1. Luha ng Nakaraan
Geena Cajeta, 2 – St. Peter Canisius
Kung maibabalik ko ang nakaraan
Buhay mo’y durugtungan kung may paraan;
Sa mga pasakit na ‘yong naranasan
Hiling ko ngayon ang aking kasawian.
Alam kong oras ay hindi na babalik
Sa ‘yong paglisan, mundo ay parang banlik;
Hapdi sa ‘king puso’t utak ay busiksik
Tunay, mundong ito ay puno ng bagsik.