Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng masusing imbestigasyon at pagsasaliksik upang maipagtanggol ang isang posisyon gamit ang mga ebedensiya at lohikal na pangangatwiran. Mahalaga ang pagpili ng matibay na ebedensiya at malinaw na tesis upang maipahayag ang opinyon ng manunulat, kasama ang mga elemento tulad ng proposisyon at argumento. Ang pagkakaroon ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga talata at matibay na ebidensiya ay mahalaga upang mas maintindihan ng mga mambabasa ang argumento.