SlideShare a Scribd company logo
SCHOOLS DIVISION OFFICE -NAVOTAS CITY
NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL
M. Naval St., Sipac-Almacen, Navotas City
KRITIKAL NA PAGSUSURI SA MGA PILING SAKNONG NG FLORANTE AT LAURA
GAMIT ANG TAYUTAY AT SIMBOLISMO
KONGKLUSYON
Sa pag-aaral ng Florante at Laura ay mahalaga na matutuhan ang mga
saknong at mahahalagang kaisipang nakapaloob dito. Sa pamamagitan naman ng
mapanuring pagbabasa ay mahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral upang
matutuhan ang pagsusuri at paghihimay nang mabuti sa mga impormasyong
matagpuan sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula. Gamit ang pagsusuri ay
mapupukaw nito ang atensyon at interes ng mga mag-aaral na pag-aralan pa ang
Florante at Laura gayundin ang iba pang akdang pampanitikan na maaaring gawan ng
pagsusuri. Sa pagsusuri rin ay matutuhan nila ang pagtukoy ng talasalitaan, pag-uuri
ng tayutay na ginamit at simbolismong ginamit sa akda. Batay sa pagsasagawa ng pag-
aaral dahil sa limitadong oras may ilan pang saknong na maaari pang suriin.
ABSTRAK
Ang pag-aanalisa o pag-oobserba upang mapag-aralan at mabigyang sagot ang isang problema ay tinatawag na pagsusuri. Sa pamamagitan
ng pagbabasa ay maaari nating gamitin ang tayutay at simbolismo upang mailarawan ang mga pahiwatig at pagpapakahulugan nito. Ang tula ang
maaaring paglapatan ng ganitong uri ng pamamaraan. Ang Aksyong pananaliksik na ito na pinamagatang Kritikal na Pagsusuri sa mga Piling saknong
ng Florante at Laura gamit ang Tayutay at Simbolismo. Ang tuon ng pananaliksik na ito ay suriin gamit ang mga tayutay at simbolismong matatagpuan
sa mga piling saknong ng Florante at Laura. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang tayutay na ginamit sa mga piling saknong at ang
simbolismong matatagpuan dito. Ang isinagawang pagsusuri ay gagamitin upang tukuyin ang bisa ng pag-aaral sa mga piling saknong sa
pamamagitan ng bisang pampanitikan (Bisa sa Isip, Bisa sa Damdamin at Bisa sa Kaasalan) na mababasa sa mga piling saknong.
Susing-salita: Tula, Tayutay, Simbolismo, Kritikal na Pagsusuri, Bisa sa Isip, Bisa sa Damdamin, Bisa sa Kaasalan
INTRODUKSYON
Batay Kay Daryll Angel (2019), Ang pag-aanalisa o pag-oobserba upang
mapag-aralan at mabigyang sagot ang isang problema ay tinatawag na
pagsusuri. Ang paraan na ito ginagamit upang himayin ang mga paksa sa
pinakamaliliit na bahagi at maunawaan ang bawat detalyeng nakapaloob dito.
Ayon kina Castillo at Abagon (2021), Kailangan ng mahusay at
malalimang pagbasa ang pagsusuri. Ito ay ginagawa upang magkaroon ng
malawak na komprehensyon ang mga mag-aaral at matutong magsuri sa mga
elementong nakapaloob dito, tulad ng: sukat, saknong, tugma, kariktan,
talinhaga, anyo, tono/indayog at persona.
Ang pag-aaral na ito nakatuon sa Pagsusuri sa mga Piling saknong ng
Florante at Laura gamit ang tayutay at simbolismo. Ang pigura 1 ang ginamit
bilang batayang konseptwal sa isinagawang pag-aaral.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Nilalayon ng pananaliksik na ito na mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Kritikal na
pagsusuri ng mga Piling saknong ng Florante at Laura gamit ang tayutay at simbolismo;
Layunin din nitong mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-anong tayutay ang matatagpuan sa mga piling saknong na sinusuri?
2. Anu-anong simbolismo ang ginamit sa mga piling saknong na sinuri?
3. Ano ang naging epekto ng pagsusuri ng mga piling saknong gamit ang bisang-
pampanitikan?
METODOLOHIYA
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng palarawang pamamaraan o
deskriptiv na metodo. Ito ay palarawang pamamaraan sa proseso ng
pagsusuri sa (10) piling saknong ng Florante at Laura. Samakatuwid,
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa
pamamagitan ng pagsusuri, pagpili ng mga saknong, paggamit ng
tayutay at simbolismo upang mapatunayan na ang bisa ng pagsusuri at
pagbabasa ng saknong gamit ang bisang-pampanitikan.
RESULTA AT PAGTALAKAY
Ang resulta ng pag-aaral ay iniharap at tinalakay bilang patunay sa layunin ng pag-aaral, Ito ay ang
Kritikal na Pagsusuri sa mga Piling Saknong ng Florante at Laura gamit ang Tayutay at Simbolismo
PAGSUSURI GAMIT ANG TAYUTAY
Batay sa Talahanayan 1, sa (10) saknong na sinuri ay mayroong
(12) tayutay na natagpuan at ito ay may kabuuang (12) sa frequency at kabuuang 100%. Ang
saknong na Para kay Selya (7) ay pagmamalabis 8.33%, Para kay Selya (9) ay Pag-uyam 8.33%,
Ang Paglalarawan sa kalagayan ni Florante (9) ay Pagmamalabis 8.33%, Para kay Selya (13) ay
Pagmamalabis 8.33%, Kabanata 4 (13) ay Pagwawangis at Pagsasatao 8.33%, Kabanata (14)
Pagmamalabis 8.33%, Para kay Selya (22) ay Pagtutulad 8.33%, Epekto ng Paninibugho ni Florante
(41) ay Pagmamalabis 8.33%, Epekto ng Paninibugho ni Florante (42) ay Pagtutulad at
Pagmamalabis 8.33% at Unang Pagkikita (278) ay Pagmamalabis 8.33%. Samakatuwid, batay sa
pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik ang mga piling saknong na sinuri ay magpapatunay na
ito ay naglalaman ng mga tayutay.
PAGSUSURI GAMIT ANG SIMBOLISMO
Batay sa Talahanayan 2, Ang mga piling saknong na
sinuri ng mga mananaliksik ay kakikitaan ng simbolismong maaaring lapatan ng
pagpapakahulugan batay sa pagkakagamit sa bawat taludtod. Samakatuwid, batay sa
pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik ang mga piling saknong na sinuri ay
magpapatunay na ito ay naglalaman ng mga simbolismo at imahe.
PAGSUSURI GAMIT ANG BISANG PAMPANITIKAN
Batay sa Talahanayan 3, Ang mga piling saknong na
sinuri ng mga mananaliksik ay nakabuo ng kanilang mga kritikal na pagsusuri gamit
ang bisang-pampanitikan. Iniugnay nila ito sa mga pananaw na Samakatuwid, batay
sa pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik ang mga piling saknong na sinuri ay
magpapatunay na ito ay maaaring lapatan ng Bisang-Pampanitikan .
REKOMENDASYON
Matapos maisagawa ang pag-aaral, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang
sumusunod na magsasagawa ng pag-aaral ng Kritikal na pagsusuri ng mga Piling saknong ng
Florante at Laura gamit ang tayutay at simbolismo;
1. Para sa Kagawaran ng Edukasyon, Magsagawa ng mga pagtalakay at pagsasanay sa mga
mag-aaral at guro sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan upang magkaroon ng sapat na
kaalaman
2. Magkaroon ng sapat na plano at pamamahal sa oras upang maituro sa mga mag-aaral ang
mga kailangan isagawa kapag nagsusuri
3. Magkaroon ng maayos at malinaw na komunikasyon ang guro at mag-aaral
4. Pagdaragdag ng mga sanggunian upang makapagbasa at makakalap ng impormasyon
SANGGUNIAN:
Angel, Daryll Jim R. (2019). Kakayahan sa Pagsusuri ng Tula. American Journal of Humanities and Social Science Research. Vol. 03, Issue: 09, pp. 181-187
Castillo, Grace Harue, Abagon, Baby S. (2021). Antas ng kakayahan sa Pagsusuri ng Tula ng mga mag-aaral na nasa Grade 9 ng Cabangon National High School, Zambales. American
Journal of Humanities and Social Science Research. Vol. 5, Issue: 6, pp. 275-281
Rodge Oz Cairo P. Estrecho Samantha Shakira I. Obrero LeanKlaire A. Panganiban
Jean Paulene L. Sevilla Bryan Angelo F. Ilagan
“Ang Batang Navoteńo ay Disiplinado.”

More Related Content

Similar to RESEARCH-TEMPLATE-Grade-8-Filipino_ISIDORO.pdf

K-12-Fil-Pananaliksik.ppt .
K-12-Fil-Pananaliksik.ppt               .K-12-Fil-Pananaliksik.ppt               .
K-12-Fil-Pananaliksik.ppt .
JohnJacobMercado1
 
kabanata 1.docx
kabanata 1.docxkabanata 1.docx
kabanata 1.docx
JoyroseCervales2
 
Metodolohiya sa Aksyon Riserts
Metodolohiya sa Aksyon RisertsMetodolohiya sa Aksyon Riserts
Metodolohiya sa Aksyon Riserts
Reggie Cruz
 
pananalksik.pptx
pananalksik.pptxpananalksik.pptx
pananalksik.pptx
JEANELLEBRUZA
 
Thesis Defense.pptx
Thesis Defense.pptxThesis Defense.pptx
Thesis Defense.pptx
MinnieWagsingan1
 
Puwang ng Pagsasalin sa Filipino sa JHS at SHS
Puwang ng Pagsasalin sa Filipino sa JHS at SHS Puwang ng Pagsasalin sa Filipino sa JHS at SHS
Puwang ng Pagsasalin sa Filipino sa JHS at SHS
Allan Lloyd Martinez
 
PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptxPPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
Loida59
 
FIL 42 Presentation tungkol sa Pagtuturo at Pagbasa.pptx
FIL 42 Presentation tungkol sa Pagtuturo at Pagbasa.pptxFIL 42 Presentation tungkol sa Pagtuturo at Pagbasa.pptx
FIL 42 Presentation tungkol sa Pagtuturo at Pagbasa.pptx
JohnMarkAlarconPunta
 
MGA PILING AKDANG PAMPANIKAN NG CANDELARIA, QUEZON BILANG KAGAMITAN SA PAGTUT...
MGA PILING AKDANG PAMPANIKAN NG CANDELARIA, QUEZON BILANG KAGAMITAN SA PAGTUT...MGA PILING AKDANG PAMPANIKAN NG CANDELARIA, QUEZON BILANG KAGAMITAN SA PAGTUT...
MGA PILING AKDANG PAMPANIKAN NG CANDELARIA, QUEZON BILANG KAGAMITAN SA PAGTUT...
AJHSSR Journal
 
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdfpananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
MortejoMaryMaeE
 
PROPOSAL-MK-PPT.1.pptx
PROPOSAL-MK-PPT.1.pptxPROPOSAL-MK-PPT.1.pptx
PROPOSAL-MK-PPT.1.pptx
RONALDARTILLERO1
 
Kabanata 3.docx
Kabanata 3.docxKabanata 3.docx
Kabanata 3.docx
JoyroseCervales2
 
Final presentation
Final presentationFinal presentation
Final presentationelimjen1
 
Jean-Rose Powerpoint Presentation.pptx
Jean-Rose Powerpoint Presentation.pptxJean-Rose Powerpoint Presentation.pptx
Jean-Rose Powerpoint Presentation.pptx
Eliezeralan11
 
Thesis sa Filipino
Thesis sa FilipinoThesis sa Filipino
Thesis sa Filipino
Marikina Polytechnic college
 
hakabang-sa-pagpili-ng-paksa.pptx
hakabang-sa-pagpili-ng-paksa.pptxhakabang-sa-pagpili-ng-paksa.pptx
hakabang-sa-pagpili-ng-paksa.pptx
YuelLopez
 

Similar to RESEARCH-TEMPLATE-Grade-8-Filipino_ISIDORO.pdf (20)

K-12-Fil-Pananaliksik.ppt .
K-12-Fil-Pananaliksik.ppt               .K-12-Fil-Pananaliksik.ppt               .
K-12-Fil-Pananaliksik.ppt .
 
kabanata 1.docx
kabanata 1.docxkabanata 1.docx
kabanata 1.docx
 
Metodolohiya sa Aksyon Riserts
Metodolohiya sa Aksyon RisertsMetodolohiya sa Aksyon Riserts
Metodolohiya sa Aksyon Riserts
 
pananalksik.pptx
pananalksik.pptxpananalksik.pptx
pananalksik.pptx
 
Thesis Defense.pptx
Thesis Defense.pptxThesis Defense.pptx
Thesis Defense.pptx
 
Puwang ng Pagsasalin sa Filipino sa JHS at SHS
Puwang ng Pagsasalin sa Filipino sa JHS at SHS Puwang ng Pagsasalin sa Filipino sa JHS at SHS
Puwang ng Pagsasalin sa Filipino sa JHS at SHS
 
PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptxPPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
PPT ng Group 5 komunikasyon-WPS Office.pptx
 
FIL 42 Presentation tungkol sa Pagtuturo at Pagbasa.pptx
FIL 42 Presentation tungkol sa Pagtuturo at Pagbasa.pptxFIL 42 Presentation tungkol sa Pagtuturo at Pagbasa.pptx
FIL 42 Presentation tungkol sa Pagtuturo at Pagbasa.pptx
 
MGA PILING AKDANG PAMPANIKAN NG CANDELARIA, QUEZON BILANG KAGAMITAN SA PAGTUT...
MGA PILING AKDANG PAMPANIKAN NG CANDELARIA, QUEZON BILANG KAGAMITAN SA PAGTUT...MGA PILING AKDANG PAMPANIKAN NG CANDELARIA, QUEZON BILANG KAGAMITAN SA PAGTUT...
MGA PILING AKDANG PAMPANIKAN NG CANDELARIA, QUEZON BILANG KAGAMITAN SA PAGTUT...
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Pananaliksik2
Pananaliksik2Pananaliksik2
Pananaliksik2
 
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdfpananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
pananaliksikKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK (1).pdf
 
PROPOSAL-MK-PPT.1.pptx
PROPOSAL-MK-PPT.1.pptxPROPOSAL-MK-PPT.1.pptx
PROPOSAL-MK-PPT.1.pptx
 
Kabanata 3.docx
Kabanata 3.docxKabanata 3.docx
Kabanata 3.docx
 
Final presentation
Final presentationFinal presentation
Final presentation
 
Final presentation
Final presentationFinal presentation
Final presentation
 
Final presentation
Final presentationFinal presentation
Final presentation
 
Jean-Rose Powerpoint Presentation.pptx
Jean-Rose Powerpoint Presentation.pptxJean-Rose Powerpoint Presentation.pptx
Jean-Rose Powerpoint Presentation.pptx
 
Thesis sa Filipino
Thesis sa FilipinoThesis sa Filipino
Thesis sa Filipino
 
hakabang-sa-pagpili-ng-paksa.pptx
hakabang-sa-pagpili-ng-paksa.pptxhakabang-sa-pagpili-ng-paksa.pptx
hakabang-sa-pagpili-ng-paksa.pptx
 

RESEARCH-TEMPLATE-Grade-8-Filipino_ISIDORO.pdf

  • 1. SCHOOLS DIVISION OFFICE -NAVOTAS CITY NAVOTAS NATIONAL HIGH SCHOOL M. Naval St., Sipac-Almacen, Navotas City KRITIKAL NA PAGSUSURI SA MGA PILING SAKNONG NG FLORANTE AT LAURA GAMIT ANG TAYUTAY AT SIMBOLISMO KONGKLUSYON Sa pag-aaral ng Florante at Laura ay mahalaga na matutuhan ang mga saknong at mahahalagang kaisipang nakapaloob dito. Sa pamamagitan naman ng mapanuring pagbabasa ay mahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral upang matutuhan ang pagsusuri at paghihimay nang mabuti sa mga impormasyong matagpuan sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula. Gamit ang pagsusuri ay mapupukaw nito ang atensyon at interes ng mga mag-aaral na pag-aralan pa ang Florante at Laura gayundin ang iba pang akdang pampanitikan na maaaring gawan ng pagsusuri. Sa pagsusuri rin ay matutuhan nila ang pagtukoy ng talasalitaan, pag-uuri ng tayutay na ginamit at simbolismong ginamit sa akda. Batay sa pagsasagawa ng pag- aaral dahil sa limitadong oras may ilan pang saknong na maaari pang suriin. ABSTRAK Ang pag-aanalisa o pag-oobserba upang mapag-aralan at mabigyang sagot ang isang problema ay tinatawag na pagsusuri. Sa pamamagitan ng pagbabasa ay maaari nating gamitin ang tayutay at simbolismo upang mailarawan ang mga pahiwatig at pagpapakahulugan nito. Ang tula ang maaaring paglapatan ng ganitong uri ng pamamaraan. Ang Aksyong pananaliksik na ito na pinamagatang Kritikal na Pagsusuri sa mga Piling saknong ng Florante at Laura gamit ang Tayutay at Simbolismo. Ang tuon ng pananaliksik na ito ay suriin gamit ang mga tayutay at simbolismong matatagpuan sa mga piling saknong ng Florante at Laura. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang tayutay na ginamit sa mga piling saknong at ang simbolismong matatagpuan dito. Ang isinagawang pagsusuri ay gagamitin upang tukuyin ang bisa ng pag-aaral sa mga piling saknong sa pamamagitan ng bisang pampanitikan (Bisa sa Isip, Bisa sa Damdamin at Bisa sa Kaasalan) na mababasa sa mga piling saknong. Susing-salita: Tula, Tayutay, Simbolismo, Kritikal na Pagsusuri, Bisa sa Isip, Bisa sa Damdamin, Bisa sa Kaasalan INTRODUKSYON Batay Kay Daryll Angel (2019), Ang pag-aanalisa o pag-oobserba upang mapag-aralan at mabigyang sagot ang isang problema ay tinatawag na pagsusuri. Ang paraan na ito ginagamit upang himayin ang mga paksa sa pinakamaliliit na bahagi at maunawaan ang bawat detalyeng nakapaloob dito. Ayon kina Castillo at Abagon (2021), Kailangan ng mahusay at malalimang pagbasa ang pagsusuri. Ito ay ginagawa upang magkaroon ng malawak na komprehensyon ang mga mag-aaral at matutong magsuri sa mga elementong nakapaloob dito, tulad ng: sukat, saknong, tugma, kariktan, talinhaga, anyo, tono/indayog at persona. Ang pag-aaral na ito nakatuon sa Pagsusuri sa mga Piling saknong ng Florante at Laura gamit ang tayutay at simbolismo. Ang pigura 1 ang ginamit bilang batayang konseptwal sa isinagawang pag-aaral. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Nilalayon ng pananaliksik na ito na mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Kritikal na pagsusuri ng mga Piling saknong ng Florante at Laura gamit ang tayutay at simbolismo; Layunin din nitong mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-anong tayutay ang matatagpuan sa mga piling saknong na sinusuri? 2. Anu-anong simbolismo ang ginamit sa mga piling saknong na sinuri? 3. Ano ang naging epekto ng pagsusuri ng mga piling saknong gamit ang bisang- pampanitikan? METODOLOHIYA Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng palarawang pamamaraan o deskriptiv na metodo. Ito ay palarawang pamamaraan sa proseso ng pagsusuri sa (10) piling saknong ng Florante at Laura. Samakatuwid, Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagsusuri, pagpili ng mga saknong, paggamit ng tayutay at simbolismo upang mapatunayan na ang bisa ng pagsusuri at pagbabasa ng saknong gamit ang bisang-pampanitikan. RESULTA AT PAGTALAKAY Ang resulta ng pag-aaral ay iniharap at tinalakay bilang patunay sa layunin ng pag-aaral, Ito ay ang Kritikal na Pagsusuri sa mga Piling Saknong ng Florante at Laura gamit ang Tayutay at Simbolismo PAGSUSURI GAMIT ANG TAYUTAY Batay sa Talahanayan 1, sa (10) saknong na sinuri ay mayroong (12) tayutay na natagpuan at ito ay may kabuuang (12) sa frequency at kabuuang 100%. Ang saknong na Para kay Selya (7) ay pagmamalabis 8.33%, Para kay Selya (9) ay Pag-uyam 8.33%, Ang Paglalarawan sa kalagayan ni Florante (9) ay Pagmamalabis 8.33%, Para kay Selya (13) ay Pagmamalabis 8.33%, Kabanata 4 (13) ay Pagwawangis at Pagsasatao 8.33%, Kabanata (14) Pagmamalabis 8.33%, Para kay Selya (22) ay Pagtutulad 8.33%, Epekto ng Paninibugho ni Florante (41) ay Pagmamalabis 8.33%, Epekto ng Paninibugho ni Florante (42) ay Pagtutulad at Pagmamalabis 8.33% at Unang Pagkikita (278) ay Pagmamalabis 8.33%. Samakatuwid, batay sa pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik ang mga piling saknong na sinuri ay magpapatunay na ito ay naglalaman ng mga tayutay. PAGSUSURI GAMIT ANG SIMBOLISMO Batay sa Talahanayan 2, Ang mga piling saknong na sinuri ng mga mananaliksik ay kakikitaan ng simbolismong maaaring lapatan ng pagpapakahulugan batay sa pagkakagamit sa bawat taludtod. Samakatuwid, batay sa pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik ang mga piling saknong na sinuri ay magpapatunay na ito ay naglalaman ng mga simbolismo at imahe. PAGSUSURI GAMIT ANG BISANG PAMPANITIKAN Batay sa Talahanayan 3, Ang mga piling saknong na sinuri ng mga mananaliksik ay nakabuo ng kanilang mga kritikal na pagsusuri gamit ang bisang-pampanitikan. Iniugnay nila ito sa mga pananaw na Samakatuwid, batay sa pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik ang mga piling saknong na sinuri ay magpapatunay na ito ay maaaring lapatan ng Bisang-Pampanitikan . REKOMENDASYON Matapos maisagawa ang pag-aaral, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang sumusunod na magsasagawa ng pag-aaral ng Kritikal na pagsusuri ng mga Piling saknong ng Florante at Laura gamit ang tayutay at simbolismo; 1. Para sa Kagawaran ng Edukasyon, Magsagawa ng mga pagtalakay at pagsasanay sa mga mag-aaral at guro sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan upang magkaroon ng sapat na kaalaman 2. Magkaroon ng sapat na plano at pamamahal sa oras upang maituro sa mga mag-aaral ang mga kailangan isagawa kapag nagsusuri 3. Magkaroon ng maayos at malinaw na komunikasyon ang guro at mag-aaral 4. Pagdaragdag ng mga sanggunian upang makapagbasa at makakalap ng impormasyon SANGGUNIAN: Angel, Daryll Jim R. (2019). Kakayahan sa Pagsusuri ng Tula. American Journal of Humanities and Social Science Research. Vol. 03, Issue: 09, pp. 181-187 Castillo, Grace Harue, Abagon, Baby S. (2021). Antas ng kakayahan sa Pagsusuri ng Tula ng mga mag-aaral na nasa Grade 9 ng Cabangon National High School, Zambales. American Journal of Humanities and Social Science Research. Vol. 5, Issue: 6, pp. 275-281 Rodge Oz Cairo P. Estrecho Samantha Shakira I. Obrero LeanKlaire A. Panganiban Jean Paulene L. Sevilla Bryan Angelo F. Ilagan “Ang Batang Navoteńo ay Disiplinado.”