Ang Kawal ni Kristo nina Kimberly Kate Laguna at Mary Alexia Gordo
1. Ang Kawal ni Kristo
Kimberly Kate Laguna
at Mary Alexia Gordo
2- St. John Berchmans
Si San Ignacio’y bunso sa labintatlong magkakapatid
Ang kanyang kapilyuhan ay walang tigil, walang patid;
Noon, ang pagdarasal sa Diyos ay hindi n’ya batid
Ang kanyang kaalaman sa kabutihan ay makitid.
Sa panahong siya ay nasa rurok ng katanyagan
Si San Ignacio ay napasabak sa isang digmaan;
Matapang na sundalo ay lumaban at nasugatan
Pagbabago ng kapalaran ay hindi inasahan.
2. Ispiritwal na mga bagay kanyang natutunan
Sa piling ng mga Heswita paglilingkod ay lubusan;
Librong kanyang sinulat, mga panalangin ang laman
Na gabay sa ating pamumuhay magpakailanman.
Larawan mula sa www.google.com.ph/images