1. - 1 -
Z:tempwindows20210417111550_bcb525d07d1130555c936d9f5d0e87a96358bb23effectivechristians-
210417111549.doc
TIGBINAN LABO CAMARINESNORTE
Anniversary
Dec. 19, 2000
TEXT: 1 TESS. 1:2-10
TOPIC: EFFECTIVE CHRISTIANS
THEME: THE MARK OF EFFECTIVE CHRISTIANS IN ALL AGE
(ANG TATAK NG EPEKTIBONG KRISTIYANO SA LAHAT NG PANAHON)
INTRO:
Si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan ay dumating sa Tesalonica bago magtag-araw, mga
A.D. 50. Dito sila nagtatag ng Iglesiyang Kristiyano. Subalit kinailangan nilang umalis kaagad dahil
pinagbabantaan ang kanilang buhay (see Acts 17:1-10). Sinugo ni Pablo si Timoteo pabalik sa
Tesalonica upang tingnan kung ano na ang ginagawa ng mga bagong Kristyanong ito kay Kristo.
Bumalik si Timoteo kay Pablo at maganda ang report ni Timothy: The Christian in Tesalonica
were remainig firm in the faith and were unified. Bilang mga bagong mananampalataya marami
silang tanong kay Pablo tungkol sa kanilang spiritual na buhay dahil sa kakulangan ng panahon ni
Pablo ay hindi niya ito lahat nasagot. Kaya’t ang sulat na ito ni Pablo sa 1 Tesalonica ay upang
sagutin ni Pablo ang kanilang mga tanong at papurihan sila sa kanilang katapatan kay Kristo at ito ay
pinatunayan ng v.2.
V.2 ay ang papuri at pasasalamat ni Pablo sa Dios dahil sa ang mga mananampalataya sa
Tesalonica ay nasa makasalanan at hindi magandang lugar pero sila ay nagkaroon ng magandang
katangian bilang mga bagong Kristiyano. Pagnakita natin ang katangian ng iglesiyang ito ay maaari
din nating maeksamin ang ating sarili at maitatanong natin “Am I helping to make my church a
model church in the Lord?”
WHAT ARE THE MARKS OF EFFECTIVE CHRISTIANS IN ALL AGE (ANO ANG TATAK NG
EPEKTIBONG KRISTIYANO SA LAHAT NG PANAHON)
I. THE MARKS OF WORK PRODUCED BY FAITH (ANG MARKA NG GAWA NA BUNGA
NG PANANAMPALATAYA) (V. 3A)
LISTEN TO THIS:
When people HONESTLY TRUST CHRIST, that FAITH will be shown by WORKS.
Works will not save. Subalit ang faith na hindi nagtuturo sa paggawa ay hindi ligtas na
pananampalataya. But faith does not lead to works is not saving faith. True christians faith
results in a changed life (see Jams 2:14-26).
2. - 2 -
Z:tempwindows20210417111550_bcb525d07d1130555c936d9f5d0e87a96358bb23effectivechristians-
210417111549.doc
Sa madaling sabi sa Christian ay BAWAL ANG TAMAD. Dapat nagtatrabaho. Yung
ibang Christian di na nakakatulong, nakakagulo pa. Ang iniisip lang nila ay kung ano ang
maitutulong sa kanila ng church, hindi iyong kung ano ang maitutulong nila sa church.
STORIES:
TRUETT FAMILY
Naanyayahan si Dr. Truett sa Texas ng isang iglesiyang nagnanasang makapagtaguyod
ng $6,500.00 para sa gusali ng kanilang iglesiya. Pagkatapos makapagtaguyod ng $3,500.00
naglaho na ang mga kaloob. Biglang tumayo ang isang babae na may simpleng kasuotan at
kinausap niya ang kanyang asawa na siyang kumukuha ng mga pangalan: “Charley, iniisip
kong kung nanaisin mong ibigay ang maliit nating cottage (kubo) na katatapos pa lang nating
bayaran. Inalok tayo kahapon para doon ng $3,500.00. Ikaw ba’y handang ibigay ang maliit
nating bahay upang matugunan ang kinakailangang halaga para sa iglesiya ng Panginoon?”
Ang lalake ay tumugon sa magkatulad na antas na espiritu: “Jennie, asawa ko, ganyan din ang
nasa isip ko.”
Pagkatapos, tumingin siya kay Truett na luhaan ang mga mata’t sinabi: “Ibibigay
namin ang $3,500.00 na kailangan. Pagkatapos ay naglapitan ang marami sa harapan kahit
walang nag-anyaya, sila’y nagtatanong: “Ginoo, nasaan ang Tagapagligtas at paano namin
Siya masusumpungan?”
THANKFUL FOR THE BOY ALIVE
(Pasasalamat sa Anak na Buhay)
Ang mga magulang ng isang batang lalake na namatay noong pang-mundong digmaan
ay nagbigay ng tseke na nagkakahalagang $200.00 para sa alaala ng kanyang anak.
Pagkatapos ng presentasyon, ang isa pang ina ng digmaan ang bumulong sa kanyang asawang
lalake, “magbigay din tayo ng ganoon para sa ating anak,” sumagot ang ama, “Bakit? Ano
ang ibig mong sabihin? Hindi naman namatay ang ating anak,” muling sumagot ang ina,
“Iyan nga ang punto ko, magbigay tayo dahil hindi nga siya namatay.”
ANG TAWAG NI ADONIRAM JUDSON SA IGLESIYA NG BOSTON
Nang matapos sa kolehiyo at seminaryo si Adoniram Judson nakatanggap siya ng
tawag mula sa makabagong iglesiya ng Boston upang maging Assistant Pastor. Binati siya ng
lahat. Nagalak ang kanyang ina at kapatid na babae dahil makakapiling na nila si Judson at
magaganapan niya ang gawain doon habangbuhay. Subalit napailing na lamang si Judson.
“Ang aking gawain ay hindi dito kahit maglingkod pa sa Dios sa kanyang ministeryo,
nararamdaman kong ito ay hating pagsunod at hindi naman ako magiging maligaya sa
3. - 3 -
Z:tempwindows20210417111550_bcb525d07d1130555c936d9f5d0e87a96358bb23effectivechristians-
210417111549.doc
ganoon.” Kahit naging matindi ang naging labanan sa kanyang kalooban ay iniwan pa rin niya
ang kanyang ina at kapatid na babae upang tumugon sa makalangit na panawagan. Ang
makabagong iglesiya ng Boston ay nakatayo pa rin, mayaman at matibay ngunit ang mga
iglesiya ni Judson sa Burma ay mayroong limampung libo ang miyembro at naramdaman sa
buong mundo ang impluwensiya ng kanyang buhay pagtatalaga.
II. THE MARK OF LABOR PROMPTED BY LOVE (ANG MARKA NG PAGPAPAGAL NA
UDYOK NG PAG-IBIG) (v. 3b)
Unsaved people live for themselves (see Eph. 2:1-2). But the TRUE believer is willing
to toil because of LOVE. He has a new motive for LIVING; He loves Christ and LOVES
others (see Heb. 10:24-25).
STORIES:
NAGLIGTAS NG KANYANG MATALIK NA KAAWAY
Noong panahon ng rebolusyon, mayroong isang Pastor sa Pennsylvania na
nagngangalang Peter Miller. Kahit na siya ay mahal na mahal ng kahit sino sa komunidad na
iyon, mayroong isang tao na nakatira doon na may galit sa kanya, halos sirain ang reputasyon
nito bilang ministro. Ang taong ito ay hindi lamang galit sa simbahan kundi naging traydor sa
sariling bansa, at hinatulang mamatay. Ang paglilitis ay ginanap sa Philadelphia, at hindi
nagtagal nalaman ito ni Miller at siya’y nagtakda ng pagbisita kay General Washington at
nanalangin sa buhay ng taong ‘yon. Ngunit sinabi ni Washington, “Patawarin mo ako na hindi
ko matugunan ang iyong kahilingan para sa iyong kaibigan.”
Kaibigan! Napaluhang tugon ni Miller, “Bakit ang taong iyon ay naging isang matalik
kong kaaway sa mundong ito!” “Ano?” gulat na tugon ng Heneral. “Naglakbay ka pa ng
animnapung milya upang mailigtas lamang ang buhay ng isang kaaway?” Sa aking paghatol
ay kakaiba ‘yan! Subalit para sa iyo ay tutugunin ko ang iyong kahilingan.
Ang hiling ni Miller ay natupad at pinirmahan ni General Washington at nagbalik na si
Miller sa kanilang lugar ng may labinlimang milyang layo mula sa pinagdausan ng paghatol.
Nakita siya ng taong may galit sa kaniya na niligtas. Nais ng taong ‘yon na makipag-usap sa
kaniya at pinaramdam na lamang niya dito na hindi siya ang nagligtas kundi ang
TAGAPAGLIGTAS.
ANG PINAKAMABUTING REGALO
Ang pinakamabuting regalo na maibibigay mo sa iyong kaaway ay pagpapatawad, sa
iyong kalaban ay pagpapaubaya, sa iyong kaibigan ay ang iyong puso, sa iyong anak ay
magandang halimbawa, sa iyong ama ay pagtatanggol, sa iyong ina ay asal na
4. - 4 -
Z:tempwindows20210417111550_bcb525d07d1130555c936d9f5d0e87a96358bb23effectivechristians-
210417111549.doc
maipagmamalaki niyang anak ka niya, sa iyong sarili ay respeto, sa lahat ng tao ay
pagkakawanggawa.
ANG TAHANAN KASAMA ANG PUMATAY SA KANYANG ANAK
Noong Korean War, mayroong isang Civilian na Kristiyano na naaresto ng mga
Komunista at hinatulang mabaril. Ngunit nang malaman ng isang batang lider na komunista
na ang bilanggo ay pinagkakatiwalaan sa mga mahihirap at maliliit na bata, nagdesisyon ito
na patayin na lamang ang anak nito kapalit ang kanyang ama. Kung kaya naman isang
labingsiyam na taong gulang na batang lalake ang binaril sa presensiya ng kanyang ama.
Lumipas ang maraming panahon, nag-iba ang takbo ng kaguluhan, at ang batang lider
na komunista ay kinuha ng puwersa ng Amerika, pinilit at hinatulang mamatay. Ngunit bago
dumating ang sentensiya para sa kamatayan ng Komunista, ang Kristiyanong namatayan ng
labingsiyam na taong gulang na anak na lalake ay nagmakaawa para sa buhay ng killer. Sinabi
pa nito na bata pa kasi ang taong ‘yon kung kaya hindi niya alam ang kanyang ginagawa,
“ibigay mo siya sa akin” sabi ng ama ng labingsiyam na batang pinatay, “at akin siyang
tuturuan.”
Pinagbigyan naman ng United Nation ang kahilingan ng ama at dinala ang murderer sa
sarili niyang tahanan at inalagaan ito. Ngayon angb batang Komunista ay isa ng Kristiyanong
Pastor.
ANG HENERAL AT ANG BATANG MISYONERO
Narito ang isang magandang paglalarawan ng tunay na pangyayari sa panahon na
totoong napakainit ang Komunista sa Romanya at masigasig ang panganagmpanya laban sa
Kristiyanismo. Isang pangkat ng kawal na pinamumunuan ng mabagsik na Kapitan ang
minsan ay lumusob sa lihim na ginagawang pananambahan. Ganoon na lamang ang
pagkabigla ng mga nagkakatipon. Walang awang pinagpapalo ang mga nadatnan, matanda o
kabataan. Hinarap ng Kapitan ang isang matipunong kabataan at ito ay inundayan ng isang
napakalakas na hataw ng hawak na batuta. Alam ng Kapitan na kung ito ay lalaban, maaari
siyang talunin nito, subalit puro pananangga lamang ang ginagawa. Hindi niya tinigilan.
Subalit hanggang sa ito ay malugmok, hindi ito lumaban. Hindi niya malimot ang mata nitong
tumitig sa kanya. Wala siyang nakita na bahid man lamang ng pagkagalit sa pagkakalugmok.
At sa mahinang tinig ay sinabi, “Mahal ka ng Dios, Mahal din kita.”
Subalit hindi ito ang huli nilang pagkikita. Nang sumunod sila ay lumusob, naroon
muli ang nasabing matipunong kabataan. Anupa’t ang nasa kanyang puso ay magkamuhi sa
lalaking ito na hindi niya mapilit na lumaban. Binalingan itong muli at higit na palo ang
kanyang ibinigay dito. Pagkatapos ng kanyang pagpapahirap sa mga naroon, umaagos ang
dugo at halos mamatay sa hirap lalo na ang matatanda, dinala ang mga ito at ikinulong sa
bilangguan.
5. - 5 -
Z:tempwindows20210417111550_bcb525d07d1130555c936d9f5d0e87a96358bb23effectivechristians-
210417111549.doc
Nang gabing iyon, hindi makatulog ang mabagsik na Kapitan. Kaya’t maagang-maaga
pa,naroon na siya sa bilangguan. Pinuntahan kaagad ang binata na kanyang pinahirapan.
Lupaypay pa rin ito. “Tumayo ka! Tumingin ka sa akin. Sabihin mong kinamumuhian mo
ako!” Tumingin nga ang binata sa Kapitan, sa mukha nito, sa mga mata, walang nakita ang
Kapitan na bakas ng pagkamuhi, “Mahal ka ng Dios at Mahal din kita.” “Tumigil ka!”
Pasigaw ng Kapitan. Muli itong pinahirapan.
Sa loob ng kanyang tanggapan, wala siyang magawa. Tila ba ang nakikita niya ay ang
maamong mukha ng binata at parang malinaw na naririnig, “Mahal ka ng Dios at Mahal din
kita.” Bakit? Bakit ganoon? Saan nanggagaling ang ganoong kapangyarihan? Sa bugbog na
kanyang ipinalasap, bakit ito naging matatag pa rin? Oo, lupaypay ang katawan, larawan ng
sobra-sobrang hirap, subalit matatag pa rin. Wala sa amin ang mayroong ganyang katatagan!
Araw-araw nakikita niya ang pagpaparusang ibinibigay sa lalake. Subalit naroon pa
rin sa tuwing siya ay magdaraan o pupunta sa kulungan ng lalake ang katunayan ng sinabi
nito. “Mahal kita.” Kaya’t isang umaga, pinahihirapan na naman ang binata, sumigaw ang
Kapitan. “Tigil na! Tigilan n’yo siya! Sige, iwanan n;yo na siya.” Nang makaalis na ang mga
kawal, pumasok ang Kapitan. Nakita ang duguang lalake, may black eye, nangingitim ang
iba’t ibang bahagi ng katawan at nakalupaypay sa hirap. Subalit nang tumingin sa kanya,
naroon pa rin ang kaamuan sa kanyang mata. “Ano, namumuhi ka na ba sa akin? Ako ang
nag-uutos na ikaw ay pahirapan.” “Hindi, manapa, lalo kitang minamahal, dahil mahal ka ng
Dios.” At ang matigas na puso ng Kapitan ay bumigay. Nilapitan ang binata, nilinis ang mga
sugat nito. Inilabas at dinala sa kanyang bahay.
Ngayon, handa na ang Kapitang makinig ng tungkol sa pag-ibig ng Dios. Nais niya
ang ganoong pag-ibig na walang halong pagpapaimbabaw – pag-ibig sa kaaway, pag-ibig sa
anumang sitwasyon.
III. THE MARK OF ENDURANCE INSPIRED BY HOPE (ANG MARKA NG
PAGTITIYAGANG PINASIGLA NG PAG-ASA)
The LOST are without HOPE. Believers have endurance in life’s trials because they
know Christ is coming again (i.e. Our ultimate hope , 1 Tes. 1:10).
Believers need not to give up in times of trial because they know the Savior is coming
to deliver them (1 Peter 1:1-9; 4:12-16).
STORY:
ANG BABAENG KOREANA NA NAMATAYAN NG ASAWA
Isang babaeng Koreana ang namatayan ng asawa, at siya’y lungkot na lungkot sa
pagkawala ng kanyang asawa at isa pa siyang paralize. But one day ay may nakapagbahagi
sa kaniya ng tungkol sa Ebanghelyo. She accept Christ, after ng ilang buwan ang babaeng ito
ay naging masayahin na at unti-unti na siyang nakagagawa ng mga gawain sa bahay na
6. - 6 -
Z:tempwindows20210417111550_bcb525d07d1130555c936d9f5d0e87a96358bb23effectivechristians-
210417111549.doc
katulad ng paglalaba. At after 6 months, animnapu (60) sa mga kapitbahay niya ang kanyang
nayakag kay Kristo.
TANONG: Bakit ang mga taga Tesalonica ay mayroong 1. WORK OF FAITH; 2. LABOR OF
LOVE ; 3. PATIENCE OF HOPE?
SAGOT: Dahil sila ay mga taong ligtas na.
PAUL POINTED OUT THAT VS. 9-10 PARALLEL THESE THREE EVIDENCES OF
SALVATION:
1. THE WORK OF FAITH – They turned to God from idols (v. 9a)
STORY:
Isang lalake ang bumili ng maraming dios-diosan at inilagay niya sa sako habang siya ay
naglalakad, eh napadulas siya at nabitawan niya ang sako at humagis ang sako, pagtindig niya,
tiningnan niya ang mga dios-diosan sa loob ng sako at nakita niyang basag ang mga ito subalit
may isang natira, sabi ng lalake, “Siguro ito ang Dios kasi siya lang ang hindi nabasag.”
Pag-uwi niya, inilagay niya sa pasimano ang dios-diosan at ito ang niluluhuran niya. Isang
araw habang siya ay nagdadasal biglang dumaan ang pusa sa tabi ng rebulto at natabig ang dios-
diosan at ito’y nahulog at nabasag.
Inisip ng lalake na siguro yung pusa ang Dios, kasi natabig lang ng pusa eh natumba na at
nabasag. Kaya yung pusa naman ang ginawang dios-diosan ng Mama.
Isang araw nakita niya na yung pusa niya ay hinahabol ng aso at yung pusa ay takot na takot.
Sabi uli ng lalake, “Siguro yung aso ang dios kasi takot ang pusa sa aso. Di yung aso naman ang
ginawa niyang dios. Eh nakita ng asawa ng lalake na yung aso ang niluluhuran ng kaniyang
Mister at binibigyan ng lalake ng kakaibang paggalang ang aso kaysa sa asawa.
Ang ginawa ng Babae sa galit, tinaga ang aso. Di patay. Sabi ng lalake, “Siguro ang asawa ko
ang dios, di yung asawa naman siya ang ginawa niyang dios, talaga namang kakaiba ang ginawa
niyang pakikitungo sa asawa niyang babae. Dahil sa ganoong pangyayari araw-araw sinasamba
siya ng asawa niyang lalake. Hinimatay sa sama ng loob ang babae at habang nahihirapang
huminga ang babae, habang pangko-pangko siya ng asawa niyang lalake, sabi ng babae DIOS ko,
sabi ng lalake ay ako raw ang DIOS. Pagkatapos noon ginawang dios ng lalake ang kaniyang
sarili.
At ito ang problema natin, karamihan sa atin ang Dios ng ating sarili!!
2. THE LABOR OF LOVE – They served the Living God (Joshua 24:15)
EXAMPLE: Zadrac, Messac, at Abednego
3. THE PATIENCE OF FAITH – They waited for Christ’s return.
7. - 7 -
Z:tempwindows20210417111550_bcb525d07d1130555c936d9f5d0e87a96358bb23effectivechristians-
210417111549.doc
According to Paul, faith, hope, and love are evidences of true salvation (see Col. 1:4-5; Rom.
5:1-4).
TANDAAN:
Para kay Pablo ito ang mga ebidensiya ng kaligtasan sa mga taga Tesalonica. Hindi iyong
kung saan ako nagising doon na ako mamamatay.
EXAMPLE: Si Juan at si Pedrong Kuto
CONCLUSION:
Blang tagasunod ni Kristo at ikukumpara natin ang buhay natin sa mga taga Tesalonica,
masasabi ba natin na gumawa tayo ng pinakamabuti para sa gawain ng Dios o isa tayo sa mga pabaya
sa gawain ng Dios kaya tayo mismo ay hindi nagtatagumpay at hindi rin napapabuti ang ating
ginagawa? Maikli lang ang buhay, gawin natin ang pinakamabuti nating magagawa habang ,ay
pagkakataon.
STORY:
KASIPAGAN SA GAWAIN
May mag-asawang misyonero na nakadama na sila ay nais ng Panginoon na pumunta sa
katribuhan. Sa simula, bantulot ang babae sapagkat hindi alam kung ano ang magiging kalagayan nila
roon at paano ang makipamuhay sa mga taong gubat. Makailang beses na sila humayo, subalit lagi sa
kapatagan bagamat malalayong dako.
Sa simula ng kanilang paninirahan doon, walang magbukas ng bahay para sa kanila. Doon sa
ilalim lamang ng puno natutulog ang dalawang mag-asawa, Nagsususpetsa ang mga tao na sila ay
nagbabait-baitan lamang subalit may ibang adhikain. Madalas na silang magkaroon ng pangit na
karanasan sa mga tao sa ibaba, ang tingin nila dito ay mapagsamantala, laging nanlalamang at mga
tuso.
Sa kabila ng ganitong sitwasyon ay lalong nagpakasipag ang mag-asawa. Subalit sa pagdaraan
ng mga buwan, ang dating maiilap na mga taong gubat ay nahikayat magbukas ng kanilang bahay at
natamo rin nila hindi lamang pagtitiwala kundi pagmamahal.
Siyang-siya na ang mag-asawa. Marami na rin ang nakakakilala at tumanggap kay Jesus
bilang Sariling Tagapagligtas. Sila ang kanilang pinakamagulang sa lugar na iyon, bagamat may ilang
hindi nasisiyahan, lalo na ang mga witch doctors. Maraming taon ang mabilis na lumipas at sa
dakong yaon ay mayroon ng maliit na kapilya. Mayroon na ring deacons at elders.
Subalit isang araw, habang nananalangin ang mag-asawa nadama nila na nais na ng
Panginoon na sila ay umalis na sa lugar na iyon. Bakit? Laking pagtataka lalo na ng babae. Dati,
ayaw kong pumunta rito, ngunit sumunod ako. Ngayon namang naging mabunga na ang kanilang
gawain at lahat ay nasisiyahan na, aalisin naman sila ng Panginoon.
8. - 8 -
Z:tempwindows20210417111550_bcb525d07d1130555c936d9f5d0e87a96358bb23effectivechristians-
210417111549.doc
Sa simula, sila ay nag-aalinlangan, subalit habang nananalangin ay lalong nagiging malinaw
na ito nga ang gusto ng Dios. Napakahirap na gawin. Ang mga ito na kanilang mga anak sa
pananampalataya ay lubusan ng napamahal at nangangatwiran na paano ang mga ito pag-iniwan at
para bang maliwanag na kanilang naririnig, “Akong bahala sa kanila.”
At sila nga ay umalis, siyempre, napakahirap nito. Subalit kailangang sumunod sa Panginoon.
Sa kanilang bagong distinasyon ay muli silang NAGPAKASIPAG SA GAWAIN. Pagkaraan ng
dalawang taon muli silang nagkaroon ng pagkakataong makadalaw sa gubat at nakita nila ang
katalinuhan ng Dios. Hinugot sila at inalis doon upang ang mga ito ay lubusang dumipende sa Dios
kasabay ng kanilang sipag at hindi sa kapwa.
****** E N D ******