman”. Subalit wala pang konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista. Noong ika-15 siglo, ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle. Masasabing napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong sa tradisyunal na kahiwagaan ng sansinukob. Ang ika-16 at ika-17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob. Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong siyensiya”. Naging tulong ang panahon ng katuwiran (age of reason) upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na ideya at bigyan ng bagong paglalarawan at redepinisyon ng lipunan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p. 189
  • 314 Ang kaisipang ito ni Copernicus ay di niya kaagad inilathala sa dahilang posibleng ito ang maging daan sa mga puna mula sa Simbahan at nangangahulugan ng persekyusiyon, ekskomunikasyon o pagsunog ng buhay sa pamamagitan ng Inquisition. Si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer, natural scientist at mahusay na matematisyan ang nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng matematika tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang paribilog ng mga planeta sa araw na di gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ito’ y tinawag niyang ellipse. Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay di pare-pareho sa bilis sa kanilang paggalaw nguni’t mabilis ang kanilang paggalaw kung papalapit sa araw at mabagal kung ito’y palayo. Nagkaroon ng mga pagtatanong si Kepler sa mga pinuno sa academics at Simbahan ng panahon na iyon. Hindi siya nagkaroon ng pag-aalinlangan sa kaniyang mga hinuha at pagsusuri at maging sa pagtatanong sa Simbahan dahil siya’y kabilang sa Kilusang nagprotesta tungkol sa Simbahan sa panahong iyon. Nguni’t ang kaniyang kontemporaryo na si Galileo Galilei na isang Italyano at Katoliko ay nagkaroon ng malaking oposisyon sa Simbahan Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kaniyang imbensiyong nteleskopyo at naging dahilan ng kaniyang pagdidiskubre sa kalawakan. Ang kaniyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya’y mapailalim sa isang imbestigasyon ng mga pinuno ng Simbahan. Ang pagdidiing ito sa kaniya ng Simbahan ay naging daan upang bawiin niya ang ibang resulta ng kaniyang ginawang mga pag-aaral at di maging daan ng pagtitiwalag sa kaniya ng Simbahan. Matapos ang retraksiyon ay nagpatuloy pa rin siya sa mga siyentipikong pagtuklas na naging basehan ng pagbubuo ng mga unibersal na batas sa pisika. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Ang Teoryang Heliocentric Ano ang ibig sabihin ng teoryang heliocentric? Mga Bagong Teorya Ukol sa Sansinukuban (Universe) Paano ipinaglaban nina Kepler at Galileo ang kanilang paniniwala? __________________________________________ __________________________________________ Paano binago ng bagong kaisipan nina Kepler at Galileo ang pagtingin ng mga tao sa daigdig? __________________________________________ __________________________________________
  • 315 Ang Panahon ng Enlightenment Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraan upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. Bagama’t ang Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 siglo, maaari ring sabihing ito ay isang kilusang intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages. Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at maging sa sining. Ang mga intelektuwal na ito ay nakilala bilang mga philosopher o pangkat ng mga intelektuwal na humikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan sa lipunan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 254 Ang Makabagong Ideyang Pampolitika Naging daan ang mga pagbabago sa siyensya upang mapag-iisipan ng mga pilosopo at marurunong na kung ang mga sistematikong batas ay maaaring maging kasagutan sa paglikha ng sansinukob (universe) at kapaligiran, maaari ring maging gabay ang mga ito sa mga ugnayang political, pangkabuhayan at panlipunan. Inaakala nilang maipaliliwanag ang mga bagay-bagay sa tulong ng analitikong pangangatwiran. Tunay na malaki ang impluwensya ng siyentipikong pag-iisip sa teoryang pampulitika Ang Pagpapaliwanag ni Hobbes tukol sa Pamahalaan Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dahil dito ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang supilin ang ganitong mga pangyayari. Sa kaniyang pagpapalimbag ng isinulat niyang aklat na Leviathan noong 1651 ay inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at ang posibleng maging direksiyon nito tungo sa magulong lipunan. Binigyan niya ng pagdidiin na ang tao ay kinakailangang pumasok sa isang kasunduan sa pamahalaan na kailangang iwanan niya ang lahat ng kaniyang kalayaan at maging masunurin sa puno ng pamahalaan. Dahil sa kasunduang ito, pangangalagaan at poprotektahan ng pinuno ang kanyang nasasakupan. Di na bibigyan pa ng karapatang magrebelde ang mga tao, kahit pa hindi makatwiran ang pamamalakad. Halaw mula sa: Ease Modyul 13Ano ang paliwanag ni Hobbes tungkol sa pamahalaan?
  • 316 Pagpapahayag ng Bagong Pananaw ni Locke Isa pa sa kinilalang pilosopo sa England ay si John Locke na may parehong paniniwala gaya ni Hobbes na kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng kanilang pinuno. Nguni’t naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kaniyang natural na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may mataas na moral at mayroong mga natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan at pag-aari. Sinasabi niya na ang tao ay maaaring sumira sa kaniyang kasunduan sa pinuno kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay ang kaniyang mga natural na karapatan. Binigyang-diin din niya na kung ang tao ay gumamit ng pangangatuwiran ay makararating siya sa pagbubuo ng isang pamahalaang mabisang makikipag-ugnayan at tutulong sa kaniya. Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya noong 1689 sa pamamagitan ng lathalaing Two Treatises of Government. Ang kaniyang sulatin ay naging popular at nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng England, ang Kolonyang Amerikano. Ang ideya niya ang naging basehan ng mga Amerikano na lumaya sa pamumuno ng Great Britain. Ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas Jefferson ay naging mahalagang sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan. Isa pa sa kinilalang pilosopo sa larangan ng politika ay ang Pranses na si Baron de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: ang lehislatura na pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng mga batas; ang ehekutibo na nagpapatupad ng batas at ang hukuman na tumatayong tagahatol. Si Voltaire o Francois Marie Arouet,sa tunay na buhay at isa ring Pranses ay nagsulat ng ilang mga lathalain laban sa Simbahan at Korteng Royal ng France. Ito ang naging dahilan ng kaniyang dalawang beses na pagkakabilanggo at nang lumaon siya ay napatapon sa Inglatera. Pinagpatuloy niya ang pagsusulat dito at patuloy niyang binigyan ng pagpapahalaga ang pilosopiya ni Francis Bacon at siyensiya ni Isaac Newton. Ano ang pagkakaiba ng paniniwala ni John Locke kay Thomas Hobbes? Sa mga paniniwalang nabanggit, alin dito ang higit mong pinaniniwalaan?
  • 317 ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United States. Ang transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa mga bansa, karagdagang kita at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto. Maraming mga naninirahan sa mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga industriya upang kumita nang malaki. Ang Bagong Uri ng Rebolusyon Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal. Ito ang panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksiyon at ito’y lumaki. Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking kita at napaunlad ang kanilang pamumuhay. Nagsimula ito noong 1760 na kung kailan nagkaroon ng mga bagong imbensiyon sa pansakahan ang nabuo at pinasimulan ang rebolusyon sa agrikultura. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Paano binago ng Rebolusyong Industriyal ang agrikultura at industriya sa Europe? Ano-ano ang pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga taga-Europe dahil sa Rebolusyong Industriyal?
  • 318 Ang Great Britain ang nagpasimula dahil sa pagkakaroon nito ng maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika. Lumaganap ang kaniyang pakikipagkalakalan at ito ay naging dahilan ng pagiging matatag ng kaniyang kalakalan. Sinuportahang mabuti ng pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng malakas na hukbong pandagat upang protektahan ang kanilang imperyo ng kalakal. Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng sistemang domestiko (domestic system) ang trabaho sa pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang sa makabuo ng isang tapos na produkto na kaniya namang pinagbibili at pinatutubuan. Nguni’t ang halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong sistema nga ng pagbubuo na matagal. Ang mayayaman lamang ang may oportunidad na magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon. Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay naging madali ang pagprodyus ng mga tela at mura na itong bilhin ng mga tao. Halimbawa ang makinang spinning jenny ay nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya nang mabilis at sa maraming sisidlan. Ang dating ginagawa ng walong manggagawa ay maaari nang gawin ng isang manggagawa sa tulong ng nabanggit na makinarya. Taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikanong nagngangalang Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay nakatulong para maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang mga materyal sa bulak na dati ay halos ginagawa ng 50 manggagawa bago maimbento ang cotton gin. Dahil dito naging mabilis na ang nasabing proseso at nakatulong ito sa malaking produksiyon para sa paggawa ng tela sa United States. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL Bakit sa Great Britain nagsimula ang Rebolusyong Industriyal? _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________
  • 319 Ease Modyul 13 Ang Paglago at Paglaki ng Rebolusyong Industriyal Ang pagkakaimbento sa steam engine ay naging daan para maragdagan ang suplay ng enerhiya na magpapatakbo sa mga pabrika. Kaya mas marami pang mga sumunod na imbensiyon na ginawa ang tao na karaniwang gawa sa bakal gaya ng mga makinarya sa bukid, baril, sasakyang dumaraan sa mga riles. Nakatulong ito sa mabilis na pagdadala ng mga produkto sa iba’t ibang lugar at ugnayan sa pamamagitan ng makabagong telekomunikasyon. Naging kilala ang pangalan nina Alexander Graham Bell bilang imbentor ng unang telepono at ni Thomas Alva Edison na nagpakilala ng lakas ng elektrisidad upang nang lumaon ay makatulong para ang isang buong komunidad ay maliwanagan nito at patakbuhin pa ang mga makabago nilang kasangkapan. Si Samuel B. Morse naman ay pinakilala ang telegrapo na nakatulong para makapagpadala ng mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anakan sa ibang lugar. Ang Newcomen steam engine at Watt steam engine na naimbento noong 1705 at 1760 na nakatulong sa pag-pump ng tubig na ginamit para makapagsuplay ng tubig na magbibigay ng enerhiyang hydoelectric na nagpatakbo ng mga makinarya sa mga pabrika. Ang Rebolusyong Industriyal ay nakatulong din sa pagbibigay ng maraming oportunidad sa paghahanapbuhay sa mga tao. Maraming nagkaroon ng malaking puhunan at nagbago sa pamumuhay ng mga tao hanggang mabuo ang panggitnang uri ng mga tao sa lipunan. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Ibigay ang naitulong ng sumusunod na imbensyon. 1. Steam engine – 2. Telepono – 3. Telegrapo – 4. Bombilya –
  • 320 Pangkatang Pag-uulat: Bumuo ng pangkat na makasasama mo sa gawaing ito at magplano ng magiging sistema ng inyong paglalahad ng aralin. Maaari ring magsaliksik ng mga karagdagang datos tungkol sa inyong paksa. Pangkat 1: Rebolusyong Siyentipiko Pangkat 2: Enlightenment Pangkat 3: Rebolusyong Industriyal EPEKTO NG INDUSTRIYALISMO Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga-probinsya. Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lungsod at naging squatter. Sa kawalan ng hanapbuhay marami ang naging palaboy. Maging ang mga bata ay napilitang magtrabaho. Isa ito sa naging napakabigat na suliraning panlipunan at pang- ekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang pampolitika. Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o middle class society. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga unyon ng mga manggagawa hanggang noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Sa pag-unlad ng industriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga Kanluranin sa pananakop ng mga kolonya. Ito ay dahil sa pangangailangan nila ng mga hilaw na sangkap na maibibigay ng mga kolonya. Ito rin ang mga nagsisilbing pamilihan ng kanilang mga produkto. Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p.189 Ano-ano ang naging epekto ng Rebolusyong lndustriyal? _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ Nakatutulong ba ang mga imbensiyon ng Rebolusyong Industriyal sa pang-araw- araw mong pamumuhay? Patunayan _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________
  • 321 Pagkatapos ng inyong presentasyon ay itala sa Data Chart ang mahahalagang kaalaman para sa mas malinaw na daloy ng impormasyon sa paksa. Magbigay ng reaksiyon tungkol sa naging presentasiyon ng kamag-aral. DAHILAN KAGANAPAN EPEKTO/ KINALABASAN Rebolusyong Siyentipiko Enlightenment Rebolusyong Industriyal Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang dahilan ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal? 2. Sino-sino ang mga indibidwal na nanguna sa bawat panahon? 3. Ano-ano ang naging epekto ng bawat panahon sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 4. Bakit naganap ang Rebolusyong Industriyal sa Great Britain? 5. Bakit dapat pahalagahan ng mundo ang naiambag ng mga Rebolusyong ito sa panahon natin ngayon? 6. Maaari pa kayang magkaroon ng mga ganitong rebolusyon ngayon? Sa iyong pananaw, anong rebolusyon ang maaaring maganap sa kasalukyan na may malaki ring maitutulong sa pang-araw-araw mong pamumuhay? GAWAIN 9: May Ginawa Ako! Ikaw Ba? Panuto: Sa tulong ng mga kaalamang nakuha mo sa pag-uulat at sa mga tekstong binasa sa aralin, punan ng mahahalagang impormasyon ang talahanayan na maglalaman ng mga naging kontribusyon sa iba’t ibang larangan ng mga personalidad. Sundan ang halimbawa upang malinaw na maisagawa ito. EPEKTO SA PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE
  • 322 PERSONALIDAD LARAWAN LARANGAN KONTRIBUSYON Halimbawa: Galileo Galilei Astronomiya Teleskopyo Pamprosesong tanong 1. Sino-sino ang personalidad na inyong itinala? 2. Ano-ano ang naging kontribusyon nila sa kanilang larangan? 3. Paano nakatulong ang kanilang kontribusyon sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 4. Sa kasalukuyang panahon, paano tayo natutulungan ng kanilang mga kontribusyon? 5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mabigyang-halaga ang naging kontribusyon nila? GAWAIN 10: MAGSURVEY TAYO! Panuto: Susukat ang gawaing ito ay sa lalim iyong pagkaunawa sa aralin. Sagutan ang survey form na naglalaman ng mahahalagang konseptong dapat mong naunawaan sa aralin. Suriin din ang magiging resulta ng survey na ito. Hikayatin ang mga mag-aaral na maging tapat sa pagsagot ng gawaing ito. Eskala 3 - Lubos na Naunawaan 2 - Naunawaan 1 - Di - naunawaan Pamantayan 3 2 1 1. Sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko, naipaliwanag ang kaibahan ng likas na agham at karunungang pangkulto. 2. Ang kabuluhan ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment ay makikita sa paglalagay ng tao ng kaniyang kapalaran sa sariling mga kamay sa tulong ng katuwiran. 3. Mahalagang ambag ni Sir Francis Bacon sa siyentipikong pag-aaral ang inductive method. 4. Ipinakilala ni Nicolas Copernicus ang heliocentric view. 5. Nagsimula sa Great Britain ang Rebolusyong Industriyal. 6. Napagyaman ang mga kaisipan sa edukasyon noong panahon ng Enlightenment. 7. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay isa sa mga epekto ng Rebolusyong Industriyal. 8. Sa Panahon ng Enlightenment, isinulong ang pantay na karapatan ng
  • 323 kalalakihan at kababaihan at ang karapatan ng kababaihang lumahok sa pamahalaan. 9. Ipinakilala ni Thomas Hobbes ang ideya “ang tao ay likas na makasarili kaya palagi niyang katunggali ang kapwa tao”. 10. Nakilala sa panahon ng Rebolusyong Industriyal ang dalawang uring panlipunan - ang proletariat at bourgeoisie. Pamprosesong tanong 1. Alin sa mga kaisipang binanggit sa survey ang hindi mo naunawaan? 2. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang pagsagot sa survey? 3. Paano nakatulong ang survey na ito sa iyong pag-unawa ng aralin? GAWAIN 11: ICOLLAGE MO AKO! Panuto: Maraming naiwang pamana ang mga naganap na Rebolusyon sa ating kabihasnan ngayon. Upang maipakita ang pagbibigay-halaga lilikha kayo ng isang collage na maglalaman ng mga naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na Rebolusyon (Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal). Gawin ito nang pangkatan. Bumuo ng limang pangkat na may parehong bilang. Isaalang-alang ang mga miyembrong hindi mo pa nakasama sa bubuuing pangkat. Maging malikhain sa inyong gawain. Tiyaking makikiisa ang bawat miyembro ng pangkat. Pagkatapos magawa ang Collage ay ibahagi ito sa klase. Sagutin rin ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa pag-unawa ng gawaing ito. Markahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria. CRITERIA NAPAKAGALING 3 MAGALING 2 MAY KAKULANGAN 1 MARKA IMPORMA TIBO/ PRAKTIKA LIDAD Ang nabuong collage ay nakapagbibigay ng kumpleto, wasto at napakahalagang impormasyon tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang nabuong collage ay nakapagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang nabuong collage ay kulang sa sapat na impormasyon tungkol sa tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. MALIKHAI N Ang pagkakadisenyo ng collage tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang pagkakadisenyo ng collage tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. May kakulangan ang elemento ng pagkakadisenyo ng collage tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon at nagpapakita ng limitadong antas ng pagkamalikhain.
  • 324 KATOTOH ANAN Ang collage ay nagpapakita ng makatotohanang pangyayari tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang collage ay nagpapakita ng pangyayari tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang collage ay nagpapakita ng iilang pangyayari lamang tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Pamprosesong tanong 1. Ano ang iyong masasabi sa nabuong collage? 2. Paano ipinakita sa collage ang naitulong ng mga pamanang iniwan sa kabihasnan ng mga Rebolusyong naganap sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 3. Sa pang-araw-araw mong pamumuhay, paano nakatutulong sa iyo ang mga pamanang ito? GAWAIN 12: Hiwag Mo Akong Sakupin ! Panuto: Itinuturing ang ika-19 na siglo bilang panahon ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Gusto mong malaman ang mga dahilan ng kanilang pananakop? Anong uri na ng pananakop mayroon sa panahong iyon? Gaano kalawak ang imperyong Kanluranin? Sige, basahin at unawain mo na ang teksto tungkol sa aralin. Sa nakaraang paksa ay nilinaw sa iyo ang mga pangyayari at kontribusyon ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. Sa susunod na gawain ay pag-aaralan mo naman ang Ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN Ang Pananakop sa Makabagong Panahon Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa ibang lupain nang pumalaot ang mga barkong Europeo. Isa-isang nanakop ng lupain ang Portugal, Spain, Netherlands, France at Britain at nagtayo ng mga kolonya sa Asia at America. Ngunit lahat ng mga imperyong ito ay bumagsak bago nagsimula ang ika-19 na siglo. Nawalan ng kolonya sa North America ang Netherlands at France. Matagumpay na nakapag- alsa laban sa pamahalaan ang 13 kolonya ng Britain sa America, ang Timog Canada at ang pinakamagandang kolonya ng Spain at Portugal. Nabuo ang mga makabagong imperyo noong ika-19 na siglo at sa unang bahagi ng ika-20 siglo, samantalang nagaganap ang ikalawang Rebolusyong Industriyal. Ang panahon mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914 ay panahon nang mabilis na paglawak ng pagkakanluranin o Westernization ng ibang lupain. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 211-213
  • 325 Iba-iba ang dahilan ng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop sa paggamit ng manifest destiny at white man’s burden. Ayon sa doktrinang manifest destiny may karapatang ibigay ng Diyos ang United States na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America. Paniniwala naman sa white man’s burden na tungkulin ng mga Europeo at ng kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop. Ang dahilan ng iba ay upang sanayin ang sarili sa pamamahala at marami pang pagbabalat-kayo. Iba-iba rin ang uri ng kolonyang itinatag batay sa katayuan ng mamamayan. May nagtayo ng kolonya, protectorate, concession o sphere of influence. Sa mga mananakop, pinakamalawak ang imperyo ng Britain. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 211-213 Ang protectorate ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa. Concession ay ang pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo. Samantalang ang sphere of influence ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at pulitika ng makapangyarihang bansa. Ang protectorate ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa. Concession ay ang pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo. Samantalang ang sphere of influence ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at pulitika ng makapangyarihang bansa. Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop Ano-ano ang mga dahilan at uri ng pananakop sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-anong lugar sa Africa ang nasakop ng mga Kanluranin? ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________
  • 326 Paggalugad at Pag-aagawan sa Gitnang Africa Hindi gaanong kilala ng mga Europeo ang Africa sapagkat mahirap marating ang kaloob-looban nito. Hindi maaasahan ang mga ilog dahil marami sa mga ito ang malalakas ang agos at lubhang mapanganib. Madilim ang gubat dito at maraming hayop na naglipana. Nagkaroon lamang ng kaalaman dito nang marating ito ng isang misyonerong Ingles, si David Livingstone. Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi. Siya ang unang dayuhan na nakamasid sa magandang talon ng Victoria na ipinangalan sa reyna ng England. Nakita rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito siya namatay dahil sa sakit. Noong panahon ng katanyagan ng pananakop, ang paglaganap ng relihiyon, ang pambansang ambisyon at mga pangkabuhayang pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan ang gitnang Africa. Sa loob ng 30 taon, ang dating hindi kilalang mga pook ay naangkin lahat ng mga Kanluraning bansa. Nakuha ng Belgium noong 1885 ang pinakamalaking bahagi ng Congo basin sa pamumuno ng pinakatusong mangangalakal ng Europe, si Haring Leopoldo I. Pinaghatian ng France, Britain, Germany, Portugal at Italy ang ibang bahagi. Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga Bansa ng Europe Nahahati sa tatlong rehiyon ang kontinente ng Africa - ang hilagang bahagi na nakaharap sa Dagat Mediterranean, ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na bahagi at ang malamig na bahagi sa may tiimog. Madaling marating mula sa Europe ang unang rehiyon sa pamamagitan ng Dagat Mediterranean. Ngunit matapos bumagsak ang imperyo ng Rome, nahiwalay ito sa Europe hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa relihiyon man. Islam ang naging malaganap sa hilagang Africa at naging mahigpit na kalaban ng Kristiyanismo sa Europe. Yumaman ang mga lungsod sa bahaging ito tulad ng Tunis at Algiers dahil sa pangungulimbat sa mga sasakyang- dagat ng mga Europeo. Sa simula, interesado lamang ang mga Europeo sa kalakalan ng alipin. Ngunit sagana sa likas na yaman ang mga pook na ito tulad ng mga taniman ng ubas, mga punong citrus, butyl at pastulan ng hayop at magagandang panirahan ng mga Europeo. Pinaniniwalaang may mina ng bakal ang bundok ng Atlas sa Morocco. Kahina-hinayang na palagpasin ang ganitong mga pagkakataon at kayamanan para sa mga Europeo. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 213 - 214 Makatuwiran ba ang ginawang pangangalakal ng mga alipin? Bakit? Bakit tinawag ng Great Britain ang India na “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo?
  • 327 Imperyalismong Ingles sa Timog Asia Sa mga mananakop, hindi natinag ang imperyo ng Great Britain. Sa halip, lalo pang lumawak ito. Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa America sa Rebolusyong Amerikano, nadagdagan naman ito sa ibang dako. Ang British East India Company ang naging lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang mga kaisipan, kaugalian, edukasyon at teknolohiya sa bansa. Hindi naglaon, inilipat ang kontrol ng kompanya sa pamahalaan ng imperyo noong huling bahagi ng 1800. Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo ang India. Sa Kasunduan sa Paris noong 1763 na nagwakas sa Pitong Taong Digmaan ng France at Britain, nawalan ng teritoryo sa India ang France. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 215 - 216 Ang United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop Hindi nagpahuli ang United States sa mga bansang industriyalisado. Bagaman marami sa Africa ang hindi sang-ayon sa pananakop ngmga teritoryo, napasali ito nang nakipagdigmaan ang United States laban sa Spain noong 1898. Ang tagumpay ng America laban sa Spain ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto Rico at Pilipinas. Ayon kay Pangulong William Mckinley, pinag-isipan pa niya kung ano ang nararapat gawin sa Pilipinas. Nakuha ng United States ang Pilipinas at iba pang dating mga sakop ng Spain tulad ng Guam na naging himpilang-dagat patungo sa Silangan at ang Puerto Rico bilang himpilang-dagat sa Carribean. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nakuha rin nila ang dalawang teritoryo - ang Samoa na naging mahalagang himpilang-dagat at ang Hawaii kung saan makikita ang Pearl Harbor, pinakatampok na baseng pandagat ng United States sa Pacific. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 215 - 216 Paano napasali ang United States sa pananakop ng mga lupain? Anong paraan ng pananakop ang ginamit ng mga Kanluranin sa West Indies, Australia, New Zealand at Central America?
  • 328 Ang Protectorate at Iba pang Uri ng Kolonya Mahihina ang West Indies, Australia, New Zealand at mga bansa sa Central America at walang pagkakaisa ang mga ito upang maipagtanggol ang kanilang bansa. Ang hukbo ng America ang nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito upang mapanatiling bukas ang pamilihan, makakuha ng hilaw na sangkap at mapangalagaan ang kanilang ekonomikong interes. Ang malalaking samahan sa negosyo ng America ay nakakuha ng malalaking bahagi ng lakas-pangkabuhayan sa pag-aari ng mga minahan, mga balon ng langis, mga taniman, mga daang- bakal at samahan ng mga sasakyang dagat. Isa pang pook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansang mananakop ang Australia at ang kalapit na New Zealand dahil matibay itong hawak ng Great Britain. Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ang himagsikan sa America. Nang makatuklas ng ginto sa Australia, maraming Ingles ang lumipat dito at ito ang simula ng pagtatatag ng mga kolonya sa Australia at New Zealand. Ito ang isang halimbawa kung paanong ang sakop na lupain ay magagamit na tirahan ng dumaraming tao. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p. 217 EPEKTO NG IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON Epekto Ng Ikalawang Yugto Ng Kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop Maraming aspeto ng buhay na naaapektuhan ng pananakop. Ang mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at espiritwal at pangkultura ay ginamit ng mga mananakop upang ganyakin ang mga bansang sakop na sumunod sa kanilang ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho sa pataniman, pagawaan ng barko at pagsisilbi sa hukbo. Epekto ng Kolonisasyon sa mga Lupang Sakop Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing sakop. May pagbabagong pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p. 217 - 218 Epekto ng Imperyalismo Ang imperyalismo sa Africa at sa Asya ay naging daan upang makaranas ng pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas- paggawa. Naging sanhi rin ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng impluwensiyang Kanluranin. Sa usapin ng hangganang pambansa, ang pamana ng mga Kanluranin ay ang hidwaan sa teritoryo na namamayani pa rin ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga nang hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 294 Ano-ano ang naging epekto ng Ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________
  • 329 GAWAIN 13: Punuan mo ako! Panuto: Matapos mong mabasa at maunawaan ang teksto ay punan mo ang hinihinging impormasyon ng Concept Map. Ibahagi sa klase ang iyong sagot at hingan ng reaksiyon ang iyong mga kamag-aral. Magpalitan rin ng mga pananaw tungkol sa mga konseptomg nakapaloob sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Reaksiyon... IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON DAHILAN URI NG MGA TERITORYONG ITINATAG LAWAK NG KOLONYA NG MGA MANANAKOP _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ __________________________________________
  • 330 Pamprosesong tanong 1. Bakit naganap ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo? 2. Bakit naging madali sa mga Kanluranin ang manakop sa mga bansa? 3. Alin sa mga mananakop ang pinakamahusay mamahala? Patunayan. 4. Paano napasama ang United States sa pananakop ng mga bansa? 5. Paano naapektuhan ng pananakop ang pag-unlad ng mga dating kolonya? 6. Sa kasalukuyan, nararanasan pa rin ba ang epekto ng pananakop? Patunayan. 7. Anong mga alaala ang naibahagi ng iyong mga ninuno na nakaranas ng pananakop? Ibahagi ito sa klase. GAWAIN 14: Talahanayan Ng Pananakop Sa tulong mga impormasyong natutuhan sa nakaraang gawain, sagutan ang talahanayan ng pananakop. Sundan ang halimbawa para sa maayos na pagsagot sa gawain. Itala ang mga bansang nanakop, sinakop at ang naging bunga ng pananakop sa dalawang bansa. BANSANG NANAKOP BANSANG SINAKOP BUNGA NG PANANAKOP Sa bansang nanakop Sa bansang sinakop Halimbawa: Great Britain India Nakinabang ang mga hilaw na materyales ng India. Nabago ang maraming aspeto ng kultura at tradisyon ng India. Pamprosesong tanong 1. Sino ang higit na nakinabang sa Ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon: ang mga bansang nanakop o ang mga bansang nasakop? Pangatuwiranan. 2. Nakaapekto ba sa kasalukuyang ugnayan ng mga bansang nanakop at sinakop ang mga pangyayari sa panaho ng pananakop? Patunayan. 3. Sa kasalukuyang panahon, makabubuti pa ba sa mga bansa ang pananakop? Bakit?
  • 331 GAWAIN 15: Timbangin Mo! Naging mabuti ba o masama ang epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Sa gawaing ito ay titingnan mo kung alin ang mas maraming epekto ng pangyayaring ito: mabuti o masama? Itala ang mga naging epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Pagkatapos ay ilagay ito sa nakahandang eskala. Suriin kung saan kumiling ang eskala. Ibigay mo rin ang iyong reaksiyon sa gawaing ito. Matapos ang palitan ng kuro-kuro at reaksiyon sa gawain, bumuo ng kongklusyon sa naging epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Pamprosesong tanong 1. Alin ang mas maraming epekto ng pananakop: mabuti ba o masama? Bakit kaya? 2. Kung ikaw ang tatanungin, mabuti ba talaga o masama ang epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ipaliwanag. IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON Kongklusyon: __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________
  • 332 GAWAIN 16: Bahagdan Ng Aking Pag-Unlad Sa bahaging ito, ay babalikan mo ang Concept Map na sinagutan mo sa unang bahagi ng aralin. Sagutin sa pagkakataong ito ang ‘Mga Natutuhan’ at ‘Halaga ng Natutunan sa Kasalukuyan’. Sa bahaging ito ng aralin ay nilinang mo sa tulong ng talakayan at iba’t ibang gawain ang mga konseptong dapat maunawaan tungkol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Balikan ang katanungan sa bahagi ng pagtuklas at suriin kung ano ang pagkakaiba ng mga una mong sagot sa sagot mo ngayon. Ilan sa mga una mong sagot ang natalakay at nabigyang linaw? Ngayong batid mo na ang mahahalagang ideya tungkol sa aralin, palalimin pa ito sa pagpapatuloy ng mga gawain na nasa susunod na bahagi ng araling ito. PAGNILAYAN / UNAWAIN PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE AKING ALAM HALAGA NG NATUTUHAN SA KASALUKUYAN NAIS MALAMAN MGA NATUTUNAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe at sa bahaging ginampanan nito tungo sa transpormasyon ng daigdig. Halika at ating simulan.
  • 333 GAWAIN 17: Manifest Destiny Panuto : Ang iyong mababasa ay bahagi ng paliwanag ni dating U.S. Pres. William Mckinley hinggil sa pagsakop nito sa Pilipinas. Isang pagsusuri sa pananaw ng Manifest Destiny. Pagkatapos basahin ay ibigay mo ang iyong reaksyon at saloobin hinggil sa nilalaman nito. Ito ay isusulat mo sa kasunod na kahon. Pagkatapos sasagutin mo naman ang Pamprosesong Mga Tanong. Manifest Destiny, Continued: McKinley Defends U.S. Expansionism Hold a moment longer! Not quite yet, gentlemen! Before you go I would like to say just a word about the Philippine business. I have been criticized a good deal about the Philippines, but don’t deserve it. The truth is I didn’t want the Philippines, and when they came to us, as a gift from the gods, I did not know what to do with them. When the Spanish War broke out Dewey was at Hongkong, and I ordered him to go to Manila and to capture or destroy the Spanish fleet, and he had to; because, if defeated, he had no place to refit on that side of the globe, and if the Dons were victorious they would likely cross the Pacific and ravage our Oregon and California coasts. And so he had to destroy the Spanish fleet, and did it! But that was as far as I thought then. When I next realized that the Philippines had dropped into our laps I confess I did not know what to do with them. I sought counsel from all sides—Democrats as well as Republicans—but got little help. I thought first we would take only Manila; then Luzon; then other islands perhaps also. I walked the floor of the White House night after night until midnight; and I am not ashamed to tell you, gentlemen, that I went down on my knees and prayed Almighty God for light and guidance more than one night. And one night late it came to me this way—I don’t know how it was, but it came: (1) That we could not give them back to Spain—that would be cowardly and dishonorable; (2) that we could not turn them over to France and Germany—our commercial rivals in the Orient—that would be bad business and discreditable; (3) that we could not leave them to themselves—they were unfit for self-government—and they would soon have anarchy and misrule over there worse than Spain’s was; and (4) that there was nothing left for us to do but to take them all, and to educate the Filipinos, and uplift and civilize and Christianize them, and by God’s grace do the very best we could by them, as our fellow- men for whom Christ also died. And then I went to bed, and went to sleep, and slept soundly, and the next morning I sent for the chief engineer of the War Department (our map-maker), and I told him to put the Philippines on the map of the United States (pointing to a large map on the wall of his office), and there they are, and there they will stay while I am President! Source: General James Rusling, “Interview with President William McKinley,” The Christian Advocate 22 January 1903, 17. Reprinted in Daniel Schirmer and Stephen Rosskamm Shalom, eds., The Philippines Reader (Boston: South End Press, 1987), 22–23. http://historymatters.gmu.edu/d/5575/
  • 334 GAWAIN 18: Salamat Sa Iyo ! Balikan ang napag-aralang mga pamana ng iba’t ibang Rebolusyong naganap sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe. Pgnilayan rin kung alin sa mga pamanang ito ang iyong nakita at nagamit na. Pagkatapos ay lumikha ng isang liham pasasalamat para sa mga pamanang ito. Makipagpalitan ng nabuong liham sa ibang kamag-aral at hingan sila ng reaksyon. Kung maaari mong ipost ang liham sa isang social media ay gawin ito upang mabasa rin ng iba pa at mabigyang-halaga din nila ang mahahalagang pamana ng mga pangyayaring naganap sa panahong tinalakay sa aralin. ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________
  • 335 Pamprosesong tanong: 1. Ano ang nararamdaman mo habang gingawa mo ang sulat pasasalamat? habang binabasa ng iyong kamag-aral at ng ibang liham? 2.Bilang isa sa mga nakikinabang sa mga pamanang ito sa kasalukuyan? 3. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon, anong bagay ang gusto mong maipamana sa susunod na henerasyon? Bakit? GAWAIN 19: Aking Repleksyon ! Sa puntong ito, sumulat ka ng sariling repleksyon na maglalaman ng iyong naramdaman at naranasan sa pagsagot sa mg gawain ng aralin. Itala ang mga mahahalagang bagay na iyong natutunan at kung paano ito tumutulong sa pagpapabuti ng iyong sarili. Itala rin ang mga bagay na nais mong baguhin o paunlarin tungo sa isang produktibo at mapanagutang indibidwal. Binigyang-diin sa Aralin 2 ang mga pangyayayri na nagbunsod sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Ang Una at ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, Rebolusyong Siyentipiko, Rebolusyong Industriyal, at Enlightenment na siyang nagsilbing batayan ng pag-usbong ng mga bagong kamalayan at nasyonalismo sa Europe na siyang tatalakayin sa susunod na aralin. _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _______ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ ____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ ________________
  • 336 ARALIN BLG. 3: PAGKAMULAT: KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG PRANSES AT AMERIKANO ALAMIN GAWAIN .1: Makinig, Mag-Isip, Magpahayag (3Ms) Panuto: Pakinggan ang awiting TATSULOK. Maaari itong awitin gamit ang sumusunod na lyrics. . Pagkatapos ay suriin ang mensaheng nakapaloob dito. TATSULOK Totoy, bilisan mo, bilisan mo ang takbo Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo Totoy, tumalon ka, dumapa kung kailangan At baka tamaan pa ng mga balang ligaw Totoy makinig ka, wag kang magpagabi Baka mapagkamalan ka't humandusay diyan sa tabi Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di syang dahilan Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao At ang dating munting bukid, ngayo'y sementeryo Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di syang dahilan Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo Hindi pulat dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di syang dahilan Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo....... Di matatapos itong gulo..... Sa araling ito tuklasin ang mga dinamikong ideya tungkol sa Rebolusyong Amerikano at Pranses at ang impluwensya nito sa pagsilang ng nasyonalismo sa daigdig. Alam mo bang ang awiting ‘Tatsulok’ ay orihinal na awitin ng bandang Buklod na nilikha bilang reaksiyon sa polisiyang militarisasyon ng dating Pang. Corazon Aquino? Layon ng administrasyong Aquino na supilin ang armed revolutionary movement. Ang militarisasyong ito ay nagdulot ng kapahamakan sa malaking bilang ng sibilyan. Muling binuhay ni Bamboo ang awiting ito bilang paalaala sa di-pantay na istrukturang panlipunan ng bansa.
  • 259 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng sumulat ng awit? 2. Sino ang kinakausap sa awit? 3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy? 4. Bakit kaya ibig ng sumulat na baliktarin ang tatsulok? 5. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit? 6. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito tungkol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. 7. Ano ang kaugnayan ng awiting ito sa kasalukuyang karanasan ng maraming Pilipino? GAWAIN BLG. 2: Hagdan Ng Karunungan Panuto: Punan ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging initial ang iyong nalalaman tungkol sa tanong. Pagsasakonteksto: Ang hugis na tatsulok ay sumisimbolo sa estruktura ng lipunan kung saan ang mayayaman ay makikita sa tuktok, ang panggitnang uri sa gitna at ang mahihirap ay sa ibaba. Hinahamon ng umawit na baliktarin ang ayos ng lipunan na ang nakararaming mahihirap ay siyang ilagay sa tuktok.Ito’y mababasa sa linyang, “Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok at ang mga dukha ay ilagay mo sa tukto”. Ngunit ano kaya ang kaugnayan ng awit na ito sa kahulugan ng salitang “rebolusyon”? FINAL REFINED D INITIAL Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses?
  • 260 GAWAIN BLG.3: Hula- Arawan Panuto: Suriin ang kasunod na larawan at sagutin ang mga tanong. Bigyang- pansin ang mga simbolong makikita na makatutulong upang higit mong maunawaan ang mensaheng ipinahihiwatig. Pamprosesong Tanong 1. Ano ang ipinakikita ng larawan? 2. Sino-sino ang taong bumubuo sa larawan? 3. Mayroon bang pagkakahati o pagkakapangkat ang mga taong makikita rito? 4. Sino ang kinakatawan ng mga sundalo? 5. Sino naman ang kinakatawan ng taumbayan? 6. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng larawan? 7. Mayroon ka bang naranasan, nabasa, narinig o nasaksihang katulad ng sitwasyong nasa larawan? Ikuwento ito sa klase. 8. Sa iyong pananaw, positibo ba ang mensaheng ipinakikita ng larawan? Pangatuwiranan. Sa susunod na gawain ay higit mong pagtutuunan ng pansin ang konsepto ng rebolusyon. Ngunit sa pagkakataong ito ay sa ibang konteksto. Sa pagsusuri ng konseptong ito’y huwag limitahan ang sarili sa pagtuklas ng bagong kaalaman. Sa bahaging ito’y higit mong palalawakin ang iyong nalalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Gamit ang iyong mapanuring pag-iisip, subukin ang susunod na gawain.
  • 261 BINABATI KITA! Sa puntong ito ay nagtatapos ang bahagi ng Alamin. PAUNLARIN PAGSUSURING PANTEKSTO Isa sa mga aral ng kasaysayan na hindi maitatanggi ang katotohanang ang isang pangyayari ay hindi sisibol kung walang pinag-ugatan o pinagmulan. Patutunayan ito ng ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan at Rebolusyong Pampulitikal sa Europa. Inaasahan sa bahaging ito na iyong mauunawaan ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal, partikular ang Rebolusyong Pranses at Amerikano. Nilalayon din na pagkatapos ng aralin ay iyong maipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Europe at iba’t ibang bahagi ng daigdig. Makatutulong sa iyo ang naunang mga gawain upang higit na maunawaan ang mga tekstong kasunod na babasahin. Pagsasakonteksto: Malaki ang ginampanan ng Scientific Revolution (1500’s-1600’s) sa pagbabago ng pagtingin ng mga Europeo sa daigdig. Ang tagumpay ng agham ay nagpatunay sa lakas ng ‘reason’ o ‘katwiran’. Napag-isipang kung ito ay nagagamit sa pag-unawa sa ‘physical world’ (physics, geology, chemistry, biology at mga tulad nito) bakit hindi ito gamitin upang maunawaan ang tao at ang kanyang lipunan? Ang pagtatangkang ito ay nagtulak sa pag-usbong ng Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment) o Rebolusyong Pangkaisipan. Tinalakay na sa nagdaang aralin ang konseptong ito ngunit palalalimin pa ito.
  • 262 Philosophes Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 siglo, isang pangkat ng mga taong tinatawag na philosophes (FIHL-uh-SAHFS) ang nakilala sa Pransya. Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspeto ng buhay, tulad ni Isaac Newton na ginamit ang katuwiran sa agham. Limang mahahalagang kaisipan ang bumubuo sa kanilang pilosopiya. Mas kinilala ang kaisipang balance of power Ni Montesquieu Na tumutukoy SA paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan SA tatlong sangay (ehekutibo, lehislatura at hudikatura). REBOLUSYONG PANGKAISIPAN Tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan. Madalas na nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan lalo’t higit sa mga taong nasanay sa isang tahimik at konserbatibong pamumuhay. Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham ang pagbabagong ginawa nito sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng tao. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon at maging sa edukasyon.Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng ‘reason o katuwiran’ sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampulitikal at pang-ekonomiya. Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. Kaisipang Politikal Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan sa ika-18 siglo (1700’s). Isa sa kinilalang pilosopo sa panahong ito si Baron de Montesquieu (MON tehs kyoo) dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang nararanasan sa France ng panahong iyon. Sa kaniyang aklat na pinamagatang The Spirit of the Laws (1748), tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa Europa. Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng pamahalaang monarkiya na ang kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament. Ngunit mas kinilala ang kaniyang kaisipang balance of power na tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay (ehekutibo, lehislatura at hudikatura). Ayon sa kaniya, ang paglikha ng ganitong uri ng pamahalaan ay nagbibigay proteksiyon sa mga mamamayan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan. Paano kaya nakapangyayari ang ‘balance of power’ sa isang bansang may tatlong sangay ng pamahalaan?
  • 263 1. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan (truth) ay maaaring malaman gamit ang katwiran. Para sa kanila, ang katwiran ay ang kawalan ng pagkiling at kakikitaan ng pag--unawa sa mga bagay-bagay. 2. May paggalang ang philosophes sa kalikasan (nature) ng isang bagay. Ayon sa kanila, ang likas o natural ay mabuti. Naniniwala din sila na may likas na batas (natural law) ang lahat ng bagay. Tulad ng pisika na may likas na batas na sinusunod, ang ekonomiya at politika ay gayon din. 3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng mga taong sumusunod sa batas ng kalikasan. Naniniwala sila na ang maginhawang buhay ay maaaring maranasan sa mundo. Taliwas ito sa paniniwalang medieval na kailangang tanggapin ang kahirapan habang nabubuhay upang matamasa ang kaginhawaan sa kabilang buhay. 4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na maaaring umunlad kung gagamit ng “makaagham na paraan”. 5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes. Tulad ng mga British, ninais nilang maranasan ang kalayaan sa pagpapahayag, pagpili ng relihiyon, pakikipagkalakalan at maging sa paglalakbay. Mangyayari lamang ito kung gagamitin ang reason. Sumasang-ayon ka ba sa mga philosophes sa kanilang paniniwala na maaaring maranasan ang kaginhawaan habang ikaw ay nabubuhay?
  • 264 Bukod sa magkataliwas na ideya ni Thomas Hobbes at John Locke tungkol sa katangian ng pamahalaang nararapat na mamuno sa mga mamamayan, isa pang philosophe ang tumalakay sa pamamahala at siya ay si Jean Jacques Rousseau (roo-SOH). Nagmula sa isang mahirap na pamilya, si Rousseau ay kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal (individual freedom). Taliwas sa nakararaming philosophe na nagnanais ng kaunlaran, siya ay naniniwala na ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa ‘kabutihan’ ng tao. Ayon sa kaniya, ‘likas na mabuti ang tao’. Nagiging masama lamang ang tao dahil sa impluwensya ng lipunang kaniyang kinabibilangan. Mauugat ito nang umusbong ang sibilisasyon at sinira ang kalayaan at pagkakapantay-pantay na siya namang katangian ng sinaunang lipunan. Binigyang-diin niya na ang kasamaan ng lipunan (evils of the society) ay mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan sa pagkamal nito. Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan sa kaniyang aklat na The Social Contract. Naniniwala siya na magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa ‘pangkalahatang kagustuhan’ (general Isa sa itinuturing na maimpluwensyang philosophes si Francois Marie Arouet na mas kilala sa tawag na Voltaire. Siya ay nakapagsulat ng higit sa 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika at maging drama. Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga katunggali tulad ng mga pari, aristocrats at maging ang pamahalaan. Dahil sa tahasang pagtuligsa sa mga ito, beses siyang nakulong. Matapos nito’y ipinatapon siya sa England ng dalawang taon at kaniyang nasaksihan at hinangaan ang pamahalaang Ingles. Nang makabalik ng Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa batas at kaugalian ng Pranses at maging sa relihiyong Kristiyanismo. Nagkaroon man siya ng maraming kaaway dahil sa kanyang opinyon, hindi siya huminto sa pakikipaglaban upang matamasa ang katuwiran, kalayaan sa pamamahayag at pagpili ng relihiyon, at tolerance. Anong aspeto ng pamahalaang Ingles ang hinangaan ni Voltaire? Bakit ganoon na lamang ang paghanga ni Voltaire sa pamahalaang Ingles?
  • 265 will). Samakatuwid, isinusuko ng tao ang kaniyang will o kagustuhan sa pamahalaan. Ang Social Contract niya ang naging saligan ng mga batas ng rebolusyon sa France. Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal Pinalaganap ni Denis Diderot (dee DROH) ang ideya ng mga philosophe sa pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume na Encyclopedia na tumatalakay sa iba’t ibang paksa. Naglayon siyang baguhin ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong kaisipan sa mga usaping pamamahala, pilosopiya at relihiyon. Binatikos nila ang kaisipang Divine Right at ang tradisyunal na relihiyon. Bilang tugon, pinigil ng pamahalaan at Simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan ang mga Katolikong bibili at babasa nito. Sa kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang na 20,000 kopya ang naimprenta sa mga taong 1751-1789. Nang ito ay maisalin sa ibang wika, naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europa kundi maging sa Amerika at kalaunan ay sa Asya at Africa. ‘Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europa kundi maging sa Amerika at kalaunan ay sa Asya at Africa.’ Mga Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment Ang islogang ‘kalayaan at pagkakapantay’ ay tinitignan ng mga philosophes na hindi akma sa mga kababaihan. Naniniwala sila na limitado lamang ang karapatan ng kababaihan kung ihahambing sa kalalakihan. Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa kalagitnaan ng ika-18 siglo (1700’s) nang magprotesta ang ilang kababaihan sa ganitong uri ng pagtingin. Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang uring kababaihan kaysa kalalakihan. Pinangunahan nina Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft ang laban ng kababaihan. Sa kaniyang akdang A Vindication of the Rights of the Woman, hiningi niya na bigyang pagkakataon ang kababaihang makapag-aral sapagkat ito ang paraan upang magkaroon ng pagkakapantay ang kalalakihan at kababaihan. Mahabang panahon bago binigyang-pansin ang ideyang ito. Ngunit isa ang malinaw: naisatinig sa Panahong Enlightenment ang diskriminasyon laban sa kababaihan.
  • 266 Sa pulitika, ipinakilala niya ang bagong patakaran sa samahan ng isang makatarungang pamahalaan. Ito ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan- tagapangasiwa, tagapagbatas at hukuman- na nagtutulungan at nagsusuri ng kanilang mga gawain. Ang prinsipyong ito ang ginamit ng mga Amerikanong mambabatas tulad nina Thomas Jefferson at John Quincy Adams bilang batayan sa paggawa ng kanilang Saligang Batas. Samantala, ipinahayag ni George Berkeley na walang laman ang utak ng tao kundi mga ideya at naaayon ang katotohanan sa kung ano ang tunay sa pag-iisip ng tao. Makatuwiran ba ang ipinaglalaban nina Mary Wallstonecraft? Pangatuwiranan. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ ____________ Bakit kaya hindi agad pinakinggan ang ipinaglalaban ng kababaihan ng panahong iyon? ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ __ Kaisipang Pang-ekonomiya Maging ang kaisipang pang-ekonomiya ay nagkaroon ng pagbabago sa panahong ito. Kinuwestiyon ang merkantilismo na matagal na namayani sa Europa at kinilala ang polisiyang laissez faire. Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya na hindi nararapat na pakialaman ang pamahalaan. Taliwas ito sa nakagisnang merkantilismo na pinagbabatayan ng yaman ang dami ng ginto at pilak. Tinanggap ang ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman. Tinawag na Physiocrats ang mga naniwala at nagpalaganap nito ng ganitong kaisipan. Si Francois Quesnay ay isa sa naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya. Katulad ni Quesnay, naniniwala si Adam Smith na kailangan ang produksiyon upang kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang British na nagpanukala na ang market o pamilihan ay maaaring dumaloy nang maayos nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan. Pangunahin umanong tungkulin ng pamahalaan ang pagbibigay- proteksiyon ng mga mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng lipunan, at pamahalaan ang mga pangangailangang pampubliko tulad ng pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa ng mga tulay at kalsada. Kung maisasagawa ang mga ito’y higit na madaling magkakaroon ng interaksiyong pang-ekonomiko sa bawat indibidwal na siya namang magpapaangat ng ekonomiya at pamumuhay ng mga mamamayan.
  • 267 Insert photo: Rene Descartes, John Locke, Immanuel Kant kasama ang kanilang mga ideya Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na lumaganap sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig. Marami sa mga may pinag- aralang Europeo ang nagnais na basahin ang Encyclopedia ni Diderot at iba pang babasahin na tumatalakay sa maling paniniwala at kaugalian. Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan ng mga pilosopo, manunulat, artists at iba pang katulad nito. Nagmula sa Paris ang salons noong 1600’s tuwing nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa pagsapit ng 1700’s, ang kababaihang mula sa gitnang-uri ay nagkaroon ng kani-kanilang pagtitipon. Kalaunan ay naging lugar ito ng pagkikita ng mga middle-class at noble na may pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay ng mga ideyang liberal. Impluwensiya ng Pagkamulat ng Pangkaisipan Nagbigay ang ‘pagkamulat-pangkaisipan’ ng ideya at wika na siyang ginamit ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon. Naging epektibo ang impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya. Higit ngang naging mapanuri ang tao at iba’t ibang pananaw ang kanilang natutuhan sa panahong ito. Marami ang natutong magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal na sinunod. Naging mapangahas ang ilan sa pagtuligsa sa estruktura ng lipuan samantalang ang iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang ito. Nagbibigay daan ito sa isa pang uri ng rebolusyon: Ang Rebolusyong Politikal. 1. Ano ang kaibahan ng prinsipyong merkantilismo sa prinsipyo ng laissez faire? 2. Ano ang pinaniniwalaan ng mga physiocrats? 3. Paano lumaganap ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europa?
  • 268 Pinagkunan: World History: Connections to Today (Discovery Channel School) World History: Patterns of Interactions (Beck, R. et al) pp 552-553 Kasaysayan ng Daigdig (Vivar, T. et al) pp. 222-225 GAWAIN BLG.4: Tala-hanayan (3-2-1 Chart) CHART) PANUTO: Gawaing Indibidwal Punan ang sumusunod na chart. . MGA BAGAY NA AKING NALAMAN 3    MGA INTERESANTENG IDEYA 2    MGA TANONG NA NAIS MASAGOT 1    Ngayon ang panahon upang iyong maunawaan ang Rebolusyong Pangkaisipan bilang mahalagang sangkap ng Rebolusyong Plitikal.Gawin mo ang unang hamon para sa iyo. PAMPROSESONG TANONG 1. Ano-anong pangkaisipang politikal, ekonomikal, medikal at pilosopikal ang sumibol at kumalat sa malaking bahagi ng Europa? 2. Paano binago ng iba’t ibang kaisipan ang pagtingin ng mga Europeo sa kanilang pinuno at pamahalaan? 3. Naging makatuwiran kaya ang mga kaisipang ipinanukala ng mga Philosophes? Pangatuwiranan. 4. Paano binago ng Rebolusyong Pangkaisipan ang pagtingin ng mga marami sa: a. relihiyon b. pamahalaan c. ekonomiya d. kalayaan
  • 269 PAGSUSURING PANTEKSTO Pagkatapos mong maunawaan ang Rebolusyong Pangkaisipan bilang mahalagang salik ng pag-usbong ng Rebolusyong Pampolitikal, napapanahon na upang pagtuunan ng pansin ang mga estadong dumaan sa Rebolusyong Pampolitikal, partikular ang Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong Pranses kasama na dito ang rebolusyon sa Latin America. Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa bahagi ng Atlantiko. Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng Enlightenment. Inilatag nito ang mga pagtatanong tungkol sa absolutong monarkiya at sa dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at pampolitikang galaw ng mga tao. Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang tradisyunal na rehimen sa America at France. Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog America at Great Britain. Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa lipunan. Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyong rebolusyonaryo sa France at sa isang madugong himagsikan noong 1789. Itinuturing na mas malaki ang naiwang epekto ng Himagsikan sa France sa kabuuan ng Europa at iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito ang tatlong mahahalagang prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang kalayaan, pagkakapantay-pantay at ang kapatiran. REBOLUSYONG AMERIKANO: SANHI, KARANASAN AT IMPLIKASYON Ang digmaan para sa kalayaan sa America ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong Amerikano. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing. Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776. Pagkatapos ay nagbuo sila ng isang malakas na hukbo na magiging tagapagtanggol sa British. Ang Digmaan para sa kalayaan ang naging dahilan ng pagbubuo ng United States of America.
  • 270 Makikita sa mapa ang labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang America Ang Labintatlong Kolonya Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagsimulang lumipat at manirahan sa Hilagang Amerika noong ika-17 siglo. Karamihan sa kanila ay nakaranas ng persecution dahil sa kanilang bagong pananamplataya na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europa. Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa Hilaga ay Massachusetts at sa Timog ay Georgia. Bawa’t isa sa mga kolonya ay may sariling lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng napalaking halaga ang British laban sa France upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya. Nais ng British na ang mga kolonya ay mag-ambag sa kanilang gastusin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga buwis. Isa-isahin ang 13 kolonya ng British sa North America 1. 7. 2. 8. 3. 9. 4. 10. 5. 11. 6. 12. 13.
  • 271 Dahilan Walang Pagbubuwis Kung Walang Representasyon Ang mga kolonya ay walang kinatawan sa Parliamento ng British sa London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa labis na buwis na ipinapataw sa kanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang” walang pagbubuwis kung walang representasyon”. Noong 1773 ay isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan ng mga Katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party. Nagpasa ang pamahalaan ng Britanya ng kaparusahan sa mga kolonista na naging kabahagi ng nabanggit na insidente. Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya. Naisagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya.
  • 272 Ang Unang Kongresong Kontinental Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Great Britain sa Amerika ay dagling sumaklolo sa naging kinahinatnan ng insidente sa Massachusetts. Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat kolonya maliban sa Georgia. Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa kanila. Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 kinatawan ng mga kolonya ang dumalo dito. Binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang kilalang kinatawan na si Patrick Henry, na wala nang dapat makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York at New England. Dapat na tandaan na sila’y nagkakaisa at sama-samang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang kolonya. Nagkaisa sila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Great Britain at ito’y nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775. Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain. Sa bawa’t kolonya ay bumuo ng magiging kabilang sa boluntaryong army at handang makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan. Ang Pagsisimula ng Digmaan Noong Abril 1775 nagpadala ang Britanya ng tropa ng mga sundalo sa Boston upang kunin nang puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord. Isang Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang naging kasangkapan upang malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British. Sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay napagsabihan niya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang humadlang sa mga sundalong British na papalapit sa bayan ng Lexington. Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong Amerikano ang napatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano. Sa Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag-organisa at puwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa Boston. Dito na nila tuluyang nakubkob ang mga sundalong British sa loob ng siyudad. Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain.
  • 273 1. Ano-anong polisiya ang nagtulak sa mga Amerikano na lumaban sa mga British? 2. Ano ang nais ipabatid ng 13 kolonya nang binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental? Ang Ikalawang Kongresong Kontinental Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo, 1775 at idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang “United Colonies of America” (Pinagbuklod na mga Kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na “Continental Army” at ang naatasan na commander-in-chief ay si George Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston nguni’t natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill. Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’t natalo rin sila dito. Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa hanggat tuluyang napaalis nila ang mga sundalong British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso, 1776. Ang mapa sa kaliwa ay nagpapakita ng digmaan sa pagitan ng Amerikano laban sa mga mananakop na British.
  • 274 Ang Deklarasyon ng Kalayaan Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Britanya sa Atlantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang manananggol. Binigyang diin ng dokumento na ang dating mga kolonya ay di na kasalukuyang teritoryo ng Britanya. Sila, sa panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika. Buwan na ng Agosto nang tuluyang nakadaong ang hukbo ng Britanya at sinakop nila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan ang puwersa ni George Washington na umatras sa labanan. Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa 30,000 mga sundalo samantalang ang hukbo na pinangungunahan ni Washington ay nasa 3,000 sundalo lamang ang bilang. Nagkaroon ng pag-aaral at pagpaplano si Washington kaya noong ika-25 ng Disyembre,1776 ay naglunsad siya at ang kanyang hukbo ng isang sopresang pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng hukbo ni Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang kaniyang balak. Ito ang naging dahilan kung bakit nila napagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princeton nguni’t sila’y di nagtagumpay sa pagkuha sa New York. Paglusob mula sa Canada Simula noong 1777 ay sinimulan ng mga British ang pag- atake sa Amerika mula sa Canada, ngunit sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ng mga hukbong Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki na sa bilang at umaabot na sa halos 20,000 sundalo ang bumubuo nito. Noong Oktubre sa taon ding iyon ay nanalo sa Labanan sa Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng mga pag-atake ng mga British mula sa Canada. Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa pamumuno ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni Heneral Horacio Bates. Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan Ang bansang France ay tradisyunal na kalaban ng British at ang mga French ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula pa lamang ng labanan. Noon pang 1778 ay nagsimula nang bigyan ng pagkilala ng pamahalaang Pranses ang United States of America bilang isang malayang bansa. Nagpadala sila ng mga bapor pandigma upang matulungan ang mga Amerikano sa kanilang pakikipaglaban sa mga British. Kaya dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Britanya na sakupin ang timugang bahagi ng kolonya isa-isa. Noong Disyembre, 1778 ay nakuha ng mga British ang daungan ng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia. Dahil dito ay naging mahirap sa mga Amerikano upang muling makuha ang Savannah kahit may tulong na nagmumula sa mga Pranses. Kinubkob naman ng mga British ang Continental Army sa daungan ng Charleston at pinuwersa itong sumuko sa pamahalaan ng British. Paano ipinaglaban ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan?
  • 275 Ang Labanan sa Yorktown Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay tinangkang sakupin ng Britanya ang Timog Carolina. Ngunit sa pamamagitan ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British sa Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa Labanan sa Cowpens ng mga unang bahagi ng 1781. Nag-ipon ng lakas sa kaniyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin nang lubusan ang mga British. Kaya noong Oktubre 19,1781 ay minabuti nang sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan. Paghahangad ng Kapayapaan Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha sa mga British sa mundo. Ang Britain ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay na sinanay na mga sundalo subalit tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban. Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggap ng Britanya ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika. Samantalang ang mga nasa Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng England ay lumipat sa Canada na nanatiling kolonya ng Britanya. Ang Digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging dahilan ng pagbuo ng isang bagong nasyon na umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap. Ang mga ideyang iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais lumaya sa kanilang mga mananakop at lalo na sa mga rebolusyonaryong Pranses. Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad ng pagpapabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa France noong 1789 at nagbuo ng isang republika nang lumaon.
  • 276 Pinagkunan: World History: Connections to Today (Discovery Channel School) Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15 Mga Mungkahing Babasahin: Kasaysayan ng Daigdig ni Teofisto Vivar et al (pp. 228-230) Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et al (pp. 262-266) GAWAIN BLG.5: Pulong- Isip PANUTO: Pangkatang Gawain. Katulong ang mga miyembro ng iyong pangkat sagutin ang mga tanong sa apat na learning centers na binuo ng inyong guro. Pagtapos mong matutuhan ang Rebolusyong Amerikano, subukin mong isagawa ang sumusunod na gawain upang masukat ang iyong kaalaman sa paksa. LEARNING CENTER I Ano-anong dahilan ang nagtulak sa mga Amerikanong humingi ng kalayaan mula sa Gran Britanya? LEARNING CENTER III Paano nakaapekto ang pagtulong ng Pransya sa mga Amerikano sa pagtamasa nito ng kalayaan? LEARNING CENTER II Paano isinakatuparan ng mga Amerikano ang tahasang paghingi ng kalayaan? LEARNING CENTER IV Ano ang naging kinalabasan ng Rebolusyong Amerikano? Ano ang sinisimbolo ng larawang makikita sa itaas? _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________
  • 277 Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang pangyayaring nagbunsod sa pagsilang ng Rebolusyong Amerikano? 2. Ano ang naging epekto ng labis na pagbubuwis ng Great Britain sa kamalayan ng mga Amerikano? 3. Paano hinarap ng mga Amerikano ang malakas na puwersang militar ng Great Britain? 4. Paano binago ng pananagumpay ng mga Amerikano ang tingin ng daigdig sa Great Britain? United States? Pangatuwiranan. 5. Maihahantulad ba ang karanasang ito nang lumaban ang mga Pilipino para sa kalayaan mula sa mga mananakop? Pangatwiranan. PAGSUSURING PANTEKSTO REBOLUSYONG PRANSES: Ang Pamumuno ng Karaniwang Uri Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses Ano ang mga salik na nagbigay-daan sa Rebolusyong Pranses? Ilan sa mga ito ang kawalan ng katarungan ng rehimen, oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan, walang hangganang kapangyarihan ng hari, personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga pinuno, at krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan. Ang pananagumpay ng Estados Unidos ay nag-iwan ng aral hindi lamang sa mga Amerikano kundi maging sa ibang bahagi ng daigdig. Tunghayan ang kasunod na teksto at alamin ang dinamiko ng Rebolusyong Pranses.
  • 278 Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789 Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang Bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang divine right theory. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa. Ang lipunang Pranses naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari at ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo ng mga maharlikangPranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng nakararaming bilang ng mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro, manananggol, doktor, at mga manggagawa. Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang France ng malaking halaga para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang bumuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag pa rito ang magarbo at maluhong pamumuhay ng hari at ng kaniyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga bumubuo sa ikatlong estate. Gayundin, ang maraming digmaan na sinalihan ng France kabilang na dito ang tagumpay na Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano ay umubos ng pera para gamitin sa pangangailangan ng mga pangkaraniwang Pranses. Paano nakatulong ang prinsipyong divine right sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng hari ng France? ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ____________________________ Bakit ang nasa ikatlong estate lamang ang inatasang magbayad ng buwis? Makatwiran ba ito? Ipahayag ang iyong saloobin. __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________
  • 279 Ang Pambansang Asemblea Upang mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi na kailangan ng France nang panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong ng lahat ng kinatawan ng tatlong estate noong 1789 sa Versailles. Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil hindi nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng pagboto. Dati, nagpupulong nang hiwalay ang tatlong estate. Matapos nito’y saka pa lamang sila boboto. Bawat estate ay may isang boto. Karaniwan na magkatulad ang boto ng una at ikalawang estate laban sa ikatlong estate kaya naman laging talo ang huli. Dahil dito humiling ang ikatlong estate na malaking bilang ay mga bourgeoisie na ang bawat delegado ng asemblea ay magkaroon ng tig-iisang boto. Sapagkat humigit-kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula sa ikatlong estate, malaki ang kanilang pagkakataong maisakatuparan ang nais na mga reporma. Mula sa panukala ni Abbe Sieyes isang pari, idineklara ng ikatlong estate ang kanilang sarili bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17, 1789. Inimbitahan nila dito ang una at ikalawang estate . Dahil na rin sa panunuyo ng ikalawang estate, itinuloy pa rin ni Haring Louis XVI ang magkahiwalay na pagpupulong. Isinara ang lugar na dapat sana’y pagpupulungan ng ikatlong estate kung kaya’t sila ay nagtungo sa tennis court ng palasyo. Maraming mga pari at ilang noble ang sumama sa kanila at hiniling sa hari na bumuo ng isang konstitusyon at nanindigang hindi aalis hangga’t hindi naisakatutuparan ang kanilang layunin. Matapos ang isang linggo’y ibinigay ng hari ang hiling ng ikatlong estate nang kanyang ipag-utos na sumama ang una at ikalawang estate sa pambansang asemblea. Maituturing ang pangyayaring ito ng unang pagwawagi ng ikatlong estate. Ano ang nakatulong sa ikatlong estate upang makuha nila ang hinihingi sa hari? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ____
  • 280 Ang Tennis Court Oath na nangyari sa Versailles, France Ang Pagbagsak ng Bastille Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong Asembliya. Noong Hunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette, nagpadala ng mga sundalo sa Paris at Versailles ang hari upang payapain ang lumalaganap na kaguluhan. Ang desisyong ito ay lalong nagpaigting sa paglaganap ng rebelyon. Isang malaking kaguluhan ang nangyari noong Hulyo 14, 1789 nang sugurin ng mga galit na mamamayan ang Bastille. Ito ay isang kulungan ng mga napagbintangan at kalaban ng kasalukuyang monarko sa kanyang pamamahala. Pinakawalan ang mga nakakulong dito. Ang pagbagsak ng Bastille ay palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan. Lumaganap ang kaguluhan sa iba’t ibang panig ng France at tinawag na mga rebolusyonaryo ang mga sumama sa pakikipaglaban. Sila’y binubuo ng mga sundalong sinanay at handang ipagtanggol ang Asemblea. Karaniwan silang nakasuot ng mga badges na pula, puti at bughaw na naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sa kasalukuyan ang mga kulay na ito ay matatagpuan pa rin sa watawat ng bansang France.
  • 281 Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran Taong 1789 nang ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan sa Asembleyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang bagong saligang-batas. Ang pambungad na pananalita ng saligang-batas ay tungkol sa Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan. Binigyang-diin nito na ang lipunang Pranses na kinakailangang nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang napapayag si Louis XVI na pamahalaan ang Pransiya sa pamamagitan ng bagong saligang-batas. Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at ang halalan para sa Asembleang bubuo ng mga batas ay idinaos. PRIMARYANG BATIS NG KASAYSAYAN Agosto 27, 1789 nang isinulat ng mga Pranses ang Declaration of the Rights of Man. Ilan sa mga prinsipyong nakapaloob dito ay makikita sa apat na kahon. Unawain ang mga kaisipang nakapaloob sa bawat kahon at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Law is the expression of the general will (of the people). Men are born and remain free and equal in rights… Every man is presumed innocent until proven guilty… The aim of the government is the preservation of the …rights of man…  Ano ang pangunahing layunin ng pamahalaan? Naniniwala ka ba dito? Bakit?  Bakit mahalaga na paniwalaang inosente ang nasasakdal hanggat hindi napatutunayan ang kanyang sala?  Ano ang implikasyon sa pamahalaan ng mga prinsipyong nabanggit sa Declaration of the Rights of Man?
  • 282 Ang Pagsiklab ng Rebolusyon Maraming mga monarko sa Europa ang labis na naapektuhan sa pagsiklab ng French Revolution. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon ay lumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 ay nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang talunin ang mga rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin. Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadong nagngangalang Georges Danton. Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na posibleng ang mga noble ng France ay bumubuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari at ang mga sumusuporta sa kanya ay pinatay sa pamamagitan ng paggamit ng guillotine. Tinawag ang pangyayaring ito sa Pransiya bilang September Massacres. Noong Enero 1793 ay napugutan naman ng ulo ang haring si Louis XVI. Sa taong ding iyon ay sinunod naman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunod-sunod nitong pangyayari ay idineklarang isang Republika ang Pransiya. 1. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa kasaysayan ng monarkiya sa France? ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ 2. Ilarawan ang kalagayan ng France sa panahon ng rebolusyon. ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ Ang Reign of Terror Marami sa mga bansa sa Europa kabilang na ang Britanya ay sumama na sa digmaan laban sa Pransiya. Malaking bilang ng mga nakababatang kalalakihan ang pinuwersang sumama sa hukbong sandatahan upang idipensa ang bagong republika. Noong Abril 1794 ay binuo ng mga rebolusyonaryo ang isang pansamantalang pamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety. Ang pinakamabisa at aktibong miyembro rito ay ang isang manananggol na si Maximilien Robespierre, isang masidhing republikano. Ang manananggol na si Maximilien Robespierre Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang maipagpatuloy ang rebolusyon ay ang pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos sa mga kaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay sa pamamagitan ng guillotine at tinawag ang panahong ito bilang Reign of Terror.Umabot sa 17,000 katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at may 20,000 naman ang mga namatay sa mga kulungan.
  • 283 Pinagkunan: Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15 Mga Mungkahing Babasahin: Kasaysayan ng Daigdig’ (Mateo et al.) pp 262-266 Kasaysayan ng Daigdig (Vivar et al.) pp 228-230 Ang France sa ilalim ng Directory Taong 1794 nang humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuha ng mga moderates ang pamamahala. Kabilang sa mga pinunong extremists ng Rebolusyon gaya nina Danton at Robespierre ay pinatay rin sa pamamagitan ng guillotine. Napagwagian naman ng France ang kaniyang pakikidigma sa mga bansang Europa kaya ang mga ito ay lumagda ng kasunduan sa kaniya maliban sa Britain.Taong 1795 nang ang Republika ng Pransiya ay gumamit ng bagong saligang-batas na ang layunin ay magtatag ng isang Direktoryo na pinamumunuan ng limang tao na taun- taon ay ihahalal. Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay. Ito’y sa dahilang ang pamahalaan ay naubusan ng pera. Samantala, iba’t ibang pangkating pampolitika ang nagnais na hawakan ang pamamahala at maraming tao ang nais na bumalik sa monarkiya. Ano ang ‘reign of terror’? ________________________________________________________ Bakit ito lumaganap? ________________________________________________________ Ang Pagiging Popular ni Napoleon Kailangan ng France ng isang malakas na lider matapos ang rebolusyon, kaya noong 1799 ang pinakapopular at matagumpay na heneral, si Napoleon Bonaparte ay nahirang na pinuno. Sa panahon ng kaniyang pamumuno ay nasakop niya ang malaking bahagi ng Europa at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804. Ang kaniyang hukbo sa kanilang pananakop ay naging mga disipulo ng mga ideya ng Rebolusyong Pranses, ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay lumaganap sa Europa. Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyang pampoltika gaya ng republikanismo at ng mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsukat. Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago sa pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang Republikang pamahalaan.
  • 284 GAWAIN 6: Diagram ng Pag-unawa PANUTO: Gawaing Dyad Gamit ang kasunod na diagram, tukuyin ang hinihinging mga impormasyon ayon sa iyong pagkaunawa. PAANO NAGKAKATULAD? REBOLUSYONG AMERIKANO REBOLUSYONG PRANSES Iyong natunghayan ang masalimuot na kasaysayan ng Rebolusyong Pranses. Ano ang iyong saloobin tungkol sa pangyayaring ito? Naging makatuwiran ba ang mga Pranses sa mga pagbabagong kanilang isinakatuparan? Hinahamon kita na ipahayag ang iyong kaisipan sa pagsasagawa ng susunod na gawain.
  • 285 PAANO NAGKAKAIBA? REBOLUSYONG AMERIKANO ASPETO REBOLUSYONG PRANSES MGA DAHILAN MGA SANGKOT NA AKTOR DALOY NG MGA PANGYAYARI BUNGA O IMPLIKASYON SALOOBIN TUNGKOL SA PANGYAYARI Pamprosesong Tanong 1. Paano nakaapekto ang kalagayang panlipunan ng karamihang mamamayang Pranses sa pagsibol ng rebolusyon? 2. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa pamahalaang monarkiya? 3. Naging makatuwiran ba ang paghingi ng mga Pranses sa pagbabago ng lipunan? Pangatwiranan. 4. Paano namuhay ang mga Pranses sa panahong rebolusyunaryo? 5. Bakit hindi napigil ng puwersang monarkal ang rebolusyong Pranses? 6. Paano kumalat ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europa? 7. Paano binago ng Rebolusyong Pranses ang heograpiyang politikal ng Europa? 8. May pagkakatulad ba ang karanasan ng mga ordinaryong Pranses sa mga Pilipino partikular sa mataas na buwis? Pangatuwiranan.
  • 286 ANG NAPOLEONIC WARS Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte na naging pinuno ng France noong 1799 at nagtangkang ipakilala ang kaniyang ideya ng pamahalaan sa buong Europa. Ang Napoleonic Wars ay serye ng mga digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte. Ang digmaan ay nagwakas nang si Napoleon ay natalo sa Digmaan sa Waterloo noong 1815. Mga Pangunahing Dahilan ng Digmaan Ang digmaang Napoleonic ay nagsimula sa panahon ng Rebolusyong Pranses. Nagtagumpay ang mga rebolusyonaryo na mapaalis at mapahina ang kapangyarihan ng hari sa France at maitatag ang isang Republika. Dahil sa pangyayaring ito ay nagkaroon ng takot ang iba pang mga monarko sa napipintong paglaganap ng rebolusyon na posibleng magpabagsak sa kanilang mga pamumuno. Noong 1792 ay nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng hukbong sandatahan upang lusubin ang France. Natalo sila ng mga rebolusyonaryong Pranses kaya sa pananaw nila ang mabuting paraan para madepensa ang rebolusyon ay palaganapin ito sa karatig- bansa. Noong 1793 ay nagsimulang lusubin ng mga rebolusyonaryong Pranses ang Netherlands. Upang mapigil ang papalakas na puwersa ng mga Pranses ay minabuti ng Britanya, Espanya, Portugal, at Russia na sumali sa digmaan. 1. Ano ang Napoleonic Wars? _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 2. Bakit inilunsad ang Napoleonic Wars? _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________
  • 287 Ang Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europa ay nanatili ang lakas ng Francesa pakikihamok sa kalupaan at ang mga British naman ay sa katubigan. Nagbago lang ang sitwasyon ng naging kilala ang kakayahan bilang pinunong heneral ni Napoleon Bonaparte. Ang tagumpay ng mga digmaang inilunsad ni Napoleon sa Europa ay naipapanalo niya sa mga labanan sa katubigan at di sa kalupaan. Noong1805 ay nasakop niya ang Hilagang Italya, Switzerland at ang Timog Germany. Tinalo niya ang mga Austrians sa Battle of Ulm at ang pinagsanib na puwersa ng mga Austrians at Russians sa Battle of Austerlitz. Taong 1806 nang durugin ng puwersa ni Napoleon ang hukbo ng mga Prussian sa Battle of Jena at sa kabuuan ay kaniyang nasakop ang Gitnang Germany na nakilala bilang Rhine Confederation. Patuloy niyang sinakop ang iba pang bahagi ng Italya. Noong 1807 ay tinalo niya ang puwersa ng mga Ruso sa Battle of Friedland. Nakontrol din niya nang lumaon ang Poland. Napilitan ang mga Ruso na makipagkasundo sa France. Sinunod naman niya ang pagsakop sa Espanya at Portugal. Halos sa huling bahagi ng 1807 ay nakapagtayo at napalawak na ni Napoleon ang Imperyong Pranses sa Kanlurang Europa. Tanging ang Britanya na lamang ang nakikipagdigma sa France. Dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Napoleon ay nagtatag siya ng mga bagong pamahalaan at pinuno. Karamihan ay miyembro ng kanyang pamilya. Isa sa kanyang mga kapatid na lalaki, si Joseph, ay itinalagang hari sa Naples noong 1806 at nang lumaon bilang hari ng Espanya. Ang isa pa niyang kapatid na si Louis, ay naging hari sa Holland. Ang mga bagong pinuno na ito ay nagpakilala ng mga reporma upang baguhin at gawing modernisado ang mga kaharian. 1. Sino si Napoleon Bonaparte? ________________________________________________________ ________________________________________________________ _______________________________________________________ 2. Ano-anong mga bansa sa Europe ang naapektuhan ng Napoleonic Wars? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________
  • 288 Peninsula War (1808) Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Pranses sa Espanya at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundalo ang Britanya sa mga rebelde ngunit tinalo sila ng mga Pranses sa Espanya kaya minabuti ng mga British na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Ang bahagi na ito ng Napoleonic Wars ay naging kilala bilang Peninsular War sa dahilang ang Espanya at Portugal ay nasa bahagi ng Europa na Iberian Peninsula. Ang Paglusob sa Russia (1812) Napagdesisyunan ni Napoleon na lusubin ang Russia sa dahilang kapag ito’y kaniyang masakop ay madali na niyang mapapasok ang Britain. Noong 1812 ay nagpadala si Napoleon ng 600,000 mga sundalo na binubuo ng Polish, German, Italyano at mga Pranses upang lumaban sa Battle of Borodino Marami sa mga sundalong ipinadala ni Napoleon ang namatay sa labanan at kinulang ang bilang ng mga sundalo na magpapatuloy ng paglaban. Nakaabot ang hukbo ni Napoleon hanggang sa Moscow ngunit laking gulat nila dahil wala silang naabutang tao dito nang sila’y dumating. Nang gabi ng Setyembre 14 ay nagkaroon ng malaking sunog sa Moscow. Ang mga gamit at tinitirhan ng mga sundalo ni Napoleon ay nadamay sa sunog kaya nawalan sila ng pananggalang sa malamig na klima. Sino kaya ang maaaring nagsimula ng sunog sa Moscow? Pangatuwiranan. Ang Pagkatalo ng France Napilitan si Napoleon na pabalikin ang kaniyang hukbo sa France dahil sa nakamamatay na lamig sa Russia. Karamihan sa natirang mga sundalo na kaniyang nakasama sa Battle of Borodino ay namatay naman sa kanilang paglalakbay pagbalik sa France. Sila ay namatay dahil sa gutom, sa lamig ng klima o napatay ng mga Russians. Mga 20,000 sundalong Pranses na lamang ang nakabalik nang maluwalhati sa France. Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay sinamantala naman ng mga British ang Espanya at nanalo sila ng maraming beses sa kanilang pakikipaglaban. Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog France at ang pinagsanib na puwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa HilagangFrance. Napulbos ang hukbo ng mga Pranses sa Digmaan sa Leipzig at unti- unting bumagsak ang imperyong itinayo ni Napoleon.
  • 289 Pagtatapos ng mga Labanan Ang Duke ng Wellington, si Arthur Wellesly (kaliwa) ng puwersang British at si Gebhard von Blucher (kanan) ng puwersang Prussia ay ang mga naging pangunahing aktor sa pagpapahina ngpuwersa ni Napoleon Bonaparte. Ang Pagtakas ni Napoleon Taong 1813 nang talunin ng pinagsamang puwersa ng Britanya, Austria, Prussia at Russia ang emperador na Pranses na si Napoleon Bonaparte. Ang imperyong binuo at itinatag ni Napoleon ay biglang bumagsak at siya ay sumuko sa kaniyang nagbubunying kalaban. Si Louis XVIII, ang kapatid ni Louis XVI (ang haring pinapatay nang panahon ng Rebolusyong Pranses) ang naging hari ng France noong 1814 at si Napoleon ay ipinatapon sa isla ng Elba, malapit sa kanlurang baybayin ng Italya.
  • 290 Si Haring Louis XVIII ang naluklok na emperador ng Pransiya pagkatapos na maipatapon si Napoleon sa St. Helena. Pagkamatay ni Napoleon Bonaparte Nakatakas noong Pebrero 1815 si Napoleon sa Elba at nakabalik sa France. Nang ipahayag ang kanyang pagbabalik ay dali-dali siyang sinalubong ng dati niyang mga sundalo. Bumuo na muli siya ng isang hukbo at nagmartsa patungong Paris upang agawin ang trono sa haring si Louis XVIII. Muling nagkaisa ang alyansang unang tumalo kay Bonaparte at naglunsad ng digmaan laban sa kaniya. Nangyari ang labanan sa Waterloo na matatagpuan sa Netherlands. Dahil sa pinagsamang puwersang militar ng Britain at Prussia, madaling natalo si Bonaparte. Hunyo 22 nang sumuko si Napoleon sa mga British. Natapos na rin ang kanyang ‘Isang Daang Araw’. Siya ay ipinatapon sa isla ng St. Helena. Ito ang lugar na kaniyang kinamatayan noong 1821 na batay sa mga bagong pagsusuri ay dahil sa arsenic poisoning.
  • 291 Bunga ng Rebolusyon Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa kasaysayan ng daigdig. Sang-ayon sa mananalaysay na si John B Harrison, ‘Tulad ito ng kahon ni Pandora na nang mabuksan ay nagpakawala ng mga kaisipang nakagimbal at nakaimpluwensiya sa halos ahat ng sulok ng daigdig.’ Ang simulain ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran, bagaman iba-iba ang naging pagpapakahulugan ang naging tanglaw ng maraming mga kilusang panlipunan, politikal at pangkabuhayan. Pinagkunan: Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15 GAWAIN 7: Turn –Back Time ( Timeline Plotting ) Panuto: 1. Bumuo ng timeline tungkol sa mahahalagang pangyayaring naganap sa Rebolusyong Pranses kasama ang digmaang Napoleonic. 2. Itala ang mga esensyal na pangyayaring magtutulak sa pag- usbong ng Rebolusyong Pranses kasama na ang pagtatapos nito. 3. Maaaring maglagay ng mga personalidad upang higit na maging malinaw ang timeline. 4. Basahin ang ginawang timeline sa harap ng klase at tanungin ang kanilang saloobin tungkol dito. 5. Gagamitin ang kasunod na rubric upang maging batayan ng pagmamarka sa ginawang timeline. TIMELINE RUBRIC Kategorya/ Pamantayan Pinakatama 4 MedyoTama 3 Malinaw 2 Malabo 1 Pamagat Epektibo, nakatatawag pansin at madaling maunawaan Epektibo at madaling maunawaan Simple at madaling maunawaan Walang pamagat Petsa Kumpleto ang petsa ng mga pangyayari, May kulang na 1-2 petsa ng mga May kulang na 3-5 petsa sa mga Hindi tiyak ang nawawalang mga
  • 292 Tiyak at tumpak ang lahat ng pangyayari pangyayari, May 2-3 mali o Malabo sa mga pangyayari pangyayari, mahigit sa lima ang hindi tiyak pangyayari,halos lahat ng pangyayari ay di tiyak Estilo at Organisasyon Sumasakop sa lahat ng mahahalagang panahon,tama at pare-pareho ang pagitan ng bawat taon/petsa Sumasakop sa lahat ng mahahalagang panahon, may 2-3 petsa sa panahon na hindi kapareho ang pagitan Sumasakop sa lahat ng mahahalagang panahon, nagtataglay ng 5 petsa/panahon na di pare- pareho ang pagitan Dalawa lamang ang nasasakop ng mahahalagang panahon, hindi pareho-pareho ang pagitan ng mga petsa/panahon Nilalaman Nagtataglay ng 11-15 pangyayaring kaugnay ng paksa Nagtataglay ng 8-10 pangyayaring kaugnay ng paksa Nagtataglay ng 6-7 pangyayaring kaugnay ng paksa Nagtataglay ng 5 lamang pangyayaring kaugnay ng paksa Layunin Malinaw at tiyak Malinaw ngunit mayroong mga ideyang di-tiyak Hindi malinaw Walang ibingay na layunin PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang ginampanan ni Napoleon Bonaparte sa pagkakaisa ng mga bansa sa Europa? 2. Paano sinakop ni Bonaparte ang iba’t ibang bansa sa Europa? 3. Bakit ninais ng mga pinuno sa Europa na ibalik ang pamahalaang monarkiya? 4. Paano isinakatuparan ang pagbabalik ng kapangyarihang monarkal sa Pransya? Katulad ba ito ng dating monarkiya? Ipaliwanag. Ang Rebolusyong Amerikano at Pranses ay nagkaroon ng malaking bunga sa kaayusang politikal ng mga bansa sa daigdig. Isang siglo matapos ang mga ito’y ramdam pa rin ang bakas ng mga ideyang ipinaglaban. Tuklasin ang halaga nito sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo.
  • 293 PAGSIBOL NG NASYONALISMO SA IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIG Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaring biglaan. Kailangan itong madama, paghirapan ng mga tao upang mahalin nila ang kanilang bansa. Sa iba, ang kahulugan nito ay damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba, kailangang isakripisyo pati ang buhay. Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mamamayan. Hangad ng mga tao na may ipagmalaki sila bilang isang bansa. Habang tumitindi ang kanilang paghahangad, higit nilang nararamdaman ang pagiging makabayan. Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba’t-ibang pamamaraan kung paano nadama ng mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang bansa, may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang damdamin na humahantong sa digmaan. Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanismong Griyego (Orthodox) kaya tinawag siyang Vladimir the Saint. Ika-13 siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Nag-iwan ng mga bakas sa pananalita, pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng pananakop. Naging tagapagligtas ng Russia si Ivan the Great, tumalo at nakapagbagsak sa mga Tartar sa labanan ng Oka.
  • 294 Paghimok ni Lenin sa mga kapwa-Ruso na pamunuan ng mamamayan ang bansa matapos mapatalsik ang czar. Ito ay naipinta ilang taon matapos ang nasabing pangyayari. Himagsikang Ruso Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang rebolusyon ng mga Ruso na naganap noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Bago nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang pinakamalaking burukrasya sa mundo. Kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya. Magsasakang nakatali sa lupa ang apat sa bawat limang Ruso, walang karapatan at laging nakabaon sa utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar. Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan upang pumunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Dahil sa paghihigpit ng pulisya, lumikas ang mga intelektwal na Ruso patungo sa kanlurang Europe at doon nila nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at Friedrich Engels. Nagtatag ang mga ito ng dalawang partido. Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan- sina Josef Stalin at Leon Trotsky-tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin ang dapat sundin ng Russia. Si Trotsky ang may paniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig. Samantala, ayon naman kay Stalin, hindi ito napapanahon dahil mahina pa ang Russia. Nagtagumpay si Stalin at napilitang tumakas si Trotsky. Nanirahan siya sa Mexico at doon namatay noong 1940. Pinasimulan ang October Revolution ng mga komunistang Soviet. Sa unang pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng Partido Komunista. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, sumanib ang bansa sa Alyado. Noong 1923, naging Soviet Union ang pangalan ng bansa. Namatay si Lenin at naghari si Stalin. Bakit pinaalis ng mga Ruso ang kanilang pinunong czar?
  • 295 Mapa ng South America na nasakop ng Spain at Portugal Nasyonalismo sa Latin America Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay pinamayanihan ng makabansang damdamin. May ilang mga tao ang nagkakamaling tawaging bansa ang Latin America. Hindi ito nakapagtataka. Maraming mga Latin Americans ang nagsasalita ng Espanyol at Katoliko Romano ang pananampalataya. Pagtapos makamit ng Estados Unidos ang kanilang kalayaan sa Great Britain, nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain. Nagkabuklod-buklod sila sa kanilang pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa pangangalakal. Nakatulong ang heograpiya ng Latin America sa pagpapaliwanag kung bakit ito umunlad bilang hiwa- hiwalay na bansa. Inihihiwalay ang Chile sa hanay ng Bundok Andes at ng Disyerto ng Atacama. Nakalubog ang Paraguay sa malalim na gubat. Nahahati ng mga talampas at bulkan ang Bolivia mula kanluran. Nahihiwalay sa isa’t-isa ang Colombia, Venezuela at Ecuador, ng mga bahagi ng Bundok Andes. Nakalilikha ng likas na hangganan ang malaking daanan ng ilog upang paghiwalayin ang mga bansa. Nakahiwalay ang Argentina sa Uruguay dahil sa Rio de Plata at mga bahagi nito. Ang Ilog Orinoci ang naging hangganan ng Colombia at Venezuela. Nasa timog Brazil ang pinakamalaking ilog sa daigdig, ang Amazon. Ang mga bundok, gubat, ilog at ang Dagat Caribbean ay nakatutulong na paghiwa- hiwalayin ang mga ito sa iba’t ibang bansa.
  • 296 Pagkakaiba ng Lahi Bilang Salik ng Nasyonalismo Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa Latin America tulad ng Argentina, Uruguay, Costa Rica at Chile. Ang populasyon ng iba- Ecuador, Peru, Bolivia at Paraguay ay halos American Indians. Sa Dominican Republic,itinuturing ang ibang lahi na mababang uri. Ang populasyon ng Brazil ay lahing Aprikano, Indian at mga nanggaling sa Portugal, France, Spain , Germany at Italy. Maraming Europeo ang naninrahan sa ibang bansang Latin America ngunit sa Brazil lamang nagkaroon ng pag-aasawahan ang iba’t-ibang lahi at nasyonalidad. Hindi tulad ng 13 kolonya sa Estados Unidos, nag-alsa ang mga kolonya ng mga Espanyol sa iba’t ibang panahon at sa ilalim ng iba’t ibang pinuno. Nais ng mga bagong republika na mabigyang –halaga ang kanilang naiambag gayundin ang kanilang mga bayani. Sa Latin America gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahas sa mga katiwalian ng monarkiya laban sa republika. Nagbigay-diin ito sa mga pagkakaiba ng mga Latin Amerikanong bansa. Maraming himagsikan ang nagpasiklab sa kanilang pambansang pagkamuhi. Ang mga Creole Tinatawag na Creole ang mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo. Minamaliit ang mga bansang Latin America na creole ang populasyon, tulad ng Argentina na may populasyong Indian at iba’t- ibang lahi. Sa magkahalong populasyon, kasama ang mga mestizo (Espanyol at Indian), zambo (Indian at ibang lahi) at mulatto (puti at ibang lahi). Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa mga bansang Latin America. Halos lahat ng Latin Amerikano ay nagsasalita ng Espanyol. Ngunit ang mga taga-Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang mga taga-Haiti ay nagsasalita ng Pranses at maraming Indian ang nagsasalita ng kanilang katutubong wika.
  • 297 Mga Sagabal sa Nasyonalismo Maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Latin America. Naging pansarili ito kaya maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok sa mga makabayang pag-aalsa noong nagsimula ang ika-19 na siglo. Pinaghati-hati ng mga haring Espanyol sa kanilang mga paborito ang malalaking lupain at nagsisilbi lamang sa mga estado ng mga maharlikang Espanyol. Marami ang nakabaon sa utang kaya sila’y nanatiling nakatali sa lupa at sa pagkakaalipin. Nakilalang peones ang mga taong ito. Ito ang uri ng piyudalismong umunlad sa Latin America at nakasagabal sa kanilang nasyonalismo. Sa mga bansang Latin Amerikano, napabayaan ang nasyonalismo sapagkat matagal na panahon bago nagkaroon ng panggitnang uri ng lipunan. Itinuturing na mababang uri ng gawain ang pangangalakal o iba pang gawain. Higit na mahalaga sa kanila ang pag-aari ng lupa, kaya marami sa kanila ang mahihirap. Pumunta ang mga Espanyol sa Bagong Daigdig hindi upang magtayo ng tahanan o magparami ng pamilya kundi upang magkamit ng kayamanan. Maraming mga Indian ang pinilit na maghanap ng ginto sa mga minahan ng Mexico at Peru. Ang katutubong tao sa Peru, Ecuador at Bolivia ang tumira sa bundok upang malayo sa pamamahala ng banyaga. Bakit itinuturing na mahalaga ang pagkakaroon ng panggitnang-uri ng lipunan sa pag-usbong ng nasyonalismo? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ __________________________________________________
  • 298 Si Bolivar- ang Tagapagpalaya Isang creole na nagngangalang Simon Bolivar ang nagnais na palayain ang Timog Amerika laban sa mga mananakop. Siya ay si Simon Bolivar. Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa mga nasimulan ni Francisco de Miranda, isang Venezuelan. Ang huli ay nag-alsa laban sa mga Espanyol noong 1811 ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo ang kalayaan ng Venezuela mula sa Spain. Noong 1816, namatay na may sama ng loob si Miranda sa isang bartolina ng mga Espanyol. Matapos nito’y pinamunuan ni Bolivar ang kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng Timog Amerika. Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat niya ang mga Espanyol nang magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Ang tagumpay niya ay humantong sa pagtatatag ng Great Colombia (ang buong hilagang pampang ng South America). Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator at pagkatapos, naging pangulo. Limang taon ang nakalipas, tinalo ng kaniyang heneral, si Antonio Jose de Sucre, ang mga Espanyol sa labanan ng Ayacucho sa Peruvian Andes. Kung si Bolivar ang naging bayani sa South America, si Jose de San Martin (1778-1850) naman ang sumunod sa pagtataboy sa mga Espanyol sa Argentina. Katulad din ni Bolivar, namuno si San Martin sa kaniyang grupo sa Andes. Tumulong ito sa liberasyon ng Chile, gayundin sa Peru. Mayroon din siyang heneral na tulad ni Bernard o’Higgins, isang Chileno. Naging malungkot ang mga huling taon ng buhay ni Bolivar. Maraming tao ang naghinala na nais niyang maging diktador. Binalak naman ng iba na patayin siya. Nasira ang kanyang pangarap na magtayo ng isang nagkakaisang South America nang mahati ito sa tatlong republika- ang Venezuela, Colombia at Ecuador.
  • 299 Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa Ang Demokrasya at Nasyonalismo sa Latin America Maraming pinuno ang Latin America na gumawa ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng demokrasya na sinalungat naman ng mga diktador. Halimbawa, si Nivadavia, isang pinuno sa Argentina mula noong 1820 hanggang 1827, ang nagtaguyod ng edukasyon, nagsikap na matamo ang karapatang bumoto para sa lahat at gumawa ng paraan upang magkaroon ng makatarungang sistemang legal. Nawalan ng saysay ang mga ito dahil sa pananakot, pagpapahirap, katiwalian at mga pagpatay na isinagawa ni Juan Manuel de Rosas, ang sumunod na namahala sa Argentina hanggang 1852. Ang Sahara ang naghihiwalay sa Black at Caucasoid Africa. Ang mga kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy ang sinasabing unang tao sa Africa. Naitaboy sila ng mga higit na maunlad na mga lahing Itim sa kanluran at mga Bantu sa silangan. Hindi naglaon, nakipamuhay sila sa mga Bushman at Pygmy. Binuo ang mga lahing Puti ng mga mangangalakal na Arab,mga Asyano at mga Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang masalimuot. Samantalang ang Puting minorya (dalawang bahagdan ng populasyon) ay nagtatamasa sa kayamanan ng Africa, ang nakararaming lahing Itim (98 bahagdan ng populasyon) ay naghihirap. Pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang ekonomiya ayon sa kanilang sariling kapakanan. Nagtayo sila ng mga daang bakal at industriya upang mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mananakop ang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad. Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa- Ethiopia, Liberia at Republika ng South Africa. Sinasabing nagsimula ang una sa pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang ikalawa noong 1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng Estados Unidos ang kabisera na Monrovia. Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations ang ikatlo noong 1910.
  • 300 Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan. May mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi. Lumaya ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau noong 1975. Bakit pagkaraan lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumaganap ang nasyonalismo sa Africa? Mayaman ang kasaysayan at kultura ng Africa
  • 301 Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektuwal sa Paglinang ng Nasyonalismo Ang nasyonalismo, bagaman masalimuot na damdamin, ay nag-uugat sa pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng pilosopo at namulat sa katotohanan na ang bawat tao ay isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya at maging maligaya. Ang pagkakaroon ng kamalayang sila pala ay nasisikil ang nagbubunga ng pagnanais na wakasan ang pang-aapi ng mga mananakop. May mga bansang nakamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan subalit maraming nagbuwis ng buhay upang lumaya tulad ng mga Pilipino, Amerikano, Hindu at iba pa. Ang pagnanais na makamtan ang kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa mamamayan upang magkaisa sa pagkakamit ng layunin . Nakahanda silang magbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban. SANGGUNIAN: Kasaysayan ng Daigdig (Vivar et al.) pp 234-241 GAWAIN 8: Maalaala Mo Kaya ? Panuto: Tukuyin ang konsepto, personalidad o pangyayaring hinihingi sa bawat bilang. Ang initial letter ay ibinigay na bilang iyong gabay. S_______B______ 1. Siya ang tinaguriang ‘Tagapagpalaya ng Timog Amerika’. C_______________2. Tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahingEuropeo. N_______________ 3. Tumutukoy sa digmaang ipinangalan sa isang heneral na Pranses naglalayong magpakilala ng kaisipang rebolusyunaryo sa kabuuan ng Europa. L_______________ 4. Haring iniluklok sa Pransya matapos magapi ang puwersa ni Napoleon Bonaparte. M______R_______ 5. Siya ang pinakamabisa at aktibong miyembro ng Committee of Public Safety na nagtanggol laban sa mga nagtatangkang buwagin ito. T______J_______ 6. Siya ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika B______________ 7. Ang kulungang ito ay sumisimbolo sa kapangyarihang monarkal ng Pransya.
  • 302 J_____S________ 8.Humalili kay Vladimir Lenin bilang pinuno ng USSR sa kaniyang kamatayan. P______________ 9. Sila ang naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano laban sa mga British.. N____________ 10. Masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang kaniyang kalayaan, karangalan at karapatan. Pamprosesong Tanong 1. Paano nakaapekto ang Rebolusyong Intelektuwal sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo? 2. Ano ang ginampanan ng mga kaisipang radikal sa Rebolusyong Ruso? 3. Paanong nakatulong ang wikang Latin at relihiyong Katolisismo sa pag- usbong ng damdaming nasyonalismo sa Latin America? 4. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Africa? Patunayan ang iyong sagot. 5. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig, kailan nadarama ang nasyonalismo? 6. Ikaw, paano mo naipakikita ang iyong pagkamakabayan? Magbigay ng halimbawa. GAWAIN 9: WHO’S WHO IN THE REVOLUTION? Personality and History (GROUP DYNAMICS) Panuto: Upang higit mong makilala ang mga personalidad na malaki ang ginampanan sa Rebolusyong Politikal sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, hanapin ang sumusunod gamit ang internet. Bukod sa larawan ay hanapin ang talambuhay ng mga personalidad na itinakda sa inyong pangkat. Humanap ng mga kawili-wiling bahagi ng kanilang buhay na maaaring ikuwento sa klase . Kayo ay bibigyan ng pagkakataong iulat ang mga impormasyong nakalap sa klase. Makikita sa ibaba ang mga personalidad na inyong hahanapin. Pangkat I- Patrick Henry Thomas Jefferson Pangkat II- Napoleon Bonaparte Camille Desmoulins Pangkat III- Vladimir Lenin Josef Stalin Pangkat IV- Simon Bolivar Jose de San Martin
  • 303 Rubric para sa Presentasyon Criteria Natatangi 4 puntos Mahusay 3 puntos Medyo Mahusay 2 puntos Hindi Mahusay 1 puntos Kaalaman sa paksa Kalidad ng mga impormasyon o ebidensiya Kaalaman sa kontekstong pangkasaysayan Istilo at pamamaraan ng presentasyon Kabuuang Marka Pamprosesong Tanong 1. Ibigay ang mga bagong impormasyong iyong nalaman sa gawaing isinagawa? 2. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa mo ang talambuhay ng mga personalidad na sangkot sa rebolusyon? 3. Paano isinakatuparan ng mga taong ito ang mga radikal na ideya sa kanilang bansa. 4. Sa iyong palagay lubusan bang naisakatuparan ng mga personalidad na ito ang kanilang naisin? Pangatuwiranan. 5. Kung ikaw ang nasa kanilang posisyon, gagawin mo din ba ang kanilang ginawa? Bakit oo? Bakit hindi? Balikan ang iyong mga sagot sa unang gawain tungkol sa pagsusuri ng awit, subukin muling sagutan ang mga katanungan. 6. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng iyong kasagutan ? 7. Higit bang naging malinaw ang kaugnayan ng awit sa aralin? Bakit? 1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng may-akda ng awit? 2. Sino ang kinakausap ng may-akda ng awit? 3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy?Bakit kaya ninanais ng may-akda na baliktarin ang tatsulok? 4. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit? 5. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito ukol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong ideya.
  • 304 GAWAIN 10: Hagdan Ng Karunungan … Panuto: Punan ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging refined ang iyong nalalaman tungkol sa tanong. Mahusay mong natapos ang bahaging Paunlarin sa Aralin 3. PAGNILAYAN AT UNAWAIN Naunawaan mo ba ang mga konsepto at ideyang tinalakay sa araling ito? Kung hindi ay malaya kang magtanong sa iyong guro at kapwa-mag-aaral upang higit mong maunawaan ang Aralin 3. Kung oo, isang pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo. Ngayong mayroon ka nang sapat na kaalaman sa ugnayan ng rebolusyong pangkaisipan sa rebolusyong politikal at ang implikasyon nito sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo, napapanahon na upang palalimin ang iyong kaalaman sa paksang ito. Inaasahan din na sa bahaging ito’y kritikal mong masusuri ang mga kaisipang may kinalaman sa paksa. Isang batikang mananalaysay na nagngangalang Dr. Jaime Veneracion ang nagsabi na sa pag-aaral ng kasaysayan ay mahalagang maunawaan hindi lamang ang pangyayari kundi pati ang ugnayan ng panahon at pangyayari. Ginamit niya ang terminong ‘spirit of the time’ upang ilarawan ang ‘esensya ng isang panahon’ at ang kwentong pumapaloob dito. Kailangang lubusang maunawaan ang ‘pangyayari at panahon’ kung ang nais ay makuha ang aral ng kahapon. FINAL REFINED D INITIAL Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses?
  • 305 GAWAIN 11: KUWENTONG MAY KUWENTA (Tanungin mo sila…) Panuto: Kapanayamin ang isa o dalawang taong nakilahok na sumama sa EDSA Revolution noong 1986 (EDSA I). Maaaring ito ay iyong lolo o lola, magulang, tiyo o tiya, guro, kapitbahay, malayong kamag-anak o kakilala. Maaaring idokumento ang panayam gamit ang video camera o anumang electronic gadget na makatutulong sa pagkuha ng impormasyon kaugnay ng pangyayari. Itanong sa kanila ang sumusunod na mga tanong na magiging gabay sa pakikipanayam. 1. Ano po ang dahilan ng pagsama ninyo sa EDSA I? 2. Mayroon po bang pumilit sa inyo na sumama o ito ay kusang-loob ninyong desisyon? 3. Ano po ang naging karanasan ninyo sa pagsama rito? Maaari po bang ikuwento ninyo? 4. Nakuha po ba ang inyong ipinaglalaban (kung meron man) sa pagsali sa EDSA ? 5. Kung bibigyan po kayo ng pagkakataon, uulitin po ba ang ninyo ang pagsama dito? Ipaliwananag. Ibahagi sa klase ang iyong dokumentaryo o impormasyong nakalap.Ikaw ay mamarkahan gamit ang kasunod na rubric. * May kalayaan ang mga mag-aaral kung ito ay isasagawa ng indibidwal o pangkatan. Rubric Para sa Presentasyon Criteria Natatangi 4 puntos Mahusay 3 puntos Medyo Mahusay 2 puntos Hindi Mahusay 1 puntos Kaalaman sa paksa Kalidad ng mga impormasyon o ebidensiya Kaalaman sa kontekstong pangkasaysayan Estilo at pamamaraan ng presentasyon Kabuuang Marka
  • 306 PAMPROSESONG TANONG 1. Sino ang taong iyong nakapanayam tungkol sa itinakdang paksa? 2. Batay sa iyong nakalap na impormasyon, ano ang naging karanasan ng iyong kinapanayam sa kaniyang pagsama sa EDSA I? 3. Nakita o naramdaman mo ba ang ‘katuwaan, kasiyahan o kalungkutan na ipinakita ng iyong kinapanayam? 4. Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay nakikinig sa iyong kinapanayam? 5. Ibigay ang iyong natutuhan mula sa kuwentong iyong narinig mula sa kinapanayam. GAWAIN 12: LESSON CLOSURE : A Good Ending Panuto: Punan ang lesson closure note. Tiyaking maging tapat at sinsero sa pagsulat ng mga impormasyon. LESSON CLOSURE Sa araling Pagsibol ng Nasyonalismo… Isa sa mahalagang kaisipan ay… Ito ay mahalaga sapagkat… Isa pang mahalagang ideya ay… Nararapat itong tandaan dahil… Sa pangkabuuan… GAWAIN 13: Pangako Sa’yo (Reflection Journal) GAWAIN 14: Hagdan Ng Karunungan … Panuto: Punan ng sagot ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging “final” ang iyong nalalaman tungkol sa tanong. Pagkatapos ng aralin, ikaw ay hinahamong magbigay ng panata na isasabuhay ang pagiging mapagmahal sa bayan o isasabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo.  Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bukod sa pagbili ng mga produktong Pilipino?  Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata ang isabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo?
  • 307 Mahusay mong naisakatuparan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain sa Aralin 3. ILIPAT AT ISABUHAY Narating mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. Sa puntong ito nais kong unawain mong mabuti ang bahaging gagampanan mo sa pagtatagumpay ng gawain. Sa gawaing ito ay masusukat natin ang iyong tinamong kaalaman sa mga nakaraang aralin. Ang iyong gawain ay mamarkahan gamit ang rubrics. Gallery Walk/ Every Child A Tour Guide Magsasagawa kayo ng isang open exhibit tungkol sa mga kaganapan at naging pamana ng mga pangyayaring nagbunsod sa transpormasyon ng daigdig tungo sa makabagong panahon. Gawin ito nang pangkatan lalo na sa bahagi ng paghahanda ng mga gagamitin para sa exhibit. Maaaring ninyong gamitin ang mga ginawang poster, editorial cartoon, collage, at biograpiya ng mga indibidwal na bahagi ng aralin sa nakalipas na mga gawain. Kung madadagdagan pa ito ng iba pang pwedeng iexhibit ay gawin ito. Kung may gamit para sa audio-visual na presentasyon at marunong lumikha ng multi-media presentation ay maaari din isama ito sa exhibit. Magtatalaga ang grupo ng mga tagapagpaliwanag o curator tungkol sa mga larawan o bagay na kanilang ieexhibit. Bibigyang-diin nang bawat pangkat ang naging implikasyon ng mga kaganapan at pamanang ito sa pamumuhay, komunidad at bansa ng daigdig. FINAL REFINED D INITIAL Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses?
  • 308 Ang gawaing ito ay mamarkahan gamit ang rubric. Panukatan Pinakamahusay (4) Higit na Mahusay (3) Mahusay (2) Di Mahusay (1) Presentasyon Nagpamalas ng pagkamalikhain, kahandaan, kooperasyon at kalinawan sa presentasyon ang pangkat Nagpamalas ng 3 sa 4 na kahusayan sa pagtatanghal Nagpamalas ng 2 lamang sa 4 na kahusayan ng pagtatanghal Isa lamang ang naipamalas na kahusayan sa pagtatanghal Nilalaman May tuwirang kaugnayan sa pananaw batay sa pamantayan tulad ng orihinal, pagkakabuo, pagkakaugnay ng ideya at makatotohanan ang mga ipinakita sa exhibit. Naipamalas ang 3 sa 4 na pamantayan Naipamalas ang 2 sa 4 na pamantayan Isa lamang sa 4 na pamantayan ang naipamalas Pangkalahatang Impak Sa kabuuan ng presentayon, nag-iwan tumpak na mensahe, nakahikayat ng nagmasid, positibong pagtanggap at maayos na reaksyon ng mga nagmasid. Tatlo sa apat na pamantayan ang naisagawa Dalawa sa apat na pamantayan ang naipamalas Isa lamang sa 4 na pamantayan ang naipamalas Transisyon sa susunod na modyul Binigyang-diin sa aralin na ito ang mga dahilan, paraan, patakaran at epekto ng Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Tinalakay rin ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, Rebolusyong Industriyal, Rebolusyong Pampulitika at Panlipunan, at maging ang pagsibol ng Nasyonalismo sa iba’t ibang panig ng Daigdig. Ang mga kaganapan at pamanang iniwan ng mga pangyayaring ito ay nagdulot ng transpormasyon ng daigdig tungo sa makabagong panahon. Subalit hindi dito natapos ang mga Suliranin at Hamon ng daigdig tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa at Kaunlaran. Ang mga kaganapan sa bahaging ito ng Kasaysayan ng ating daigdig ay iyong matutunghayan sa susunod na modyul.
  • 309 Talasalitaan Absolute monarchy- Uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ay hindi nalilimitahan ng sinuman Bourgeoisie- Panggitnang uri o middle class na binubuo ng negosyante, banker, may-ari ng pantalan o daungan at mga kauri nito Enlightenment- Kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang ‘agham’ sa pagsagot sa mga suliraning ekonomikal, politikal at maging kultural French Revolution- Rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses na naglayong magkaroon ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at kalayaan. Geocentrism- Paniniwala noong panahong Medieval na ang Daigdig (Earth) ay ang sentro ng solar system Heliocentrism- Paniniwalang ang araw ang sentro ng solar system Humanismo- Isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. Humanista ang taong tumatangkilik sa ideyang ito. Imperyalismo- Pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit at iba pang pamamaraan upang maisakatuparan ang layunin Industriyalisasyon- Pagbabagong pang-ekonomiya na unang naranasan sa England na gumamit ng mga makinarya kaya nagkaroon ng mabilisang produksyon. Kolonyalismo- Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang Bansa Kontra-Repormasyon- Kilusang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko na naglalayong panumbalikin ang tiwala ng mga mananampalataya sa Kristyanismo partikular sa Katolisismo Laissez faire- Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya at hindi nararapat na pakialaman ng pamahalaan Merkantilismo-Patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sa pag-iipon ng
  • 310 mahahalagang metal tulad ng ginto at tanso Monarchy- Uri ng pamahalaang pinamumunuan ng hari, reyna at mga kauri nito Napoleonic Wars- Digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na naglayong pag-isahin ang buong Europa Nasyonalismo- Damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan Nation-state- Terminong pampolitika na tumutukoy sa isang teritoryo na pinananahanan ng mga mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan at napasasailalim sa isang pamahalaan. Philosophes- Grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng Enlightenment na naniniwalang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspeto ng buhay Physiocrats –Mga taong naniniwala at nagpalalaganap ng ideyang ang lup ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman Rebolusyon- Nangangahulugan ng mabilis, agaran at radikal na pagbabago sa isang lipunan Renaissance- Tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng Greece na sumibol sa bansang Italya Repormasyon- Kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma sa Simbahang Katoliko. Ito ay katawagan din sa mga kaganapan na yumanig sa Kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon na humantong sa pagkakahati ng simbahang Kristiyano.
  • 311 Sanggunian A.Aklat Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 185 – 186 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p.189 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp.209-211 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 214 -216 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 219-220 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp.244-245 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 254 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 211-213 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 213 - 214 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 215 - 216 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p. 217 - 218 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 294 Kasaysayan ng Daigdig ni Teofisto Vivar et al (pp. 228-230) Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et al (pp. 262-266) Kasaysayan ng Daigdig (Vivar, T. et al) pp. 222-225 World History: Connections to Today (Discovery Channel School) World History: Patterns of Interactions (Beck, R. et al) pp 552-553 World History: Connections to Today (Discovery Channel School) Source: General James Rusling, “Interview with President William McKinley,” The Christian Advocate 22 January 1903, 17. Reprinted in Daniel Schirmer and Stephen Rosskamm Shalom, eds., The Philippines Reader (Boston: South End Press, 1987), 22–23.
  • 312 B. Modules Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 10 Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 14 Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 13 Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15