SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
Tilamsik ng Sining …. Kapayapaan
(bahagi lamang)
ni Magdalena O. Jocson
Pilipinas, mapalad ka sa muling pagsilang. Ang panahon ng kababalaghan ay
hindi pa lumilipas. Hindi ang kababalaghan ng panandaliang lunas kundi ang
kababalaghan ng masidhing pagbabagong-bihis na dumatal sa puso ng bawat Pilipino.
Ang lahing kayumanggi ay may bago nang pagkakilala sa sarili.
Sa bawat pag-aasam natin ng kapayapaan, maraming nagsisilbing daan upang
ganap na magkaroon ito ng katotohanan.
Nariyan ang armas na pakikibaka, tilamsik ng panulat, maramdamin at
makabayang awitin, matatalim na pananalita na lubhang parang lason at apoy na
kumakalat sa buong sambayanan. Hindi pahuhuli ang maindayog at makabuluhang
pagsasayaw na sa bawat kampay at tikwas ng mga daliri sa kamay at galaw ng buong
katawan ay pilit na ipinararating ang diwang nais ipahiwatig. Isama pa natin ang iba't
ibang guhit sa kanbas, mga lilok mula sa kahoy, mga maniking pilit na binubuhay sa
pamamagitan ng mga hugis sa metal at iba pa. Lahat ng binanggit ay nagsilbing tulay
upang ang kapayapaan mula sa magigiting nating mga bayani sa panahon ng mga
Raha, sa panahon ng mga propagandista at rebolusyunaryo at higit sa lahat sa
panahon ng SAMBAYANANG PILIPINO, hindi abot-tanaw lamang ang pagkakamit ng
kalayaan kundi isang nagpupumiglas na katotohanan na mayayakap na natin siya.
Dalawang makasaysayang pangyayari ang nagpatunay na ang mga Pilipino ay
mga tao sa mundo na gumamit ng mga mapayapang paraan hindi ang paggamit ng
tabak o baril ang magiging kasagutan upang makamit ang tinatawag na kalayaan.
Makapangyarihang aspekto ang sining na magpahatid ng adhikaing makamtan ang
kapayapaan sa bagong siglo.
Ayon nga kay Lord Macaulay, "Ang sining ay isang panggagagad." May ibig na
tuklasin. At ang ibig tuklasin nito ay ang bumabalot na GANDA sa isang likha ng tao, na
maghatid ng damdamin, kaalaman at kagandahang-asal ng isang tao. Papaano ba
nakamit ng ating mga ninuno ang kapayapaan sa bawat balangay na sinasakupan nila.
Ito ay sa tulong ng sining. Ang Umalohokan ang buong husay na naghahatid ng mga
mensaheng kailangan ng bawat mamamayang Pilipino. Siya ang isa sa nagbabadya ng
pagkakaroon ng panganib ng pagkawala ng kapayapaan. Maririnig din ang tunog ng
tambuli na isa sa mga etnikong instrumento ng ating bansa upang bigyang babala ang
mga mamamayan sa haharaping panganib. May kasabihan ngang ang mga Pilipino ay
inugoy sa duyan ng mga berso at ito ay napatunayan sa pamamagitan ng mga awiting-
bayan.
Sa pag-aasam pa rin ng kapayapaan, ginamit ni Rizal at ng iba pang
propagandista tulad nina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena ang tilamsik ng
kanilang panulat at tapang ng dila upang ipahayag ang tunay na nararamdaman ng
mga Pilipino sa pagtatamo ng kapayapaan na pilit na sinasagka ng mga Insulares at
Peninsulares.
Taliwas naman ang paniniwala ni Bonifacio na kailangan ang isang armadong
pakikibaka hindi lamang ang bagsik ng panulat upang makamit ang tawag na
kapayapaan. Kaya't sa pag-aalimpuyo ng kaniyang damdamin, masining niyang isinulat
at ipinarinig ang tula niya tungkol sa "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" na gumising sa
natutulog na damdamin ng mga Pilipino noong panahong iyon.
Tila walang pagod ang sining na magbigkis sa pagtatamo ng kapayapaan. Sa
bawat tilamsik ng kanyang layunin na maisagawa ang isang makabuluhang bagay, pilit
na para siyang ibon na iigkas at hahawarin ang lahat ng balakid sa kanyang landas
tungo sa KAPAYAPAAN.
Gayunpaman, taong 1986, ng ang mga mamamayang Pilipino ay buong giting na
nakipaglaban sa diktador. Napatalsik ang diktador at nailuklok ang isang babae na
siyang naging daan upang ang inaasam na pagbabago sa ganap na kapayapaan ay
makamit na.
Narinig natin ang maramdaming panawagan ng mga taong may malaking
malasakit upang iligtas ang bansa sa kumunoy ng pagkakadapa. Mahuhusay na paraan
ng pagsasalita ang maririnig sa radyo, napapanood sa telebisyon, masasaksihan ng
aktwal sa itinayong tanghalan sa makasaysayang EDSA ang tamis ng bawat pananalita
ng buong SAMBAYANAN. Mga awit na punung-puno ng damdamin para sa bayan.
Ginampanan ito ng mga alagad sa sining mula artista sa pelikula, mga mang-aawit,
ordinaryong mamamayan, elitista, masa, bata, matanda na buong pagpupugay na
ibinigay ang kakayahan nila sa pagnanasa ng pagkakaroon ng kapayapaan.
Nagtanghal din ng ilang madudulang bahagi ng kasaysayan na pilit nating binabaka
ngunit nagpapatunay naman ng ating kagitingan.
Mula sa dahon ng People Power I, umusbong muli ang People Power II. Muli,
ang bida ay ang SAMBAYANANG PILIPINO. Sa pamamagitan ng kanilang malikhaing
pagtatanghal ng iba't ibang uri ng sining, muling nagtali ang pusod ng bawat
mamamayan na muling nangulila sa tawag ng KAPAYAPAAN. Nanguna ang ilan nating
mga artista sa pelikula, artista sa pulitika, artista ng tahanan, artista ng paaralan, artista
ng kalsada, artista ng simbahan at artista ng SAMBAYANAN na hadlangan sa
ikalawang pagkakataon ang sinumang pilit na pinapatay ang kalayaan at kapayapaan
ng bansa. Nagkaroon ng kaganapan ang Vox populi, Vox Dei. Ang tinig ng Diyos ay
ang tinig ng bayan.
Huwag tayong malungkot at mangamba, kapayapaan ay nakangiti sa Perlas ng
Dagat Silangan. At sa bawat tilamsik ng sining, sandata itong nagbabantay upang ang
kapayapaan sa kasalukuyan at sa darating pang mga taon ay hindi na maaagaw at
pagsasamantalahan ng mga makasariling mamamayan nito.

More Related Content

What's hot

Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
faithdenys
 

What's hot (20)

Ang parabula ng banga
Ang parabula ng bangaAng parabula ng banga
Ang parabula ng banga
 
Sektor ng Agrikultura
Sektor ng AgrikulturaSektor ng Agrikultura
Sektor ng Agrikultura
 
Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar  Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar
 
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Alegorya ng yungib pagsusuri
Alegorya ng yungib pagsusuriAlegorya ng yungib pagsusuri
Alegorya ng yungib pagsusuri
 
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng PagkakataonSi Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Tanka at haiku
Tanka at haikuTanka at haiku
Tanka at haiku
 
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita RitoFilipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita Rito
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIAMITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
 
Rama at sita
Rama at sitaRama at sita
Rama at sita
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
 

Similar to Tilamsik ng sining

tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
PrinceAirolSolmayor
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Mae Garcia
 

Similar to Tilamsik ng sining (20)

tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
 
BALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptxBALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptx
 
Mharicor spbigkas
Mharicor spbigkasMharicor spbigkas
Mharicor spbigkas
 
Mga Awitang Bayan
Mga Awitang BayanMga Awitang Bayan
Mga Awitang Bayan
 
Panitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunan
Panitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunanPanitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunan
Panitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunan
 
Mga uri ng tula
Mga uri ng tulaMga uri ng tula
Mga uri ng tula
 
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 
Kabanata 3 Dulaang Pilipino.pptx
Kabanata 3 Dulaang Pilipino.pptxKabanata 3 Dulaang Pilipino.pptx
Kabanata 3 Dulaang Pilipino.pptx
 
Mga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula aMga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula a
 
Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
 
Region 3 tulang tagalog
Region 3 tulang tagalogRegion 3 tulang tagalog
Region 3 tulang tagalog
 
Panitikan ng Bagong Lipunan (Never Again)
Panitikan ng Bagong Lipunan (Never Again)Panitikan ng Bagong Lipunan (Never Again)
Panitikan ng Bagong Lipunan (Never Again)
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Panahon ng-hapon
Panahon ng-haponPanahon ng-hapon
Panahon ng-hapon
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
 

More from PRINTDESK by Dan

More from PRINTDESK by Dan (20)

MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKMGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
 
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEGENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
 
DepEd Mission and Vision
DepEd Mission and VisionDepEd Mission and Vision
DepEd Mission and Vision
 
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEEARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
 
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEGENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
 
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
 
21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world
 
The Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessThe Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The Goddess
 
Kultura ng taiwan
Kultura ng taiwanKultura ng taiwan
Kultura ng taiwan
 
MGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYANMGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYAN
 
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerA control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
 
Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
 
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialUnit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
 
Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4
 
Branches of biology
Branches of biologyBranches of biology
Branches of biology
 
Basketball
BasketballBasketball
Basketball
 
Babasit
BabasitBabasit
Babasit
 

Recently uploaded

AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
jaysonvillano
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
niquomacarampat2
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 

Recently uploaded (20)

AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 

Tilamsik ng sining

  • 1. Tilamsik ng Sining …. Kapayapaan (bahagi lamang) ni Magdalena O. Jocson Pilipinas, mapalad ka sa muling pagsilang. Ang panahon ng kababalaghan ay hindi pa lumilipas. Hindi ang kababalaghan ng panandaliang lunas kundi ang kababalaghan ng masidhing pagbabagong-bihis na dumatal sa puso ng bawat Pilipino. Ang lahing kayumanggi ay may bago nang pagkakilala sa sarili. Sa bawat pag-aasam natin ng kapayapaan, maraming nagsisilbing daan upang ganap na magkaroon ito ng katotohanan. Nariyan ang armas na pakikibaka, tilamsik ng panulat, maramdamin at makabayang awitin, matatalim na pananalita na lubhang parang lason at apoy na kumakalat sa buong sambayanan. Hindi pahuhuli ang maindayog at makabuluhang pagsasayaw na sa bawat kampay at tikwas ng mga daliri sa kamay at galaw ng buong katawan ay pilit na ipinararating ang diwang nais ipahiwatig. Isama pa natin ang iba't ibang guhit sa kanbas, mga lilok mula sa kahoy, mga maniking pilit na binubuhay sa pamamagitan ng mga hugis sa metal at iba pa. Lahat ng binanggit ay nagsilbing tulay upang ang kapayapaan mula sa magigiting nating mga bayani sa panahon ng mga Raha, sa panahon ng mga propagandista at rebolusyunaryo at higit sa lahat sa panahon ng SAMBAYANANG PILIPINO, hindi abot-tanaw lamang ang pagkakamit ng kalayaan kundi isang nagpupumiglas na katotohanan na mayayakap na natin siya. Dalawang makasaysayang pangyayari ang nagpatunay na ang mga Pilipino ay mga tao sa mundo na gumamit ng mga mapayapang paraan hindi ang paggamit ng tabak o baril ang magiging kasagutan upang makamit ang tinatawag na kalayaan. Makapangyarihang aspekto ang sining na magpahatid ng adhikaing makamtan ang kapayapaan sa bagong siglo. Ayon nga kay Lord Macaulay, "Ang sining ay isang panggagagad." May ibig na tuklasin. At ang ibig tuklasin nito ay ang bumabalot na GANDA sa isang likha ng tao, na maghatid ng damdamin, kaalaman at kagandahang-asal ng isang tao. Papaano ba nakamit ng ating mga ninuno ang kapayapaan sa bawat balangay na sinasakupan nila. Ito ay sa tulong ng sining. Ang Umalohokan ang buong husay na naghahatid ng mga mensaheng kailangan ng bawat mamamayang Pilipino. Siya ang isa sa nagbabadya ng pagkakaroon ng panganib ng pagkawala ng kapayapaan. Maririnig din ang tunog ng tambuli na isa sa mga etnikong instrumento ng ating bansa upang bigyang babala ang mga mamamayan sa haharaping panganib. May kasabihan ngang ang mga Pilipino ay inugoy sa duyan ng mga berso at ito ay napatunayan sa pamamagitan ng mga awiting- bayan. Sa pag-aasam pa rin ng kapayapaan, ginamit ni Rizal at ng iba pang propagandista tulad nina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena ang tilamsik ng kanilang panulat at tapang ng dila upang ipahayag ang tunay na nararamdaman ng mga Pilipino sa pagtatamo ng kapayapaan na pilit na sinasagka ng mga Insulares at Peninsulares.
  • 2. Taliwas naman ang paniniwala ni Bonifacio na kailangan ang isang armadong pakikibaka hindi lamang ang bagsik ng panulat upang makamit ang tawag na kapayapaan. Kaya't sa pag-aalimpuyo ng kaniyang damdamin, masining niyang isinulat at ipinarinig ang tula niya tungkol sa "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" na gumising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino noong panahong iyon. Tila walang pagod ang sining na magbigkis sa pagtatamo ng kapayapaan. Sa bawat tilamsik ng kanyang layunin na maisagawa ang isang makabuluhang bagay, pilit na para siyang ibon na iigkas at hahawarin ang lahat ng balakid sa kanyang landas tungo sa KAPAYAPAAN. Gayunpaman, taong 1986, ng ang mga mamamayang Pilipino ay buong giting na nakipaglaban sa diktador. Napatalsik ang diktador at nailuklok ang isang babae na siyang naging daan upang ang inaasam na pagbabago sa ganap na kapayapaan ay makamit na. Narinig natin ang maramdaming panawagan ng mga taong may malaking malasakit upang iligtas ang bansa sa kumunoy ng pagkakadapa. Mahuhusay na paraan ng pagsasalita ang maririnig sa radyo, napapanood sa telebisyon, masasaksihan ng aktwal sa itinayong tanghalan sa makasaysayang EDSA ang tamis ng bawat pananalita ng buong SAMBAYANAN. Mga awit na punung-puno ng damdamin para sa bayan. Ginampanan ito ng mga alagad sa sining mula artista sa pelikula, mga mang-aawit, ordinaryong mamamayan, elitista, masa, bata, matanda na buong pagpupugay na ibinigay ang kakayahan nila sa pagnanasa ng pagkakaroon ng kapayapaan. Nagtanghal din ng ilang madudulang bahagi ng kasaysayan na pilit nating binabaka ngunit nagpapatunay naman ng ating kagitingan. Mula sa dahon ng People Power I, umusbong muli ang People Power II. Muli, ang bida ay ang SAMBAYANANG PILIPINO. Sa pamamagitan ng kanilang malikhaing pagtatanghal ng iba't ibang uri ng sining, muling nagtali ang pusod ng bawat mamamayan na muling nangulila sa tawag ng KAPAYAPAAN. Nanguna ang ilan nating mga artista sa pelikula, artista sa pulitika, artista ng tahanan, artista ng paaralan, artista ng kalsada, artista ng simbahan at artista ng SAMBAYANAN na hadlangan sa ikalawang pagkakataon ang sinumang pilit na pinapatay ang kalayaan at kapayapaan ng bansa. Nagkaroon ng kaganapan ang Vox populi, Vox Dei. Ang tinig ng Diyos ay ang tinig ng bayan. Huwag tayong malungkot at mangamba, kapayapaan ay nakangiti sa Perlas ng Dagat Silangan. At sa bawat tilamsik ng sining, sandata itong nagbabantay upang ang kapayapaan sa kasalukuyan at sa darating pang mga taon ay hindi na maaagaw at pagsasamantalahan ng mga makasariling mamamayan nito.