paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
Sa Aking Mga Magulang ni Cris Angelo Gamit
1. Sa Aking mga Magulang
• Cris Angelo A. Gamit
2 - St. Peter Canisius
Kayo ang dahilan ng aking hininga
Ako ay hinubog sa inyong kalinga;
Pag-ibig na wagas, totoo’t dakila
Ang siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla.
Hinubog n’yo aking damdamin at diwa
Kasama ko kayo sa ngiti ko’t luha;
Sa aking pagtulog sa gabing madilim
Nagbabantay kayo sa aking paghimbing.
Hindi hahayaang lamok ay kagatin
Pati na ang init, pilit papawiin;
At kung ako ma’y tuluyang magising
Nakangiti kayong babati sa akin.
Di naging madali ang sakripisyo n’yo
Simula nang ako’y maging isang tao;
Kaya naman ako’y may mga pangako
Pangaral at hiling n’yo ay susundin ko.