1. Sa Mahal Kong Hesus
Ni Paul Adrian M. Sabido, 2-St. Peter CANISIUS
Ika’y kapuri-puri’t puno ng kabanalan
O Hesus kong ama at haring hinirang;
Bawat dasal ko ay hindi masasayang
Siya ay kaibigang matatakbuhan.
_____________OoO_____________OoO____________
Kawangis ng bilog ang pag-ibig niya
Walang katapusan, walang simula;
Bawat wikain niya’y YAMAN at MUSIKA
Lahat ng papuri, alay ko sa Kanya!
Disenyo mula sa: MICROSOFT OFFICE POWERPOINT 2007